You are on page 1of 10

Pahina |1

Varayti ng Wika sa Pinoy Indie: Isang Mungkahing Balangkas sa Pedagohiyang Kritikal


Tungo sa Adhikain ng Filipinismo
ni Jonathan Vergara Geronimo

Introduksyon

Sa pagsibol at pamamayagpag ng huwad na disposisyong malaya sa kalakarang


pampelikula na indie (pagpapaikli sa independent films), napapatindi ang pagtataguyod sa mga
kampanyang neoliberalismo at globalisasyon na nagsisilbing pakete at pangunahing politikal na
interes ng pambansang larangan ng sining pampelikula sa Pilipinas. Magkaugnay ang
pagpapakahulugan sa neoliberalismo at globalisasyon sa layunin nitong mapanatili ang pagiging
alipin ng pambansang kalakaran alinsunod sa dikta ng mga pandaigdigang multilateral na
organisasyon sa kumpas ng mga imperyalistang bansa gaya ng US. Sa pamamagitan ng
neoliberalismo bilang ideolohiya ay naitataguyod nito ang liberalisasyon ng pambansang
ekonomiya na nakakiling sa interes ng mga dayuhang korporasyon para sa tagumpay ng
globalisasyon. Ang kultura na pangunahing salik sa pagtataguyod ng pambansang kamalayan
ang isa rin sa pangunahing pinapanday ng mga salot na kalakarang ito upang mapanatili ng mga
imperyalistang bansa ang kanilang paghahari at kontrol sa sistema ng mga bansa sa ikatlong
daigdig.
Hindi mapigil ang paglaganap at impluwensiya ng kalakarang ito sa mga institusyong
panlipunan lalo sa akademya na pinagmumulan ng mga gitnang-uring manonood o kabataang
filmmaker mismo na pangunahing tagatangkilik ng popular na kulturang ito. May
nakababahalang epekto sa mga Pilipinong tagatangkilik ang kawalan ng malinaw na adyenda sa
mga itinatanghal na pelikulang indie para sa alternatibong adhikain nito sa pangakong
pagpapalaya. Sa ganitong sitwasyon, kinakailangan ang mahigpit na pagtugon ng akademya na
magsisilbing gabay sa pagpanday ng kamalayang at oryentasyong makabansa. Malaki ang
maiaambag ng akademya sa pagbubukas ng mga posibilidad na makaalinsabay sa panlipunang
krisis at hamon sa pagtangan ng gampanin sa pagsusulong ng Filipinolohiya bilang isang aspekto
ng pagpapalaya na nakaugat sa lokal na kultura at sining.
Layunin ng papel na ito na talakayin ang katangian ng Pinoy Indie alinsunod sa
pagkakalikha ng konseptong ito sa kasaysayan at masuri ang potensyal ng makabagong
kalakaran sa pagtuturo ng mga varayti ng wika. Gayundin, nilalayon ng papel na
makapagmungkahi ng pedagohiyang balangkas na ilalapat sa ilang piling pelikulang indie tungo
sa pagsusuri ng mahahalagang papel ng akademya na magsisilbing katuwang na puwersa sa
pagsusulong ng Filipinismo bilang isa sa mga panimulang hakbang sa pambansang pagpapalaya.

Pagbaklas Tungo sa Malayang Identidad: Pagbanghay sa Maikling Kasaysayan ng


Pelikulang Indie sa Pilipinas
Simulat sapul nang maisilang ang konsepto ng alternatibong pelikula sa laylayan ng
pelikulang komersiyal sa kalagitnaan ng dekada 70 at malaon ay tinawag na independent film sa
kasalukuyan, kakambal na nito ang pagpapakahulugan sa pagbalikwas sa sistema ng kapital na
nagdidikta sa kategorisasyon ng kalakarang pampelikula sa labas ng naglalakihang istudyo ng
Lebran, Premiere Productions, Sampaguita at LVN. Hanggang sa tuluyang nagkahugis ang
pormulang avant-grande sa pagsasapelikula, na tumutukoy sa tuluyang pagbukod ng likhang

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo
Pahina |1

pelikula sa pagiging komersiyal nito. Pinangunahan nito (avant-grande sa pelikula) ang


modernistikong kilusan ng mga film maker sa pagtuklas ng sari-saring posibilidad sa midyum ng
pelikula na kaiba sa kumbensyon ng pelikulang komersiyal. (De Ocampo, 1985). Naipamalas sa
igpaw ng ideyang avant-grande sa pelikula ang maagang pagkamulat sa limitadong potensyal ng
midyum pampelikula. Napabantog ang baguhang pangalan na Kidlat Tahimik sa pelikulang
Mababangong Bangungot (Perfumed Nightmares) noong 1977 na lumikha ng ingay lalo nang
magwagi ng International Critics Prize sa Berlin Film Festival.
Dumaluyong ang kanlurang estetika ng ideyang art film at naibandila ang eksperimental,
abstrakto at malaswang tipo ng panoorin upang mapagtakpan at makalimutan ang mga
panlipunang kapansanan at pambansang paniniil sa panahong ambisyosong itinatayo ng
diktadurang rehimen ang kanyang Bagong Lipunan. Itinayo ang Experimental Cinema of the
Philippines (ECP) ng diktadurang Marcos noong 1982 upang hindi lubusang malantad ang
panunupil nito. Nagpondo ito ng mga pelikulang de-kalidad, at mga obrang ibinunga ay gamit na
pantapal sa mga pilat ng panunupil sa industriya. (Lumbera, 2005). Pinasimulan ng ECP ang
pagtatayo ng mga arktibong pampelikula para sa lokal na industriya, naipakilala ang sensura sa
porma ng film rating at itinaguyod ang alternatibong pelikula. Naipamana ng ECP ang mga
obrang Oro Plata Mata (1982) ni Peque Gallaga, Himala (1982) ni Ishamael Bernal, Misteryo sa
Tuwa (1984) ni Abbo de la Cruz at Soltero (1984) ni Pio de Castro III. Nagpanibagong-hubog sa
porma at paghahain ng bagong panlasang pang-estetika ang mga pelikula na nagbihis naman sa
katawagang alternatibo na sinasabing malaki ang naging igpaw sa larangan ng kasiningan
kung ihahalintulad sa pelikulang komersiyal (Reyes, 1996). Liban sa pamantayan at panlasang
estetikal, nagkaroon din ng espasyo ang panawagan sa pagiging alternatibo sa punto ng
nilalaman. Namayani sa ikalawang gintong panahon ng pelikulang Pilipino ang mga obra na may
sosyo-politikal na temang umuusig sa naghaharing katiwalaan sa kalakarang panlipunan tulad ng
isyu ng kawalan ng reporma sa lupa na sentral na tinatalakay sa Sakada (1975) ni Behn
Cervantes, isyung ploretaryado at lumalalang kahirapan ang itinampok sa Maynila sa Kuko ng
Liwanag (1976) ni Lino Brocka at kritisismo sa hipokrasya sa mga programang pangkagandahan
at displina ni Imelda Marcos ang itinampok sa Manila by Night (1980) ni Ishmael Bernal na
pagkaraan ay pinalitan ng pamagat na City After Dark upang ikubli ang identidad ng Maynila na
tagpuan at sentro ng negatibong paglalarawang ipinapamalas ng pelikula.
Sa pamamayani ng mga kalakarang virtual gaya ng internet at iba pang teknolohiyang
digital kasabay ng pagtindi ng mga sensitibong isyung panlipunan na naging potensyal na sabjek
ng mga baguhang film maker, at penomenal na pagsulpot ng mga festival sa lokal at
internasyunal na arena ay nagkaroon ng bagong pamantayan sa pagsasapelikula na tinawag na
independent films at naideklara na gintong panahon ng alternatibong pelikula ang dekada 90.
Tumataas taun-taon ang pampublikong interes sa independent films lalo sa hanay ng gitnang-
uring mamamayan at mga akademista na pangunahing tumatangkilik batay sa prinsipyo ng
popularidad at layunin ng intelektwal na ornamental. Pinanday ang bagong mukha ng
independent filmmaking sa imbitasyon ng mga kapitalista na sinakyan ang init ng gitnang-uring
aspirasyon para sa pangako ng kalayaan sa kapwa porma at nilalaman na bumabaklas sa
karaniwang tipo ng komersyalisadong pelikula ng mainstream. Itinatag ang Cinemalaya Film
Festival noong 2005 na isang kompetisyong pampelikula ng mga independent films na
naglalayong maipamalas ng mga baguhang direktor ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng
pelikula. (Cabagnot, 2006). Kapansin-pansin na taun-taon ay matagumpay na nakapagpapamalas
ng varyasyon ng panlasang artistiko ang mga lahok na pelikula sa nasabing festival ngunit ang

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo
Pahina |1

pinakamalaking hamon dito na makatakas sa anino ng kapitalistang pamantayan at pangako ng


mapagpalayang oryentasyon ng progresibong sipat sa lipunan ay higit pang pinababaw ng
abstraksyon at binigo ang manonood sa aliw ng pagtakas/eskapismo. Sinang-ayunan ang
ganitong ideya ng huwad na kalayaan sa espasyo ng Pinoy indie sa nosyon na ang tunay na indie
filmmaking ay hindi umaasa sa film festival circuit at basbas ng institusyong kultural para
makagawa ng pelikula, ang politikal na kolektibong pampelikula ang nagpapaiba sa moda ng
produksyon at resepsyon ng pelikula (Tolentino, 2009). Sa obserbasyon naman ni Guieb (2009),
bihirang makapanood ng indie films na may malinaw, lapat-sa-lupa at alternatibong kamalayang
politikal kung kayat masasabi na hindi alternatibo ang diskurso ng kalakhan sa binabansagang
pelikulang indie. Sa kabilang banda, malaki naman ang ambag ng mga pelikulang indie sa
pagsusulong ng wikang Filipino na pangunahing gamit na midyum sa paglalahad nito at munting
kontribusyon din sa unti-unting pagpapalaya. Ang kakapusan sa lantarang pagtalakay sa politikal
na konteksto sa kalakhan ng mga Pinoy indie na binigyang-diin nina Guieb at Tolentino ay
maaaring punan ng kritikal na pagsusuri ng mga manonood sa anumang institusyong panlipunan
para sa pansamantalang pagtatasa ng tunggalian sa nasabing kalakaran at panghinaharap na
pagpapaunlad ng lumalaganap na larangan. Binigyang-diin ni Jose (1996) na, ang wika ay isa
lamang sa mga instrumentong ginagamit sa pagpapalaya. Ibigsabihin ang Filipinismo bilang
isang kilusan sa pelikula ay munting ambag lamang sa matagalang adhikain ng pagpapalaya
ngunit gaya ng ibinubukas na posibilidad ni Jose na malaon ay instrumentong makapanggigiit
ang hakbang na ito sa mas mataas na kahingian sa politikal na kalakaran sa paglikha ng
independent film sa bansa.
Kung lalagumin ang naging depenisyon ng Pinoy indie sa kasaysayan, makikita na
nakaugat sa hangarin ng paglaya ang panig ng mga manlilikha nito, paglaya sa dikta ng
malalaking produksyong komersyal, paglaya sa kumbensyunal na porma ng paglalahad at
paglaya para sa indibidwalistang ekspresyon ngunit katotohanang hindi tinutugon ng umiiral na
kalakarang ito ang usapin ng pananagutan sa pagpapalaya at pagbuo sa kolektibong identidad na
mapagpalaya bilang karakterisasyon ng tunay na independent film. Sa ganitong mga kabatiran
ukol sa depekto ng isang lumalaganap na kalakarang pangkultura sa bansa, mahalaga ang papel
na ginagampanan ng akademya sa pangunguna ng mga mapanuring guro na makapagtasa sa
itinatakbo ng namamayaning kilusang pansining na may malaking impluwensya sa pagpanday
ng makabansang kamalayan ng ating mga mag-aaral. Sa ating pagiging malikhain at mapanuring
pag-iisip, magagawa nating balangkasin ang mga kahinaan ng isang materyal upang bumuo ng
positibong silbi at makabuluhang gamit sa ating krusada para sa pambansang pagpapalaya. Ang
unang manipestasyon tulad ng umuunlad na wikang Filipino sa larangan ng Pinoy indie
halimbawa ay munting ambag na rin sa matagalang proseso ng pagpapalaya sa nalalapit na
hinaharap.

Pinilakang Pisara: Potensyal ng Pelikulang Indie sa Pagtuturo ng mga Varyati ng Wika

Malalim ang relatibong ugnayan ng edukasyon at pelikula bilang makapangyarihang


larangan sa paghubog ng kaisipan ng mga mamamayan ng isang bansa. Ayon na rin kay
Remollino (2007), Education is one of the mos powerful tools for the molding of minds.
Maaaring sabihin na may malaking epekto ang mapagpalayang edukasyon sa paglikha ng
mapagpalayang pelikula. Hindi maitatanggi na kapwa nagtataglay ng pananaw sa paghubog ng
pambansang kasaysayan ng isang lahi ang pelikula at edukasyon sa katangian ng akademya.

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo
Pahina |1

Binigyang-kahulugan ang pelikula na isang kulturang nagtataglay ng salik na minsay


makabayan at kung minsan namay kolonyal samantala, ang akademya ay itinuturing na
makapangyarihang pwersa na nagtatatak sa pelikulang Filipino (Lumbera, 2005). Kung susuriin
ang inihahatag na ugnayan ni Lumbera, mababalangkas ang ideya na ang edukasyon at pelikula
ay nagtataglay ng pananaw na kapwa hinubog sa pangkasaysayang danas nito, mula sa panahon
ng kolonyalismo hanggang sa kasalukuyang kalakaran ng neoliberalismo at panliligalig ng
globalisasyon. Sa ganitong kaayusan mapatutunayan ang obserbasyon ni Tolentino (2009) na
integral ang kolonialisasyon ng Pilipinas sa transformasyon ng tunguhin ng pelikula (maging ng
akademya). Sa patuloy na siklong ito ng pakikipagtunggali ng pelikula at akademya sa kolonyal
na kamalayan at adhikain ng neutralisasyon nito, mahigpit na maimumungkahi ang pagsasanib
ng dalawang larangan sa pagsusulong ng kolektibong tunguhing pambansa higit sa aspekto ng
pagsusulong ng Filipinismo bilang isa hakbang at ambag sa matalagang proseso ng pagpapalaya
sa independent film sa bansa.
Nilalayon ng pambansang kurikulum sa Filipino sa buong kapuluan ang pagtuturo ng
wika sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo upang magamit sa realidad at pagtatamo ng
pambansang kamalayan. Gayundin, inaasahan ang kalinangan ng mga makrong kasanayan
kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at alternatibong pelikula bilang
batayan sa kritikal na pagsusuri at pagpapahalagang pangkultura. Kung mapagsasanib ang
dalawang disiplina sa akademya ay epektibo nitong mapapalakas ang identidad ng pagiging
Pilipinong mag-aaral at proyekto ng pagsasabansa ng mga pelikulang indie na umaayon sa
diktum ng pagiging malaya at mapagpalaya nito sa kontekstong Pilipino.
Kaalinsabay sa pagkakagawad ng kalayaan sa porma ng paglikha ng Pinoy indie at
pagpapalitaw ng realistikong naratibo sa abstraktong paraan, nagagawang pataasin ang
eksperimental na dating ng isang independent film na nagbubukas sa posibilidad ng varyasyon sa
estilo ng paglalahad maging ng makapangyarihang wika na ginagamit sa pagpapalitaw ng
karakterisasyon, malayang diskurso at itinatampok na politikal mensahe sa isyu ng pagkakagamit
sa wika. Malinaw sa ganitong estado ng paggamit ng wika sa kalakarang eksperimental ang
pagsulpot ng varyasyon ng teknik sa pagtuturo ng mga aralin na may kaugnayan sa diskurso at
komunikasyong Filipino, gaya ng pagsusuri sa mga varayti ng wika sa awtentikong sitwasyong
panlipunan na itinatampok sa Pinoy indie. Ipinaliwanag ni Constantino (1996), ang wika ay
isang panlipunang penomenon. Ibig sabihin, nililinaw na mahalaga ito hindi lamang sa
indibidwal kundi lalo na sa lipunang kanyang kinabibilangan. Sa ganyang paglalahad, nililinaw
ang kahalagahan ng awtentikong biswalisasyon ng mag-aaral sa realistikong papel ng wika at
indibidwal nitong tungkulin bilang entidad ng lipunan. Mahalaga ang malinaw na pagsasalin ng
akademikong konsepto sa proseso ng reyalisasyon sa mga ideya na posibleng mag-udyok sa
makabuluhang partisipasyon nito sa lipunang sinasalamin ng kanyang pinapanood. Ang
talakayan sa mahahalagang konsepto, teorya at batayan sa pagdevelop ng mga varayting
pangwika sa Filipino ay epektibong maisasagawa sa tulong ng awtentikong materyal tulad ng
Pinoy indie na kalakhang ginagamit ang wika sa naturalistikong paraan at lumilinang hindi
lamang sa kakayahang komunikatibo bagkus posible rin na makapagbunsod ng kritikal na pag-
iisip at pagpapahalaga sa panig ng mga mag-aaral sa kultura at lipunang kinabibilangan.

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo
Pahina |1

Filipinismo sa Pagpapalaya: Mungkahing Balangkas sa Pagtuturo ng Varayti ng Wika Gamit


ang Pelikulang Indie

Pinoy
Independent
Film Batayan/Pamamaraan Politika/Isyung
ng varayting pangwika Itinatampok

Dimensyon ng
Varyabilidad

Pagtataya at
Pagsusuri ng Paglikha
Uri ng Varayti ng Wika Pamantayan
Ginamit na ng
sa Pagbuo ng
Varayti ng Maikling
Pinoy Indie
Wika Pelikula

Ang mahabang krusada sa paghahanap ng pambansa at bukod na identidad ng pagiging


Pilipino ang isa sa pinakamakabuluhang katwiran at adhikaing inaasahan na mababalangkas sa
isang Pinoy independent film. Sa pagpapakahulugan ni Valerio (2010), ang tunay na
alternatibong pelikula ay isang sandata sa paglaya mula sa kanluraning gahum. Samakatuwid,
para kay Valerio, walang saysay ang alternatibong pelikula na hindi nakatutugon nabubukod na
pagsasalarawan ng buhay, aspirasyon, interes at pakikibaka ng sambayanang Pilipino na tanging
daan para sa pagpapalaya ng kanilang kaalipinan sa ilalim ng kanluraning impluwensiya.
Sa ganitong pananaw, marapat na sipatin at suriin na ang pagiging malaya ng isang
pelikula ay hindi lamang nakakulong sa kuwadradong paninindigan nitong bumaklas sa
komersyalisadong dikta ng mainstream, gayundin hindi natatapos sa abanteng persepsyon sa
kumbensyon at elementong estetika sa paglikha, bagkus ang pagiging malaya sa konteksto ng
Pelikulang indie ay ang pagbuo nito ng katutubong panlasa na nakasalig sa itinatakbo ng
pambansang kultura, politika at ekonomiya nagpapabagsak sa kanluraning
dominasyon/paghahari.
Ipinapakita ng pigura sa itaas ang proseso ng pagtuturo ng varayti ng wika gamit ang
Pinoy indie, sisimulan ito ng mapanuring pagpapasya ng guro sa independent film na angkop na
magagamit sa pokus na nais bigyang-diin sa pag-aaral ng varayti ng wika. Susuriin ang mga
ginamit na varayti ng wika batay sa uri, dimensyon ng varyabilidad at mga tiyak na batayan o
pamamaraan ng varayting pangwika (depende sa nais bigyang-pokus). Sa layuning mapalalim
ang pag-unawa ng mga mag-aaral, impormal na susuriin ang mga isyu at politikang itinatampok
ng pelikula na nakasentro sa paggamit ng wika (o maaari din naman sa iba pang diskursong
pambansa). Lilikha ng maikling pelikula bilang paglalapat ng mga natutuhan at pagpapahalaga
sa napanood ang mga mag-aaral. Magsasagawa ng pagtataya at pamantayan sa pagbuo ng Pinoy

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo
Pahina |1

indie bilang paglalahat sa katapusan ng sesyon. Tatalakayin sa mga susunod na paglalahad ang
mga batayang teorya sa binuong balangkas kabilang ang detalyadong proseso ng paglalapat nito
sa kontekso ng silid-aralan.
Bago ang proseso ng aktwal na pagtuturo ng varayti ng wika gamit ang Pinoy indie,
kinakailangan ang kahandaan ng guro at ang kasapatan ng kanyang kaalaman ukol sa tatlong
mahahalagang konsepto na saklaw sa pagtuturo ng varayti, kabilang ang pagtukoy sa dalawang
uri ng varayti sa pagpapakahulugan ni Catford na tumutukoy sa permanente at pansamantalang
katangian sa pagkakagamit ng isang indibidwal o grupo ng tao ng wika alinsunod sa panlipunang
salik nito. Pangalawa, ang pagkakahati ni Eastman, 1971 (sa Constantino, 2002) sa dalawang
dimensyon ng varyabilidad o pagkakaiba-iba ng wika batay sa heograpiko at sosyo-
ekonomikong batayan, ipinaliliwanag ng una na ang pagkakaiba-iba ng wika ay bunga ng kalat-
kalat na lokasyon ng gumagamit habang ibat ibang estado sa lipunan ang diin ng ikalawang
dimensyon. Sa panghuling konsepto, ang pag-iisa-isa sa mahahalagang batayan/pamamaraan na
inilahad ni Ocampo (2002) kung paano nalilinang ang varayti ng wika sa konteksto gaya ng
Filipino gaya ng paglilinaw sa kahulugan ng istandard na wika, aksent, continuum na
pandiyalekto,pidgin,creole,idyolek,sosyolek, rejister at iba pa batay sa pangangailangan ng
kurso.Samantala, kinakailangang taglay ng isang Pinoy indie na gagamitin sa pagtuturo ang mga
sumusunod na mungkahing katangian: 1) Angkop na nagtataglay ng mahahalagang aralin na nais
talakayin at bigyang-diin sa pagtuturo; 2) may sapat na haba na sasapat sa naitakdang panahon
ng pagsusuri at pagtalakay sa klase; 3) nagtataglay ng temang panlipunan o politikal (hayag man
o hindi hayag) na potensyal na maiuugnay sa usaping pangwika; at 4) malinaw na sumasalalim
sa pambansang kalagayan at kamalayan. Masaklaw ang pagtuturo ng varayti ng wika kung kaya
kinakailangang pagpasyahan ng guro ang pokus sa pagtalakay na nais niyang surii, gayundin sa
praktikal na seting ng pagtuturo na halos dalawa hanggang tatlong pagkikita (2-3) ang
karaniwang inilalaan sa pagtuturo ng araling ito ay makatutulong ang paglalapat ng maikling
pelikula sa pagpapadali ng pag-unawa sa mga konseptong kailangang ituro. Gayundin, sa
prinsipyo na rin ng pananaw na ang wika bilang isang panlipunang penomenal, ang aktwal na
pagsasalarawan ng Pinoy indie ay makatutulong sa pagpapaunawa sa mga mag-aaral ng praktikal
na manipestasyon at kahalagahan ng itinuturong aralin.
Sa aktwal na pagtuturo, iminumungkahing pasimulan ang talakayan para sa unang araw
ng mahahalagang konsepto ukol sa varayti ng wika na naglilimita sa mga nais bigyang-diin o
napagpasyahang pokus sa pagtalakay. Sa layuning mapalalim ang pagtalakay ay lilinangin sa
ikalawang araw ang kasanayan ng panonood para sa malalim na pag-unawa ng mga konsepto ng
varayti gamit ang napiling Pinoy indie. Pasisimulan ang pagtalakay sa pagbibigay ng maikling
bakgrawnd sa pelikula habang proseso ng panonood ay itinatala ng mga mag-aaral ang
mahahalagang konsepto ng varayti ng wika na kanilang nasasaksihan sa pelikula. Sa pagtatapos
ng panonood, isasagawa ang pagtalakay sa tatlong mahahalagang konsepto ng varayti ng wika
(Uri, dimensyon at pamamaraan) na napanood sa pelikula. Bigyan ng kalayaan ang mga mag-
aaral na magbahagi at magpahayag ng kanilang mga obserbasyon at magaganap lamang ang
interbensyon ng guro kung may nabanggit na konsepto na kailangang iwasto. Mahalaga na
matapos talakayin ang mahahalagang konsepto ang paglinang sa kritikal na pagkatuto sa politika
at isyung tinatalakay ng pelikula kabilang ang usaping nakapaloob sa pagkakagamit ng wika sa
pelikula. Sa pananaw ni Tolentino (2004), sa pamamagitan ng kritikal na pagkatuto,
kinakailangan nagkakaroon ng ngalan ang mga karanasan, nagkakaroon ng kabuuan ang
artikulasyon ng historikal at pang-araw-araw. Hayaang makapag-ugnay ang mga mag-aaral sa

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo
Pahina |1

kanilang mga sariling pagtingin, pagsusuri at pagtataya sa mga kawalan at kalabisan sa kanilang
nasaksihan sa pelikula tungo sa konstruksyon ng lipunang nais nilang baguhin.
Pagkatapos ng pagsusuri ng Pinoy indie sa pagpapalalim ng pag-unawa sa mahahalagang
konsepto ng varayti ng wika, bigyan ng panahon ang mga mag-aaral sa pagbuo ng isang
maikling pelikula bilang aktwal na paglalapat ng mga natutuhang konsepto at pagsasalin ng
pagpapahalagang napagtibay sa proseso ng panonood. Alinsunod ang mungkahing gawain na ito
sa pananaw ni Hornedo (2004) na, ang pagtatanghal/perpormatibo ang pinakamataas na
pagpapahalaga. Ang malilikhang maikling pelikula ay isasagawa sa pagtataya na tutungo sa
reyalisasyon ng pagbuo ng mga pamantayan sa pagbuo ng isang tunay na Pinoy indie.

Sipat sa Danas ng Filipinismo: Pahapyaw na Pagsusuri sa Paggamit ng Wikang Filipino sa


Piling Pinoy Indie

Sari-saring karakterisasyon ng wikang Filipino ang itinatanghal sa mga Pinoy indie na


may nakapaloob na rasyunal sa pagtatampok ng realidad at politisasyon ng pagkakagamit nito sa
layunin ng malayang diskurso at sentral na paghahatid ng kabuluhan at buhay sa naturalistikong
paglalahad.
Itinanghal sa pelikulang Engkwentro (2009) sa panulat at direksyon ni Pepe Diokno ang
kalakaran ng buhay sa pusod ng lalawigan na hindi nalalayo sa estado ng pakikipagsapalaran sa
urban na nagdaranas ng kahirapan. Nagawang maibukod ang seting ng pelikula sa paggamit ng
bernakular na wika na may dimensyong heograpiko at nagtampok ng eksotikong lunan ng
pelikula. Epektibong naipamalas ang matatag na ugnayang sosyal ng isang mukha ng
mardyinalisadong lipunan dahil sa dayalekto na ginamit. Hindi naiwasang gumamit ng wikang
balbal ang pelikula na uminog sa kuwentong gang war ng mga kabataan na nagtulak upang
maging makatotohanan at awtentiko ang gampanin ng mga karakter. May katangian ng
pananalitang espontanyo sa palitan ng diskurso. Ang brutalidad sa paggamit ng wika ay hindi
lamang ginamit sa layunin ng naturalisasyon sa paglalahad kundi isang di-hayag na protesta sa
kabiguang makatugon ang gobyerno sa isyu ng edukasyon ng mga kabataan at tuluyang pagpatay
sa munting pag-asa ng aandap-andap na lipunan. Pinatunayan naman sa obra at lahok na Dinig
Sana Kita (2009) ni Mike Sandejas ang kabisaan ng ibang kaparaanan kung paano
makapangyarihang ipapahayag ang pag-ibig sa wika ng kumpas at senyas. Uminog ang pelikula
sa pagtatagpo ng isang lalaking pipi at babaeng hilig ang maingay na musika sa daigdig ng
damdaming walang kinikilalang ingay at musika liban sa hipo ng pag-ibig. Itinampok ang
kumbinasyon ng wikang Filipino at Ingles sa pelikulang ito na pawang ginamit sa paghahatid ng
kahulugan o mensahe sa tulong ng mga kumpas at senyas. Ang di-berbal na uri ng
komunikasyon at moda ng pagpapahayag gamit ang musika at senyas ay nagsisilbing tulay sa
politikal na panawagan ng paghingi ng pantay na karapatan at panawagan sa pagsasabatas ng
proteksyon para sa isang mardyinalisadong sektor ng may mga kapansanan. Matingkad na
ginamit sa pelikulang Kubrador (2006) ni Jeffrey Jeturian ang wikang urban sa kanyang pelikula
na nangahas talakayin ang isyu ukol sa iligal na porma ng sugal sa bansa na nagsangkot sa mga
politiko, kapulisan at ilang kilalang tao sa lipunan na binigyang katauhan at kaluluwa sa daloy ng
kuwento at tinukoy bilang mga mastermind sa kabuuan ng itinuturing na krimen ng estado.
Ang wikang urban na ginamit sa pelikula ay deklarasyon din ng sosyo-ekonomikong kalagayan
ng pangunahing tauhan na isang kubrador at biktima ng mapanggipit na kalagayan ng kahirapan
at walang mapagpilian sa buhay. Gumamit ng espesyal na rejister ang pelikula sa pagsasapubliko

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo
Pahina |1

ng iligal na kalakaran ng sugal. Nagsilbing bukas na midyum at instrumento ang paggamit ng


wikang Filipino upang mapatindi ang pagiging realistiko ng pelikula sa paglalantad ng mga
parikalang taglay ng mga suliraning panlipunan na kapos sa mga kalutasan. Mayamang ginamit
ang wika ng mga eskinita at lansangan bilang pagsasalin ng katangian nagtatampok sa mga
kabulukan at kapansanan ng pambansang kalagayan. Ginamit na makabuluhang anyo ang sining
ng pagsasayaw at panitikan bilang hulmahan ng matalinghagang mensahe ng di-kumbensyunal
na pananaw ng pag-ibig sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (2011) ni Alvin
Yapan. Ang ganitong eksperimental na pagsasanib at pagsusulong ng iba pang anyo ng sining sa
pagsasapelikula ay maituturing na malaking igpaw ng pelikulang indie sa pagsasatinig ng
malikhaing wika nito sa layuning mapagtagpo ng mga panloob na isyu ng indibidwalidad tungo
sa malawak na karanasang panlipunan. Ang mga isyu ng sekswalidad, komplikasyong pag-ibig
at konserbatismo sa propesyong pangguro na gasgas nang tinatalakay bilang paksaing
pampelikula ay nabigyan ng mapanghamong bihis sa pamamagitan ng matulaing wika na
ginamit sa pelikula. Higit na napalalim ng ganitong matalinong paggamit ng wika ang
sensibilidad na nais ikintal ng pelikula sa mga manonood. Bagamat ang hindi naiwasang
abstarksyon na idinulot marahil nang labis na talinghaga sa takbo ng mga pahayag ay
maituturing din na sagabal sa pagbuo nang malinaw na komentaryo at paninindigang inaasahan
sa alternatibong pelikula sa pagpapakilos.
Kapansin-pansin sa mga sinuring pelikula ang pagkakagamit ng wikang Filipino sa
rasyunal na lampas sa pagpapalitaw ng natural at realistikong kalakarang panlipunan. Bagkus,
ibinubukas ng isinagawang pagsusuri ang potensyal na makapagtalakay ng mga napapanahong
isyu at komentaryong pampolitika mula sa simpleng pagbalangkas sa disposisyon ng wika sa
pelikula tungo sa pagpapatanaw ng malawak na pananaw. Pinatunayan din ng isinagawang
pagsusuri sa mga pelikula ang konteksto ng pagpapakahulugan sa wika bilang kasangkapang
panlipunan ni Constantino (1996) na isang kasangkapan kapwa ng eksploytasyon o
pagsasamantala at liberasyon o pagpapalaya. Mapapansin ang ganitong argumento sa sari-saring
paraan ng pagtatanghal sa pananaw ng mga pelikula gamit ang wikang Filipino na di-hayagang
tumutuligsa, matalinghaga sa pakikipagdiskurso, may lantarang bumabalikwas sa status quo at
panawagan ng pagkilos.

Akademya sa Pelikula at Pelikula sa Akademya: Sanib-Puwersa sa Adhikaing Filipinismo


Tungo sa Mapagpalayang Lipunang Pilipino

Inihain ni Valeriano (2010), isang makabayang kritiko ng sining sa komunikasyon ang


kanyang mga punto ukol sa katangiang dapat taglayin ng isang tunay na makabayan at malayang
pelikulang Pilipino na inaasahan sa mga makabagong film maker na may hipo ng Filipinismo:
(a) Ang produksyon ay malaya sa komersyalismong gawi; (b) diretsahan man o hindi, tinatalakay
o ipinakikita ng pelikula ang masamang epekto ng globalisasyon, imperiyalismo at kaisipang
kolonyal; at (c) higit sa lahat, ang pelikulang alternatibo ay isang instrumento tungo sa
dekolonisasyon ng ating kamalayan. Tunay nga na isang aspekto lamang ng adhikaing
Filipinismo at pagpapalaya ng lipunan ang kilusan sa pagsusulong wikang Filipino sa Pinoy
indie, ngunit ang panimulang igpaw na ito ay may malaking ambag sa tinutukoy na
dekolonisasyon ng kamalayan at kung progresibong hihimayin sa silid-aralan ay potensyal na
lilikha ito ng malalim na ugnayang sosyal na magbubunsod ng pagpapakilos sa Pilipinong mag-
aaral at sambayanan. Malaki ang maitutulong ng patuloy na inbensyon ng mga pedagohiyang

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo
Pahina |1

kritikal sa mga aralin sa wika at komunikasyon na nagsasangkot sa gawain ng pagpapahalagang


kultural gaya ng pelikula, na magkasabay na nililinang ang mga inaasahang kasanayan at
malalim na pag-unawa para sa pagtatamo ng makabayang paninindigan. Ayon na rin sa
artikulong Ang Wika ng Pagpapalaya at ang Papel ng Akademya ni Vicencio R. Jose (1996)
na, Napalaki ng magagawa ng akademya sa pagpapaunlad ng Filipino bilang wika ng
pagpapalaya, samantala ipinalalagay din niya na kinakailangan ang pagpapaunlad sa iba pang
larangan para magkaroon ito ng kaganapan. Kaugnay rin nito ang dilema sa kilusang
pagpapalaya sa industriya ng pelikula na ihinatag ni Bienvenido Lumbera (2005) sa pagsasabing
Isa lamang anyong pangkultura ang pelikula, at kung mag-isa lamang ito, wala itong
kakayahang magbunsod ng pagpapalaya. Mapaghihinuha sa tinatakalay na kondisyon nina Jose
at Lumbera ang pangangailangan ng pagsasanib-pwersa ng dalawang larangang panlipunan
upang mapalakas ang kilusan para sa adhikaing Filipinismo na daan sa pambansang
pagpapalaya. Kinakailangang magkasabay na mapalakas ng guro ang kanyang identidad hindi
lamang bilang kritiko ng pambansang kultura at intektwal na akademista kundi dapat niyang
taglayin ang pagiging progresibong mamamayan at makabayang Pilipino na tagapagsiwalat ng
tunay na kalagayang panlipunan at kasaysayang Pilipino na nakikisangkot sa adyenda ng
pagpapalaya sa ganid na sistema ng kapitalismo, bumabalikwas sa pambansang pagsasamantala
at tumututol sa dikta ng imperyalismo at kanluraning ideya. Sa ganyan, ang pagiging artista at
guro ng bayan ay napalalakas at napagkakaisa sa tunguhin ng ganap na pagpapalaya.

Bibliograpiya

Arrogante, J., et al. (2009). Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Navotas City:
National Bookstore, Inc.

Constantino, P. at Atienza M. (Ed) (1996). Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Quezon
City: University of the Philippines Press.

De Ocampo, N. (1985). Short Film: Emergence of a New Philippine Cinema. Manila City:
Communication Foundation for Asia.

Guieb III, E. (2009). Mula Indio Hanggang Indie: Kakaibang Kaindiehan. (masisipat sa
http://yccfilmdesk.blogspot.com/2011/12/critic-of-the-month-eulalio-r-gueib-iii-on.html)

Infante, E. (1991). Inside Philippine Movies 1970 1990: Essay for students of Philippine
Cinema. Quezon City: Ateneo De Manila University Press

Peregrino, J., et al. (2002). Minanga: Mga babasahin sa varayti at varyasyon ng wikang
Filipino. Quezon City: Unibersidad ng Pilipinas Surian ng Wikang Filipino.

Reyes, M. (1996). Malikhaing Pelikula: Mga Sanaysay tungkol sa Pelikulang Pilipino kasama
ang iskrip ng Dream Filipinos at Swapings. Makati City: Media Plus Publishing

Lumbera, B. (2007). Mula Tore Patungong Palengke. Quezon City: Ibon Foundation Inc.

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo
Pahina |1

__________(1992). Pelikula: An Essay on the Philippine Film: 1961 1992. Pasay City:
Cultural Center of the Philippines

Tolentino, R. (2009). Politikal na Filmmaking. Bulatlat.com (masisipat sa


http://rolandotolentino.wordpress.com/2012/03/02/politikal-na-filmmaking/)

_____________ (2004). Paghahanap ng Virtual na Identidad. Pasig City: Anvil Publishing Inc.

_____________ (2004). Ang Bago, Bawal, at Kasalukuyan. Pasig City: Anvil Publishing Inc.

Valerio, E. Ang Pelikulang Bukod na Bukod: Ang Pelikulang Alternatibong Pelikula Bilang
Mapagpalayang Sining. DALUMAT Ejournal. Volume 1, Number 1 (2010): 7; 15.

PASADO-PAMBANSANG-SEMINAR WORKSYAP 12
Jonathan Vergara Geronimo

You might also like