You are on page 1of 5

PAGSULAT NG SULATIN SA PANANALIKSIK ( TERM PAPER )

Ang sulatin sa pananaliksik ay ulat ng pag-aaral at pagbasa sa isang tanging larangang sosyal,
pampanitikan, pangkasaysayan, pangkabuhayan o pang-agham.

1.) Pamimili ng paksa:

Sa pagpili ng paksa, mabuting gabayin ang sumusunod na mga patnubay.

1.) Hingi iyon nanggaling sa iisang aklat.


2.) Iwasan ang paksang ayon lamang sa sariling karanasan.
3.) Iwasan ang paksang walang makukunan ng sapat na materyales na makukunan ng
ebidensiya at katibayan.
4.) Pumili ng paksang hindi napakalawak at hindi rin naman napakakitid ng larangan.
5.) Huwag ring pumili ng paksang bagung-bago.
6.) Iwasan din ang paksang lubhang kontrobersyal.
7.) Pumili ng paksang maaring mabigyan ng sariling palagay at pasiya.

2.) Paghahanda at Paghahanap ng Bibliograpi

Bago ang pinal na bibliograpi, mabuting gumawa muna ng pansamantalang bibliograpiko o


listahan ng mga aklat na masasangguni.

Mga Halimbawa ng ibat ibang anyo ng ilalagay sa mga kard ng pansamantalang bibliograpi:

1.) Isang Awtor

Alejandro, Rufino, 1970, Pagtatalumpati at Pagmamatuwid. Bedes Publishing House, Inc.


Philippines

2.) Dalawang Awtor

Anderson, Anne at Tony Lynch. 1988. Listening. Oxford University Press. Hongkong

3.) Mula sa antolohiya

Reyes, Edgardo M. 1970. Daang Bakal Manunulat. Ed. Efren R. Abueg. Pioneer Printing
Press, Quezon City.

4.) May 3 o mahigit pang awtor


Tumangan, Alcontiser St. et. al. 1986. Sining ng Pakikipagtalastasan. National Book Store,
Inc., Manila

5.) Artikulo sa pahayagan:

Florencio, Greg. Disyembre, 1970. Martsa ngayon ng Estudyante, Taliba. P.1.

6.) Artikulo sa Magasin:

Perez, Alejandro, ( Abril, 1971 ). Ang Ayos ng Pangungusap. Linggwusitikang Pilipino. 1:91-
94.

3.) Paghahanda ng Pansamantalang Balangkas

Mahalagang gumawa ng pansamantalang balangkas ng susulating term paper. Ito ay nagbibigay


ng direksyon at magsisilbing patnubay sa pagbabasa at sa pagkuha ng mga tala.

4.) Pangangalap ng mga datos

Sa paggamit ng mga aklat at iba pang materyales sa pansamantalang bibliograpi, kumuha ng mga
tala sa sinasangguniang mga aklat na mahalaga sa paksang tinatalakay sa sulatin.

May tatlong (3) uri ng tala na isusulat sa kard:

(1.) Lagom
(2.) Tuwirang sipi at
(3.) Hawig

Dahilan kung bakit sa Albanya


ang tagpuan ni Florante ( Pamagat ng Tala )

Alam ni balagtas na nagawang kaakit-akit ng kanyang


kapwa makatang Griyego ang malagim na daigdig. Ito marahil
ang dahilan ng paglulunan niya ng agpuan ng Florante
at Laura sa Kaharian Albanya. ( Tala na Lagom )
Monleon (awtor)
Sa Paraiso ng Daigdig (aklat)
p. 13 (pahina)

5.) Pagpapahalaga sa mga Nakalap na Materyales:


Bilang tugon sa gawaing ito, narito ang ilang gabay:

(1.) Isaalang-alang ang kadalubhasaan ng awtor.


(2.) Petsa ng pagkakalimbag ng aklat.
(3.) Uri ng magasin o babasahin.
(4.) Mahalaga ang totoong tala kaysa sa mga pangyayari at opinyon.
(5.) May Pangunahin at pantulong sa sanggunian.
(6.) Hindi na mahalaga ang orihinal na artikulo kaysa sa mga halaw at lagom nito.

6.) Pagsulat ng Pangwakas na Balangkas

Bilang patnubay sa gagawing balangkas, mahalaga ang isang masaklaw ng pangungusap na tesis.
Napapadali nito ang sunud-sunod na pag-aayos ng mga talang nasa indeks kard ng pansamantalang
bibliograpi. Kapag naisaayos na ang mga isipan sa mga indeks kard, isunod na ang paggawa ng balangkas
batay sa mga tala. Maaring ang pinal na balangkas ay nakabatay sa pansamantalang balangkas o

unang balangkas o kayay pagpapabuti sa pansamantalang blangkas upang pagbatayan ng sulatin.

7.) Pagsulat ng Burador

Sa Pagsulat ng Burador, magsulat nang mabilis at tuluy-tuloy. Huwag mag-alala na baka mali ang
mga pangungusap o may isipang nakaligtaan. Magagawa ito sa pagwawasto ng burador. Ang
burador ay hindi siyang wakas ng sulatin.

8.) Pagrebisa sa Burador

Sa pagrebisa, isaalang-alang ang mga ito:

1.) Ang Nilalaman. Alamin kung may kaisahan ang komposisyon.


2.) Paraan ng Pagkakasulat. Alamin kung nakatawag ng pansin ang pasimula.
3.) Ang Dokumentasyon. Hinihingi ng matapat na pagsulat na magbigay-galang ang manunulat
sa pinagkunangakda sa pamamagitan ng pagbanggit dito sa kanyang sinulat.

Dalawang Paraan ng Pagbanggit:

1.) Tala o ang paghahanay ng mga pinagkunang akda sa dulo ng bawat kabanata o likod ng akda.
2.) Talababa o ang paghahanay ng mga nabanggit ng akda sa ilalim ng teksto sa pahinang nilitawan
ng sipi.
Apat na Gamit ng Talababa:

1.) Upang banggitin ang awtoridad sa ano mang pahayag na ginawa sa teksto
2.) Upang gumawa ng dagdag na komentaryo na magbibigay ng linaw sa isang bahagi ng teksto
(kung sa palagay ng awtor ay makasisira ito sa pangkalahatang takbo ng teksto).
3.) Upang ipakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga reperensiya; at
4.) Upang magbigay pitangan sa pinagkunan ng idea o materyales sa akda.

Maaring aklat, Peryodikal o di- nailathalang materyales ang pinagkunan o sinipi sa teksto. Inilalaman sa
talababa ang sumusunod na impormasyon:

* Kung sa peryodikal ( Pahayagan, Magasin, dyurnal ) ay ganito ang isulat: (a) buong pangalan ng may-
akda; (b) pamagat ng artikulo, nakapaloob sa pnipi at sinusundan ng kuwit; (c) pangalan ng peryodikal,
may salungguhit at sinusundan ng kuwit: (d) bilang ng tomo at isyu ( karaniwang nasa numerong
Romano ang tomo at numerong Arabe ang bilang ng isyu ) na inihihiwalay sa isat isa ng kuwit; (e) petsa
ng pagkakalathala, nakapaloob sa panaklong at sinusundan ng kuwit pagkaraan ng panaklong; at (f)
pahina ng sinipi, sinusundan ng tuldok.

* Sa di-nailathalang materyales; ganito ang isulat: (a) pamagat ng dokumento, kung mayroon, at petsa;
(b) pangalan ng koleksyong pinagkunan, at (c) isama ang ano mang impormasyong makatutulong sa
pagkilala ng dokumento o materyales.

Halimbawa:

Renato Constantino 1975, The Philippine: a Past Revisited (Quezon City: Tala Publishing Sevices),
mp. 120 124.

Ninoteka Rosca, Sa Bayan ng San Roque, The Literary Apprentice, XLVII blg. 2 (Nobyembre
1974), mp. 176-178.

Philippine Constitution ( 1973 ),. Art. III, Sek. 4

Talumpating bibigkas sa Kongreso ng Pagtatatag, KALIPI ( Mayo 1, 1975 ).

Interbyu kay Iigo Ed. Regaldo ( Marso 20, 1974 )

9.) Pangwakas na Bibliograpi

Upang higit na maging kapaki-pakinabang sa mambabasa, nangangailangan ang bawat masinop


na akdang pampananaliksik ng bibliograpi. Sa isang sulyap sa bibliograpi, mabibigyan ang
mambabasa ng mga impormasyong nauugnay sa nilalaman na akda.

* Ganito ang gawin sa pangwakas na bibliograpi.


1.) Inuuri muna ang mga reperensya. Maaring ang pag-uuri ay ayon sa

A. Mga Aklat
B. Mga Peryodikal
C. Iba pang Reperensya

2. ) Halos nagkakahawig ang mga impormasyong isinasama sa Talababa at Bibliograpi. May ilan lamang
pagkakaiba , gaya ng:

a. Sa Bibliograpi, ang pangalan ng awtor ay isinusulat nang nauuna ang apelyido.


b. Ang Kuwit pagkaraan ng awtor at pamagat ng aklat ay napapalitan ng tuldok.
c. Nawawala ang panaklong sa mga datos hinggil sa pagkakalathala ng aklat.
d. Sa mga akda mula sa peryodikal, sa halip ng pahinang pinagkunan ng banggit, ang isinusulat sa
bibliorapi ay ang mga pahinang kinalalathalaan ng buong akda sa peryodikal.

Halimbawa:

Abueg, Efren R. et. al. 1964, Mga Agos sa Disyerto, Maynila

Constantino, Renato. 1975 The Philippine: A Past Revisited. Quezon City | Tala Publishing
Services

Peryodikal

Binavena, Ninaril ng Hunting Rifle, Balita ( Mayo 24, 1976 ), p. 16.

Dumol, Paul A. Kabesang Tales:, Sagisag, I. Blg. 3 ( Hulyo 1975 ), 19-24.

10.)Anyo ng Sulatin

Ang Sulating Pananaliksik ay may apat (4) na bahagi: (1) ang pahina ng pamagat; (2) ang talaan
ng nilalaman; (3) ang katawan; at (4) ang bibliograpi.

Ang pahina ng pamagat ay nagtataglay ng pamagat ng sulatin, pangalan ng nagsaliksik at ang


asignaturang pinag-uukulan.

Ang pahina ng mga talaan ng mga nilalaman ay nagtataglay ng mga paksang tinalakay at ang
pahina ng mga ito sa teksto.

Ang teksto o katawan ay ang mismong akda. Ang nilalaman ay nagmumula sa pagbabasa ngunit
ang pananalita ay sa sarili ng sinusulat sa kanyang pagbibigay ng kahulugan at buhay sa
impormasyon nakalap.

Ang Bibliograpi ay ang listahan ng mga aklat na sinangguni at kinunan ng mga tala upang
masulat ang sulating pananaliksik.

You might also like