You are on page 1of 2

Jasmin Nicole B.

Cristobal
9-Curie

Megawati Sukarnoputri
Jasmin Nicole B. Cristobal
9-Curie

Si Dyah Permata Megawati Setiawati Sukarnoputri ay ipinanganak noong ika-23 ng Enero


1947 sa Jakarta, Indonesia. Ika-limang pangulo ng Indonesia (2001-2004). Siya ang tanging
babae na naging pangulo ng Indonesia, at ika-anim na babaeng namuno sa isang bansang
Muslim.

Siya ay anak ni Sukarno, ang unang presidente ng Indonesia. Nag-aral si Megawati ng


psychology at agriculture sa kolehiyo. Noong 1987, pinasok niya ang pulitika at nahalal sa
Peoples Consultative Assembly, at naging pinuno ng Indonesian Democratic Party (Parati
Demokrasi Indonesia o PDI), isa sa malalaking partidang pampolitiko ng Indonesia. Lumaki
siyang banta kay Pangulong Suharto, ang pumalit kay Sukarno, at dahil dito, itinanggal siya
bilang pinuno ng PDI ng pamahalaan noong Hunyo 1996, kaya naman hindi siya maaaring
tumakbo bilang pangulo ng Indonesia noong 1998.

Noong Oktubre 1998, matapos umalis sa pagkapangulo ni Suharto, binuo ni Megawati,


kasama ng kanyang mga tagasuporta, ang Indonesian Democratic Party for Struggle (Partai
Demokrasi Indonesia Perjuangan o PDI-P), at noong Hunyo 1999, nakamit ng PDI-P ang 34
porsiyento ng boto, pinakamataas kumpara sa ibang partido. Nang umalis sa pagkapangulo si
Bacharuddin Jusuf Habibie, si Megawati ang binalak patakbuhin sa pagkapangulo ng Peoples
Consultative Assembly. Ngunit, noong ika-20 ng Oktubre, pinili ng kapulungan si Abdurrahman
Wahid ng National Awakening Party na nagresulta ng pagprotesta ng mga tagasuporta ni
Megawati; kinabukasan, itinakda si Megawati bilang bise presidente ng bansa. Dahil sa
lumalaking pagpupuna sa pamamalakad ni Wahid, noong ika-23 ng Hulyo 2001, tinanggal si
Wahid sa kanyang pamumuno, at naluklok si Megawati bilang pangulo ng Indonesia.

Bilang pangulo, maraming problema ang hinarap ni Megawati, tulad ng pagbagsak ng


ekonomiya, separatist movement sa probinsya ng Aceh, at paglusob ng mga terorista. Noong
Oktubre 2002, mahigit sa dalawang daang tao ang pinatay, at tatlong daang tao ang nasugatan sa
pagsabog ng isang car bomb sa labas ng isang bahay-aliwan sa Bali; ang pagbomba ay may
kinalaman sa isang Islamic militant group. Sa parehong taon, nagkaroon ng lagdaan para sa isang
cease-fire kasama ang Aceh separatist, subalit nagpatuloy pa rin ang labanan kinalaunan.
Naglunsad ng malaking opensibang military ang pamahalaan laban sa mga rebelde noong 2003.
Maraming pagbomba ang sumunod. Nanaig sina Megawati at Susilo Bambang Yudhoyono sa
unang round ng halalan sa pagkapangulo noong 2004, pero nagwagi pa rin si Yudhoyono.
Tumakbong muli si Megawati bilang presidente noong halalan 2009, subalit natalo pa rin siya ni
Yudhoyono.

Ang pinakamalaking tagumpay ni Megawati ay ang pagligtas niya sa kanyang partido sa


pagkakasupil noong 1996. Ito ang pinagmulan ng kanyang suporta, dahil hindi siya natakot
tumayo para sa kanyang mga karapatan. Sinabihan na siya ng kanyang mga kaibigan na
magkompromiso dahil sa pagsumpong ni Suharto, tinanggihan niya ito at sinabing siyay
magdedemanda, na ginawa naman niya nang paulit-ulit sa bawat korteng tumanggap ng kanyang
reklamo. Ito ay isang taktikang Ghandian, at kaunti lamang ang nagawa ni Suharto laban dito.

You might also like