You are on page 1of 1

Trabaho (Tula ni Meric Mara) Trabaho lang ng trabaho;kumayod ng kayod kabayo Lahat ay walang kaso Basta masaya at tama

ang ginagawa mo Hirap ay may mararating;sa hirap ay maysusupling Sa mga hirap na itinanim uulan ang mga gantimpalang magagaling Sa mundong ginagalawan trabaho ay may mga tipo Ibang ibang larangan at may mga manggagantso Kaya sa lugar na ganito maghandang totoo Di mo alam kung sino ang kalaban at kakampi mo Ang trabaho ay labanan ng tunay na magagaling Hindi ito usapan kung tunay kang kaibigang tambing Proteksyon sa sarili at mga taong sa paligid laging ihambing Ang tunay na mahalaga at maging di kalibreng may lambing Sa tunay na pagtatrabaho ingatan din ang sarili mo Wag hayaang malugmok sa mga delikadong tukso Lagyan ng konting balanse ang katawan na puhunan mo Halimbawa ay musika at sports makakatulong na sigurado Trabahong may panalangin iyan ang makapagpahimbing Saliwan pa ng mga taong tunay na matulungin Pagkatuto sa karanasan ay malaking partisipasyon din Umiwas sa mga nadaanang ganid at tunay na tiyakin Trabaho..trabaho..umayos sa trabaho Kahit mahirapmay matatamo.. Tamang kinabukasan sa mga minamahal mo.. Tamang trabahowalang gantso..

You might also like