You are on page 1of 6

Christine

Elizondo
9- Auburn
Noong unang panahon, may mag asawang
biniyayaan ng malulusog na kambal na
nagngangalang Pay at May. Habang lumalaki
ang kambal ay lagi silang nag aaway at
nagkakaroon na ng problema ang kanilang
mga magulang dahil sa kanila.

Isang araw, ay dumating ang tag init sa


kanilang lugar kung saan sobrang init .Naging
tagtuyot na ito. Halos lahat ng tao sa lugar ay
nagdadasal na humangin at umulan. Sinabi ng
Bathala na magkakaroon lang ng hangin sa
lugar kapag nagkasundo ang mga tao lalo na
ang kambal. Ngunit ang kambal ay nag aaway
parin dahil inggit sila sa isat isa at makasarili
na ito ang pinakaayaw ng Bathala.
Sabin g Bathala sa kanila kapag hindi pa
kayo tumigil sa away niyo ay paparusahan ko
kayo hanggang sa dumating ang inyong
kamatayan , hndi dahil sa init ay dahil sa
inyong kasalanan . Ngunit hindi naniwala ang
kambal at patuloy parin silang nag aaway. Gabi
na ng matapos ang kanilang pag aaway.
Kinaumagahan ay dumating ang kanilang
unang parusa , kinulong sila sa kulungan sa
isang kagubatan na kung saan hindi nila
nakikita ang kanilang mga magulang. Gulat na
gulat ang dalawa at nagtaka kung bakit
nakakulong sila. Iyak ng iyak dahil hndi nila
nakikita ang kanilang mga magulang ngunit
nag aaway parin ang dalawa at nagsisisihan
habang alalang alala ang kanilang mga
magulang sa kakahanap sa kanila.

Walang magawa ang kambal . Dumating ang


Bathala at sinabing kung matagal na sana
kayong hindi nagaaway at nagmamahalan e di
sana hindi na nangyari ito sa inyo ngayon .
Kung gusto niyong makabalik sa dati at Makita
ulit ang inyong mga magulang , magkabati na
kayo , Hindi ba kayo natatakot na baka anong
mangyari dahil sa napakainit ng panahon
ngayon ? Napag isip isip ng kambal ang mga
sinabi ng Bathala. Bibigyan ko kayo ng isa
pang pagkakataon na makabalik at Makita ang
iyong mga magulang ,, tutulungan ko kayo,
Magi sip kayo o gumawa ng bagay na
ipaglalaban sa init. Kumuha sila ng kawayan
na matatagpuan sa tabi ng kulungan.
Pinaghati hati nila ito ng pahaba at ginawang
maninipis. Pagkatapos pinagdugtong dugtong
nila ito at sinamahan ng mga dahon.

Tinawag nila itong PAMAYPAY na nagmula


sa kanilang pangalan na Pay at May. Doon
nagsimula ang pagmamahalan, pagkakaisa,
pagbabati ng mga tao sa lugar lalo na ng
kambal at noon ay nagkabati na sila at wala ng
anumang parusa sa kanilang buhay. Magmula
noon ay meron na silang pinaglalaban sa init
na tinatawag na PAMAYPAY.

You might also like