You are on page 1of 40

Noli Me Tangere

Mga Tauhan:

Juan Crisostomo Ibarra anak ni Don Rafael Ibarra, kasintahan ni Maria Clara
Maria Clara anak ni Kapitan Tiago, kasintahan ni Juan Crisostomo Ibarra
Kapitan Tiago kinikilalang ama ni Maria Clara
Padre Bernardo Salvi kasalukuyang kura ng San Diego
Padre Damaso Verdolagas dating kura ng San Diego
Padre Hernando de la Sibyla kasalukuyang kura ng Binundok (Binondo)
Pilosopo Tasyo matandang may kakaibang isipan, kilos, at pakikitungo sa kapwa
Elias isang lalaking nagtatago sa batas, tagapagligtas ni Ibarra
Tiya Isabel pinsan ni Kapitan Tiago, tagapag-alaga ni Maria Clara
Don Rafael Ibarra ama ni Juan Crisostomo Ibarra
Sisa ina ni Crispin at Basilio
Pedro ang sugarol, gala at walang pakialam na asawa ni Sisa
Basilio panganay na anak ni Sisa
Crispin bunsong anak ni Sisa
Don Tiburcio de Espadaa Espanyol na nagpapanggap na doktor, kabiyak ni Doa
Victorina
Doa Victorina de los Reyes de de Espadaa mayamang maybahay ni Don Tiburcio na
mahilig magpanggap na taga- Europa
Don Alfonso Linares de Espadaa pamangkin ni Don Tiburcio
Alperes pinuno ng mga guardia civil
Dona Consolacion maybahay ng Alperes
Tinyente Guevarra tinyente ng mga guardia civil
Kapitan Heneral kinatawan ng Hari ng Espanya
Ginoong Laruja ginoong galing sa Espanya

Mga Natatanging Tauhan:

Sakristan Mayor Guro


Mga Sepulturero Alkalde
Nyol Juan Tarsilo
Kusinera Bruno
Mga Guardia Civil
Panimula

Narrator (Basilio): (nakaupo sa harap ng mesa, nagsusulat. Sa harap niya ay isang lamparang
de gaas)

Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marahil ay maraming


nagdurusa. Maraming nagtatahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at
naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi.
(haharap at tuturo sa nanonood) Kaya kayong mga kalaban k, mga dayuhan, huwag niyo akong
salingin. Noli Me Tangere.

Kabanata 1: Isang Pagtitipon

Narrator: Alamin ninyo ang kuwento ng mga taga-San Diego; maraming malungkot, masungit,
marami rin ang nagsasaya, parang walang problema, o di kayay nagkukunwaring walang
probema.

Sa Kalye Anloague ng Binundok, sa isang malaking bahay, nakatira si Don Santigo de los
Santos, na higit na kilala bilang Kapitan Tiago. Kilala siya sa buong bayan dahil sa kanyang
kayamanan, lalot higit sa kanyang kabaitan. Isang gabi sa kanyang tahanan

[Makikita si Tiya Isabel na nag-aabot ng sigarilyo at hitso sa mga dayuhang babae habang ang
mga babaing Pilipina naman ay kusang humahalik sa kamay ng matandang babae. Narinig ni
Tiya Isabel na tila may nabasag na pinggan at mabilis nyang nakapagsalita ng]

Tiya Isabel: Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo mga bulagsak!

Panauhin 1: Napakalaking handaan nito! ano sa tingin mo?

Panauhin 2: Naturalmente! Si Don Santiago ay napakayaman. Hindi na niya aalalahanin ang


gumasta ng labis.

Narrator: Nahahati ang bulwagan ng bahay sa dalawa. sa isang banda, naroon ang mga
kalalakihan at kababaihan. Nagkakasayahan sila habang nagpapalitan ng mga kuro-kuro at
biruan. Sa isang banda ay makikita sina Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Padre
Sibyla na kura ng Binundok, si Ginoong Laruja, at si Tinyente Guevarra. Kumpara sa mas
maraming mga nasa kabilang banda, mas maingay pa ang usapan ng apat na nabanggit.
Pinakamaingay sa kanila si Padre Damaso.

P. Damaso: TshhNakayayamot ang bansang ito! Halatang iba ang pamamahala dito kumpara sa
pamamahala sa Madrid! Ang masama pa, puro mga Indio ang nakatira! Ayoko talaga sa mga
Indio! Dalawampung taon akong nagsilbi at nagtiis sa pagdidildil ng kanin at saging sa bayan ng
San Diego bilang Kura Paroko. Ngunit nang umalis ako ay iilang matatanda at hermanos terceros
lamang ang naghatid sa akin! Mga walang utang na loob.

G. Laruja: Magdahan-dahan kayo Padre Damaso, pagkat nasa ilalim tayo ng bubong ng isang
Indio!
P. Sibyla: Tama siya, Reverencia. Baka magdamdam si Kapitan Tiago.

P. Damaso: Hmp! Huwag kayong mag-alala. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili niya
bilang Indio. Malayong-malayo na siya sa ganoong mga walang galang na tao.

G. Laruja: Sigurado naman hong hindi naman kasing-saklap ng nangyari sa inyo ang sa amin.

P. Damaso: Naku! Sigurado akong nagsayang ka lamang ng pera sa pagpunta rito. Wala kang
ibang kakainin kundi tinola sa mga handaan at matutulog na hindi nasisiyahan.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra

Narrator: Natigilan ang lahat nang biglang dumating ang maybahay, si Kapitan Tiago, kasama
ang isang mukhang galing sa mahabang paglalakbay.

Kapitan Tiago: Mga ginoo, ikinalulugod kong ipakilala ang anak ng aking nasirang kaibigang si
Don Rafael.

Tinyente Guevarra: (bubulong kay G. Laruja) Sino kaya ang bisitang kasama ni Don Santiago?

Kapitan Tiago: Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra. Galing siya ng Europa. Sinundo ko siya mula sa
kanyang paglalakbay.

Ibarra: ikinalulugod ko po kayong lahat na makiklala. Aba, Padre Damaso, ang kura ng San Diego.
ikinagagalak ko pong makitang muli ang isang matalik na kaibigan ng aking ama. (waring
makikipagkamay) Uhh, mukhang nagkakamali ako. Patawad ho, Reverencia.

P. Damaso: Hindi ka nagkakamali, hijo. Ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang
iyong ama.

T. Guevarra: Kung gayon ay ikaw pala ang anak ng nasirang si Don Rafael Ibarra.

Ibarra: (yuyukod upang magpakita ng pagsang-ayon)

T. Guevarra: Naway ang kasiyahang napagkait sa iyong ama ay mapasayo.

Ibarra: Gracias, seor.

T. Guevarra: Isang mabait na tao ang iyong ama. Nakilala ko at malimit kong makasama ang
inyong ama at masasabi kong isa siya sa mga kagalang-galang at matapat na mamamayan ng
Pilipinas.

Ibarra: Maraming salamat po. Pinawi ng mga papuri ninyo sa aking ama ang mga duda ko
tungkol sa nangyari sa kanya, gayong ako na kanyang anak ay walang kaalam-alam.

Narrator: Pagkaraan ay makikita si Ibarra na nakikipagkilala sa mga kalalakihan at kababaihan sa


kabilang banda ng bulwagan.

Ibarra: Marapatin ninyong gayahin ko ang tradisyon sa Alemanya na pagpapakilala ng bisita kung
wala siyang kakilala. ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Juan Crisostomo Ibarra.

Kalalakihan: Ikinagagalak ka naming makilala, Crisostomo Ibarra.

Ibarra: (ngingiti at matatawa) Kahit na magaganda ang mga taga-Europa ay wala pa ring tatalo
sa ganda ng mga kababaihan sa ating bansa.
Babae 1: Sus! Kasinungalingan.

Babae 2: Marahil ay dala mo rin iyang iyong tinuran mula sa ibang bansa.

(tatawa ang mga kababaihan habang naukas ang mga pamaypay)

Kabanata 3: Ang Hapunan

Narrator: Natigilan uli ang lahat nang may ipinahayag si Kapitan Tiago

Kapitan Tiago: Mga mahal kong panauhin, halinat pumunta tayo sa hapag. Handa na ang
hapunan!

Narrator: Masayang nagsipuntahan sa hapag ang mga panauhin. Nag-alukan pa ng silya ang
dalawang kura, kahit na parehas nilang gustong umupo sa kaliwang kabisera ng mesa. Sa huli ay
naupo rin si Padre Sibyla sa silya na ikinaama rin ng loob ni Padre Damaso. Naupo na lamang
siya sa tabi ng pari. Tinola ang ipinahanda ni Kapitan Tiago, gaya ng inaasahan. Nagpasahan na
ng ulam. Ang mas masaklap, puro leeg at pakpak ang natira kay Padre Damaso habang sa iba ay
puro hita. Dahil sa sobrang inis ay humigop na lamang siya ng sabaw at dinurog ang papaya ng
may malakas na tunog mula sa pinggan, at saka padabog na ibinagsak ang kubyertos sa tabi ng
pinggan.

Nang malapit nang matapos ang hapunan ay nagsalita si Ginoong Laruja

G. Laruja: Ilang taon kang nawala sa ating bayan, Seor Ibarra?

Ibarra: Pitong taon po, ginoo.

G. Laruja: Sa iyong pitong taon sa Europa, malamang ay nakalimutan mo na ang iyong bayan.

Ibarra: Ang totoo po niyan ay parang ang aking bayan ang tila nakalimot sa akin. Lagi kong
iniisip ang aking bayan kahit na akoy malayo.

D. Victorina: Totoo ba yan hombre?

Ibarra: Opo, Doa Victorina. Kahit kalian ay hindi ako nakalimot sa aking bayan.

G. Laruja: sa mga bansang napuntahan mo, ano para sa iyo ang pinakamaganda at tumatak sa
iyong isipan?

Ibarra: Patawarin mo ako, Ginoo, ngunit bukod sa Inang Espanya ay wala na akong naibigan pa
kundi ang ating bansa. Pagkatapos ko kasing mabasa at mapag-aralan ang kasaysayan at kultura
ng isang bansa ay nakalilimutan ko na rin ang magaganda kong naaalala sa bansang iyon.

P. Damaso: Kung gayon ay isa kang bulag na hangal, hijo. Bakit ka pa nagsayang ng pera upang
pumunta ng Europa kung wala ka naming nagustuhan? Ang iyong mga napag-aralan ay alam din
naman ng kahit sinong mag-aaral na tanungin mo sa ating bansa.

Ibarra: Senyores, wag kayong magtaka sa aming dating kura. Ganyang-ganyan din ang
pakikitungo sa akin noong bata pa ako at mukhang hindi na siya nagbago. Salamat pa rin sa
kanya dahil nagugunita ko ang mga panahong ang kanyang Reverencia ay madalas dumalaw sa
aming tahanan at nakakasalo sa pagkain ang aking ama.
P. Damaso: (biglang natigilan at naitapon sa mesa ang iniinom) Uhh, Naku! naway tanggapin
ninyo ang aking sinserong paumanhin.

Ibarra: Senyores, Kapitan Tiago, kababalik ko lamang mula Europa kayat naway maintindihan
niyo na kailangan ko agad na lumisan. Pupunta pa ako ng San Diego sa makalawa para sa Todos
Los Santos kayat may kailangan akong katagpuin.

Kapitan Tiago: Hindi ka na ba talaga mapipigilang umalis? Sanay mahintay mo pa ang pagdating
ng aking bulaklak na si Maria Clara. Alam kong matagal ka na niyang hinihintay.

Ibarra: Paumanhin aking Don ngunit mahalaga ang aking katatagpuin ngayon. Muchas Gracias sa
hapunan Kapitan.

Kapitan Tiago: Walang anuman, Ibarra. Patnubayan ka ng Diyos sa iyong paglalakbay.

Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay halata sa mukha ni Padre Damaso ang matinding inis tungkol sa
buong araw.

P. Damaso: Nakita ninyo? Minsan ay napakasama ng nagiging bunga ng pagpapadala ng inyong


mga anak sa ibang bansa upang mag-aral. Lumalaki ang kanilang ulo at itinuturing na ang sarili
na mas mataas. Nawawalan sila ng galang!

Kabanata 4: Erehe at Pilibustero

Narrator: Si Ibarray lumalakad na di batid kung saan siya patututungo. Sa mahinang lakad ay
narating niya ang Liwasan ng Binundok. Nagpatuloy siya sa daang Sakristiya, naroon ang mga
Intsik na nagtitinda ng sorbetes at mga babaeng nagbibili ng punungkahoy

Ibarra: (Sa sarili) Diyos ko, sa gabing itoy parang pangarap lamang ang pitong taon ko sa
Espanya.

Narrator: Naramdaman niya ang dantay ng isang magaang kamay sa kanyang balikat. Namalas
niya ang tinyenteng nakangiti.

T. Guevarra: Binata, mag-iingat ka sa mga lihim ninyong kaaway. Ang nangyari sa inyong ama ay
dapat maging isang aral sa inyo.

Ibarra: Ipagpatawad ninyo sa wari koy naging mahal sa inyo ang aking ama. Ngunit sa aking
pagkakabatid ay wala ako o kahit ang aking ama na mga lihim na kaaway.

T. Guevarra: Madalas ang sobrang kapanatagan ay nagdadalasa atin sa ilang kapahamakan.


(tumigil at nagmuni-muni bago sumagot ulit) Hanggang sa huling hininga ng inyong amang si
Don Rafael ay hindi siya makapaniwala na mayroon pala siyang nagtatagong mga kaaway.

Ibarra: (maluha-luha) Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit si Kapitan Tiago ay nag-
aalangan na magsabi sa akin ng mga nangyari sa aking ama. Ngunit bakit siya nakulong sa
piitan? Ano ang naging kasalanan niya?

T. Guevarra: Ang tanging kasalanan niya ay dahil siya ang pinakamayamang tao sa buong San
Diego. Ngunit huwag kayong mag-alala. Ang mabulok sa bilangguan sa bansang ito ay
maituturing na kabayanihan.

(playback ng storya at ang magsasalita bilang Narrator ay si T. Guevarra)


T. Guevarra: Ang iyong ama, gaya ng alam ng mundo ay isa sa mga kagalang-galang na tao sa
buong San Diego. Ngunit kinaiinisan at kinamumuhian rin siya ng iba sa kanyang mga
kababayan. Dahil sa siya ay may naiibang pilosopiya mula sa nakararami, pinapalagay ng mga
kaaway niya na siya ay isang erehe at pilibustero. Mula sa pulpito ng simbahan ay ikinakalat ni
Padre Damaso ang ganitong mga pasaring, kahit na walang pangalang nababanggit:

P. Damaso: Wala nang mas hihigit pang bobo sa mga taong nagkukunwaring matalino. May mga
tao kasing nagmamarunong sa pamamalakad ng pamahalaan,gayong wala naman silang alam!
Kayat kung kayoy tumutulad sa mga ganito ay magsisi na kayo! Hindi dapat nakikialam ang
mga mamamayan sa pamamalakad ng pamahalaan, lalo na kung silay mangmang at walang
pinag-aralan gaya ng iba!

T. Guevarra: Minsan ay may isang Artilyero na nangongolekta ng tributo sa mga mamamayan.


Ang Artilyerong ito ay mangmang at hindi marunong magbasa at sumulat. Galit ang mga tao sa
kanya dahil sa kanyang kalupitan. Upang makaganti, ang ibang mga mamamayan ay
binabaligtad ang kanilang cedula kapag pinipirmahan na ito ng kabesa. Isang araw, isang bata
kasama ang kanyang kapatid ang nanloko sa kabesa.

Bata 1: (natatawa)Ginoo, maari mo bang basahin ang laman ng sulat?

Artilyero: Umalis kayo sa dinaraaanan ko kung ayaw niyong makulong sa kwartel!

Bata 2: Talaga? Ikukulong mo kami? Basahin mo muna ito.

Bata 1: Ano ka ba, hindi siya makababasa. Kasi, mas matalino ang tiyan niya kaysa sa ulo niya!
(tatawa kasabay ni Bata 2)

Artilyero: Mga lapastangang bata! (pinagsisipa at pinagsusuntok ang mga bata)

T. Guevarra: Nakita noon ng ama mo ang nangyari kayat sumaklolo ito sa mga bata.

D. Rafael: Maawa ka sa mga bata, Ginoong Kabesa. Huwag mo silang saktan!

Artilyero: Huwag kang makialam dito, tanda! (susuntukin si D. Rafael)

(Nasalag ni D. Rafael ang suntok at inindahan ng kanan sa pisngi ang kabesa. Nabuwal ang
kabesa at nabagok ang ulo sa isang usling bato.)

D. Rafael: Iyan ang dapat sa iyo.

T. Guevarra: Nakita iyong ng mga tao. Sinaklolohan nila ang Artilyero at naidala sa pagamutan.
Kinalaunan ay namatay ang Artilyero, na siyang ikinakulong ng iyong ama, Ibarra. Lumabas ang
kanyang mga lihim na kaaway, kasama si Padre Damaso. Malapit na sana siyang mapalaya
noong hindi mapatunayan sa tribunal ang kanyang kasalanan, ngunit inakusahan siya ng iba
pang salang hindi niya ginawa. Lumipas ang ilang taon at hindi na malaman ang tunay na sakdal
sa kanya. Naroong siyay kasama sa ilang himagsikan ng mga tulisan, nangamkam ng mga
bukid, isang erehe at pilibustero, nagbabasa ng mga pahayagan mula sa Madrid, nagtatago ng
mga liham at larawan ng isang binitay na pari, at marami pang iba. Nagusot nang nagusot ang
usapin.

Sa wakas ay umiral din ang katwiran. Mapalalaya na siyang muli dahil sa kawalan ng
ebidensya sa mga paratang. Ngunit sa kasawiang-palad, namatay na ang iyong ama dahil sa
hindi magandang kondisyon sa piitan. Nabulok siya sa bilangguan dahil sa kanyang kayamanan.
Patawad Seor Ibarra.

Ibarra: (naluluha) Ngayon ko lang nalaman ang tunay na nangyari sa aking mahal na ama.
Napakalupit ng sinapit ng aking ama.

T. Guevarra: Patawad po ngunit kailangan ko nang umalis. Ipauubaya ko na lamang kay Kapitan
Tiago ang iba pang nangyari upang kanyang ikwento.

Ibarra: Muchas Gracias, tinyente sa pagbahagi mo ng iyong alam sa nangyari sa aking ama.

T. Guevarra: De nada, Seor Ibarra.

Narrator: Nagpaalam na ang dalawa sa isat-isa. Nagpunta na sa kwartel ang tinyente, habang
sumakay naman si Ibarra ng kalesa at nagpahatid sa Fonda de Lala.

Kabanata 6: Si Kapitan Tiago

Narrator: Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago

K. Tiago: Nabusog kaya ang mga bisita sa handaan, Isabel?

T. Isabel: Palagay koy oo, Santiago. Paniguradong nabusog sila sa dami ng handa.

K. Tiago: Nakalulungkot lamang at kailangang umalis agad ni Ibarra sa gitna ng kasiyahan.

Narrator: Sa pag-uusap ng dalawa ay sumabad si Maria Clara, ang kanilang itinatanging dilag.

T. Isabel: Osya, maiwan ko na muna kayong mag-ama at mag-aayos pa ako sa kusina.

Maria Clara: Tila yata may bumabagabag sa inyong kalooban, ama. Mayroon nga po ba?

K. Tiago: Walang anuman, hija. Nagpapasalamat lamang ako sa Panginoon at biniyayaan niya
tayo ng maayos na buhay. Ngunit sa wari koy mas masaya sana tayo kung ang iyong ina ay
hindi nawala sa atin ng maaga.

M. Clara: Papa, huwag niyo nang balikan pa ang nakaraan. Mabuti pa ay matulog na kayo.
Panigurado ay pagod na pagod na kayo mula sa pagtanggap ng mga bisita kanina.

K. Tiago: Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos at biniyayaan niya ako ng napakabait at


napakapitagang anak katulad mo.

Narrator: Habang nahihiga si Kapitan Tiyago sa kanyang kama ay naiisip niya ang mga panahong
lumipas.

K. Tiago: Kung buhay lamang talaga si Pia, ang kaligayahan ko ay paniguradong buong-buo.

Narrator: Naaalala pa noon ni Kapitan Tiago ang mga larawan ng nakalipas: ang pagsayaw nila
ng asawa sa Obando upang magkaanak, na sinundan ng kanyang pagiging tatay kay Maria Clara.
Nawala lamang ang saya sa kanyang mukha nang maalala niya ang pagkamatay ng kanyang
kabiyak. Namatay ito dahil sa hirap sa panganganak kay Maria Clara.

K. Tiago: (pagod) Hay, buhay. (tumigil ng saglit) Oh Pia, aking mahal na esposa, naway
makapiling ng Lumikha ang iyong kaluluwa. Sumalangit ka nawa.
Kabanata 7: Ang Pag-uusap sa Asotea

Narrator: Kinaumagahan, makikita si Maria Clara na nakaupo sa isang silyon katabi ng isang
bintana, abala sa pagbuburda. Bakas sa kanyang kilos na may hinihintay siyang bisita.

M. Clara: (silip ng silip sa bintana) Mahabaging Panginoon, tanghali na. Ano kaya ang dahilan ng
kanyang pagkahuli?

Narrator: Ang kanyang pagkainip ay napawi nang may kalesang pumara sa tapat ng kanilang
tahanan.

Kutsero: How! How!

Ibarra: (bumaba ng kalesa) Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang makausap si
Maria Clara.

T. Isabel: Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. (ituturo kay Ibarra ang daan)

K. Tiago: Como estas, Ibarra. Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan.

Ibarra: Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong anak.

K. Tiago: Abay sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa kwarto at
malamang ay nag-aayos iyon o nahihiya. (susunduin ni T. Isabel si Maria Clara sa kwarto) Oh,
ayan na siya. Maaari na kayong mag-usap sa asotea. kailangan mo ba ng maiinom, Ibarra?

Ibarra: Gracias, Seor ngunit hindi na ho kailangan.

Narrator: Maya-maya pa ay makikita na ang dalawang nag-uusap sa asotea.

Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal. Dahil kung
hindi ay hindi na ako makakikita pa ng isang babaeng katulad mo.

Maria Clara: (may dalang pamaypay at binubukas-sara iyon) Napakatamis ng iyong dila,
Crisostomo. Siguroy dahil diyan ay nabihag mo ang maraming kababaihan sa mga bansang
iyong napuntahan.

Ibarra: Isa nang magandang obra ng Diyos ang aking sinisinta. Bakit pa ba ako hahanap ng iba?

Maria Clara: (nagtakip ng bibig ng pamaypay) Sinungaling. Hindi ako makapaniniwalang sinasara
mo ang iyong mata pagdating sa ganda ng ibang dilag sa Europa.

Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng
kagandahan. At mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig. (tumigil
ng saglit) Patawad aking sinta, ngunit kailangan ko nang lisanin ang iyong piling. Bukas ay Todos
Los Santos, kayat kailangan kong puntahan ang isang tao doon upang tulungan ako bukas.

Maria Clara: Naiintindihan ko, Ibarra. Naway makapaglakbay ka ng ligtas at matiwasay.

Ibarra: Paalam, aking minamahal.

Maria Clara: Patnubayan ka nawa ng Maykapal. (nag-antanda ng krus)

Narrator: Halata sa mukha ni Maria Clara ang sobrang kalungkutan.


K. Tiago: (kay T. Isabel) Tingnan mo ang nagagawa ng pag-ibig, Isabel.

T. Isabel: Oo nga, Tiago. Sadyang napakatamis at napakapait ng pag-ibig.

K. Tiago: Paano mo nalaman iyon? Hindi ka pa naman nakaranas na umibig hindi ba? (tatawa)

T. Isabel: Hay naku, Tiago. Akoy tigil-tigilan mo nga. Hindi ako manhid sa mga dating manliligaw.
(tatawa rin)

K. Tiago: Clarita, kung ikaw ay nababagabag, magtulos ka ng kandila para kay San Roque at San
Rafael. paniguradong gagabayan nila si Ibarra para sa kanyang paglalakbay.

Maria Clara: (magsisindi ng kandila sa altar)

Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan

Narrator: Kinaumagahan, aalis sina Tiya Isabel at Maria Clara, nang makasalubong nila si Padre
Damaso na papunta ng kanilang bahay.

T. Isabel & Maria Clara: Magandang umaga po, Reverencia.

P. Damaso: Magandang umaga rin Isabel, Maria Clara. Mukhang may pupuntahan kayo, ah. Saan
ang inyong tungo?

Maria Clara: Pupunta kami ng Beateryo, padre. Kukunin ko lamang ang aking mga natirang gamit
doon.

P. Damaso: Sige. O bueno, kakausapin ko lamang ang iyong ama. (aantandaan ng krus ang
dalawa) Naway ligtas kayong makapaglakbay.

T. Isabel: Muchas Gracias, Padre.

P. Damaso: (bubulong) Tingnan lamang natin kung sino ang masusunod sa atin.

Narrator: Nang umalis na ang dalawa, pumanhik na ng hagdan ang pari habang mukahang may
iniisip.

P. Damaso: Santiago? Santiago!

K. Tiago: Padre, ano ang sadya ninyo?

P. Damaso: May gusto akong sabihin sayong importante. Doon tayo sa lugar na hindi tayo
maririnig.

(aalis ang dalawa sa set)

Narrator: At nang matapos ang pag-uusap nila

P. Damaso: Tandaan mo nang mabuti ang mga sinabi ko sa iyo, Santiago. Iniisip ko lamang ang
inyong kapakanan.

K. Tiago: Naiintindihan ko ho, Padre. Masusunod ang inyong kahilingan.

Narrator: Sa pagkabagabag ni Kapitan Tiago ay pinatay niya ang pinasindi niyang kandila
kahapon kay Maria Clara.
P. Damaso: Bueno, aalis na ako. (bubulong) Sinabi na nga ba at ang kahilingan ko rin ang
masusunod.

Kabanata 12: Araw ng mga Patay

Narrator: Samantala, sa San Diego, ay abala ang mga sepulturero, sapagkat bukas ay Todos Los
Santos. Nag-uusap ang dalawa sa kanila, habang may hinuhukay na bangkay.

Sepulturero 1: Oy! (Naninigarilyo). Sa ibang lugar na tayo maghukaybagung-bago pa yan.

Sepulturero 2: Pare-parehong bagong libing ang mga yan.

Sepulturero 1: Ayoko na May dugo pa ang mga buto! At ang buhok.

Sepulturero 2: Masyado ka namang maselankung ikaw pa ang humukay ng ginawa koisang


bangkay na 20
araw pa lang nailililibing. Madilim ang gabi noon, umuulannamatay pa ang aking ilawan.

Sepulturero 1: (Nangilabot) Nakakakilabot naman ang sinabi mo.

Sepulturero 2: Natanggal ang mga pako sa ataul kayat lumabas ang kalahating katawan ng
bangkay. Saksakan
ng baho ang bangkay at binuhat ko pa iyon sa gitna ng malakas na malakas na ulan.

Sepulturero 1: (Hindi makapaniwala) Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo hinukay ang bangkay?
Sinong nag-utos
sayo?

Sepulturero 2: Sino pa kundi ang kurang malaki.

Sepulturero 1: Anong ginawa mo sa bangkay?

Sepulturero 2: Para kang guwardyang sibil kung magtanong. Ang utos sakin ang kurang malaki,
ilibing ko sa
libingan ng mga Intsik ang bangkay na hinukay ko. Hindi ko nagawa dahil malakas ang ulan saka
malayo
ang libingan ng mga Intsik.

Sepulturero 1: (Umahon sa hukay at nangilabot pa lalo) Ayoko nang maghukaynatamaan ko


yung isang bungo,
nabiyak! Paniguradong hindi ako makatutulog mamayang gabi.

Sepulturero 2: (Napahalakhak at tinanaw ang isang sepulturero bago umalis.) (Unti-unti nang
dumarami ang mga nagluluksang tao sa sementeryo)

Kabanata 13: Ang Babala ng Sigwa

Narrator: Dahil sa Todos Los Santos noong araw na iyon, ang sementeryo ng bayan ng San Diego
ay nabuhay muli dahil sa pagdagsa ng mga tao. pumunta rin si Ibarra para bisitahin ang puntod
ng ama, kasama ang isang utusan.

Ibarra: Alam ho ba ninyo ang puntod ng aking ama?


Utusan: Opo, Seorito. Tinamnan ko ho ng halamang Adelfa ang puntod at nilagyan ng malaking
krus upang hindi ko ho ito makalimutan.

Narrator: Nakalipas na ang ilang oras ngunit hindi pa rin nila makita ang puntod.

Ibarra: (medyo galit) Akala ko ho ba ay alam ninyo ang kinalalagyan ng puntod ng aking ama?

Utusan: Dispensa po, Seorito. Alam ko naman po iyon talaga, eh. hindi ko lang po talaga
maintindihan kung bakit tayo nawawala. (makikita ang isang puntod na nahukay at ituturo ito)
Ayun po, oh. Alam ko ho ay diyan siya nakalibing.

Ibarra: Magtanong ka doon sa sepulturero kung bakit ganoon ang puntod.

Utusan: Mawalang-galang na po. Alam po ba ninyo kung nasaan na ang malaking krus sa puntod
na iyon na may pangalang Don Rafael Ibarra?

Sepulturero: Ahh. Yung krus sa puntod na may mga bulaklak? Sinunog ko na.

Utusan & Ibarra: Sinunog?!

Sepulturero: Opo. Pinasunog yon ng kurang malaki.

Ibarra: Kung gayon ay bakit hinukay ang bangkay ng aking papa? Saan mo dinala ang bangkay
niya?!

Sepulturero: inutos po ng kurang malaki na ilibing siya sa libingan ng mga Intsik.

Ibarra: (galit) At ginawa mo naman ang sinabi niya?!

Sepulturero: (nanginginig na sa takot) H-hindi po. Mabigat noon ang bangkay at napakalakas ng
ulan. Kaya inilagak ko muna sa ilog ang bangkay niya. Patawad po, Seor.

Narrator: Sa sobrang sakit ng nadama para sa ama ayt hindi na napigilan pa ni Ibarra ang
damdamin. Nang hindi na niya kaya, ay mabilis siyang tumalikod at umalis. Sa kanyang daan
pauwi ay nakasalubong niya ang kura ng San Diego, si Padre Salvi. Tiningnan siya ng masama ni
Ibarra, hinila ang kanyang suot na sutana at kinausap.

Ibarra: Ikaw! Ikaw ba ang gumawa ng ganoong kalapastanganan sa aking ama? Ikaw ba?!
Sumagot ka!

P. Salvi: Kung anuman iyon, sinasabi ko sa iyo ngayon pa lamang na wala akong alam tungkol sa
sinasabi mo.

Ibarra: Kung hindi ikaw, sino?!

P. Salvi: Sigurado akong hindi ako ang iyong hinahanap, kundi ang pinalitan kong kura na si Padre
Damaso.

Ibarra: (sa sobrang galit ay napaupo at napaiyak muli)

Narrator: Sobrang galit at muhi ang naramdaman ni Ibarra para kay Padre Damaso. Dahil sa
kanyang hindi mapigilang emosyon ay tinahak na lamang niya ang daan patungo ng kanilang
bahay. Ang pari naman ay nabuwal sa pagkakabitaw sa kanya ni Ibarra.
Utusan: (itatayo ang pari) Patawad po, Reverencia para sa aking Seor Ibarra. Hindi po niya alam
ang kanyang nagagawa dahil sa sobrang galit.

P. Salvi: Napatawad ko na siya. Ngunit kahit para sa akin ay napakasakit ng sinapit niya. Hindi ko
siya masisisi sa kanyang nagawa. (aantandaan ng krus ang tinahak na daan ni Ibarra) Gabayan
nawa siya ng Maykapal.

Narrator: Nakauwi na si Ibarra ng kanilang tahanan. Galit at malungkot pa rin siya, kayat noong
siya na lang ang nasa bahay ay ibinuhos niya ang kanyang emosyon na parang hindi pa niya
iyon nagagawa noon. Hindi na alintana ni Ibarra ang paglipas ng oras hanggang sa tumunog ang
kampana sa kampanaryo ng simbahan.

Kabanata 15: Ang Mga Sakristan

Narrator: Samantala, sa ikalawang palapag ng kampanaryo ng simbahan ay makikita sina Crispin


at Basilio, magkapatid na sakristan ng simbahan. Sampung taong gulang si Basilio, habang
pitong taong gulang si Crispin.

Basilio: Crispin, hilahin mo nang mabuti ang tali. (tunog ng batingaw)

Crispin: Magpahinga naman tayo, Kaka. Kanina pa tayo nakatayo at nagpapatunog ng kampana.
(tunog ng batingaw)

Basilio: Hindi pa pwede. Papagalitan tayo ng Sakristan Mayor.

Crispin: Oo nga pala. Ilan daw ang susuweldohin mo ngayon buwan?

Basilio: Dalawang reales na lamang, Crispin.

Crispin: Bayaran mo na kaya yung sinabi nila na ninakaw ko na ginto sa simbahan? Sige na, para
hindi na sila manggulo at maka-uwi na ako.

Basilio: Naku, Crispin! Dalawang multa na ang inabot ko sa Sakristan Mayor. At ang sinasabi
nilang ninakaw mo ay dalawang onsa ng ginto. Tatlumput dalawang reales iyon! Kumbagay
tatlumput dalawang kamay. Hindi sasapat ang suweldo ko sa hinihingi nila.

Crispin: Natatakot na kasi ako, eh. Napakasama kasi ng Kura at lalo na ng Sakristan Mayor.
Napakasinungaling nilang lahat. umuwi ka na lang ngayon, Kaka. Sabihan mo si Inang na ayaw
na nating mag-sakristan. alam ko naming paniniwalaan ka ni Inang kaya ikaw na lang ang
magsabi sa kanya. Sabihin mo sa Inang na may sakit ako. Kaya hindi ako maka-uwi.

Basilio: Huwag kang magsalita ng ganyan, Crispin.

Narrator: At dumating ang itinuturing nilang berdugo ng simbahan: ang Sakristan Mayor.

Sakristan Mayor: Mga pasaway na bata! Kahit kalian kayo, wala na kayong magawang tama sa
simbahan! Ikaw Basilio! Magmumulta ka ng dalawang reales dahil sa hindi magandang tunog ng
kampana! Hindi ka rin uuwi ng alas-otso kundi alas-diyes na ng gabi!

Basilio: Ngunit huhulihin na ako ng gwardya

Sakristan Mayor: Wala akong pakialam! Sasagot ka pa? (aambang sasampalin si Basilio) At ikaw
Crispin! Hindi ka uuwi hanggat hindi mo inilalabas ang dalawang onsang gintong ninakaw mo!
Kahit kailan mga wala kayong galang! Pati simbahan pinagnanakawan ninyo!
Crispin: Hindi ko naman poi yon ninakaw eh. Wala po akong ninakaw na kahit ano.

Sakristan Mayor: At sumasagot ka pa? Ito ang sa iyo! (pinagsusuntok at kakaladkarin na si


Crispin)

Crispin: Aray ko po, tama na po! (namimilipit na at naiiyak sa sakit)

Basilio: (umiiyak) Tama na po! Maawa na kayo!

Sakristan Mayor: Huwag mo akong pigilan! (sinampal at natumba si Basilio)

Crispin: (umiiyak) Kaka, huwag mo akong iwan! Huwag mo akong iwan!

Basilio: Crispin!

Narrator: Wala nang nagawa pa si Basilio para sa kapatid. Tanging mga hambalos, impit na
sigaw, at daing na lamang ang kanyang narinig. Pagkatapos noon ay nakabibinging katahimikan.
Pagdating ng ikasampu ng gabi ay nakapinid na ang buong simbahan. Kayat kinalag niya ang
tali ng batingaw upang makapadausdos siya mula sa bintana ng kampanaryo. May maririnig na
dalawang putok ng baril sa lansangan, ngunit walang sinuman ang pumansin.

Kabanata 16: Si Sisa

Narrator: Samantala, sa labas ng bayan ay makikita ang maliit na dampa nina Sisa, ang ina nina
Basilio at Crispin. Masaya siyang nagluluto ng tuyong tawilis, tapang baboy-ramo, at isang hita
ng patong-bundok na nahingi niya kay Pilosopo Tasyo. Nagsaing din siya ng maputing kanin at
namitas ng kamatis sa kanyang bakuran upang gawing sawsawan.

Sisa: Naku! Sigurado akong matutuwa ang mga anak ko sa inihanda kong ulam. Nakikita ko nang
gutom na gutom sina Crispin at Basilio mula sa simbahan. Siguradong magugustuhan ni Crispin
ang tuyong tawilis na pinakapaborito niya habang pinipigaan ng kamatis! At, buti na lang
nakahingi ako kay Pilosopo Tasyo ng tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok. Siguradong
maglalaway si Basilio kapag nakita ito!

Narrator: Habang naghahanda si Sisa ay siya naming pagdating ng kanyang asawa, si Pedro.

Pedro: Nagugutom ako, Sisa. Aba, ang sarap ng hinain mo ah. Matikman nga.

Sisa: Pero, Pedro sa mga..

Narrator: Bago pa matapos ni Sisa ang sinsasabi ay nakain na ng kanyang sugapang asawa ang
ulam. Pakiramdam niya ay siya ang kinakain nito. Wala na lang siyang magawa kundi ang pigilan
ang luha.

Pedro: Aalis na ako. (kinuha ulit ang panabong na manok)

Sisa: Hindi mo man lang hihintayin ang pagdating ng mga anak mo? Alam ko ay susweldo si
Basilio ngayong araw.

Pedro: Ah, ganun ba? Ipagtabi mo ako ng isang reales. Sige na at baka mahuli ako sa sultada ng
tinali ko.
Narrator: Wala nang nagawa pa si Sisa. Sobra ang kalungkutan niya kayat pinasaya na lamang
niya ang sarili sa pagkanta. Nagluto na lamang siya ng natirang tatlo pang tawilis at tiniis ang
kanyang gutom, dahil alam niyang hindi na kakasya pa ang ulam sa tatlong katao. Nagulat na
lamang siya dahil sa sumunod na nangyari. Dumating si Basilio na humahangos.

Basilio: Inang! Inang! buksan po ninyo ang pinto!

Kabanata 17: Si Basilio

Narrator: Nanginig sa takot si Sisa nang marinig ang tinig ng kanyang anak na parang
humahangos. At mas lalo pa siyang natakot noong makita niya ang anak na tigmak ng dugo ang
mukha.

Sisa: Hesusmaryosep! anong nangyari sa iyo, Basilio?

Basilio: Huwag kayong mag-alala Inang. Naiwan si Crispin sa kumbento.

Sisa: Naiwan? At siya bay buhay?

Basilio: (tititigan ang ina at tatango ng bahagya)

Sisa: Salamat at buhay siya. Bakit ka duguan? Naku naman

Basilio: Ako poy tumakas sa kumbento. Ngayon lamang ako pinauwi ng Sakristan Mayor dahil
hindi daw ako makauuwi kundi alas-diyes ng gabi. Bawal nang maglakad ng alas-nuwebe kayat
noong nakasalubong ko ang mga guardia civil sa bayan at sinigawan ako ng quien vive ay
nagtatakbo ako. Pinaputukan po nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo.

Sisa: Walang hiya talaga ang mga guardia civil. Sadyang wala silang puso. Halika anak at
gamutin natin ang sugat mo.

Narrator: Hinugasan ni Sisa ang sugat ng anak at nilagyan ng pampahilom. Hiniling ni Basilio sa
ina na ilihim ang nangyari sa kanya. Pinakain na niya ang anak ng iniluto niyang tawilis.

Sisa: Pasensya ka na anak at tawilis lamang ang natira sa inyo. Naghanda ako ng masarap na
ulam ngunit kinain itong lahat ng inyong ama. Pagpasensyahan mo na lamang din siya.

Basilio:Hindi ka po ba niya sinaktan? (hahawakan at titingnan ang mga braso ng nanay)

Sisa: Huwag kang mag-alala. Hindi naman niya ako ginawan ng masama. Bakit daw hindi
makauuwi si Crispin?

Basilio: Pinarusahan po siya ng Sakristan Mayor dahil nagnakaw daw siya ng dalawang onsa ng
ginto. Hindi naman siya nagnakaw talaga, ngunit hindi daw siya pauuwiin hanggang hindi niya
daw iyon ibinabalik.

Sisa: Mahabaging panginoon, kawawa naman ang aking bunso. Hindi naman ganoong tao ang
anak ko. Hayaan mo anak at kakausapin ko ang kura bukas. Dadalhan ko siya ng gulay bukas at
hihilingin ang kalayaan ng iyong kapatid. Matulog ka na at huwag mo nang isipin pa iyon.
Narrator: Natulog na ang mag-ina sa kanilang papag. Naglalaro pa rin sa isipan ni Basilio ang
sinapit ni Crispin sa sulok ng kumbento habang takot na takot. Umuukilkil sa isipan niya ang
mga daing at sigaw ni Crispin habang wala siyang magawa dahil sa sariling takot. Sa kapaguran,
nakatulog si Basilio.

Saglit pa lamang nakaiidlip ay nanaginip si Basilio tungkol sa kapatid.

(role-play sa malapit sa hinihigaan nina Basilio)

Basilio: (nakakunot ang noo at pailing-iling habang natutulog kasama ang nanay)

P. Salvi: (may hawak na yantok) Walang galang na bata! Magnanakaw!

Crispin: (umiiyak at natatakot) Kura, maawa na po kayo sa akin. (magtatago sa likod ng


Sakristan Mayor)

Sakristan Mayor: (ilalantad ang bata sa kura) Huwag kang magtago, hangal! Kasalanan mo iyan!

(Galit na galit ang Kura kayat pinaghahampas ang bata ng yantok.)

P. Salvi: (pinapalo ang bata) Lapastangan ka, ha. Tingnan natin kung hindi mo pa ibalik nang
ninakaw mo!

Crispin: Hindi po ako ang nagnakaw! Maawa na po kayo! Ang Sakristan Mayor po ang
nangnakaw!

Sakristan Mayor: (sasama na rin sa pagpalo) Huwag kang magbintang! Kahit kalian talaga ay
napakasama mo. Napakasama ninyong magkapatid!

Crispin: Inay! Kuya! Tulungan niyo ako! Maawa na kayo sa akin! Inay! (hindi na makatiis at
kinagat ang kamay ng Kura)

P. Salvi: (nabitawan ang yantok) Aray! Walang hiya kang bata ka!

Sakristan Mayor: (pinulot ang yantok at pinalo sa ulo ang bata)

Crispin: (nabuwal at napahiga)

P. Salvi & Sakristan Mayor: (sinipa-sipa ang bata ngunit hindi na ito gumagalaw)

(Kakaladkarin si Crispin ng dalawa at aalis. Maririnig na lamang ang putok ng isang baril sa
panaginip)

Basilio: (magigising at sisigaw) Crispin! (maiiyak ng sobra na ikinagising ni Sisa)

Sisa: Diyos ko, anak. anong nangyari sa iyo? May problema ba?

Basilio: (umiiyak pa rin) Inay, ayoko na pong magsakristan. Sunduin niyo na po si Crispin bukas
sa kumbento at kunin ang aking huling sahod. Ipakikiusap ko po kay Don Ibarra na tanggapin
akong tagapastol ng hayop nila. Paaralin niyo po si Crispin kay Pilosopo Tasyo. Mabait si Don
Crisostomo. Baka bigyan pa po niya ako ng gatas na gustong-gusto ni Crispin o kaya ay isang
batang kalabaw. Pag malaki na ako ay magsasaka ako at mag-aararo. Di ba mainam iyon, Inang?
Pumayag na kayo, huwag nyo na po akong gawing sakristan.

Sisa: Oo,anak. Sige na, tumahan ka na. (yayakapin ang anak)


Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa

Narrator: Kinaumagahan ay maagang namitas si Sisa ng mga pinakahinog at pinakaberdeng


gulay sa kanyang gulayan. Inilagay niya ito sa isang bakol at saka umalis upang pumunta sa
simbahan at kausapin ang Kura. Sa kumbento ng simbahan

Sisa: Tao po, magandang araw po.

Kusinera: (mataray) Sino kayo?

Sisa: Ako po si Sisa, ang ina ng sakristan na si Crispin. May dala ho akong mga gulay para sa
Kura. (iaabot ang basket)

Kusinera: (hahawakan at susuriin ang mga gulay) O, sige. Ilagay mo na lang diyan.

Sisa: Saan ho?

Kusinera: Kahit saan diyan.

Sisa: Maaari ko ho bang makausap ang kura?

Kusinera: Hindi maari. May sakit ang Kura.

Sisa: Kung gayon ay kahit makausap ko na lamang ang anak kong si Crispin.

Kusinera: Huwag ka nang magkaila. Alam ng lahat na si Crispin ay nasa inyo nang bahay.

Sisa: Si Basilio ho ay nasa bahay ngunit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makita

Kusinera: Naiwan nga ngunit tumakas din pagkatapos magnakaw ng maraming bagay. Baka nga
hinahanap na siya ng mga guardia civil sa inyo, eh. Alam mo, napakabuti mong asawa ngunit
masasama naman ang mga anak mo tulad ng kanilang ama. Lalo na yung maliit? Naku! Baka
higitan pa niya ang ama niya.

Sisa: (mapapaupo sa bangko ng kusina at mapapaiyak)

Kusinera: Hindi mo ba naintindihan? May sakit ang Kura! (itutulak si Sisa palabas) Hala, doon
kayo humagulgol sa lansangan! Sulong!

Sisa: (sa pagkapahiya ay tatakpan ng panyo ang mukha at mabilis na umalis)

Kabanata 21: Kasaysayan ng Isang Ina

Narrator: Tumatakbo na si Sisa dahil sa takot na mahuli ang kanyang mga anak dahil sa
kasalanang hindi nila ginawa. sa kalituhan ay halos madapa-dapa siya sa daan.

Sisa: O Diyos ko, huwag po ninyong pababayaan ang aking anak!

Narrator: Pagdating sa kanilang dampa ay nagulat siya sa nakita. May mga guardia civil na
naghahanap sa kanilang bahay, tila may hinahanap na tao. Nagtago muna siya, ngunit nakita rin
ng mga ito.

GC 1: Ikaw ba si Sisa ang ina ng mga magnanakaw na bata?


Sisa: Opo, ako si Sisa. Ngunit hindi mga magnanakaw ang aking mga anak.

GC2: Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Ilabas mo ang iyong mga anak! Nakatakas ang
nakatatandang anak mo. Nasaan yung mas bata?

Sisa: Hindi ko alam dahil hindi pa siya umuuwi simula kahapon!

GC 1: Kung gayon ay ikaw ang isasama naming. Hindi ka makalalabas ng kwartel habang hindi
mo itinuturo ang mga anak mo!

Narrator: Dinala na ng mga guardia civil ang kaawa-awang si Sisa sa kuwartel ng mga guardia
civil. Doon siya ikinulong habang hindi niya itinuturo ang mga anak.

GC 2: (itinulak si Sisa sa kulungan) Iyan, diyan ka nababagay. Mabubulok ka sa bilangguan na


iyan hanggang sa ituro mo ang iyong mga anak.

Narrator: Walang magawa si Sisa kundi ang umiyak. Nakarating sa Alperes ang balita kayat
nagdesisyon itong palayain si Sisa, dahil na rin sa kawalan ng katibayan.

Alperes: (kausap ang isang guardia civil) Ang krimeng iyan ay kasalanan ng kura! Pakawalan ang
bihag at huwag na siyang abalahin kailanman! Kung gustong makuha ng kura ang nawalang
ginto, sabihin mo ay manalangin siya kay San Antonio! Pari siya ay hindi niya alam ang bagay na
iyon? Huh!

GC 3: Si, Seor Alperes. (aalis at pupuntahan ang selda ni Sisa) O, makakalaya ka na daw. Wala
nang ipapakain sa iyo ang gobyerno dito! (tatawa)

GC 1: Kasi naman eh. Mag-aasawa na lang yung wala pang kwenta. Tapos mag-aanak pa ng
magnanakaw! Tsk. Tsk. Tsk.

Narrator: Mabilis na tumakbo papalayo ng kuwartel si Sisa habang umiiyak. Gula-gulanit na ang
kanyang damit dahil sa pangit na kondisyon sa kulungan. Hindi na ininda ni Sisa ang nangyari sa
kanya, bagkus ay hinanap na lamang niya ang kanyang mga anak. Nagpunta siya sa kanilang
dampa upang tingnan kung nandoon si Basilio.

Sisa: (nasa dampa, sumisigaw) Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nasaan na kayo?

Basilio: (hinahanap ang ina sa lansangan) Inang! Inang! Nasaan na kayo, Inang? Inang!

Narrator: Pumunta si Sisa sa bahay ni Pilosopo Tasyo, ngunit wala siyang nadatnang tao.

Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Nandyan ba kayo? Tandang Tasyo! Andyan ho ba ang mga
anak ko? Wala atang tao. (iiyak)

Basilio: (Uuwi sa dampa) Inang! Inang! Nandyan ba kayo, Inang? Inang! (sumilip sa bangin
malapit sa bahay)

GC 3: Hoy! Ikaw yung hinahanap naming bata ah. Huwag kang gagawa ng masama!

Narrator: Sa takot ni Basilio ay napatakbo siya at di sinasadyang napunit ang tela ng kanyang
damit na may bahid na ng dugo at nasabit sa sanga ng isang malagong halaman malapit sa
bangin. Nakarinig si Sisa ng putok ng baril mula sa kanilang bahay kayat pinuntahan niya iyon.
(hindi na naabutan ni Sisa ang guardia civil at si Basilio)

Sisa: Diyos ko po! Mga anak ko! Crispin, Basilio! (titingin sa may bangin at makikita ang piraso
ng damit ni Basilio na may dugo) Basilio? Basilio! Damit ito ni Basilio! May dugo. Mapula. (tatawa
at ngingiti) Damit ni Basilio may dugo! (tatawa ng malakas)

Narrator: Kinaumagahan, makikita na si Sisa na pagala-gala sa lansangan, kinakausap ang lahat


ng lalang ng kalikasan.

Basilio: Nasa bahay, sa labas ng Bayan

Sisa: (nakatingala) Crispin! Basilio! Nasan na kayo? Mahal kong mga anak! Hangin, nakita mo ba
ang mga anak ko? Hindi? (iiyak at tatawa ulit) Ikaw puno, nakita mo ba ang mga anak ko? Hindi
rin? (iiyak at tatawa ulit)

(haharap sa audience) Kayo? Nakita niyo ba ang anak ko? Nakita niyo ba siya? (kakausapin ang
mga naglalakad na extra sa set) Kapag nakita niyo ang mga anak kong sina Basilio at Crispin,
sabihan ninyo ako ha? (tatawa at maiiyak)

Basilio: (Hinahanap ang nanay sa dampa) Inang! Inang! Nandito na ako Inang! Inang! Inang!
(maiiyak)

Kabanata 22: Liwanag at Dilim

Ibarra: Ipapahanda ko ang lahat ng kailangan bago magbukangliwayway

Maria Clara: Ayokong makasama ang kura.

Ibarra: Bakit? (nagtataka)

Maria Clara: Pakiwari koy binabantayan niya ang lahat ng kilos ko. Natatakot ako sa kanyang
mga tingin. Kinikilabutan ako sa tinig niya na waring napakahiwaga. Madalas ay hindi ko
maunawaan ang kanyang mga sinasabi. Itinatanong niya sa akin kung hindi ko raw ba
napapanaginipan ang sulat at ang aking ina. Maging sina Sinang at Andeng ay nakababalitang
hindi raw masyadong kumakain ang kura at tila napapabayaan ang sarili. (takot)

Ibarra: Ngunit hindi maaaring hindi natin siya kumbidahin. May kaugalian tayo dito. At isa pay
narito na siya.

Narrator: Papunta si Padre Salvi kina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Napipilitan ang ngiti nito.

Padre Salvi: Malamig ang hangin dito sa labas, baka kayo magkasakit. Hindi ba kayo natatakot
magkasakit o magkasipon? (Nginig ang tinig ng kura at hindi siya makatingin ng diretso sa
dalawa)

Ibarra: Maganda ang gabi, Padre. Napakasarap lumanghap ng sariwang hangin.

Ibarra: Isang kasiyahan sa bukid ang inihanda naming ang aking mga kaibigan. Maaari po ba
kayong dumalo?

Padre Salvi: Saan magaganap ang kasiyahan?

Ibarra: Sa may batis po sa gubat idaraos, malapit sa puno ng balite. Iyo po ang napiling lugar ng
mga dalaga.
Padre Salvi: Para patunayan na akoy walang sama ng loob sa iyo dahil sa nangyari, malugod
kong tinatanggap ang iyong paanyaya.

Ibarra: Maria Clara, aalis na ako. Magkita nalang tayo bukas. Padre Salvi mauna na po ako sa
inyo.

Narrator: Isang lalaki ang sumalubong kay Ibarra habang siyay naglalakad.

Lalaki: Hindi po ninyo ako nakikilala, ginoong Crisostomo. Subalit may dalawang araw ko ng
hinihintay ang iyong pagdating ditto sa bayan ng San Diego.

Ibarra: May kailangan kayo sa akin?

Lalaki: Tinatawag nila akong tulisan kayat wala isa mang nagnanais tumulong sa akin. Nawawala
po ang aking mga anak at nabaliw ang aking asawa.

Ibarra: Anong kailangan ninyo sa akin, ginoo?

Lalaki: Nais ko pong humingi ng tulong sa inyo.

Ibarra: Sumabay kayo sa akin sa paglalakad at saka ninyo sabihin ang inyong pakay.

Narrator: Naglakad na ang dalawa hanggang sa tuluyang nawala.

Kabanata 23: Ang Pangingisda

Narrator: Naglalakad na patungo sa lawa ang magkakaibigan, kadalagahang kasama ang


kanilang mga ina at mga tiyahin. Kasama ang mga katulong na babae na may dalang baong
pagkain at kagamitan para sa piknik. Sinaway sila ni Tiya Isabel sa kanilang kaingayan.

Tiya Isabel: Baka nakakabulabog ang ingay ninyo sa mga natutulog pa. Huwag kayong maingay.
Hindi ganyan ang dalagang Pilipina noong kapanahunan namin.

Narrator: Natanawan nila ang paparating ng mga kalalakihan at ang isay tumugtog pa ng gitara.
(naglalakad na rin ang mga lalaki)

Sinang: Tila may ibig mamalimos (pabiro)

Narrator: Nagbigay galang ang mga binata samntalang naging pino na ang kilos ng mga dalaga
ng nasa harapan na nila ang mga ito.

Ina1: Hindi kaya umulan? (nag-aalala)

(dumating si Ibarra at nakihalubilo. Sasakay na ng Bangka. Sumakay na sila sa Bangka [2 bangka


meron: isa sa mga babae at isa sa mga lalaki])

Tiya Isabel: Magsipagdasal tayo.

Narrator: Samantala, ay kinausap ni albino ang katabing binata.

Albino: Takpan mo ang tapal sa tapat sa tabi ng paa mo at may butas. Delikadong mapasukan
ng tubig.

Narrator: Nagsigawan ang mga babae nang malaman na may butas ang Bangka nila lumipat ang
ilang mga lalaki sa Bangka ng mga babae. Si Ibarra ay tumala kay M. Clara. Si Albino lumapit kay
Victoria. Naging pares-pares ang magkakatala sa bangka. Ang bangkero ay tahimik lang na
nagsasagwan. Papunta sila sa baklad ni Kapitan Tiago. Di naglaon ay dumating din sila sa isa sa
mga baklad.

Tiya Isabel: Ihanda na ang paasim sa sabaw, kailangang maihulog na ang mahuhuling isda sa
kumukulong sabaw.

Narrator: Si Andeng ang sumunod sa utos. Nilagyan niya ng paasim na kamyas at kamatis ang
sabaw. Si Iday ang tumugtog ng alpa. Hiniling niya si Victoria na awitin ang kundiman ng pinag-
iisang dibdib.

Iday: Victoria, maaari mo bang awitin ang kundiman ng pinag-iisang dibdib?

Victoria: Paumanhin, pero ayaw ko.

Iday at mga kasamahan: Sige na Victoria (kinukulit)

Victoria: (tumatanggi)

Sinang: Si Maria Clara na lang. Maria Clara, maaari ka bang umawit?

Lahat: Oo nga. Sige na. (pinipilit)

Maria Clara: Malulungkot ang aking mga awit.

Lahat: Ayos lang yan.. Pumayag ka na.. sige na..!

Narrator: Napapayag nila si Maria Clara. Kumanta na siya. Tahimik na nakinig ang lahat. Walang
pumalakpak. Natulala ang mga nakatingin. Nagulantang sila ni Albino dahil sa pag-ihip nito na
ubod ng lakas sa tambuli. Nagbalik ang tawanan ng mga tao.

Andeng: Kumukulo na ang sabaw!

Narrator: Isang mangingisda ang nagsalok ng isda sa baklad. Wala siyang nahuli ni isang isda
kahit paulit-ulit na siyang nagsasalok. Nagulat ang mga tao.

Mangingisda: Nakapagtataka, bago pa mag-undas huling pinandaw ito.

Narrator: Si Leon ay tumulong sa pagsalok ngunit nagulat siya dahil ang tumambad sa kanya ay
isang buwaya.

Leon: Buwaya? May buwaya sa baklad na ito?

Narrator: Ang bangkero ay kumuha ng lubid at tumalon sa tubig. Nagsigawan at natakot ang mga
nanduon.

2 kasamahan: Sino ang binatang iyon?

Narrator: Saglit na lumitaw ang ulo ng bangkero na hatak ang dulo ng lubid. Nagpalakpakan ang
lahat. Naiahon ng bangkero ang buwaya sa baklad pero habang tinatalian na ang bunganga,
lumaban ito kaya nahulog sa tubig ang buwaya kasama ang bangkero. Nagsigawan ang lahat.
Tumalon si Crisostomo na may hawak na patalim. Nagulat ang lahat. Pumula ang tubig. Tumalon
na rin ang ilang mga lalaki para tulungan ang dalawa pero bago pa man sila makalapit sa
dalawa, napatay na rin sa wakas ang buwaya. Si Maria Clara ay hindi halos makahinga dahil sa
ginawa ni Ibarra. Ang lahat ay natuwa sa pagkaligtas ng dalawa ang ibay nagtawanan, ang iba
naman napaiyak.

Bangkero: Utang ko sa inyo ang aking buhay.

Ibarra: Hindi kayo dapat naging mapusok. Hindi ninyo dapat biruin nang ganoon na lamang ang
kamatayan. (mababa ang tinig).

Maria Clara: Paano kung ikaw ang napahamak?!

Ibarra: Kung napahamak ako at sinundan. (natigilan si Ibarra dahil bigla niyang naalala ang
amang itinapon ang bangkay sa ilog.)Nasa piling na ako ng aking pamilya. Siya nga pala, ano
ang pangalan mo, magiting na bangkero?

Bangkero: Elias, Elias po, Seor.

Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo

Narrator: Nang sumunod na umaga, Si Ibarra ay humingi ng payo kay Pilosopo Tasyo.

Pilosopo Tasyo: Nariyan pala kayo, ginoo!

Ibarra: Naabala ko po ata kayo.

Pilosopo Tasyo: May maipaglilingkod ba ako sayo?

Ibarra: May nais lamang po akong isangguni sa inyo. (hangang-hanga habang tinitingnan ang
isinusulat ni Pilosopong Tasyo) Bakit po kayo nagsusulat ng isang heroglipiko?

Pilosopo Tasyo: Dahil hindi ako sumusulat sa aking panahon kundi nagsusulat ako para sa
hinaharap. Ha! Sa panahon ngayon na mababasa ang aking mga sinusulat, hay, tiyak na hindi ito
pahahalagahan at susunugin pa ito. Ngunit ang susunod na salinlahi'y higit na matatalino at
kung ito'y kanilang mababasa ay sasabihin nilang hindi pala lahat ay natutulog sa panahon ng
kanilang mga ninuno.

Ibarra: Anong wika po kayo sumusulat?

Pilosopo Tasyo: Sa sariling wika natin na tagalog.

Ibarra: Maari po bang gamitan ng heroglipiko ang wikang tagalog?

Pilosopo Tasyo: Maari. Higit na mabuti ang alpabetong tagalog kaysa wikang Latin. Nga pala,
natatandaan mo ba yung pagkapatay sa buwaya? Opinyon ko lang naman, subalit, tingin ko'y
sinadya niyang gambalain ang inyong kasiyahan sapagkat hindi siya imbitado at dumating pang
lasing ang kanyang asawa.

Ibarra: (napangiti) Nais ko po sanang humingi ng payo sa inyo gaya ng ginagawa ng aking ama
noong siya'y nabubuhay pa. Nais ko pong magpatayo ng isang paaralan at bilang pag-alala na
rin ito sa aking kasintahan.

Pilosopo Tasyo: (napangiti) Ah, matagal ko nang pinangarap iyan. Pangarap ng isang baliw. At
iisipin din ng mga tao baliw kayo dahil humihingi kayo ng payo sa isang taong napagkakamalan
nilang baliw. Ha! Para sa kanila, ang matatalino'y mga kapitan kahit walang pinag-aralan at
walang ginawa kundi maging sunud-sunuran sa kura. Bakit hindi kayo humingi ng payo sa kura, o
sa kapitan o sa iba pang may tungkulin? Maari nyo silang sundin, maari rin hindi.

Ibarra: Naniniwala ako na mangyayari ang aking plano na walang sagabal.

Pilosopo Tasyo: Matutuloy ang plano ninyo kung kayo'y makikipagtulungan sa mga taong
sinasabi ko.

Ibarra: Totoong makapangyarihan ang kura subalit hindi ako lubusang naniniwala sa mga
mapang-abusong lakas at kapangyarihan. Ang taong bayan ay maniniwala sa katuwiran at
pamahalaang may mabuting hangarin.

Pilosopo Tasyo: Ang pamahalaan ay walang ibang pinakikinggan kundi ang kura. Sumusunod
lamang ang kamay sa idinidikta ng isip.

Ibarra: Parang isang pagmamalabis ang inyong pahayag. Sa katunayan ay wala pa pong bayang
dumaraing.

Pilosopo Tasyo: Pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Ngunit hindi magtatagal ay darating din
ang panahong iyon. Malalaman ninyo ang kanilang mga pagtitiis.

Ibarra: Nauunawaan ko ang inyong ibig sabihin. Ngunit dapat ninyong malaman na ang mga
nanggagaling sa utos sa itaas ay hindi ipinatutupad pagdating na sa ibaba. Ang nanunungkulan
ay mapang-abuso. Dalawa lamang ang maaari ninyong gawin, ang yumukod sa mga
makapangyarihan o hindi yumukod na kapalit ay kapahamakan. Hindi ko ba maaaring mahalin
ng sabay ang Espanya at ang aking bayan? Bakit ako yuyukod kung hindi kailangan?

Pilosopo Tasyo: Sapagkat ang lupang iyong tinatakpan ay nasa kapangyarihan ng mga taong
nagpapahalik ng kanilang mga kamay.

Ibarra: Nagpapahalik ng kamay? Nalimutan po ba ninyong sila ang may kagagawan ng


pagkamatay ng aking ama? Hindi ko nais ipaghiganti ang aking ama alang-alang sa kapakanan
ng relihiyon.

Pilosopo Tasyo: Hay, iho. Huwag muna ninyong gawin ang inyong plano hangga't hindi ninyo
lubusang natatanggap ang kasawian ng inyong ama.

Ibarra: Matutulungan kaya nila ako at paniwalaang ang paaralang ipatatayo ko ang magiging
tulay upang lumaya sa kamangmangan ang bayang ito at matuklasan nila ang pangangamkam
ng kumbento?

Pilosopo Tasyo: Mabigo man kayo, nakakatuwang ginawa ninyo ang nararapat ninyong gawin.

Ibarra: Naniniwala na ako sa inyong sinasabi. Ngayon din ay pupuntahan ko ang kura at sana'y
hindi siya katulad ni Padre Damaso. Salamat po ginoo. Ako'y papatungo na.

Kabanata 32: Ang Panghugos

Narrator: Sinunod ni Ibarra ang payo sa kanya ng pilosopo. Sa kabutihang palad ay nagtagumpay
ang proyekto. Nakapag-ipon sila ng puhunan sa paggawa ng paaralan. Isang araw, bago gawin
ang nasabing proyekto ay idinaos ang paglalagay ng palitada at pundasyon ng paaralan.
Kinausap ni ol Juan ang Taong Madilaw, na siyang humihila sa panghugos. Tinanong niya ito
kung paano iyon gumagana.
ol Juan: Paano gumagana ang panghugos na iyan?

Taong Madilaw: Ganito ho iyon. Kahit na sa kaunting pwersa lamang ay kaya kong maitaas at
maibaba ang mabigat na batong ito. Isang tao lamang ang kailangan upang mailinya ng maayos
ang batong ito!

ol Juan: Mahusay, bata. saan ka natuto ng ganitong arkitektura?

Taong Madilaw: Namatay po ang aking ama sa pagtatrabaho sa mga Ibarra, Seor. Sa kanila ko
po ito natutunan.

Narrator: Sa malapit ay matatanaw ang isang dulang ang makikita na naglalaman ng mga
pahayagan, sulatin, medalya at iba pang mga dokumento. Ilalagay ito sa mga silindrong kaha at
ibabaon kasama ang mga panulukang bato para sa mga susunod na henerasyon.

Pagkatapos mailagay ang mga mahahalagang bagay sa silindrong kaha, ay binigyan ng


alkalde si Ibarra ng isa sa mga ito.

Alkalde: Seor, baka gusto ninyong maglagay ng kaha sa uka ng bato.

Ibarra: Hindi na, alkalde. Bayaan niyo na ang eskribano sa kanyang trabaho.

Inilagay na ng eskribano ang mga kaha sa uka. sinunod naman ang paglalagay ng palitada.
Pinangunahan ito ng Alkalde, sumunod ang Kura, ilang kawani, prayle at ni Kapitan Tiago. Iuutos
na sana na ibaba ang panghugos nang maalala ng Kura na hindi pa naglalagay ng palitada si
Ibarra.

Alkalde: Bumaba na kayo, Seor! Kung hindi ay hindi ko ipag-uutos na ihugos ang bato.

Narrator: Napilitan si Ibarra na bumaba. Kinakabahan si Ibarra sa pagbaba, habang ang Taong
Madilaw ay tila nababagabag at pinagpapawisan ng malamig. Nagbabantay si Elias sa malayo, at
bahagyang kinindatan si Ibarra. Hanggang sa nagulat na lamang ang lahat dahil sa isang
malakas na ugong. Nabalot ng makapal na alikabok ang paligid. Nagsigawan ang lahat dahil
nalansag ang panghugos ng hindi inaasahan. Mabuti at nailigtas ni Elias si Ibarra, na bigla na
ring nawala.

Ibarra: Huwag mag-alala, ligtas ako!

M. Clara: (hinimatay)

Tao 1: Ang taong naghuhugos!

Tao 2: Naku! Nahulugan siya ng mga bato.

Ibarra: Madali kayo! hanguin niyo ang bangkay niya dito. Ako na ang bahala sa kanyang libing.
Napakasawimpalad.

Alkalde: Kailangang maimbestigahan ang pangyayaring ito!

Ibarra: Huwag na, mahal na Alkalde. Kahit na gumawa tayo ng pagsisiyasat ay wala nang
mangyayari. Papatayin niya sana ako ngunit napatay niya ang sarili niya. Hayaan na lamang
natin siya at bigyan ng maayos na libing.
Tao 1: Kahit na pumuti na siguro ang aking buhok ay wala na tayong makikita pang taong
singbait ni Don Ibarra!

Tao 2: Siyang tunay. Isa talaga siyang napakabait at napakapitagang tao.

Pilosopo Tasyo: Naku! Tsk. Tsk. Tsk. Masamang simula.

Kabanata 33: Malayang Isipan

Narrator: Nang sumunod na gabi

Utusan: Seor, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas.

Ibarra: Sino siya?

Utusan: Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya.

Ibarra: Sige, papasukin mo siya.

Narrator: Pinapasok ng utusan ang panauhin at tumambad kay Ibarra si Elias.

Ibarra: Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo.

Elias: Patawad, Seor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!

Ibarra: Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan.

Elias: Marami pa silang mga nagtatago sa likod ng mga nakangiting mukha at mabait na
katauhan. Isa na ang taong madilaw kanina sa kanila. Hindi lamang po ako sigurado sa iba sa
kanila. Upang hindi kayo mapahamak, kailangang hindi malaman ng inyong kaaway na kayoy
handa. Mas mabuti kung makikita ng inyong kaaway na kayoy hindi nag-iingat at kayoy
nagtitiwala sa lahat.

Ibarra: Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay
malamang napakinabangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.

Elias: (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siyay buhay,
ay magtatago na lamang siya mula sa baluktot nating pamahalaan. Ngunit mukhang nilalayon
ng Diyos ang mamatay siya. Sana ay lagi ninyong paghandaan ang bawat sandali dahil
paniguradong naghahanda rin sila upang mapuksa ka. Bueno, Seor. Aalis na ako. Maraming
salamat po.

Ibarra: Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita pa ba tayo
ulit?

Elias: Oo naman, Seor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan. May
pagkakautang pa ako sa inyo, at alam kong hindi sapat ang aking ginawa upang mabayaran
iyon.

Ibarra: Paalam, Elias.

Elias: (ngumiti)

Kabanata 34: Ang Pananghalian


Narrator: Ilang araw na ang lumipas. Pagkatapos magawa ang buong paaralan, ay isang piging
ang naihanda, na dinaluhan ng maraming mga taga-alta de sociedad. Nag-uusap ang Alkalde at
si Ibarra. Puro papuri ang ipinukol ng Alkalde sa kausap, habang sumimangot at nagpasaring sa
kanya si Padre Damaso.

P.Damaso: Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?

Alkalde: Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya gaya ng
arkitekto at ng Reverencia.

P.Damaso: Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto. Nagpapakita
lamang ng kamangmangan ng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako lamang ang gumuhit
ng plano ng simbahang iyan.

Alkalde: Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay nangangailangan ng eksperto.

P.Damaso: Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang bubong
na sawali.

Alkalde: Sandali lamang Padre Damaso.

P.Damaso: Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng isang
ulupong! Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang

Narrator: Sa sobrang galit ni Ibarra ay hinawakan niya ang leeg ng pari upang hindi ito makakilos
at saka iniamba ang matalim na kutsilyo.

Ibarra: Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang
pinakainiwas-iwasan ko. Isang paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang
demonyong nagbabanal-banalan! Siguro naman ay dapat siyang mamatay!

Alkalde: Huwag, Seor. Huwag niyong hayaan ang sarili ninyong magkasala sa Diyos!

Ibarra: Magdasal ka na sa lahat ng santo, Padre. Makikita na natin kung dugo o lusak ang
dumadaloy sa mga ugat mo!

Narrator: Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso sa
dibdib.

M. Clara: Crisostomo, huwag! Para sa akin, maawa ka sa kanya!

Narrator: Nanghihinang binitiwan niya ang kutsilyo pati na rin si Padre Damaso. Mabilis siyang
lumayo at nawala.

Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral

Narrator: Isang araw, sa opisina ng bagong dating na Kapitan-Heneral

Alkalde: Kamahalan, kung pahihintulutan ninyo ay nais kayong makausap ni Don Crisostomo
Ibarra.

K. Heneral: Don Ibarra? Ang sinasabing nakaalitan ni Padre Damaso?

Alkalde: Opo, at ang napatawan ng ekskomunyon.


K. Heneral: papasukin mo siya. Gusto ko siyang makausap.

Narrator: Nang nasa loob na si Ibarra

K. Heneral: Isang karangalan ang makilala kayo, Seor Ibarra.

Ibarra: Ginulat po ninyo ako sa inyong kabaitan, kamahalan. Sa bansang ito ay hindi ako
itinuturing na mabuting tao.

K. Heneral: Tungkol sa pagkakaalitan ninyo ni Padre Damaso, sinisigurado ko sa iyo na hindi ka


magagalaw ng mga pari hanggat ako ang namumuno sa bansang ito. Kakausapin ko na rin ang
arsobispo na sumulat sa Santo Papa upang maibsan na ang iyong ekskomunyon. Kahit ako ay
gagawin iyon kung ginawa sa aking ama ang ganoong kalapastanganan.

Ibarra: Gracias, kamahalan. Ngayon ay alam ko na kung bakit pinupuri kahit sa Madrid ang
inyong kahusayan, kamahalan. Pagpalain pa nawa kayo ng Maykapal.

K. Heneral: Bueno, may pupuntahan pa akong mahalagang bagay. Maraming salamat at


nakausap kita, Don Ibarra.

Ibarra: Sige po, kamahalan. Aalis na po ako. Maraming salamat din po.

Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay pinatawag ulit ng Kapitan-Heneral ang Alkalde.

K. Heneral: Mula sa araw na ito Alkalde, inihahabilin ko sa ilalim ng inyong proteksiyon si Seor
Ibarra. Ipaalam mo ito sa Alperes at suportahan mo siya sa kanyang mga adhikain.

Alkalde: Masusunod, kamahalan.

Kabanata 39: Si Doa Consolacion


Narrator: Sa bahay ng Alperes, sa parting bintana, ay may makikitang silyon na laging inuupuan
ni Doa Consolacion. Si Doa Consolacion ay isang gusgusing babaeng nag-aastang Oropea.
Asawa siya ng Alperes. Mas kilala siya bilang Doa Alperesa. Mahilig siyang mag-Espanyol, at
nagpapautal-utal ng Tagalog upang hindi siya mahalata. Isang araw ay maririnig na umaawit si
Sisa na inaalagaan sa bahay ng Alperes kayat ipinatawag ito ni Donya Consolacion upang
pakantahin.Hindi ito nakapagbigay galang kayat agad na kinuha ni donya ang nakasabit na
latigo.

D. Consolacion: (nilatigo ang baliw) Vamos magcantar icau! Guardia! Dile a esa mujer que canta
tagalo! l no me entiende! No hace falta ser espaol!
Narrator: Ipinabatid ng guardia civil ang sinasabi ng Doa kay Sisa. Kumanta ng kundiman si Sisa
na siyang nagpalungkot sa Donya.

D. Consolacion: Tigil na! Wag ka nang kumanta! Wag kang kumanta! Nakahahapis sakin ang
tulang iyan!

Narrator: Nabigla ang mga guardia civil dahil ang Doa ay narinig nilang matatas managalog.
Napahiya ang Doa. Sa pagkapahiya, pinaalis ng Donya ang bantay. Lumalakad na payaot padito
sa silid na hinuhutok ng kamay ang latigo; at saka huminto sa harap ng baliw.

D. Consolacion: Baylabaila, baila!

Narrator: Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa ang
donya na nakangiti at natutuwa sa ginagawa ng Doa. Napahiya ang Doa at itinaas ang hawak
nitong latigo.
D.Consolacion: Ngayoy ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy tuloy na
palo] Baila, baila, condenada, salbahe!

Narrator: Dumating ang alperes na walang kibo.

D.Consolacion: Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi.

Alperes: (Tinawag ang bantay) Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan niya
ng ibang baro at gamutin. Pakainin mo siya ng maigi, bigyan ng mabuting higaan----mag-ingat
kayo at huwag siyang lapastanganin. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.

Kabanata 42: Ang Mag-Asawang de Espadaa


Narrator: Patakbong nanaog si Kapitang Tiyago at Tiya Isabel nang marinig ang pagtigil ng
sasakyan sa harap ng bahay. Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaa, ang asawa nito na si
Doktora Donya Victorina de los Reyes de Espadaa, at Linares]

Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaa, Siyay inaanak ng
kamag-anak ni Padre damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.

Narrator: Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at sinamahan ni
Kapitang Tiyago ang mga panauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang silay nagmiminindal ay
dumating si Padre Salvi at si Linares ay ipinakilala na kakabit ang lahat ng titulo.

Donya Victorina: Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!!

K. Tiago: Maniwala kayo at diyan umupo.

Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba,
pinsan?
Hindi karaniwang tahanan ang iyong pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago, na ang aming
pinsang ito ay kaibigan ng mga duke at ministro sa Madrid at malimit kumain sa bahay ng Conde
del Campanario.

Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre.

Linares: Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa
kanya. Siya sanay sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na akoy naparito.

Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamayay parito.

Donya Victorina: De Espadaa, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang asawa
koy hindi gumagamot kundi sa matataas na tao noong siyay masa Madrid pa.

Narrator: Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng ilan,
kasabay ang pag-iling ng ulo.]

Don Tiburcio: Mamay sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de
altea at dalawang pildoras de Cinaglos.

Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay gamutin
ka. Ipakikilala kita sa aming pinsan.

Narrator: Si Linares ay napatigagal sa pagtingin sa mga matang iyon na waring may hinahanap,
kayat di marinig ang tawag ni Donya Victorina.
Padre Salvi: G. Linares, narito si Padre Damaso.

Kabanata 43: Mga Balak


Narrator: Si Padre Damaso ay tuluy-tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang kamay
ng dalaga.

Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha )

Narrator: Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas niyang
anyo ni Padre
Damaso. Siyay lumabas, at sa silong ng balag na nasa balkon ni Maria Clara ay ibinulalas niya
ang
kanyang damdamin. Si Donya Victorina ay lumapit kay Padre Damaso nang itoy matiwasay na at
ipinakilala si Linares. Iniabot ng binata ang liham, ngunit sisyay minasdan ni Padre Damaso mula
ulo hanggang paa. Ang liham ay binasa na tila hindi naunawaan.

Padre Damaso: A.! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May liham
siya sa
akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasiy hindi ka pa isinisilang nang akoy umalis
sa
Espanya. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares. Nakalimutan ang kalungkutan)

Damaso: A.! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan ay


madali.
Marunong ka bang magbasa at sumulat?

Linares: Ako po ay nag-aaral ng pagkamanananggol sa Universidad ng Central.

Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae A!!! bibigyan kita ng isang
babae. Oo,
isang babae.

Linares: Hindi po naman ako nagmamadali, Padre.

Narrator: Si Padre Damaso ay lumakad na panay ng bulong ng isang babae at wala na ang
kanyang kalungkutan. Hinatak si Linares.

Damaso: Halika at kausapin natin si Santiago.

Narrator: Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling paroot
parito na nag-iisip.

Kabanata 45: Ang Mga Pinag-uusig


Narrator: Samantala, si Elias naman ay kinakausap ang isang kaibigan sa gubat sa Batangas.

Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni Senor
Ibarra. Maipaaabot niya ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na malapit sa kanya.

Kapitan Pablo: Hindi ako kumbinsido, lalo nat siyay isang mayaman. Ang halos lahat ng mga
mayayaman ay walang inatupag kundi ang magpayaman pa.

Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito. Kung
maisasagawa ito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo.
Kapitan Pablo: At kung ikay hindi nagtagumpay?

Elias: Kung gayon ay ilalagay ko ang sarili ko sa ilalim ng iyong pamamahala.

Narrator: Napangiti ang kapitan sa narinig kay Elias.

Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang kanilang mga
sariling sinapit sa kamay ng mga napakalupit na Espanyol.

Elias: Apat na araw mula ngayon, magpadala ka ng isang taong makipagkikita sa akin sa
baybayin ng San Diego. Sasabihin ko sa kanya ang mga makukuha kay Seor Ibarra. Kung
pumayag si Seor ay makukuha natin ang hustisya! Kung hindi naman ay siguradong ako ang
unang malalagas sa himagsikang ito.

Kapitan Pablo: Maghihintay ako, Elias. Para sa kapayapaan at kalayaan, sana ay magtagumpay
ka sa iyong binabalak.

Kabanata 46: Ang Sabungan

Narrator: Nang sumunod na araw

Anino: Magkakaroon ka ng mas malaking halaga ng salapi, Lucas. Payag ka ba sa aking plano?

Lucas: Opo. Ako po ang bahala dito.

Anino: Maipapangako mo ba na walang makaaalam nito kundi tayong dalawa lamang?

Lucas: Mamamatay po akong nakatikom ang bibig.

Narrator: Makatapos ulit ang ilang araw, sa sabungan

Lucas: Pumayag na ba ang kapatid mo sa plano, Bruno?

Bruno: Hindi pa.

Lucas: Bakit? Bakit ka tumatanggi, Tarsilo?

Tarsilo: Dahil mapanganib ang inyong binabalak.

Bruno: Siyang tunay, Lucas.

Narrator: Katahimikan ang namayani sa kanila. Ilang saglit pa

Tarsilo: Lucas, pahiramin mo naman ako ng pera. Kahit apat, tatlo, o dalawang reales lang.
Ibabalik ko ito sa iyo ng doble.

Lucas: (umiling) Ngunit hindi akin ang perang ito. Inilalaan lamang ito ni Seor Ibarra sa mga
taong sasang-ayon sa plano. Patawarin ninyo ako, ngunit hindi ko kayo mapahihiraman.

Narrator: Binigyan ni Lucas ang magkapatid ng pagkakataong mag-isip at mag-usap. Pagkaraan


ng ilang minuto...

Bruno: Tatanggapin ba natin?

Tarsilo: Oo, ngunit sabihin muna natin kung ilan ang makukuha natin.
Bruno: Lucas, magkano ba ang mapapala namin?

Lucas: Bawat isa sa inyo ay tatanggap ng tatlumpung piso, at sampung piso sa bawat isang
maaaya ninyo. At kung magtagumpay ito, lahat ng sumali ay tatanggap ng tig-isangdaang piso!
Mayaman si Seor Ibarra, tandaan niyo yan.

Bruno: Kung gayon ay payag ako.

Tarsilo: Ako na rin, Lucas.

Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora

Narrator: Naglalakad ang mag-asawang de Espadana sa lansangan sa katanghaliang tapat.


Tumitingin-tingin sila sa mga bahay ng mga Indiyo, habang panay pintas at panlilibak ang
maririnig sa bibig ni Dona Victorina.

Dona Victorina: Ang papangit ng mga bahay! Talagang isang Indiyo lamang maaaring tumira!

At aba! Mga wala pag galang! Hindi man lamang magbigay-pugay sa mga katulad nating mga
maharlika! Hindi kataka-takang puro pangungutya ang maririnig mo sa mga prayle tungkol sa
kanila!

(Nakasalubong ng mag-asawa ang Alperes, ngunit tiningnan lamang sila nito at saka umalis)

Narrator: Napadaan ang mag-asawa sa bahay ng Alperes. Tulad ng dati, ay matatanaw si Dona
Consolacion sa bintana ng bahay, suot ang kanyang pranela at may tabako sa bibig. Hinagod
niya ng tingin si Dona Victorina at saka lumura.

Dona Victorina: Bakit ganyan kayo makatingin? Naiinggit ba kayo?

Don Tiburcio: (pabulong) Mahal kong esposa, huwag kang mag-iskandalo dito! Nakakahiya sa
mga tao!

Dona Victorina: Huwag kang humarang kung ayaw mong tumilapon ang pustiso mo (tinabig ng
malakas ang Don na halos masubasob)

Dona Consolacion: Kayo? kaiinggitan ko? At bakit? A, kinaiinggitan ko nga pala ang inyong kulot.
(ngingisi)

Extra 1: Napagkagandang tanawin! Dalwang donyang walang asal na nag-away sa mismong


durungawan ng bintana ng bahay ng Alperes.

Extra 2: (tatawa) Ano kaya ang kahihinatnan niyan?

Dona Victorina: Para sabihin ko sayo Dona Alperesa, hindi ako probinsyanang katulad mo. Sa
sobrang sopistikada kong tao, walang nakakapasok na alperes sa aming bahay kundi naghihintay
lamang sa aming pintuan!

Dona Consolacion: Aba! Excelentisima Senyora Puput! Hindi nga nakakapasok ang mga alperes
kundi ang mga pilakyod na tulad ng iyong asawa. (tatawa ng malakas)

Dona Victorina: Aba talagang ginagalit mo ako ahBumaba ka rito walang galang! (susugurin
ang tarangkahan ng bahay ng Alperes ngunit aawat ang dalawang bantay na guardia civil.)
Paraanin niyo ako mga walang modo! Bumaba ka diyan Dona Consolacion! Dito tayo magtuos,
walang hiyang probinsyana! Labandera ka lang naman noon ng napikot mong asawa! (Pinipigil
siya ni Don Tiburcio ngunit kumakawala siya) Bitawan mo ako!

Dona Consolacion: Gusto mo ng gulo?(kinuha ang latigo) Pagbibigyan kita Senyora Grosera!

Narrator: Nagsabunutan ang dalawa na labis na ikinatuwa ng mga kanina pang nanonood. May
mauulinigan pang nagpupustahan kung sino ang unang titimbuwang. Hanggang sa dumating
ang Alperes

Alperes: Hesusmaryosep! Consolacion! Anung gulo na naman ito? Magtigil ka at nakakahiya sa


mga tao!

Dona Victorina: Ibili mo yan ng disenteng damit at kung wala kayong pera, magnakaw kayo sa
taong-bayanmay mga sundalo naman kayo!

Alperes: Ikaw ang bumili ng asal! Mga walang modo. Naturingang mayaman ngunit sayad sa lupa
ang ugali!

Don Tiburcio: Magtigil ka Alperes! Kung makaalipusta ka sa amin ay parang kayganda ng iyong
moral!

Narrator: Napadaan si Padre salvi sa kalye ng bahay ng Alperes at nakita ang namuong
komosyon.

Padre Salvi: Magtigil kayo sa ngalan ng Panginoon! Para kayong mga hayop! Mga edukado
naman kayong mga tao! Nakahihiyang isipin na pati kayong mga taga-alta de sociedad ay
tumutulad na sa mga Indiyo! Hala, pagsisihan nin ang inyong mga kasalanan at siguraduhin
ninyong magkukumpisal kayo. Intiendes?

Lahat: Si, Reverencia.

Padre Salvi: Kayong mga manonood, magsiuwi na kayo! Nandito na kayot lahat ay hindi pa
ninyo inawat! (titingala) Diyos ko po, patawarin mo sila at hindi nila alam ang kanilang mga
ginagawa! (maiinis)

Dona Victorina (wala na ang Alperes at si Dona Consolacion): Luluwas tayo ng Maynila.
Magsusumbong tayo sa Kapitan-Heneral. (Inis na inis sa asawa) Hindi mo man lang ipinaglaban
ang pagkalalaki mo! Dapat ay hinamon mo ang Alperes ng rebolber o kayay sable o kayay
(napatingin sa pustiso ng asawa)

Don Tiburcio: Iha, alam mo naming hindi pa ako nakakahawak ng

Narrator: Hindi na natapos ng Don ang pagsasalita pagkat dinagukan siya sa ulo ng asawa na
ikinalaglag ng kanyang pustiso. Pagkalaglag nito sa lupa ay tinapak-tapakan ito ng Dona.

Kabanata 51: Mga Pagbabago

Narrator: Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago, Si Maria Clara, Linares, Sinang at Victoria ay
nag-uusap.

Maria Clara: Gaya ni Ibarra ay nagpunta ka rin pala sa maraming bansa!

Linares: Marahil ay magkaparehas kami ni Ibarra ng hilig.


Narrator: Ngunit naputol ang kanilang usapan dahil sa pagmumukmok ni Doa Victorina.

Doa Victorina: Linares, puntahan mo ang alperes at hamunin mo siya ng sable o

Linares: Bakit Doa Victorina? anong nangyari?

Doa Victorina: Dahil siya at ang querida niya ay nilibak kami! Responsibilidad mong ipagtanggol
kami. Kung hindi ay malalaman nila ang tunay mong pagkatao!

Linares: Huwag kayong mag-ingay Doa Victorina.

Narrator: Biglang sumingit si Kapitan Tiago sa usapan.

K. Tiago: Kung gayon ay ano ang gusto mong mangyari, Doa?

Doa Victorina: Ang pinsan kong si Linares ay hahamunin ang alperes. Kung hindi siya pumayag
ay huwag mo siyang ipakasal sa iyong anak!

Narrator: Nabigla si Maria Clara sa nasabi ni Doa Victorina. Nalaman na niya na ipinagkasundo
siya kay Linares.

Doa Victorina: Bakit umiiyak si Clarita?

K. Tiago: Hindi siya nasabihan sa ating pagkakasundo na hindi si Ibarra ang pakakasalan niya
kundi si Linares.

Kabanata 54- Walang Lihim na Hindi Nabubunyag

Narrator: Si Padre Salvi ay nagmamadaling tumungo sa tahanan ng alperes.

P.SALVI: Ngayon ninyo mapapatunayan ang kahalagahan ng mga prayle. Isang babae ang
nangumpisal na ngayong gabi, ganap na ikawalo ay sasalakayin ang kwartel, papasukin ang
kumbento at papatayin ang mga Kastila. Magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa.

ALPERES: [kinuha ang rebolber] Sino ang taong huhulihin ko?

P.SALVI: Huminahon kayo. Ang dapat ay paghandaan ninyo ang pagsalakay nila. Padalhan ninyo
ako ng apat na guwardiya sibil at pasabihan din ang mga bantay sa mga daungan. Kailangang
maging maingat kayo upang silay mahuli. Tungkulin ninyo iyan at sapagkat kayo ang tatanggap
ng medalya sakaling magtagumpay kayo, sanay hindi ninyo malimutang banggitin ang aking
ginawa.

Narrator: Dali dali namang pumunta si Elias sa bahay ni Ibarra

ELIAS: Natuklasan na magkakaroon ng isang malaking pag-aalsa at kayo ang nakatakdang


mapahamak sapagkat isisigaw ang inyong pangalan ng mga manghihimagsik na bayaran.
Huwag na kayong mag-alinlangan pa, Ginoo. Anumang oras ay maaaring sumiklab ang pag-
aalsa! Kailangan na ninyong umalis.

IBARRA: Saan ako pupunta? May naghihintay sa akin?

ELIAS: Kahit saang lugar..sa Maynila o sa bahay ng isang makapangyarihan upang hindi nila
masabing totoong may kinalaman kayo dito.

IBARRA: Paano kung ako ang magsuplong ng pag-aalsa?


ELIAS: Iisipin nila kayoy taksil at ipinain sila para mahuli. Sunugin ang mga kasulatan, tumakas
at maghintay kung ano ang mangyayari yan ang dapat mong gawin.

IBARRA: Si Maria Clara? Hindi..mabuti pang mamatay na lang. Tulungan mo ako Ginoo. Diyan
nakatago ang kasulatan ng aming pamilya. Ibukod ninyo ang sulat ng aking ama na lalong
magpapahamak sa akin.

Narrator: Kumilos sina Elias at Ibarra. Pinunit ang ilang kasulatan at itinago ang iba.

ELIAS: Nakikilala po ba ninyo si Don Pedro Eibarramendia?

IBARRA: Siya ang lolo ko sa tuhod.

ELIAS: Siya ang dahilan ng kasawian ng aming angkan. Kayo ang itinuro sa akin ng Diyos para
makapaghiganti. (Niyugyog ang balikat ni Ibarra) Tingnan ninyo akong mabuti! Tingnan ninyo
ang mukhang ito na punung-puno ng pagtitiis! Samantalang kayoy nabubuhay..umiibigmay
kayamanankinikilalanabubuhay! Nabubuhay!

Narrator: Nakita ni Elias ang ibat ibang armas at bumunot siya ng dalawang balaraw. Pagkasabi
ni Elias ng anong gagawin ko? ay nagtakbong bumaba ng bahay ito at iniwan si Ibarra.

Kabanata 55: Ang Pagkakagulo

Narrator: Oras ng hapunan at magkakasalo sina K.TIAGO, T.ISABEL, at LINARES ngunit nagdahilan
si Maria na wala siyang ganang kumain kaya niyaya niya ang kaibigang si Sinang sa piyano. Nasa
bulwagan at hindi mapakali si P.SALVI. Tumugtog ang orasan at sumapit na ang ganap na ikawalo
ng gabi. Nangangatog na napaupo sa isang sulok ang Pari. Pumasok ng bahay si Ibarra na
nakasuot pangluksa at bakas ang matinding kalungkutan. Tinangkang lapitan ni Maria Clara ang
kasintahan ngunit narinig ang magkakasunod ng putok ng baril. Naglabasan mula sa komedor
sina K.TIAGO,T.ISABEL & LINARES. Nagyakapan sina Maria Clara & Sinang habang panay ang usal
ng dasal ni Tiya Isabel.

ALPERES: Padre kura, manaog kayo! Wala ng panganib.

Narrator: Pinapasok ni T.Isabel ang mga dalaga sa kwarto. Napilitang manaog si Padre Salvi.
Nanaog din si Ibarra kahit na pinigilan ni T.Isabel. Nagmadali sa paglalakad si Ibarra hanggang sa
nakarating sa kanyang bahay.

IBARRA: Ihanda ang aking pinakamabilis na kabayo at pagkatapos ay matulog na kayo.

GS: Sa ngalan ng Hari ng Espaa, buksan ninyo ang pinto.

Narrator: Sumilip sa bintana si Ibarra at nagkasa ng baril. Saglit pa ay pinagbuksan niya ng pinto
ang mga ito.

GS: Hinuhuli namin kayo sa ngalan ng hari!

Ibarra: Bakit?

GS: Sa kwartel na kayo magtanong. Kung nangangako kayong hindi kayo tatakas ay hindi
naming kayo igagapos. Itoy kaluwagang ibinibigay sa inyo ng alperes.

Narrator: Naisipan ni Elias na bumalik sa bahay ni Ibarra. Nalaman niya sa mga utusan ang
nangyari sa kanilang amo. Nagkunwari siyang umalis ngunit ang totoo ay umikot lamang at
dumaan sa bakod. Umakyat si Elias sa bintana at pumasok ng silid ni Ibarra. Kinuha niya ang
baril at mahahalagang bagay at isinilid sa sako at inihulog sa bintana. Kinuha din nito ang
larawan ni Maria Clara. Kumuha siya ng papel at binuhusan ng gaas mula sa ilawan at sinilaban.
Tumalon si Elias mula sa bintana.

Kabanata 57: Vae Victis (Sa Aba ng mga Natalo)

Alperes: Ito ang buong tapang na nanlaban at nag-utos sa mga kasamahan na tumakas!
( iniharap ang anyong malungkot na si Tarsilo) Ano ang ipinangako sa inyo ni Crisostomo Ibarra
para salakayin ang kuwartel kagabi?

Tarsilo: Iginanti lang namin ang aming ama na pinatay ninyo sa palo. Hanapin ninyo ang inyong
dalawang kasama. Inihulog namin sila sa bangin kahapon.. Doon sila mabubulok.! (Pasigaw na
sinabi LTarsiloL kay Alperes)

Alperes: Sino ang inyong mga kasabwat? Dalhin yan sa mga bangkay! Kilala mo sila? (ipinakita
kay Tarsilo ang bangkay nina Lucas at kapatid na si Bruno.)

Narrator: Hindi nagsalita si Tarsilo at sinimulan ang pagpalo sa kanya. Natatakot subalit
nagkunwaring walang nakikita si Padre Salvi.

Tarsilo: Patayin na ninyo ako kung totoo kayong Kristiyano.

Narrator: Walang makuha na anumang impormasyon at hindi napaamin si Tarsilo kaya ito ay
itinimba na sa balong nakakasulasok ang amoy. Hindi natagalan ng lalaki ang pagpapahirap at
kalupitan hanggang sa napugto ang hininga nito.

Kabanata 60: Ikakasal si Maria Clara

Narrator: Nag-uusap sina Tiya Isabel at K.Tiago ng biglang dumating ang mga Espadaa.

Dona Victorina: Malaki talaga ang nagagawa ng isang may kamag-anak na nanunugkulan sa
pamahalaan, di ba? Dahil diyan ay nakakapaglabas-masok siya palagi sa loob ng palasyo ng
Kapitan-Heneral .Una ko pa lamang nakita iyang si Ibarra ay naniwala na akong isa siyang
Pilibustero.

Kapitan Tiago: Ano pala ang sabi ng Kapitan-Heneral sa kalagayan ni Crisostomo Ibarra?

Dona Victorina: Iminugkahi ng pinsan kong si Linares na siyay bitayin.(sabay tawa)

Linares; Hindi..(tututol pa sana siya, ngunit di siya binigyan ng pagkakataong magsalita ng


donya)

Dona Victorina: Wag mo nag ipaglihim sa amin, pinsan. Ikaw ang tagapayo ng Kapitan at..

Narrator: Nakita ng Doa na paparating si Ma. Clara

Doa Victorina: Clarita, iha. Ikaw talaga ang dinadalaw namin. Mabuti naman at nakita kita. Kaya
kami nagpunta rito ay upang mapag-usapan na ang mga hindi natapos na pag-uusap noon.

Ma.Clara: Mawalang galang na po..babalik na po muna ako sa aking silid.

(Tiningnan lang siya ng Donya habang papasok siya sa silid)

Dona: O siya Tiago, dapat nang matuloy ang kasalan ni Ma. Clara at ng aking pinsan.
(Tumingin si kapitan tiago kay tiya Isabel)

Kapitan Tiago: Ipagsabi mong magdaraaos tayo ng isang piyesta.

(napangiti ang Donya sa narinig)

Dona: Maganda yan! O siya, mauuna na kami!

Kapitan tiago: Sige. Salamat sa pagdalaw.

Narrator: Kinabukasan, ganap na ikawalo ng gabi ay napuno ng panauhin ang bulwagan ng


bahay ni Kapitan Tiago.Nangunguna sa mga bisita sina Padre Salvi, Padre Sibyla. Kasali din si
Tinyente Guevarra. Nagpahuli ng dating sina Donya Victorina at Alfonso sa paniniwalang silay
importanteng tao. Sa umpukan ng kalalakihan ang usapan ay tungkol sa paglipat ng kura sa
Maynila

Lalaki 1: Kura, bakit po pala kayo napalipat sa Maynila?

Kura: Akoy wala nang gagawin dito kayat minarapat kong maglagi sa Maynila.

Alperes: Ako man ay aalis na rin sa bayang ito upang pamunuan ang isang pangkat na
magyayaot parito sa ibat ibang lalawigan para puksain ang rebelyon at pag-aalsa.

Lalaki2: Ano nga po pala ang mangyayari sa pilibustero?

Alperes: Kung si Crisostomo Ibarra ang iyong tinutukoy, sa paniniwala koy dapat siyang bitayin
gaya ng mga salarin noong himagsikan sa taong 1872.

Tinyente: Ang sa akiy dapat siyang ipatapon. Masyado syang nanalig sa kanyang iniharap na
kasulatan. Kung ang mga tagausig ay hindi nagbigay ng ibang pakahulugan sa mga kasulatan at
ebidensyang iniharap niya, naniniwala ako na maaring mapawalang sala si G. Crisostomo.

Lalaki3: Ano ang nais ninyong ipakahulugan?

Tinyente: Sinabi ng manananggol na ayon sa salaysay ng mga tulisan na kailanman ay hindi


nakipag-unawaan sa kanila si G. Crisostomo manapay kaaway niya ang taong nagngangalang
Lucas. Isang sulat lamang ang naging batayan ng mga tagausig laban kay Crisostomo Ibarra.
Kinilala niya na kanya ang sulat na ito. Ang sulat ay ibinigay sa isang babae bago siya pumunta
ng Europa. May malabong mga pahayag at talata na ipinagpapalagay na itoy naglalaman ng
mga pagbabanta laban sa pamahalaan.

Padre Salvi: Paano nakarating ang sulat sa mga tagausig?

Lalaki1: Malamang ay natakot ang babaeng binigyan at kusang isinuko ang sulat sa mga
tagausig.

Lalaki2: Marahil naman ay nalaman ng pamahalaan ang tungkol sa sulat at pinuntahan nila ang
napagkamalang binigyan.

Narrator: Biglang nilapitan ng tinyente ang papalapit na si Ma. Clara.

Tinyente: Mabuti ng ginawa niyang pagbibigay ng sulat. Nakatitiyak kayo ng magandang


kapalaran.
Napatingin ang mga lalaki sa dalaga. Biglang nakaramadam ng pagkahilo si Ma. Clara at
nagpahatid sa kanyang silid.

Ma.Clara: Mawalang galang na po.

Narrator: Patuloy na kumakatok si Kapitan Tiago sa pintuan ng silid ngunit ayaw itong pagbuksan
ng dalaga. Tumayo siya at pumunta sa asotea, nakita ang bangka malapit sa kanilang bahay at
nagulat siya ng makita ang isang lalaking papalapit sa kanya.

Ma.Clara: Crisostomo!

Ibarra: Ako nga. Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita anuman ang aking
maging kapalaran. Nagpunta ako rito para tuparin ang pangakong iyon bagamat ikaw ay hindi
tumupad sa ating sumpaan. Palalayain na kita.

Ma.Clara: Patawarin sana ako ng alaala ng aking ina sa sasabihin ko sayo. Natuklasan ko sa gitna
ng aking karamdaman ang aking tunay na pagkatao. Ang kinikilala kong ama ay hindi ko tunay
na ama. Hindi ako maaaring magpakasal sa iyo sapagkat ibubunyag ang lihim na iyan.
Matutuklasan ang naging kataksilan ng aking ina at masisira ang dangal ng kinikilala kong ama.

Ibarra: Kailangan mo ng katibayan.

Ma.Clara: Totoo ang lahat ng aking sinabi. May sulat na iniwan ang aking ina. Ibinigay sa akin ng
taong nakakabatid ng aking lihim ang sulat na ito kapalit ng sulat mo sa akin. Totoong
pinagtaksilan kita. Ngunit alang-alang sa alaala ng aking ina, napilitan akong ipagpalit ang sulat
mo nang hindi ko nalalaman kung saan nila iyon gagamitin. Wala akong maaring gawin kundi ang
magtiis upang patuloy na maitago ang lihim ng aking pagkatao. Kailangan kong makipag-isang
dibdib upang hindi maibunyag ang aking lihim. Ngayon, magagawa mo pa kaya akong libakin?

Ibarra: Maria, isa kang anghel.

Clara: Maligaya akong marinig na pinaniniwalaan mo na ako.

Ibarra: Ikakasal ka na.

Clara: Oo. Iyon ang gustong mangyari ng kinikilala kong ama. Minahal at inalagaan niya ako kahit
hindi niya tungkulin kayat bilang ganti ay kailangang sundin ko siya. Ngunit hindi ko malilimot
ang naging sumpaan natin.

Ibarra: Anong ibig mong mangyari?

Clara: Madilim ang hinaharap. Ngunit gusto kong malaman mo na minsan lamang ako umibig at
hindi na ito maaangkin ninuman. Ano ang manyayari sa iyo?

Ibarra: Tumakas lang ako, Maria. Hindi magtatagal malalaman nila ito.

Clara: Paalam, Crisostomo.

Narrator: Ayaw niyang iwan ng kasintahan ngunit kailangan na niyang umalis. Nagbalik na siya
sa bangka kung saan naghihintay si Elias para itakas siya.

Kabanata 61: Ang Pamamaril sa Lawa

Narrator: Mabilis na sumasagwan si Elias patungong San Gabriel.


Elias: Dadalhin ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Ihahatid ko doon ang
salapi ninyo na itinago ko. Magagamit ninyo iyon sa pangingibang bansa.

Ibarra: Mangingibang bansa?

Elias: Sa ibang bansa ay makakapamuhay kayo ng tahimik. Marami kayong kaibigan sa Espanya
at matutulungan kayo para kayoy mapatawad.

Ibarra: Iniligtas mo ang buhay ko ng dalawang beses sa kabila ng kasawian ng iyong angkan sa
aking angkan. Marapat lamang na ibalik ko sa iyo ang inyong yamang nawala. Sumama kayo sa
akin sa ibang bansa at magturingan tayong magkapatid. Tayoy kapwa sawimpalad sa sarili
nating bayan.

Elias: Hindo ako magiging maligaya sa ibang lupain. Dito ko nais magtiis at mamatay.

Ibarra: Pero bakit pinaaalis nyo ako?

Elias: Sa ibang bansa ay maari pa kayong magtagumpay. Kung daranasin ninyo ang ibayong
hirap ay baka dumating ang araw na itakwil ninyo ng sariling bayan.

Ibarra: Hindi totoo yan! Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng bayan.

Elias: Hindi ninyo ko nauunawaan. Naniniwala ako na iniibig ninyo ang bayan sapagkat wala pa
kayong dinaranas na paghihirap. Subalit isang araw na maranasan ninyo ang hirap, gutom at
pag-uusig, naniniwala akong itatakwil ninyo ang bayang ito. Humingi ako ng tulong sa inyo para
sa mga sawimpalad, ngunit hindi ninyo ako pinakinggan. Sila ang inyong pinanigan. Ngayon ay
tinutugis na nila kayo at itinuturing na kaaway.

Ibarra: May katwiran ka, Elias. Akoy taong umaayon sa takbo ng panahon. Malinaw na sa akin
ang lahat ngayon na ang ating bayan ay may nabubulok na sakit na kailangan ng panlunas.
Isang kanser ng lipunan na kailangang gamutin at sugpuin. Akong nagtatanggol sa bayan ay isa
na ngayong pilibustero. Tatlong daan taong silang nagpasasa sa atin habang tayoy naging
sunud-sunuran sa kanilang pang-alipusta. Nagyaon ay halos nawawalan na tayo ng pagasa
nawawalan na tayo ng pananalig sa Diyos. Wala nang natitira kundi hingin natin ang ating
karapatan at lakas.

Narrator: Nakita nila sa harapan ng palasyo na nagkakagulo ang mga kawal.

Elias: Natuklasan na nila ang iyong pagtakas.

Narrator: Pinahiga ni Elias sa bangka si Crisostomo at tinakpan ng maraming damo..napadaan


sila sa harap ng polvorista. Silay pinatigil ng bantay.

Bantay: Saan ka nanggaling?

Elias: Nirasyunan ko po ng damo ang kura at ang hukom sa Maynila.

Bantay: Sige,maari ka nang magpatuloy. Huwag ka lamang magsasakay ng maski na sino


sapagkat may isang bilanggong nakatakas na ngayon ay pinghahanap. Kung siyay iyong
mahuhuli tiyak na magagawaran ka ng gantimpala.

Elias: Pano ko siya makikilala?

Bantay: Nakalebita at mahusay magsalita ng wikang Kastila. Kaya huwag kang pakakatiwala.
Elias: Sige po, Salamat.

Narrator: Nagpatuloy na sa pagsasagwan si Elias at saka lumihis ng landas. Pumasok ang bangka
sa may Ilog Beata.

Elias: Liliwas tayo para mapagkamalan akong taga-Peafrancia.

Ibarra: Marapat siguro na tayoy maghimagsik.

Elias: Makinig kayo sa aking sasabihin. Mayaman kayo at maaari kayong makapagbayad ng
iyong makakasama. Ngunit baka ang maliliit na tao lamang ang masaktan. Kaunting kalayaan at
katarungan lamang ang hinihingi ng mga sawimpalad at hindi ang pagtatakwil sa Espanya.

Ibarra: Kung ganoon ay gagawin ko itong mag-isa, Elias. Hindi ako papayag na matapos akong
maging matapat sa bayan at naghangad ng kagalingan ay ito ang igaganti sa akin. Kailangang
mailantad ko sa bayan ang kaapihang ito kung hindiy walang kabuluhan ang paghahangad ng
kalayaan. Maaari ba ninyo akong ihatid sa bundok?

Narrator: Nagpatuloy sa pagsagwan si Elias.

Elias: Andito na po tayo sa Sta. Ana. Ito ang lugar kung saan ginugol ko ang maraming
masasayang araw. Ang lahat ng alaalang iyon ay hindi na maibabalik pa.

Narrator: Nakarating sila sa malapad na bato at magbubukang liwayway na nang marating nil
ang lawa.

Elias: Iyan ang palwa. Humiga kayo at tatakpan ko kayo ng bayong.

Narrator: Nagpatuloy sila sa pamamangka hanggang sa marinig nila na may isang tinig na
sumisigaw. Hinahabol sila ng isang palwa. Nakita ni Elias ang isang bangka na papalapit sa kanila
lulan ang mga guwardiya sibil.

Elias: Crisostomo, mahuhuli tayo. (Mas mabilis na ang pagbangka ni Elias) Kayo na ang
mamangka sapagkat tatalon ako. Lulundag ako sa tubig para ako ang kanilang tugisin..ililigaw ko
sila.

Ibarra: Huwag kang umalis. Lumaban na lang tayo.

Elias: Hindi tayo magtatagumpay..wala tayong sandata.

(Isang punglo ang humaging sa tubig. Sinundan pa iyon ng isa pang putok.)

Elias: Magkita na lamang tayo sa Noche Buena, sa libingan ng inyong nuno.

Narrator: Pagkasabi niyon ay tumalon na sa tubig si Elias. Nakita ng palwa at guwardiya sibil ang
naglalangot na si Elias at kanilang tinugis. Sunod na putok ang pinakawalan ng mga ito kay Elias.
Sumisid si Elias at di na muli pang lumitaw. Makalipas ang ilang oras ay umalis na ang palwa at
mga sibil. Nakita nilang may bahid ng dugo sa tubig baybayin ng pampang.

Kabanata 62: Ang Pagpapaliwanag ni Padre Damaso

(Nakatingin si Maria Clara sa pahayagan na nagbabalitang nalunod si Ibarra.Ang isip ay nasa


kawalan ng sandaling iyon. Dinatnan siya ni Padre Damaso sa ganoong kalagayan.)
Padre Damaso: Natakot ka ano? Hindi mo inaasahan ang aking pagdating. Nandito ako para
masaksihan ang kasal mo. (Inabot ang kamay para hagkan ng dalaga) May sakit ka na naman
ba, anak? Bakit namumutla ka?

[Walang imik si Maria Clara]

Padre Damaso: Wala ka na bang tiwala sa akin na inaama mo? Sabihin mo sa akin kung ano ang
nangyayari sayo.

Maria Clara: Mahal pa ba ninyo ako? (lumuhod sa harap ni Padre Damaso) Tulungan ninyo ang
aking ama para di matuloy ang aking kasal! Noong buhay si Ibarra, gusto kung lumaban, umasa
at manalig. Ibig kong mabuhay para marining kahit paano ang mga bagay tungkol sa kanya pero
ngayon patay na siya. Bakit pa ako mabubuhay at magtitiis?

Padre Damaso: Hindi hamak na nakahihigit si Linares kay

Maria clara: Maaari akong magpakasal kaninumang noong nabubuhay pa si Crisostomo. Wala
namang gusto ang ama ko kundi malalaking ugnayan sa mga nasa poder. Pero ngayong patay na
siya, walang sinumang tatawag sakin ng asawa. Kumbento o sementeryo lamang ang aking
pagpipilian.

Padre Samaso: Anak ko patawad. Hindi ko sinasadya ang kalungkutan mong ito. Ibig ko lang
mabigyan ka ng mabuting kinabukasan, ng kaligayahan. Itoy dahil mahal kita.

Maria Clara: Mahal mo palay akoy wag mong hayaang akoy malungkot habambuhay. Patay na
siya. Ibg ko na ring mamatay o maging madre.

Padre Damaso: Isang madre! Isang Madre! Hindi mo lamang alam, anak ko, ang buhay na
misteryong nakakubli sa mga pader ng kumbento. Matanda na ako, Maria. Hindi na kita
mapangangalagaan, pati ng kaligayahan mo. Humiling ka ng iba pa. Mahalin ang binata kahit
sino man sya.. wag lang ang kumbento..

Maria Clara: Ang kumbento o ang kamatayan!

Padre Damaso: Diyos ko! Diyos ko! Pinarurusahan mo ako. Pagpalain mo ang anak ko! (sigaw ni
Padre Damaso) Ayokong mamatay ka magmamadre ka! Diyos ko! Talagang narito ka nga
nagpaparusa ka. (umalis nang malungkot)

Kabanata 63: Ang Noche Buena

Basilio: Gantihan po sana kayo ng Diyos sa inyong kabutihang loob. Ngayong Pasko po ay gusto
ko sanang umuwi para makita ang aking ina at kapatid.

Matanda: Hindi ka pa lubusang magaling at lubhang may kalayuan ang inyong bayan.
Mahihirapan ka pang makauwi sa inyo.

Basilio: Tiyak na naghihintay ang kalooban ng aking ina sa paghahanap sa akin. Kayo po ay
maraming anak subalit kamiy dadalawa lamang na magkapatid. Babalik po ako dito at
ipagsasama ko ang aking kapatid.

[Mabilis na umalis si Basilio bagamat may tali sa paa at paika-ika kung maglakad]

[SAN DIEGO]
Narrator: Samantala ay nakauwi na sa bahay si Basilio at dinatnan iyong sira-sira at wala ang
Ina. Paika-ikang pinuntahan nito ang bahay ng alperes. Inutusan ng babaing nasa bintana ang
guardia civil na papanikin si Sisa subalit kumaripas ito ng takbo nang makita ang mga bantay.
Hinabol ni Basilio ang ina pero binato siya ng isang babae sa daan. Tinamaan ng bato si Basilio
pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa ina.

Basilio: Inang! Ako po si Basilio Inang!

Narrator: Nagsuot sa gubat si Sisa at sumunod pa rin si Basilio hanggang doon. Makailang ulit na
nadapa at bumangon si Basilio pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod sa ina. Narating nila
ang libingan na nasa tabi ng puno ng balite. May pintuan ito na pilit binubuksan ni Basilio.
Anyong tatakas muli si Sisa subalit nagpatihulog na si Basilio. Nagawa pang yakapin at halikan ni
Basilio si Sisa. Tigmak ng dugo ang noo ni Basilio at nawalan ng malay tao. Pinagmasdan ni Sisa
ang mukha ng bata at natigilan siya nang makilala ito. Napasigaw si Sisa at nagbalik ang alaala.
Hinagkan at niyakap nang mahigpit ni Sisa ang anak hanggang sa napalugmok na rin ito.
Nagbalik ang ulirat ni Basilio at nakita ang inang pinanawan ng malay. Kumuha ng tubig si Basilio
at winisikan sa mukha ang ina. Idinikit niya ang tainga sa dibdib nito hanggang sa sinakmal ng
matinding pagkasindak si Basilio. Patay na si Sisa. Niyakap ni Basilio ang malamig na bangkay ng
ina. Pag-angat ng ulo ni Basilio nakita niya si Elias.

Elias: Sino ang babaing iyan?

Basilio: Siya po ang aking ina.

Elias: Nasugatan ako at may dalawang araw na akong hindi kumakain o umiinom man lang. Hindi
magtatagal at mamamatay rin ako. Sunugin mo ang aming bangkay ng iyong ina. Kung walang
darating na sinuman, hukayin mo ang mga gintong ibinaon ko. Ariin mo iyon at gamitin mo sa
pag-aaral. Mamatay akong hindi ko man lamang nasilayan ang ningning ng bukang liwayway ng
aking Inang bayan. Kayong mapapalad na makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang
mga nalugmok at nasawi sa dilim ng gabi.

Narrator: Pagkatingala sa langit ay kumibot pa ang mga labi na tila nananalangin hanggang sa
unti-unting nabuwal sa lupa si Elias.

Wakas

You might also like