You are on page 1of 4

Buhay Mag-aaral"

Halos karamihan sa atin ay naranasan ang maging isang mag-aaral o estudyante, ngunit
kapag tinanong ang bawat isa sa atin kung ano nga ba talaga ang buhay nang isang estudyante
my nagsasabing mahirap, may nagsasabi din namang ito ang pinakamasayang yugto ng buhay
ng isang tao. Kung hihingiin ang depinisyon ng bawat isa ukol dito ay ang depinisyon nila ay
nababatay sa kung ano man ang naranasan nila noong mga panahong sila ay estudyante pa,
magandang karanasan man ito o hindi.

Kung ako ang tatanungin kung ano nga ba ang buhay bilang isang mag-aaral ay,
sasagutin ko ito batay din sa aking naging karanasan bilang isang estudyante. Bilang isang
estudyante masasabi kong mahirap at masaya ang yugtong ito, mahirap sapagkat mararanasan
mong hindi matulog ng ilang gabi dahil sa kakalaro ng DOTA kahit na may pagsusulit, at hindi
mapigilang pag FACEBOOK kahit na may mga proyekto na dapat ipasa sa takdang oras,
mararanasan mo ding magkaroon ng isang gurong napakasungit dahil s iyong katamaran , at
higit sa lahat mahirap tanggapin na babagsak ka sa isang asignatura kahit ginawa mo na ang
lahat nang diskarte upang makapangopya sa iyong katabi matapos mangalay ang iyong leeg
dahil sa paghaba makita lamang ang sagot ng iba yun pala ang nakopyahan mo ay isang
manghuhula,, kay saklap nga namang kapalaran uulit nanaman,,tsk,tsk,, :(

Masaya naman dahil madami kang bagong makikilalang kaibigan, bagong inspirasyon,
kahit hanggang tingin ka lang ayos na. At ang pinakamasaya sa lahat palagi kang may sideline
dahil sa mga kunyaring proyekto, at mga bayarin sa eskwelang ikaw lang ang nakakaalam. Ito
ang buhay estudyante! hahaha :)

Buhay sa Bukid

Simple, payak at tahimik na pamumuhay. Yan ang maihahalintulad ko sa pamumuhay sa


ganitong lugar.

Mahirap mamuhay sa bukid, walang telebisyon, kuryente, internet, mga hi-tech na gadgets
(nung panahong una). Mga bahay na yari sa haliging kahoy, sawaling dingding, pawid at kugon
na bubungan, at kawayan na batalan.Mararanasan mo ang tumutulong bubungan pag umuulan
na kelangan mong sahudan ng mga balde at timba para hindi kumalat ang tubig sa loob ng
bahay.
Sa araw araw kelangan mong umigib ng tubig mula sa mga salulong kawayan na nanggagaling
sa mga bukal. Ito ang gagamitin sa pang hugas ng mga plato, pampaligo, at sa kung ano ano pa.

Bahay kubo sa gitna na Palayan

Kapag may alaga kang mga hayop, isa rin ito sa pinagkakakitaan sa lugar na ito. Pangkaraniwan
alagaan dito ay ang mga manok, bibi, pabo, gansa, baboy, baka, at syempre ang kalabaw.
Kelangan mong magpatuka sa umaga ng mga manok, na isasabog mo lang ang palay o mais sa
inyong harapan ng bahay. Minsan pa nga kakalampagin mo lang ang lalagyan ng patuka,
maglalapitan na sila lahat.

Isa rin sa magandang gawin dito ay ang pagtatanim ng halaman, lalo na ang mga gulay at prutas.
Yung tipong pupunta ka lang sa likuran ng bahay makakakuha ka ng pang ulam. Hindi mo na
kelangan bumili at pumunta sa pamilihan sa bayan.

Pangkaraniwang hanapbuhay dito ay pagsasaka, magbubukal ng lupa sa pamamagitan ng araro


at kalabaw ( sa ngayon meron ng mga traktora), kelangan mong linangin at patagin ang putik, at
magpunla ng binhi. Syempre kelangan itanim ito, kasunod nito ang pagsasabog ng pataba,
kelangan gamasan at alisin ang mga damo, magbomba ng pestesidyo, at patubigan. Kelangan
maghintay ng apat (4) buwan bago ka kumita sa iyon ani.
Ito ang siklo ng buhay ng magsasaka, paulit ulit. Pagkatapos mag ani (graduate na) babalik uli
sa pagbubungkal ng lupa (balik unang baitang). Walang promosyon, walang dagdag sahod,
walang bonus, walang health benefits, walang insurance.

Bayanihan (kaugaliang pilipino)

Sa ngayon, hindi katulad ng dati ang patubig sa palayan. Salamat sa tulong ng irigasyon na
nagsusuplay ng tubig. Mabilis nitong dinadala ang patubig sa kanyang patutunguhan.

Nadyan ang mapapalubog ka sa putik na lampas tuhod madala mo lang ang iyong buhat buhat
na sako patungo sa gitna ng palayan.

ang aking kapatid nagsasabog ng abono(fertilizer) sa palayan

Eto ang buhay sa kabukiran, payak, simple, mahirap, masarap. Pangarap ng ilang tao.

Ikaw?

Pangarap mo rin ba ito?

You might also like