You are on page 1of 13

Varyasyon ng Wika

1. Dayalek/ Dayalekto
-pagkakaiba iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika.
-wikang sinasalita ng isang neyographical.
Hal: pakiurong nga po ang plato (Bulacan hugasan)
pakiurong nga po ang plato (Maynila iusog)
2. Idyolek
-nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng
isang pangkat ng mga
tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa)
-Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.
Hal: Tagalog Bakit?
Batangas Bakit ga?
Bataan bakit ah?
3. Sosyolek
-baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o
sa pangkat na kanyang
kinabibilangan.
-may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita
Hal: Wika ng mag-aaral
Wika ng matanda
4. Register
-isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o
gumagamit ng wika.
-mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina.
-pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o
gumagamit ng wika ayon sa:
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) naaayon
ang wika sa sino ang

nag-uusap.
b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) batay sa
larangan na tinatalakay at sa
panahon.
c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) pasalita o
pasulat pagtalima sa
mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan
ng pag-uusap.

MGA VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA


(Heyografikal, Sosyal at Okufasyunal)

HEYOGRAFIKAL NA VARAYTI
Ang Heyografikal na varayti ay dahilan lamang na kung saan ang

grupo ng mga tao na nagsasalita at gumagamit ng wika ay napaghihiwalay


at napagwawatak-watak ng mga pulo, maging ng kabundukan at tubigan.
Halimbawa na lamang ng mga Ilokano na nagsasalita ng tagalong, hindi
bat kapuna-puna ang kaibahan ng kanilang pagsasalita? Napapansin natin
na mapagpapalit nila ang pagbigkas ng /e/ at /i/ at /o/ at /u/.
Ang mga ganitong halimbawa ay nagpapakita ng mga varyasyon
ng wika particular na ng Heyografikal na varayti.

SOSYAL NA VARAYTI
Ito ay tumutukoy sa panlipunang varyasyon sa gamit ng wika.

Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng wika ayon sa larangan sa lipunan.


Wika at Relihiyon
Sinabi ni Joey M. Peregrino (2002) ang wika ng relihiyon ay isang
simbolikong wika sapagkay kinapapalooban ito ng mga talinhaga at mga
bagay na hindi basta makikita, mararanasan o mararamdaman. Dagdag pa
niya, sibolo ito ng pananampalataya.
Wika at Showbiz
Ayon sa pag-aaral ni Laray C. Abello (2002) karamihan sa mga dalitang
ginagamit sa showbiz ay galling sa mga salitang bakla. Hindi na raw ito
nakakapagtaka dahil karamihan sa mga manunulat at manedyer ay pawing
mga bakla.

OKUFASYUNAL NA VARAYTI
Itoy nakabatay sa relasyon ng wika sa sitwasyon kung saan ito

ginagamit. Halimbawa, iba ang wika na ginagamit ng mga duktor sa


abogado. Ito ay nakaayon sa communicative competence kung saan
ginagamit ng tao ang angkop na wika batay sa pangangailangan.

Mga Gamit ng Wika


Binibigyang linaw dito ang mga variant o mga form na magkaiba na may
parehong kahulugan na dala na pagbabago. Tinitingnan ang wika sa loob
ng kinikilusang jeograpikal o sosyal na reyalidad.

Sosyolinggwistiks
Tinatawag na sosyolinggwistiks ang pag-aaral at pagkakaintindi ng
ibat-ibang variant, ibat-ibang form at straktyur, na tinatakda ng ibatibang kontekstong sosyal. Sa madaling sabi, pag-aaral ito ng kahalagahan
at kabuluhan ng mga linggwistik-varyesyon sa mga sosyal straktyur.
Nakapaloob dito ang pag-aaral at pagaanalays ng ibat-ibang anyo o varayti
ng isang wika na tinatawag na Dayalek.
Dayalektoji ang tawag sa larangan na pinag-aaralan ang mga
dayalek ng isang wika. Kahit na may kanya kanyang katangian ang bawat
dayalek , nagkakaintindihan ang lahat ng ispiker ng Tagalog. Meron
silang mutwal na pagkakaintindihan o mutual intelligibility.

Dayalek-jeografi at Dayalek-atlas

Kung may pagbabago o inobasyon, halimbawa sa isang tunog, karaniwang


apektado ang buuong komunidad na nagsasalita nung wika kung saan
nagkaroon ng pagbabago. Aysoglos ang tawag na nagpapakita ng
hangganan ng pagbabago, inobasyon o variant. Kapag nagsama-sama sila
sa iisang lugar, sila ay nagbubuklod ng isang dayalek sa isa pang dayalek.

Dayalek-atlas

Ang tawag sa nagpapakita ng hangganan ng mga variant para mailarawan


ang mga sakop na mga dayalek ng isang wika.

Ang kontekstong sosyal

Maoobserbahan na kahit saan, nagugrupo-grupo ang tao batay a ilang


kayangian o varyabol, halimbawa, yaman, paniniwala, oportunidad,
kasarian, edad at iba pa.

Mga sosyal-varyant

Nagkakaroon ng dayalek ang wika dala ng kontekstong sosyal na


nagdedetermin ng mga variant nito. Kaya mahalaga ring malaman kung
bakit may mga variant, halimbawa, bakit nagresis o di tinanggapng isang
grupo ang inobasyon na gamit o galling ng ibang grupo. Loyalty ng
wika ang tawag kung bakit nagkaroon ng mga komunidad ang katunayang
sosyal, historical at jeograpikal. Katangi-tangi paring nananatili ang
paggamit ng tunog r sa isang grupo ng salita na katumbas ng d,
halimbawa, ring-ring dingding, ribdib dibdib at iba pa.
Ang Idyolek
Tinatawag na Idyolek ang total na katangian at kagawian sa
pagsasalita ng isang indibidwal. Ang varyant o mga linggwistik na
katangian ng isang idyolek sa isang linggwistik-komyuniti ay di kasing
laganap sa mga varyant na ginagamit ngjeografik-dayalek o
ng sosyolek. Dahil gamit lamang ang mga ito ng indibidwal.

Standard na varayti

Hindi gumagamit ng mga varyant na naiiba sa standard-varayti ang mga


nakilalang may pinag-aralan, o di kaya, ang mga gusting hangaan sila.
Pinapalitan nila ng mga salitang gamit sa standard ang mga salitang magaaydentifay na galling sa isang lugar.

Patay na wika

Isang epekto ng pagkakaroon ng dayalek-ang pagsplit ng isang wika-ang


pagkawala o pagkamatay ng isang dayalek dahil hindi na ginagamit ito.
Namamatay ang isang wika dahil meron itong kapalit na wikang mas
pinapaboran ng mga myembro ng komunidad.

Pidjin at kreyol

Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may nadedevelop na


bagong wika. Karaniwang nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika
ang sinasalita. Pidjin ang tawag sa proseso ng pagbuo ng paulit-ulit at
panggagaya ng kahit mali mali, hanggang magkaintindihan
ito. Kreyol naman ang tawag sa wikang nadedevelop sa isang pidjin at
nagging unang wika ng isang lugar.

Paghahalo ng mga kowd

Tinatawag na kontak-langwej ang isang pidjin dahil bung ito ng


pagsisikap ng mga taong magkaiba ang wika ng magkaroon ng kontak.
Kabilang dito ang kowd-switching o paglilipat ng mga preys o sentens

mula sa ibang wika.


UGNAYAN NG WIKA AT TAO
Ayon kay Rankin, pitumpung porsyento (70%) ng gising na oras ng
tao ay inuukol niya sa pakikipagtalastasan. Samakatwid, wika ang
ginagamit ng tao sa maghapon niyang pakikipag-interaksyon sa kanyang
kapwa.
Saan nga ba nagsimula ang wika? Ayon sa genesis 11:1-9, noon ay
iisa lamang ang wikang ginagait ng tao. Subalit noong nagtayo ng
lungsodang mga tao na halos abot sa langit ay lubos na nabahala ang Diyos
dahil gusto nilang langpasan ang Diyos. Pinag-iba-iba ng Diyos ang
kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan at upang hindi matuloy
ang kanilang balak. Ang pahayag na ito ay pinaniniwalaan ng mga
relihiyoso subalit ayon sa mga pilosopo at dalubwika, ang wika ay dinevelop
lamang ng tao para makabuo ng ibat-ibang kaalaman.
Magkasalungat man ang pinaniniwalaan ng mga relihiyoso at
klasikong griyego, huwag natin kalimutan na Diyos ang lumikha at
nagbigay sa atin ng talino upang makatuklas ng mga bagay na maaari
nating magamit sa araw-araw.
Ugnayan ng wika at kultura
Sinasabing nasasalamn ang kultura ng isang lahi sa wikang
siasalita ng lahing iyon. Ang kultura ang nagdidikta ng mga leksikong

magiging bahagi ng wika ng isang lahi.


Sinabi ni Gleason sa kanyang komprehensivong definisyon, ang
wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura.
Samakatwid, hindi pweding paghiwalayin ang wika at kultura
dahil habang tinutuklas ng tao ang kanyang wika ay tinutuklas din niya
kung saans kultura siya nabibilang.
Ugnayan ng wika at lipunan
Bawat lipunan ay may kani-kaniyang wiak. Halimbawa nito ay ang
Filipino, Ingles, Prances at iba pa. Sa pilipinas ay may walong maituturing
na pangunahing wika: Tagalog, Ilokano, Pangasinan, Pampanggo, Waray,
Hiligaynon, Cebuano at Bikol.
Dayalek ang tawag sa wika na nagkakaroon ng pagkkaiba-iba o
varayti sa loob ng wika. Halimbawa na lamang ng mga varayti ng Tagalog.
Meron tayong Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Bulacan at iba pa.
Ang Idyolek naman ay masasabing isang finger prints ng isang tao
dahil tanging kanya lamang. Dito makikita ang istilo ng isang individwal sa
pagsasalita.
Tinatawag na Sosyolek ang wikang nakabatay sa pagkakaiba ng

katayuan o istatus ng isang ginagamit ng wika sa lipunang ginagalawan.


Kabilang naman sa mga Islang words ang haleer, yuck, praning,
japorms, windang at iba pa. hindi ito lubos na maintindihan ng mga may
edad na kapag ito ay binibigkas ng mga kabataan.
Ang mga bakla ay bumuo rin ng naman ng kanilang sariling salita
na tinatawag na Gay lingo o Sward speak. Ito ay nilikha nila para sa
kanilang grupo.
Bawat profesyon o okupasyon ay may sariling wika rin na hindi
basta mauunawaan ng hindi ganoon ang trabaho. Ito ay tinatawag na
Jargon.
Meron din tayong tinatawag na Rejister. Ito ay nakabatay sa uri at
paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon
at iba pang salik.

Ang Kahalagahan ng Pilosopiya sa


Sikolohiyang Pilipino
ni:
Leonard N. Mercado
Mga Palagay

Sa pagkakaroon ng pilosopiya at sikolohiyang Pilipino, makikilala


ang kaibahan ng musika sa pilipinas at musikang Pilipino. Kabilang sa
musika sa pilipinas ang mga musikang banyagang tinutugtog sa mga
tanghalan at iba pa. ang musikang Pilipino naman ay naglalarawan ng
kaluluwa ng Pilipino.
Maaaring ipahayag sa ibat-ibang paraan ang problema. Ginagamit
din ang sikolohiya sa pilipinas bilang isang modelo. Ayon kay Stauffer, ang
paggamit ng di-wastong modelo ay nagbubunga ng maling resulta.
Sa pagkakaroon din ng pilosopiya at sikolohiyang Pilipino, ito ay
magkahiwalay subalit magkaugnay na agham. Ayon kay Peters, ang
pilosopiya at sikolohiya ay katulad ng pag-ibig at pagkapoot, pag-aasawa at
paghihiwalay. Ayon din kay Mercado, ang ideya ng pilosopiya at
sikolohiyanh Pilipino ay kapwa dinamoko at istatiko.
Ang Papel ng Pilosopiyang Pilipino
Dalawa ang ginagampanang papel ng pilosopiyang Pilipino sa
sikolohiyang Pilipino: negatibo at positibo.
Ito ay negatibo sapagkat kinakailangang tukuyin ang hakang
pilosopikal ng mga dayuhan. Ito naman ay positibo sapagkat itinuturo dito
ang daan para makapanaliksik ang mga sikolohista.
Sa pagtukoy sa mga kahinaan ng sikolohiyang Pilipino, hinati ito

sa (1) Lipunan, (2) Kognisyon at (3) Kalikasan.


Ang Lipunan
Ayon kay Mercado, hindi indibidwalista ang mga Pilipino.
Kinakailangan niya ang pakikisama sa kanyang kapwa at makibagay rito.
Sikolohiyang pangangalakal. Pagulo nang pagulo ang kalakalan
habang itoy umuunlad.
Pamamatnubay at Pagpapayo. ang client centered na pagpapayo ay
lubhang maraming tagasunod. Ginagamit ng mga Pilipino ang terapiyang
Rogers sapagkat karamihan sa tagapayo sa Pilipino ay sinanay sa Amerika.
Ayon sa Rogers na terepiya, ang pilosopiyang panlipunan ay may
binabagayan.
Ang Rogerian Approach ay batay sa pilosopikal na walang pagkapilipino.
Kognisyon
May dalawang kapwa mabisang daan tungo sa katotohanan: ang
paraang lohikal at paraang sikolohikal.
Ang paraang lohikal ay paraan na nagmumula sa masaklaw tungo
sa konkreto. Ang paraang sikolohiya naman ay nagsisimula sa konkreto
tungo sa masaklaw.

Sikometrika. Nagkaroon ng masidhing pagnanais na istandardisashin


ang mga IQ TEST sapagkat karamihan sa kanila ay Amerikano. Isa sa
mga unang pagsubok para maiangkop sa mga estudyanteng Pilipino ay ang
National College Entrance Examination (NCEE).
Sikolohiyang Pang-edukasyon. May balak na ang edukasyon ay gawing
behaviorally oriented. Kung gayon kinakailangan na ang mga silabus ng
mga kurso ay baguhin at gawing behabyoral.
Batayang Pilosopikal
1.

Nakabatay ito sa kaasalan ay katiyakan na tumatanggap lamang ng

maaaring sukatin at itinatakwil ang hindi masusukat tulad ng intwisyon.


2.

Ang karunungan sa paraang behabyoral ay baha-bahagi. Ayon kay

Kapfer, ang bawat dibisyon ay pinaghahati-hati sa ibat ibang kategorya:


pagtanngap, pagtugon, pagpapakabuluhan, organisasyon at
karakterisasyon.
3.

Ang karunungan sa pamamaraang behabyoral ay may oryentasyong

pang-mag-aaral.
Kalikasan
Pinaniniwalaan nila na ang tao ay sukatan ng lahat ng bagay kaya
lubos nilang pinahahalagahan ang kalikasan.

Tungo sa Mabuting Pagtutulungan ng Pilosopiya ay Sikolohiya


Maraming tendensiya katulad ng pagsalungat sa kultura o
paggamit ng kultura. Ayon kay Jocano, sinisikap nilang ipatupad ang
kaugalian sa larangan ng edukasyon.kung kapwa minimithi ng pilosopiyang
Pilipino at sikolohiyang Pilipino na silay maging tunay na Pilipino,
kailangan sundin nila ang karunungan ng kultutrang Pilipino.

You might also like