You are on page 1of 1

Sintesis Ang pagdidirect selling ay isang malawak na gampanin ng mga negosyante o kahit simpleng tao lang na pumasok rito.

Maraming tao ang sumubok at sumusubok na gawin nila ito bilang pagkakaitaan dahilan sa marami silang nakukuhan benepisyo. Mga benepisyong napapakinabangan nila sa kanilang sarili at gayundin ang pang sosyal na pakikisalamuha. Ayon sa mga pag-aaral ang mga taong pumapasok rito ay nagkakaroon ng panghabambuhay na magandang benepisyo. Lingid sa kaalaman natin ang pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik ay may malaking kahalintulad sa iba pang nanaliksik ukol sa direct selling. Tuwiran nilang pinapaliwang ang kagandahan at ang mga positibong nakukuha nila. Bilang parte ng tinatawag na direct selling sales force ang mga mag-aaral na umapak at sumubok dito ay nagkakaroon ng magandang karanasan na naiiaaplay nila sa kanilang buhay. Gaya ng pag-aaral na ito inilalahad din ng iba pang pag-aaral na totoo ngang ang bawat direct sellers ay mayroong natutunan sa kanilang business life. Ang pag-aaral na ito ay may malaking kaugnayan sa iba pang pag-aaral na nagawa na dahil gaya ng mga resulta na nakuha mula rito ay lumalabas din na katulad sa iba pang pag-aaral. Natuklasan din na hindi lang sa ating bansa mayroong direct selling para sa mga mag-aaral dahil mayroon din pala ang ibang bansa gaya ng sa Amerika, Japan at sa mga karatig bansa sa Asya.

You might also like