You are on page 1of 4

Alegorya Ng Yungib

Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at
nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay
mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos
sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.Ang
larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang Alegorya ng Kuweba.
Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga
anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa Mundo ng mga Ideya. Ang mga
konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin
lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang silay matuklasan.Taliwas naman ang
turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay Aristotle, ang katotohanan ay ang
karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata, tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa.
Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayoy ipinanganak, taliwas sa turo ng guro
niyang si Plato. Ang isip ng tao ay tinagurian ni Aristotle na Tabula Rasa na ang ibig sabihin ay
blankong tableta. At bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa
nasabing tableta. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.Sa paglipas ng mga taon, mas
pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Kahit ako ay palo sa kaisipan ni
Aristotle. Ngunit napag-isip-isip ko, bagamat mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa
pagtahak sa mundo ng rasyunalismo ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.Sa
tingin koy may punto pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa aninong tinuran ni
Plato, hindi ibig sabihiy hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas
makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi bat ang batong ating nakikita ay binubuo
ng mga atomos na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Hindi bat ang materya ay patuloy
na mahiwaga sa atin? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit
sa quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala
nang pag-unlad sa ating agham.Sa ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay
hugis ng kanilang gamit at itoy buod ng relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang
materya. Alam kong mali ang konsepto ni Plato sa kanyang rasyunalismo ngunit gusto kong
sundan ang kanyang lohika ang pagtuklas sa mas malawak at makapagpapalayang na
realidad.

ANG ALEGORYA NG YUNGIB

PLATO - Si Plato ang nagtatag ng paaralang tinawag na academia sa Athens noong


385 b.k. malawak ang nagging impluwensya ng paaralang ito at umiral nang mahigit 900
taon makaraang mamatay si plato.
Ang nagsalin ng panitikang ito ay si Willita A. Enrijo. Isinalin ito sa Filipino galing sa
Panitikang Greece.

Ginagamit ang salitang Sinaunang Gresya patungkol sa mga tao, pamumuhay at


kaganapan sa mga lugar kung saan Grego ang salita ng mga tao noong sinaunang
panahon.
Ang kulturang Griyego lalo na ang pilosopiya ay makapangyarihang nakaimpluwensiya
sa Imperyong Romano na nagdala ng bersiyon nito sa maraming mga bahagi ng Europo
at ito ang isa sa mga inspirasyon ng Muling Pagsilang sa Kanlurang Europa.

Si Homer ang pinakasikat sa mga bumuo ng panitikang griyego, siya ang itinuturing na
ama ng epikong griyego dahil sa dalawang malalaking obra niya, ang odyssey at ang
iliad.
Bukod sa mga epiko, gumawa rin ang mga griyego ng mga komedya, trahedya, drama,
at kasaysayan ng mundo (o ng mundong kilala nila).

BUOD NG ISASALAYSAY
GITNA
PANGKALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG GRESYA
Ang Gresya ay matatagpuan sa pagitan ng Europa, Asia, at Aprika. Dito naganap ang
Klasikong Kabihasnan; naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyo Romano, at
apat na siglo ng paghahari ng Imperyong Ottoman.

ARALIN 1.2 : SANAYSAY MULA SA GREECE


Pangkat 1
x - salcedo
PANIMULA
TAGPUAN
WAKAS
URI NG TEKSTO
PAGNINILAY
PAGTUTULAD
TAUHAN
PANGYAYARI
MENSAHE
May karapatan ang tao na pumili kung siya ba ay magpalabilanggo sa madilim na
yungib o magpapasilaw sa liwanag na nangangahulugang katotohanan.
Parehas na nagsasalaysay nang kanilang damdamin at mga kuro kuro.
Ang bawat isa ay tumutulakay sa higit pa na pakahulugan sa liwanag, ningning at
yungib. Bawat salita ay may ibig bigyang kahulugan sa paraang tanging mga umiintindi
lang ang makakaalam.
Ipinakita ang isang anyo na dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan:
Mga taong naninirahan sa yungib at hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos. May
apoy na nagliliyab, sa pagitan at may mga bilanggo. Sa mababang pader, katulad nito
ang isang pinagtatanghalan ng mga puppet.
naglalahad
Nagpapaliwanag ito ng konsepto at opinyon.
Sa sariling bayan. Sina Socrates at Glaucon ang nagsasalaysay.
Ipinakikita ng dalawang kwento na madali tayong naakit sa iba't ibang layunin at tunay
tayong nahuhumaling na rito. Ang pagkaakit natin sa ningning na ito at ang pagkabulag
natin sa liwanag ay nagdulot ng masamang bunga sa atin.
Inilarawan ni Plato ang tunay na kalagayan ng tao kung saan paniwalang paniwala tayo
na totoo ang nakikita natiin at nabubuhay tayo sa katotohanan mula sa paniniwala na
walang laman sa anino. Ginising niya tayo mula rito at itinuro ang direksyong totoo.
Ang Alegorya ng Yungib ay isang sanaysay na ginawa ni Plato upang masaksihan nating mga
tao ang hirap o suliranin na ginawa ng tao sa mundo patungo sa liwanag.

Ang punto ng may akda ay nagpapahiwatig siya upang maipakita niya ang isang anyo
na dapat nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya
rin na may mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na
silay gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na
masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating
mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw
araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.

Ang napansin kong kakaiba na ginagawa niya ay wala dahil ginawa niya naman ang
sanaysay upang ang mambabasa ay makaunawa sa pangyayari at makapulot ng aral
sa Alegorya ng Yungib . Ang may akda ay gumagawa ng paraan upang ang kanyang
sanaysay ay maihahalintulad sa naging karanasan ng tao , di mapagkaila na sa
paggawa niya nito ay nakaranas din sya ng kadiliman na siyay tumungo sa
kaliwanagan.

Oo , nakaranas din kasi ako ng mga paghihirap sa buhay at hindi ko ito binalewala
kundi gumawa ako ng solusyon sa tulong ng Panginoon akoy kanyang binangon at
binuksan muli ang puso at tumayo na syang maghahatid sa akin patungo sa liwanag.

Tanong ko lang sa may akda ay :

Una , May karanasan ka din ba sa iyong ginawang sanaysay ?

Pangalawa , Sino ang naging o Ano ang naging inspirasyon mo sa paggawa ng iyong
sanaysay ?

At huli , Sa iyong palagay makakagawa din ba ako ng sanaysay kagaya mo ?

ELEMENTO NG SANAYSAY

Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing


na paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura - ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang
mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay
makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
Kaisipan- Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.
Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay
nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng
simple, natural at matapat na mga pahayag.
Larawan ng Buhay - Nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang
salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda.
Damdamin -Naipapahayag ang isang magaling na may-akda ang kaniyang
damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at
kaganapan.
Himig - naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya,
malungkot, mapanudyo at iba pa.

You might also like