You are on page 1of 3

Quiz # 1

Sagutin / Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan: (40 pts)


1. Ano ang pagkakaiba ng Sosyolinggwistika at Sosyolohiya ng Wika ?
2. Ano ang pagkakaiba ng Jargon at Argot?
3. Ano ang pagkakaiba ng Diyalekto at Lingua Franca?
4. Ano ang pagkakaiba ng Taboo at Yufemismo?
5. Ibigay ang limang (5) Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Lipunang Filipino.
6. Ipaliwanag bawat isa ang Limang (5) tungkulin ng Wika sa Lipunan.
7. Bakit isinama sa ating Saligang Batas (Phil. Constitution) ang pagkakaroon ng Wikang
Pambansa sa Pilipinas?

MGA KASAGUTAN:

1. Ang Sosyolinggwistika ay ang pag-aaral sa ugnayan ng wika o lenggwahe sa lipunan at sa


paggamit ng tao sa wika, ito rin ang malalimang pagsusuri sa epektong dulot ng lipunan sa wika
at ng wika sa lipunan, samantala ang Sosyolohiya naman ay ang pag-aaral ng agham na
sumusuri sa lipunan, pakikipag-ugnayan ng mga tao sa bawat isa, at ang iba’t ibang mga kultura.

2. Ang Jargon ay lupon ng mga salita na karaniwang naririnig lamang sa isang eksklusibong
grupo, ito rin ay mga salitang teknikal na hindi madaling maunawaan ng mga nakakarami,
halimbawa yong jargon ng mga doktor tulad ng Gastro, Endo, at Ecto na ang ibig sabihin ay
tiyan, loob, at labas na ang makakaintindi lang ay kapwa nila doctor, samantala ang Argot
naman ito ang secreting wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan nito.ito rin ay isang
espesyal na bokabularyo o hanay ng mga idyoma na ginagamit ng isang partikular na uri o
grupong samahan halimbawa sa grupo ng mga sundalo may mga salita silang ginagamit na
tanging kapwa suldalo lang ang nakakaintindi at yon ang tinatawag na argot.

3. Ang Diyalekto ay ito yong unang wikang ating nakamulatan at ugat ng komunikasyon sa
tahanan at pamayanan, halimbawa nito ay wikang meranao ito ang aking Diyalekto, samantala
ang Lingua Franca naman ito ay ang wikang komon o wikang alam ng mga taong may iba’t
ibang wikang sinasalita sa isang lipunan upang sila ay magkaunawaan, halimbawa dito sa
Pilipinas ang wikang komon o wikang alam ng mga taong may iba’t ibang wikang sinasalita tulad
ng mga meranao, maguindanao at iba pa ay wikang Filipino ito ang Lingua Franca ng buong
Pilipinas.

4. Ang Taboo ito ay mga salitang bastos at bawal gamitin o hindi maaaring gamitin sa pormal na
usapan sa lipunan, halimbawa nito ay ari ng lalaki bawal itong gamitin sa pormal na usapan sa
lipunan, samantala ang Yufemismo ito ang mga salita o parirala na panghalili sa salitang taboo,
halimbawa embes na ari ng lalaki ay tinawag mo ito na hotdog, ang hotdog ang halimbawa ng
yufemismo.
5. Mga kahalagahan ng Wikang Filipino sa Lipunang Pilipino
 Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino.
 Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino.
 Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino.
 Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino.
 Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino.

6. Limang (5) Tungkulin ng Wika sa Lipunan


 Nagbibigay-kaalaman ( Informational )
Ito ang tungkulin ng wika sa lipunan na nakatuon ito sa mensahe ng bagong
informasyon na ibinabahagi. Nakadepende ito sa katotohanan o halaga ng kaisipan ng
mensa
 Nagpapahayag ng damdamin ( Expressive )
Ito ang tungkulin ng wika sa lipunan ito ay pagpapahayag ng damdamin at atityud ng
nagsasalita. Ang tagapagsalita o manunulat sa isang wika. Ito ay nagbibigay ng malinaw
na imahe ng pagkatao sa katunayan ang tungkulin na ito at pumupukaw ng tiyak na
damdamin at nagpapahayag ng nararamdaman.
 Nagtuturo ( Directive )
Ito ang tungkulin ng wika sa lipunan na nagbibigay ng impluwensya sa pag-uugali o
atityud ng iba. Makikita sa mga pagpapahayag na nag-uutos o nakikiusap. Nagbibigay
emphasis sa tumatanggap ng pahayag kaysa sa nagbibigay ng mensahe.
 Estetika ( Aesthetic )
Ito ang tungkulin ng wika sa lipunan na para sa kapakanan ng paggamit o paglikha ng
wika o linguistic artifact mismo at wala ng iba. Ito ay nakatuon sa pagpapahayag para sa
konseptwalisasyon ng kahulugan. Binibigyan ng pansin ang poetika ng pagpapahayag ng
isang mensahe.
 Nag-eenganyo ( Phatic )
Ang tungkuling ito ay karaniwang ginagamit sa pamamagitan ng pagtatanong upang
mahikayat ang indibidwal na matuto ayon sa kanyang karanasan o karanasan ng iba at
matuklasan ang mga kasagutan sa tanong, ginagamit dito ang mga tanong na bakit?
Paano.

7. Ang Pilipinas ay binubuo ng 183 mga wika 175 dito ay wikang katutubo at 8 ay hindi wikang
katutubo at upang sila ay magkaunawaan meron silang komon na wika at ito ang wikang
Filipino, ito ang nagging dahilan kung bakit isinama sa ating Saligang Batas (Phil. Constitution)
ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa na tinatawag na Filipino.

You might also like