You are on page 1of 6

Ang Ponemang Suprasegmental

Ang suprasegmental ay makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi


tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Inihuhudyat o sinisimbolo ito ng mga
notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o
isang pahayag.

Diin

bilang ponemang suprasegmental, ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas


ng tinig sa pagbigkas
ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na
/may/.
Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang
pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya
masasabing /laMANG/siya.

Tono
ito ay paraan ng pagbigkas na maaaring malambing, pagalit,
marahan, o kayay waring laging aburido kundi man nasasabik.
Halimbawa: Ikaw pala! (nagulat)

Antala
nangangahulugang paghinto o pagtigil ng pagsasalita na maaaring
panandalian (sa gitna ng pag-uusap) o pangmatagalan (katapusan ng
paguusap).
Ito ay sinisimbolo ng tuldok (.) at kuwit (,).
Halimbawa: Maria/ Rhodora Antonio/ ang tawag sa kanya./
Maria Rhodora/ Antonio ang tawag sa kanya.//

Panuto: Batay sa ibinigay na pahiwatig, piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan
ito.Ipaliwanag ang ipinapahiwatig ng bawat pangungusap sa bilang 1-3 at isulat ito
sa maypatlang. Salungguhitan ang diin na nagpapaiba-iba sa pagpapahayag ng
pangungusap.1.

1. Alin sa ibaba ang nagpahayag na si Charlene ang nagbigay ng regalo.


A.Hindi si Charlene/ang nagregalo. ___________________________________
B.Hindi/si Charlene ang nagregalo.___________________________________
C.Hindi si Charlene ang nagregalo.____________________________________
D.Hindi/si Charlene/ang nagregalo.___________________________________
2. Sinabi ni Aga na kagila-gilalas ang nakita.
A.Kagila-gilalas/ang wika/ni Aga._____________________________________
B.Kagila-gilalas ang wika/ni Aga._____________________________________
C.Kagila-gilalas/ang wika ni Aga._____________________________________
D.Kagila-gilalas ang wika ni Aga.______________________________________
3.Ipinahiwatig nito ang ibang tao ang may gawa kundi si Joel.
A. Hindi siya si Joel. __________________________________________
B. Hindi siya si/ Joel.__________________________________________
C. Hindi siya/ si Joel.__________________________________________
D. Hindi/ siya si Joel.__________________________________________
4. Ang pahayag na, Hindi, ikaw ang kumuha ng susi. ay nangangahulugang
________.
A.siya ang kumuha ng susi
B.hindi siya ang kumuha ng susi
.ipinipilit na siya ang kumuha ng susi
D.pinatunayang siya ang kumuha ng susi

5. Ito ang taas-baba ng tinig na iniukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.
A. antala/hinto
B. diin
C. haba
D. tono
6. Ito ang lakas ng pantig sa pagbigkas ng salita.
A. antala/hinto
B. diin
C. haba
D. tono

PAGHIHINUHA
Ito ay kadalasang ginagawa ng isang matalinong mambabasa upang

Mga Salitang
Naghihinuha
wari

tila

marahil siguro

yata

baka

mabatid ang kahihinatnan ng mga sitwasyon sa isang akda. Kadalasang


hinuhulaan ng mambabasa ang nais iparating ng manunulat sa kanya upang
lubos na makita ang esensya ng isang akda.

Halimbawa:
1 .Marahil naglaro nanaman dito ang mga bata,dahil napakadumi na
naman dito sa loob.
2. Tila may malakas na ulan ang dadaan sa ating bayan,sapagkat
napakadilim ng kalangitan.
3. Siguro mabuting bata siya ,dahil maganda nag pakikitungo niya sa
atin.
4. Waring napakasama ni Berto sa kanyang anak,dahil puro galos ang
katawan ng kanyang anak.

Pagsasanay:
A.Panuto: Lagyan ng tsek(/)ang mga pangungusap na nagtataglay ng
salitang naghihinuha at ekis(x)kung wala.
_______1.Siguro nasa trabaho si nilo,sapagkat wala siya sa kanyang bahay.
_______2.Nasa lamay ang aking pinsan sa Cubao.
_______3.Uulan yata ngayong hapon dahil napakainit ngayon.
_______4.Galit nag alit si Nena nang lumapit siya sa akin.
_______5.Tila nahihilo ata ako sapagkat umiikot ang aking paningin.
B.Salungguhitan ang salitang naghihinuha sa bawat pangungusap.
1. Matamlay ang batang iyon. Baka siya ay may malubhang sakit.
2. Tila nagbabadya ang kalangitan ngayon sapagkat napakadilim ng
kalangitan.

3. Bakit kaya tahimik si Ramil? Siguro may malubhang sakit siya ngayon.
4. Waring nagbabadyang pumutok ang bulkan, dahil sa pagyanig nito.
5. Galit siguro sa akin siLito . Dahil hindi niya ako pina pansin.

Kasanayang Panggramatika
Anapora
Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng
texto o pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalang binanggit sa unahan. Halimbawa:
a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa
Palawan dahil silay

totoong nagagandahan dito.

b. Si Gracia Burnham ay isa sa mga dayuhang turista na pumunta sa


Dos Palmas Resort

dahil ayon sa kanya, paborito niya itong pasyalan.


Katapora

Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng


panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o
pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o
pahayag.
Halimbawa:
a. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang
mga turistay

totoong nagagandahan dito.

b. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa


Dos Palmas Resort sa

Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito

niya itong pasyalan.


Pagsasanay:
Ang mga sumusunod ay katulad na pahayag mula sa textong binasa.
Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol sa anapora ang panghalip na
may salungguhit at PK kung pagpapatungkol sa katapora ang ginamit na
panghalip na may salungguhit sa pahayag.

_____1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang


turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.
_____2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating
Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas.
_____3. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak
daw ang turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw siyang
pangulo.
_____4. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano
muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.
_____5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya
ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Arroyo
Panuto: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga
pangungusap. Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay anapora o katapora.
_______________1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na
Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko
noon.
_______________2. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa
pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya sa
mga nangangailangan at kapuspalad.
_______________3. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya
Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red
Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan.
_______________ 4. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa
Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A.
Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula.
_______________ 5. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito
ay taglay niya hanggang kamatayan.

You might also like