You are on page 1of 5

Deloso

Deloso, Halcyon Zenith


Dra. C. Santos
Komunikasyon at Pananaliksik
3 Oktubre 2016
SA LIKOD NG TABING: Paghahambing at Pagsusuri ng Komunikasyon sa Wikang Filipino
ng mga Aktor ng Dulaang Sibol sa Loob at Labas ng Tanghalan
Hindi masyadong magkalayo ang paggamit ng wikao para sa konteksto ng aral na
ito, ang wikang Filipinosa entablado at sa karaniwang buhay. Sa dula, may ibat ibang
tauhan na nagpapahayag ng mga mensahe gamit ang ibat ibang uri ng wikang Filipino
katulad ng rehistro, dayalek, sosyolek, at/o idyolek. Gayundin sa labas ng tanghalan kung
saan gumagamit ng ibat ibang rehistro, dayalek, sosyolek, at/o idyolek ng wikang Filipino
ang mga tao. Sa kabila ng pagkakatulad na ito, may dalawang pagkakaiba rin ang entablado
at ang totoong buhay: hindi totoo o masyadong pinagrabe ang mga nangyayari sa isang dula,
at may nasasalat na tabing ang entablado.
Ayon sa ikalawang edisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino, nangangahulugan ang
tabing sa nakabiting piraso ng tela na ginagamit upang hindi makapasok ang araw, dili
kayy blang palamuti ng isang silid, kanlungan, pansar ng entablado [Italics mine.], at
katulad (UP Diksiyonaryong Filipino 1197). Ginagamit ito bilang senyas ng pagsisimula
at pagtatapos ng dula, o bilang senyas ng pagpapatuloy sa susunod na yugto ng dula o ng
buong pagtatanghal. Sa pagtatapos ng bawat pagtatanghal, isinasara ang tabing at lumalabas
ang mga tao mula sa tanghalan. Marahil, may nagaganap pa rin sa likod ng tabing at pati sa
labas ng tanghalan.
Isinagawa ang pananaliksik sa Dulaang Sibol para sa aral na ito. Isa itong grupong
panteatro ng Mataas na Paaralang Ateneo de Manila, at binubuo ito ng mga mag-aaral na may
1 ng 5

Deloso
edad mula labinlima hanggang labinwalong taong gulang. Kabilang sa mga dulang iniambag
ng Dulaang Sibol ang Sinta, isang transplantationisang dulang nasa banyagang wika na
naiambag muli sa wikang Filipino sa dulang The Fantasticks. Nagdidiskurso,
nagmomonologo, at kumakanta sa pormal na rehistro ng wikang Filipino ang mga tauhan
dito. Kabilang din sa mga dula mula sa Dulaang Sibol ang Hervacio Tubulan, isang dulang
iniambag sa panahon ng Martial Law. Apat na uri ng wikang Filipino ang ginagamit dito:
swardspeak o salitang beki, jejenese o salitang kanto, salitang konyo, at ang pormal na
rehistro ng wikang Filipino. Sa pangkalahatan, masasabi na ginagamit ang ibat ibang uri ng
wika sa mga pagtatanghal ng Dulaang Sibol.
Nais ng papel na itong mas kilalanin ang mga uri ng wikang Filipino na ginagamit ng
mga Sibolista, o ang mga kasapi ng Dulaang Sibol, sa entablado tuwing may pagtatanghal.
Ibig din nitong suriin ang mga uri ng wikang Filipino na ginagamit ng mga Sibolista sa labas
ng tanghalan upang matuklasan kung meron at ano ang bunga ng paggamit ng Filipino sa
pag-arte sa Dulaang Sibol sa paggamit ng Filipino sa pangkaraniwang komunikasyon. Nais
maipakita ng aral na ito na impluwensiyal nga ang Sibol sa wika at lipunang Pilipino sa
Mataas na Paaralang Ateneo de Manila muna, upang maipakita ang papel ng kultura sa
pagpepreserba at pagpapabuti sa wikang Filipino.
Sa pagsipat-saglit pa lamang sa speech community na ito, maaaring makita na sari-sari
nga ang ginagamit na mga uri ng wikang Filipino ng mga kasapi ng grupong ito. Karaniwang
gumagamit sila ng swardspeak o salitang konyo upang magpatawa at, kung minsan, upang
makipag-ugnayan sa mga taong hindi nila kilala. Gumagamit sila ng pormal na Filipino sa
pakikipag-usap sa mga matanda at tauhan ng mas mataas na awtoridad tulad ni Ginoong
Pagsanghan. Mapapansin din na sa bawat uri ng wikang Filipino, may sari-sarili din silang
paraan ng paggamit ng pahiwatig, isang paraan ng komunikasyon kung saan hindi
ipinaparating nang diretso ang mensahe o ang nais na pakay ng nagpahiwatig (Maggay 50),
2 ng 5

Deloso
marahil dahil kinakailangan ng pahiwatig ang pakikipagkapwa at pagpapahalaga sa masayang
samahan (Maggay 63).
Sa aral na ito, pinapagusapan ang uri ng pananalita sa Filipino ng mga aktor sa dula at
ang epekto nito sa uri ng pananalita sa Filipino ng mga aktor sa totoong buhay. Subalit,
babanggitin lamang at hindi masyadong bubungkalin ang ugnayan ng konsepto ng pahiwatig
sa pag-arte at konsepto ng pahiwatig sa totoong buhay.
Kinailangang kumuha ng sapat na datos upang linangin pa ang aral na ito. Ginawa ito
sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga Sibolista na nasa performing group, na binubuo
ng mga kasapi ng Dulaang Sibol na maaaring makisali sa mga pagtatanghal at dula nito,
sapagkat sila ang mga nagkaroon na ng papel sa isa o higit pang mga dula. Sa malalimang
mga pakikipanayam na ito, natuklasang may mga pagkakataon na hindi magkakapareho ang
mga wikang ginagamit ng mga Sibolista sa pagarte nila at ang mga wikang ginagamit ng mga
aktor sa totoong buhay. May mga pagkakataon din kung saan magkakapareho ang mga ito.
Natuklasan din na walang masyadong bunga ang wikang ginagamit ng mga aktor sa
entablado sa wikang ginagamit ng mga aktor sa pang-araw-araw na komunikasyon. Sa halip,
may epekto ito sa wikang ginamit ng tauhan ng aktor na iyon sa dula o pagtatanghal. Bale, sa
tingin ng aktor, nadagdagan o nabawasan ng salita ang wikang iyon at/o umiba ang paraan ng
pagpapahiwatig nila roon.
Dahil hindi parating magkakapareho ang wikang ginagamit ng mga aktor sa loob at
labas ng tanghalan, hindi parating nakaaambag ang wikang ginagamit sa teatro sa wikang
karaniwang ginagamit sa totoong buhay. Gayunpaman, masasabing nakaaambag pa rin ang
wikang ginagamit sa mga dula ng Dulaang Sibol sa wika at lipunang Pilipino sa Mataas na
Paaralang Ateneo de Manila dahil may bunga ang paggamit ng Filipino sa mga pagtatanghal
ng Dulaang Sibol sa paggamit ng wikang ito sa totoong buhay.

3 ng 5

Deloso
Isa itong patunay na nakatali ang ating wika at ang ating kultura. Ayon kay Dy, ang
pilosopiyang Pilipino ay walang iba kundi ang pagbibigkas [Italics mine.] ng mga
kahulugang nakakubli sa ating karanasang Pilipino [Italics mine.]. Marahil, ibinibigkas
natin ang ating sariling karanasan sa pamamaraang sariling atin. Naipapahayag din ang
kahulugan ng ating karanasan sa pamamagitan ng ibat ibang aspekto ng kultura tulad ng
musika, sayaw, pananamit, at sa teatro. May papel ang teatro sa pagpepreserba at pagpapabuti
ng wikang Filipino.

TALASANGGUNIAN
tabing. UP Diksiyonaryong Filipino. 2nd ed. 2010. Print.

4 ng 5

Deloso
Pagsanghan, Onofre. Sinta and Other Plays. Print.
Maggay, Melba Padilla. Pahiwatig. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2002.
Print.
Dy, Manuel. Ang Paghahanap sa Weltanschauung ng Pilipino. Symposium on Filipino
World View. Quezon City:University of the Philippines, 1979. Print.

5 ng 5

You might also like