You are on page 1of 3

KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Pag-aaral

Base sa aming pananaliksik, marami nang pag-aaral ang naisagawa ang mga

mananaliksik tungkol sa mga bilanggo at sa bilangguan. Karamihan sa aming nakalap na

impormasyon, ay naglalayong ipabatid ang ibat-ibang kwento ng buhay ng mga bilanggo at

kanilang kalagayan.

Lokal na Pag-aaral

Ang pagiging isang bilanggo ay ang siyang parusa sa mga taong nagkakasala sa kapwa

niya tao at sa lipunan. Bilangguan ang nagsisilbing tahanan nila habang sila ay nakakulong at

hinaharap ang sintensiya.

Sinasabi sa Corrections Journal ng Muntinlupa City na ang karanasan sa

pagkakabilanggo ay sapat na upang itulak ang isang bilanggo sa bingit ng sakit at sa bandang

huli ay pag-uuyam.

Ayon naman sa pag-aaral ni Marina Destura Gamo, ang pagbibigay ng rehabilitasyon sa

pamamagitan ng edukasyon ay siyang mabuting gawin upang sa kanilang pagbabagong buhay

dahil mararamdaman nila ang kanilang halaga kahit na sila ay nakakulong at eduakasyon din ang

makakatulong sa kanila sa kanilang hinaharap at sa kanilang paglabas.

Sa tesis naman ni Guillermo Ayala, sinabi ni Atty. Ricardo Puno Jr. na, Our prisons are

a place for paying ones debt to the society; yes, but they are not meant to totally dehumanize a

person. Much less should they be the training academy for criminals to home and upgrade the

skills of their nefarious craft. Sinasabi dito na ang isang bilangguan ay hindi lamang dapat na

lugar para sa mga bilanggo, ito rin ay dapat na magsilbing sanayan para sa kanilang pagbabago.
Dayuhan na Pag-aaral

Sa tesis ni Reynaldo Berdin, sinaad sa UN Congress 1995 na, Congestion or

overcrowding, poor and antiquated jail facilities and the lack of concern by government officials

to include the community in regard to provisions pertaining to accomodations, food subsistence,

personal hygiene, education and recreation and health services. Sinasabi dito na ang opisyal ng

gobyerno ay hindi naglalaan ng sapat na atensyon para sa mga bilanggo gaya na lamang sa

kanilang pagkain, personal na pangangailangan at iba pa.

Samantala, sinasabi naman sa tesis ni Benjamin de Jesus na ang bilangguan ang siyang

nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga bilanggo para sila ay makapag-bagong buhay at

mapanagutan ang kanilang sintensya.

Kaugnay na Literatura

Para sa mga bilanggo, ang bilangguan ang siyang nagsisilbing pangalawang tahanan nila

habang sila ay nakakulong na kung saan nagaganap ang kanilang pagbabago.

Lokal na Literatura

Ayon kay Raymund Narag, ang mga inmates ay madaling kapitan ng mga nakakahawang

sakit dahil sa mga mahihirap na kundisyon sa kanilang mga selda. Sila ay natutulog sa madumi

at hindi maaliwalas na selda. Ang suplay ng tubig na naiinom ay napaka limitado. Ang mga may

sakit at malulusog na bilanggo ay pinagsasama sa isang selda. Sinabi niya rin na ang pagrarasyon

ng mga pagkain sa mga bilanggo ay napakabagal at nahuhuli sa oras ng pagkain.

Dayuhan na Literatura

Ayon sa aklat nina Stanley Cohen at Laurice Taylor sa kanilang librong Psychological

Survival: The Experience of a Long-term Imprisonment, Where there is no death penalty,


banishment or psychological torture, to lock a person away for life or a long period of his life is

the most severe form of punishment which a society uses.

Samantala, ayon naman sa The UNESCO Courier: Alternatives to Jail, Psychologists

have sought new ways of improving the situation of the prisoners and at the same time, looked

for alternative solutions which includes various forms of discontinuous detention, probation and

community service.

Sa librong Invisible Chairs ni Linda Johansson, Imprisonment is the most expensive

form of punishment in modern society. Dahil sa pagkakabilanggo ng isang tao, ang malaking

parte ng kaniyang buhay ay nawawala at kalayaan.

You might also like