You are on page 1of 2

Ang larawang nasa itaas ay tagpong aking nagustuhan at nahangaan sa Obra Maestrang

Ibong Adarna. Itoy eksena kung saan ang prinsipeng si Don Juan ay humingi ng tulong sa isang
ermitanyong nadaanan niya habang patungo sa lungga na ibong Adarna. Hindi tinanggihan ng
ermitanyo ang alok na tulong ni Don Juan sa kanya na isa sa hinangaan ko. Nang malaman ng
ermitanyo na patungo si Don Juan sa kinaroroonan ng Ibong Adarna hindi naging maramot ang
ermitanyo sa pagbibigay ng mga nalalaman niya dito. Sinabi ng ermitanyo ang lugar na
kinaroroonan ng ibong Adarna at binalaan niya si Don Juan sa mga posibleng magawa nito sa
kanyang buhay. Hangga ang ermitanyo kay Don Juan sa tapang nitong pagpunta sa
kinarororoonan ng ibong Adarna kayat binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng mga bagay na
panangga sa laban sa Ibong Adarna na walang hinihinging kapalit.
Hindi matutumbasan ang tulong na ginawa ng Ermitanyo kay Don Juan. Kung
maihahantulad sa ating lipunan ang ganitong panyayarai natitiyak ako marami parin sa kabataan
ang magiging maramot sa mga bagay na kagustuhan na malaman ng bawat isa kadalasan ay
babayaran pa natin ang mga tulong na pinagkakaloob sa atin gaya ng pera o anumang
mahalagang bagay na meron tayo. Gaya ng pinakita ng Ermitayo at Don Juan, masgsilbng aral
sana sa kabataan ang eksenang ito upang maipakita natin ang kahalagahan natin bilang tao sa ata
ng Diyos. Tulungan natin ang bawat isa ng walang hinihinging kapalit na anumang bagay na
meron sila.
Ang tagpong ito ang aking pinakanagustuhan sa Obra Maestrang Ibong Adarana. Pinipili
o ang mga Prinsipeng sina Don Juan, Don Diego at Don Pedro na may iisang hangarin na
kuhanin ang ibong Adarna at iligtas ang kanilang ama sa sakit. Alam naming natin na sina Don
Diego at Don Pedro ay masamang kapatid kay Don Juan ngunit magkakaiba man sila ng
katangian gagawin parin nila ang lahat upang mailigtas ang kanilang ama alagay man sila sa
kapahamakan sa pagkuha sa Ibong Adarna. Batid ni Don Juan ang hindi magandang asal na
pinakita sa kanya ng kanyang mga kapatid tulungan man niya ito sa kapahamakan nanatili sa
kanyang puso ang pagtulong niya sa mga ito dahil kapatid niya ang mga ito.
Kung ikukumpara ang tatlong prinsipeng magakapatid sa mga kabataan ngayon, marami
sa atin ang makasagot sa magulang ay akala mo kung sino. Maraming mga anak ang hindi
sumusunod sa mga utos ng magulang at marami ding hindi nakakaisip sa mga sakripisyong
ginagawa ng magulang para sa kanilang mga anak. Kaya ba ng anak o maging magkakapatid na
magbuwis ng buhay para sa kanilang mga magulang? Sana bilang tao ay magkaroon tayo ng
pag-uugaling pinakita ng tatlong prinsipe na iligtas ang kanilang ama sa kamatayan, tularan natin
sila at tayoy maging matapang sa buhay natin para sa ating minamahal na magulang.

You might also like