You are on page 1of 12

Kabanata XXVIICapista:

Isagani, nais po kayong kausapin ni Padre Fernandez


Isagani:
Ano kaya ang kailangan niya?
*Nagkibit balikat ang capista at sinundan si Isagani ito*
Tagasalaysay:
Si Padre Fernandez ay isa sa mga prayle na kasama sa mga usapan sa Los Banos. Nung pumasok si Isagani sa silid
ay nakitang naghihintay ito.
*pumasok si Isagani sa silid ni Padre Fernandez. Si Padre Fernandez ay malungkot, kunot ang noo, at malalimang
iniisip. Tumayo nang nakita si Isagani. Kinamayan ito at binati. Ipininid ang pinto at naglakad. Nanatiling nakatayo
si Isagani*
Padre Fernandez:
Ginoong Isagani, mula sa aking bintana ay narinig ko kayong nagtatalumpati. Marami naakong kabataan na
naturuan ngunit wala pa akong nakitang naglalakas-loob sa kanyang paninindigan tulad mo.May mga naninira sa
amin nang talikuran ngunit sa harapan ay humahalik sa kamay. Ano ang ibig mong gawinnamin sa mga taong
ganoon?
Isagani:
Hindi nyo po sila masisi, Padre. Naturuan sila ng maging mapagkunwari at pigilin ang kalayaannamagsalita.
Sapagkat, kapag ang kanilang sinasabi ay hindi ninyo sinasang-ayunan, itoy itinatak bilang isang pag-aalsa.
Padre Fernandez
(nagbubuntong-hininga): Hay. Ngayon matanong kita, ano ang gusto ng mga mag-aaral naPilipino na gawin namin?
*Nagulat si Isagani at sumagot nang mabilisan*
Isagani:
Tuparin ninyo ang inyong tungkulin
Padre Fernandez:
Bakit? Hindi ba namin yun ginagawa?
Isagani
: Padre Fernandez, kayong mga prayle, bilang mga guro, ay may tungkulin na hubugin sa lalongmabuting paraan
ang pangangatawan at pag-uugali ng mga kabataan.. Ngayon, ako naman ay may tanong,natupad ba ng mga prayle
ang kanilang mga pinananagutan?
Padre Fernandez:
Oo, tumutupad kami.
Isagani:
Ngunit bakit hinahadlangan ang pagtuturo! Kahit ang mga bilanggo ay tinutulungan at pinakikingganng pamahalaan
ngunit kaming mga mag-aaral ay napapabayaan!
Padre Fernandez
: Lumalagpas ka sa ating pinagkasunduan, Isagani.
Isagani
: Hindi, Padre. Tinatalakay ko pa rin ang mga suliranin ng mga mag-aaral. Ang paghadlang ng mga prayle sa aming
pagkatuto ang sanhi ng aming kawalang kasiyahan.
Padre Fernandez
: Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapat-dapat pagkalooban. Angipagkaloob iyon sa mga
taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay lamang.
Isagani:
Bakit may mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal?
Padre Fernandez
: Iyan ang mga kasiraang nasanay mula pagkabata, na nagmula sa kapaligiran ng pamilya.
Isagani
: Hindi po, Padre Fernandez. Ayaw ninyong suriing mabuti ang ugat ng suliranin. Kung ano man kami,ay kayo ang
may gawa. Sumasang-ayon ako sa inyo na kamiy mayroong mga kahinaan. Sino ang dapat sisihinsa mga ito? Kayo
ba na nagturo sa amin o kami na sumunod sa inyo?
Padre Fernandez

: Nauunawaan ko. kayo at kamiy nagsasayaw sa himig ng isang tugtugin. Naniniwala ka bana kaming mga prayle
ay walang budhi at hindi nagnanasa ng kabutihan? Ngunit gaya rin ninyo,kinakailangang sumunod kami sa himig ng
tugtugin. Kung hindi kayo ang magpapalayas sa amin, ang pamahalaan ang gagawa niyan.
Isagani:
Kung gayoy, hinahangad ng pamahalaan ang aming kasamaan.
Padre Fernandez:
Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay may mga paniniwala, mga batasna mabubuti ang
layunin, ngunit nagbubunga ng di magandang pangyayari. Corruptissima in republica plurimaeleges ang sabi ni
Tacito. Ang bayan ay lalong sumasama kung napakaraming mga batas. Ang pagkawala ng pagtitiwala sa kabaitan ng
bayan ang mag-uudyok sa kanila ng gumawa ng kasamaan.
*huminto si Padre Fernandez*
Padre Fernandez:
Lumalayo na tayo sa paksa. Ngunit aking masasabi na hindi nasa pamahalaan o sa amin angkasalanan, kundi sa
aming lipunan mismo. Ang lipunan, na puno ng mga kapinsanan, ay nagiging dahilan ngkanyang sariling pagkasira

Isagani
: Ngunit hindi nyo binibigyang pansin ang inyong sariling kasiraan at nagbigay pokus sa pag-ayos samga kasiraan
ng iba.
Padre Fernandez
: Ang Pilipinas ay nasa kamay ng mga Kastila. Itoy kailangan mong tanggapin, Isagani. Ngunit, masyado na tayong
napalayo sa paksa. Muli kong itatanong, ano ba ang hinihiling ng mga mag-aaralmula sa aming mga prayle?
Isagani:
Huwag humadlang sa kalayaan ng pag-aral. At sa halip, itaguyod ito.
Padre Fernandez:
Itoy isang malaking hiling. Para mo na ring sinabing kami ay magpatiwakal. Ang dapatninyong hilingin muna ay
ang hindi napakabigat.
Isagani:
Kung gayoy tumungo tayo sa mga kasanhian. Ikabubuti ng mga mag-aaral kung ayusin ng mga propesor ang
kanilang mga ugali.
Padre Fernandez:
Ano?! Mayroon ba akong inuugali na di naiibigan ng mga mag-aaral?
Isagani
: Padre, hindi ko po kayo tinutukoy. Pinag-uusapan natin ang pangkalahatan. Marami sa mga mag-aaralay
pumapasok sa silid-aralan at umaalis nang walang natututunan at paggalang na rin sa sarili.
Padre Fernandez
: Walang pumipilit naman sa kanila na mag-aral. Marami namang trabahong mahahanap sakabukiran
Isagani
: Tungkulin ng bawat tao ang kagalingang pansarili. Bukod dito, ang tao ay may katutubong hangarin namatamo ang
karunungan, lalo na kung itoy pinipigil. Oo, Padre, may nag-uudyok sa kanilang mag-aral, ngunitwalang tigil ang
inyong panlalait. Kinukuha niyo ang lahat mula sa amin, tapos pinagtatawanan ang aming mga pagkulang. Sapat na
ba sa inyo na kamiy maging isang bayan ng mga magsasaka? Ang karunungan ba ay parasa inyo lamang?
Padre Fernandez
: Hindi! Ang karunungan ay para sa taong karapat-dapat na magkaroon nito. Kung may mgamasasamang guro,ito ay
dahil sa mga estudyanteng palaging nagrereklamo!
Isagani:
Kung kailan magkaroon ng tunay na propesor, magkakaroon din ng tunay na mag-aaral
Padre Fernandez:
Simulan ninyo. Kayo ang nangangailangan ng pagbabago. Susunod kami
Isagani
: Sisimulan nga namin, Padre. Ngunit, alam natin kung ano ang naghihintay sa isang mag-aaral nanakikipagtalo sa
kanyang guro.
*ngumiti si Isagani ng malungkot*
Padre Fernandez:

Kakausapin ko ang aking mga kapatid tungkol sa iyong mga sinabi. Ngunit baka hindi nila paniwalaan na isang
taong tulad moy totoo.
Isagani
: Iyan din po ang pangamba ko.
*nagkamay sina Isagani at Padre Fernandez. Namaalam si Isagani at umalis**MULA SA LIKOD NG KURTINA
Mag-aaral:
Saan ka pupunta, Isagani?
Isagani
: Sa tanggapan ng pamahalaang sibil. Titingnan ko ang mga paskin at makikisama sa iba!
Mag-aaral:
HA?!
Padre Fernandez
: Hay! Kinaiingitan ko ang mga Heswitang nagturo sa binatang iyon!

Kabanata XXVIII(bold Italicized-sinasabi ni Ben Zayb sa


gilid (aside))
*Eksena: Sa may labas ng tindahan ni Quiroga at sa may kalye
Ben Zayb:
Ako lang naman ang nag-iisip sa Pilipinas! Ang pagpapaaral ay masama, napakasama sa Pilipinas! Dahil dito,
tignan ninyo ito ang mga nangyayari ngayon Ang Maynila ay punung-puno ng takot at pagkabalisa. Ang balita ng
napipintong paghihimagsik ay nagresulta sa ibat-ibang mga reaksyon mula sa mga mamamayan.
Quiroga:
Hala! Hindi na napunta sa aking tindahan ang mga prayle! Meron pa naman ako bago paninda! Anona ba itong
nangyayari? Napakasama nito, napakasama! Naku, kailangan na kausapin si Ginoong Simoun! Alam niya ano
gagawin ko sa aking tindahan! Alam niya anogagawin sa nakatago na baul at iba pa gamit! Ako ay takot na, baka
mahuli ang itinatago sa aking tindahan!
Inihanda ni Quiroga ang kanyang tindahan para madaling isara kung may mangyari mang kaguluhan o paghahanap. Magpapasama ito sa
guardia civil patungo sa bahay ni Simoun.
Guardia Civil:
Nandito na po tayo sa tahanan ni Ginoong Simoun ngunit ayaw niya makipagkita kahit kanino.
Quiroga:
Eh si Don Custodio?
Guardia Civil:
Si Don Custodio naman po ay di tumatanggap ng panauhin.
Quiroga:
Hay naku, si Ben Zayb na lang Mahingan ko siya ng balita.
Nang pumunta si Quiroga sa bahay ng batikang manunulat na si Ben Zayb, katulad ng kanyang naunang dalawang binisita, ay naghahanda
din ito. Napakahanda nga, na may dalawang rebolber na nakalabas at ginamit pa itong pamatong ng papel. Dahil marahil sa takot sa armas,
umuwi at nagkulong si Quiroga sakanyang bahay, at nagpalusot na masama raw ang pakiramdam.
*Nagbubulung-bulungan ang mga tao, tutunog ang relo na ikaapat na ng hapon
Bali-balita raw na kakaligtas lang ng kapitan heneral mula sa tila tiyak na kapahamakan. Muntikan na daw mahulog sa mga kamay ng mga
batang pilibustero ang Kapitan Heneral, ngunit iniligtas daw siya ng Maykapal. Dinakipi ang mga mag-aaral.
Mamamayan 1:
Ang gulu-gulo na, walang kapupuntahan to! Dapat kasi, barilin na yang mga yan! Ang daminilang reklamo,
ipatapon na silang lahat!
Mamamayan 2:
Pakita lang naman nila yan! Kunwari daw matapang sila. Aba, eh, tingnan natin. Maglagay kang isang batalyon ng
mga kawal na may dalang sable at kanyon, ilagay mo sa kalye. Magsisiuwi rin sa kani-kanilang bahay ang lahat.
*Samantala, kinakausap ni Padre Irene Si Kapitan Tiyago.*Sa tagiliran ng kama ni Kapitan Tiyago ay kinakausap si
Padre Irene
Padre Irene:

Magpakahinahon, yan ang ipinayo ko. Ano na lang siguro kung wala ako doon noong panahonna yon, dumanak na
sana ang dugo. Ngunit naalala kita, kapitan. Walang napala ang pangkat nila sa heneral. Nanghihinayang sila na
wala si Simoun kung di lang sana siya nagkasakit!
Pagkasabi nito ni Padre Irene at nalaman ni Kapitan Tiyago na nahuli si Basilio, lumubha ang kalagayanng maysakit. Nagsimula itong
maghingalo sinakmal ito ng takot.
Kapitan Tiyago:
*
Nangangatal at hindi na makapagsalita, humawak sa bisig ng prayle at sinubukang bumangon*
Uuuuhhhhhhh *
Umungol ng makalawa at bumagsak sa unan*
Namatay na si Kapitan Tiyago. Sa takot at pagkataranta, dali daling lumisan si Padre Irene at sa pagmamadali ay nakaladkad nito ang
bangkay mula sa kama papunta sa gitna ng silid, dahil sa nakakapit pa ito sa bisig.
*Mga mamayan na nagtatakbuhan, nagsisigawan, nag-uusap, nagdarasal, etc.
Sa kabilang dako ay may binyagan na nagaganap. Ngunit sa pagaakala ng isang militar na nagdaraan namay nangyayaring pagpaplano ng
himagsikan, nilusob niya ang kaganapan sa pamamagitan ng kanyang sable. Ni napakaliit na bagay ay pinapalaki at dahilan ng pagkaalarma,
gaya na ang ng
pagkatagpo ng mgaarmas sa isang bahay. Isang guardia civil, isang bingi at isang baboy, ang namatay nang gabing
iyon.Maraming nahuli, maraming pinag-usapan at mga haka-haka. Nagkalat ang mga nagdarasal, mga guardiacivil
at ibat iba pang pangyayari na walang kaugnayan, lalong dumagdag sa gulo.*Sa platerya
Sa platerya naman, kung saan naninirahan si Placido, ay pinag-uusapan ang mga nangyari noong araw naiyon ng may katapatan
Platero:
Hindi ako naniniwala na mayroong mga paskin. Sus, pilibustero daw! Gawa-gawa lang yan lahat niPadre Salvi.
Punong Platero:
*Umuubo at natatakot sa paksang pinag-uusapan. Parang nininerbyos*
Eskribyente:
Hindi, totoo yang tungkol sa mga paskin. Ipapaliwanag ko sa inyo. Makinig kang mabutiChichoy Pakana iyan
lahat ng Instik na si Quiroga. Maniwala ka sa kin. Yang Instik na yan ang nasa likodng lahat ng ito! Iyan ang
narinig ko sa tanggapan.
Chichoy:
Ang kabanal-banalan kong Ina! Kung gayon, totoo nga pala!
Eskribyente:
Ginawa niyang isyu ang mga paskin para hindi mahalata ang kanyang ginagawa. Habang gulong-gulo ang lahat at
abala doon sa mga mag-aaral, eh di sasamantalahin niya at manunuhol yan doon sa Adwana para makapasok yung
mga pilak niya.
Chichoy:
Siya nga! *Susuntok sa mesa* Yang Instik na si Quiroga
Naputol ang usapan nang may narinig na mga yabag sa labas ang punong platero na hindi nagsalita sausapan dahil sa kaduwagan. Dumating
sina Placido at ang dalubhasa sa paggawa ng paputok.
Placido:
Hindi ko nakausap ang mga bilanggo. Mga tatlumpu sila.
Dalubhasa:
Magsipaghanda na kayo! Ngayong gabi raw magkakaroon ng pagpatay.
Chichoy:
Ano?! Lintik!
Punong Platero:
*Takot na takot, nagsisimula nang umiyak*
Eskribyente:
O, sige. Hindi magkakaroon ng pagpatay. Sa kabutihang-palad maysakit ang tagapayo ngkanyang kamahalan. Si
Simoun!
*Nagkatinginan si Placido at ang dalubhasa, umubo ulit ang punong platero*
Chichoy:
Kung hindi nagkasakit ang taong iyan
Dalubhasa:
Gagawa-gawa wari ng isang himagsikan At ano na ang gagawin natin ngayon?
Chichoy:
Baka nagkukunwaring maysakit lang iyan. Takot siguro lumabas! Pag nakita ko siya

Dalubhasa:
Gayunman, magsipaghanda! Kung tayoy pipiliting pumatay o mapatay
Platero:
Mag-iingat kayo!
*Umalis na sila. Takot na takot na ang mga naiwan*
Namamasyal ako sa Luneta nang makita ko ang isang bangkay ng babaeng Indio na halos wala nang damit. Nagpatuloy akong lumakad.
Nag-isip ako kaagad ng balita na maisusulatKailangan ko itong ilathala at wala na akong ibang iisipin pa! Ipapakita ko ang kalungkutan
nito
*Sa susunod na araw
Ako lang ang nag-iisip sa Pilipinas. Ako ay nag-uukol ng isang dasal sa Pilipinas ano nga ba iyon? Malungkot Ah, alam ko na! Dahil
madalas ito pinsalain ng bagyo

Kabanata XXIXTagapagsalaysay
: Maganda ang naging wakas ni Kapitan Tiyago. Napagusapan ng kura paroko at ni Padre Irene ang kanyang
pagkamatay.
Kura Paroko:
Ipinapaalala ko sayo Padre Irene, hindi nakapangumpisal si Kapitan Tiyago bago siyamamatay.
Padre Irene
: Hindi dapat ipagkait ang exequias sa lahat ng namatay na di nakapangumpisal mas lalo na sa mgamakapagbabayad
tulad ni Kapitan Tiyago. Ang mahigpit na pagkakait ng exequias ay ginagawa lamang sa mgahindi
makapagbabayad.
Tagapagsalaysay:
Ginawang tagapangasiwa at tagapagpatupad ng mga huling habiling ni Kapitan Tiyago siPadre Irene.
Padre Irene:
Nag-iwan si Kapitan Tiyago ng kanyang ari-arian sa Kumbento ng Santa Clara, sa papa, saarsobispo, at sa
korporasyon ng mga pari. Nag-iwan rin siya ng dalawampung piso para sa matrikula ngmahihirap at masisipag na
batang mag-aaral. Tungkol naman sa pamanang dalawamput limang piso kayBasilio na ibinawi ni Kapitan Tiyago
ng mga huling araw niya. Kukunin ko na lamang ang ganitong halaga sasarili kong bulsa upang maibigay kay
Basilio.
Tagapagsalaysay:
Kinabukasan ay nagkatipun-tipon ang mga kakilala at kaibigan ni Kapitan Tiyago sa bahayng namatay.
Napagusapan nila ang himalang nangyari sa kaluluwa ni Kapitan Tiyago noong mga panahongnanghihingalo na
siya.
*
Pagsasalaysay ng Nakaraan (tapagagsalaysay)
: Nagpakita ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago na naliligo saliwanag sa mga mongha. Siya daw ay nakasuot ng prak at
ang kanyang mga pisngi ay nakaumbok dahil sa sapal ng hitso. Meron din daw siyang dalang kuwakong panghithit
at manok na pansabong. Sinasabing iniligtas ng Diyos ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago sa dami ng pamisa at pamana
niya sa mga banal na bagay.
Tagapagsalaysay:
Napag-usapan rin nila ang mga haka-haka tungkol sa kabilang buhay. Pinagtalunan ni DonPrimitivo at Martin
Aristorenas ang tungkol sa pagsasabong sa langit at kung sino ang mananalo kunghahamunin ni Kapitan Tiyago si
San Pedro kung walang kamatayan ang mga ibon sa langit.
Don Primitivo
: Sinumay hindi maaring matalo. Ang pagkatalo ay lumilikha ng kalungkutan, walang sinumanang maaring
malungkot sa langit.
Martin Aristorenas:
Ngunit kinakailangang may manalo. Nasa pananalo ang sarap!
Don Primitivo
: O, di sige, kapwa sila mananalo! Ganon kasimple!
Tagapagsalysay:
Hindi matanggap ni Martin Aristorenas na kapwa mananalo ang mga manok. Patuloy nanangatwiran si Don
Primitivo, nagsasalita siya ng Latin habang umiiling si Martin Aristorenas sa kanyang mgasinasabi.
Don Primitivo:
Makakasala ka, kaibigang Martin, mahuhulog ka sa isang
erejia

!
Cave ne
cadas
! Hindona ako makikipagmonte sa iyo, ni hindi na tayo magkakabakas! Magdahan-dahan ka!
Quicumque non cerederit anathema, sit.
Tagapagsalaysay:
Sa ibang pulong ng mga bisita, napag-usapan ang tungkol sa patay. Napagtalunan angisusuot ng bangkay ni Kapitan
Tiyago.
Kapitan Tinong
: Damit ng Pransiskano ang dapat isuot ng bangkay. Maililigtas nito ang bangkay ni KapitanTiyago sa apoy ng
impyerno.
Mananahi:
Ngunit nakita ng mga mongha na naka-parak si Kapitan Tiyago papuntang langit. Dapat prak angsuot ng bangkay.
Meron akong nakahandang prak na aking maibebenta sa halagang tatlumput dalawang piso.Binabaan ko ang presyo
ng apat na piso sapagkat naging suki ko si Kapitan Tiyago nung buhay pa siya.
Padre Irene:
Dadamitan ang bangkay ng alin mang damit na luma nito. Hindi napupuna ng Diyos ang damit naisinusuot.
Tagapagsalaysay:
Napakaringal ng exequias ni Kapitan Tiyago. Tatlong prayle ang nagdiwang ng misa para salibing at ginawang
katulad ng isang katangi-tanging palabas ang mga seremonya. Maraming sinunong nakamanyang, maraming awit na
Latin. Nagbendisyon ng agua bendita. Nag-alay rin ng awit si Padre Irene atnagkaroon ng paulit-ulit na pagtugtog ng
kampana para sa patay. Tunay na kinainggitan ni Donya Patrocinioang libing ni Kapitan Tiyago. Siya ang nakalaban
ni Kapitan Tiyago sa pagkamasamabahin. Ninais rinniyang mamatay kinabukasan upang masaksihan ng mga tao
ang seremonya ng kanyang paglibing.

Kabanata XXXTagapagsalaysay
:
[segue mula sa huling kabanata]
Ang lahat ng mga mamamayan ay nag-usap tungkol sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago at sa pagkabilanggo ni
Basilio.
[pasok ang mga mamamayan na nagtitsismisan]
Mamamayan #1
: Napakalungkot ng mga nangyari!
Mamamayan #2
: Oo nga, pero kung tutuusin, mas nakalulungkot ang istorya ni Basilio kaysa kay KapitanTiyago
[pasok si Hermana Penchang]
Hermana Penchang
: Hay naku. Alam ko kung bakit siya nagkaganyan. Kapag pumapasok sa simbahan at nakitana marumi-rumi ang
bendita ay hindi na siya sasawak upang magkurus. Kung anu-ano ang sinasabing maliliit nahayop at sakit. Mabuti
nga sa kanya. Iyan ang parusa ng Diyos!
Mamamayan #2(lalaki)
: Hindi yan ang dahilan. Para sa akin, paghihiganti yan ng mga prayle dahil sa pagkakatubos niya kay Juli.
[pasok si Juli]
Tagapagsalaysay
: Napakarami ang mga sinabi ng mga mamamayan tungkol dito, ngunit nang malaman ni Juliang balita tungkol kay
Basilio ay wala siyang masabi.
Hermana Bali
: Uulitin ko pa ba ng isang beses? Nabilanggo si Basilio.
[mahihimatay si Juli; sasampalin ni Hermana Bali si Juli upang gisingin siya]
Hermana Bali
: Ija, ija! Magising ka nga!
[magigising si Juli]
Ang dapat mong gawin ay humingi ng tulong.Halika, punta tayo sa kura paroko.
Juli
: Si Padre Camorra? Ay! Ayoko po!

Hermana Bali
: Hay naku. Maraming makakatulong sa iyo. Subukan natin ang kawani.
Tagapagsalaysay
: Pumunta sila sa kawani, dala ang sikapat at isang tabako. Ibinigay ito ni Juli sa kawani, ngunitsa huli ay wala rin
nagawa ang kawani.
[pasok kawani]

Kawani
: Kung nasa kabisera pa siya, baka makatutulong ako. Hindi saklaw ng aking kapangyarihan angMaynila.
Tagapagsalaysay
: Ipinayo rin ni Hermana Bali na bisitahin nila ang hukom tagapamayapa upang hingan ngtulong.
[pasok hukom]
Hukom
: Hija, dapat kang pumunta sa kura paroko. Alam mo na siyay makapangyarihan. Siya ang nagpalabas saiyong
ingkong sa bilangguan.
Hermana Bali
: Ano, Juli? Narinig mo ang payo ng hukom. Nabasa ko rin ang ganoong payo sa aklat dasalankayat sigurado ako
na kung lalapitan natin si Padre Camorra ay maililigtas si Basilio. Wala ka dapat alalahanindahil kasama mo ako!
Juli
: Maaari po bang kayo na lang ang pumunta sa kumbento?
Hukom
: Hindi maaari! Kailangang naroon ka, Juli. Mas nakakaakit humiling ang isang dalaga kaysa sa isangmatanda.
Tagapagsalaysay
: Dahil sa lubusang pagtanggi at pag-ayaw ni Juli ay umuwi na lamang sila.
Juli
[aside]: Kung alam niyo lang ang aking mga dahilan. Kung pupunta ako sa kumbento at lalapit kay PadreCamorra
ay mapapahamak ko ang aking sarili, susumpain ako ng mga tao at ng Diyos. Hindi ko ito nagawa parasa aking ama,
ngunit magagawa ko kaya para kay Basilio? Hindi. Hindi ko ito magagawa. Kasusuklaman ako niBasilio pag
nalaman niya ito. Kahit pa anong sabihin nila, walang nakakaalam nang namagitan sa amin ni PadreCamorra. Hindi
nila ako maiintindihan. Ngunit paano na si Basilio? Paano kung siyay barilin?
Manlalakbay
: Makinig kayong lahat! Lahat ng mga bilanggo ay napalaya na maliban na lamang kay Basilio!Kung may
tagapagtanggol lang sana siya..balita koy ipapatapon daw siya sa Carolinas.
Tagapagsalaysay
: Sa pagdating ng balitang ito ay nagwakas ang pag-aatubili ni Juli. Namutla siya at hinanap siHermana Bali.
Sasabihin niya dito na handa na niyang harapin si Padre Camorra. Sinuot ni Juli ang pinakamaganda niyang damit,
tila masiglang-masigla at nagsasalita ngunit hindi naman magkakaugnay ang mgasinasabi niya. Dali-daling naglakad
si Juli. Nagmamadali siyang makarating sa kumbento ngunit nang nalalapit nasa bayan ay pinaghinaan siya ng loob.
Hindi na siya umimik at bumagal ang kanyang paglakad.
Hermana Bali
: Juli, ano ba! Gagabihin tayo!
Juli
: Bumalik na lang po tayo! Ayoko na!
Hermana Bali
: Ano ka ba! Halika dito! Sinabi ko sayong walang mangyayaring masama. Lahat ng ito ay nasaaklat ng mga
prayle! Hindi kita iiwan. Nandito lang ako. Walang pwedeng gawin sa iyo si Padre Camorra. Isa kalamang
tagabukid.
Tagapagsalaysay
: Nakarating sila sa pintuan ng kumbento. Kumapit sa pader si Juli.
Juli
: Huwag po! Ayokong pumasok! Maawa kayo sa akin!
Hermana Bali
: Sige! Bumalik ka kung ayaw mo! Bayaan mong ipatapon si Basilio at barilin siya sa daan atsabihing nagtangkang
tumakas! Kapag patay na siya, saka ka magsisisi!

Tagapagsalaysay
: Natamaan si Juli sa ganitong pagkakasabi ni Hermana Bali. Dahil sa panunumbat, pikit-matasiyang pumasok sa
kumbento. Sinundan siya ni Hermana Bali at binigyan ng mga paalala. Nang gabing iyon aymaraming naging
bulung-bulungan tungkol sa naganap nang hapong iyon.
Tao 1
: Narinig mo ba ang nangyari kaninang hapon?
Tao 2
: May dalaga daw na tumalon mula sa bintana sa kumbento. Bumagsak siya at namatay.
Tao 3
: At kasabay daw niyon ay isa raw babaeng nagsisisigaw at nagtititiling parang isang baliw na lumabas sakumbento.
Tagapagsalaysay
: At ganoon na nga ang nangyari. Naging maingat ang mga tagaroon at hindi binanggit ang pangalan ng dalawang
babae. Nang magtakipsilim na, dumating si Tandang Selo sa pinto ng simbahan. Sinuntok niya ang pinto at nanangis
hanggang sa siyay ipinagtabuyan. Pumunta siya sa bahay ng gobernadorsilyo, hukom-tagapamayapa, tenyente
mayor at guardia civil ngunit silay nasa kumbento. Bumalik sa kanyang bahay angmatanda, kinuha ang sibat at
pumasok sa gubat.

Kabanata XXXI
*Nag-uusap ang isang mataas na kawani at ang Kapitan Heneral
Tagapagsalaysay:
Totoo ang sinasabi na nakalaya na ang mga mag-aaral. Gaya ng inaasahan siguro ng lahat, siMakaraig ang unang
nakalabas samantalay si Isagani ang huli. Ngunit mas malubha pa sa huling nakalabas, ayang kaawaawang si
Basilio, na nanatiling nakapiit.
Kapitan Heneral:
Si Basilio daw ay isang estudyante at alipin! Huwag siyang pakawalan!Mataas na Kawani: Paumanhin po Kapitan,
pero isa raw po siyang estudyante na nag-aaral ng medisina atmabuting mag-aaral batay sa kanyang mga guro.
Kailangan niya nalang ng isang taon na pag-aaral at patapos nasiya. Sayang naman po.
Kapitan Heneral:
Di mas mabuti na mapanatili siyang nakakulong. Mas mabuti ngang madagdagan ng isangtaon para maging mas
mahusay siyang doktor. At para hindi masabihin ng iba na wala akong pakialam para sa bansa!
Mataas na Kawani:
Pero siya ang pinaka innocente sa lahat! At ang hawak niyang mga libro ay para samedisina na sinulat ng mga
Kastila. At wala siya sa kainan at wala siyang ginawa.
Kapitan Heneral:
Ito ay mas mabuti pa! Para ang parusa niya ay makakatakot sa iba! Ganyan ang dapat na pamamahala! Isakripisyo
ang isa para sa ikabubuti ng lahat. Sa hakbang ko na ito, itinatama ko ang mali ngating mga opisyal at iba pa
Mataas na Kawani:
Pero Kapitan, hindi ka ba natatatkot na sisihin?
Kapitan heneral:
Bakit ako matatakot? Hindi bat akoy may kapangyrihan? Hindi ako pwedeng dalhin sakorte ng isang-alipin. Ang
pinaka importante sa akin ay ang aking konsensya at wala akong pake kung ano anginiisip ng iba.
Mataas na Kawani
: Oo Kapitan ngunit ang bansa?
Kapitan Heneral
: Psh! May responsibilidad ba ko sa bansa? May utang na loob ba ako sa bansa para sa aking posisyon?
Mataas na Kawani
: Hindi po ito importante. Nandiyan ka dahitl sa Espanya kayat mas lalong bigyan mo nangmabuting pagtrato ang
mga Pilipino para hindi sila magalit sa Espanya. Pinangako ninyo noong dumating kayodito na mamahala ng tama at
mabuti.
Kapitan Heneral
: Ano pa ba ang aking ginawa? Tinuturuan mo ba ako kung paano gawin ang aking trabaho?Kung hindi mo ako
naiintindihan, ako ba ang dapat sisihin?
Mataas na Kawani

: Wala po akong sinasabing ganon. Ayaw ko mawala sa Espanya ang bansang sinasakupannito na puno ng mga taong
masunurin at matiisin. Ayaw ko maging masama na tao dahil sa pasasamantala sakanila. Ayaw ko rin masabi
kailanman, na bagaman hindi na ginagawa ang pagbibili ng mga alipin, ay patuloy pa rin ang Espanya sa paggawa
nito. Ang Espanya ay hindi kailangang maging mapaniil upang maging dakila!Mas dakila pa ito noong wala pa
tayong sinasakupan na bansa. Patawad po kapitan pero pinaglalaruan po natinang kalayaan at buhay ng mga
Pilipino. Kapag hindi magbabago ito ay siguradong maghihimagsik sila balangaraw. Pinapanigan ko ang mga
Pilipino kapag silay naapi, kaysa magtagumpay kapanig ng isang bansa na anghangarin ay ikasasama lamang sa
sarili, kahit ang bansang iyon ay Espanya.
Kapitan Heneral
: Alam mo ba kung kailan aalis ang susunod na barkong pang-koreo?
*Nagbitiw na sa tungkulin ang Mataas na Kawani at bumalik sa Espanya
Mataas na Kawani
: Kung balang araw ay nakapagsarili na kayo, aalahanin ninyo na sa Espanya ay may mga pusong tumibok nang
dahil sa inyo at nagtanggol sa inyong karapatan!
Kutsero:
Sino po?

Kabanata XXXII
Ipinapakita ang isang lalaking mag-aaral na nagbabasa ng isang liham na galing sa kanyang ina
Ina:
Minamahal kong anak, pakiusap, umuwi ka nalang at tulungan mo ang itay sa pagsasaka. Galing saminamahal mong
ina.
Malungkot na binitawan ng lalaking magaaral ang liham at lumakad papalayo
Guro:
Ito na ang iyong mga resulta sa inyong nagawang pagsusulit
At sabay na kinuha ng mga estudyante ang kanilang mga papel na nagdulot ng iba't-ibang mga reaksyon samga
magaaral
Pecson:
Kasi naman eh hay naku! Hindi, okay lang yan!
Si Tadeo naman ay masayang-masaya habang sinusunog ang kanyang mga libro
Tadeo:
Sa wakas! Nandito na rin ang walang katapusang bakasyon!
Malungkot na naglalagkad si Juanito na nakakuba
Juanito Pelaez
: Paano na ito, mapipilitan na ako na sumama sa tatay sa kanyang pangangalakal
Si Makaraig naman ay pasikretong sinabi na
Makaraig:
Pupunta akong Europa!
Isagani at Sandoval:
Hay! Salamat! Nakapasa tayo!
Ipapakita si Basilio na nasa kulungan
Basilio:
Ang lungkot-lungkot naman rito
Ang mga guardya sibil ay pinipilit na itanong at saktan si BasilioSa kulungan
Sinong
: Ginoo, mayroon po akong dalang bagong balita
Basilio
: Ano yun Sinong?
Sinong:
Balita po galing sa Tiyani
Basilio:
Tungkol saan?
Sinong
: Tungkol po sa mga mahal ninyo
Basilio
: Sino?

Sinong:
Sina Juli at Tandang Selo po
Basilio:
Anong nangyari sa kanila?
Sinong:
Si Tandang Selo poy nawawala
Basilio:
Ano?! Kailan pa? Anong nangyari?! Si Juli?!?!?!
Sinong
: Si Juli po
Basilio
: Ano?!
Sinong
: Si Juli po ay patay na
Basilio
: Ano?!?!?! Bakit?! Anong nangyari?!?! Paano?!?
Ben Zayb
: Ano kaya ang dapat kong isulat na balita? Hmmm aha! Alam ko na! ang paggaling ni Simoun!
*Nagsimula magsulat sa papel at huminto sa pagsusulat upang magisip
Hmmm totoo kaya ang mga sabi-sabing si Simoun ay magbibigay ng isang malaking piging bilang pasasalamat sa
kanyang paggaling at pamamaalam na rin daw sa bayang magpalago sa kanyang kayamanankung sabagay, dahil
aalis na siya kasama ng kapitan heneral, maaaring may katotohanan nga ang balitang ito...
Paulita:
Hindi na maaaring ipagpatuloy namin ni Isagani ang relasyong ito. Hindi matatawaran ang pagkakamali niya.
Nabilanggo siya. Hindi ko kayang umibig sa isang lalaking mali ang pagkakakilala salipunan at sinisisi ng lahat
*Lumabas si Juanito Pelaez at kinausap ang sarili
Juanito Pelaez:
Ito na ang pagkakataon ko na mapaibig si Paulita sa akin.
*Pagdating ni Paulita
Paulita! Paulita! Sana ay mapakinggan mo muna ang aking hiling. Ako ay matalino, maliksi, masayahain atanak ng
isang mayaman na mangangalakal. Mas makabubuti para sa iyo kung ako ang pakasalan mo.
Paulita
: Kung sabagay, mas komportable nga ang magiging buhay ko kung ikaw ang pakakasalan ko
Juanito:
Kalimutan mo na ang Indiong si Isagani. Ako na ang mahalin mo
Paulita:
Oo, Ikaw nga ang mas nababagay sa akin.
*Maraming mga tao sa kalsada na masiglang nakikipag-usap sa isat- isa
Ale 1
: Narinig nyo ba ang tungkol sa salu-salong ibibigay ni Don Timoteo Pelaez sa kasal ng anak niya?
Ale 2:
Ang swerte naman niya, nakuha ang bahay ni Kap.Tiyago, kasosyo pa si Simoun sa negosyo at ngayonikakasal ang
anak sa isang maganda at mayamang babae.
Ale 3:
Ang sabi-sabi, napakaengrande daw ng mangyayaring pagsasalo
Lalaki 1
: At ang Kapitan Heneral daw ang magiging ninong. Sigurado akong si Simoun ang taong nag-aayosnito
Ale 2:
Kailan ba mangyayari ang kasal nila?
Ale 1
: dalawang araw bago umalis ang kanyang kamahalan.
Lalaki 1
: Si Simoun raw ay magreregalo ng mga brilyante at perlas sa ikakasal
Lalaki 2
: Bakit naman napakagrande ng regalo niya?
Lalaki 1

: Ito raw ang paraan niya na gulatin ang mga tao sa kanyang pamamaalam. Wala na namang natira para
sa kanya dito sa Pilipinas.
Lalaki 2
: Sana, maimbitahan ako sa kasal na ito
Ale 1:
Pinipiliit ko na nga ang asawa ko na bumili ng bakal at zinc para kaibiganin si Don Timoteo Pelaez
Ale 2
: Tama ka diyan. Hindi maaaring hindi makasama sa okasyong ito!

KABANATA XXXIIITagasalaysay:
Sa wakas, dumating na rin ang pinakahinihintay na araw ni Simoun. Hindi umalis ang
mangaalahas sa kanyang bahay halos ng buong umaga kasi siyay abalang-abala sa pag-aayos ng
kanyang armas atalahas. Nagbilin siya sa kanyang katulong na kapag may dumating na bisitang pangalan ay
Basilio ay papasukinn a k a a g a d . M u l a n a n g m a g k a s a k i t s i S i m o u n m a y p a g b a b a g o s a
k a n y a n g i t s u r a n a k a p a n s i n - p a n s i n . A n g kanyang mukha ay lalong tumigas at pumanglaw;
lumalim ang guhit sa pagitan ng kanyang dalawang kilay at ang kanyang ulo ay hindi na tayung-tayo. Sa
lalim ng kanyang pagiisip, hindi niya narinig ang katok sa pintuan. Nagulat siya nung itoy umulit at sinabing
Tuloy. Si Basilio ay dumating na. Pumasok ang binata sa silid ngwala mang bati. Ang pisikal na pagbabago
ng binata ay kagulat-gulat sa laki nito. Ang kanyang pisngi ay h u m p a k , a n g b u h o k a y g u s o t g u s o t . S a m a n t a l a a n g k a n y a n g m a t a n a d a t i y m a l u n g k o t a y n g a y o n m a y kakaibang kislap.
Basilio:
Ginoong Simoun, ako poy naging masamang anak at kapatid. Halos apat na buwan ng nakaraan nungkinausap mo
ako tungkol sa iyong mga balak. Tumanggi ako pero sa huli tama kayo. Nung nagsimula anghimagsikan ay hindi rin
ako nakiisa kaya nang mabigo ang kilusan, ang kapalit ng aking ginawa ay pagkabilanggo. Ang aking kalayaan ay
ang aking utang na loob sa iyo. Akoy handa ng maglingkod kasama nglahat ng mga sawimpalad.
Simoun:
Salamat, binata, salamat! Pinawi mo ang aking mga pangamba at pag-aalinlangan. Nung nabigo angkilusan, akoy
iniwan ng marami dahil nakita nila ako sa kawalang pag-asa. Ikaw, isang binata ay nandito paragisingin akong
kumilos. Kapag tayong dalawa at nagsanib pwersa ay buong husay maisasagawa ang balak. Sakabundukan ko rin
lamang nakita ang aking mga tauhan.
Tagasalaysay:
Isinama ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo, kung saan niya tinatago ang kanyang mgakimika.
*Maglalabas ng kahon na itim si Simoun.
Basilio:
Ano iyan?
Tagasalaysay:
Si Simoun ay naglabas ng isang ilawang may balat na ginto, na ang hugis ay tulad ng isanggranada na kasing laki ng
ulo ng tao. May maliit na bitak na may maliliit na butil sa loob ito. Naglabas din siyang isang prasko na naglalamang
ng manilaw-nilaw na likido nang hindi nagpapaliwanag.
*Tinitingnan ni Basilio nang maigi ang prasko.
Basilio:
Nitro-glicerina (
pabulong) ?
Nitro-glicerina! Pang dinamita!
Simoun:
Oo, pero hindi lang ito basta nitro-glicerina. Ito ang mga luhang naipon, mga sinisikil na poot,kawalang-katarungan,
at mga pang-aapi. Kaninay nagdadalawang isip akong gamitin ito, pero ang pagdatingmo ang naghikayat sa akin.
Ngayong gabi, ang mga mapaniil ay maparurusahan na din sa wakas. Ang buongPilipinas ay maririnig ang pagsabog
na wawasak sa bulok na balangkas.
*Inaayos na ni Simoun ang lampara.
Ngayong gabi ay may isang selebrasyon na magaganap. Ang lamparang ito ay ipapadala ko, at ilalagay ito sagitna
ng kiyoskong pagkakainan. Napakaliwanag ng ilaw na ibibigay nito, pero hihina matapos angdalawampung minuto.
Kapag itinaas nila ang mitsa ay sasabog ang kapsulo ng
fulminato de mercurio
atsasabog ang bomba, kasama ng silid-kainan, kung saan itinago ko sa bubong at sahig nito ang saku-sakong pulbura
ng baril. Walang makaliligtas.

Basilio:
Kung gayon ay hindi nyo na po pala kinakailangan ang tulong ko.
Simoun:
May iba akong ipapagawa sa iyo. Sa ganap na ikasiyam ng gabi ang bombay nakaputok na. Sa orasna ito, ang mga
kasama ko sa kilusan, ay magtitipun-tipon kasama ni Kabesang Tales sa labas ng bayan ng Sta.Mesa upang lusubin
ang siyudad. Ang mga militar naman ay paniniwalain ko na ang heneral ang may pakanang kunwaring himagsikang
ito para siyay magkaroon ng dahilang manatili sa kanyang tungkulin. Lalabas silasa kani-kanilang mga kuwartel at
puputukan ang sinumang ituro ko. Ang mga tao ay matatakot sapagkat iisipinnila na ipinautos silang ipapatay, at
mag-aalsa na rin upang harapin ang kamatayan. Wala silang sandata at
kaayusan, kaya kailangan ay ikaw ang mamuno sa kanila. Dalhin mo sila sa bodega ni Quiroga na pinagtaguanko ng
aking mga baril. Magtatagpo kami ni Kabesang Tales sa siyudad, at aagawin naming ito habangsinasakop ninyo ang
mga tulay sa kaugnog bayan. Magtitipun-tipon kayo upang humandang tumulong sa amin.Papatayin ang mga
kasangkot sa pakikipaglaban at ang lahat na tumangging makipaglaban.
Basilio
: Lahat?
Simoun:
Lahat, mga Indio, Mestiso, Intsik Kastila. Lahat ng walang lakas ng loob at matibay na pananalig.Kailangang
mapalitan ng bagong dugo ang lipi. Nanginginig ka at natatakot na pumatay? Ang pagwawasak ngkasamaan at
pagtitiis ay matatawag kong paglikha at pagbibigay buhay!
Tagasalaysay:
Ang mga matitinding salita ni Simoun ay nakapagsindak kay Basilio. Ang mahigit na tatlong buwang pagkabilanggo
ay nagpahina sa kanyang pag-iisip at ang kanyang pagkauhaw na makapaghiganti ay bumulag sa kanya.
Basilio:
Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganoong pagpatay?
Simoun
: Papupurihan ito ng daigdig. Ang pagpapatay ay pinapalakpakan ng buong mundo parang pagkataposng isang dula
kahit ito ay trahedya. Ang kaanyuan lamang ang pinapansin ng karaniwan tao, hindi ang sanhi.
Basilio:
Sang-ayon po ako. Anong halaga sa akin kung pumalakpak o tumuligsa ang daigdig na walang pagtingin sa naaapi
at mahihirap? Bakit ako magmamalasakit sa lipunang walang pagmamalasakit sa akin?
Simoun
: Iyan ang ibig kong marinig sa iyo.
[Kinuha ang rebolber sa kahon ng mesa at ibinigay kay Basilio]
Hintayin mo ako sa ganap na ikasampu, sa harap ng Simbahan ng San Sebastian para sa mga huling tagubilin.Sa
ganap na ikasiyam, nararapat na malayo, malayung-malayo ka na sa Daang Analoague!
Basilio:
[Siniyasat ang baril, nilagyan ito ng punlo at itinagi sa loob ng kanyang tsaketa] Sa muling pagkikita![Mabilis na
umalis]

You might also like