You are on page 1of 40

El Filibusterismo: Mga Tauhan

Simoun
Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

Isagani
Ang makatang kasintahan ni Paulita

Basilio
Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang Tales
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga
prayle

Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Ginoong Pasta
Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal

Ben-zayb
Ang mamamahayag sa pahayagan

Placido Penitente
Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan

Padre Camorra
Ang mukhang artilyerong pari

Padre Fernandez
Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino
Ang amain ni Isagani

Don Custodio
Ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene
Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez
Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may
dugong Kastila

Makaraig
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval
Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina
Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita

Paulita Gomez
Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas

Juli
Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

Hermana Bali
Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra

Hermana Penchang
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli

Ginoong Leeds
Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya

Imuthis
Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

Kabanata I
Sa Ibabaw ng Kubyerta

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniway Kastila.

2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang
Disyembre sa Noli at ang Fili ay may 13 taong nakapagitan.

3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb


(Ibanez) ay isang mamahayag.

4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang
pinagbasyuhan ng gatas, kape o ano man. Mula sa abang batalan hanggang sa makabagong
banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay may tabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-
ilalim na bahagi ng bao ng niyog.

Mga Tanong at Sagot

1. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan?

Tugon

a. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta, tulad ng


paglalagay ng pamahalaan na may mga taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila,
mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ng mga mestiso at indiyo.
b. Sa mabagal ngunit mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi
nakausad sa may 300 taong pamumuno sa Pilipinas.

c. Sa pagkulapol na pinturang puti - nagpapanggap na malinis at marangal ngunitt makikita


ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo,
ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sa pamahalaan at simbahan.

d. Sa bilog na anyo ng bapor - nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na


kaanyuan; walang plano ng pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon
na walang yaring plano ng pagpapalakad.

e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng


Kap. Heneral at iba pang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may
union of church and state o pagiging magkatulong ng pamahalang sibil at ng simbahan sa
pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina
at alin ang tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng
pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang
pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang mga kura na
nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano
ang tikin.)

2. Bakit inis na inis si Donya Victorina?

Tugon

Iniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta.

3. Anu-ano ang ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng


Maynila ayon kay Simoun?

Tugon

a. Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid na kanal.


b. Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo.
k. Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga pampangin ng Ilog Pasig.
d. Giginhawa ang paglalakbay.

4. Anu ano ang tutol dito ni Don Custudio?

Tugon

a. Malaki ang gugulin


b. Maraming bayan ang kakailanganing sirain
k. Walang ibabayad sa mga manggagawa

5. Anu-ano ang tugon ni Simoun dito?

Tugon

a. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito.


b. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga bilanggo.
k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad ang taong-bayan na
magdadala ng sariling pagkain at kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo ang piramide
sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan ngayon kaugnay ng pangalan ng mga paraon
at mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay na mangagawa
roon. Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at
panahon;
d. At di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga Ehipsio.

6. Dahil sa mga panukala ni Simoun at kanyang tandisang patutsada kay P. Sibyla at Don
Custodio, ano ang naging palagay sa kanya ng nasa itaas ng kubyerta?

Tugon

a. Siya ay isang mulatong (mestisong) Amerikano.


b. Mestisong taga-India at Ingles naman daw.

7. Bakit nangingilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun?

Tugon

Itoy kaibigan ng Kapitan Heneral, doon pa sa Habana, Kuba.

Dagdag na mga Tanong at Puna

1. Mararahas ang mga balak ni Simoun. Lahat ay makakapagpahirap sa mga mamamayan.

2. Si Don Custodio ang ipinalalagay na pinakamatalinong tagapayo ng mga puno sa


Pilipinas.

3. Si Padre Sibyla ay pangalawang rektor ng UST.

Kabanata II
Sa Ilalim ng Kubyerta

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Bakit kalakaran sa matanda, tulad ni Kap. Basilio na nakatatagpo ng balakid sa lahat ng


dako samantalamg ang kabataan ay masigasig sa mga balak, tulad nina Isagani?

Tugon

Marami nang kabiguang naranasan ang matatanda kabiguan sa sarili nilang mga pangarap
at balak noong kanilang kabataan samantalang ang mga bata ay may maapoy pang
damdamin na gatong sa kanilang mga balak at adhikain. Di pa sila nakararanas ng
maraming kabiguan. Dahil dito, kahit papaano, ang daigdig ay sumusulong, umuunlad.

2. Bakit nangiti si Simoun nang matigas tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas
ang kanyang mga kababayan ay dahil hindi nila ito kailangan?

Tugon

Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di totoo.
Mahiligin sa alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating
dahil sa nakita ni Simoun kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap
lalaking matapang at nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan.

3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?

Tugon

Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila naman mayaman. Kung
pagsisimula pa lamang ang isang paroko di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito;
pag-umunlad na ito, pinapasok na ng mga prayleng Kastila.

4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi ito
nagsisiinom ng serbesa?

Tugon

Hindi. Itoy totoo para sa bayang malalamig ngunit di sa Pilipinas na totoo nang mainit
kadalasan ang panahon. Tingnan ang palainom ng tuba. Pagkainom ano? Bulagta!

5. Ano ang tugon ni Isagani kay Simoun?

Tugon

Na kung si Padre Camorra at mga kasama nitong kastila ay nagbabawas sa pag-inom ng


alak, titino sila ng kaunti at ang mga alingasngas nila, lalo na sa kababaihan, ay
mabanawasan kundi man maalis. (Ito kaya ay di tuwirang pangagaral ni Rizal ukol sa alak?)

6. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng tubig? sa mumunti at watak-watak
na
ilog?

Tugon

Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga


Pilipino; pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-
kaisahan ng damdaming Pilipino na may matinding gawi ng pag tatangi-tangi (regionalism).
Kung ang mga puta-putaking himagsikan lamang sa Pilipinas na mula kay Lapu-lapu
hanggang kaina Diego Silang ay walang tigil nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi
sa iisang dagat o nagkaisa-isa at nagkasabay-sabay sa isang pamumuno, matagal na
sanang gininaw ng dagat ng tubig na ito ang Moong ng Kastila sa Pilipinas.

7. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na bibigkas ni Basilio?

Tugon

Pagtutulugan ng tubig at ng apoy sa isang makina (steam engine). Pagtutulungan ng


Pilipino at Kastila sa mahusay na sistema ng pamamahala.

8. Bakit pangarap lamang daw ito ayon kay Simoun?

Tugon

Hahanapin pa raw ang makina. Ibig sabihin may apoy nga at may tubig ngunit walang
makina. Walang makikitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino at Kastila.

9. Paano nagkakilala sina Simoun at Basilio?

Tugon

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isa sa madalas dumalaw si Simoun na pinaghihinalaan ng


lahat, pati si Basilio, na isang naghahangad makamana sa yaman ng Kapitan.

Kabanata III
Ang mga Alamat

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Ditoy makikitang naalis ang paniwala ng ating mga nuno sa mga espiritu at pamahiing
lalo pang nakaiinis ang pangrelihiyon.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nauwi sa mga alamat ang usapan sa ibabaw ng kubyerta?

Tugon

Binatak dito ni Simoun ang alamat sa Ilog Pasig at isa ang inaasahan niyang mapag-
uusapan ang kay Donya Geronima na siya niyang magagamit sa pagbabawas ng kulo sa
kanyang dibdib laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi na batid ni Ibarra ay
lumalapastangan sa kapurihan ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara.

2. Ano ang pagkakahawig ng alamat ng Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas?

Tugon

Noong una ang Malapad-na-Bato ay pinaniniwalaang lugal ng mga espiritu at maligno, isang
pugad ng pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong bago dumating ang mga Kastila ay
pinamamayanihan ng mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang, at iba pa. Nang ang
Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng mga tulisan, nabatid ng mga tao na walang katotohanan
ang masasamang espiritu sapagkat walang nangyaring sa mga tulisan. Mga tulisan naman
na nanghaharang at pumapatay sa mga napapadpad sa Malapad-na-Bato ang
pinagkakatakutan ng mga taong namamangka sa Ilog. Ang Pilipinas sa tulong ng
Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at pamahiin na pinatunayan ng mga
prayleng Kastilay walang katotohanan. Silay tulisang Kastila naman natatakot ngayon.

Kabanata IV
Kabesang Tales

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Ang agnos ni Huli ay agnos ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang ketongin na


napagaling ni Basilio. Ibinayad ng ketongin kay Basilio ang agnos at ito naman ay inihandog
ni Basilio kay Huli.

Mga Tanong at Sagot


1. Bakit mahirap maging cabeza de barangay noon?

Tugon

Siya ay isa lamang tagapaningil ng buwis at kung may di magbayad ay siya pa ang
nagpapaluwal.

2. Ano ang ibig sabihin ni Kabesang Tales sa magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga
nang ipanganak?

Tugon

Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang
ikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa kahirapan sa walang damit.

3. Anong batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni Kab.
Tales?

Tugon

Wala kundi ang batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot sa
korporasyon ng mga kura. Kaya silang ialis sa tungkulin ng mga prayle. Ang totoo, mabuti
ang mga batas ng mga kastila na dapat ipasunod ngunit pinasasama ito ng mga
namamahala. Gayong walang naipakitang katibayan ang korporasyon, nakuha nilang
masaklit ang lupa ni Kabesang Tales. Isa ito sa mga nakatulong sa katamaran ng mga
Plipino. Bakit ka pa magsasakit na gumawa at umunlad kung ito ay kakamkamin lamang sa
iyo pagkatapos?

4. Bakit matagal na di kinausap ni Tandang Selo ang anak ni Kabesa?

Tugon

Dahil pinayagang magkawal si Tano at di ibinayad ng kapalit na maaaring gawin noon. Noon
ay sadyang nangunguha ng kabataang pinagkakawal ngunit maaaring kumasundo sa isang
sadyang napauupang kapalit at ang isang anak ng maykaya ay maaaring di na magkawal.

5. Bakit sinabi ni Kab. Tales na kung siyay matatalo sa usapin ay di na niya kailangan ang
anak?

Tugon

Kung matatalo siya sa usapin wala na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa kanyang
anak at kaya puspusan ang ginagawa niyang paglaban ay sa kapakanan din ni Tano ang
kanyang hangad ito ang magiging tagapagmana ng kanyang lupain.

6. Sa ano inihambing ng ilan si Kab. Tales sa kanyang pakikipag-asunto sa mga prayle?

Tugon

Palayok na bumangga sa kaldero; langggam na kumakagat kahit na siyay titirisin


lamang.

7. Bakit kung kailan pa walang makalapit na tulisan sa lupain ng dinukot ng mga tulisan?
Tugon

Noong unay walang makalapit na tulisan sa lupain ng kabesa dahil sa siyay may baril noon
at siyay magaling mamaril. Nang ipagbawal ang baril, nagdala naman siya ng gulok at
siyay balita sa arnis. Kaya nang palakol na lamang ang dala niya saka siya napangahasang
lapitan at dukutin ng mga tulisan upang ipatubos.

8. Anong ginawa ni Huli ang pinintasan ni Rizal?

Tugon

Ang pag-sa sa mga milagro. Inilagay ni Huli ang perang napagbilhan ng kanyang mga
alahas sa ilailim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay magiging doble kinabukasan.
Sinanay ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga milagro upang
matuto pang magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng
kanilang mga patrong santo sa halip na gumawa sila ng mga paraang maaaring sa pag-
uusig sa maykapangyarihan ay humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong sa ating
pagpapaubaya ng lahat ky Bathala o ang kaisipan natin na bahala-na?

Kabanata V
Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Si Basilio ay katiwala ni Kap. Tiyago.


2. Ang mga pag-aari nina Ibarra ay sinasamsam ng pamahalaan (at ng simbahan) at
ipinagbili ang ilan. Si Kap. Tiyago ang nakabili ng gubat nina Ibarra. Iyonang tinatanuran ng
matandang namatay.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ng kutserong si Sinong na noong panahon ng mga santo ay walang


guwardiya sibil?

Tugon

Dahil sa mga pahirap na tinatanggap niya sa mga sibil, nasabi ni Sinong na walang sibil
noon sapagkat di maaaring tumanda nang gayon si Metusalem at di maaaring maging pari
na papagitna pa sa dalawang haring puti si Melchor na isa sa tatlong Haring Mago. Tiyak
daw na mabibilanggo si Haring Melchor.

2. Bakit naging kapani-paniwala sa mga mangmang na Pilipino noon ang alamat ni Bernardo
Carpio?

Tugon

Ito ay pinalaganap na talaga ng mga Katila. Si Bernardo Carpio ay isang likhang guniguni na
hango sa isang alamat na hiram sa Mehiko, dumating dito bilang tauhan sa isang awit o
isang korido, at sa nilakad-lakad ng mga taon ay ginawang katutubo at kinilalang hari ng
mga mangmang na ring Pilipino. Sinasabing sa pamamagitan ng lalang ng mga kastila ay
naipit ng nag-uumpugang bundok sa Montalban {sa Rizal} si Bernardo Carpio ngunit unti-
unti nang nakakawala at sa panahon ni Sinong ay kanang paa na lamang ang di naiaalpas.
Pagnakawala raw si Bernardo Carpio ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa
paghihimagsik laban sa mga Kastila.

Kung isang katutubo o mga kura na rin ang nagsimula ng ganitong alamat ay di natin
matiyak ngunit ay pinabayaan ng mga Kastila, at tinulungan pang yumabong sa isipan ng
mga Pilipino sa pamamgitan ng mga aral na ang pagtitiis at pagpapakasakit ay
nagtatamong kaluwalhatian sa langit. Dahil sa mga kuwentong tulad nito, nawawala o
mababawasan ang paghahangad ng mga Pilipino na ihanap ng lunas ang kanilang mga
kapihan. Hihintayin na lamang nila ang paglaya nila ang paglaya ni Bernardo Carpio, ng
kanilang hari, at saka na sila magbabagon.

Mga Tanong na Maaaring Talakayin

Ang mga sibil ay karaniwang mga Pilipino rin noong panahon ng Hapones, higit daw na
mahigpit magparusa ang mga Pilipinong naglilingkod sa garison kaysa mga Hapones na rin.
Ang mga gerilyo ay gumagamit ng maraming uri ng pagpatay na totoong
nakapanghihilakbot. Noong kalaganapan ng kilusan ng Huk (1946-1956), ang mga
pagpapahirap at pagpatay ng Huk at mga kawal na rin ng pamahalaan ay nakapangingilabot
din. Bakit nagkaganito ang mga Pilipino? Ibatay ang tugon sa mga paglalarawan ng buhay
sa Noli at Fili at sa ating mga ulat na pangkasaysayan. Makakabangon kaya tayo bilang
isang lahi?

Kabanata VI
Si Basilio

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Totong malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa klase noong panahon nina Rizal 300
hanggang 400 sa isang klase. Paano magiging mabisa ang pagtuturo?

2. Ditoy inilarawan ni Rizal ang higt na kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo kaysa mga
Dominiko na siyang halos namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago?

Tugon

Ayaw na niyang maungkat nino man ang kanyang kahapon. Siyay pinaghahanap pa rin ng
bats sa likod ng may 13 taon nang nakakalipas. (Alalahaning buhay pa si Padre Salvi na
bahagi ng pamahalaan).

2. Ano ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara


ng isang agnos na mamahalin?

Tugon

Kahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang naniniwala na ang ketong ay nakakahawa at
di napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao siya ay ibinibilang nang patay
nabubuhay na patay walang pag-asa at kadalasay pinatitira sa mga malalayong
kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa noong panahon nina Rizal. Maalaala na ang
ketonging ito na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang bata na nalulunod
sa knal. Sa halip na pasalamatan ay pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa raw nalunod na
ang bata kaysa mahawa. Ngunit noon pa man ay naniwala na si Rizal na ang ketong ay
mapapagaling. Kung totoong may katibayan si Rizal sa mga pangyayaring inilarawan niya sa
Noli at Fili isang estudyante lamang ngunit masigasig at palaaral na tulad ni Basilio ay
nakapagpagaling ng isang ketongin.

Kabanata VII
Si Simoun

Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Matatanto sa pag-aakala ni Basilio na ang Kastila ay wikang siyang mag-uugnay sa mga


Pilipinong may ibat ibang wikain na isa si Rizal sa mga unang nag-isip sa pangangailangan
natin ng isang pambansang wika.

2. Si Ibarra kailanmay di nakita ni Basilio kundi nang dumating ito sa gubat at makatulong
niya sa paglilibing sa kanyang ina. Nang dumating si Ibarra. Di pa nakikita ito ni Basilio, ay
nangyari na ang pagtatago niya sa mga guwardiya sibil. Katapusan ng Oktubre nang
dumating si Ibarra sa Pilipinas mula sa Europa. Ika-23 ng Disyembre nang maganap ang
habulan sa lawa. Dalawang buwang maysakit si Basilio sa gubat sa pagkakandili nina
Tandang Selo. Bisperas ng Pasko nang maisipan niyang hanapin ang ina at silay magkita ni
Ibarra sa unang pagkakataon. Nang magkita sila uli ay sa bahay na ni Kap. Tiyago ngunit si
Ibarra ay nagbabalatkayo nang isang Simoun at di nakilala ni Basilio. (Si Basilio ay kilala ni
Simoun). Palagi si Simoun kina Kap . Tiyago sa pagkukunwaring isang ganid na nag-aabang
ng mamamana sa maysakit na Kapitan ngunit sa totooy upang makasagap ng balita ukol
kay Maria Clara.

3. Tatlo ang pinag-aalayan ni Simoun ng kanyang paghihiganti

a) Si Don Rafael
b) Si Maria Clara
c) Si Elias-pawang mga sinawing-palad ng lipunang nais niyang iwasak.

Mga Tanong at Sagot

1. Si Elias at Ibarra ay kapwa di kilala ni Basilio noong siya ay isa pa lang sakristan. Paano
natiyak ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra nang makita sila sa gubat makaraan ang
labimpitong-taon?

Tugon

Si Basilio ay matalino at pinag-ugnay niya ang mga pangyayari:

a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya na kung walang darating sa
gubat na iyon ay ariin niya ang kayamanang nakabaon sa puno ng balite. Ang dumating ay
isang mestiso na ngayoy siyang humukay sa lugal na pinagbaunan ng kayamanan.

b. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael; ang namatay sa gubat ay
kayumanggi.

c. May sugat na taglay ang lalaking namatay. Noon ay nabalitang napatay sa lawa si Ibarra.
Ngunit ang mestiso ay walang sugat. Samakatuwid, iyong kayumanggi ang hinabol at
pinagbabaril sa lawa, hindi ang mestisong si Ibarra.
2. Bakit di hinukay ni Basilio ang kayamanan sa puno ng balite gayong lagi siyang nasa
libingan ng kanyang ina sa loob ng 13 taon?

Tugon

Bilin ni Elias na hukayin niya ang kayamanan at ariing kanya kung walang darating na iba.
May dumating-si Ibarra. At nakalimutan na ito ni Basilio. Tangi sa rito, malayo nang kaunti
sa puno ng balite ang libing ni Sisa at gabi kung magtungo roon nang palihim si Basilio.

3. Bakit ibinaon ni Ibarra si Sisa ngunit sinigan ang bangkay ni Elias?

Tugon

Ibig ni Basilio na maibaon ang ina. Bilin naman ni Elias na sunugin ang kanyang bangkay.

4. Ani Simoun ay nakabatid si Basilio ng dalawang lihim ukol sa kanya na maaaring


magpahamak sa kanya kung ibubunyag ng estudyante. Ano ang mga lihim na ito?

Tugon

a. Na si Ibarra ay buhay pa.


b. Na si Ibarrat si Simoun ay iisa. Ito ay maaaring magpahamak sa kanya at sa balak
niyang paghihiganti.

5. Bakit di pinatay ni Simoun si Basilio upang pangalagaan ang kanyang lihim?

Tugon

a. Si Basilio ay katulad din niyang sawimpalad sa pamahalaan at simbahan.


b. Si Basilio ay di makapagsusuplong dahil pinaghahanap din ito ng mga sibil.
k. May mga utang na loob si Basilio kay Simoun tulad ng inamin na rin ng estudyante-
pagkapagamot ni Ibarra kay Sisa at pagkahukay ng pinaglibingan nito.
c. Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio.
d. Kailangan ni Simoun ang kabataang tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik. At sa
kabataan ay si Basilio ang higit sa lahat na makauunawa kay Simoun.

6. Paano nakapang-aalipin ang isang wika?

Tugon

Kung ang wikang ito ay dating sa isang mananakop, ito ay nagiging sagisag ng
kapangyarihan kayat ito ay pinaghahangaran ng mga sakop dahil katutubo sa tao ang
maghangad na tumaas, o tumayog. (Itoy isa sa mga mikrobyo ng isipang-alipin o Colonial
Mentality). Mamaliitin na ng dating sakop ang sariling kanya hanggang sa ito ay tuluyan
naising inisin o patayin at buhayin at payabungin ang sa dayuhan. Mga aklat, babasahin, at
sineng dayuhan ang kanyang pamumuhay sa pamumuhay ng dayuhan na nababasa at
napapanood niya. Pananamit, pagkilos, pagkain, kasangkapan at iba pa. Pagsusulit-sulit:
Dayuhan sa sariling bayan.

Sa ngayoy alipin ng Ingles ang sangkapilipinuhan. Ang salitang imported ay


ipinagmamalaki; ikinahihiya ang lokal. Payabangan sa mga ternong Amerikano na di angkop
sa klima natin. Pagandahan ng kotse na di kayang gawin sa Pilipinas at gasolinay tiyak na
sa angkat lamang daraan. Paglulupit-lupit: Ang ating angkat (Import) ay laging ibayong
malaki kaysa lumalabas na paninda(Export) kayat unti-unting namumulubi ang bansa at
ang kinabukasan ng ating mga susunod na salin ng lahi ay ating ipinaaanod sa baha ng
kasalukuyan nating mga bisyo at di maiwasang hilig na masasabing buhat sa pang-aalipin
sa atin ng wikang Ingles.

7. Ano ang kapuna-puna sa mga inilarawan ni Rizal na mga tauhang ayaw magsalita ng
Tagalog at pangangastila ang pinag-iigi?

Tugon

Mga hindi mahusay magsalita ng kastila. (Donya Victorina, Donya Consolacion).

8. Bakit ayon kay Simoun ay hindi magiging wika na ng kapuluan ang kastila?

Tugon

Anya-ang kulubot ng kanyang isipan at mga pintig ng kanyang puso ay walang akmang
katugon sa wikang Kastila. (Paano nga naman masasabi sa ibang wika ang ganito
halimbawa: Huwag mong itapon ang lamang gugo at panghilod ng tabo na nasa sulok ng
batalan.

9. Ang makabagong kaisipang ukol sa pandaigdig na pulitika ang ipinahayag ni Rizal noon
pa man sa pamamagitan ni Basilio?

Tugon

Ang diwa ng Nagkakaisang Daigdig o United Nations. (Ani Basilio ay magiging maligaya
lamang ang tao kung ang buong sangkatauhan ay ay ituturing nang mamamayan ng daigdig
at ang magtatalumpati ukol sa kagitingan at pagmamahal sa bayan ay ipalalagay na baliw o
fanatico) Dahil dito masasabi nating isa si Rizal sa mga unang may diwang pandaigdig o
internationalist. Malaki ang pagkakauna niya sa kanyang panahon.

Kabanata VIII
Maligayang Pasko

Mga Tanong at Sagot

1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas?

Tugon

Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at
pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o
nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang
magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian.

2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan
pa nga nila ito?

Tugon

a) maaga silang ginigising para magsimba;


b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi lsa
almirol at mga bagong sapatos na masakit sa paa);
k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal;
d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay.

Kabanata IX
Ang mga Pilato

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang nilalaman ng Tandang Basyong Makunat? na isinulat ng isang prayle.

Tugon

Itoy kuwento ng isang mag-anak ni Tandang Basyong Makunat na nagpaaral ng anak na


lalaki na naging suwail kayat ang payo sa aklat ay huwah magpapaaral ng anak na lalaki
sapagkat pag ang lalaki raw ay nawalay sa kanyang kalabaw ay kinukubabawan na ito ng
demonyo. Itoy naglalayon na huwag matuto ang mga Pilipino, manatiling mga mangmang
na magsasaka at nang patuloy silang mapagsamantalahan ng mga prayle. Ang anak na
dalaga naman ay pinapayuhang laging pasasakumbento ano mang oras upang mangumpisal
kura at ang mga magulang na di susunod dito ay tutungo sa impiyerno.

2. Ano ang kaugnayan ng pamagat na Mga Pilato sa laman ng kabanata?

Tugon

Si Pilato ay siyang naggawad ng hatol na si Kristo ipako sa krus gayong batid niyang walang
kasalanan si Hesus. Sinunod niya ang hiling ng mga tao nasulsulan ng mga tauhan ng
tulisang si Barabas. Pagkatapos ay naghugas siya kamay at sinabing wala siyang kasalanan.

Ito rin ang katwiran ng iba-ang gumagawa ng lupa ang kura Clemente, si Hermana
Penchang ng nagsamantala sa katangahan at kawalang-kaya ng isang dalaga upang gawin
itong busabos sa araw pa naman ng pagsilang ng Panginoon, siya pa namang isang manang
na manang at katolikong-katoliko. Silang lahat ay may kasalanan ngunit nagsabing wala.

Kabanata X
Kayamanan at Karalitaan

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun?

Tugon

Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sa pook na


iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa
balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong akma para sa balak niyang
maghiganting paghihimagsik.

2. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril?

Tugon
Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber
ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot ang anak. Nakita niya sa
kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan
niyang makasama sa kanyang paghihimagsik.

3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo?

Tugon

Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimok niya rito
upang maghimagsik.

Kabanata XI
Los Baos

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko.


Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita. (Basahin ang pagkapatapon sa mga
Hesuwita sa Pilipinas sa mga aklat ng ating kasaysayan.)

2. Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga
Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na
maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral?

Tugon

May kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon.

2. Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral?

Tugon

Ang paglalangis sa may kapangyarihan. Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang
isang tao para may maipabaril lamang sa Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ng banda ay isa
pa.

3. Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral?

Tugon

Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagiging masaya
ang heneral sa pananalo nito para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng
heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan.

4. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na dala ng utusan
samantalang siya, dala pa ang higit na mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan?

Tugon
Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo ang kanyang pananalig na kung
ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo ito at kaya niyang kausapin ng
marangalan. Di niya ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala
niya iyon upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang gawing katunayan ng
kanyang pagtitiwala sa mga tulisan tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay.

5. Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na patawang pamumuna ngunit


dapat na matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba ito ngayon?

Tugon

Ang sabong... Samantalang ang mga sabungan noon ay magagarat malalaki, ang paaralan
ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang
nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki ngunit ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga
anak, ang pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay di mahirap. Kung minsay maganda
pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila. Sa mga sabungero, una muna ang bisyo
bago ang sandang pangangailangan.

6. Alin ang tinatawag ni Rizal na mga pagnanasang balintuna sa kabanatang ito? Bakit?

Tugon

Nais ng kabataang Pilipino na ipaturo sa kanila ang wikang Kastila sukdang ikaalipin ng
kanilang lipi samantalang ang sadya namang mang-aaliping kastila ay napapakatangi- tangi
sa hiling na ito.

7. Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa paaralang binabalak ng


kabataan?

Tugon

Si Padre Fernandez ay naiiba sapagkat siyay matalino. Sa kanyang pagtuturo sa


unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng may katalinuhan at wala sa kanya ang
asal panginoon ng maraming prayle. Dilat ang mga mata niya sa katotohanan.

Kabanata XII
Placido Penitente

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa Intramuros (Walled
City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa ngayon. Panahon na ng mga
Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya, Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay
nasa Intramuros-Letran at Ateneo.

2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong kolehiyo noon.

Ateneo

Nangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming dalang aklat at


kuwaderno.
Letran

Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat.

UST

Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala.

Paaralang Normal

Mga tahimik , makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at
mapagdala ng aklat.

3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa paaralan ang mga
estudyante.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral?

Tugon

Apat na taon nang siyay nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro
gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siyay
walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siyay matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo
sa katalinuhan sa kanilang bayan.

2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente?

Tugon

Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa.

3. Bakit ayon kay Pelaez ay walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra
sa mga babae sa Tiyani (liban kay Huli?)

Tugon

Tinatakot ng prayle na ang mga kapatid o magulang ng babae ay maipabibilanggo o


maipapatapon kung di masusunod ang kanyang kagustuhan. At iyon ay alam ng mga dalaga
na totoong nangyayari.

4. Bakit daw na si Huli man ay babagsak din?

Tugon

Kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di magtatagal at


makakagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli.

5. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon?

Tugon
Karamihan nooy walang natutuhan dahil:

a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST.

b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante.

k. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estudyante.

d. Madalas ang araw na walang pasok.

Kabanata XIII
Ang Klase sa Pisika

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Padre Millon:

a. Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga teorya) ay nagturo ng


kimika at pisika, magkaslungat na mga asignatura.

b. Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little knowledge is a


dangerous thing) na karamihan ay di pinanaligan at kalabas labas ay magtuturo ng mga
asignaturang ito sa paraan ng pilosopiya. (Siyay di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog
at itoy umiinog at umiikot sa araw.)

k. May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na kasarian ng isang guro.

d. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa ang katangahan ng


tinuturuan at kinaiinis ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.)

e. Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin di ipinaliliwanag.

g. Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit sampay-bakod na kastila ang ginagamit ni Padre Millon sa klase?

Tugon

Wala siyang paggalang sa mga tinituruan na ipinalalagay niyang mga tanga lamang.

2. Bakit sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa pisika ay masasabi kaagad na sadyang


walang matutunguhan ang mga estudyante?

Tugon

Ang pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan ang mga larawan, kasangkapan at
mga halimbawat paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid. Nakasusi ang
mga kasangkapan. At mga pisara ay di ginagamit. Dooy may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!)
noong unang araw ng pasukan. Enero nay di pa nabubura. Dapat, iyon ay magiging klase
ng pilosopiya, di ng pisika.
3. Ano ang masasabi natin sa mga tukoy ni Rizal ukol sa pagtuturo?

Tugon

Ang mga principle ni Rizal sa pagtuturo ay hindi naluluma hanggang ngayon. a.) di dapat
maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase b.) di dapat inaaglahi at
kinagaagalitan o hinihiya ang istudyante k.) ang guro ay di lang dapat matalino at saklaw
ang kanyang itinituro kundi dapat ay may malasakit o lugod siya sa pagtuturo at sa
isignaturang itinituro d.) ang maraming bakasyon ay nakakatabang ng pag-aaral at
nakahihikayat sa pagliban.

4. Ano ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata?

Tugon

Siyay naglalarawan sa karaniwang Pillipino. Mapagtimpi tayot mapayapa. Hanggat


maaariy nagtitiis tayo lamang sa gulo. Ngunit kung tayoy napapasubo na, marunong din
tayong sumbog na parang bulkan.

Kabanata XIV
Sa Bahay ng mga Mag-aaral

Mga Tanong at Sagot

1. Sino si Sandoval?

Sagot

Isang empleyado at estudyanteng taga-Espanya na tinatapos ang pag-aaral sa Maynila.

2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez?

Sagot

Isang Pilipino na takot manindigan para sa bayan.

3. Anong ugali mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng kanilang tagumpay ayon sa
inilarawan sa kwento?

Sagot

Sila ay mapagkumbaba.

Kabanata XV
Si Ginoong Pasta

Mga Tanong at Sagot

1. Sino si Ginoong Pasta?

Sagot

Isang bantog na mananaggol ng Maynila.


2. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni G. Pasta?

Sagot

Siya ang sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang
Pilipinas.

3. Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani?

Sagot

Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga idealismo ng mga pangarap tungo
sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan.

Kabanata XVI
Ang Kasawian ng Isang Intsik

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga?

Sagot

Siya ay naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas.

2. Bakit iginalang ni Quiroga si Simoun?

Sagot

Dahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral.

3. Bakit nagkautang si Quiroga kay Simoun ng siyam na libong piso?

Sagot

Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng
isang makapangyarihang lalaki.

Kabanata XVII
Ang Perya sa Quiapo

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o pabaril na tulad ng kasalukuyang
gamit ng taguring ito. Ito ay Fair o mga kubol ng siriko, mahika (magic), mga tindahan ng
laruan ,paninda mga ari, at iba pa.
2. Nooy Enero.
3. Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayon siya ang nagyaya sa panonood sa espinghe
ni Mr. Leeds.

Mga Tanong at Sagot


1. Anong kalinangan Pilipino ang binigyan diin ni Rizal sa Kabanatang ito?

Tugon

Ang palilok ng mga anyo o larawan. Isa itong talakay sa sining ng paglilok ng mga Pilipino
na pinuri ni Rizal.

2. Ano ang inilalarawan sa kathang La Filipina?

Tugon

Ang pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or journalism): matanda


(makaluma); pisak ang isang mata ( di katotohanan ang pagbabalita at iyong lang ibig
paksain ang pinapaksa ): marumi, at lugami ang pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito
ay isa pa si Ben Zayb sa nagtatawa sa larawan at wala siyang kamalay-malay na sila ang
inaatake sa larawang iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng pagkakapahintulot ng sensor sa
pagpapalathala ng Florante at Laura ni Balagtas na atake ng kumatha laban sa
pamahalaan.)

Mas malinaw rito ang panunuligsa sa ikalawang larawan, ang bayan ng Abaka. Inilalarawan
dito na ang Pilipinas ay bayan ng abaka na ang karaniwang gamit ay panggapos sa mga
dinarakip ng guwardiya sibil. Ngunit ito man ay di nasakyan ng matatalinot magagaling na
pangkat nina Ben Zayb.

(Nasakyan naman kaya ito ng mga indiyo? At sino ang nakaisip ng gayong mga larawan sa
perye?)

Kabanata XVII
Ang mga Kadayaan

Mga Tanong at Sagot

1.Bakit hinimatay si Padre Salvi?

Sagot

Dahil sa takot sa tinawag na ulo.

2. Kanino inahalintulad ang buhay ni Imuthis?

Sagot

Kay Ibbara.

3. Ano ang ipinahihiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos ng salaysay ni


Imuthis?

Sagot

Ito ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaan at pagpakasal.

Kabanata XIX
Ang Mitsa
Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si Don Custodio, na magpapasiya ukol sa


balak na paaralan ng kabataan.

2. Ang salita kayang Ingles na amok (huramentado) ay galing sa hamok ng Malay?

3. Si Kabesang Andangay halimbawa ng isang ignoranteng ina noong panahong iyon na


kaya lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang mapagmalaki bilang
ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pag-aaral ni
Placido ay bilangguan o bibitayan, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay at matining na
pag-aaral noon ay papag-aralin pa kaya niya ito?

4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal (kanugnog-pook ng Maynila


o suburbs na noon ay mabugat pa tulad ng Balintawak, Sta Mesa. Makati, La Loma at atbp.)
na binubuo ng :

A. Pangkat ng mamamayang naaaping ibig maghiganti;

B. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa udyok ng paghanap
ng katarungang di naging kanila sa pamahalaan;

K. Mga kawal na kanyang pinaniwalaang ibig ng Kapitang Heneral na manggulo sila sa mga
sibil at sa mga prayle upang magkaroon ng dahilan ang heneral na magtagal pa sa Pilipinas;

D. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga kawal at sibil.

Dahil dito, ang mga sibil at mga manong ay makakalaban ng mga kawal na may mga
pagkakautang kay Simoun at ang mga tulisan kakampi ni Simoun, at ang mga
mamamayang sasapi sa kanya ay malayang makalulusob sa Maynila (Intramuros ngayon) at
maluwag niyang makukuha ang siyudad na walang magtatanggol.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral?

Tugon

Iisa ang unibersidad noon para sa karera ang unibersidad ng Sto. Tomas. Ayaw na siyang
tangapin doon.

2. Ano ang lintik na ibig nang sumabog ni Placido upang maipakilala nga ngitngit ng
kanyang paghihiganti?

Tugon

Ang himagsikang tulad ng naganap noong 1872 na kinasangkutan nina P.Burgos. makikita
ritong ang diwa ng 1872 ay nananatiling buhay sa isip at damdamin ng mga Pilipino
pagkatapos noon. Umaasa sila sa muling pagsabog ng malaking himagsikan.

3. Bakit napatapon ang dating guro sa San Diego?


Tugon

Ninasa niyang makapagturo nang mabuti. Naging kalaban niya ang simbahan at ang
pamahalaan na sadyang ayaw na ang mga indiyo ay matuto ng husto.

4. Bakit umanib kay Simoun sa balak niyang paghihimagsik ang Kastilang may rayuma?

Tugon

It'y nagkaasawa ng maganda. Pinagnasaan ng mga prayle ang babae. Para maiwasan ang
ganti ng Intsik, ito ay ginawan ng lalang ng mga prayle upang mapabilanggo hanggang
magkaramdam. Ibig ng Kastila na makapaghiganti.

5. Bakit napaaga ang pagbubunsod sa himagsikang binalak ni Simoun?

Tugon

Dahil kay Maria Clara na ayon sa balitang tinanggap ni Simoun ay nasa bingit na halos ng
kamatayan.

6. Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara?

Tugon

Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria Clara na iisang babae sa buhay
ni Ibarra.) nabubuhay ito mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay sinusunog
nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nitoy nagiging bagong Fenix. Kung makuha na ni
Simoun si Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala, bibigyan niya ng bagong buhay
ang mongha. Ani simoun patungkol kay Maria Vlara: Isang paghihimagsik ang naglayo sa
akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang magsasauli sa akin sa iyo.

7. Bakit nakita ni Simoun sa kanyang balintataw na tila galit ang anyo ni Don Rafael at ni
Elias?

Tugon

Ang dalawa`y di sang-ayon sa pamamaraang kanyang ginamit. Si Don Rafael ay kabutihang


lagi ang panuntunan sa pakikitungo sa bayan. Kay Elias ay di siya karapat-dapat sa
tungkuling kanyang ginaganap; di na siya karapat-dapat dahil ang nag-uudyok sa kanya sa
paghahangad na mapalaya ang bayan ay di ang diwang makabayan at makatarungan kundi
payak na paghahangad ng paghihiganti.

8. Ipaliwanag ang biglang pagbabago ng loob ni Placido nang kausapin siya kinabukasn ng
kanyang ina?

Tugon

Sa ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng kalabisan
ang makipagtalo sa kanyang ina. Kunway payag na siya sapagkat batid niyang sa mga
araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong himagsikan kayat wala nang tanging hiling sa
ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa labanan.

9. Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun?


Tugon

Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa na sisindihan
upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon: pagbawi kay
Maria Clara.

Kabanata XX
Si Don Custodio

Mga Tanong at Sagot

1. Paano nabigyan ng bansag na Buena Tinta si Don Custodio?

Sagot

Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang lingo at sakanyang


walanghabas na pakikipagtalo kung kani-kanino.

2.Paano siya nagkaroon ng pagkakataong makahawak ng napakaraming tungkulin?

Sagot

Sa tulong ng salapi ng kanyang mayamang asawa, siya ay nangalakal at tumanggap ng mga


paggawa ng pamahalaan.

3. Ano angpalagay ni Don Custodio sa mga Pilipino?

Sagot

Ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan.

Kabanata XXI
Mga Anyo ng Taga-Maynila

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Camarroncocido ay may pangalang ang kahulugan ay halabos na hipon dahil


mapulang-mapula siya. Siya ang isang Kastilang hindi nagpapahalaga s kanyang pagiging
Kastila. Gayong may pagkadugong bughaw, nang dumating sa Pilipinas ay naging isa
lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskil sa dulaan at mga gawaing kauri nito. Isa siyang
kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya na nang maparito ay
nagsamantala sa pagiging Kastila at naging mayaman at makapangyarihan.

2. Salin ng Les Choches de Corneville: Mga Kampana sa Corneville. Itoy nagpapahiwatig ng


mga mananayaw na babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana na titikwas-
tikwas samantalang sumasayaw at pasipa-sipa sa itaas ang mga paa.

Mga Tanong at Sagot

1. Anong kasamaang ugali ang pinulaan ni Rizal sa mga taong tulad ni Camarroncocido?

Tugon
Ang pagwawalang-bahala sa mga panayayari o mga mangyayari kung ito ay walang
tuwirang kaugnayan sa kanya kahit mangahulugan ito ng kaguluhan sa bayan o maging ito
ay matuklasan niyang may pipinsalaing ilan. Ito ay sakit ng lipunan hanggang ngayon.
Maraming kabulukan at katiwalian o krimen ang nasassaksihan ngunit di isinusuplong sa
mga maykapangyarihan sapagkat wala namang tuwiran o biglaang samang nagagawa sa
mga nakakita dahil di nila nais masangkot sa gulo. Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa
paglilitis. Ngunit sa di paggawa ng karampatang hakbang ng mga nakapunang ito, ang
katiwalian o ang krimen ay lalaganap at balang araw ang nangapabaya sa pangyayari ay
siyang tatamaan niyon. At sa katiwaliang nangyari sa bayan, di man tuwiran, lahat ay
nagdurusa. (Maipaliliwanag pa ito ng guro).

2. Paano nahati sa dalawa ang lipunan sa Maynila?

Tugon

Dahil sa mahigpit na pagtutol dito ng mga prayle, lalo na si Padre Salvi, at sa pagsang-ayon
dito ng mga taong pamahalaan, napukaw ang pansin ng mga taga- Maynila. Nangagtanong
sila kung bakit ipinagbabawal ito ng simbahan? Lahat halos ay ibig manood: Una, iyong ibig
manood upang malaman kung bakit bawal; at ikalawa, iyong ibig manood kung bakit dapat
ipagbawal. Kung hindi ipinagbawal ng mga prayle, hindi dadami ang manonood.

Ito ay isang magandang paglalahad ukol sa tinatawag na ban o pagbabawal sa pagbabasa


sa isang aklat. Dahil ipinagbabawal ang Noli at Fili, noon, halos lahat ng marunong-runong
bumasa ng Kastila noong panahon ni Rizal aaaaay nagnais makabasa ng mga nobelang ito.
Ipinagbawal ng simbahan ang Pride of the malay Race ni Rafael Palma. Ito ay naging mabili.
Kapag nilalagyan ng For Adults Only ang paskil ng palabas sa sine lalo itong
pumapasok;ipinagbabawal ang isang sine, ito ay dudumugin ng tao. Dahil sa itoy katutubo
sa tao ang pagtanggi sa pagbabawal. Bawalan mong hipuin ang isang bagong kapipintang
bagay sa paglalagay ng pansin na Huwag Hipuin .Sariwang Pintura, at ito ay mapupuno ng
mga bakas ng daliri ng mausisa.

3. Sino-sino ang mga taong napuna ni Camarroncocido sa dilim sa paligid ng dulaan?

Tugon

Mga tauhan ni Simoun. Ang mga kawal ay pinagsabihan niyang ibig ng Kapitan Heneral na
magkaroon ng gulo upang mapigil ang pagbabalik nito sa Espanya at di kaagad matapos
ang panunungkulan nito sa Pilipinas. Sa makatuwid sumalakay man ang mga kampon ni
Kabisang Tales ay aakalain ng mga militar na iyon ay bahagi lamang inihandang
pagkakagulong sa kagustuhan ng Kapitan Heneral. At ang haharapin ng mga kawal ay hindi
ang mga tulisan kundi ang mga manong na magtatanggol sa mga prayle. Ditoy gagamitin
ni Rizal ang theory ni Machiavelli: Paglaban-labanin mo ang iyong nasasakupan at silay
madali mong mapaghaharian. Kung magpapatayan ang mga marinero at militar laban sa
mga manong at confradia magiging malaya ang pangkat nina Kabesang Tales at ang mga
mamamayan sa pagsasalakay sa nais nilang salakayin.

4. Bakit nakapasok din sa dulaan si Tadeo?

Tugon

Di sumama kina Macaraeg si Basilio dahil ang huli ay magrerepaso para sa nalalapit niyang
pagsusulit. May tiket para kay Basilio. Itoy ipinagamit nina Isagani kay Tadeo.
Kabanata XXII
Ang Palabas

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang tinawag na Filipino time ay pag-aglahi sa ating ninuno. Itoy hindi oras Pilipino.
Nagaya lamang ito ng ilan sa ating totoong isip-alipin sa mga Kastilang namuno sa atin
nang may tatlong daang taon. Ang manonood, makikita sa ano mang palabas, ay maagang
nagsisidating. Tanging panauhing pandanmgal ang huling dumarating at ito ay ipamamata
nang oras-Pilipino . Hindi tumpak na ang maling ginawi ng isa ay ipaari sa maraming hindi
naman gumawa niyon. Ang tunay na oras-Pilipino ay makikita sa mga nayon. Bago pa
sumikat ang araw at wala pang nakikita sa paligid ay nasa pilapil na ng bukid ang
magsasaka, nakasulong na sa dagat ang mamamalakaya. Ibando mong may pasine sa
liwasan sa ika-8 at ika-6 pa lamang ng gabi ay marami nang naghihintay na bata at
matanda sa pagpapalabasan. Pag sinabing oras-Pilipino itoy mga minuto o oras na una
kaysa takdang tipanan.

2. Ang bisa ng pag-ibig. Si isagani na pinakamasipag at tagapagtaguyod ng paaralan ay di


pumansin sa pagkakatuwa at pagtalakay ukol dito ng mga kasamahan dahil sa malaki
niyang panibugho at galit kay Paulita. Ito ring damdaming ito ni Isagani ang sisira sa
tagumpay na balak ni Simoun sa dakong huli.

3. Hindi magkasama sa palko sina Don Custodio at Pepay. Mahalay para sa Don ang
makitang kasama ang mananayaw.

4. Sina Tadeo at Pelaez bilang manonood. Si Tadeo ay isang uri ng manonood na di dapat
natatagpuan sa dulaan. Wala siyang nakikita o nais makita kundi ang kapintasan at kasiraan
ng kanyang pinapanood. Si Juanito Pelaez naman ay halimbawa ng isang ungas na
ginagamit ang kaunting kaalaman (sa Pranses) na lalong nagpapatingkad sa kanyang
katangahan. At sina Paulita at Donya Victorina naman ay mga lalong tanga na nakipatol sa
nagdudunung-dunungang si Tadeo. Silay parang mga bulag na napapaakay sa kapwa bulag.

5. Si Ben Zayb ay isang kritikong hangal. Walang kaalaman sa sining ngunit nagdudunung-
dunungan. Siyay mapanganib dahil marami siyang maihahawang hangal ding mambabasa
sapagkat siyay manunulat at manunudling (columnist).

6. Usapa ni Padre Irer at Serpolotte nang makita ng babae ang kura sa karamihang
nagsilapit sa artista. Sinunggaban sa bisig si Padre Irene at:

S-Naku, lapit, lapit dito, aking kuneho (pet o alaga).


I-Huwag kang maingay (nagnasang lumayo).
S-Bakit? Ikaw na higante rito at akong sumasamba sa iyo.
I-Huwag kang maingay rito, Lily akoy isang Papa rito.

Si Serpolette pala at si Padre Irene ay dati nang magkakilala sa Europa pa lamang. Si Padre
Irene ay isang lalaking makamundo. Ayon sa isang palasaliksik na naging propesor ko, si
Prof. Teodoro A. Agoncillo, si Padre Irene ay hinuwad ni Rizal sa isang hudyo na
nagpapanggap na pari at nakapagturo pa sa UST. Nang may malaking halagang napailalim
sa kanyang pag-iingat, siya na di naman talagang pari at kalaban pa nga sa pananalig
(Hudyo) ay nawala. Sinasabing bumalik sa Europa at nagbuhay Don Juan doon.

7. Punahin ang wika ni Donya Victorina nang mapg-usapan ang mabait at salbaheng utusan
sa pamaling pagsasalin ni Juanito: At akong naniniwalang sa Europa ang lahat ay mababait!
(Isip-alipin talaga)

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit masaya si Pepay gayong hindi maganda ang kanyang balita para kina Makaraig?

Tugon

Isa siyang tanga. Hindi niya nasakyan ang ibig sabihin ng pasiya ni Don Custodio na akala
niya ay sang-ayon sa paaralan kayat ikatutuwa nina Makaraig

2. Kaganinong palko ang walang tao na nkita ng babaing namayagpag sa pagdating niya
ngng hulisa lahat?

Tugon

Kay Simoun.

3. Bakit hindi nasiyahan si Sandoval sa palabas?

Tugon

Paano di siya nakauunawa ng Pranses. (Daig pa siya ni Juanito.)

4. Bakit hinagisan ni Pecson ng medyas na mabaho si Sandoval?

Tugon

Si Sandoval ay isang Kastilang estudyante na kasang-ayon nina Isagani sa pagtatayo ng


paaralan ng kabataan. Nasabi niya minsan, nang sabihin ni Pecson na walang mararating
ang balak nila sapagkat lalabanan ng simbahan at pamahalaan, sinabi ni Sandoval na pag
nabigo ang mga Pilipino, siya na isang kastila, ang magpapatuloy ng magandang balak na
iyon. Ang medyas ay pinagsagisag ni Pecson sa isang paghamon kay Sandoval na magsabi
ng totoo sa kanyang salita.

5. Bakit ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak nilang paaralan?

Tugon

Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga dominikano sa Unibersidad ng Sto. Tomas samantalang


ang lahat ng gugol ay sa mga estudyante. Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa
unibersidad sa ilalim ng mga dominikano. Bakit magbubukas pa ng paaralan ang kabataan?
E, di papasukin na rin lamang nila sa unibersidad ang sino mang nais mag-aral kahit hindi
matuto.

Kabanata XXIII
Isang Bangkay

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan Tiyago gayong siyay hirap na
hirap ditto at pabayaan lamang niyang mamatay ay tapos na
ang hirap niya?

Sagot

May marangal na budhi si Basilio. Nasa isip niyang lagi ang kinabukasan nila ni Huli na ayaw
niyang mabahiran ng maruming kahapon.

2. Bakit inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng Pilipinas?

Sagot

Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa buong katawan, dahil sa
laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na kabulukan sa bayan, ay malapit nang
maglagot ang bayang Pilipinas.

3. Bakit kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik?

Sagot

Si Basilio lamang ang tangi kay Simoun at Kapitan Tiyago ay siyang naka-kikilala kay Maria
Clara na kailangang ilabas sa Sta. Clara. Si Basilio lang dahil kailangan ni Simoun na
pangasiwaang maigi ang mga pangkat ng kanyang pag-aalsa.

4. Ano ang mapupuna sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya, kung
buhay si Elias, ay isa sa mga tututol?

Sagot

Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik na ito. Itoy ginawa lamang
niyang kasangkapan sa isang makasariling layunin---ang maka-paghiganti at mailigtas si
Maria Clara sa mga pagdurusa sa kumbento.

5. Bakit napablis ang pagkalason ng katawan ni Kapitan Tiyago?

Sagot

Kung wala si Basilio ay binibigyan ni Padre Irene ng maraming apyan ang may sakit; tulad
ng pagpapalala ni Simoun sa sakit ng bayan. Si Padre Irene ay may hangad sa lalong
madaling pagkamatay ni Kapitan Tiyago dahil nagawa niyang siya ang mapamanahan ng
lahat ng ari-arian ng matanda.

Kabanata XXIV
Mga Pangarap

Kabanata XXV
Tawanan at Iyakan

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nagdaos ng piging ang mga estudyante?

Sagot
Patuyang pagsang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio, ayon kay Padre Irene, upang
ipagdiwang ang pagkakasang-ayon ng Don sa mungkahing paaralan. Maging ang paskin
ukol sa kaluwalhatian para kay Don Custodio ay tigib ng panunuya at pagdaramdam.

2. Ilang lahat ang nagdiwang na mga estudyante? Sinu-sinoang mga kilala ninyo?

Sagot

Unay labintatlo ang mga Pilipino at isa ang Kastila, si Sandoval. Dumating si Isagani, kaya
naging labinlima. Labing-anim sana sila ngunit di dumating si Basilio. Naroon sina Makaraig,
Tadeo, at Pecson.

3. Ano ang ibig sabihinni Pecson sa bahagi ng kanyang talumpati na: ...ang langit ay
ipinipinid sa mayayaman, kayat sila (ang mga prayle), mga bagong sasagip at mga tunay
na alaga ng Manunubos ay gumagawa ng ibat ibang uri ng mga lalang upang gampanan
ang inyong mga kasalanan... Paano pinagagaan ang kasalanan ng mayayaman?

Sagot

Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok sa pinto ng


langit at mga prayle lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman. Paano? Pamisa,
panobena, abuloy, at higit sa lahat, pagpapamana ng mga ari-arian ng isang prayle o sa
simbahan.

Kabanata XXVI
Mga Paskil

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Basilio ay isa nang nagsasanay sa panggagamot sa ospital.

2. Noon ay walang titulong Doktor ang mga Pilipinong nagtatapos ng medisina. Licienciatura
lamang ang pinagkaloob. Ngunit silay nakapanggagamot din.
3. Pinakaiiwasan ni Basilio ang pagkasangkot sa pulitika dahil sa kanyang mga karanasan
noong bat pa siya. Ngunit ngayo;y dina naiwasan ang pagkasangkot.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit di makautang si Basilio kay Kapitan Tiyago?

Tugon

Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi nang


ipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon.

2. May kinalaman kaya si Simoun sa mga paskin?

Tugon

Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun ay nahihiga dahil sa


kapahamakang inabot dalawang araw na.

3. Sino ang nakakita ng mga paskil?


Tugon

Walang nagkakita sa mga nagbabalita. Maaga raw itong ipinabakbak ng Bise Rektor (Sibyla)
at ipinadala sa pamahalaang sibil upang gawing patibay sa pagsusuplong laban sa mga
estudyante na siyang tiniyak na may kagagawan niyon.

4. Ano ang ibig sabihin ng katedratiko na si Kapitan Tiyago ay nangangamoy bangkay na ?

Tugon

Napapadalas na raw ang dalaw ni Padre Irene at ni Simoun na siyang nagbabalitang lalong
makikinabang sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago parang mga uwak at buwitre (vulture).

5. Bakit namumutla si Isagani sa kanyang pagtatalumpati?

Tugon

Sa galit sa mga pangyayari at hinanakit sa mga kasamahang nangawala ang ulo sa takot sa
mga pangyayari.

6. Sino ang may kagagawan sa mga paskil?

a. Si Simoun? Hindi magagawa ni Simoun dahil nahihiga sa karamdaman. Hindi kaagad


makakikilos ang mga kasamahan ni Simoun ukol doon. Nagkatiwa-tiwalag sila. Hindi
magagawa iyon ng mga kawal o ng mga manong. Di rin ng mga tulisan o Penitente kaya.
Kung iyon ay noong gabi ng himagsikan mismo natagpuan, maaari pang si Simoun. Ngunit
isang araw pa ang nakalipas bago nagkaroon ng mga paskin.

b. Ang mga prayle? Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga estudyante kundi
ang mga kura lalo na ang bise-rektor o si Padre Sibyla. Sila ang may palakad ng resolusyon
laban sa paaralan ng Wikang Kastila na di nilagdaan ni Placido.

7. Bakit nasabi ni Makaraig na si Basilio ay isang marangal na kaibigan?

Tugon

Akala kasi ni Makaraig ay nakikisama sa kanila si Basilio nang malamang pinaghuhuhuli na


ang mga estudyanting kasapi sa kapisanan. Si Basilio ay di nila maisama sa mga lakad na
pangkasaysayan o noong wala pang gulo at ngayon nagkakagulo ay saka nakikisama si
Basilio, sa akala ni Makaraig.

Kabanata XXVII
Ang Prayle at ang Estudyante

Mga Tanong at Sagot

1.Ano ang ibg sabihin ni Isaganina walang ginagawa ang mga prayle kundi magrasyon ng
kaisipang luma?

Sagot

Huling-huli sa takbo ng panahon ang itinuturo ng mga prayle bukod sa kakatiting pa.
Batid ito ng kabataan dahil sa may ilang nanggaling sa Europa ang matapos maghambing-
hambing ay nakapagsabing huling-huli ang Pilipinas sa panahon.

2. Ano ang puna ni Rizal sa pagkakaroon ng ordeng Dominiko ng tanging karapatan sa


pagtuturo sa mga Pilipino?

Sagot

Parang isinubasta raw ng pamahalaan ang pagpapaturo sa mga Pilipino at hindi man
ginagawa ng Dominiko ang tungkulin ay di pinapansin ng pamahalaan dahil kapwa sila
nakikinabang. Inihambing ni Rizal ang paraan ng pagtuturo ng Dominiko at ibang orden sa
pagpapakain sa bilanggo na isinusubasta sa mga komersiyante.

3. Ang kahuluganng kasabihang latin na Vox populi ,vox dei ? Ipaliwanag.

Sagot

Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Kung bayan na ang humihingi ng isang bagay
ipinalalagay na iyon ay Diyos na rin ang may kahilingan. Ang paghihimagsik ng bayan ay
paghihimagsik na rin ng Diyos laban sa may masamang pamamahala.

4. Bakit daw walang mangahas sa mga estudyante na gawin nang harapan ang pamumuna
sa mga prayle ayon kay Isagani?

Sagot

Baliw raw ang sino mang gumawa nang sapagkat pag-uusigin.

Kabanata XXVIII
Pagkatakot

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang palatandaan na takot ang mga prayle sa mga pangyayari?

Sagot

Ni isay walang sumipot sa tindahan ni Quiroga gayong may mga bagong dating na
panindang "nabibili" ni (nang walang bayad) sa intsik.

2. Bakit ayon kay Ben Zayb ay nakasisira ang pagtuturo sa Pilipinas?

Sagot

Natututo raw na maging rebelde ang mga Pilipinong dumudunong. Iisa sila ng katuwiran ni
Padre Damaso (Noli Me Tangere)

3. Ano ang balak ni Simoun sa mga baril at kartutsong ipinatago niya kay Quiroga?

Sagot

Ipamamahagi iyon sa mga taong bayang sasanib sa kanyang paghihimagsik.


4. Bakit ayaw makipagkita si Simoun kahit kay Quiroga?

Sagot

Siya ay sugatan. Ayaw niyang mausisa ukol doon. Masama rin ang kanyang loob sa mga
pangyayari. Namatay si Maria Clara. Nasira ang balak na paghihimagsik. Mainit ang kanyang
ulo. Kailangan niya ang mapag-isa , makapagisip-isip.

Kabanata XXIX
Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Lahat ng tadhana ng testamento ni Kapitan Tiyago ay gawagawa ni padre Irene Sa


ganitong paraan nagkakamal ng malaking lupa at kayamanan ang mga orden, at ang
simbahan at kadalasan ang mga anak ng namatay na mayaman ay nangauulila maging sa
pamana.

2. Pati sa damit na isusuot ay nagtipid si Padre Irene. Mababawasan pa ang kanyang


makakaparte.

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang kahulugan ng tanong ni Quiroga kay Primitivo: Sigulo puede contalata aliendo
galela con kilisto, ja? Cuando mia muele mia contalatista, ha?

Tugon

Itoy nagpapakita ng kataliman ng intsik sa negosyo, mapagkakakitaan; walang bawal-


bawal. Ito riy nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano ay di dahil sa
pananampalataya kundi sa lalong ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totooito sa
karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang
ng kanilang kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng pagagong kastila ni Quiroga: Kung
mamatay ako, maaari marahil na akoy makipagkontrata kay kristo sa pagtatayo ng
sabungan sa langit, ha?

Kabanata XXX
Si Huli

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ni Hermana Penchang na mabuti nang napaalis niya si Huli?

Sagot

Hindi totoong pinaalis niya si Huli. Masama ang loob niya nang tubusin ni Basilio ang dalaga.
Ayaw niyang kasamaan siya ng loob ng mga prayle. May kaunting katwiran siya. Nooy
madaling madawit sa isang suliraning pampulitika at pangsimbahan at dahil dinakip si
Basilio, at kasintahan ni Basilio si Huli, maaring madawit si Hermana Penchang na siyang
pinaglilingkuran ng dalaga.

2. Ano ang hiningi ni Padre Camorra na kapalit ng pagtulong nito sa pagkapalaya kay
Tandang Selo?
Sagot

Ang pagkababae ni Huli, ang puri ng dalaga na malaon nang pinagmimithian ng kura.

3. Bakit sa simula pa lamang ay alam na ni Huli na magiging kabayaran ni Padre Camorra sa


paglaya ni Basilio?

Sagot

Tulad ng hiling ni Padre Camorra nang tulungang palayain si Tandang Selo ang katawan at
puri ng dalaga.

4. Bakit nagtungo pa rin sa kumbento si Huli?

Sagot

Una, sa malaking pag-ibig at utang na loob kay Basilio. Nais niyang lumaya ang binata.
Ikalawa, ang pagtiyak ni Hermana Bali na walang masamang mangyayari.

Kabanata XXXI
Ang Mataas na Kawani

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit Matanglawin ang naging bansag kay Kabesang Tales?

Sagot

Sinasabing ang lawin ay may napakatalas na mga mata. Parang lawin naman ang mga mata
ni Kabesang Tales sa likod ng kanyang baril.Bawat matingnan, napatatamaan.

2. Sino ang unang nakalaya sa mga estudyante? Sino ang huli? Sino ang hindi nakaalpas?
Bakit?

Sagot

Sa tulong ng kanyang salapi, una sa lath ng nakalabas sa bilangguan ay si Makaraig. Huli si


Isagani dahil sa malayo ang kanilang bayanat natagalan bago dumating ang amaing pari. Si
Basilio ang tanging naiwan sa kulungan. Wala siyang padrino o ninong na nagmalasakit.

3. Bakit nagiging tila maka-Pilipino ang Mataas na Kawani?

Sagot

Una, siyay isang taong marangal at may puso. Ikalawa, naniniwala siyang ang pagbibigay
ng katarungan sa mga Pilipino ay higit na nakapagpapadakila sa bansang Espanya.

4. Ano ang kahalagahan ng Mataas na Kawani sa nobelang ito?

Sagot

Sa tulong ng paglalarawan sa Mataas na Kawani ay naipakita ni Rizal ang kanyang


kawalangpagkiling sa pamumuno niya sa mga sakit ng bayan. Binatikos niya ang masamng
Kastila; Pinuri niya ang marangal at dakila.

Kabanata XXXII
Ang Bunga ng mga Paskil

Mga Tanong at Sagot

1. Anong pangunahing pangyayari ang ibinunga ng mga paskil sa mamamayan ?

Sagot

Pagkakatakot, pambayang pagkakatakot.

2. Ano ang nangyari kay Isagani, Makaraig, at Basilio matapos silang dakpin ?

Sagot

Si Isagani ay nakapasa sa asignatura ni Padre Fenandez lamang, si Makaraig ay kumuha ng


pasaporte at nagtungo sa Europa at si Basilioay nanatili sa bilangguan.

3. Pano nabalitaan ni Basilio ang nangyari kay Huli ?

Sagot

Sa tulong ng kutserong si Sinong na dumalaw sa bilangguan.

4. Bakit nalimot ni Paulita si Isagani ?

Sagot

Natakot siya sa kagitingan ni Isagani. Maaring may nakatulong pa si Donya Victorina sa


pagsulsul sa dalaga na limutin ang kasintahan at si Juanito na ang ibigin. Magkalayo ang
daigdig ni Isagani na tinagurian ni Paulita na rin, na mga pangarap samantalang ang
kawalang isip at pagkamakasarili ni Paulita ay kataliwas sa pagmamalasakit ni Isagani sa
ibang tao at sa bayan.

Kabanata XXXIII
Ang Huling Matuwid

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang paniwala ng maraming mapamahiing Pilipino ukol kay Simoun at sa Kapitan
Heneral?

Sagot

Si Simoundaw ay isang demonyong nagkatawang tao at siyang kumukubabaw sa Kapitan


Heneral at nang-uupat sa huli sa paggawa ng kaimbihan. Kaya sa pag-alis ng Kapitan
Heneral ay kasama ring aalis si Simoun.

2. Ano ang malaking ipinagbago ng anyo ni Simoun sa loob ng dalawang buwan


Sagot

Nawalan siya ng sigla dala ng malaking pag-aalinlangan sa katuwiran ng kanyang


paghihiganti. Hindi tulad ng una, may layunin siya sa paghihimagsikpagbibigay ng bagong
buhay kay Maria Clara. Ngunit ngayon ay wala na iyon. Isa na lamang payak na
pagnanasang pumatay at magsabog ng lagim upang mabawasan ang matinding hapdi ng
awa niya sa sarili na lagi niyang ipinagkakamaling para sa kapakanan ng bayang naaapi.

3. Bakit nasabi ni Simoun na nasa mga imbi natatagpuan niya ang kanyang mga katulong?

Sagot

Ang pinakamalaking tulong na nakuha ni Simoun ay mula sa imbing pamahalang sibil at sa


simbahan. Ang kasamaang ipinakita ng mga ito, sa tulong na rin ng kanyang panunulsol, ay
siyang lalong nagpabulok sa bayan., lalong naghanda sa bayan sa di-maiiwasang
paghihimagsik.

Nakatulong din niya ang imbing kawal dahil sa kanyang imbing pagsisinungaling na
pagtangkilik kunwa sa imbing heneral. Naroon din ang mga imbing manong sa kanilang mga
kamangmangan.

4. Ipaliwanag ang sinabi ni Simoun na kailangang baguhin ang lahi. Ang amang duwag ay
magkakaanak lamang ng alipin.

Sagot

Ang ibig sabihin ni Simoun , hindi dapat magkaanak ang mga amang hindi sasama sa
paghihimagsik niya sapagkat duwag ang mga itoat ang amang duwag ay mananatili sa
pagkaalipin, samakatuwid , maging alipin din ang mga anak nito. Dahil dito,kailangang
pagpapatayin ang lahat na ayaw sumapi sa himagsikan dahil ang mga iyon ay mga duwag
na kailangang mamatay upang di magbunga ng marami pang alipin.

Kabanata XXXIV
Ang Kasal ni Paulita

Mga Tanong at Sagot

1.Saan naroon si Isagani at wala sa pinangangaserahan?

Sagot

Mababasa ito sa kasunod na kabanata.

2. Ano ang katunggakan at pagka-isip alipin ni Don Timoteo sa sining ang ipinakita ni Rizal?

Sagot

Ang tungkol sa pinturang larawan na tinutulan niyang ilagay ni Simoun sa bahay ni Kapitan
Tiyago bilang kapalit ng mga inalis na mga santo. Baka raw pagkamalan siya na
tumatangkilik sa mga pintor na Pilipino pagkat kaya ng mga ito ang gumuhit ng larawan na
wala naman siyang kamuwangan. Inibig pa niya ang mga palamuting kromo dahil hindi
gumagawa nang gayon ang mga Pilipino.
3. Ano ang kahalagahan sa pag-unawa ng mga pangyayari ng pagiging kutsero ni Simoun si
Sinong?

Sagot

Lalong lumilinaw na may kinalaman si Simoun sa matagal na pagkapiit ni Basilio. Si Sinong


ang laging dumadalaw sa estudyante sa bilangguan at nagiging taga-hatid balita, lalo na
ang ukol kay Huli.Ang tangang si Sinong , sa sariling kusa, ay hindi makapangahas dulaw sa
bilangguan ng isang maymalaking pagkakasalang tulad ni Basilio. Maari siyang idawit ng
mga may kapangyarihan. Ang pagdalaw niyang iyon ay isang misyon para kay Simoun
upang dagdagan ng pait ang pagkabilanggo ni Basilio at tuluyang lasunin ng ngitngit ang
isip nito at damdamin.

Kabanata XXXV
Ang Piging

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang kahulugan ng Mane Thacel Phares?

Tugon

Tuald ng pamagat na Noli Me Tangere, ito ay hango rin sa Bibliya, sa Lumang Tipan, Daniel,
Kapitulo 5, bersikulo 25-28. Ayoin dito, ang Haring Belshazzar ng Babilonya ay nagdaos ng
isang malaswan pagtitipon. Samantalang nagkakatuwa sa kalaswaan ang mga tao ay nakita
nila ang isang kamay na buong hiwagang sumusulat sa pader ng: Mane, Mane, Thacel,
Upharsin , isang babalang nagsasabing Tinakdaan na ng Diyos ang Babilonya at nabibilang
na ang mga araw ng kahariang ito. Di nagtagal at ang Babilonya ay sinakop ng ibang
kaharian at pinaghatian ng mga Mane at mga Persiyano.

Sa kabanatang ito, ang pakahulugan marahil sa isinulat ni Ibarra o Simoun ay: Hinukuman
na na ang paghahari ninyo rito at napagpuang nagkasala at kayoy nahatulan ng
kamatayan.

2. Kangino naianyo ni Basilio si Simoun samantalang dala niyon ang ilawan ng kamatayan?

Tugon

Sa isang demonyo o kay Satanas na naliligid ng apoy.

3. Bakit si Padre Salvi lamang ang nakakilala sa lagda ni Ibarra?

Tugon

Siya lamang ang nakakita na ng lagda ni Ibarra sa sulat ng binata kay Maria Clara na
ibinigay sa kanya ng dalaga bilang kapalit ng 3 liham ng ina nito kay Padre Damaso. Ito ay
kaniyang hinuwad sa mga kasulatang nagdawit kay Ibarra sa himagsikang kagagawan nila
ni Lucas.

4. Bakit di sumabog ang ilawan?

Tugon
Hindi nagalaw ang pihitan ng mitsa na siya sanang magpasabog sa lalagyan ng
nitroglisirina.

5. Paano nakapasok sa nahay si Isagani?

Tugon

Maayos ang kaniyang bihis. Inakala ng mga tanod na siya ay isang panauhin.

6. Sino ang kumuha ng ilawan at naghagis noon sa ilog?

Tugon

Si Isagani.

7. Bakit hindi nakita ni Basilio si Isagani sa bahay ng huli nang kanyang paroonan ang
kaibigan?

Tugon

Tulad ng di iilang nabigo nang napakapait sa isang tapat at matinding pag-ibig, si Isagani
marahil ay nagtungo sa isang lugar na mag-isa ay malaya siyang makapagmumuni-muni
ukol sa kanyang kalagayan. Saka siya nagtungo sa pagdarausan ng piging upang makita
man lamang si Paulita sa mga huling sandali nito sa pagkadalaga.

Kabanata XXXVI
Mga Kapighatian ni Ben Zayb

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit daw ayon kay Ben Zayb, nagtungo sa ilalim ng mesa si Padre Irene nang pumasok
ang umagaw sa ilawan ni Simoun?

Sagot

Para raw mabilis at walang sagabal na mahabol ang di kilalang tao. Ang totoo: para
magtago dahil sa takot. Doon niya nakita ang mga balutan ng pulbura sa ilalim ng mesa.

2. Bakit daw hinimatay si Padre Salvi?

Sagot

Dahil daw hindi nagbunga ng mabuti ang mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga
sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa pagpapakabuti, may mga
indiyo pang nagiging pangahas at masama.

3. Ano pa ang ibang laman ng balita ni Ben Zayb ukol sa handaan sa kasal nina Paulita at
Juanito?

Sagot

Pawang pagpuri sa kagitingan at katapangan ng mga Kastila - taong pamahalaan mula sa


Kapitan Heneral hanggang sa mga prayle.
4. Ano ang naging parusa kay P. Camorra dahil sa ginawa niyang paghalay kay Huli sa
Tiyani?

Sagot

Inilayo siya. Pinapagpahinga siya sa bahay-liwaliwan ng mga prayle sa Pasig. Higit na


paglalayo lamang sa kanya sa kapahamakan ng paghihiganti, lalo na ni Kabesang Tales, ang
gayon kaysa isang pagpaparusa.

Kabanata XXXVII
Ang Hiwagaan

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit pinapagtatago ng mga kasamahan si Isagani?

Tugon

May hinalang siya ang naglagay ng mga pulbura sa bahay ni Kapitan Tiyago upang
paghigantihan si Juanito. Itoy hindi totoo. Napatunayan ding si Simoun ang may
kagagawan niyon.

2. Bakit hindi nailihim sa sambayanan ang kaguluhan sa bahay ni Don Timoteo at ang
kaugnayan dito ni Simoun?

Tugon

May mga manggagawa, mga kawani sa pamahalaan, nangakakitat nagakasaksi sa mga


pangyayari sa gabi ng hapunan at nang magtanggalan na ng mga gamit sa piging. May
pakpak ang balita; may tainga ang lupa.

3. Patunayan na si Isagani ang kumuha ng ilawan at nagtapon nito sa ilog.

Tugon

(a) Siya ang huling kausap ni Basilio na tanging nakababatid ng layunin ng ilawang iyon.
Ang hindi niya naisisip ay ang layunin ni Simoun sa pagpapasabog sa bahay ni Kapitan
Tiyago. Ang tanging nasa isip niya nuon ay si Paulita. Si Isagani ang pumasok sa bahay
nang makaalis na si Basilio.

(b) Sa salita na rin niya na kung ang magnanakaw ay nakababatid lamang ng layunin ng
pagsabog ng ilawang iyon o kung makapaglimi lamang ito ng bahagya . Hindi sana ginawa
ng ginawa ng magnanakaw na iyon ang gayon! At sa salita niyang Pantayan man ako ng
kahit ano ay di ako lalagay sa tayo ng magnanakaw! ay isang paghihiwalay niya sa
katauhan ng lito at baliw sa pag-ibig na Isagani at ng Isaganing nagsisisi at nalason na ng
poot at pait ng pagkabigo at paghihiganti. Sa katauhan niya ngayon, ang ibig sabihin ni
Isagani, ay hindi niya gagawin ang kanyang gingawang pagkuha sa ilawang iyon.

Kabanata XXXVIII
Kasawiang-palad
Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Noon pa man ay isa nang parusahan o tapunan ng bilanggo ang Siberya sa Rusya. Ayon
ka Rizal, ang kalamigan ng Siberya ay mainam pa marahil kaysa parusang tinatanggap ng
mga dinarakip ng mga sibil gapos na pinalalakad nang walang pandong at walang sapin sa
paa sa kainitan maalikabok na lansangan sa kaparangan kasaby ng mga paglait at
paghagupit.

2. Ditoy inilalarawan ni Rizal di lamang ang katangahan ng mga sibil kundi ang kanilang
kalupitan sa mga kababayan. Basahin ang sinabi ng sibil ka Tano kung bakit daw
pinagmamalupitan nila ang mga bihag. At ang wika ng bihag sa sibil: malupit ka pa kaysa
sa mga kastila. Katutubo kaya sa atin ang ganitong kalupitan? Makatutukoy ang mga
kalupitan ng Pilipino noong panahon ng Hapones.

3. Ang mga guwardiya sibil, liban sa mga puno nito ay karaniwang mga Pilipino rin. (Ang
bumaril kay Rizal ay isang pangkat ng mga sibil na Pilipino.)

4. Si Tano, tulad ng hula ng marami, sa simula pa lamang kanyang pagkakawal ay naging


guwardiya sibil. Matapos ang kanyang paglilingkod sa Carolinas ay nagsibil na siya at
tinawag siyang Carolino o galing sa Carolinas.

5. Ang kabanatang ito ay maihamahambing sa kabanatang Noche Buena sa Noli Me Tangere


sa taglay na damdamin pagkikita ng matagal na nagkawalay na mag-anak na humantong sa
trahedya. Sa kabanatang ito ay may parikala o irony ng Tadhana. Si Carolino o si Tano na
rin ang nakapatay sa kanyang ama, kay Kabesang Tales.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit pinatay ni Matanglawin ang hukom sa Tiyani?

Tugon

Ito ang humatol na pag-aari ng mga Dominiko ang lupain ni Kabesang Tales.

2. Bakit naging mapanagumpay ang panunulisan ni Kabesang Tales?

Tugon

Walang pananggol ang bayang hindi pinagkatiwalaan ng sandata. Walang ginagawa ang
mga tao noon kundi umalis sa kanilang bayan at pabayaan ang kanilang mga bukid at
kabuhayan sa sandaling mabalitang sumalakay si Kabesang Tales sa malapit na bayan.

(Ganito rin ang nangyari ngayon. Ang mga mabuting mamamayan ay sumusunod sa utos na
bawal ang pag-iingat ng baril. Samantala, hindi masamsam ng pamahalaan ang mga baril
ng mga gangster at mga tulisan, kasama rito ang mga pulitiko at ang kanilang mga
kampon, kayat ang mga mamamayan ay laging nasa anino ng lagim at pangamba sa mga
sandatahang pangkat na ito.)

3. Anuo-anong ang ibinunga ng panunulisan ni Kabesang Tales?

Tugon

Tulad ng nais mangyari ni Simoun, ang bnayan ay lalong naging lugami. Natitiwangwang
ang mga bukirin, nagkakamatay ang mga hayop sa pagsasaka, namamayani ang
madudugong pagpatay at nagkatakot ang sambayanan. Namamatay ang negosyo o
kalakalan sa bawat pook na litawan ni Matanglawin. Lumilitaw ang kawalang kaya ng
pamahalaan. Mga dukha at mangmang at walang salang magbubukid ang madalas na
dinarakip ng mga sibil upang pagbintangang tulisan o kinaalam ng mga tulisan dahil di nila
inaabutan at madakip sina Kabesang Tales. Lalong nahihinog ang bayan sa paghihimagsik.

4. Bakit daw pinahihirapana ng mga sibil ang nangabihag na magsasaka?

Tugon

Ayon ka Mautang ay upang magsilaban at tumakas at nang pagbarilin na lamang nila.

5. Bakit kaya Mautang ang ipinangalan ni Rizal sa guwardiya sibil na ito?

Tugon

Marami nga marahil ang utang nito.

6. Sino ang itinuturo ni Tandang Selo kay Tano?

Tugon

Si Kabesang Tales. Mapupunang nang bumagsak ang unang lalaki sa talampas ay


nagpulasan na ang mga kasamahan nito. Nangangahulugang puno nila ang napatay. Walang
taong lalantad nang gayon sa mga kalaban liban na lamang kung dala ng matinding
damdaming sandaling nakapagpawala ng matinong muni o isip. Naging gayon si Kabesang
Tales sa di-inaasahang pagkakakita sa anak. Tangi sa rito, may isinigaw ang lalaking iyon na
nakatulig kay tano. Marahil ang sigaw ay Tano o anak ko!

Kabanata XXXIX
Katapusang Kabanata

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun?

Sagot

Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba.

2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang mabatid
niyang siya ay darakpin kinagabihan?

Sagot

Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal.

3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang tunay
niyang pangalan?

Sagot
Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa
gayon, hindi siya mapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa
mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ng kumpisalan.

4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin ang
una, pangalawa at pangatlong pagkabigo?

Sagot

Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si Simoun.
Hindi niya naisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan ng ingat sa
maaring mangyayari. Ang ikatlo ay dahil sa kaparaanang lubhang mahiwaga.

You might also like