You are on page 1of 16

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pagpapakita ng pasusuri, interpretasyon at maging ang

paglalahad ng mga datos na nakalap mula sa sarbey kwestyuner na sinagutan ng mga piling

respondent sa paaralan ng Our Lady Of Fatima University.

Propayt ng mga Respondente

Talahayan bilang 1
Strand ng mga Respondente

STEM
25% 25% ABM
HUMMS
GAS

25% 25%

Sa pigurang ito makikita ang presentasyon ng datos at porsyento ng mga respondente na

binubuo ng isandaang(100) mag-aaral na nahahati sa apat na strands. Nakasaad dito ang bawat

porsyento o bilang ng respondente sa bawat strands. Ang bawat bahagi ay may pare-parehong

porsyento o bilang na 25% o tig-lalabing lima (25) na mga respondente mula sa Stem, Abm, Humms

at gas na syang bumubuo sa akademiko sa senior high school.


Fast food restaurant na madalas kainan ng mga kostumer.

9%
A. Jollibee
12% B. McDo
35%
C. KFC
D. Chowking
E. At iba Pa
21%

23%

Ayon sa pigurang ito, mula sa mga datos, marami sa mga respondent ang pinili ang kainan sa tanging

matatagpuan sa pilipinas(lokal). Ang pinaka una o malaking bahagi ay ang may bilang na tatlumpung lima o

35% ang Jollibee. Sumunod ang McDo na may bilang na dalawangput tatlo o 23%, Nasa di sa kalayuan ay

sinundan ng KFC na may bahagdan o bilang na labing dalawa(12) o 12%. Ang siyam(9) na bilang o 9% ang

pinaka-mababang porsyento na natala mula iba pangkasagutan ng customer mula sa mga nakalap na datos.

Sinasabing ng Jollibee ang nakakuha ng pinakamataas ng porsyente na may 35% na ipinahahayag na

ito ang mas tintangkilik ito ng mga kostumer. Sumunod dito ang McDO at KFC na may pagitan lamang na

dalawang porsyento (2%) na di nagkakalayo, na nangangahugang ito ang pumapangalawa at pumaangatlo na

tinatangkilik ng mga kostumer. At Ika-apat ang Chowking na syang mababa kung ikukumpara sa naturang

mismong inilahad sa mga pagpipilian na ibig-sabihin ay di ganong tinatangkilik ng mga kostumer kung

ikukumpara sa mga iba pang pagpipilian. Ngunit ang pinaka may mababang porsyento ay ang bahagi o letrang

E na ibig sabihin ay iba pa. Ito ay nangangahulugan na bukod sa mga naibigay na pagpapalian may ilang

mga kostumer ang pinili ang iba pang fastfood restaurant.


Taglay ng isang Fast Food Restaurant

13% 9% A. Kalinisan ng Lugar


4% B. Kaayusan ng Lugar
17% C. Kalidad ng Pagkain
D. Mabilis na serbisiyo ng
waiter
E. At Iba pa

57%

Sa pigurang ito nakalahad na, Sadyang napaka laki ng bilang ang pinaka pinipili o ninanis ng mga

mamimili hinggil sa taglay ng isang fastfood restaurant. Ang kalidad ng pagkain ang pinaka una ay may bilang

na limangput pito (57) o 57%. Ang ikalawa ang kaayusan ng lugar na may labing pitong(17) bilang o 17%.

Sumunod ang may bilang na labing tatlo(13) o 13% na iba pang kasagutan. Ika-apat ang may bilang na siyam

(9) o 9% sa bahagi ng kalinisan ng lugar. At ang mabilis na serbisyo ng waiter ang nakapagtala ng pinaka

mababang porsyento.

Batay sa nakuhang datos sa pigura ikalawa, tinatangkilik ng isang kostumer ang isang fastfood

restaurant batay sa kalidad ng pagkain nitong taglay, mula dito ang kalidad ang syang pinaka tinitignan ng

isang kostumer upang tangkilikin ito. Sa ikalawa naman ay ang kaayusan ng lugar, sinasabing bukod sa

kalidad ng pagkain ay dapat manatili ang kaayusan ng lugar. Na sa di kalayuun ay sinundan ng iba pang

kasagutan na bukod sa mga pagpipilian ay sa ibang kaparaan nahihikayat ang mga kostumer na taglay ng

restawran. Ika-apat ang kalinisan ng lugar at pinaka mababang porsyentong nakuha ay ang mabilis na

serbisyo ng waiter , na nangangahulugang di gaanong pinipili o binigyang pansin ito ng mga kostumer pag

dating sa dapat taglayin ng isang fastfood restaurant.


Mga Paraan na Nakakahikayat sa mga Kostumer

10% 10%
A. Murang Presyo
5%
B. Sarap at lasa nito
C. Pasok sa Badyet
D. Promo
27% E. At iba pa
48%

Sa paraang nakakapanghikayat sa mga kostumer pagdating sa pagkain ay ang sarap at lasa nito ang

nakakuha ng pinaka mataas na bilang na may apatnaput walo (48) o 48%. Ikalawa ang Pasok sa badyet na

may bilang na dalawangput pito(27) o 27%. Ang ikatlo na murang presyo at ika-apat na ibang kasagutan ng

mga kostumer na bahagi ay nakakuha ng magkaparehong bilang na sampu (10) o 10%. Ng nakakuha naman

ng pinaka mababang bilang na may lima(5) o 5% ay ang Promo.

Nangangahulugan na sa bawat pagpipilian o paraang nakakahikayat padating sa pagkain ay ang sarap

at lasa ng isang pagkain ang pinaka nakakapanghikayat sa mga mamimili, sinasabi ding ito ang isa sa pinaka

paraan ng isang fastfood restaurant upang dumami o makakuha ng kostumer na dapat taglayin. Sa ikalawa

ipinahahayag na sumunod sa lasa at sarap ng isang pagkain ay ang dapat pasok sa badyet, pasok sa badyet

dapat ang naturang halaga ng pagkain upang tangkilikin ng isang kostumer. Ang magkaparehong bilang o

porsyento naman ay ang murang presyo at iba pang kasagutan ng mga kostumer na ninanais pagdating sa

pagkain, ito ang ikalawang nakakuha mababang porsyento na nangangahulugang di gaanong nakakahikayat

sa mga kostumer pagdating sa pagkain. At ang pinaka mababang bilang o porsyento ang Promo na bnibigay

ng isang fastfood restaurant upang makahikayat ngunit mula sa datos ito ay hindi gaanong kinatatangkilik

pagdating sa paraan ng pagpili ng pagkain.


Kabuuang Katangian ng Lugar ng isang Fast Food Restaurant

5% A. Maaliwlas at maayos
14% B. Makulay at may iba't
ibang desinyo
C. Mabango at malinis
48% D. Magiliw sa mga
kostumer
23%
E. At iba pa

10%

Mula sa datos, ipinakikita sa pigurang ito ang maaliwalas at maayos na katangian ng lugar ng

isang fastfood restaurant ang kinasasang ayunan o mas ninanais ng mga kostumer, ito ay may bilang

na apatnaput walo (48) o 48%. Sumunod ang mabango at malinis na katangian ng lugar na may

bilang na dalawamput tatlo (23) o 23%. Ikatlo ang pagiging maayos sa pagkakagawa,pagkakagawa

sa loob at labas ng fastfood restaurant na may bilang na labing apat(14) o 14%. Sunod ang bahaging

makulay at may ibat ibang desinyo ay may bilang sampu(10) o 10%. At ang pinaka mababang

nakakuha ang iba pang kasagutan ng kostumer na may bilang na lima(5) o 5%.

Pinapaliwanag sa pigurang ito na ang pagiging maaliwalas at maayos ng isang lugar sa isang

fastfoood restaurant ay ang pinaka sinsang-ayunan o kinagigiliwan ng mga kostumer. Ang ikalawa

naman na ang mabango at mainis na lugar sa restawran ay ng iklawang nakakuha ng mataas na

porsyento na gusto ng mga kostumer sa katangian ng kabuuang lugar. Ang sumunod na may

porsyentong labing apat ay ang ikatlong bahagi na ang Maayos na pagkakagawa, masasabing ito ay

nasa pagitan ng kasang-ayon-aon at hindi gaano , sa puntong ito ipnahahayag na ang maayos na
pagkagawa sa restawran ay di ganuuong binibigyang lubhang halaga ng isang kostumer. At ang

sumunod pa ang may bilang na sampu na hinggil sa disenyo ng naturang lugar, ditto naipapakita ng

pigura na ang disenyo ang ikalawa sa pinaka mababang porsyento na nakakahikayat sa mga

costumer pagdating sa kabuuan katangian ng isang fastfood restaurant. Ang pinaka huli o ang

nakakuha ng pinaka mababang porsyento ay ang iba pang kasagutan ng isang mamimili.
Katangian ng Isang Waiter sa Isang Fast Food Restaurant

1% A. Malinis na pananamit
17%
23% B. Magandang mukha at
pisikal
6% C. Maagap sa pagsisilbi
D. Magiliw sa mga
kostumer
E. At iba pa

53%

Mula sa aming nakalap na datos, pinapakita sa pigurang ito na ang bahagdan na nais na

katangian ng isang waiter ng isang kostumer sa kanilang napiling fast food restaurant ay ang

maagap sa pagsisilbi na mayroong limamput tatlong bilang ng bahagdan o 53%, sumunod naman

dito ay pagiging magiliw ng mga waiter sa mga kostumer na mayroong dalawamput tatlong bilang ng

bahagdan o 23%. Pumapangatlo sa bilang ng bahagdan ang malinis na pnanamit ng isang waiter na

mayroong labingpitong bilang ng bahagdan o 17%. Ang pumapangalawa sa huling bilang ng

bahagdan ay ang pagkakaron ng magandang mukha at pisikal na pangagatawan na mayroong anim

na porsyento o 6% at ang kukumpleto ng ika isang daang porsyento ay ang letrang E na

nagsasabing mayroong silang sariling pananaw o nais na katangian ng isang waiter sa napiling fast

food restaurant na mayroong isang porsyento o 1%.

Batay sa graph o pigurang nasa itaas na mas nakakaagaw pansin sa mga kostumer ang

pagkakaroon ng maagap sa pagsisilbi na waiter sumunod naman ay ang pagkakaroon ng magiliw sa

mga kostumer na waiter na kung saan mas nakakaagaw pansin kaysa sa waiter na malinis manamit

o maayos tignan.
Pagkaing Sinisilbi sa Napiling Fast Food Restaurant

A. Masarap at sulit ang


2% bayad
22% B. May taglay na high
quality
C. Sakto ang kalidad ng
pagkain
59% D. Tama ang sukat ng
17% naturang pagkain sa
inaasahang order

Sa mga nakalap na datos, naipapakita sa pigurang ito na pagdating sa isisilbing pagkain na nagustuhang

restawran ay ang masarap at sulit na bayad ang nakakuha ng pinaka malaking bilang na may limangput siyam

(59) o 59%. Sumunod ang Sakto ang kalidad ng pagakain na may bilang na dalawangput dalawa(22) o 22%.

Ikatlo ang May taglay na High quality pagdating sa isinisilbing pagkain, ito ay may bilang na labing pito (17) o

17% at ang pinaka mababang nakakuha ng porsyento ang Tama ang sukat ng naturang pagkain sa

inaasahang order na may dalawa lamang bilang o porsyento.

Mula kinalabasan ng pigura, inlalahad nito na ang nanguna o ang may pinaka malaking porsyento na

pagiging masarap at sulit na bayad ay syang kinasasang-aayuanan o kinananaisan ng mga kostumer sa

kadilanang makikita ang laki ng bahagdan ng naturang katangian ng isinisilbing pagkain. Ang sumunod ang

Sakto ang kalidad ng pagkain, mula sa porsyentong nakuha ito ay nangangahulugang isa din ito sa mga nais

ng mga kostumer. Sumunod naman ang May taglay na high quality na ilakawa sa mababa mula sa iaasahan

ng isang kostumer sa isinisilbin pagkain. At ang huli ang Tama ang sukat ng naturang pagkain sa inaasahang

order , ito ng nakakuha ng pinaka mababang porsyento na nangangahukugang hindi ito ang ganuong nais ng

mga kostumer kumpara sa ibang naisaad.


Serbisyong Pamantayan na Nakakahikayat Kumain sa isang Restawran

A. Dahil sa ISO na
nakalagay
6%
6% B. Dahil sa Internatonal
Quality of Food na kanilang
15% inihahandog
C. High Standards na
taglay ng tagapagsilbi
D. Maganda at maayos
ang kagamitang ginagamit
73%
ng naturang restawram

Ang talahanayan na ito ay naglalaman ng bilang o bahagdan patungkol sa Serbisyong

Pamantayan na Nakakahikayat sa mga Mamimilli na Kumain sa Isang Restawran. Nakasaad dito na

ang kasagutan ng mga respondente o kostumer. Ipinapakita dito na mas marami ang nahihikayat na

kostumer na kumain sa isang restawran dahil sa ISO na nakalagay na mayroon bahagdaan na

pitumput tatlong bahagdan o 73%. Sumunod naman sa pamantayan ay dahil sa International Quality

of Food na kanilang inihahandog na may bahagdan na labing-lima o 15%. At ang pinaka mababang

bahagdan ay nakakuha ng anim na porsyento na kung saan ito ay mayroong maganda at maayos na

kagamitan ng naturang restawran.

Batay sa aming nakalap na datos, maraming pumilli sa ng dahil sa ISO na nakalagay marahil

alam ng mga kostumer o mamimili na ang kanilang kinakainan ay safe o ligtas. Sumunod naman ay

dahil sa international quality of food na kanilang handog. At nagpantay ang dalawang pag pipilian

marahil ay pareho silang pasok sa quality ng pagsisilbi para sa mga kostumer ito ay ang High

Standards na taglay ng taga pagsilbi at ang isa ay may maganda at maayos ang kagamitang

ginagamit ng naturang restawran.


Ugaling Taglay ng Isang Waiter na Siyang Nakakahikayat sa mga Kostumer

A. Hindi agad kinukuha ang


bayad habang kumakain
5%
B. Ginagalang at
32%
binibigyang pryoridad ang
mga kostumer
C. Marunong sumunod sa
naturang patakaran sa
49% isang restawran
D. Pagiging maasikaso ng
14% mga empleyado

Ang talahanayan na ito ay naglalaman ng datos patungkol sa ugali ng isang waiter o

empleyado na siyang nakakahikayat sa mga kostumer. Nakasaad dito ang bahagdan ng respondente

ayon sa kanilang opinyon. Ipinapakita dito na mas marami ang nahihikayat na respondente sa

pagiging magalang at pagbibigay ng pryoridad ng isang waiter sa kanilang kostumer, ito ay may

bilang o bahagdan na apatnaput siyam o 49%. Sumunod ay ang pagiging maasikaso ng mga

empleyado pagdating sa kanilang trabaho na siyang may bahagdan na tatlumput dalawa o 32%.

Pumapangatlo naman na ugali ng isang waiter o empleyado na siyang nakakahikayat sa mga

kostumer ay ang pagsunod ng empleyado sa naturang patakaran ng isang restawran na may

bahagdan na labing-apat o 14%. At ang may pinaka kaunting bilang ay ang hindi aga na pagkuha ng

waiter sa bayad ng kostumer habang silay kumakain na mayroong bahagdan na limang porsyento o

5%.
Katangian ng Hapagkainan ng Isang Fast Food Restaurant na Nakaagaw Pansin sa Mamimili

A. Maayos na porma ng
lamesa
18% B. Malinis at presentableng
30% pinggan, kutsara at tinidor
C. Mabango at kaaya-
ayang disenyo ng
hapagkainan
26% D. Angkop na kagamitan
para sa kainan
26%
Taglay ng Isang Fast Food Restaurant

A. Tapat at totoo
B. May entertainment
C. May mga di inaasahang
35% pakulo para sa mga
38%
mamimili
D. Magaling makisama ang
mga taga-pagsilbi at mga
taga-pamahala

12% 15%

Ayon sa pigurang ito na naglalaman ng datos na aming nakalap mula sa mga piling kostumer

ng isang fast food restaurant marami ang pumili o sumagot ng magaling makisama ang mga

tagaipagsilbi at mga taga-pamahala bilang isang taglay ng isang fast food restaurant na kung saan

nakakuha ito ng bahagdan o bilang na tatlumput walo o 38%. Sumunod sa pinaka maraming sagot

ay ang pagiging tapat at totoo ng isang fast food restaurant sa kani-kanilang kostumer na nakakuha

ng tatlumput limang bilang ng bahagdan o 35%. Ang pangatlo sa nakakuha ng mataas na bilang ng

bahagdan ay ang pagkakaroon ng entertainment upang malibang ang mga kostumer na kung saan

nakakuha ng bilang ng bahagdan na labing-ima o 15% at ang kukumpleto ng ika isang daang

porsyento na taglay ng isang fast food restaurant ay mayroong mga hindi inaasahang pakulo para sa

mga kostumer na kung saan nakakuha ng labing-dalawang porsyento o 12%.


KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng lagom, konklusyon mula sa datos na nakuha sa sarbey at

rekomendasyon ng mga mananaliksik tungkol sa mga dahilan na nakakahikayat sa mga mamimili

base sa mga impormsyon at resultang nakuha.

Lagom

Sa pag-aaral na ito, ang pangunahing layunin ng mga mananaliksik ay malaman at mailahad ang

mga dahilanan na nakakahikayat sa mga kostumer sa pagtangkilik ng mga piling fastfood restaurant.

Ang pananaliksik na ito ay gumamitt ng deskriptibong sarbey, upang malaman at makalakap ng

mga datos na syang hahanguan ng interpretasyon at maglalahad ng mga impormasyon upang

makamit ang layunin ng pananalksik. Pumunta at naghanap ang mga mananaliksik sa ibat ibang

strands ng akademiko upang isagawa ang sarbey at matukoy ang kasagutan sa minimithing layunin

ng pananaliksik.

Buhat sa isandaang(100) respondent na sumagot sa sarbey-kwestyuner sa paaralan ng Our Lady

Of Fatima University , nakagawa ang mga mananaliksik ng interpretasyon tungkol sa paksang napili

batay sa mga kasagutan ng mga piling respondent.

Nang matapos ang hinggil sa sarbey, inisa isang binusisi ng mga mananaliksik ang kwestyuner at

ginamitan ng graph ng mga mananaliksik upang mas mabatid ang kabuuang sagot mula sa mga

respondente.

Konklusyon
Mula sa mga nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pg sasarbey, ito ang mga

nabuong konklusyon.

1. Ang kadalasang tinatangkilik ng mga kostumer ay ang fastfood restaurant na Jollibee na syang

tunay na tanging sa pilipinas lamang mayroon. At ito ang kadalasan nilang kainan dahil sa taglay

nitong serbiyo na syang hinahanap-hanap ng isang kostumer.

2. Ang karamihan sa mga kostumer o piling respondente, sinasabing ang serbisyong taglay ng isang

fastfood restaurant ay syang kaakit-akit na katangian tulad ng mula sa kalidad ng pagkain tunggo sa

serbisyong o katangiang taglay ng isang waiter. Ito ang mga dahilan kung kayat pinipili ng mga

kostumer ang isang kainan at mas tinatangkilik dahil sa handog nito best para sa mga kostumer.

3. Ang paraan na nakakahikayat ng lubos sa mga respondente, sa pagpili ng fast food restaurant ay

may mga bagong pakulo para sa mga kostumer. Ang ilan din sa mga paraang nakakahikayat sa mga

respondente/ kostumer ay ang maayos na pagtrato ng mga empleyado sa mga kostumer, isa din sa

dahilang nakakahikayat sa mga kostumer ay ang maayos at maaliwalas na lugar o kainan.

4. Karamihan sa mga kostumer sinasabing ang pagiging maaga, pakikisama ng waiter at katangiang

nitong aking bait na asal na dagdag sa inaasahan ng isang costumer ay syang isa sa pinaka dahilan

kung bakit nila tinatangkilik ang isang fastfood restaurant at maging ang mismong taga-pamahala na

marunong makisama at makisalamuha sa mga kostumer ay syang isa din sa ikinadadahilan ng mga

kostumer kung bakit pinili nila at tinatangkilik ang isang fastfood restaurant.

5. Sa kabuuan ang serbisyo ng isang fastfood restaurant ang dahilan ng nakakapangikayat sa mga

kostumer. Mula sa pagkain at katangiang taglay ng isang waiter. At ang sa isa nilang tinitignan ay ang

prioredad ng restawran na kanilang inasahan.


Rekomendasyon

You might also like