1 Pilipinas

You might also like

You are on page 1of 296

Pilipinas

Introduksyon

Ang Pilipinas ay tinawag na Perlas ng Silangan o Pearl of the Orient


Sea dahil sa angking kagandahan na tinataglay nito. Ang ganda ng
Pilipinas ay inihambing sa kagandahan ng isang perlas na matatagpuan
sa gitna ng karagatan. Ang kintab at ang kinang nito ay ang dahilan ng
pagkahumaling ng mga dahuyan sa bansa.

Ang bansang Pilipinas ay mula sa Felipinas, na unang ipinangalan


ni Ruy Lopez de Villalobos sa bansa sa karanganlan ni Prinsipe Felipe na
naging Haring Felipe II ng Espanya. Sa pamamagitan ng Presidential
Decree 940 na ipinalabas noong ika-24 ng Hunyo, 1976, ang Maynila ang
kabisera ng bansa.

Panitikang Asyano| 532


Demograpiya

Ang Pilipinas ay tila tatsulok ang hugis na matatagpuan sa pagitan


ng Taiwan (sa Hilaga) at Borneo (sa Timog). Napapalibutan ito ng
malalaking bahagi ng katubigan: ang Dagat-Celebes sa Timog, at Dagat
Tsina sa Kanluran. May 300,000 kilometrokuwadrado ang laki nito na
halos kasinlaki ng Italya at dalawang beses ang kalakihan sa Gresya.Ang
Pilipinas ay may kabuuang lawak ng lupa na may 115,707 milyang
kuwadrado. Ang pinakamalaking pulo o isla ay ang Luzon (40,420 milyang
kuwadrado), sumusunod ang Mindanao (na may 36,537 milyang
kuwadrado) at ang huli ay ang pulo ng Visayas. Binubuo ang bansa ng
higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo.

Ang lupain ng Pilipinas ay mataba kahit na ito ay mabundok. Ang


mga hanay ng bundok ay may makakapal na kagubatan na pumipigil sa
baha at pagguho ng mga lupa. Mayroon din itong malalawak na
kapatagan. Ang pinakamalawak ay iyong nasa kalagitnaang kapatagan ng
Luzon at ang kapatagan sa Mindanao. Naniniwala ang mga siyentipiko na
kung makabagogng paraan ng pagtatanim ang gagamitin sa mga
kapatagang ito, makakasapat ang ani para sa pangangailangan ng bansa.
Ang ating bansa ay mayroon ding malalawak at masasaganang lambak,
tulad ng Lambak ng Cagayan. Mayroon din itong masasaganang talampas
na matatagpuan sa Bukidnon. Maraming burol ang matatagpuan sa iba't
ibang panig ng kapuluan. Ang mabababang bundok na matatagpuan sa
mga gilid ng pulo ay nagsisilbing lupa para sa pagpapastol. Ang Bundok
Apo sa Mindanao ay may pinakamatas na taluktok samantalang ang
Bulkang Taal sa Batangas ang may pinakamababa.

Ang Pilipinas ay binayayaan ng mahahabang baybaying-dagat. ito


ang dahilan kung bakit ang mga naninirahan sa malalapit sa mga ilog at
dagat ay paningisda ang ikinabubuhay. Bukod sa mga dagat, mayroon din
itong mga ilog, lawa, look at golpo na pinanggagalingan ng iba't ibang
pagkaing-dagat tulad ng hipon, alimango, talaba, halamang-dagat at
mahigit na dalawang libong iba't ibang uri ng isda.Kabilang sa mga uri ng
isda ang pandaca pygmea o sinarapan na matatagpuan sa Lake Buhi sa
Camarines Sur. Ito ang kinikilalang pinakamaliit na uri ng isda sa buong
daigdig.Kilala rin ang Pilipinas sa pagkakaroon ng pinakamalalim na
karagatan, ang Philippine Deep na may 32,000 talampakan ang lalim.

Klima

Ang Pilipinas ay isang bansang tropiko. Mainit at maalinsangan ang


klima ng Pilipinas tuwing tag-araw na magsisimula mulang Pebrero
hanggang Mayo. Samantalang mahalumigmig kung tag-ulan na

Panitikang Asyano| 533


sumasapit tuwing Hunyo hanggang Setyembre. Magsisimulang umihip
ang hanging amihan pagdating ng Oktubre, bagaman ang ilang bahagi ng
kapuluan ay makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan. Angkop na
angkop ang naturang klima para sa pagsasaka, paghahayupan, pagbubuo
ng industriya, at kahit sa paglalakbay.Humigit-kumulang na nasa 26.5°
sentigrado ang temperatura ang umiiral sa buong taon.

Watawat

Ang watawat ng Pilipinas ay unang nasilayan sa Kawit, Cavite noong


Hunyo 12, 1898 nang winagayway ito ni Heneral Emilio Aguinaldo sa
kanyang balkonahe nang ideklara niya ang kalayaan ng Pilipinas. Ito ay
tinahi nina Doña Marcela Marino de Agoncillo, ang anak niya na si Lorenza
at si Gng. Delfina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Dr. Jose Rizal.
Ang disenyo naman nito ay galing kay Heneral Aguinaldo na ibinigay sa
kanila sa Hong Kong noong panahon na pinaalis siya ng mga Amerikano
sa Pilipinas.

AngPUTI ay nagpapahiwatig ng kalinisan habang anghugis nito na


TATSULOK ay nagpapahiwatig ng pagkapantay-pantay. Ang kulay
ASUL ay sumisimbolo sa kapayapaan at pagkakaisa. Ang PULAnaman ay
katapangan ng bawat Pilipino na ipaglaban ang sariling bansa. Ang ARAW
ay sumisimbolo sa malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino upang
makamit ang daan patungo sa kaunlaran habang ang 8 SINAGnito ay ang
Manila, Bulacan,Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna, Cavite at Nueva
Ecija. Ito ay ang 8 probinsya na unang nag-aklas laban sa Espanya. Ang 3
BITUIN naman ay ang Luzon, Visayas at ang Mindanao, ang 3
pangunahing pulo sa Pilpinas.

Panitikang Asyano| 534


Ayon sa seksyon 12 ng batas, “kapag ang watawat ng Pilipinas ay
itataas kasama ang iba pang watawat, at kung ito ay parehong
pambansang watawat, ito ay dapat itaas sa magkahiwalay na poste o
lalagyan, na may parehong sukat at parehong laki ng watawat.”
Kinakailangan din na kapag ang watawat ay nakabitin o nasa nakatayong
posisyon, ang asul na bahagi ay dapat na nasa kanan (nasa kaliwa ng
tumitingin). Dahil sa kadalasang makikita ang watawat ng Pilipinas sa
mga paaralan, opisina at entablado, nararapat lamang na ilagay sa kaliwa
ang watawat (kapag nakaharap sa entablado) o kaya naman sa kaliwang
bahagi ng opisina sa pagpasok.Kapag ang asul na bahagi ng watawat ay
nasa itaas, nangangahulugan ito na payapa ang bansa. Kapag ang pula
naman ang nasa itaas, nangangahulugan ito na may giyera.

Pambansang Awit

Ang Lupang Hinirang o “Marcha Nacional Filipina”, Pambansang


Awit ng Pilipinas, ay isang marcha na binuo ni Julian Felipe at unang
pinatugtog sa Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong 12 Hunyo 1898.
Ang komposisyon, na unang naisulat sa salitang Espanyol, ay
inilathala noong 3 Setyembre 1899 sa La Independencia, isang pahayagan
ng rebolusyon.
Noong ika-5 Hunyo 1898 ay kinomisyon ni Emilio Aguinaldo si
Julian Felipe, isang kompositor ng Cavite, na gumawa ng isang marcha
para sa mga rebolusyonaryo. Ginawa ni Felipe ang komposisyon sa loob
ng anim na araw, at noong ika-11 ng Hunyo, itininanghal ni Felipe ang
musika sa harapan ni Aguinaldo at ng kanyang mga tinyente. Pinatugtog
ng bandang San Francisco de Malabon ang marcha ng pambansang awit
habang iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.
Ang titik ng awit ni Palma ay isinalin sa Ingles ng mga edukador na
sina Camilo Osias at M.A.L. Lane noong 1920.Sa ilalim ni dating
Presidente Jose P. Laurel, isinalin ng Surian ng Wikang Pambansang titik
ng pambansang awit sa salitang Ingles at Pilipino noong 1943. “National
Ideal” ang naging pamagat nito sa Ingles at “Diwang Bayan” naman sa
Filipino.
Noong 1956 isinalin muli ang Espanyol na bersyon ng pambansang
awit ng isang grupo ng mga Pilipino, binubuo ng mga musikero,
manunulat at ilang opisyal ng pamahalaan na binuo ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ang naging pamagat ng ginawa nilang pagsasalin ay “Lupang
Hinirang”, na siyang inihayag na opisyal na titik ng pambansang awit
noong 19 Disyembre 1963, sa ilalim ng Proklamasyon ng Presidente bilang
60.

Panitikang Asyano| 535


Lupang Hinirang (salin sa Ingles)
Bayang magiliw, perlas ng
silanganan Land of the Morning,
Alab ng puso, sa dibdib mo'y Child of the sun returning,
buhay. With fervor burning,
Lupang hinirang, duyan ka ng Thee do our souls adore.
magiting, Land dear and holy,
Sa manlulupig di ka pasisiil.
Cradle of noble heroes,
Ne’er shall invaders
Sa dagat at bundok,
Trample thy sacred shore.
Sa simoy at sa langit mong
bughaw, Ever within thy skies and
May dilag ang tula through thy clouds
At awit sa paglayang minamahal. And o’er thy hills and sea
Do we behold the radiance, feel
Ang kislap ng watawat mo'y the throb,
Tagumpay na nagniningning; Of glorious liberty.
Ang bituin at araw niya Thy banner, dear to all our
Kailan pa ma'y di magdidilim.
hearts,
Its sun and stars alight,
Lupa ng araw, ng luwalhati't
O, never shall its shining field
pagsinta,
Be dimmed by tyrant’s might!
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may nang- Beautiful land of love,
aapi O land of light,
Ang mamatay nang dahil sa iyo. In thine embrace ‘tis rapture to
lie,
But it is glory ever, when thou
art wronged,
For us, thy sons, to suffer and
die.

Philippine National Anthem

Panitikang Asyano| 536


Ang
Panitikan ng
Pilipinas sa
Iba’t ibang
Panahon
Panitikang Asyano| 537
Panahon Bago Dumating ang mga Kastila

Kapaligirang Pangkasaysayan

1. Ang mga negrito o Ita

Ang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang Negrito o


Ita. Walang sariling kulturang masasabi ang mga Ita. Wala silang
nalalaman sa agham, sa paghahanap buhay, sa pamahalaan, sa sining,
sa pagsusulat at sa pamumuhay. Sa panitikan ay wala silang nalalaman
kundi ilang awitin at pamahiin.

2. Ang Pagdating ng mga Indonesyo

Ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol at Kaukao


kaya’t sila’ymapuputi at manilaw-nilaw ang mga balat. Walang masasabi
gaanong kultura ang kanilang dinala rito liban sila’y marunong nang
mamahay ng sarili, marunong magtanim ng mga halaman at marunong
nang magisda. Pagkaraan ng 4000 taon ay dumating naman ang
ikalawang sapit. Iba ang mga hitsura nito kaysa mga unang Indonesyong
nandarayuhan sa atin. Ang mga Indonesyong ito’y nakahihigit ng
kalinangan kaysa doon sa una. Sila’y may sarili nang sistemang
pamahalaan, may mga hanapbuhay, marunong magluto ng pagkain at
may dalang panitikang gaya ng epiko, kuwentong bayan, mga alamat, mga
pamahiin at pananampalatayang pagano. Sila ang mga ninuno ng mga
Ifugao.

3. Ang Pagdating ng mga Malay

Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang


unang pangkat ay nakarating dito noong kumulang humigit sa 200 taon
bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo. Ang mga Malay
na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting
pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga
ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguianes. Ang ikalawang pangkat ay
dumating dito mula noong 100 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo.
Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Sila’y
may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat
at mga karunungang bayan. Sila ang nagdala ng Baranggay. Ang ikatlong
pangkat ay ang mga Malay na Moslem. Nagdala sila dito ng epiko, alamat,
kuwentong bayan at ng pananampalatayang Muslim.

Panitikang Asyano| 538


4. Ang mga Intsik

Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600


salitang Intsik ay bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi,
susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw,
inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling sa
Intsik.

5. Impluwensiya ng mga Bumbay

Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang


epiko, awiting bayan at liriko. Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu
na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga ito’y, guro, bansa, mukha, likha,
hukom, dukha at iba pa.

6. Mga Arabe at Persiyano

Nagdala sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat.

7. Impluwensiya ng Imperyo ng Madjapahit

Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa


Indonesya ay nagging napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit
bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo Tsina, Cambodia, Siam, Anam,
Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya
ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong
bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong
bayan ng mga nabanggit na mga bansa.

8. Ang Imperyo ng Malacca

Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o


Rajah. Sinasabing ang karaniwang pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay
impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.

B. Mga Bahagi ng Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila

1. Panahon ng mga Alamat at Mga Katangian Nito

Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng


pagdating ng ikalawang pangkat ng mga Malay. Ang kanilang panitikan
ay pasalita lamang na binubuo ng mga mitolohiya, alamat, kuwentong
bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya’y sumasamba sila sa

Panitikang Asyano| 539


punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila sa
pamahiin.
a. Bulong

Ang bulong ay isang uri ng tradisyonal na dula at ito’y labis na


pinaniniwalaan ng mga unang Pilipino. Isa pang pagbulong ay paghingi
ng pahintulot sa pinaniniwalaan nilang nuno sa punso.

b. Kasaysayan ng Alamat

Bago pa dumating ang mga Kastila ay mayaman na ang mga Pilipino


sa alamat. Angalamat ay isang uri ng panitikang tuluyang
kinasasalaminan ng mga matatandang kaugaliang
Pilipino at nagsasalaysay ng pinagbuhatan ng isang bagay, pook o
pangyayari. Ang pangyayari’y hindi makatotohanan at hindi
kapanipaniwala.

2. Ang Mga Kuwentong Bayan

Bago pa lumaganap ang panitikang paulat ay laganap na sa


Pilipinas ang kuwentong bayan. Ito’y isang tuluyang kuwentong
nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. Karamihan ng mga kuwentong
baying Pilipino ay tungkol sa kanilang mga Diyos, at mga ispiritu na
siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao.

Ang mga kuwentong bayang ito’y naglalarawan ng mga kaugalian,


pananampalataya at mga suliraning panlipunan ng panahong yaon. Kahit
na ang mga kuwentong ito’y may mga kababalaghan at di
kapanipaniwalang mga pangyayari, marami ang nagbibigay ng aral.

3. Panahon Ng Mga Epiko

a. Mga Katangian ng Panahong Ito

Sa panahong ito dumating ang mga Malay na may sarili nang


alpabeto na tinatawag na Alibata. Sila ang mga Malay na Muslim na
maalam nang magsulat. Ito ang alpabetong Arabe na hanggan ngayon ay
ginagamit pa ng mga Muslim sa Mindanaw at Sulu. Hinalinhan ng Kastila
ang tawag sa alpabetong ito at tinawag na Baybayin at ngayon ay siyang
tinatawag na Abakada. Ang epiko’y isang tulang pasalaysay na ang
karaniwang paksa’y tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan at
kabayanihan ng mga tao noong unang panahon. May mga pangyayari
ditong hindi kapani-paniwala at maraming kababalaghan. Maraming mga
epikong isinalin ng mga misyonerong Kastila, gayon din ng mga

Panitikang Asyano| 540


pokloristang Amerikano nguni’t marami pa rin ang hindi naisalin sa
kakulangan ng mga mag-aaral sa lingguwistika. Kaya’t ang marami sa
epikong Pilipino ay nakikilala lamang sa pamagat.

4. Ang mga Awiting Bayan

Ang awiting bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng


damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o
hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
Maraming mga uri ng mga awitin. May mga awit tungkol sa pagdakila sa
kanilang Bathala, pagawit sa pagsisisi sa kasalanan, pag-awit upang
sumagana ang mga ani, pag-awit tungkol sa katapatan ng pag-ibig, pag-
awit sa pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag-awit sa pagpapatulog ng
bata, pag-awit sa kasal, pag-awit bilang pagpuri sa kanilang mga ninuno.
May mga awit namang malaswa ang sinasabi at may kagaspangan ang
mga pananalita.

5. Ang mga Karunungang Bayan

Ang mga karunungang bayan ay binubuo ng mga bugtong,


salawikain, sawikain, kasabihan at palaisipan. Karamihan ang mga ito’y
nanggaling sa mga Tagalog at hinugot sa mga mahahabang tula. Ang mga
unang salawikain at sawikain ay may pagkakatulad sa ma tula ng Indiya,
Indonesya, Burma at Siyam. Ito’y nagpapatunay lamang na noong unang
panahon ay nagdala ang mga bansang nabanggit ng impluwensiya ng
kanilang panitikan sa Pilipinas.

a. Ang Bugtong

Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.


Ito’y binibigkas ng patula at may lima hanggang labindalawang pantig.
Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.

b. Ang Salawikain

Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng


mga matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang mga
kabataan sa mabuting asal. Ito’y patulang binibigkas na may sukat at
tugma. Ito ang nagsilbing batas ng magandang kaugalian at pagkilos
noong panahon ng ating mga ninuno.

k. Ang Mga Sawikain

Panitikang Asyano| 541


Ang sawikain, bagaman patula rin at may sukat at tugma ay iba
kaysa salawikain sapagkat’t ito’y nagpapahayag ng katotohanan at
nagpapakilala ng gawi o ugali ng isang tao.

c. Ang Mga Kasabihan

Ang mga kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o


pagpuna sa isang gawi o kilos ng ibang tao. Ito’y patula rin.

d. Ang Palaisipan

Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Ito’y gumigising sa isipan


ng tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Kahit na sa
paaralan ngayon ay ginagamit na ang palaisipan sapagka’t ito’y isang
paraan upang tumalas ang isipan ng mga mag-aaral.

g. Ang Mga Unang Dulang Pilipino

Ang unang dulang Pilipino ay patula rin ang usapan. Nang


dumating ang mga Kastila ay may nadatnan na silang mga dulang
ginaganap sa iba’t-ibang pagkakataon. Ang mga ito’y ginaganap na
kaugnay ng mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa
kani-kanilang mga pinuno at bayani.

Mga Akda sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang


katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang
Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran
ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako
ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik
pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.

Panitikang Asyano| 542


Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at
pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon
at mabunga,wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat
na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-
kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang


Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga


punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At
isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang
mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na
punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang
sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di
nasalanta.

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May


katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa.
Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang
dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang
pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa


kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng
kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan
ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang


buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa
pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng
matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit
hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang
maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung
sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang
dalawang dalaga.

Panitikang Asyano| 543


Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay
batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni
Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob
sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang
datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito,


magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang


datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito,
madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda,


mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida
kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw
niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na


ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa
buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya
kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang
kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala
ang kanyang sarili.

Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat.


Gusto niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito. Dahil si Bathala
ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas na ang
itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.

Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat. Si Kalabasa


naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang
gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.

Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang


ipagkakaloob niya sa dalawang ito. Matamang nag-isip si Bathala.

Panitikang Asyano| 544


Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin
ang kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at
walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nito’y
maliliit lamang. Wika niBathala.

Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng


banga. Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga
sanga nito dahil sa bigat ng bunga. Si Kalabasa nama’y hindi bagay dahil
maliit ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t natatakpan sa
malalapad na dahon.

Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya


nasiyahan.
Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At
napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa,
mahinog man ito’y hindi malalaglag dahil ang puno ay gumagapang
lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi
masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang
ito’y malayo sa araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat ito’y malapit
sa araw.

At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.

Mga Bugtong

Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (aso)

Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng
anak mo. (baka)

Ibon kong saan man makarating, makababalik kung saan


nanggaling. (kalapati)

Bagama't maliit, marunong nang umawit. (kuliglig)

Dala mo't sunong, ikaw rin ang baon. (kuto)

Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa ko'y abot rin ng ilong
ko? (elepante)
Kung manahi 'y nagbabaging at sa gitna'y tumitigil. (gagamba)

Kulisap na lilipad-lipad, sa ningas ng liwanag ay isang


pangahas. (gamugamo)

Panitikang Asyano| 545


Isang uod na puro balahibo, kapag nadikit sa iyo ang ulo, tiyak
mangangati ang balat mo. (higad)

Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang. (hito)

Panitikan ng Panahon ng Kastila


(1565 – 1872)

Kaligirang Kasaysayan

Maagang nagtatag ng mga paaralan ang simbahan. Sinumulan ito


ng mga misyonaryosapagkat ang pangunahing layunin ng mga kastila ay
mapalaganap ng pananampalatayangkatolisismo ang edukasyong
ibinigay sa mga Pilipino ay balot ng mga araling panrelihiyon.

Ang mga Imlpuwensiya ng Kastila sa Panitikang Pilipino

1. Ang pagkakapalit ng alibata sa alpabetong Pilipino


2. Ang pagkakasulat ng aklat pambalarila sa iba’t-ibang wikaing Pilipino
gaya ng Tagalog, Ilokano, Cebuano at Hiligaynon.
3. Ang malaking ginawang pagtulong sa simbahan sa pagsulat ng iba’t-
ibang uri ngpanitikan.
4. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana.
5. Ang pagsisinop at pagkakasalin ng mga makalumang panitikan sa
Tagalog at sa ibangwikain.
6. Ang pagkakadala sa pilipinas ng mga alamat sa Europa at ng tradisyong
Europeo na naging bahagi ng panitikang Pilipino sa ngayon, gaya
awit,corridoat moro-moro.
7. Ang wikaing kastila na siyang wika ng panitikan nang panahong yaon
at marami sa mgasalitang ito ang nagging bahagi na rin ng wikang
Pilipino.

Uri ng Panitikang Lumaganap

1. awit
2. corrido
3. duplo
4. karagatan
5. comedia
6. moro-moro
7. cenakulo
8. sarsuwela

Panitikang Asyano| 546


Mga Unang Aklat

1. Doctrina Cristiana by: Padre juan de plasencia at padre domingo


de nicua
2. Nuestra Se.ora del Rosario by: padre blancas de san jose at juan
de vera
3. Ang Barlaan at Josaphat isinalin ni padre Antonio de borja
4. Ang Pasyon by: gaspar aquino de belen, don luis guian, padre
aniceto de la merced at Padre mariano pilapil
5. Ang Urbana at Felisa by: padre modesto de castro ay tinawag na
“ ama ng klasikong
tuluyang tagalong” Iba pang isinulat niya:
-coleccion de sermons tagalog
-exposicion de las siete palabra en tagalog
-novena de san isidro en tagalog
6. Ang Dalit kay Maria- flores de mayo by: padre mariano sevilla

Mga Akdang Pangwika

1. Pag-aaral ng Barirala sa Tagalong


2. Talasalitaan sa Tagalog
3. Mga Barirala sa mga ibang Wikain

Mga Kantahing Bayan

Bago pa dumating nag mga kastila mayroon nang mga awiting


bayan ang mga Pilipino at ang mga ito’y isinalin nila sa mga sumusunod
na salin lahi. Nang dumating ang mga kastila’y lalo pang nadagdagan ang
mga kantahing bayan ng mga Pilipino. Ang mga kantahing bayan ay
bunga ng kulturang silangan at kanluran narito ang ilang halimbawa :
1. Kundiman- awit ng pag-ibig
2. Paghehele ng bata- awit sa pagpapatulog sa bata
3. Balitaw- awit sa paghaharana
4. Paghahanapbuhay- awit sa pagtatrabaho
5. Paninitsit-
6. Colado- awit ng mga taong hindi inaanyayahan sa kainan
7. Panunukso- awit sa mga bata kung nagtutuksuhan
8. Pangangaluluwa- awit sa araw ng mga patay
9. Panunuligsa- awit laban sa mga babaeng masasagwa
10. Pananapatan- awit ng mga binata sa dalagang pinipintuho.

Panitikang Asyano| 547


Mga Aklat Pangwika

Upang ang mga pilipino’y maturuan ng dasal, ang mga misyonaryo


ay nagsulat ng mga aklat na pangwika gaya ng :
1. bokabularyo
2. balirala
3. nobela
4. dasal
5. talambuhay ng mga santo
6. misteryo

Ang mga Awit at Corrido

Corrido

Ang mga paksa ng corrido ay galing sa Europe na dinala sa Filipinas


ng mga kastila.

Karamihan sa mga corridor ay walang nakasulat ng may akda. Ang


mga manunulat ng corridor ay sina: jose de la cruz, ananias zorilla at
Francisco balagtas. Ang corridor ay may 8 panting bawat taludtod. Ang
mga corridor ay:

· Doce pares de francia


· Rodrigo de villa by: jose dela cruz
· Bernando del carpio by: jose dela cruz
· Dona Ines by: Ananias zorilla
· Ang haring Patay
· Principe orentis

Awit

Ang corridor at awit ay magkatulad ng paksa, ang pagkakaiba


lamang ay ang awit ay binubuo ng 12 panting at ang corrido ay may 8
panting bawat taludtod. Ang mga sumusunod ay mga popular na awit:

· Florante at laura
· Doce pares sa kaharian ng pransiya
· Salita at buhay ni segismundo
· Bernando carpio
· Principe florino by: ananias zorilla
· Se don juan tenorio
· Principe igminio

Panitikang Asyano| 548


Francisco Balagtas

Wala pang makakapantay ng kalagayanginabot ni balagtas sa


Panitikang Pilipino. Mgasinulat ni balagtas:

· La India elegante y el negrito amante


· Oarsman at zafira
· Don nuno at zelinda
· Clara balmori
· Nudo gordeano
· Almonzar at rosemando
· Auredato at astrono
· Abdol at miserena
· Mahomet at constanza
· Bayaceto at dorlisca

Ang mga dulang patula

Hindi totoong ang pagpasok ng relihiyong katoliko sa pilipinas ay


napawi dahil ang mgaritwal at seremonya sa pagkamatay ay isang tao ay
nagpatuloy padin. Dalawang uri ngseremonya:

Karagatan

Ang karagatan ay nanggaling sa isang alamat tungkol sa isang


dalagang nawalan ngsingsing. Ang mga binatang maghahanap ng singsing
dapat sasagot ng patula kapag nahanap angsingsing matutuloy ang
kasalkasalan kapag hindi malulunod ang binata.

Duplo

Isang madulang pagtatalong patula karaniwang ginaganap sa


maluluwang ang bakuran.

Ang Tibag

Pagsasadula ng paghahanap ng krus na pinagpakuan kay kristo


nina reyna Elena at Principe constantino. Ito ay ginaganap sa buwan ng
mayo.

Ang Panunuluyan

Isang prosisyong ginaganap kung bisperas ng pasko. Isinasadula


dito ang paghahanap ng

Panitikang Asyano| 549


habay na matutuluyan ni maria para sa nalalapit niyang panganganak.

Ang Panubong

Ito ay isang mahabang tulang paawit bilang handog at


pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan.

Ang Karilyo

Isang dulang ang mga nagsisiganap ay mga tautauhang karton.

Ang Cenaculo

Isang dulang naglalarawan ng buong buhay sa muling pagkabuhay


ngating panginoon.Ito rin ang pasyon. Dalawang uri ng cenaculo:
· Hablada- hindi inaawit kung hindi patula
· Cantada – ito ang inaawit katulad ng pasyon.

Ang Moro-Moro

Dula-dulaang ang usapan sa moro-moro ay patula at karaniwang


matataas ang tono ni Amedato at Antone

· Adbal at miserena
· Rosalona, mohamet at constanza
· Dona ines cuello de garpa at principe nicanor
· Dona beatriz at Haring Ladislaw
· Cleodovas at Felipe
· Arasnan at Zafira
· Rodolfo at Rosamunda
· Clavela at Segismundo

Ito ay nag mula sa Europa. Ang mga banyagang pamagat ng mga


moro-moro. Lumaganap ang moro-moro kaya ang mga negosyante naman
ay sinamantala ang pagkahilig na ito at nagpatayo ng mga teatro. Ang mga
unang teatrong natatag ay:

-teatro cornico
-tondo teatro
-primitivo teatro

Ang manunulat ng moro-moro ay ang mga sumusunod:

Panitikang Asyano| 550


Jose dela cruz o huseng sisiw
· La Guerra civil de Granada
· Hernandez at Galisandra
· Reyna encantada
· Rodrigo de vivar

Honorato de Vera
· Do.a ines cuello de garga y el principe nicanor

Juan crisostomo o crisot na taga pampangga


· Ang sultana
· Parla
· Zafiro at rubi
Padre Jorge Fajardo kilala sa Panitikang Pampangga
· Vida de gonzalo de cordova

Nicolas Serrano na taga-Bikol


· Pantinople at aduana
· Orentis orantias

Eriberto Gumban ama ng panitikang Bisaya taga-Ilo-ilo


· Carmelina
· Felipe
· Cladones

Zarzuela

Isang dulang musical o isang melo dramang may tatlong yugto na


ang mga paksa aytungkol sa pag-ibig, panibugho at paghihiganti. Ito’y
naglalarawan din ng pang araw-araw nabuhay ng mga pilipino. Sa
makatuwid ang zarzuela ay iba sa moro-moro sapagkat buhay Pilipinona
ang tinatalakay. Upang lalong magustuhan ng mga manonood ang
zarzuela ay may kasamangkatatawanan na lagging ginagampanan ng mga
katulong sa dula. Nagmula sa Europa.

Mga Akda sa Panahon ng Kastila

Panitikang Asyano| 551


Ang Ibon ng Hari

Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo.

Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.

Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.

Hari: Tribulasyon!

Lahat: Tribulasyon!

Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig)

Ang komposisyon ng tanan

ay paglalarong mahusay!

Ang magulo ay mahalay

Sa mata ng kapitbahay.

Mga binibini at mga ginoo,

Matatanda’t batang ngayo’y naririto,

Malugod na bati ang tanging handog ko

sa pagsisimula nitong larong duplo.

Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal,

Asero ang pinto’t patalim ang urang;

Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,

Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw!

Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.

Hari: Sino ang nagnakaw?

Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan;

May isang aninong aking natanaw;

Hindi sinasadya, nang aking lapitan

Isang babae po, iyang natagpuan.

Panitikang Asyano| 552


At kitang-kita kong ikinubli niya.

Siya’y naririto at nasa tribuna,

Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!

Hari: Diyata’t bilyaka?

Sino sa kanila?

Bilyako 1: Sa unang hanay po.

Bilyaka 2: H’wag paniwalaan.

Siya’y bulaan!

(Magkakaingay)

Hari: (Sa lahat) Katahimikan!

(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan?

Bilyako 1: Ako’y nalalaan!

Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya,

Hindi maaari’t kami’y magkasama;

Kami’y namamasyal ng irog kong sinta,


Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla?

Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino

At pakaasahang parurusahan ko.

Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay,

Doon nakaupo nang buong hinusay,

Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.)

Panitikang Asyano| 553


Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?

Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik,

Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip)

Sapagkat may sala

Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)

Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari,

Mag-isip-isip ka’t baka magkamali.

(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy)

Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw.

Aking ibubulong kung pahihintulutan.

Hari: Nagpapahintulot!

Bilyako 2: (Lalapit at bubulong)

Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay?

(Siyang pagdating ng abay ng reyna)

Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala,

Isasauli ko sa kinunang hawla;

Kagabi po ito’y kinuha ng reyna


Siya ay nag-aliw sa pangungulila!

Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan!

Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan.

Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam

Nang huwag ang iba ang mapagbintangan.

Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya,

Baka nalimutan at nalingat siya.

Panitikang Asyano| 554


Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako,

Ngayo’y tinatapos itong larong duplo.

Paalam sa lahat, salamat sa inyo,

Muling magkikita pag naglaro tayo.

Tulang Korido

- Ang korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang


nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat
na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.
Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang
pagpapahayag ng mga tula.

Halimbawa:

Ibong Adarna

Ang namumuno sa Kahariang Berbanya ay si Haring Fernando.


Tinutulungan naman siya ng kanyang asawang si Reyna Valeriana sa
pamamahala. May tatlo silang anak, si Don Pedro, ang panganay, si Don
Diego, ang ikalawa at si Don Juan, ang bunso, na pawang sinanay na
maging pinuno.
Isang gabi, napanaginipan ng hari na pinatay ng dalawang lalaki
ang kanyang bunso na naging sanhi ng kanyang pagkakasakit.
Kalungkutan ang namayani sa buong kaharian dahil dito. Sa maraming
manggagamot na tumingin, isa ang nagsabi na ang tanging lunas ay ang
Ibong Adarna. Inutusan ng hari si Don Pedro upang hanapin ang ibong
magpapagaling sa kanya. Pagkalipas ng ilang taon, hindi ito nakabalik
sapagkat naging bato nang tamaan ng dumi ng ibon sa Bundok Tabor.
Ang sumunod ay si Don Diego. Katulad din ng kapalaran ni Don Diego.
Humingi ng pahintulot si Don Juan sa ama na siya ang huhuli sa ibon at
hahanap sa kanyang mga kapatid.

Naglakbay si Don Juan na ang tanging baon ay limang tinapay. Ang


isang natitirang tinapay ay ibinigay niya sa isang ketonging humingi sa
kanya ng limos. Naisalaysay niya sa ketongin ang kanyang pakay.
Tinulungan naman siya ng ketonging makipagkita sa ermitanyo. Tinuruan
siya ng ermitanyo kung paano makikilala at mahuhuli ang Ibong Adarna.
Binigyan siya nito ng isang labaha at panghiwa sa kanyang palad, pitong
dayap na ipipiga niya rito upang hindi siya makatulog at gintong sintas
na gagamiting panali sa ibon.

Panitikang Asyano| 555


Si Don Juan ay naghintay sa ilalim ng punungkahoy na kung
tawagin ay Piedras Platas. Inaantok na siya nang dumating ang ibon.
Sinunod niya ang lahat ng sinabi ng ermitanyo kaya madali niyang nahuli
ang ibon. Inutusan din ng matanda si Don Juan na buhusan ng tubig ang
dalawang batong buhay. At muli ngang nabuhay ang mga kapatid ni Don
Juan.

Habang pabalik sa Berbanya, ginawan na naman ng kasamaan nina


Don Pedro at Don Diego si Don Juan.

Isang matanda ang dumamay at nagpala kay Don Juan. Pagbalik


niya sa Berbanya, ganoon na lamang ang katuwaan ng hari. Maging ang
Ibong Adarna na ayaw umawit ay umawit at nagpakita ng pitong
magagandang bihis. Gumaling ang hari. Ang Adarna ay totoong naging
mahalaga sa hari kaya pinabantayan ito sa tatlong prinsipe. Dahil sa
kabuhungan ni Don Pedro, nakipagpalit siya ng oras ng pagbabantay at
pinakawalan ang Ibong Adarna upang si Don Juan ang maparusahan.
Nang mawala ang ibon, umalis ng walang paalam si Don Juan.

Ipinahanap ng hari si Don Juan sa dalawa niyang kapatid.


Natagpuan nila sa Armenya si Don Juan. Maganda at tahimik ang
Armenya kaya ipinasyang magsama-sama silang mamuhay dito at huwag
nang bumalik sa Berbanya.

Sa kanilang paglilibot sa Armenya, nakatagpo sila ng balon.


Naghugos sina Don Pedro at Don Diego. Subalit bumalik sapagkat
natakot. Tanging si Don Juan ang nagpahugos hanggang sa matuklasan
niya ang hiwaga sa balon. Natagpuan niya doon ang magkapatid na
prinsesa sa pangangalaga ng higante at ang huli ay ahas na may pitong
ulo. Iniligtas niya sa mga ito ang magkapatid. Naghugos ulit si Don Juan
upang kunin ang naiwang singsing ni Leonora. Pinutol ni Don Pedro ang
lubid kaysa tuluy-tuloy na bumagsak si Don Juan sa balon. Hiniling ni
Leonora sa kaibigang lobo na tulungan at gamutin si Don Juan.

Isinama ng magkapatid ang dalawang prinsesa sa Berbanya at


hiniling na sila'y magpakasal. Ngunit tumanggi si Prinesa Leonora at
humingi ng pitong taong palugit.

Muling nagkita si Don Juan at Ibong Adarna. Nalaman niya ang


tunay na pangyayari tungkol sa pagkawala ng Adarna. Pinayuhan ng
Adarna si Don Juan na layuan na si Leonora. Hanapin na lamang niya si
Donya Maria na ubod ng ganda sa kaharian ng Crystales.

Panitikang Asyano| 556


Sa tulong ng isang ermitanyo, nakarating si Don Juan sa kaharian
ng Crystales sakay sa isang agila. Nagkita sina Don Juan at Donya Maria.
Dahil sa nabihag ni Don Juan ang puso ng dalaga, itinuro sa binataang
mga dapat isagot nito pagharap sa ama, si Haring Salermo.

Sinabi ng binata kay Haring Salermo ang kanyang pakay. Handa


siyang sumunod sa anumang ipag-uutos nito. Binigyan siya ng hari ng
pitong bagay na isasagawa niya. Ilan sa mga ito ang pagtitibag at
pagpapatag ng bundok na sasabugan ng trigong gagawing tinapay sa loob
lamang ng magdamag; ang pagkuha sa singsing ng hari na nahulog sa
dagat, at marami pang iba. Sa tulong at taglay na mahika ni Donya Maria,
naisagawa lahat ng kahilingan ni Haring Salermo.

Ipinatawag ng hari si Don Juan upang mapili nito ang prinsesang


kanyang napupusuan- Si Donya Maria. Hindi ito naibigan ng hari. Binalak
ng hari na ipadala sa Inglatera si Don Juan at ipakasal na lamang ito sa
kanyang kapatid babae. Nalaman ni Donya Maria ang balak ng ama kaya
nagtanan sila ni Don Juan. Dahil dito, nagalit ang hari. Sinundan niya
ang maga itongunit hindi inabutan. Sa halip isinumpa niya ang anak.

Panahon ng Propaganda
(1872 – 1896)

Kaligirang Kasaysayan

Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong


pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang
isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at
Zamora at patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na
katibayan ng pagkakasala. Ito’y naganap noong ika-17 ng Pebrero, 1872.
Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang liberalismo sa
pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan,
at ang pagkakapadala sa kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob.
Carlos Maria dela Torre.

Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga kastila, subalit di


na nila nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang damdamin ng mga
Pilipino. Ang dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at
humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.

Ang Kilusang Propaganda

Panitikang Asyano| 557


Ang kilusang ito ay binubuo ng pangkat ng mga intelektuwal sa
gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-
Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno
at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang
layunin ng kilusang ito.

1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila


sa ilalim ng batas.

2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng


Espanya.

4. Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko.

5. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita,


pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga
karaingan.

Mga Taluktok ng Propaganda

Dr. Jose Rizal

Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Y


Realonda ang buo niyang pangalan. Siya ay
ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng
Kalamba, lalawigan ng Laguna. Naging unang
guro niya ang kanyang ina na si Teodora Alonzo.
Nag-aral siya sa Ateneo de Manila.
Nagsimula siyang mag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas,
ngunit nagtapos sa Unibersidad Sentral ng Madrid. Nag-aral din siya sa
pamantasan ng Berlin, Leipzig at Heidelberg. Ang kanyang buhay ay
nagwakas noong Disyembre 30, 1896, nang ipabaril siya ng mga Kastila
na nagparatang sa kanya ng sedisyon at paghihimagsik laban sa
pamahalaang Kastila. Ginamit niya ang sagisag na Laong-laan at
Dimasalang sa kaniyang mga panulat.

Ilan sa kanyang mga akda

Panitikang Asyano| 558


1. “Noli Me Tangere” – Ito ang una at walang kamatayang nobelang
nagpasigla nang malaki sa Kilusang Propaganda at siyang nagbigay-
daan sa himagsikan laban sa Espanya. Sa aklat na ito ay walang
pakundangan niyang inilantad ang kasamaang naghahari sa
pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas. Mahigpit na ipinagbawal
ng mga Kastila ang pagbasa ng mga ito, ngunit maraming salin ang
lihim na nakapasok sa kapuluan, bagama’t ito’y nangangahulugang
kamatayan sa nag-iingat. Ang “Noli” ay nagbigay sa panitikang
Pilipino ng mga di-malilimot na tauhang larawang-buhay na
mananatili sa isip ng mga bumabasa gaya nina Maria Clara, Juan
Crisostomo Ibarra, Elias, Sisa, Pilosopong Tasio, Donya Victorina,
Kapitana Maria, Basilio, at Crispin. Makapangyarihan ang panitik
ni Rizal sa paglalarawang-tauhan.

2. “El Filibusterismo” – Ang nobelang ito’y karugtong ng Noli. Kung ang


Noli ay tumatalakay sa mga sakit ng lipunan, ang Fili ay lantad sa
mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang katulong ngunit
higit na naging makapangyarihan, ang simbahan. Kaya’t madalas
uriin ang Nolin a nobelang panlipunan at pampulitika naman ang
Fili.

Sa Fili ay naging Simoun si Ibarra. Ang dating malamig,


mapagtimpi, at makabatas, at makapamahalaang si Ibarra ay
naglagablab na kagubatan ng ngitngit, poot, at paghihiganti sa
bulok at tiwaling pamahalaan.

3. “Mi Ultimo Adios” (Ang Huli Kong Paalam) – Ito ay kanyang sinulat
noong siya ay nakakulong sa “Fort Santiago.” Ipinalalagay ng
marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang
tula sa daigdig.

Ang tulang ito’y di nilagyan ng pamagat ng umakda. Ang


pamagat na ito’y inilapat lamang ng ibang tao nang si Rizal ay
namatay na.

4. “Sobre La Indolencia de Los Filipinos” (Hinggil sa Katamaran ng mga


Pilipino). Ito’y isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga
dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.

5. “Filipinas Dentro De Cien Años” (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang


Taon). Ito ay isang sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang
panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay mababawasan,
samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos ay

Panitikang Asyano| 559


mararamdaman. Hula ni Rizal: Kung may sasakop uli sa Pilipinas,
walang iba kundi ang Estados Unidos.

6. “A La Juventud Filipino” (Sa Kabataang Pilipino) – Ito ay isang tulang


inihandog niya sa mga kabataang Pilipinong nag-aaral sa
Pamantasan ng Santo Tomas.

7. “El Consejo De Los Dioses” (Ang Kapulungan ng mga Bathala) – Ito


ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay
Cervantes.

8. “Junto Pasig” (Sa Tabi ng Pasig) – Isinulat niya ito nang siya ay 14
na taong gulang pa lamang.

9. “Me Piden Versos” (Hinilingan Nila Ako ng mga Tula) – "1882 at “A


Las Flores de Heidelberg” (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg 1882).
Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga di-
pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.

10. “Notas A La Obra Sucesos De Las Filipinas Por El Dr. Antonio


de Morga” (Mga Tala sa Akdang mga Pangyayari sa Pilipinas ni Dr.
Antonio de Morga) 1889.

11. “P. Jacinto: Memorias de Un Estudiante de Manila” (P. Jacinto:


Memorias de Un Estudiante de Manila: Mga Gunita ng Isang
Estudyante sa Maynila) 1882.

12. “Diario de Viaje de Norte Amerika” (Talaaraan ng Paglalakbay


sa Hilagang Amerika)

Marcelo H. del Pilar

Si Marcelo H. del Pilar ay kilalang-kilala sa


kaniyang mga sagisag sa panulat na Plaridel,
Pupdoh, Piping Dilat, at Dolores Manapat. Siya’y
isinilang sa Cupang, San Nicolas, Bulacan noong
ika-30 ng Agosto, 1850.

Ang kanyang mga magulang ay sina Julian


H. del Pilar, kilalang manunulat sa Wikang Tagalog, at Ginang Biasa
Gatmaitan. Kapatid niya ang paring si P. Toribio H. del Pilar na ipinatapon
sa Marianas noong 1872. Marami silang magkakapatid at dahil doon, ang

Panitikang Asyano| 560


ginawa ni Plaridel ay hindi tumanggap ng mana at ang nauukol sa kanya
ay ibinigay sa mga kapatid.

Si Plaridel ay nagsimula ng pag-aaral sa kolehiyo ni G. Flores at


pagkatapos ay lumipat sa Kolehiyo ng San Jose. Di-nagtagal ay lumipat
siyang muli sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang kanyang Pag-aaral ng
Huling Kurso ng derecho ay napatigil nang walong taon dahil sa
pagkakagalit nila ng kura sa pag-aanak sa binyag sa simbahan ng San
Miguel, Manila noong 1869. Noong 1880 ay nakuha rin niyang matapos
ang karunungan sa pagiging manananggol.

Itinatag niya ang Pahayagang “Diariong Tagalog” noong 1882, na


pinaglathalaan niya ng mga puna at pansin sa hindi mabuting
pamamalakad ng pamahalaang Kastila at dahil sa iba’t ibang kasalanang
ibinuhat sa kanya na bunga ng paghihiganti ng mga prayle at upang
maiwasan ang gagawing pagpapatapon sa kanya ay napilitang maglakbay
sa Espanya noong 1888. Nang dumating sa Espanya, hinalinhan niya si
Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad na naging
tagapamansag ng mga banal na mithiin na ikapagkakaroon ng mga
kaluwagan sa pamahalaan ng mga Pilipino. Ngunit hindi tumagal nang
mahabang panahon at napatigil siya dahil sa pagkakaroon ng
karamdaman. Malubha na siya at hindi halos makalakad ay nagtangka
pa ring makarating ng Hongkong upang doon man lamang ay mapakilos
na niya ang kanyang kababayan. Ngunit nabigo siya sa tangka niyang ito.
Sa sakit na pagkatuyo ay namatay siya sa Espanya.

Ilan sa kanyang mga akda

1. “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” – salin sa tulang Kastilang “Amor


Patrio” ni Rizal na napalathala noong Agosto 20, 1882 sa “Diariong
Tagalog”.

2. “Kaiigat Kayo” – ito’y isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa


tuligsa ni Padre Jose Rodriguez sa Noli ni Rizal; inilathala sa
Barcelona noong 1888. Gumamit siya ng sagisag na “Dolores
Manapat” sa akda niyang ito.

3. “Dasalan At Tocsohan” – akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya


laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona, 1888. Dahil dito’y
tinawag siyang “Pilibustero.” Kahanga-hanga ang himig ng
panunuya at ang kahusayan ng pananagalog.

Halimbawa ng isang Bahagi

Panitikang Asyano| 561


“Amain naming sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo
malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa
para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning
iyong inarao-arao at patawarin mo kami sa iyong pag-ungal para ng
tauna mo kung kami’y nacucualtahan, at huwag mo kaming
ipahintulot sa inyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong
dila. Amen.”

4. “Ang Cadaquilaan ng Dios” – ito’y isang hawig sa katesismo subalit


pagtuya laban sa mga prayle na inilahathala sa Barcelona. Ito’y
isang sanaysay ng pagtuligsa laban sa mga prayle ngunit
nagtataglay ng mga pilosopiya tungkol sa kapangyarihan at
katalinuhan ng Poong Lumikha, pagpapahalaga at pag-ibig sa
kalikasan.

5. “Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas” – isang tulang nagsasaad


ng paghingi pagbabago ngunit ang Espanya ay napakatanda at
napakahina na upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas.

6. “Dupluhan…Dalit...Mga Bugtong” – ito’y katipunan ng maiigsing tula


at pang-aapi ng mga prayle sa Pilipinas.

7. “La Soberana En Filipinas” – sanaysay na tungkol sa mga katiwalian


at di-makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino.

8. “Por Telepono”

9. “Pasiong Dapat Ipag-Alab ng Puso ng Taong Babasa”

Graciano Lopez Jaena

Isinilang noong Disyembre 18, 1856, at


binawian ng buhay noong Enero 20, 1896, ang isa
sa pinakadakilang bayani at henyo ng Pilipinas, Si
Graciano Lopez Jaena. Siya ay ipinagmamalaking
anak ng Jaro, Iloilo, na ang katalinuhang taglay ay
hinangaan ng mga Kastila at Europeo. Isa siyang
kilalang manunulat at manalumpati sa
“Gintong
Panahon ng Panitikan at Pananalumpati” sa Pilipinas. Siya ay nakagawa
ng may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay binabasa ng
mga makabagong Pilipino na tinipon at inilimbag sa imprenta ni Remigio
Garcia, dating may-ari ng tindahan ng aklat, “Manila Filatica.”

Panitikang Asyano| 562


Siya ay umalis sa Pilipinas noong 1887 sa tulong ng kanyang
mayamang tiyuhang si Don Claudio Lopez upang makatakas sa
pagpaparusa sa kanya ng kanyang mga kaaway, at humantong sa
Valencia, ang pinakasentro ng kilusang Republicano ng mga Kastila tulad
nina Pi y Margall, Morayta, Moret, Castelar, salmeron, at iba pa. Simula
sa Valencia ay lumipat siya sa Barcelona at itinatag niya ang kauna-
unahang magasin, ang “La Solidaridad,” na hindi naglaon ay naging
opisyal na bibig ng “Asociacion Hispano Filipina” na binubuo ng mga
Kastila at Pilipino na siyang lumakad sa pagbabago ng mga reporma sa
Pilipinas. Dahil dito, si Graciano Lopez Jaena ay nagtagumpay na
ipamukha sa mga Kastila at sa mga tao sa mundo at ipakilala ang
nagagawa ng isang mamahayag sa kanyang bayan sa pagpapasok ng
pagbabago sa mga batas, reporma, tungo sa mabubuting kabuhayan, pag-
unlad ng kabihasnan at sariling kapakanan.

Si Lopez Jaena bagama’t hindi naging propesor ay isa ring guro sa


pamamagutan ng kanyang mga kaibigan at kamag-anakan sa Pilipinas.

Siya ay nagkasakit ng tuberculosis at namatay sa ospital na walang


bayad sa Barcelona noong ika-20 ng Enero, 1896, labing-isang buwan
bago binaril ang malapit niyang kaibigan, si Dr. Jose Rizal, sa Luneta
noong ika-30 ng Disyembre, 1896.

Ilan sa kanyang mga akda

1. “Fray Botod” – isa sa mga akdang isinulat niya sa Jaro, Iloilo, noong
1876, anim na taon pagkatapos ng himagsikan sa Kabite, na
tinutuligsa ang mga prayle na masiba, ambisyoso, at imoral ang
pagkatao. Ang “satire” o mapagpatawang Bisaya ay “malaki ang
tiyan” o mapagtawang kwentong tuligsa sa kasamaang laganap
noon sa simbahan.

2. “La Hija del Praile at ang Everything is Hambug (Ang Lahat ay


kahambugan) – dito ay ipinaliliwanag ni Lopez Jaena ang mga
kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.

3. “Sa Mga Pilipino” (1891) – Isang talumpati na ang layunin ay


mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Malaya, maunlad, at may
karapatan.

4. Talumapating Pagunita kay Kolumbus” – Noong ika-391 Anibersaryo


sa pagkakatuklas ng Amerika na binigkas niya sa teatro ng Madrid.

Panitikang Asyano| 563


5. “En Honor del Presidente Morayta dela Asociacion Hispano Pilipino”
(1884)– pinuri ni Lopez Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay-
pantay niya sa mga tao.

6. “En Honor de los Artistas Luna y Resurreccion Hidalgo” (1884) –


Matapat na papuri sa kanilang mga iginuhit na naglalarawan ng
mga kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga kastila.

7. “Amor A España o Alas Jovenas de Malolos” – (Pag-ibig ng Espanya


sa mga kababaihan ng Malolos. Pag-aaral sa Kastila ng mga babae
na ang guro ay gobernador ng lalawigan ang magbibigay.)

8. “El Bandolerismo En Pilipinas” - Ipinagtanggol ni Graciano Lopez


Jaena na walang tulisan sa Pilipinas at dapat magkaroon ng batas
tungkol sa mga nakawan at kailangang (Pilipinas) baguhin upang
hindi mahirapan ang Pilipinas.

9. “Honor En Pilipinas” – Karangalan sa Pilipinas – ang pagwawagi sa


exposisyon nina Luna, Ressurecion, at Pardo de Tavera na ang
katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.
10. “Pag-aalis ng Buwis sa Pilipinas.”

11. Isang Paglinang sa ”Institucion ng Pilipinas.”

12. “Mga Kahirapan ng Pilipinas” – Tinutukoy rito ni Lopez Jaena


ang maling pamamalakad at edukasyon sa Pilipinas – 1887.

Iba pang mga Propagandista

Antonio Luna

Si Antonio Luna ay isang parmasyotikong


dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa
Espanya.Sumanib siya sa Kilusang Propaganda at
nag-ambag ng kaniyang mga sinulat sa La
Solidaridad. Ang paksa ng kaniyang mga
isinusulat ay natutunkol sa mga kaugaliang
Pilipino, at ang iba’y tumutuligsa sa pamamalakad
ng mga Kastila.Ang ginamit niyang sagisag sa
panulat ay Taga-ilog.
Namatay siya sa gulang na 33 noong ika-7 ng Hunyo, 1899. Pinatay siya
diumano ng mga tauhan ni Aguinaldo, sanhi nang mabilis niyang
kabantugan na naging kaagaw niya sa pagtingin ng bayan.

Panitikang Asyano| 564


Ilan sa kanyang mga akda

1. “Noche Buena” – naglalarawan ng tunay na buhay Filipino.

2. “Se Divierten” – (Naglilibang Sila) – isang pagpuna sa sayaw ng mga


Kastila na halos di-maraanang sinulid ang pagitan ng mga
nagsisipagsayaw.

3. “La Tertulia Filipina” – (Sa Piging ng mga Pilipino) – naglalahad ng


isang kaugaliang Filipino na ipinalalagay niyang lalong mabuti
kaysa kaugaliang Kastila.

4. “Por Madrid” – tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang


Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga
kapag sinisingilan ng selyo.

5. “La Casa de Huespedes”– (Ang Pangaserahan)- naglalarawan ng


isang pangaserahan na ang kasera’y naghahanap ng mangangasera
hindi upang kumita, kundi upang maihanap ng mapapangasawa
ang kanyang anak.
6. “IMPRESIONES” – ito’y isang paglalarawan sa ibayong kahirapang
dinaranas ng isang mag-aaral na naulila sa amang kawal.

Mariano Ponce

Si Mariano Ponce ay naging tagapamahalang


patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng
Kilusang Propaganda. Siya ay nagkubli sa mga
sagisag na panulat naTikbalang, Kalipulako at
Naning. Nagbigay-diin ang kaniyang mga sanaysay
sa kahalagahan ng edukasyon; ipinagtanggol ang
kaniyang mga kababayan sa pag-upasala ng mga
banyaga at inilahad ang mga karaingan ng bayan.

Ilan sa kanyang mga akda

1. “Mga Alamat ng Bulakan” – naglalaman ng mga alamat at


kwentong-bayan ng kaniyang bayang sinilangan.

2. “Pagpugot kay Longino” – isang dulang Tagalog na itinanghal sa


liwasan ng Malolos, Bulakan.

3. “Sobre Filipinas”

Panitikang Asyano| 565


4. Ang Mga Pilipino Sa Indo-Tsina

Pedro Paterno

Si Pedro Paterno ay isang iskolar,


dramaturgo, mananaliksik at nobelista ng
Kilusang Propaganda. Sumapi rin siya sa
Kapatiran ng mga Mason at sa Asociacion Hispano-
Pilipino upang itaguyod ang layunin ng mga
Propagandista. Siya ang unang manunulat na
Pilipinong nakalaya sa sensura sa panitikan sa
mga huling araw ng pananakop ng Kastila.

Ilan sa kanyang mga akda

1. “Ninay” – kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila


na sinulat ng isang Pilipino.

2. “A Mi Madre” (Sa Aking Ina) – nagsasaad ng kahalagahan ng isang


ina, na nagiging malungkot ang isang tahanan kung wala ito.

3. “Sampaguitas Y Poesias Varias” – katipunan ng kanyang mga tula.

Jose Ma. Panganiban

Ikinubli ni Jose Ma. Panganiban ang


kaniyang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag
na Jomapa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng
“Memoria Fotografica.” Siya ay halos kabilang sa
mga kilusang makabayan.

Ilan sa kanyang mga akda

1. “Ang Lupang Tinubuan”

2. “Sa Aking Buhay”

3. “Su Plan De Estudio”

Panitikang Asyano| 566


4. “El Pensamiento”

Mga Akda sa Panahon ng Propaganda

Dr. Jose Rizal

Buod ng Noli Me Tangere

Kabanata I
Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de
los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga
bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang
kanyang mapanlait na ugali.

Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak
ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong
taong pag-aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni
Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang
kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.

Kabanata III
Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo
ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo
roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero,
si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang
kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.
Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi
bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi
nagpatinag ang binata.

Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na
pinakiusapan niyang magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil
wala siyang nalalaman tungkol dito. Ayon dito, ang kanyang ama ang
pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat siya ay ginagalang ay
kinaiinggitan. Pinagbintangan siyang nakapatay kaya pinagbintangan
siyang erehe at pilibustero.

Panitikang Asyano| 567


Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa
bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog.
May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot
na diyamante at ginto. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino,
pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara.

Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya
ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Maitim ang buhok, at
kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay
magandang lalaki. Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at
halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang
tunay na Kastila at hindi Pilipino.

Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may
biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang
boses ni Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan
siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Nang
magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang paningin, nakaramdam
silang dalawa ng tuwa.

Kabanata VIII
Mga Alaala

Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami


siyang naalala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi
tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na
katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga
bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at
restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.

Kabanata IX
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan

May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago.


Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na
sumakay si Maria. Biglang dumating si Padre Damaso at kinausap si

Panitikang Asyano| 568


Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa pakikipagmabutihan ni Maria
Clara kay Ibarra.

Kabanata X
Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa
isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Mula
sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw
ang kabuuan ng bayan.

Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na
pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang alperes at si
Padre Salvi ang siyang makapangyarihan dito.

Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang
malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Sa ibang
bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan
na malapit sa pader na parang babagsak na. Sinabi ng naninigarilyong
lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at
dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan
ang gayong tanawin.

Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si
Don Rafael. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila
ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing.
Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog
ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre
Garrote.

Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa katalinuhan,
pinatigil saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito para sa
anak ay maging isang pari.

Panitikang Asyano| 569


Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan. Nagtatrabaho sila
sa simbahan na taga kampana na sineswelduhan lang ng 2.00 kada
buwan. Pinapalo sila at pinagbintangan na mgananakaw sa simbahan.
Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong magagalit ito.

Kabanata XVI
Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan.
May isang oras din bago marating ang kanyang tirahan mula sa
kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking
iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan.
Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa
kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas niya ng
siya ay dalaga pa. Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at sinasaktan
pa siya.

Kabanata XVII
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo.
Dumadaloy ang masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan
si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang
onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa
kamay ng sakristan mayor.

Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Dumeretso si Sisa sa ksina ng kumbento. Nakiusap si Sisa sa
tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto,
Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang
sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na
makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng
makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari
sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa
upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong
nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng
lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay
Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael.

Panitikang Asyano| 570


Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan
at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. May
labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don
Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga
paghahanda sa pyesta.

Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding
bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng
kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung
paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi
ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay
natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang
kaba sa kanyang dibdib.

Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San
Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni
Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad
nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng
pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.

Kabanata XXIII
Ang Piknik
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na
sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang
nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila
ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa
rin ang kanilang kuwentuhan.

Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito
sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang
kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na
nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang karwahe at nagpahatid sa
piknikan.

Panitikang Asyano| 571


Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang
Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay
kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat
nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling
iwan ng simbahan.

Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na
bungang kahoy,may nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila
na katulad ng hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang
klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito ay
inuukol sa mga banyaga,kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino, mahirap
man o mayamanupang masiyahan sila sa pista.

Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan
Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang
mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang
mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa
Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista,
Kastilang-Pilipino at iba pa.

Kabanata XXVIII
Sulatan
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang
tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong
mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino.
Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng
pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre
Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng
gabinete, Batanggas at Maynila.

Kabanata XXIX
Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga
hiyas na itinatago nila.Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang
prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang
dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.

Panitikang Asyano| 572


Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga
nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na
makikilala ang mayayaman at mahihirap.

Kabanata XXX
Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong
makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa
loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng
ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi.
Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang
manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga
nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

Kabanata XXXI
Ang Sermon

Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang


kastila at Tagalog. Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre
Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang
higit na magaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.

Kabanata XXXII
Ang Panghugos

Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya


mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa
ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila
napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay
mayroong banderang iba-iba ang kulay.

Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim
nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay
nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na
dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay
mayroong kaaway.

Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat
bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang

Panitikang Asyano| 573


pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan,
pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra.
Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama
ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra.
Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero,
pinigilan siya ni Maria.

Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay
madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy
kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang binata na dungisan
ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama.

Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa
hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang
pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng.
Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay
Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra.
Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na
nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso.
Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla
at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng
Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng
mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa
katarungan.

Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga
batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na
halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni
Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang
alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan.

Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion

Panitikang Asyano| 574


Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion
ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at paraluman
ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya
pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang
katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng
kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion
siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.

Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga
kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay
naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga
taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang unang bahagi
ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito
pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga
kasama nito.

Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan
nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang
kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid.
Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang
panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra.
Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa,
magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa
Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa
kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.

Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaña
Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de Espadana,
na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng
ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si Donya Victorina na sa
biglang tingin ay napapagkamalang isang Orofea.

Kabanata XLIII
Mga Balak o Panukala
Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya
ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang
sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay
nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali
niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na

Panitikang Asyano| 575


abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni
Damaso na kakauapin nila si Tiyago.

Kabanata XLIV
Pagsusuri sa Budhi
Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang
pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng
kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang
mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa
at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo.
Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na
inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya
nilabnot ang pustiso ng asawa.

Kabanata XLV
Ang mga Pinag-uusig
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na
makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-
aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng
isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-
Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na
makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa
heneral ang mga hinaing ng bayan.

Kabanata XLVI
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa
San Diego. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at
Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa
gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina
Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.

Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay
naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang
malasin ang bahay ng mga Indio. Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng
bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin. Parehong
matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa,
ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at
nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Binanggit ng Donya ang pagiging
labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang
pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit,

Panitikang Asyano| 576


Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya
Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-pang-
abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang
pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng
kanilang pagtatalakan.

Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi
pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang
inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si
Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango
ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-
aalinlangan, gulo ang kanyang isip.

Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi
nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa
pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias
sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.
Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si
Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala.

Kabanata L
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang
malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon
na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang
bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na
lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang
tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado,
siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo
at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa,
nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang
paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng
kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang
babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang
nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito.
Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng
mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang
paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang

Panitikang Asyano| 577


buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang
hatol.

Kabanata LI
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham
mula kay Donya Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya.
Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang
papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.
Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa
paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod
sa kapritso ng Donya.

Kabanata LII
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa
mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan.
May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan.
Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw
pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang
buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama
sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang
ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.

Kabanata LIII
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na
nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga
kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na
sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni Ermana sipa
kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin
naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa
purgartoryo.

Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga
kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at
tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos
nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang
kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang
Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding
kasawian sa kanilang buhay.

Panitikang Asyano| 578


Kabanata LV
Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang
kumain. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin
ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang
sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang
magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang
kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal.

Kabanata LVI
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan
ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng
daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata
ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil
sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng bintana. Ang
mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang
nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap,
lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay.

Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang
tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit
din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang
ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito,
iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling.
Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si
Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg.
Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang
pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin
ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.

Kabanata LVIII
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang
sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng
hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka
ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na
humihila sa kariton. Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing
kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak
ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang

Panitikang Asyano| 579


salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil
dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.

Kabanata LIX
Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating
at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula
sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. Sa ibang
kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa
mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa kabilang
dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga
asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang
tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit
na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito
sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na
loob ang mga indio kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao.

Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de
Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili
ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon
ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at
mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang
usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din
na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang
nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa
wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita
niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging
manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral,
kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

Kabanata LXI
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na
itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni
Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay
kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang
bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi
nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi
inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias,
tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid.
Pero, tumanggi si Elias.

Panitikang Asyano| 580


Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa
itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita
tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman
binabasa ni Maria ang dyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na
hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal
kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na
ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang
pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang
kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang
kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito
ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na
pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na
pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.

Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa
ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad
ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot
na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol
sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring
kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga
bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero
hindi naman nananakit ng kapwa.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang
kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng
bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan.
Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa.
Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot.
Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.

Kabanata LXIV
Katapusan
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre
Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa
kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo
ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara na pinasukan
ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan
na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria,
si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin,

Panitikang Asyano| 581


nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga
kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel
na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang
mabuhay mag-isa.

Buod ng El Filibusterismo

Ang Fili ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng


Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at
nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si
Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon
na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang


pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan
sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si
Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay
huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't
nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa
kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si
Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga


estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang
Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang
kahilingang ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante,
sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga
prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante
ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng
karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing
akademya.

Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio


at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang
paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas
sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi
naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na
nang hapong yaon.

Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama


ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya
ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista

Panitikang Asyano| 582


de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay
tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman
ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na
lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay
mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga
pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante.
Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na
ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na


lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya,
maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at
pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni
Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't
sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng
pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng
kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti,


ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni
Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal
nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na
idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na
katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio


sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib
sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong
pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay
isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang
magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina
Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng
isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan
ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng
dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa
upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de
mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at
pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa
mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng
dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang
paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Panitikang Asyano| 583


Mi Ultimo Adios

Adios, Patria adorada, region del sol querida,


Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera más brillante más fresca, más florida,
Tambien por tí la diera, la diera por tu bien.

En campos de batalla, luchando con delirio


Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar;
El sitio nada importa, ciprés, laurel ó lirio,
Cadalso ó campo abierto, combate ó cruel martirio,
Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.

Yo muero cuando veo que el cielo se colora


Y al fin anuncia el día trás lóbrego capuz;
Si grana necesitas para teñir tu aurora,
Vierte la sangre mía, derrámala en buen hora
Y dórela un reflejo de su naciente luz.

Mis sueños cuando apenas muchacho adolescente,


Mis sueños cuando joven ya lleno de vigor,
Fueron el verte un día, joya del mar de oriente
Secos los negros ojos, alta la tersa frente,
Sin ceño, sin arrugas, sin manchas de rubor.

Ensueño de mi vida, mi ardiente vivo anhelo,


Salud te grita el alma que pronto va á partir!
Salud! ah que es hermoso caer por darte vuelo,
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir.

Si sobre mi sepulcro vieres brotar un dia


Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor,
Acércala a tus labios y besa al alma mía,
Y sienta yo en mi frente bajo la tumba fría
De tu ternura el soplo, de tu hálito el calor.

Deja a la luna verme con luz tranquila y suave;


Deja que el alba envíe su resplandor fugaz,
Deja gemir al viento con su murmullo grave,
Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave,
Deja que el ave entone su cantico de paz.

Panitikang Asyano| 584


Deja que el sol ardiendo las lluvias evapore
Y al cielo tornen puras con mi clamor en pos,
Deja que un sér amigo mi fin temprano llore
Y en las serenas tardes cuando por mi alguien ore
Ora tambien, oh Patria, por mi descanso á Dios!

Ora por todos cuantos murieron sin ventura,


Por cuantos padecieron tormentos sin igual,
Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;
Por huérfanos y viudas, por presos en tortura
Y ora por tí que veas tu redencion final.

Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio


Y solos sólo muertos queden velando allí,
No turbes su reposo, no turbes el misterio
Tal vez acordes oigas de citara ó salterio,
Soy yo, querida Patria, yo que te canto á ti.

Y cuando ya mi tumba de todos olvidada


No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar,
Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,
Y mis cenizas antes que vuelvan á la nada,
El polvo de tu alfombra que vayan á formar.

Entonces nada importa me pongas en olvido,


Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré,
Vibrante y limpia nota seré para tu oido,
Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido
Constante repitiendo la esencia de mi fé.

Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores,


Querida Filipinas, oye el postrer adios.
Ahi te dejo todo, mis padres, mis amores.
Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores,
Donde la fé no mata, donde el que reyna es Dios.

Adios, padres y hermanos, trozos del alma mía,


Amigos de la infancia en el perdido hogar,
Dad gracias que descanso del fatigoso día;
Adios, dulce extrangera, mi amiga, mi alegría,
Adios, queridos séres morir es descansar.

Panitikang Asyano| 585


A La Juventud Filipino

Alza su tersa frente,


Juventud Filipina, en este dia!
Luce resplandeciente
Tu rica gallardia,
Bella esperanza de la Patria Mia!

Vuela, genio grandioso,


Y les infunde noble pensamiento,
Que lance vigoroso,
Mas rapido que el viento,
Su mente virgen al glorioso asiento.

Baja con la luz grata


De las artes y ciencias a la arena,
Juventud, y desata
La pesada cadena
Que tu genio poetico encadena.

Ve que en la ardiente zona


Do moraron las sombras, el hispano
Esplendente corona,
Con pia sabia mano,
Ofrece al hijo de este suelo indiano.

Tu, que buscando subes,


En alas de tu rica fantasia,
Del Olimpo en las nubes
Tiernisima poesia
Mas sabrosa que nectar y ambrosia.

Tu, de celeste acento,


Melodioso rival Filomena,
Que en variado concento
En la noche serena
Disipas del mortal la amarga pena.

Tu que la pena dura


Animas al impulso de tu mente ,
Y la memoria pura
Del genio refulgente
Eternizas con genio prepotente.

Panitikang Asyano| 586


Y tu, que el vario encanto
De Febo, amado del divino Apeles,
Y de natura el manto
Con magicos pinceles
Trasladar al sencillo lienzo sueles.

Corred! que sacra llama


Del genio el lauro coronar espera,
Esparciendo la Fama
Con trompa pregonera
El nombre del mortal por la ancha espera.

Dia, dia felice,


Filipinas gentil, para tu suelo!
Al Potente bendice
Que con amante anhelo
La ventura te envia y el consuelo.
Sa kabataang Pilipino
(salin ng A La Juventud Filipino)

Itaas ang iyong


Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!

Makapangyarihang wani’y lumilipad,


At binibigyang ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.

Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.

Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,

Panitikang Asyano| 587


Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.

Ikaw na may tinig


Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakes.

At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;

Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal


Na ningas ng wani’y nais maputungan
Kayong naglalama’y,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.

Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.

Hinilingan Nila Ako ng mga Tula

Panitikang Asyano| 588


Hinihinging aking tugtugin ang lira
na laong panahong pipi at sira na,
ni isa mang tinig ay walang makuha’t
nagtampo na mandin sa akin ang Musa,
magbadya pa’y hirap, utal, naiiba
kung napapaliho ang isip kong dala,
nagsisisnungaling kapag tumatawa
pans ng bulaang hibik ng pag-asa,
at sa kalungkutang lagay kong mag-isa,
di na makaramdam pati ang kaluluwa!

Nagkapanahon nga at katotohanan,


ngunit yumao na ang panahong iyan
na ako ay isang makata kung turan
ng pag-uumanhin at ng kaibigan,
sa panahong yaon, ngayo’y wala namang
labing alaala kahit bahagya man,
gaya kung malabi sa mga handaan
ang kagiliw-giliw na mga awitan,
tugtog ng orkestrang hindi napaparam
sa mga pakinig na naliligayahan

Ako ay halamang bagong umangat,


bagong tumutubo’t sa Silangan buhat,
doon pati sa hangin ay may halimuyak,
may bango pati na buhay at pangarap!
Bayang di-malimot sandal mang oras!
Ako’y tinuruang kumantang matimyas
ng huni ng mga ibong lumulipad
at ng mga bukal na lumalagaslas,
gayon din ng ugong ng alon sa dagat
pagtalsik sa pampang ng mga talampas.

Samantalang ako’y nasa kamusmusan


nginingitian ko ang silay ng araw,
loob ng dibdib ko’y pinagngangalitan
ng sa bulking init na nararamdaman
Nagmakata ako pagka’t naibigang
ibulong sa hangingpumapailanlang
ang mga tula ko’t mga panambitan
nang upang iawit sa sandaigdigan
ang dangal ng aking minumutyang bayan
magmula sa lupa hanggang kalangitan.

Panitikang Asyano| 589


Akin ngang nilisan ang lupang sarili,
halamang natuyo’t walang dahong labi
pagka’t nangalagas, kulang sa kandili’t
ayaw nang umulit ang awit kong dati
Tinawid ko’y dagat, lawak na malaki
sa hangad mabago ang palad kong imbi,
ang kabaliwan ko ay lubhang napipi
sapagkat ang aking hanap na pagkabuti’y
naguhit sa tubig, naging guni-guni
anino ng isang kamatayang api!

Doon sa ilalim ng masayang langit


ng isa ngang lupang sagana sa dikit,
doon nangaiwan ang aking pag-ibig,
ang aking masayang mga panaginip,
gayon din ang lugod at sariling hilig
Huwag na ngang hingan ng tulang may tamis
yaring abang diwa sa pananahimik,
sapagkat sa gitna ng lumbay at sakit
na kinaguluhan niring pag-iisip,
ang aking kaluluwa ngayo’y tumatangis
pagka’t nangalanta ang lahat kong nais…
Sa Aking Mga Kabata

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Panitikang Asyano| 590


Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Marcelo H. del Pilar

Dasalan at Tocsohan

Ang Tanda

Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon


naming Fraile sa manga bangkay naming, sa ngalan nang Salapi at nang
Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw. Siya naua.

Pagsisisi

Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo


gumaga at sumalacay sa akin:pinagsisihan kong masakit sa tanang
loobang dilang pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon ko
at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica akong matibay na
matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at
pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo,
macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica naman
acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin
ka rin, alang-alang sa mahal na panyion at pangangalakal mo nang Cruz,
sa pagulol sa akin. Siya naua.

Ang Amain Namin

Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo


sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa
langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyonh inaraoarao at
patauanin mo kami sa iyong pagungal para nang pag papataua mo kung
kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso
at iadya mo kami sa masama mong dila.

Ang Aba Guinoong Baria

Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I


sumasainyo bukod ka niyang pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala
naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina nand Deretsos,
ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.

Panitikang Asyano| 591


Ang Aba Po Santa Baria

Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan
at katamisan. Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran
naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubunton
hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay
aba pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak, ilingon mo sa
aming ang cara- i cruz mo man lamang at saka bago matapos ang
pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa
Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami
ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang
Fraile. Amen.

Ang Manga Utos Nang Fraile

Ang manga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo


ang Fraile na lalo sa lahat. Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak
manuba nang ngalang deretsos. Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man
at fiesta. Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama't
ina, Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang
libing. Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua. Ang ikapito:
Huag kang makinakaw. Anh ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan,
kahit ka masinungalingan. Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong
asaua. Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari. Itong sampong utos
nang Fraile'I dalaua ang kinaoouian. Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo
sa lahat. Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang puri mo't
kayamanan. Siya naua.

Ang manga kabohongang asal, ang pangala'i tontogales ay tatlo.

Igalang mo Katakutan mo Ang Fraile At Pag Manuhan mo.

Ang Kadakilaan ng Diyos

“Di kailangan, kapatid ko ang magbukas ka’t bumasa ng pilosopiya


o teolohiya at iba pang karunungan, upang maranasan mo ang kadakilaan
ng Diyos.”

“Sukat ang pagmasdan iyang di marilatang hiyas na inilaganap sa


mundong pinamamayanan mo! Sukat ang pagwariin mo ang sarisaring
bagay na rito sa lupa ay inihandog sa iyong kahinaan, pampawi sa iyong
kalumbayan, panliwanag sa iyong karimlan, at aling makapangyarihang
lumalang at namamahalang walang tigil sa lahat ng ito?”

Panitikang Asyano| 592


“Masdan mo ang iyong kaparangan, masdan mo ang mga halamang
diya’y tumutubo, buhat sa hinahamak mong damo hanggang sa di-
mayakap na kahoy na pinumumugaran ng ibon sa himpapawid; masdan
mo’t pawang nagpapapahayag na ang kanilang maikli o mahabang buhay
ay hindi bunga ng isang pagkakataon; wariin mo’t maranasan ang kamay
ng Diyos, na naghahatid oras-oras sa mga halamang iyan ng dilig na
ipinanariwa, ng init na nagbibigay lakas at pumipigil ng pagkabulok ng
hangin at iba’t-iba pang kinakailangang ilago at ikabuhay hanggang sa
dumating ang talagang takda nang paggamitan sa kanila.”

“Tingnan ang pagkahalaylay nila’t isang malawak na harding wari’y


simoy na naghahatid-buhay at nagsasabog ng masamyong bango ng
kanilang bulaklak, ay isang halik wari na ikinikintal sa inyong noon ng
lumalang sa atin, kasabay ang ganitong sabi, “Anak ko, ayan ang buhay,
ayan ang ligaya, hayo’t lasapin mo’t ito’y handog na talaga ng aking ganap
na pagmamahal; bundok, ilog at karagatan pawing may inimpok na
yamang inilalaan ko sa iyo; paraparang kakamtan mo, huwag ka lamang
padaig sa katamaran, gamitin mo lamang ang isip at lakas na
ipinagkaloob sa iyo, huwag mong alalahanin ang dilim sa lupa; nariyan
ang bituing mapanuntunan mo kung naglalayag ka sa kalawakan ng
dagat; wala akong hangad anak ko, kundi ang kamtan mong mahinusay
ang buong ginhawa, buong kasaganaan at mapayapang pamumuhay.
Talastas kong kapos ang kaya mo sa pagganti sa akin, talastas kong salat
ang lakad, salat ang buhay mo sa ikasusunod ng nais na matumbasan
ang biyayang tinatanggap; kaya huwag kang lubahng mag-alala. Sukat na
ang mahalin ang kapwa mo tao, alang-alang man lamang sa pagmamahal
mo sa lahat; mahalin mo ang nilikha ko; mahalin mo ang minamahal ko
at bukas makalawa’y may tanging ligaya pang pilit na tatamuhin mo.”

“Diyan ay sukat mo nang mabanaagan, nanasang irog, ang


kadakilaan niyang Diyos di nililingat sandalI man sa pagkalinga sa atin.
Dakila sa kapangyarihan, dakila sa karunungan at dakila sa pag-ibig; sa
pagmamahal at pagpapalagay sa kanyang mga anak dito sa lupa; at
pantas man o mangmang, mayaman man at dukha ay walang mawawaglit
sa mairog at lubos niyang paglingap.”

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

Puso ko’y nahambal ng aking marinig


bunso, ang taghoy mo’t mapighating hibik,
wala ka, anak kong, sariling hinagpis
na hindi karamay ang in among ibig.

Panitikang Asyano| 593


Wala kang dalita, walang sa kahirapan
na tinitiis kang di ko dinaramdam:
ang buhay mo’y bunga niring pagmamahal,
ang kadustaan mo’y aking kadustaan.

Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag


nang panahong ako’y di pa nagsasalat
walang inadhika ang in among liyag
kundi puspusin ka ng ginhawa’t galak.

Sa awa ng langit ikaw ay sagana


ng sukat iyamang malalagong lupa,
lahat ng pananim wala mang alaga
sa kaparangan mo’y tumutubong kusa.

Ang tabako’t kape, palay, tina’t bulak


abaka at tubo’y kailangang lahat,
sa mga lupa mo’y tantong naggugubat
itong sa sangmundo’y hirap mahagilap.

Sarisaring kalap na sakdal ng tibay


sakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal;
hindi makikita sa sangdaigdigan,
ngunit sa budok mo’y nangagkalat lamang.

Ang asupre’t tingga, ang tanso at bakal


ang ginto at pilak ay nangahuhukay
sa mga lupa mo’t sa dagatan nama’y
sarisaring perlas ang matatagpuan.

Tantong naliligid ang mga lupa mo


ng dagat ng China’t dagat Pacifico
balang mangangalakal sa buong sangmundo
pawang naakit dumalaw sa iyo.

Talaga nga manding ikaw ang hantungan


ng sa ibang nasyong sinimpang puhunan;
ikaw nga’t di iba dapat makinabang
nang yaman sa iyo’y gawad ng Maykapal.

Sa gayo’y kailangan mata mo’y mamulat


isip ay gisingi’t nang makatalastas
ng sukat asaliing ipagkakapalad

Panitikang Asyano| 594


sa buhay na ito’t nang di ka maghirap.

Akong iyong ina’y taga-tupad bilang


ng mga tadhana ng Poong Maykapal,
ipinaiwi ka’t ang hangad ko lamang
musmos na isip mo’y sakiting aralan.

Ituro sa iyo ang utang na loob


sa nagkakandiling maawaing Diyos;
matuto ka namang sumamba’t umirog,
puso mo sa kanya’y huwag makalimot.

At para mo na ngang pasalamat bilang,


makapagtanggol ka sa kapanahunan
ng aring tinamo’t maapamahalaan
tapat na paggamit ng santong katwiran.

Ang tagapagturo’y pinakapili ko,


hinirang sa lalong mabait na tao;
ako’y nabighani’t umaasang totoo
sa may sinumpaang mahigpit na boto.

Ang lahat ng prayle ay may sinumpaan


sa harap ng Diyos, na anaki’y tunay,
na ito raw mundo’y kusang tatalikdan,
kusang tumatangi sa lahat ng yaman.

Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;


prayle ang siyang aking hihirangin
na tagapag-iwi blang taga-tingin
sa iyo’t nang di ka baga pagliluhin.

Mahigit na ngayon tatlong daan taon


na iniiwi kang prayle ang may kandong;
katiwala akong sa gayong panahon
ang isip mo’t yaman nama’y yumayabong.

Katiwala akong nagpapanuto ka


sa landas ng iyong sukat iginhawa;
katiwala akong dangal mo’t ligaya
ngayo’y tinatanghal na walang balisa.

Tatlong sacerdote ang ipinabitay,


bukod sa maraming pinahihirapan,

Panitikang Asyano| 595


at dili umano’y nakapipigil daw
ng iyong ligaya, bunsong minamahal.

Hindi ko inino’t ang buo kong asa


ay pagmamasakit ang ginawa nila,
sa pagkabuhay mo’t hindi ko napunang
magdarayang udyok ng masamang pita.

Sa abang-aba ko’t laking kamalian!


laking pagkasawi! laking kadustahan!
ng ipagpabaya sa kapahamakan,
ang dapat mahaling usbong niring buhay.

Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastas


na ang nangaaba at kinulang palad
ay pawing mabait, pawing nagsisikap
dangal ta’t katwira’y igalang ng lahat.

Prayle’y napoot sa magandang nais


ng sa ati’y tapat kung magmalasakit
ngayon ko natanto, ngayon ko nabatid
ang kandili niya’y bagkus panggagahis,

Sa kayamanan mo’y sila ang sumamsam


ngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan
at dinadaya kang di mo raw kakamtam
ang langit kung hindi sila ang bayaran.

Di ka raw titingnan ngMahal na Birhen


kung di ka bumili ng sintas at kalmen;
pag hindi mainam ang pagpapalibing
ang harap ng Diyos, hindi sasapitin.

Sa paniniwala ng mga anak mo,


maraming naghirap, at nasa kombento
ang kanilang yama’t sila’y ingkilino
na namumuwisan sa paring natuto.

Ang lupang nilawag at pinaghirapan


ng magulang nila’t mga kanunuan
ngayo’y asyenda na’t nahulog sa kamay
ng hindi nagpagod at di namuhunan.

Ang laki at higpit sa pana-panahon

Panitikang Asyano| 596


ng pagpapabuwis ay sulung ng sulong,
makasingil lamang ay di nililingon
hirap ng magsaka;t pawis na ginugol.

Salapi at pagod ng nagsisibuwis


ay walang katumbas kung di ang maghapis,
tanghaling sagana ang hindi nagpawis,
maibaon sa utang at tumangis-tangis.

Ang lahat ng ito’y ninanais sana


ng malagyang lunas ng sinta mong ina,
ngunit paanhin ko, ngayo’y matanda na,
hapo na sa hirap ako’t walang kaya.

Ang mga balitang Legazpi’t Salcedo


at iba’t iba pang inaasahan ko
sa pagkakalinga ng tapat sa iyo,
ngayon ay wala na’t inulila tayo.

Sa nangangatirang ngao’y nabubuhay


oo’t may mabait, bayani at paham;
ngunit sia-sila’y nangag-iiringan
di magkasundo sa anumang pakay.

Sa ibig ng isa’y hahadlang ang iba,


sa balang kuruin ay di magkaisa
walang mangyayari tungol may halaga
sa gayo’y paanong aasahan sila!

Kaya kailangan bunsong iniirog,


matutong magtiis iayon ang loob,
sa madlang dalita, kung ayaw kumilos
ang mga anak mo sa pagkakatulog.

Mga taga-rine, Pransuay, Alemanya


at iba pang nasyon ditto sa Europa
ay nangaghirap din sa prayle ng una
pawang nangday, pawa ring ginaga.

Kanilang nasayod lahat ng hinagpis


sa paniniwala’t maling pananalig,
sa prayleng nagpanggap ng taong malinis
na nagpakadukaha’t nag-anyong mabait.

Panitikang Asyano| 597


Bayan, palibhsang marunong mahabag,
ay nahambal ngani sa nakitang hirap,
ang prayle’y kinandong, pinuspos ng lingap,
ang mga kumbento’y sumaganang lahat.

Prayle’y hindi naman nagpapahalata


daddaga’t dagdagan pag-aanyong aba,
hindi napapansin lihim nilang banta
na ang namamaya’y kanilang mapiga.

Sapagkat ang prayle’y hindi kaparis


nitong mga Paring itim kung manumit,
ang prayle ay anak sa bundok at yungib
ng mga magulang na napakagipit.

Anak sa dalagita’y buong pagsasalat


walang nalalamang gawaing paghahanap
kaya kailangang tuyuin ang lahat
upang manariwa ang sariling balat.

Pag may mamatay na tila mayaman


prayle ang aagap magpapakumpisal,
at inuukilkil na ang pamanahan
ng aring inumpok ay kumbento lamang.

Hinlog, kamag-anak ay dapat limutin


sa oras na iyon, siyang sasabihin,
kalulwa’t yaman dapat na ihain
sa prayle’t ng huwag impyerno’y sapitin.

Ang lahat ng ito’y nadaragdagan pa


ng bala-balaking panilo ng kuarta
kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,
ay pawing pandukot sa maraming bulsa.

Sa gayon nang gayo’y lumaki nga naman


ang ari ng prayle’t naghirap ang bayan;
mahalinhang bigla ng kapalaluan
ang binalatkayong kababaang asal.

Diyan na naninghal, diyan na nang-api


buong kataksilan ang pangyayari,
ang bawa’t pinuno sa prayle ang kampi
baya’y namighati sa pagkaduhagi.

Panitikang Asyano| 598


Ganda ng babae, ang dunong ang yaman
ay nagiging sanhi ng kapahamakan,
walang sumaklolong may kapangyarihan
sa kualita’t nayuko baras ng katwiran.

Ang balang magsabi, ang balang mag-isip


ng magpaaninaw ng santong matuwid,
walang nararating kungdi ang maamis
luha’y patuluin hanggang sa mainis.

Sapagka’t ang balang mapaghinalaan


na sa hangad nila’y di maaasahan
ay ipapahuli at pararatangan
ng salang dakila’t madlang kataksilan.

At sa bilanggua’y agad kukulungin


sa gutom at uhaw ay papipitiin,
ang lamig ng lupa’y siyang babanigin
ng sa kanyang baya’y natutuong gumiliw.
Hindi tutulutang magtamong liwanag
sa araw at gabi ay kahabag-habag
kung hapong-hapo na sa gayong paghirap
ay paaamining siya nga’y nagsukab.

May ipinapangaw ang dalawang paa


kamay at katawa’y gagapusin muna,
saka tatapatan ang sakong ng baga
hanggang di umamin sa paratang nila.

At kung masunod na ang kanilang nasa


umamin sa sala ang lipos-dalita
tali nang kasunod, parusa’y ilalagda
sa martir ng prayle’t mapapanganyaya.

Ang parusa noo’y samsamin ang yaman


Saka unti-unting alisan ng buhay;
Idaraan muna sa isang simbahan
Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.

Sa gitna ng plasa ay may nakahanda


na naglalalagablab na malaking siga,
diyan igagatong sa harap ng madla
ang sa kanyang baya’y ibig kumalinga.

Panitikang Asyano| 599


Taghoy ng sinigan at madlang kaharap
luha ng magulang, hinlog, kamag-anak
pagtangis ng madla ay walang katapat
kundi ang sa prayleng tawa at halakhak.

Yutang-yutang tao ang nanguuyam


ng panahong yaon sa gayong paraan,
ang payapa’t aliw noon ay pumanaw
nalipos ng luksa libo-libong bayan.

ang yaman nasamsam, buhay na nakitil


ay di babahagya’t noo’y walng tigil,
ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil.
magsabog ng dusa, gutom at hilahil.

Ano pa nga’t noon ay kulang na lamang


Ang nangaulila’y magpapatiwakal;
Niloob ng langit, nanangagsangguinian
at nangagkaisang sila’y magdamayan.
Diyata nga kaya, ang winika nila,
at wala nang lunas sa ganitong dusa?
diyata nga baga’t itong binabata
sa inaanak nati’y ipapamana pa?
Huwag magkagayo’t yayamang namalas,
na sa daang ito’y nasubyang ang landas,
ay hawanin nating, sakitin ng lahat,
ilayo ang madla sa pagkapahamak.

Lalaki’t, babae, matanda at bata,


ngayo’y manalangin, sa langit paawa,
ang santong matwid sa kusang dinusta
ay ibangon nati’t Diyos ang bahala.

Kanilang nilusob ang mga kombento,


prayle’y inusig pinutlan ng ulo,
ang balang makitang prayleng nakatakbo
kung hindi barilin, kanilang binato.

Higanti ng baya’y kakila-kilabot


walang pagsiyahan ang kanilang poot,
ang mga kombento’y kanilang sinunog
inuring pugad ng masamang hayop.

Prayle’y nanglalaban, ngunit lalin kaya

Panitikang Asyano| 600


sa galit ng bayan ang magiging kuta!
ang payapang dagat, pasiyang nagbala
ay walang bayaning makasasansala

Yaong bayang supil, dating mahinahon,


dating mapagtiis, at mapagpasahol,
inunos ng dusa’t malalaking alon
ng paghihiganti noo’y luminggatong.

Walang nakapigil, walang nakasangga,


palibhasa’y bayan ang magpaparusa
ang mga pinuno’y nawalan ng kaya,
umayon sa baya’t nang di mapag-isa.

Kaya nga bunso ko’t magpahangga ngayon


ang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,
kahit na bata ay nagsisipukol
inu-using nilang parang asong ulol.

Sa paraang ito, bunsong minamahal,


ang dating dinusta’y makatighaw-tighaw;
ang prayle’y lumayas, iniwan ang bayan
at muling naghari ang kapayapaan.
Ngunit hindi naman ako nagpapayo
ang ganoong paraan baga’y asalin mo,
ako’y walang sukat na maisaklolo,
kaya katitii, magtiis, bunso ko.

Walang natimawa sa pagka-duhagi,


na di namumuhunan ng pamamayani;
kung hindi mo kayang prayle’y iwaksi
magtiis ka, irog, sa palad mong imbi.

Ang mga anak mo’y nangagugupiling,


sa dusting lagay mo’y di nahihilahil,
magdarayang hibo ng kaaway na lihim
siiyang diniringig, luha mo’y di pansin.

Diyata ay sino ang dapat mag-adya


sa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila?
kung sa mga anak mo’y di makaaasa,
walang daan, irog, kundi ang magbata.

Ang araw na sila’y magka-isang loob

Panitikang Asyano| 601


at mangagkagising sa pagkakatulog;
ang araw na iyan, ang araw ng Diyos
baya’y maniningil . . . Sino ang sasagot?

Kailangan bunsong, sila’y mahirati


sa pagmamasakit sa bayang sarili:
Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . .
huwag lilimuting ganito ang sabi:

“Panaho’y matamis sa tinubuan bayan


“at pawang panglugod ang balang matanaw,
“ang simoy sa bukid ay panghatid buhay,
“tapat ang pag-irog, subalit ang namatay.”

Alinsunod dito’y aling hirap kaya


ang sukat indahin sa pagka-kalinga,
sa sariling baya’t upang matimawa,
sa madlang pahirap at sumapayapa?

Ang lahat mong anak, ginhawa’t dukha man,


maging taga bukid, maging taga bayan,
lalaki’t babae, pantas man at mangmang,
santong matwid mo’y dapat ipatanghal.

Walang iba, bunso, na dapat hiliin


sila ng sa iyo’y tapat na pagtingin:
ang pagpapabaya’y pananagutan din,
sa harap ng Diyos sila’y sisisihin.

Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal,


sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay
“kayong nagpabaya sa sariling bayan,
“anya’y dapat naming Aking pabayaan!”

Ilayo ng langit sa ganitong sumpa


ang mga anak mo, bunsong minumutya:
sa iyo’y matuto ng pagkakalinga
matutong umampat ng iyong pagluha.

Ito na nga lamang ang maisasagot


ng salantang ina sa hibik mo, irog;
sasakyan mo’y gipo, huwag matutulog
ang mga anak mo’t masigwa sa laot.
Graciano Lopez Jaena

Panitikang Asyano| 602


Fray Botod
Dis.17, 1856 – Enero 20, 1896
Speeches, Articles & Letters nina: Encarnacion Alzona
Teodoro Agoncillo

Sino si Botod?

May dalawang taong nag-uusap at ang kanilang pinag-uusapan ay


tungkol kay Pari Botod. Nasa plaza sila at nakita nila ito na may kasamang
babae. Sinasampal ang babae at napaluhod ito at nagmamakaawa na wari
ay humihingi ng kapatawaran. Kasumpa-sumpang pari diyata’t
magagawa niya ito--Sanay kami sa gayong eksena. Sabi ng kausap. Siya
ang kura paroko sa aming bayan. Ang mga prayle pala ang may-ari ng
mga paroko dito?--Di kapani-paniwala. Talagang naririto sila at
nagmamalabis hindi lamang sa ispiritual na bagay kundi sa (politiko)
pamahalaan at sa kalaswaan. Dapat ay lasunin ang ganyang uri ng tao.
Darating ang araw at pagbabayaran din nila ang kanilang pagkakautang.

Daig pa ang Tsina.

Paglalarawan:

Ang Pari Botod ay di niya pangalan o apelyido. Ang kahulugan ng


Botod ay malaking tiyan at ito ang tinataguri sa kanya ng tao. Ang ngalang
binyagan niya ay Ana dahil ipinanganak siya sa kapistahan ni Santa
Ana—ina ng Mahal na Birhen. Nais pa niyang tawaging Fray Botod kays
aPari Ana.

Siya ay tag-Aragon at ang mga magulang niya ay di niya nakilala.


Siya ay natagpuan ng isang mangingisda sa ilog ng Ebro malapit sa
simbahan ng “Our Lady of Pillar”—nang sumapit sa ika-14 ay tumakas
at nagpunta sa Villadolid sa kumbento ng mga Agustino.

Siya ay 21 ng naatasang magtungo sa Pilipinas. At isa pa rin sa


mga ugali niya ay ang pagiging magaslaw . siya ay nag-anyong mahiyain
ngunit pagkaraan ng limang taong pagkain ng saging, papaya, at
pagkatapos na maging paroko sa bayan nila ay naging mapagmalaki na at
napakayaman. Malaking tao na siya ngayon, di kapani-paniwala. Pandak,
bilugang mukha na parang buwan, bilugang pisngi. Makapal ang labi,
maliit na mga mata, mapulang ilong na malaki ang butas kay-daling
makaamoy. Mamula-mulang buhok, bilugan ang ulo tulad ng bao ng
niyog. Kunot ang noo at matalas tumingin. Napakalaking tiyang nakausli.
Maikli ang leeg—iyan siPadre Botod.

Ang buong katauhan ay kuha kay Don Quijote at katawa-tawang si


Sancho Lanza.

Panitikang Asyano| 603


Pag-uugali:

Mas matakaw kay Heliogabalus, usurer, masahol sa Hudyong


nagpapahiram ng pera, mahilig sa babae katulad ng isang sultan. Sa
katapusan, ibig din niya ang magagarang regalo.

Sa pagbubuod—kung ilalarawan siya ni Zola, siya ay humigit


kumulang sa mga sumusunod:

Si Padre Botod ay patabaing baboy na kumakain, umiinom,


natutulog, at walang iniisip kundi ang malamang (appetite) sarap.

Ayan, lumalabas na naman na may kasunod na batang babaing


umiiyak.

Nilalambing siya ni Padre Botod, dinadamayan ang paghikbi ay


napipigilan ng takot at sumusunod siya ayon sa ipinag-uutos ng prayle.

Maraming kabataang babaeng magaganda at may magagarang


pananamit ang nakakasama niya. sila’y lalabas at kakain sa labas ng
bayan. Sila ang mga canding-canding she-kids, Bataan o bata iyan.

Sila ay tinatawag na bataan-galing sa mahihirap na pamilya at


pinangakuang papag-aralin, tuturuan ng Doctrina Cristiana at Catesis—
magbasa, sumulat, at mga bagay makapagpapahintulot sa mga magulang.
Maaring ito’y sapilitan o lubos na pagbibigay.

Wala bang gurong babae rito?

Mayroon, ngunit kaisa ni Padre Botod.

Itinulad ang mga babae sa Mananayaw na Taga-Indiya.

Isa sa kanilang Diyosa ay nakipagtalik s aisang mortal na naakit s


amga awitin niya. Nanganak ng isang babae na di maaaring mabuhay sa
langit dahil sa ama kaya ibinigay sa mga Brahman na siyang nagpaaral
sa kanya sa loob ng pagoda at nagsasayaw sa harap ng mga Diyosa.

Sa kanyang pag-ibig ay nagkaroon siya ng 7 anak na babae na


mananayaw sa Templo at 3 lalaki na naging musikero.

Ang mga mananayaw ay di nagpapakasal, naglilingkod lamang sa


mga Diyosa. Itinutulad ang mga mananayaw sa Canding-Canding. May
nagkakagulo at nang tingnan nila ay 5 batang lalaki ang ibig bumugbog
kay Fr. Botod. Mabuti ngunit kaawa-awa sila pagkat mapupunta lang sila
sa bilangguan.

Magbabayad kayo balang araw.

Panitikang Asyano| 604


Bumaba ka, duwag, baboy, malaswa. Bumaba ka at magbuntalan
tayo. Tumakbo siya sa kumbento at noong hapon ay natakot siya at
nagkaroon ng pananakit ng tiyan. Di siya nakatulog nang magdamag.
Madaling araw pa ay nagpunta na siya sa kapitolyo at nagsumbong
tungkol sa pag-aaklas ngunit di-binanggit ang katotohanan ng mga
pangyayari.

Pagkaraan ng 2 araw inaresto ng mga guwardiya civil ang mga mag-


aaral sa pangigipuspos ng mga magulang.

Sinermunan pa ang mga magulang tungkol sa pagpapadala ng anak


sa Maynila.

Paano niya inaaliw ang sarili?

Halos araw-araw ay nagsusugal siya maliban kung araw ng Linggo


pagkat nakikipagsabong siya.

Kung siya’y naglalaro at may mangungumpisal na mamamatay na


ay itinataboy niya ang kumakaon at sinasabing magdasal na lamang ng
“Sumasampalataya” at doon na niya ibinibigay ang kanyang bendisyon.

Nang mamatay ang taong yaon:

Humiling 3 pari

Tama na ang isa na lang at ang bayad ay P150 segunda klase.


Hinanap ng tao si Pari Marcelino at sa kanya raw ang P50—tatlong pari
pa. wala pong pera ang namatayan.

Magdelihensiya kayo kundi ay di malilibang iyan.


Naglasing si Padre Marcelino nang malaman ito at nang ipalit sa
kanya ito ay pinasara nag kumbento.

Baba ka riyan Botod kung talagang matapang ka, nakahihiyang


pari, ulol, baba ka at pipilipitin ko ang leeg mo. Wala kang kahihiyan!

Nanahimik si P. Botod at pagkatapos ng3 araw ay ipinatawag niya


sa Obispo si P. Marcelino at ipinakulong sa seminary.

Paano nagpipista ang Patron sa bayan?

Ipasasabi niya sa sakristan, na sabihin sa mga mayayamang ginang


na magbigay ng iba’t-ibang pagkain para sa bisita niya. Ang kanyang
paroko ay gagasta sa marangya niyang pista.

Panitikang Asyano| 605


Paano siya napapakalakal?

Isa siyang usurero.

Pag may humuhiram ng 300 ay di lamang niya pababayaran ng 600


kundi bibilhin niya ang palay ng murang-mura at ipagbibili nang mahal
kapag tag-araw na.

Gigipitin niya ang mga magsasaka.

Sasabihin pa ngang lahat para sa mahal na birhen.

Paano siya nagiging pulitiko?

Masahol pa siya kay Canovas o Lagasta.

Pag may pupunta para mag-ayos ng daan—sasabihin niya na gawin


muna ang kusina ng simbahan niya.

Paano siya nagsisiniungaling?

Mayaman kami Espanya—at lumalayo kami sa pinto.

Pumupunta kami rito para maging sibilisado ang mga Indiyo.

Ayaw niyang ipaturo ang kastila. Baka labanan daw siya ng mga
Indiyo.

Paano siya kumain?

Sa umaga, malaking tasang tsokolate—4 na hiwang bibingkang


kanin

Sa tanghali alak—15 duke

Siesta—lagi siyang may siesta sa tanghali.

Kwarto—Paglalarawan:

Resurreccion ni Hidalgo

asawa ni Putifar (half nude)

kama—yari sa kamagong—Greco Romano—Tsina

kama—may sedang jusi

larawan—nakakaaliw

May malaki at malalambot na unan sa tabi. Sa tabi, may mesang


marble na may sinturon at pangkamot na maaabot ng kamay.

Panitikang Asyano| 606


Ang sinturon ay pamalo sa mga kabataang babae na matigas ang
ulo o lumalaban.

Ang pangkamot.

Gawain ng mga Batang Babae:

Kikay —mamamaypay

Paula —nangingiliti sa paa

Loleng —nanghihilot sa ulo

Titay —nag-aalis ng kuto

Manay —nangingiliti sa tainga sa tulong ng pakpak ng manok


(feather)

Arang —nanghihila ng daliri

Ansay —nang-aalis ng putting buhok

Biray —pinakamaganda—nanghihimas ng tiyan

Calay —bumubulong ng mga istorya sa tainga upang makatulong


para mag-isip ng sarap ng buhay. May iba pa-ayokong ayokong sasabihin
kapag naghihilak na—isa-isang umaalis.

May misteriosang pintuan na spring.

2—dalagang magaganda ang papasok, uupo sa silya sa tabi ng pari


at maghihintay sa nais mangyari ng pari.

Imahinasyon na ninyo ang bahalang humabi sa mga dapat


mangyari.

Paano siya nagpaparusa?

Pag may Indiyo na di nagtrabaho dahil sa maysakit ang asawa.

Palo—50 x 3= 150

Lagyan ng suka at paminta para madali

Pagkaraan ng maraming araw may kausap siFr. Botod naloka —


nagmumura sa prayle.

Antonio Luna

Panitikang Asyano| 607


Noche Buena

Sa itaas ng isang libis ng bundok ay may isang tahanang kubo na


yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy. Ang kubo ay nasa tabi ng batisan
at nakukublihan ng malaking punongkahoy. Doo’y nananahanan ang
isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay nanggagaling sa
pangangaso at pangangahoy. Isang matandang lalaki ang nagtitistis ng
mga dahon ng niyog upang gawing walis.Sa isang dako naman ay isang
dalaga ang nagsisilid ng mga dayap, gulay at itlog sa buslo. Isang batang
lalaki at isang batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang batang payat,
maputla at malungkot na nakaupo sa isang punong nakabuwal. Ang
batang ito ay si basilio. Si basilio ay may sugat sa paa at inaaliw ng
dalawang bata. “kapag gumaling na ang paa mo ay maglalaro tayo ng
piko.” Anang batang babae.“Aakyat tayo sa itaas ng bundok at paiinumin
kita ng dugo ng usa upang ikaw ay tumaba.”Anang batang lalaki. Ang
lahat ng masusuyong salita ay tinugon niya ng isang malungkot na
ngiti.Tinanaw niya ang kanyang paa at pagkatapos ay ang maningning na
araw.

Iniutos ng matanda sa apong dalaga na ipagbili ang mga walis


upang may magugol sa ano mang pamasko para sa kanyang mga kapatid.
Ang hinihiling ng batang lalaki ay rebentador at ang babae naman ay
humiling ng manika.“Ano ang gusto mo”?ang tanong ng matanda kay
basilio. “Ako po ba’y nagkasakit nang mahigit sa isang buwan?”“Dalawang
buwan buhat nang makuha ka naming sugatan. Akala namin ay hindi ka
na mabubuhay…” “Gantihan po sana ng diyos ang inyong kabutihan.Kami
po’y mahirap lamang. Ang nais ko po’y dumalaw sa aking ina at sa
bunsong kapatid ko na nasa bayan. Marahil po’y nag-hihinagpis sila sa
paghahanap sa akin. “Ikaw ay may karamdaman pa at ang bayan mo ay
malayo. Maghahatinggabi na bago makarating doon.” “Hindi ko po
inaalintana ang layo. Ang nais ko po’y magkasalo kami sa pagkain kahit
na isang tuyo lamang ang ulam. Kami po’y laging magkakasama kung mga
araw na ganito, kaya’t itinangis nila marahil ang aking pagkawala.”

“Ikamamatay mo ang pag-uwi, bata ka! Manok at pindang na usa


ang ulam namin mamaya. Hahanapin ka ng mga anak kong manggagaling
sa bukid.” “Dadalawa po ang anak ng ina ko samantalang ang inyo’y
marami. Marahil ay ipinagluluksa na ako ng nanay ko. Ngayong gabi ay
hahandugan ko siya ng kaligayahan- ng isang aginaldo…isang anak!”
“Ang pangungusap mo ay para ng sa isang matanda! Lumakad ka at
hanapin mo ang iyong ina…Handugan mo siya ng aginaldo ng lumikha.
Lumakad ka at patnubayan ka nawa ng Diyos at ni hesus., Ikaw ay
ihahatid ng apoi kong si lucia hanggang sa kalapit na bayan.”

Panitikang Asyano| 608


Kinuha ni basilio ang kanyang tungkod at lumuluhang nagpaalam.
“Dalhin mo itong pindang na usa sa iyong ina. Huwag ka sanang
makalilimot,” ang bilin ng matanda. Matulin ang lakad ni basilio bagamat
may tila pa ang kanyang paa. Ang mga mamamayan ng san diego ay
nangangatog sa ginaw sa kalagiman ng hanging nagbubuhat sa hilaga.
Nang gabibg iyon ay walang parol na makikita sa mga bintana di paris ng
mga nakaraang Nochebuena. Sa entresuelo ng tahanan ni Kapitang
Basilio ay kausap nito si Don Filipo sa tabi ng isang swalang bakal, at sa
kabila naman ay nangakadungaw isna Sinang, Victoria at Iday. “Kayo ay
mapalad. Hindi kayo naparusahan,” ani ni kapitang basilio. “Tunay ngang
naabo ang inyong mga kasulatan, ngunit higit na napinsala ang iba.”

Si sisa ang baliw ay nagkataong lumapit sa salang bakal, tumanaw


sa loob na ang mga matay nananalas at saka lumayo. “Kala ko’y nasa
bahay ng mangagamot na siyay isuplong.Kahabag-habag naman!” ang
tugon.“Ngayon ay palabuy-laboy na naman ang baliw. Hindi naman siya
nanakit at doon sa gubat naninirahan.” “Kinabukasan ng inyong pag-alis
ay nakitang nakabitin sa kanyang silid ang sakristanmayor.Sa malaking
pagdaramdam, ang ginawa ng kuray iniligpit ang lahat ng kanyang
kasulatan, Si tandang tasyo ay namatay na rin at inilibing sa libingan ng
mga intsik.”“At ang mga aklat niya?” “Sinunog pong lahat ng mga taong
naniniwalang sila’y kalulugdan ng Diyos.” Nang sandaling iyon ay narinig
nila ang malungkot na awit ng baliw. “Kailan ikakasal si Maria clara?” ang
tanong ni iday kay sinang. “Hindi ko alam. Lumiham sa akin si maria,
nginit hindi ko binabasa dahil sa ayokong malaman. Kahabag-habag na
Crisostomo!” “Ang balitay iniligtas ni Linares sa bibitayan si Kapitang
tiyago. Dahil dooy makauurong ba si Maria clara?” ang sabi ni Victoria.

Narating din ni basilio ang san diego. Tinungo niya agad ang
tahanan nilang sira-sira, ngunit walang tao.Siyay nagtanong. Nabatid
niyang nabaliw ang kanyang ina at palibut-libot na lamang sa mga
lansangan. Kay crispin ay wala siyang nabalitaang anuman. Bagamat
nangangalog ang kanyang tuhod ay tumakbo rin siyang paika-ika upang
hanapin ang kanyang ina. Sa tahanan ni kapitang basilio ay napansin ang
paika-ika takbo ng isang batang lalaki na patungo sa pinanggalingan ng
tinig ng baliw. Nang sandaling iyon ay umaawit si sisa sa tapat ng bagong
alperes. Ang babaing nasa durungawan ng dalaga wari, ay matamang
nakikinig. Iniutos ng babae sa bantay na paakyatin si sisa. Nang makita
ni sisa ang tanod at narinig ang tinig nito, siyay tumakbong papalayo
sapagkat takot na takot. Si basiliong nagmamasid lamnag sa kanyang ina
ay tumakbo ring iika-ika, sa pangambang mawala sa kanyang paningin si
sisa.

Panitikang Asyano| 609


“Tingnan ninyo hinahabol ng bata ang baliw.” Ang nasambit ng
isang alilang babaing nasa daan. “hayan ang iyo!” at binato ang bata,
“Sayang at nakatali ang aso,” Tinamaan si basilio, ngunit hindi siya
tumigil sa pagtakbo. Nabulabog ang mga aso at gansa, kayat ang ilang
matatakutin ay nagpinid ng bintana, sa pag-aakalang may gulo na naman.
Nasa labas na sila ng bayan. Hininaan ni sisa ang pagtakbo sapagkat
malayo na siya sa humahabol. “Inay ako si basilio,” ang muling sigaw ng
bata. Si sisay nakarating sa gubat. Si basilio’y hindi humihiwalay sa anino
ng kanyang ina. Makailan siyang narapa, ngunit hindi siya nakaramdam
ng sakit, sapagkat isang damdamin ang naghahari sa kanyang kaluluwa-
ang abutan ang kanyang ina at mayakap niya ito. Hindi niya inalintana
ang mga tinik sa kanyang paa, huwag lamang siyang maiwan.

Si Sisa’y nasok sa pinot ng libingan ng matandang Kastila, na nasa


may punong- baliti. Pinilit ni Basiliong buksan ang pinto, ngunit ito’y
nakalapat at ubus-lakas na ipinag sasanga ang mga yayat na bisig ng
baliw upang huwag mabuksan. “Inay, ako si basilio na iyong anak!” ang
sigaw ni basilio na tuloy naparapa. Ngunit lalong itinungkod ng baliw ang
kanyang mga paa sa lupa. Pasuntok na binayo ni basilio ang pinto at
inumpog ang kanyang duguang ulo, ngunit wala ring nangyari. Binalak
niyang umakyat sa bakod na bato, ngunit wala naman siyang makapitan.
Natanaw niya ang isang sanga ng baliting nakaapit sa isang puno. Inakyat
niya ang puno at pagkatapos makapanguyapit sa sanga ay nakarating sa
baliti. Nakita niyang itinutukod ni sisa pati ang ulo sa dahon ng pinto.

Narinig ni sisa ang langitngit ng mga sanga. Lumingon siya at


nagbalak na tumakbo, ngunit mabilis na nagpatihulog si basilio, niyakap
at pinaghagkan ang ina, at pagkatapos ay hinimatay. Halos manlisik ang
mga mata ni sisa sa pagtanaw sa mukha at duguang noo ni basilio. Ang
mukhang iyon ay gumising sa kanyang isipang nasa karimlan. Mandi’y
pinagulian ng kaunting liwanag ang nakalimot na gunita. Nakilala niya
ang kanyang anak. Niyakap niya ito at pinaghahagkan at pagkatapos na
makapagbitiw ng isang malakas na tili ay napahandusay sa ibabaw ni
Basilio.

Mahabang sandaling hindi kumilos ang mag-ina. Nang magbalik


ang isipan ni Basilio ay nakita niyang walang malay ang kanyang ina.
Masuyo niyang tinawag ito, at nang matanto niyang hindi na humihinga
o kumikilos man lamang ay kumuha siya ng tubig sa batis at winisikan
niya ang mukha.Si sisa’y hindi man lamang gumagalaw. Lipos ng
pangambang idiniit niya ang kanyang tainga sa dibdib ni sisa, ngunit ang
yayat at luoy na dibdib ay malamig at ang puso’y hindi na tumibok.
Idinampi niya ang kanyang mga labi sa kapwa labing walang-malay. A,

Panitikang Asyano| 610


wala ni kaunti mang hininga siyang nadama. Niyakap niya ang malamig
na bangkay at siya’y tumangis nang tumangis.

Noo’y nochebuena, gabi ng kasayahan ng mga batang nasa piling


ng mapagkandiling mga magulang. Yaon ang pistang tagapagaalaala ng
unang kaluwalhatiang dulot ng Langit sa Sangkatauhan.Ang gabing iyon
ay lubhang maligaya para sa mag-anak na makapiling na umawit,
kumakain, nagsasayaw at naghahalakhakan. Ngunit para kay basilio ang
gabing yao’y gabi ng pagkaulila.Sino ang nakakaalam? Marahil, sa
tahanan ni Pari Salvi ay nagsisipaglaro rin ang mga bata at umaawit ng:

La Nochebuena se vience,
La nochebuena sa va……

Nang itaas ng naghihinagpis na si basilio ang kanyang ulo ay nakita


niya ang isag taong nagmamasid sa kanya. “Ikaw ba ang anak” ang tanong
sa kanya. Ang bata ay tumango.“Ano ang iyong binabalak?”“Iilbing
po.”“Saan, sa libingan?”“Wala po akong ibabayad at ang kura po’y hindi
papayag.”“Wala na akong lakas,” ang tugon ng di-kilalang tao. Itinikod ang
mga kamay nito at tuloy napahandusay sa lupa. “Marahil ang aking
sugat…..Dalawang araw na akong di-kumakain at natutulog. Ikaw ba’y
may nakitang ibang tao rito ngayong gabi?”

“Makinig ka!” ang patuloy sa lalong mahinang tinig. “Marahil, ako


man ay hindi uumagahin. Kunin mo ang maraming kahoy na nakabunton
sa kabila ng batis at italaksan mo rito. Pagkatapos ay ilagay mo ang aming
bangkay sa ibabaw. Sindihan mo ang mga kahoy at bayaan mong kami’y
masunog hanggang sa maging abo. Mataimtim na pinakinggan ni basilio
ang mahiwagang tao. “Pagkatapos, kung walang ibang taong dumarating,
humukay ka rito at makukuha mo ang maraming salapi. Ito’y sa iyo na.
Mag-aral ka!” Ang tinig ay unti-unting nababahaw. “Kunin mo ang mga
panggatong….hindi kita matutulungan.”

Lumakad si basilio….ang mahiwagang tao’y tumanaw sa silangan


at pabulong na nagwika:

“Mamatay akong hindi man lamang namasdan ang maningning na


pagsikat ng araw sa aking bayan…! Kayong mangaiwan ang siyang
sumalubong sa kanyang pagdatal!....Huwag ninyong limutin ang mga
nasawi sa dilim ng gabi!”

Tinitigan niya ang langit.Nangatal ang mga labi niyang bumigkas ng


isang dalangin. Pagkatapos ay iniyuko niya ang kanyang ulo hanggang sa
unti-unting bumagsak sa lupa.

Panitikang Asyano| 611


Mariano Ponce

Pagpugot kay Longino (Buod)

Ayon sa alamat, Si Longino, isa sa mga sundalong bulag ang isang


mata at nakasaksi sa pagpapako ni Hesukristo ay ibinaon ang kaniyang
espada sa tagiliran ni Hesukristo upang matiyak na siya ay tunay na patay
na. Tumilamsik ang dugo sa matang hindi nakakakita ni Longino at
himalang ito ay biglang gumaling at nakakita. Dahil dito, siya ay nagbalik-
loob at naging isang Kristiyano.
Hinabol ng mga sundalo si Longino sa buong kabayanan hanggang
siya ay nahuli at hinarap sa isang aktor na tumayo bilang si Ponsyo Pilato.
Ang iba ay tumayo bilang mga Pariseo upang husgahan siya at noong
Pasko ng Pagkabuhay, si Longino ay hinatulan sa kaniyang pagbabago ng
relihiyon sa pamamagitan ng pagpugot.

Panahon ng Himagsikan
(1896 – 1900)

Kaligirang Kasaysayan

Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago


ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang
pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang
pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang
Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari
rito.

Nang dahil sa mga pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang


Pilipinong Kabilang sa pangkat ng “La Liga Filipina” (isang samahang
sibiko na pinaghihinalaang mapanghimagsik at naging dahilan ng
pagkatapon sa Dapitan ng nagtatag na si Jose Rizal) na tulad nina Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Jose Palma, Pio Velenzuela,
at iba pa, ay nagsipagsabi na “wala nang natitirang lunas kundi ang
manghimagsik.” Ang naging laman ng panitikan ay pawang pagtuligsa sa
pamahalaan at simabahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang
magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan.

Panitikang Asyano| 612


Mga Taluktok ng Tahasang Paghihimagsik

Andres Bonifacio

Kilalang-kilala si Andres Bonifacio bilang


“Ama ng Demokrasyang Pilipino,” ngunit higit sa
lahat, bilang “Ama ng Katipunan” sapagkat siya
ang namuno sa pagtatatag ng samahang “Kataas-
taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan.”

Hamak ang pinanggalingang kalagayan sa


buhay, kaya’t sinasabing ang kanyang mga natutuhan ay pawang galing
sa “paaralan ng karanasan”.

Lubha siyang mapagbasa. Kabilang daw sa kaniyang mga nabasa


na lalong nagpatingkad ng kaniyang diwang mapanghimagsik ay ang
“Noli” at “Fili” ni Rizal. Umanib siya sa “La Liga Filipina” na itinatag ni
Rizal noong 1892. Itinatag niya ang katipunan na siyang naging saligan
ng diwang Malaya nang ipatapon si Rizal sa Dapitan, Mindanao. Si
Bonifacio ay lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa
manunulat, ngunit mayroon din naman siyang naging akdang nagpaalab
sa himagsikan at naging bahagi n gating panitikan.

Ilan sa kanyang mga akda

1. “Katungkulang Gagawin ng Mga Anak NgBayan” – nahahalintulad


sa Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito.

2. “Huling Paalam” – salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Rizal.

3. “Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa” – isang tulang naging katulad din ng


pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar.

4. “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” –bumabanggit sa kasaysayan


ng Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa ng bansa bago dumating
ang mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng
mga Kastila.

5. “Katapusang Hibik ng Pilipinas” – tulang nagpapahiwatig ng


hinanakit sa bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy sa
tulang napasimulan ni Herminigildo Flores na may pamagat na

Panitikang Asyano| 613


Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. Ito ay tinugon naman ni
Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang Sagot sa Hibik ng Pilipinas.

Apolinario Mabini

Ipinanganak sa Talaga,Tanauan Batangas


noong ika- 23 ng Hulyo, 1864 ng mga pulubing
magulang at pinahirapan habang buhay ng
paralitiko, si Apolinario mabini ay lumaki pa rin
bilang isang magaling na manunulat, abogado at
makabayan. Kilala siya bilang Dakilang Paralitiko
at Utak ng Rebolusiyon. Siya ang pangalawa sa
walong anak ni Inocencio Mabini at Dionisia
Maranan.

Sa kabila ng kahirapan, si Mabini ay nakatamo ng sertipiko bilang


guro noong Marso ng 1887 at nakatapos ng abogasiya noong 1894. Siya
ay tinanggap sa Hukom noong 1895.

Minalas siya noong 1896 nang nagkasakit siya ng trangkaso na


siyang naging sanhi ng kanyang pagiging paralitiko nang pang-habang
buhay. Sa kabila nito ipinagpatuloy pa rin niya ang trabahong notariyo at
sinuportahan niya ang kilusang reporma na siyang naging dahilan ng
kanyang pagkabilanggo hangang Hunyo ng 1897.

Nang dumating ang himagsikang Pilipino at Amerikano,


si Mabini ang naghikayat sa kanyang mga kababayan na lumaban at
mamatay para sa ating kalayaan. Nilikha niya ang kanyang pinka-tanyag
na "Ang Tunay na Dekalogo".

Si Mabini ay nagsilbing tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo.


Pinayuhan niya si Aguinaldo na palitan ang diktadurang anyo ng
pamahalaan sa rebolusiyonaryo. Inayos niya ang mga bayan at probinsiya
at ang husgado at mga puwersang pulis, at nilkha niya ang mga
alituntunin ng hukbong sandatahan. Noong nagpulong-pulong ang
Rebolusiyonaryong Kongreso sa Barasoain, Malolos, Bulacan siya ang
naging Pinunong Ministro ni Aguinaldo. Tumulong siya sa pag-likha ng
Saligang Batas. Samakatuwid, nararapat lamang na tawagin siyang "Utak
ng Rebolusiyon."

Nagpatuloy pa siya sa pag-likha ng mga artikulo sa pagtaguyod ng


reporma habang nagtatago, subalit siya ay hinuli ng mga Amerikano
noong ika-10 ng Septiyembre,1899. Pagkatapos na siya'y palayain noong
ika-23 ng Septiyembre, 1900; siya ay nanirahan sa Nagtahan, Manila,

Panitikang Asyano| 614


kung saan siya ay sumulat para sa mga lokal na pahayagan. Noong ika-5
ng Enero, 1901 siya ay pinalayas sa Guam dahil sa kanyang mga sinulat
gaya ng "El Semil de Alejandro" sa "El Liberal."

Sa paniwalang wala na siyang ibang paraan at dahil sa akalang mas


madali siyang magsilbi sa kanyang mga kababayan kung siya ay bumalik
sa Pilipinas, siya ay nangako ng pagkampi sa Estados Unidos noong ika-
26 ng Pebrero, 1903. Siya ay namatay sa Nagtahan, Manila noong ika-13
ng Mayo, 1903 sa gulang na 39.

Ilan sa kanyang mga akda

1. “El Verdadero Decalogo” –(Ang Tunay na Sampung Utos) – Ito ang


ipinalalagay na kaniyang pinaka “obra maestro” na ang
pinakahangarin niya rito ay ang magpalaganap ng nasyonalismong
Pilipino.

2. “El Desarollo Y Caida Dela Republika Filipina” (Ang Pagtaas at


Pagbagsak ng Republikang Pilipino)

3. “Sa Bayang Pilipino” –isang tulang handog sa bayan

4. “Pahayag”– hinango sa kanyang manipesto

5. “Ang Himagsikang Pilipino” –isang sanaysay na naglalarawan ng


kabayanihan ng mga Pilipino sa pakikipaglaban.

6. “Pagpapalit ng Ilang Titik sa Alpabetong Pilipino”

Emilio Jacinto

Sagisag ng kabataang mapanghimagsik. Si


Jacinto ay kinikilalang bilang Utak ng Katipunan,
sapagkat tumayo siyang kanang-kamay ni
Bonifacio, na hindi niya hiniwalayan liban na
lamang sa huling yugto ng panghihimagsik, nang
masugo siya sa Laguna at si Bonifacio nama’y sa
Cavite. Anak-mahirap din, si
Jacinto ay nagkaroon ng matiising magulang na nagsikap na mapapasok
sa kolehiyo ang anak. Sa ganito, si Jacinto ay nakapag-aral at naging
bihasa sa Kastila, na una niyang natutuhan sa lansangang pinaglumagian
niya nang bata pa. lalong bihasa sa Kastila, nagpakahusay siya sa
Tagalog, sapagkat ito ang wikang kailangan para makasapi sa Katipunan,
hanggang sa makasulat ng mga maalab na katha bilang pagsunod sa

Panitikang Asyano| 615


tanging layunin makaakit ng mga kaanib sa samahang mapanghimagsik.
Matapat na makabayan, siya ay sumulat ng mga paksang makabansa at
mapanghimagsik sa Tagalog at Kastila. Sa mga sinulat niya sa Tagalog,
na nilagdaang Dimas Ilaw, ibinibilang ang tinanggap na Kartilya ng
katipunan na pinagtibay gamitin sa halip ng kartilya na inihanda ni
Bonifacio, saka ang Pahayag, Sa mga Kababayan, Ang Kasalanan ni Cain,
Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan, at Samahan ng
Bayan sa Pangangalakal. Isa sa lalong malaking nagawa niya para sa
kapakanan ng Katipunan, at samakatuwid sa rebolusyon, ay ang
pagkakatatag niya ng Kalayaan, ang tagapamansag ng Katipunan na
miminsang lumitaw noong Enero 18, 1896, na sa pagkalaganap ay
nakaakit ng libu-libong kaanib ng samahan.

Si Emilio Jacinto ang naging matalinong katulong ni Andres


Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan. Siya ang tinaguriang “Utak ng
Katipunan.” Pinamatnugutan din niya ang “Kalayaan” – ang pahayagan
ng katipunan. Iniurong ni Bonifacio ang kaniyang sinulat na kartilya
bilang paggalang sa tungkulin ni Jacinto bilang kalihim ng Katipunan.
Ang kaniyang Kartilya ang nasunod bilang kautusan ng mga kaanib sa
samahan.

Ilan sa kanyang mga akda

1. “Kartilya ng Katipunan” – mga kautusan para sa mga kasapi ng


Katipunan.

2. “Liwanag at Dilim”– katipunan ng kanyang mga sanaysay na may


iba’t ibang paksa tulad ng kalayaan,
paggawa,paniniwala,pamahalaan at pag-ibig sa bayan.

3. “A Mi Madre” (Sa Aking Ina) – isang tulang handog sa kanyang ina.


Ito ay isang madamdaming oda.

4. “A La Patria” (Sa Bayang Tinubuan)–ang ipinalalagay na kanyang


obra-maestra.

Iba pang Maghihimagsik

Jose Palma y Velasquez

Si Palma ay inianak sa Tundo noong ika-6


ng Hunyo, 1876. Kapatid siya ni Rafael Palma na
naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.
Nakatagpo ni Jose Palma, noong nag-aaral siya sa

Panitikang Asyano| 616


Ateneo de Manila, si Gregorio del Pilar na naging
pinakabatang heneral ng mga hukbong
manghihimagsik. Kahit bata pa sa
Ateneo, si Jose Palma ay kumatha ng mga lirikong tula at pinahanga ang
marami sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang aklat ng mga tula
noong siya’y 17 taong gulang pa lamang. Sumama sa himagsikan laban
sa Amerikano. Ngunit kahit taglay niya ang damdamin at sigla ng
panghihimagsik, ang mahina niyang katawan ay hindi mailaban sa higpit
at hirap ng buhay-sundalo, kaya’t ginugol niya ang kanyang panahon sa
panlilibang sa mga kawal ng manghihimagsik sa pamamagitan ng
kanyang mga kundiman. Ang kanyang mga tula ay tinipon sa isang aklat
na pinamagatang “Melancolicas” (mga panimdim) na inilathala ng
kanyang kapatid na panahon na ng Amerikano. Ngunit ang
pinakadakilang ambag niya sa panitikang Filipino ay ang mga titik ng
“Pambansang Awit ng Pilipinas” sa Kastila, na nilapatan ng musika ni
Julian Felipe. Sinulat niya ang mga titik na ito habang ang pulutong ng
kawal na kinabibilangan niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan. Ang
mga letra ni Palma ay bihira nang awitin ngayon sapagkat ang salin sa
Ingles at Tagalog ang siyang lalong gamitin.

Ilan sa kanyang mga akda

1. “Himno Nacional Filipino”

Mga Pahayagan ng Panahon ng Himagsikan

1. “Heraldo Dela Revolucion” – naglalahathala ng mga dekreto ng


pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog
na pawang gumigising sa damdaming makabayan.

2. “La Independencia” – pinamatnugutan ni Antonio Luna na


naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas.

3. “La Republica Filipina” – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.

4. “La Libertad” – pinamatnugutan ni Clemente Zulueta.

5. “UNANG GASETILYA” – noong 1637, nilimbag ni Tomas Pinpin ang


SUCESOS FELICES bagamat isang polyeto ay ipinalalagay na
kauna-unahang pahayagang nalimbag sa Pilipinas.

6. “Del Superior Gobierno” – kauna-unahang pahayagang regular na


inilathala sa Pilipinas.Ang naging unang editor ay si Manuel
Fernandez del Folgueras.

Panitikang Asyano| 617


7. “La Esperanza” – kinilalang unang pahayagang pang-araw-araw.
Pinamatnugutan nina Felipe Lacorte at Evaristo Calderon.

8. “Diario De Manila”– unang lumabas noong 1848 sa pamamatnugot


nina Felipe del Pan.

9. “El Resumen” – magkatulong na inilathala nina Isabelo delos Reyes


at Baldomero Hazanas. Kauna-unahang pahayagang lantad sa
pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino.

10. “Ang Kalayaan” – ang opisyal na pahayagan ng kilusang


KATIPUNAN na pinamatnugutan ni E. Jacinto

Mga Akda sa Panahon ng Himagsikan

Andres Bonifacio

Huling Paalam
(Sa salin ni Andres Bonifacio)

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,


Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot


ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay dikailangan,


cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas


na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Panitikang Asyano| 618


Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw

Ang aking adhika sapul magkaisip


ng kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,


taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita


maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang


akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas


sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,
sa kaluluwa ko hatik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,


sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig


ang iwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong


sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon

Panitikang Asyano| 619


doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw


ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotang giliw


tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,


mangagatiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga bao't pinapangulila,


ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

At kung an madilim na gabing mapanglaw


ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;


kaipala'y maringig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.

Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat


at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.

At mga buto ko ay bago matunaw


maowi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Panitikang Asyano| 620


Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,


Katagalugang ko pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,


walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid


kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag pasasalamat at napahinga rin,


paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip


at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng sangkatauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal


sa tapat na puso ng sino’t alinman,

Panitikang Asyano| 621


imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad


sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki


na hinahandugan ng buong pagkasi
na sa lalung mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,


siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol


ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan


ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,


ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga


na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog

Panitikang Asyano| 622


bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!


gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan


waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib


at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan


ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis


ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay


sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos


sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay


na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Panitikang Asyano| 623


Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,


nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay


sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit


ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


kahoy niyaring buhay na nilang sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)


ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)


kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig


hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog

Panitikang Asyano| 624


Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating
tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito
ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at
kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang
mga taga-Japon, sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang
pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang
kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong
bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating
ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang
hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong
imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay
nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man
sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan
ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga
ugat, at yao’y inihalo’t ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos na
pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na
“Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakatawanan
ng hari sa Espana.

Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong


daang taon mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na
kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang
kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu
ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanila’y pasakop,
at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at taga-Holandang
nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan.

Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol


ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita
nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating
paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga
pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong
gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa
kanilang hamak na asal, pinilt na sinira ang mahal at magandang ugali
ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at
isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung
tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging
kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng
anak, aswa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na
pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at
karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.

Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating


pamamayan; ngayon lagi nang gingambala ang ating katahimikan ng

Panitikang Asyano| 625


umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis
ng makapal na ulila, bao’t mga magulang ng mga kababayang
ipinanganyaya ng mga manlulupig na Kastila; ngayon tayo’y nalulunod na
sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis
ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng
isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating
pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo tayong nabibiliran ng tanikalang
nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang
nararapat nating gawin? Ang araw ng katuwiran na sumisikat sa
Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong
nabulagan, ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya’y
tanaw sa ting mga mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa
atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katuwiran, na wala tayong iba
pang maaantay kundi lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran,
lalo’t lalong kaalipustaan at lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng
katuwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa
ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.
Itinuturo ng katuwiran ang tayo’y umasa sa ating at huwag antayin sa iba
ang ating kabuhayan. Itinuturo na katuwiran ang tayo’y magkaisang-loob,
magkaisang isip at akala at nang tayo’y magkaisa na maihanap ng lunas
ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan;


panahon nang dapat nating ipakilala n tayo’y may sariling pagdaramdam,
may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon nang dapat
simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang ani na magwawasak
sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na
ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang
mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang
natin y tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng
kamatayan na sa ati’y inuumang ng mga kaaway.

Kaya, O mga kababayan, ating idila ang bulag na kaisipan at


kusang igugol sa kagalingan ang atin glakas sa tunay at lubos na pag-
asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayan tinubuan.

Katapusang Hibik Ng Pilipinas

Sumikat na Ina sa sinisilangan


ang araw ng poot ng Katagalugan,
tatlong daang taong aming iningatan
sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Panitikang Asyano| 626


Walang isinuhay kaming iyong anak
sa bagyong masasal ng dalita't hirap;
iisa ang puso nitong Pilipinas
at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...


ang layaw ng anak: dalita't pasakit;
pag nagpatirapang sa iyo'y humibik,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,


hinain sa sikad, kulata at suntok,
makinahi't biting parang isang hayop;
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;


barilin, lasunin, nang kami'y malipol.
Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?

Aming tinitiis hanggang sa mamatay;


bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,
kaya kung ihulog sa mga libingan,
linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas


na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sarisaring silo sa ami'y inisip,


kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado---kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan,


bukid at tubigang kalawak-lawakan,
at gayon din pati ng mga halaman,
sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,


huwag nang saysayin, O Inang Espanya,
sunod kaming lahat hanggang may hininga,

Panitikang Asyano| 627


Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban,


kami'y di na iyo saan man humanggan,
ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog


ang barila't kanyong katulad ay kulog,
ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa


ng mga Tagalog, O Inang kuhila,
paraiso namin ang kami'y mapuksa,
langit mo naman ang kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,


paalam na Ina, itong nasa hirap,
paalam, paalam, Inang walang habag,
paalam na ngayon, katapusang tawag.

Apolinario Mabini

EL VERDADERO DECÁLOGO

PRIMERO. Ama a Dios y a tu honor sobre todas las cosas: a Dios, como
fuente de toda verdad, de toda justicia y de toda actividad; el honor, único
poder que te obligará a ser veraz, justo y trabajador.

SEGUNDO. Adora a Dios en la forma que tu conciencia estime más recta


y digna, porque en tu conciencia; que reprueba tus actos malos y aplaude
los buenos, habla tu Dios.

TERCERO. Cultiva las aptitudes especiales que Dios te ha dado,


trabajando y estudiando en la medida de tus fuerzas, sin separarte jamás
del camino del bien y de la justicia, para procurar tu propia perfección y
por este medio contribuir al progreso de la humanidad: así realizarás la
misión que el mismo Dios te ha señalado en esta vida, y realizándola
tendrás honor, y teniéndola glorificarás a tu Dios.

CUARTO. Ama a tu Patria después de Dios y de tu honor y més que a ti


mismo, pues ella es el único paraíso que Dios te ha dado en esta vida; el
único patrimonio de tu raza, la única herencia de tus antepasados; y el

Panitikang Asyano| 628


único porvenir de tu descendencia: por ella tienes vida, amor e intereses;
felicidad, honor y Dios.

QUINTO. Procura la felicidad de tu Patria antes que la tuya propia,


haciendo de ella el reinado de la razón, de la justicia y del trabajo; pues si
ella es feliz, felices también habéis de ser tu y tu familia.

SEXTO. Procura la independencia de tu Patria, porque tú sólo puedes


tener verdadero interés por su engrandecimiento y dignificación, como que
su independencia constituye tu propia libertad; su engrandecimiento, tu
perfección, y su dignificación, tu propia gloria e inmortalidad.

SÉPTIMO. No reconozcas en tu Patria la autoridad de ninguna persona


que no haya sido elegida por ti y por tus compatriotas, porque toda
autoridad emana de Dios, y como Dios habla en la conciencia de cada
individuo, la persona que designen y proclamen las conciencias
individuales de todo un pueblo, es la única que puede ostentar la
verdadera autoridad.

OCTAVO. Procura para tu pueblo la República y jamás la Monarquía: ésta


ennoblece una o varias familias y funda una dinastía; aquella constituye
un pueblo noble y digno por la razón, grande por la libertad y próspero y
brillante por el trabajo.

NOVENO. Ama a tu prójimo como a ti mismo, porque, Dios le ha impuesto


a él, como tarnbién a ti la obligación de ayudarte y no hacerte lo que é1 no
quiere que tú le hagas; pero si tu prójimo, faltando a ese sagrado deber,
atenta contra tu vida, tu libertad y tus intereses, entonces debes destruirle
y aniquilarle, porque prevalecerá la suprema ley de la propia conservación.

DÉCIMO. Mirarás siempre a tu compatriota algo más que a tu prójimo:


verás en él al amigo, al hermano y cuando menos al cornpañero con quien
estás ligado por una sola suerte, por las mismas alegrías y tristezas, y por
iguales aspiraciones e intereses.

Por eso, mientras subsisten las fronteras de las naciones levantadas y


conservadas por el egoísmo de raza y de familia, a é1 sólo debes unirte en
una perfecta solidaridad de miras e intereses, al objeto de tener fuerza, no
sólo para combatir al. enemigo común, sino también para realizar todos
los fines de la vida humana.

Ang tunay na Sampung Utos

Panitikang Asyano| 629


Una— Ibigin mo ang Diyos at ang iyong karangalan ng higit sa lahat
ng bagay: Ang Diyos ay batis ng lahat ng katotohanan, ng lahat ng
katarungan, at ang lahat ng gawain; at ang karangalan mo’y siyang
tanging kapangyarihang mag-uutos sa iyo na ikaw ay maging matapat,
mabait, at masipag.
Ikalawa— Sambahin mo ang Diyos sa paraang minamabuti at
minamarapat ng iyong budhi: sapagakat sa iyong budhi, na humahatol sa
masama mong gawa at pumupuri sa mabuti ay nakakausap mo ang Diyos.

Ikatlo— Linangin mo ang mga sadyang katangiang kaloob ng Diyos,


sa paggawa at pag-aaral ayon sa iyong kakayahan, na di lumalayo sa
landas ng kagallingan at katarungan upang matamo ang sariling
kadalisayang ikatutupad mo sa tungkuling ipinataw sa iyo ng Diyos sa
buhay na ito, at sa ganito’y ikaw ay pararangalan, at sa dangal mong ito’y
luluwalhati ang Diyos mo.

Ikaapat— Ibigin mo ang iyong baying sunod sa Diyos at sa iyong


karangalan at mahigit sa iyong sarili: pagkat ang bayan mo’y siyang
tanging Paraisong kaloob ng Diyos sa iyo sa buhay na ito, ang tanging
lupang tinubuan ng iyong lahi, ang tanging pamana ng iyong mga ninuno,
at ang tanging pag-asa ng iyong kinabukasan; dahil sa bayan mo, ikaw ay
may buhay, pag-ibig, kapakanan, ligaya, karangalan, at Diyos.

Ikalima— Pagsumikapan mo ang kaligayahan ng iyong bayan una


kaysa sarili mo, na gagawin mo siyang maging kaharian ng katwiran, ng
katarungan, at ng paggawa; pagkat kung ang bayan mo’y maligaya, ikaw
at sampo ng iyong pamilya ay magiging maligaya rin.

Ikaanim— Pagsumikapan mo ang kasarinlan ng iyong bayan:


pagkat ikaw lamang ang maaaring magkaroon ng tunay na adhika sa
kaniyang ikauunlad at ikatatayog, sapagkat ang kaniyang kasarinlan ay
siyang magbibigay ng iyong kalayaan; ang kaniyang kaunlaran ay siyang
panggagalingan ng iyong kagalingan; at ang kaniyang katayuan ay siyang
pagkukunan ng sarili mong luwalhati at pagkawalang kamatayan.

Ikapito— Huwag mong kilalanin sa iyong bayan ang kapangyarihan


ninumang hindi inihalal mo at ng iyong kababayan: sapagkat ang
kapangyarihan ay galling sa Diyos, at dahil sa ang Diyos ay nagsasalita sa
pamamagitan ng budhi ng bawat tao, ang sino mang hinirang at inihayag
ng budhi ng kabuuan ng mga tao ay siyang tanging maaaring gumamit ng
tunay na kapangyarihan.

Ikawalo— Pagsumikapan mong makapagtatag ng isang Republika


at kailanma’y hindi ng isang kaharian para sa iyong bayan: sapagkat ang
huli’y nagpapatayog sa isa o iilang pamilya lamang at may paghaharing
manahan, ang una’y nakapagpaparangal at nagpapaging marapat sa

Panitikang Asyano| 630


isang lahi sa pamamagitan ng katwiran, nakapagpapadakila sa
pamamagitan ng kalayaan, at nakapagpapasagana at ningning sa
pamamagitan ng paggawa.

Ikasiyam— Mahalin mo ang kapuwa tao gaya ng pagmamahal sa


sarili mo: sapagkat ikinatang ng Diyos sa kaniya at sa iyo rin ang
tungkuling ikaw ay tulungan at huwag gawin sa iyo ang hindi niya nais
na gawin mo sa kaniya; ngunit kung ang kapuwa mo, an di makatupad
sa ganitong tungkulin, ay maghangad ng laban sa iyong buhay, kalayaan,
sa gayo’y sa ilalim ng batas ng pagtatanggol sa sarili ay igugupo mo siya’t
lilipulin.

Ikasampu— Itatangi mo ang iyong kababayan higit sa kapuwa mo;


ipalalagay mo siyang kaibigan, kapatid, o kasamang kaugnay mo sa iisang
kapalaran, kasukob sa ligaya at lungkot at sa magkakatulad na hangarin
at kapakanan.

Emilio Jacinto

Kartilya ng Katipunan

Kartilya

1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na


kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong
makamandag.

2. Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa


sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa


kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang
Katuwiran.

4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y


magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigtan sa dunong, sa
yaman, sa ganda...; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa


sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili
kaysa sa puri.

6. Sa taong may hiya, salita'y panunumba.

Panitikang Asyano| 631


7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y
mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan ay di na muli pang
magdadaan.

8. Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi.

9. Ang mga taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin;


matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa


at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang
pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.

11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan


lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong
buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan,
at alalahanin ang inang pinagbuharan at nag-iwi sa iyong
kasanggulan.

12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong
gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya

1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na


kadahilanan ay kahoy (puno) na walang lilim, kundi (man) damong
makamandag.

2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o papipita


sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang
gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa


kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang
Katuwiran.

4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y


magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa
yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao.

5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa


pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita
sa sarili sa puri.

Panitikang Asyano| 632


6. Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.

7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y


mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli
pang magdadaan.

8. Ipagtanggol mo ang inaapi;kabakahin (labanan) ang umaapi.

9. Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat


sasabihin;matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa


at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan ng
inaakay ay kasamaan din. (Ang simula nito ay obserbasyon sa ugnayan
ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan,
iminumungkahing ipalit ang sumusunod: "Sa daang matinik ng buhay,
ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay
tungo sa sama, and patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.)

11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan


lamang, kundi isnag katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga
kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang
kanyang (pisikal na) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhatan at
nag-iwi sa iyong kasanggulan.

12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong
gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

13. Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong


at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa
mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na
tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong
may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri,
yaong di nagpaaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at
marunong lumingap sa bayang tinubuan.

14. Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw


ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabungan
ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't
magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na
buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.

Panitikang Asyano| 633


LIWANAG AT DILIM

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG

Ang ningning at liwanag ay nakasisira ng paningin.

Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang


buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay


nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na
dumampot.

Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabigham sa ningning. Sa


katunayan ng masamang naugalian. Nagdaraan ang isang karwaheng
maningning na hinihila ng kabayong matulin? Tayo’y magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman isang
magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan
at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghirap sa pinapasan?


Tayo’y mapapangiti at isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa’y
maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng
kanyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.

Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa


ningning at pagtakwil sa liwanag.

Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga
nayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita.

Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng
kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na
maningning,lalong-lalo na ang mga hari at mga Pinuno na
pinagkakatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at
walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihang sukdang
ikanais at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang
ito.

Panitikang Asyano| 634


Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na
ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng
maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahinain ng puspos na galang


ay ang maliwanag at magandang asal at matapat na loob, ang kahit sino
ay walang magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga
isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na
landas na katwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning


upang huwag magpamalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang
kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,
mahinhin, at maliwanag na napapatanaw sa paningin.

Ang lumipas na pinapanginoon ng Tagalog ay labis na


nagpapatunay ng katotohanan nito.

Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na


kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang
mga kaapihan?

KALAYAAN

Ang kalayaan ng tao ay ang katwirang tinataglay na talaga ng


pagkatao na umisip at gumawa ng anumang ibigin kung ito’y di nalalaban
sa katwiran ng iba.

Ayon sa wastong bait, ang katwirang ito ay siyang ikinaiba ng tao


sa lahat ng nilalang. Ang hayop ay sinusupil at nilulubiran sapagkat di
nakatatanto ng matwid at di matwid, di nakaaabot ng dakila at
magandang gawa. Liban sa tao lamang ang makapagsasabi ng ibig ko’t di
ko ibig kaya’t ayon sa bagay na kanyang inibig o di inibig siya’y magiging
dapat sa tawag na mabuti o masama, sa parusa o sa palo.

Kung sa tao’y wala ang kalayaan ay dili mangyayaring makatalastas


ng puri, ng katwiran, ng kagalingan, at ang pangalang tao’y di rin
nababagay sa kanya.

Ay! Kung sa mga Bayan ay sukat nang sumupil ang kulungan, ang
panggapos, at ang panghampas katulad din ng hayop ay dahil sa ang mga

Panitikang Asyano| 635


A.N.B. ay di tao, pagkat ang katwiran ng pagkatao ay namamatay na sa
kanilang puso.

Kung sa santinakpan ay walang lakas, walang dunong na


makakakayang bumago ng ating pagkatao, ay wala rin namang
makapakikialam sa ating kalayaan.

Ang Kalayaan ay biyaya ng langit at hindi ng dilang kagalingan at


magandang asal.

Bakit nga, bakit natin ipagkakaloob sa kapangyarihan ng lupa ang


ipinagkaloob sa atin ng kapangyarihan ng langit?

Gayunman, ang karamihan ng mga Bayan ay lagi nang humihila ng


tanikalang mabigat ng kaalipinan. Ang kakapalan ng tao’y iniinis ng iilang
panginoong itinatanggi.

Ang Anak ng Bayan ay lagi nang inaagawan ng bunga ng kapaguran


niyang sarili upang mamalagi at madagdagan ang kapangyarihan at
bagsik ng Namamahala at Pamahalaan (Gobyerno) na dahil sa pagkaliyo
sa mabangong suob ng mapagpuring kaakbay ay nakalilimot tuloy na ang
kanilang buong lakas, kalakhan, at kataasang ipinatatanghal ay galing na
lahat sa mga kampong inaalipin at ibinabaon sa dalita.

Madalas namang mangyari na ang Kalayaan ay sinasakal ng mali


at bulag na pagsampalataya, ng mga laon at masasamang ugali, at ng mga
kautusang udyok ng mga akalang palamara.

Kung kaya may katwiran ay dahil may kalayaan.

Ang Kalayaan nga ay siyang pinakahaligi, at sinumang mangapos


na sumira at pumuwing ng haligi at upang maigiba ang kabahayan ay
dapat na pugnawin at kinakailangang lipulin.

Kung ang Kalayaan ay wala, dili mangyayari ang ganito: Na ang tao’y
bumuti sapagkat ang anumang gagawin ay di magbubuhat sa kanyang
pagkukusa.

Maraming hayop, lalo na sa ibon, ang namamatay kung kulungin


dahil sa pagdaramdam ng pagkawala ng kanilang Kalayaan. Diyata’t ikaw
na itinanging may bait sa Sandaigdigan ay daig pa ng hayop?

Ang salitang Kalayaan ay nakapaninibago sa tainga at marami pa


sa aking mga kababayan ang di nakaabot ng tunay na kahulugan.

Panitikang Asyano| 636


Kung ang Kalayaan ay wala, ang kamatayan ay makalibo pang
matamis kaysa kabuhayan.

Ang umiibig at nagpapakamatay sa dakilang kadahilanan ng


Kalayaan ay umiibig at nagpapakamatay sa kadahilanan ng Maykapal,
ang puno’t mula ng katwiran na dili maaaring magkaroon kung ang
Kalayaan ay wala.

Bakit ang Tagalog ay kulang-kulang na apat na raang taong


namuhay sa kaalipinan na pinagtipunang kusa ng lahat ng pag-ayop,
pagdusta, at pag-api ng kasakiman at katampalasan ng Kastila?

Dahil kanyang itinakwil at pinayurakan ang Kalayaang


ipinagkaloob ng Maykapal upang mabuhay sa kaginhawaan; at dahil dito
nga’y nawala sa mga mata ang ilaw at lumayo sa puso ang kapatak mang
ligaya.

ANG TAO’Y MAGKAKAPANTAY

Ang lahat ng tao’y magkakapantay sapagkat iisa ang pagkatao ng


lahat.

Anung ganda, anung liwanag ng katotohanan ito!

Sino kaya ang pangahas na makapagsasabing higit ang kanyang


pagkatao at tangisa pagkatao ng kanyang mga kapwa?

Datapwat sa lahat ng sulok ng lupa ay naghari at nagkaroon ng mga


pangahas na ito, kaya nga’t lumabo ang ganda’t liwanag ng dakilang
katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban, ang
kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban.

“Kayong lahat ay magkakapantay, kayong lahat ay magkakapatid,”


sinabi bi Kristo. Ngunit ang nagpapanggap na mga kahalili Niya, alagad at
pinakahaligi ng Kanyang mga aral ay siyang kauna-unahang napakilalang
natatangi sa madla; at ang bulag na tao’y naniwala sa kanila, dahil sa
matinding pagsampalataya na sumusunod nga sa aral ni Kristo.

“Ang tao’y magkakapantay,” sinabi ng mga amang maiirugin ng


Sangkatauhan; at ang sabing ito’y tumalab hanggang sa kaibuturan ng
puso. Ang ulong may putong na korona ni Luis XVI ay nalaglag; maraming
setro ang nanginig sa kamay at umuga ang luklukan ng mga hari; sampu
ng mga marangyang kahalili at alagad ni Kristo ay kinasuklaman at
inilagan na katulad din ng pag-ilang sa ulupong.

Panitikang Asyano| 637


Ang lahat ng tao’y magkakapantay sapagkat iisa ang pagkatao ng
lahat. Ito’y siyang katotohanang tunay; ito ang itinatag ng katalagahan ng
lumalang ng lahat; ito ang ilaw ng pag-asa na matatapos din ang pagkainis
at titigil din sa mata ng tao ang pagdaloy ng luha.

Kung itinititig ang mga mata ko sa kahambal-hambal na kaanyuan


ng mga Byan, ay! Di ko mapigilan na maniig sa puso ang matinding
kalungkutan. Kung minsan ang katotohanang ito ay niyuyurakan ng
kaliluhan sa tulong ng tingga ng baril at ng tanikala ng bilangguan, dahil
sa di pagkakaisa at karuwagan ng mga Bayan. Kung minsan naman ang
kaliluhan ay nagdadamit – mahal at ang mga hamak niyang kaakbay ay
di kinukulang ng maririkit na katwirang ipinapatay sa ginagawang mga
paglapastangan sa matwid at sa pagkakapantay ng tao, na tinatanggap
naman ng Bayan dahil sa kanyang kabulagan.

Datapwat ang katotohanan ay walang katapusan; ang matwid ay


hindi nababago sapagkat kung totoo na ang ilaw ay nagpapaliwanag,
magpahanggang kailanman ay magpapaliwanag. Kung may matwid ako
na mag-ari ng tunay na sa akin, kapag ako’y di nakapg-ari ay di na
matwid.

Kaya nga’t may panahon din na dapat antayin na ang sigaw ng


katotohanan ay sasapit sa mga isip na kinakalong ng kadiliman, at ang
matwid ng pagkakapantay-pantay ng tao ay yayakaping tunay ng mga
pusong nahihimbing sa kalikuan.

Huwag umasa na ang araw na ito ay katumbas din ng di paniniwala


sa pagka-Diyos ng Diyos. O ikaw na pinopoon sa kataasan, di mo baga
talos na ang dinaramdam ng mababa kung iyong inaapi ay siya mo ring
daramdamin kung ito’y sa iyo gawin?

Ikaw na mayaman: Di mo ba naaabot na ang hapdi ng loob mo kung


aalisan ka ng iyong mga kayamanan ay siya ring hapdi ng loob ng mahirap
kung inaagawan ng kapos na upa ng kanyang mga kapalagan?

Kayong malalaki, na umaasa sa kamahalan ng inyong dugo at sa


katwirang taglay ng inyong kalakhan na sumakop at lumapastangan sa
inyong mga kapwa, sandaling bukahin ang mapagmarunong na pag-iisip
sa mga halimbawang sinabi at makikilala ninyong lubos na ang lahat ng
tao ay tunay ngang magkakapantay.

Datapwat huwag akalain ng sino pa man na ang pagkakapantay ng


tao ay nalalaban sa kataasang kinakailangan ng mga pinunong dapat na
mamahala ng Bayan. Hindi nga nalalaban, sapagkat ang kanilang

Panitikang Asyano| 638


kataasan ay nabubuhat sa Bayang kumikilala sa kanila. Ngunit ang sarili
nilang pagkatao ay kapantay din ng pagkatao ng lahat.

At dahil ang tao ay tunay na magkakapantay at walang


makapagsasabing siya’y lalong tao sa kanyang kapwa, ang sino pa man
nga na sa sarili niya lamang at sa tulong ng iilang mapagmapuri ay
lumukloksa kataasan ng kapangyarihan at mangangahas na
magpakilalang una’t mataas sa lahat, ito’y isang sukab na loob na ibig
maging panginoon – na nagsasabi ng katwiran ngunit umuuyam sa
matwid, na nagsasabi ng kaginhawaan ngunit umiinis at nagpapadalita.
Sa walang likat na pagpupuri ng kanyang mga lilong katulong at kaakbay,
namamahay tuloy sa paniniwala na siya’y tunay ngang hinirang ng langit
na maging panginoon at kanyang magagawa ang balang nasain ng
kanyang pagkapanginoon. Ang kanyang mga hamak na Galamay ay
katulad ng aso na napasusupil sa kanya upang makasupil sa iba na
katulad ng halimaw at magkasalo sila sa pag-inom ng dugo ng Bayan.

Inyong masdan ang kinasasapitang kahambal-hambal kung ang


pagkakapantay-pantay ng tao’y ibinabaon sa dilim ng limot at siphayo.

Kung iginagalang ang hangin ng kapalaluan, ang bula ng


kayamanan ay lalong dapat na igalang ang magbubukid na nabababad sa
ulan at nabibilad sa araw upang mabuhay ang lahat ng bunga ng kanyang
pinagpaguran!

ANG PAG-IBIG

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala ngang mahal at dakila


na gaya ng pag-ibig.

Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan,


ang Maykapal, ang kapwa tao ay siya lamang na mangyayaring maging
sanhi ng pag-ibig, siya lamang na mangyayaring maging sanhi ng pag-
ibig, siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-
ibig. Kung ang masama at di matwid ay ninasa rin ng loob ay hindi ang
pag-ibig ang may udyok kundi ang kapalaluan at ang kayamuan.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga Bayan ay dili magtatagal, at


kapagkarakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkaka-pisan at
pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na
niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.

Ang pag-big, wala na kundi ang pag-ibig, ang makaaakay sa tao sa


mga darakilang gawa sukdang ikawala ng buhay sampung kaginhawaan.

Panitikang Asyano| 639


Ngunit ang kadayaan at katampalasan ay nag-aanyong pag-ibig din
kung minsan, at kung magkagayon na ay libo-libong mararawal na
pakikinabang ang nakakapalit ng kapatak na pagkakawanggawa, na
nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at masakim na pag-iimbot. Sa
aba ng mga bulag na isip na nahaharuyo sa ganitong pag-ibig!

Ang pag-ibig, wala na kundi ang pag-ibig, ang taning bina-balungan


ng matatamis na alaala ng nagdaan na at ng pag-asa naman sa darating.
Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at kadustaan, ang pag-ibig
ay siyang nagiging dahil lamang kung kaya natin minamahal pa ang
buhay.

Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang


magbabatang mag-iiwi ng kasanggulan? At mabubuhay kaya naman ang
mga anak sa sarili nila lamang? Kung ang anak kaya naman ay walang
pag-ibig sa magulang, sino ang magiging alalay at tungkod ng katandaan?
Ang kamatayan ay lalong matamis pa sa buhay ng matanda na
nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang mga pagod na mata ay walang
malingapang makapag-aakay at makaaliw sa kanyang kahinaan.

Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing


kapalaran hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng ating
kamuntik na kaluwagan; ang pagtatangkakal sa naaapi hanggang sa
damayan ng panganib at buhay; ang pagkakawanggawa na lahat kung
tunay na umusbong sa puso – alin ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na


ligaya at kaginhawahan. Kailan pa ma’t sapin-sapin ang dagan ng
pinapasan ng Bayang lipos sa kadukhaan at lungkot ay dahil ang tunay
na pag-ibig ay di siyang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t
bulaang karangalan.

Sa aba ng mga Bayang hindi pinamamahayan ng wagas at


matinding pag-ibig!

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangan pagdadamayan at


pagkakaisang nagbibigay ng di-maulatang lakas, maging sa pag-
aabuluyan at pagtutulungan ng isa’t isa, maging sa pagsasanggalang ng
mga banal na matwid ng kalahatan.

Sa aba ng mga Bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at


binubulag ng hamak na pagsasarili! Ang masasama ay walang ibang
ninanasa kundi ang ganitong kalagayan, at inuulalan pa’t pinapasukan
ng mga pagkakaalit, kaguluhan, pagtataniman, at pagpapatayan,
sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan na ang Anak ng Bayan ay

Panitikang Asyano| 640


magkabukod-bukod upang kung mahina na’t dukha sa mga pag-iiringan
ay makapagpasasa sila sa kanyang kahinaan at kadukhaan.

O, sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?

Ang pagkakaisa na siya niyang kauna-unahang nagiging bunga ay


siyang lakas at kabuhayan; at kung at kung nagkakaisa na’t nag-iibigan,
ang lalong malalaking hirap ay magaang pasanin at ang munting ligaya’y
nilalasap na malaki. Kung bakit nangyayari ang ganito ay di matatalos ng
mga pusong hindi nagdadamdam ng tunay na pag-ibig sa kapwa.

At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang


susi at mutya ng kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nitong
magugulong talata: Mapagnanakawan mo kaya, mapagdadayaan o
matatampalasan ang iyong ina’t mga kapatid? Hindi nga, sapagkat sila’y
iyong iniibig, at bagkus pang dadamayan ng dugo at sampu ng buhay
kung sila’y makikitang inaapi ng iba.

Gayon din naman kung ang lahat ay mag-iibigan at


magpapalagayang tunay na magkakapatid. Mawawala ang mga pag-
aapihan, ang lahat ng nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga
kapaitan.

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na


pagsasarili ang magagandang akala. Ang mga tapat na nais at ang
tinatawag na marunong ay ang mabuting magparaan upang magtamasa
sa dagta ng iba; at ang tinatawag na hangal ay ang marunong dumamay
sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.

Maling mga isip at ligaw na loob ang nananambitan. Hinggil sa mga


hirap ng tao na inaakalang walang katapusan! Sukat ang mamahay at
manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa at ang
tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

ANG BAYAN AT ANG MGA (GOBYERNO) PINUNO

Ngayong bumanag na sa langit na ating sinisilangan ang liwayway


ng Kalayaan, at ang landas ng tunay na ligaya ay siyang naging panatang
lalakaran, hanggang sa masapit ang hangganan ng nais, ngayon nga
dapat na tantuin ng Anak ng Bayan ang maraming bagay na di maaaring
kanyang natanto sa kapanahunang inaalipin ng Kastila.

Ang mga bagay na ito ay kinakailangang maalaman, pagkat siyang


bulaklak kung baga sa bunga, ang hangin kung baga sa layag, at dahil sa
nagtuturo na kung ano ang Bayan at kung ano ang Gobyerno upang

Panitikang Asyano| 641


maging tunay at manatili sa isa’t isa ang bigat na dapat taglayin sa
timbangan ng katwiran.

Kailan pa ma’t dili ito ang siyang mangyayari ay nalilihis ng daan,


at ang lalong magagandang nasa at akala ay pangarap na mistula, at ang
maririkit na talumpati’t pangungusap ay marayang hibo.

O, Anak ng Bayan! Dili-dilihin mong palagi ang iyong pinu-hunang


duho at mga kahirapan, ang iniubos mong lakas at pagpupumilit na ang
puri’t katwirang nakalugmok ay mapabangon sa panibagong buhay. Iyong
dili-dilihin, at ikaw ay manghihinayang, kung muling maagaw ang iyong
mga matwid sa kanylagan mo’t kahinaan ng loob.

Huwag mong kalimutan na ang bagong pamumuhay ay


nangangailangan ng bagong ugali.

At sino ang makapagsasabi? Maaaring mamahala ang mga hangal


at lilong Pinuno, na mag-akala ng sa sarili bago ng sa iyo, at salawin ka
sa ningning ng kanilang kataasan at mga piling pangungusap na
nakalalamuyot. Kinakailangan ngang matalastas mo’t mabuksang
tuluyan ang iyong pag-iisip, nang makilala mo ang masama at mabuting
Pinuno, at nang huwag masayang ang di-masukat mong mga pinuhunan.

Ang bayan na dito’y sinasabi ko ay hindi ang kapisanan ng mga


taong nananahan sa gayong lugar, kundi ang katipunan ng lahat ng
Tagalog; ng lahat na tumubo sa Sangkapuluan.

Dapwat ang alinmang katipunan at pagkakaisa ay nangangai-


langan ng isang pinakaulo, ng isang kapangyarihang una sa lahat na
sukat makapagbigay ng magandang ayos, makapagpanatili ng tunay na
pagkakaisa at makapag-akay sa hangganang ninais, katulad ng
sasakyang itinutugpa ng bihasang piloto, na kung ito’y mawala ay
nanganganib na maligaw at abutin ng kakila-kilabot na kamatayan sa laot
ng dagat, na di makaaasang makaduduong sa pampang ng maligaya at
payapang kabuhayang hinahanap.

Ang pinakaulong ito ay siyang tinatawag ng Pamahalaan o Gobyerno


at ang gaganap ng kapangyarihan ay pinangangalanang mga Pinuno ng
Bayan.

Ang kadahilanan nga ng mga Pinuno ay ang Bayan, at ang


kagalingan at kaginhawaan nito ay siyang tanging dapat tunguhin ng
lahat nilang gawa at kautusan.

Ano pa mang mangyayari, ang mga Pinuno ay siyang mananagot.

Panitikang Asyano| 642


Tungkol nila ang umakay sa Bayan sa ikagiginhawa. Kailan pa ma’t
maghirap at maligaw ay kasalanan nila.

At kung ang nagkakasala sa isang tao ay pinarusahan, ano kaya


ang nararapat sa nagkakasala sa Bayan, sa yuta’t yutang mga kapwa?
Sakali’t ang pagkaligaw ay dahil di nababatid ang daan, ano’t hindi
pinabayaang mag-akay ang isang nakaaalam?

Lisanin na natin ang pag-uugaling dinadala ang dating pani-niwala


na ang mga Pinuno ay panginoon ng Bayan at magaling ang
kaginhawahan ng lahat ay siya nilang tungkol upang huwag nilang
makalimutan.

Ako’y naniniwala at lubos kong pinananaligan na ang kaluwagan ng


alinmang Bayan ay sa kanya din dapat na hanapin. Ang Bayang
nakakikilala at umiibig sa matwid, na inaakay ng kabaitan at mahal ang
kaasalan, ay di pababahala sa kangino pa mang panginoon, di paiilalim
sa kapangyarihan ng lakas at daya. Di aalalay sa palalo’t masibang
kaliluhan na maghari sa taluktok ng kataasan.

Kaya nga’t dahil sa ito’y siya kong pinaniniwalaan ay siya ko


namang ipinaliliwanag sa Anak ng Bayan, pagkat sa paraang ito lamang
makakalimutan na’t di na masasabi kailanman sa atin ang sumusunod
na mga titulo ni Baltazar:

“Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo at ang kabaitan kimi’t


nakayuko.”

Nakita na nga natin na ang lahat ay magkakapantay; at ang


kataasan ng mga pinuno ay di tinataglay ng sarili nilang pagkatao pagkat
sila’y kapantay din ng lahat.

Kaya nga’t ang alinmang kapangyarihan upang maging tunay at


matwid ay sa Bayan lamang at sa kanyang mga tunay na Pinaka-katawan
dapat na manggaling.

Sa madaling salita, di dapat nating kilalanin ang pagkatao ng mga


Pinuno na mataas kaysa madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay
dahil sa kapangyarihang ipinagkaloob ng Bayan, suma-katwid, ang
kabuuan ng mga kapangyarihan ng bawat isa.

Sa bagay na ito, ang sumusunod sa mga pinunong inilagay ng


Bayan ay dito sumusunod, at sa paraang ito’y nakikipag-isa sa kalahatan.
At ang pakikipag-isang ito ay siyang daang tangi ng kaasyusang
kinakailangan ng kabuhayan ng Bayan.

Panitikang Asyano| 643


Ito’y siyang paraan lamang upang ang malupit at marayang
kaliluhan na ngayo’y lumagpak na ay huwag na muling magbangon at
magdamit-bayani o tagapagtanggol kaya ng Bayan at kalayaan. Na kung
magkaganito ma’y kanyang ililihis ang katwiran, iinisin ang Bayan at
sasakalin ang kalayaan sa dahilang hango din kunwari sa tatlong bagay
na ito at kawili-wiling dinggin.

Wala na ngang makapangangalaga sa sarili na gaya ng tunay na


may katawan. Gayundin naman ang Bayan. Upang huwag magaga, huwag
maapi, kinakailangang magkaloobito na kunilala at tumakwil sa mga
lilong may balatkayo.

Sa katahimikan ng bawat panig ng Bayan at kaalwanan ay hindi


maaaring di pamagitanan ng isang kataas-taasang kapangyarihang hango
sa kabuuan at laan sa laging pagkakaisang binhi ng lakas at kabuhayan.

Magbuhat nga sa lalong mataas na pinuno hanggang sa kahu-


lihulihang mamamayan ay dapat na gumamit ng lubos na pitagan at
pagtupad sa mga pasiya ng kataas-taasang kapangyarihang ito na
hinahango sa kabuuan at ginaganap sa kaparaanan ng kapisanan ng mga
Pinakakatawan ng Bayan o Kongreso.

Ay! Ngunit ang tunay na nararapat at ang katwiran ay madalas na


guluhin at takpan ng malabis na paghahangad ng karangalan, ng lampas
na pag-iimpok sa sarili, at ng gumigiit na gawing masasama.

Ang kapangyarihan ng mga Pinuno ay dapat na iasa lamang sa pag-


ibig at pagmamahal ng Bayan, na dili mangyayaring makamtan kundi sa
maganda’t matwid na pagpapasunod.

Anung laking kamalian ng mga pusong maisip na nagpupumilit


magpasikat ng kapangyarihan sa kaparaanan ng lakas ng baril! Mga pikit
na mata! Aayaw kumuhang halimbawa sa mga nangyaring kakilakilabot
sa mga nagdaang panahon!

Wala nang magaang akayin na gaya ng mga loob na tapat; datapwat


wala namang napopoot na gaya nila laban sa di matwid at mararahas na
paraan at sa hamak na pagpapakumbaba.

Lagi nang sinasambit ang katwiran ng mga Pinuno at ang mga


utang na loob sa kanila ng Bayan. Ito’y siyang karaniwang nakikita sa mga
Pamahalaan. Datapwat ang Bayan ang siyang may katwiran, pagkat ang
tungkol at matwid ng mga Pinuno ay laan at pawang dapat na isukat sa
kapakinabangan at niloloob ng Bayan. Iilan ang nakatatatanto o ibig
tumanto ng katotohanang ito.

Panitikang Asyano| 644


Ang kaginhawahan, wala na kundi ang kaginhawahan ng Bayan,
ang siyang talagang katwiran at kadahilanan, ang simula’t katapusan,
ang hulo’t wakas ng lahat ng katungkulan ng mga tagapamahala.

Ngunit ang kaginhawahang ito’y madalas agawin at hatiin kung ang


mga karangalan ay kinakamtan ng mga sukab na mapagmapuri, kung
ang mga pala at katwiran ay ibinibigay sa udyok ng suhol at pagkapit sa
malalaki. Siya nang pagyaman ng masasama at paglitaw ng mga palalo.

Umasa na ang masasamang ito’y bumago at kusang bumuti ay


malaking kamalian. Ang mga ito’y katulad ng hunyango na bumabagay sa
kulay ng kahoy na dinadapuan. Ang lunas na kinakailangan upang huwag
mangyari at masunod ang papaganitong kasamaan ay wala kundi ang
pagliliwanag ng isip ng Bayan at ang bagong pag-uugali.

Ang mga kautusan nga, dahil nagbubuhat sa loob ng Bayan, ay


unang dapat na igalang at sundin bago ang mga Pinuno pagkat ito’y mga
katiwala lamang ng pagpapatupad ng kautusang ito. Ang dating
masamang ugali na ang pagkahukom ng hukom ay siyang kauna-
unahang binibigyang halaga ay pinanggagalingan ng malalaking
kasamaan pagkat napupuwing ang katwiran, at ang mga kautusan.

Dapwat baguhin ang ugali, samakatwid, pahalagahan ang mga


kautusan na una sa lahat, palibhasa’y bunga ng nais ng kalahatan; at ang
mga hukom, kung ibig na manatili sa pagkahukom ay pilit na gaganap ng
wastong katwiran, at sa aba nila! Kung ang nalalaban dito ang siyang
aakalain.

Wala na kundi ang kaginhawahan ng Bayan ang tunay na sanhi ng


alinmang kapangyarihan sa ibabaw ng lupa. Pagkat ang Bayan ay siyang
lahat: dugo at buhay, yaman at lakas, lahat ay sa Bayan. Ang mga kawal
na naghahandog ng buhay ay sa pagta-tanggol ng buhay ng lahat ay
taganas na Anak ng Bayan.

Ang kayamanan ng Gobyerno ay nanggagaling sa mga Anak ng


Bayan; ang laki at tibay ng kapangyarihan ay sa pagkilala’t pagsunod ng
sa Bayan nagbubuhat; at ang tungkol ikinabubuhay ay ibinibigay na lahat
ng Anak nh Bayan na nagpapabunga ng lupa, nag-aalaga ng mga hayop,
at gumagawa ng mga sangkap at gamit na lahat sa kabuhayan.

Sapagkat ang Bayan nga, upang manatili at mabuhay, ay nakita na


nating nangangailangan ng isang pinakaulo o Gobyerno, nauukol din
naman ang magkaloob dito ng mga ambag na kinakailangan, na kung
wala ay hindi maaari, bagama’t ang mga buwis o ambag ng Bayan ay sa
tangi at lubos na kapakinabangan ng lahat dapat na gamitin.

Panitikang Asyano| 645


ANG MALING PAGSASAMPALATAYA

Sukat na sa mga isip na bihasang magnilay-nilay ang sampalataya


upang malirip na malinaw na ang pinakahaliging ito ng naugaliang
pagsamba ay nalalaban sa kabaitang matalino at gayundin sa talaga ng
Diyos.

Sa katunayan, ang kahulugan ng pagsampalataya ay ang pikit na


paniniwala sa sinasabi ng iba. At ikaw na bumabasa nitong walang ayos
na mga lakad: Di mo baga naaabot na kung ang pagkamulat ay madalas
na maligaw sa landas ng kabuhayan ay di lalo na nga ang nakapikit?

Nalalaban din naman talaga sa Diyos pagkat ang tao’y binigyan niya
ng pag-iisip upang magamit ang pagkilala ng totoo’t di-totoo, ng matwid
at di-matwid, ng mabuti’t masama. Datapwat dahil sa maling
pagsampalataya’t pikit na paniniwala, ang pag-iisip ay pinahihimbing at
di ginagamit sa mga pinaglaanang ito ng Maykapal.

Gayunma’y mga ulong pinamamahayan diumano ng karunungang


buhat sa langit ang siyang nagkakalat at umaalalay nitong likong
pagpatay sa lalong mataas na biyaya sa tao na gaya na nga ng pag-iisip.

Ang sanggol, liban na na lamang sa sanggol, ang mababaga-yan ng


paniniwala sa sabi ng iba na wala nang pagdili-dili.

Ito na nga ang isang dahil pa ng mga paghihirap at hinagpis, at ang


Bayang Tagalog, di pa nalalaon at lubos nang nakaramdam ng mga
kasakit-sakit at kasindak-sindak na nasasapit kung ang kamaliang ito’y
pinapangangapit sa mga pag-iisip na mapapaniwalain.

Mga hunghang at palamarang alagad ni Kristo, kung tawagin, ay


nangahas na binaluktot ang matuwid at binalot ang lupa sa dilim; at ang
mga pag-iisip ay nangabulag at nalumpo ang mga loob. Ang sapin-sapin
at walang patid na mga alay at ambag sa simbahan ay dinadala ng maling
pagsasampalataya; mga alay at ambag na ipinatu-tungkol sa langit ngu-
nit tinatamasa ng mga lilo sa lupa at nagiging balong walang-hangga ng
mga kayamanan at kataasang di-magunita.

Kinakailangan pa kayang isaysay ang sarisari’t di-mabilang na mga


katampalasanan at madlang upasala’t sigalot na ibinubunga ng mga
ugalint ito? Inaakala kong hindi na sapagkat talastas na ng lahat.

At sakali mang may mga matang naalimpungatan pa sa maha-bang


nagdaang pagkahimbing, at ang kahirapang binata ay ibubu-hat na lahat
sa kasamaan ng nagpapanggap na mga alagad ng Diyos, sukat na lamang
ang masdan ng mga matang iyan at tantuin na ang mga kasama-an nila’y

Panitikang Asyano| 646


walang nagawang ano pa man kung ang bayan ay natutong magbulay-
bulay at kumilala ng kapalalua’t kasakimang dinamitan ng kabanalan, ng
natatagong ulupong na mabangis sa maamong balatkayo ng kabaitan.

Kung ang sasabihin naman ay dahil sa siyang kinagisnan sa


magulang at naging ugali, hindi lahat ng ugali ay mabuti at ang pagsunod
sa Diyos ay ang pag-alis ng masasamang ugali.

Anung laking pagkalihis sa daan ng katotohanan at tunay na


kabanalan! Mga taong tinatawag na tunay na Kristo ay walang sinusunod
na isa mang aral ni Kristo. Ang buong pagka-Kristiyano’y ipinatatanghal
– paimbabaw ng kabanalan at palalong ningning at pagpaparangya.

Hanggang kailan mabubuksan ang mata mo taong binigyan ng pag-


iisip at itinangi sa sangnilalang? Kung ang kaputol na kahoy ay gagawing
anyong tao, maaaring pagkamalan ng sinumang maka-kita; datapwat
anuman ang katalinuhan ng gumawa, ang kahoy ay kahoy din ang
kauuwian.
Gayundin naman, liban na lamang sa tunay na sumusunod sa mga aral
ni Kristo, walang matatawag na tunay na Kristiyano anuman ang gawin
at kasapitan.

Ngunit si Krito ay walang sinabing anuman sa mga ipinag-uutos at


ginagawa ng simbahan (anang mga alagad ay simbahan ni Kristo). Ang
sinabi ni Kristo ay ito: “Kayo’y magmahalan. Kayo’y magkakapatid na
lahat at magkakapantay.”

At ang pagmamahalang ginawa ng Kristiyano ay ang pag-aapihan at


pagdadayaan. At ang magkakapatid at magkakapantay, unang-una na
ang mga alagad, ay mag-aagawan ng kataasan, kaya-manan, at
karangalan upang masila ang maliliit at mga maralita.

Sinabi ni Hesuristo: “Ang nagpapakalaki ay hahamakin at


pupurihin ang nagpapakaliit.” (Kap. XIV. N) Datapwat ang sabing ito’y
pinawi sa alaala ng mga kalakhang maraya na kumalat at pumuno sa
lupa.

Sinabi ni Hesukristo sa nagsisipagsalita sa Kanya ng mga


kayamanan at magagandang batong hiyas ng simbahan: “Ang lahat ng
iyang nakikita ninyo ay darating ang araw na walang matitira na di
malilipol.” (Kap. XXI) At kayong binubulag ng kadiliman, na mga binyagan
kay Kristo, sa inyong mga simbahang lipos ng ningning at kapalaluan: Di
baga ninyo nakikita na ang inyong mga gawa ay nalalaban kay Kristo
pagkat siya Niyang itinatakwil at isinumpa?

Panitikang Asyano| 647


Minsang pumasok sa simbahan ay Kanyang ipinagpatabuyan ang
lahat ng doo’y nagbibili at bumibili. “Nasusulat,” anya, “na ang bahay ko’y
maging bahay ng kabanalan; ngunit inyong ginagawang yungib ng mga
magnanakaw.” (Kap. XIX) Inyong masdan, kayo’y maghaka-haka at
sandaling gunitain ang mga pilak na pumapasok sa simbahan, saka ninyo
sabihin kung tunay ngang simbahan ni Kristo.

Laging kinakaaway ng dili-dili itong kahambal-hambal na


pagkalihis ng mga pag-iisip at di-miminsang itinanong sa sarili kung hindi
na matatapos ang kalagayang kalungkot-lungkot at kasakit-sakit, kung
ang lakas ng kaliluhan ay hindi na madadaig ng wastong matwid. Ngunit
nalalaban sa dakilang kabutihan ng Maykapal ang mamahay sa ganitong
akala. Pagkat kung ang lahat ng sama at di-katwiran, ang lahat ng hirap
at dusang walang katapusan ang siyang pamumuhayan ng tao sa habang
panahon, ano’t bakit pa Niya nilikha? Hindi nga sa Maykapal naroroon
ang kadahilanan kundi sa tao din na binigyan ng lahat at bawat isa ng
pag-iisip at loob na inaakay ng kamaliang anaki’y totoo at unan ng
kasukabang aaki’y banal.

Upang tamuhin ang hinahanap na ginhawa ay kinakaila-ngang


lubos ang pag-aaral na kumilala ng matwid at di-matwid, ng daya at
tunay, ng magaling at masama ng dapat ipagkapuri at dapat ikahiya, ng
nagbibigay-lakas at nagbibigay-sakit.

Upang mangalaman na kapatid kay Kristo ay kinakailangang lubos


ang pag-aaral na kumilala ng matwid at di-matwid, ng daya at tunay, ng
magaling at masama, ng dapat ipagkapuri at dapat ikahiya, ng
nagbibigay-lakas at nagbibigay-sakit .

Upang mangalaman na kapatid kay Kristo ay kinakailangang


tumulad sa Kanya sa kabanalan, kabaitan, at pag-ibig sa kapwa. Hindi
kinakailangang gumanap ng ganito’t gayong mga pagsamba at mga
santong talinghaga. Saanman dumoon ang pusong malinis na
pinamamahayan ng magandang nasa at ng matwid ay naroroon si Kristo
– binyagan at di-binyagan, maputi’t maitim man ang kulay ng balat.

Di nalilingid sa akin na ang mga saysay ko’y magbigay-pangamba


marahil sa mga loob ng iginawi magbuhat sa mga unang araw ng
kasanggulan sa malig pagsampalataya.

Datapwat tumahimik ang mga loob na ito pagkat ang aking talagang
pakay ay hindi nalalaban kundi naaayon sa kalakhan ng Diyos at
kabutihan Niyang di pa nalilirip sa panahong ito. Ang aking kinakalatan
ay nasa lupa – ang kasukaban ng mga alagad at ang kabulagan ng mga
inaalagaan.

Panitikang Asyano| 648


Sa katunayang hindi naaabot ng tao ang kalakhan at kabuti-han ng Diyos
ay nangapit sa itinurong paniniwala na lahat ng mang-yayari ay talaga
Niya, masama’t mabuti, at sila rin namang kumikilala na lamang ang
masama, na ang kinauwian ay itinulad sa tao – hamak ang Puno’t mula
ng lahat ng nilalang.

Kung ito’y di gawa ng pikit na isip ay ngalanan na ninyo ng kahit


ano, datapwat huwag tawaging kabanalan.

Ang Diyos ay walang tinalagang masama pagkat ang kabu-tihan


Niya’y walang katapusan. Ang masama ay tayo; ang lahat ng mga hirap,
hinagpis, dalita, at kaabaan ay pawang kasalanan natin.

Sabihin ninyo sa tamad ang kanyang pagdaralita, at ang isasagot


ay umaasa sa talaga ng Diyos. Ngunit ang talaga ng Diyos ay magdalita
ang tamad.

Sabihin ninyo sa isang bayang namumuhay sa pagkaamis at


niluluoy ng kasibaan at kayabangan ng mga Pinuno, at isasagot na
sumasang-ayon sa talaga ng Diyos. Ngunit ang talaga ng Diyos ay
maghirap ang mga bayang di marunong magkaisa sa paglalaban ng
katwirang biyaya ng Makapangyarihan sa lahat.

Inyong masdan: Nariyan at nakaluhod, nananaiangin at nag-


papasalamat sa Diyos sa di-mabilang na mga kayamanang ito na
kinamkam sa mga paraang balawis?

Ay! Ang maling pagsasampalataya ay kauna-unahang naging dahil


ng di-maulatang mga kasamaang nangyayari sa lupa!

Kung lahat ng mangyayari ay talaga ng Diyos, ang nagnana-kaw at


pumapatay sa kapwa ay hindi dapat parusahan pagkat siya’y di
makasusuway sa Makapangyarihan sa lahat na tumalaga ng pag-gawa
niya ng kasalanan. Sa paraang ito, ang masama ay muli’t muling gagawa
ng kasamaan dahil ang kanyang mga gawa ay ibinubuhat sa talaga ng
Diyos. Di nga sukat kamanghaan ang laging paghahari ng di-matwid!

Ang kalakhan sa langit ay di nangangailangan ng anuman sa lupa.


Ang Diyos ang siyang Ama ng Sangkatauhan at ang hanap ng Ama ay
hindi nga ang anak na lagi na’t sa tuwing sandali ay nagsasabi ng kanyang
paggalang takot, at pag-ibig kundi ang gumanap at sumunod sa matwid
at magandang utos Niya.

Ang tunay na pagsasampalataya, paggalang, pag-ibig, at pag-sunod


sa Diyos, samakatwid, ang tunay na pagsamba, ay ang pagga-lang, pag-
ibig, at pagsunod sa katwiran. Isusukat dito ang bawat gawa,

Panitikang Asyano| 649


pangungusap, at kilos dahil ang buong katwiran ay nagmu-mula at
namamahay sa kalakhan, at pagka-Diyos ng Diyos.

Dito nga sa tunay na pagsampalatayang ito nabubuhol ang pag-ibig


at pagganap ng tunay na kalayaan at pagkakapantay, at gayundin ang
pag-ibig at pagdamay sa kapwa ng dala.

Sa pag-ibig at pagganap ng tunay na Kalayaan at pagkakapan-tay


nagbuhat ang pagkakaisa – ang binhing tangi ng ng kasipagan, lakas,
kapayapaan, at ginhawa.

Sa pag-ibig at pagdamay sa kapwa nagbubuhat ang tapat na loob


at ang pagkakawanggawa – ang bulaklak na maganda ng mga pusong
banal at matamis na lunas ng may sawing kapalaran.

Ang pagsampalatayang ito’y walang nililinisan, binyagan at di-


binyagan, anuman ang lahi, kulay, at salita, pagkat siyang tunay na
pagsampalataya sa Diyos at magaganap ng lahat ng tao na pawang anak
Niya.

Naririto ang pagsasampalataya na aking inaaring tunay at naaayos


sa talaga ng Maykapal. Kung ako’y namamali, maging dahilan nawa ng
aking kamalian ang tapat kong nasa.

ANG GUMAWA

Ngunit kung mahinahon nating pagbubulay-bulayin ay maki-kitang


maliwanag na ang gumawa ay hindi parusa at hirap kundi pala at
kagalingan na ipinagkaloob ng Diyos sa tao bilang alaala ng di-matingkala
Niyang pag-ibig.

Ang gumawa ay isa sa malaki’t mahalagang biyaya pagkat sa


pamamagitan nito ay nagigising at nadaragdagan ang lakas ng isip, loob,
at katawan, mga bagay na kasanib at kinakailangan ng kabuhayan.

Anang mga banal na kasulatang pinagmulan ng pagsamba ng


kakristyanuhan, ang gumawa o magtrabaho ay parusang ibinigay ng
Diyos kay Adan na ama ng sangkatauhan dahil siya’y kumain ng bunga
ng kahoy na ipinagbawal sa kanya; parusang minana ng ating mga anak.

Datapwat ang sabing ito ay maling-mali at nalalaban sa talaga ng


kakristyanuhan, ang gumawa o magtrabaho ay parusang ibinigay ng
Diyos kay Adan na ama ng sangkatauhan dahil siya’y kumain ng bunga
ng kahoy na ipinagbawal sa kanya; parusang minana nating mga anak.

Panitikang Asyano| 650


Ang gumagawa ay nalalayo sa buhalhal na kasalanan, maru-ruming
gawi, at kayamuan; nagtatamo ng aliw, tibay, ginhawa, at kasayahan.

Masdan natin ang naturang mayayaman, malalaki, at


mapagmarunong na mga layaw at sa ilalim ng kanilang ipinakiki-tang
ginhawa, ningning, at kasaganaan ay nananaig ang lalong matinding
pagkasuya at yamot, kahinaan at kapalaluan, kasabay ang masasamang
gawi na pinanggagalingan ng mga sakit at utay-utay na inuubos ang
kanilang buhay.

Anung laking katotohanan ang sinabi ng ating si Baltazar sa


kanyang mga tula:

“Ang laki sa layaw karaniwang hubad sa bait at muni’t sa hatol ay


salat.”

Iniibig ng Diyos na tayo’y magtrabaho pagkat kung tayo’y nilibiran


ng buong kailangan at kasaganaang aabutin na lamang natin at sukat,
tayo’y walang salang lalong malulugmok sa lalong kahamak-hamak at
kasuklam-suklam na kabuhayan, na tungo sa pagkalipol ng ating
pagkatao.

Ang lahat ng pinakikinabangan, ang balang ikinabubuhay at


ikinaiiba sa hayop ay siyang kinakatawan at ibinububunga ng paggawa
na nararapat ng kapalagang hindi masisinsay sa matwid.

Pahayag

Isa iyong gabing madilim.

Wala isa mang bituing nakatanglaw sa madilim na langit ng


kagimbal-gimbal na gabing iyon.

Nakayukayok at sapupo ng dalawang palad ang mukha,


naghihimutok ang isang kabataan.

Ang tahanang katatagpuan sa naturang kabataan ay


natatanglawan ng isang tinghoy, na kukurap-kurap at ang liwanag ay
nanganganib ng kusang panawan ng buhay.

Sa yugtong halos isuko na ng kabataan ang sarili sa matinding poot


at sa pag-iisip na kahila-hilakbot at palagiang gumigiyagis sa kanyang
puso, na waring nakabaon sa kaibuturan ngunit sapilitan nang
ibinubulalas ng dibdib, sa yugtong ito niya naramdaman ang isang

Panitikang Asyano| 651


mabining haplos sa isa niyang balikat at naulinigan ang isang mahinang
tinig, matamis at malungkot, na nag-uusisa:

“Bakit ka lumuluha? Anong kirot at dalita ang dumudurog sa iyong


puso at yumuyurak at humahamak sa iyong kabataan at lakas?”

Nag-angat siya ng ulo at natigib sa panggigilalas: may kapiling siya


at halos apat na hakbang ang lapit, at nabanaagan niya ang isang anino
na waring nababalot ng maputing ulap ang kabuuan.

“Ay, mahabaging anino! Ang mga pighati ko’y walang lunas, walang
katighawan. Maaaring kung isiwalat ko sa iyo ay sabihin mo o isipin mong
walang anumang halaga. Bakit kailangan mong lumitaw ngayon upang
antalahin ang aking paghibik?”

“Hanggang kailan,” sagot ng anino, “ang kamangmangan at ang


katunggakan ay magiging sanhi ng mga hirap at pasakit ng mga tao at ng
mga bayan?”

“Hanggang kailan kayo makasusunod magbangon pabalikwas sa


kabulagan ng pang-unawa tungo sa tugatog ng katwiran at adhika?
Hanggang kailan ninyo ako hindi makikilala at hanggang kailan kayo
magtgitiwalang umasa na kahit wala sa aking piling ay maaaring matamo
ang tunay at wagas na ligaya tungo sa kapayapaan ng sangkalupaan.”

“Sino ka samakatwid na nagmamay-ari ng kagila-gilalas na


kapangyarihan at kahanga-hangang lumitaw at nag-aalay?”

“Ay, sa aba ko! Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala hanggang


ngayon? Ngunit hindi ako magtataka, sapagkat mahigit nang tatlong
daang taon magmula nang dalawin ko ang tinatahanan mong lupain at
kusain ng iyong mga kababayan na sumampalataya sa mga huwad na
idolo ng relihiyon at ng mga tao, ng mga kapwa mo nilikha, at kung kaya
naglaho sa inyong mga gunita ang pagkakilala sa akin…”

“Nais mo bang malaman kung sino ako? Kung gayo’y makinig: Ako
ay ang simula nang mga bagay na higit na dakila, higit na maganda at
higit na kapuri-puri, marangal at iniingatan, na maaaring matamo ng
sangkatauhan. Nang dahil sa akin ay nalaglag ang mga ulong may korona;
nang dahil sa akin ay nawasak ang mga trono at napalitan at nadurog ang
mga koronang ginto; nang dahil sa aking adhikain ay nabigo at namatay
ang siga ng “Santa Inkisisyon” na ginamit ng mga prayle para busabusin
ang libo at libong mamamayan; nang dahil sa adhikain ko’y napagkakaisa
ang mga tao at kinalilimutan ng bawat isa ang pansariling pakinabang at

Panitikang Asyano| 652


walang nakikita kundi ang higit na kabutihan ng lahat; nang dahil sa akin
ay natimawa ang mga alipin at nahango mula sa lusak ng pagkalugami at
kalapastanganan; at napugto ang kayabangan at kayamuan ng kanilang
mababangis na panginoon; kailangan ako sa bawat naisin at lasapin ng
mga bayan at sa ilalim ng aking kalinga may ginhawa at biyaya at
kasaganaan ang lahat, katulad ng idinulot ko sa Hapon, Amerika, at ibang
pook; nang dahil sa akin ay umiimbulog ang diwa upang siyasatin at
tuklasin ang mga hiwaga ng syensya; saanmang pinaghaharian ko ay
napaparam ang mga pighati at nakasisinghap nang daglian ang dibdib na
nalulunod sa pang-aalipin at kabangisan. Ang pangalan ko ay
KALAYAAN.”

Nagulilat at naumid ang kabataan pagkarinig nito at pagkaraan ng


ilang saglit saka nakapangusap:

“Sapagkat ang mga kabutihan at biyaya mo ay walang kapantay, o


kataas-taasang Kalayaan! Papawiin ko ang pighati na nagpapabalong ng
labis-labis na luha sa aking mga mata, na ang sanhi ay hindi naiiba sa
mga pagdaralita ng aking lupang sinilangan. Kung mapagmamasdan mo
ang mga alipusta, mga pangangailangan, mga kautusang dapat tiisin at
pagdusahan ng aking bayan ay matitiyak na tutubuan ka ng awa at
muling kakalingain sa iyong magiliw at di-mapag-imbot ngunit
kinakailangang pangangalaga. Ay, ihihibik ng aking mga kapatid!”

“Ako,’ sabi nila, ‘ay nagugutom,’ at siyang nagturo sa akin na


pakainin ang nagugutom ay tumugon: ‘Kainin ang mga labi at mga mumo
sa aming masaganang mga piging, sa aming mariwasang hapag.”

“Sabi ng aking mga kapatid: ‘Ako’y nauuhaw,’ at siyang nagturo sa akin


na painumin ang nauuhaw ay tumugon: ‘Lagukin ang inyong mga luha at
ang pawis, sapagkat dudulutan namin kayo ng sapat na kalinga nito.”

“Hibik ng aking mga kapatid: ‘Wala akong damit, ganap akong hubad,’
at siyang nag-utos sa amin na damitan ang hubad ay tumugon: ‘Ngayon
di’y babalutin ko ang buong katawan ng patong-patong na mga tanikala.”

“Sabi ng aking mga kapatid: ‘Nahalay ang aking puri ng isang kura, ng
isang paring Kastila, ng isang mariwasa, at ang hukom na matibay na
haligi ng hustisya ay tumugon: ‘Ang taong iyan ay tulisan, isang bandido
at isang masamang tao: ikulong sa piitan!”

“Sasabihin ng aking mga kapatid: ‘Kaunting pag-ibig, kaunting awa at


kaunting lingap,’ at mabilisang tutugon ang mga maykapangyarihan at
pinunong makatwiran at mabuting loob kung mamahala: ‘Ang taong iyan

Panitikang Asyano| 653


ay filibustero, isang kaaway ng Diyos at ng Inang Espanya: Dalhin sa
Iligan!”

“Pansinin at pagmasdang mabuti, KALAYAAN; pagmasdan at


pansinin kung dapat magdamdam ang aking puso at kung may sanhi ang
pagluha…”

“Dapat magdamdam at lumuha,” tugon ni KALAYAAN sa himig na


nagungutya at ginagagad ang mapaghimutok na paraan ng pagsasalita.
“Lumuha! Lumuha ay dapat kung ang mga sukab ay wala nang buhay na
maaaring putulin; kung tinatanggap nang ang kawalanghiyaan at
katampalasanan sa pagbitay kina Padre Burgos, Gomez, at Zamora, sa
pagpapatapon kay Rizal, ay hindi nangangailangan ng makatwiran at
maagap na paghihiganti, na maaaring mabuhay sa piling ng mga kaaway,
at na may mga pagmamalabis na dapat pang ipagmakaawa ng katubusan.
Lumuha sa sariling tahanan, at sa katahimikan at kadiliman ng gabi ay
hindi ko maunawaan. Hindi ito ang nararapat para sa isang kabataan…
hindi ito ang nararapat.”

“Ano ang nais, kung gayon, ano ang dapat gawin? Kaming mga
Tagalog ay naugali na sa ganoon. Sapol pa sa sinapupunan ng aming ina
ay naturuan na kaming magdusa at magtiis sa lahat ng uri ng mga gawain,
upasala, at pagkadusta. Ano ang higit na nararapat naming gawin bukod
sa lumuha? Wala na kundi ito ang naugalian ng aming pagkukusa.”

“Hindi lahat ng naugalian ay mabuti,” paliwanag ni KALAYAAN,


“may masasamang kahiligan at ang mga ito’y dapat iwaksi lagi ng mga
tao.”

Ibig sanang tumutol ng kabataan, ngunit hindi pa niya matiyak ang


sasabihin at walang maapuhap na ipangusap. Sa gayon ay nagpatuloy si
KALAYAAN sa pagpapaliwanag.

“Ang ipinahayag ko sa iyo ay ang katotohanan. Walang kautusan na


maaaring magpabagsak dito, sapagkat hindi maaaring ang wasto at tuwid
ay maging kalaban ng wasto at tuwid, maliban kung ito ay
binaluktot.Samakatwid, makinig ka. Noong sinaunang panahon, noong
ang karuwagan at pagkaalipin ay hindi pa pumapalit sa magagandang
kaugalian ng iyong mga ninuno, nasa lilim ko ang bayang Tagalog at nasa
ilalim ng aking pangangalaga, at siya ay maligaya at sinisimsim ang simoy
na nagdudulot sa kanya ng buhay at lakas ng katawan: tinatanglawan ng
aking liwanag ang kanyang pag-iisip at iginagalang siya ng mga kalapit
bayan. Ngunit isang araw, na dapat ikarimarim at isumpa, dumating ang
Pang-aalipin at nagpakilalang siya ang kagalingan, ang katwiran, at ang

Panitikang Asyano| 654


karampatan, at nangako ng luwalhati sa lahat ng sasampalataya sa
kanya.”

“Dumating man siyang nakabihis ng balatkayo ng kagandahan at


kabutihan, at mapayapa at magiliw sa kanyang mga paggalaw at pagkilos,
ay nakilala ko kung sino siya. Nabatid kong ang kaligayahan ng bayan ay
nagwakas na; na ganap nang napako sa kanya ang kapuspalad na
bayan… umabot sa akin ang iyong mga hinagpis at natigib ako sa labis-
labis na dalamhati at iyon ang dahilan ng aking pagparito. Ngayo’y dapat
na akong umalis kaya’t paalam na.”

“Huwag muna, Kalayaan,” pakiusap ng kabataan nang makita


siyang tumalikod at nakahandang lumisan. “Pagbigyan mo muna ako ng
kaunting panahon. Naipaliwanag mo ang mga malubhang pagmamalabis
na pinagdusahan at tiniis ng aking bayan, hindi mo ba sila maaaring
kahabagan at ibalik ang iyong pangangalaga?”

“Unawain akong mabuti, bagamat hindi mo nababanggit, walang


ibang naririnig ang aking tainga at walang ibang nakikita ang aking mga
mata, sapagkat iisa ang pinagbubuhusan at dinaramdam ng aking puso
at kung kaya maagap akong dumadamay at humahanap sa mga naaapi
at tuwing may naririnig na dumaraing. Ngunit walang tao na karapat-
dapat sa aking pangangalaga at kalinga kung hindi siya pumipintuho sa
akin at umiibig sa akin, at kung wala siyang kakayahang mamatay para
sa aking adhika. Maaari mo itong ipahayag sa iyong mga kababayan o
katinubuang lupa.”

Halos katatapos wikain ito, noon lumamlam ang sinag ng tinghoy,


na pakurap-kurap ang ningas dahil sa kawalan ng langis…

Kinaumagahan, nang pawiin ng kaliwanagan ng araw ang mga


lagim at karimlan ng gabi, may bagay na kumikislap sa mga mata ng
kabataan na mistulang isang nagbabagang adhika.

ANG KASALANAN NI CAIN

Katatapos pang nilalang ng Maykapal ang Sandaigdigan.

Bahagya pang sumusupling sa mag-asawang si Adan at si Eva ang


mga kauna-unahang bunga ng kanilang pagsasama sa ibabaw ng lupa…
At ang lupang ito, na katatapos pang nilalang ng Maykapal ay dinungisan

Panitikang Asyano| 655


na ng isang kasalanang kakila-kilabot at kasuklam-suklam na higit sa
bangis ng gabing lumilintik at higit na kasindak-sindak at nakauulol na
pangarap ng may pusong dulingas at sukab na akala.

Si Cain ay nagtaglay ng malaking pagkainggit sa kapatid niyang si


Abel, at sa kainggitang ito’y nagmula ang isang matinding kagalitan,
hanggang sa siya’y dinayang dinala sa ilang at doo’y… pinatay ng lilong
kapatid na si Caing tampalasan.

Magbuhat noon ay maraming daan at libong taon na ang


nakararaos. Gayunma’y nalilimbag pa sa alaala at gunita ng mga tao’t mga
bayan ang kasalanan ni Cain at dili yata mapapawi’t mababaklas
hanggang sa ang lupa ay lupa.

Magbuhat noon, magbuhat ng patayin ng kapatid ang kapatid sa


hamak na kadahilanan ay naghari at nag-ulol ang kasukaban sa balat ng
lupa, at ang mga mata’y laging lumuluha, at ang dugo ng kapatid ay laging
pinababaha ng kapatid, at walang namamahay sa mga kalooban kundi
ang umalipin at dumaya sa kapwa din.

At si Cain ay isinumpa ng Diyos at iginuhit sa noo niya ang tanda


ng darakilang kasalanan. At magbuhat noo’y makapal na noo ang
nagtataglay ng hamak na tanda…

Tunay ngang may lumitaw na mga bayani’t magagandang puso ang


nangahas at nangahas ding bumangon sa lusak ng madlang
kapahamakan; at sukdang ikapanaw ng tangang hininga ay pinukaw at
ipinaaalala sa nangahihimlay na ang lahat ng tao ay magkakapatid at
magkakapantay, na ang nagiging dahil ng mga sakit, hirap, at
dalamhating walang katapusan ng Sangkatauhan ay ang mana’t manang
kasalanan ni Cain, na walang daang iba pa sa kaginhawahang laging
hinahanap kundi ang tunay na pagkakakilanlan at pagmamahalan ng
magkakapatid at tunay na paglingap ng lahat sa bawat isa at ng bawat isa
sa lahat.

Datapwat kung ito’y tunay, tunay din naman na ang mga pusong
lubhang angkan at angkan pa sa kasamaan at katampalasanan ay
bumalikwas na nagngangalit at walang awang inawas ang mga pangahas
na nagsisiwalat ng banal na matwid at magandang pag-ibig na
makapuputol ng lilong pagpapasasa sa dinayang kapangyarihan at
ninakaw na yaman.

II

Panitikang Asyano| 656


Ngayon naman, kung ang mamasdang haharapin ng paningin ay
ang mga nangyayaring pinaglalagusan ng Katagalugan, ay! puso’y naiinis,
nagsisikip ang dibdib, at luha sa mata’y kusang umaagos.

Nakaririmarim na tanda ng kasalanan ni Caing isinumpa ng


Maykapal, bakit nakaguhit ka sa noo ng makapal na Tagalog, karugo at
tunay kong kapatid? Diyata’t ikaw lamang nga, ikaw ang magiging dahil
kung kaya mananatili sa karukhaan at kutya ang walumpung yutang
katawan, kung kaya di magtatamo ng kinakailangan at minimithing
kalayaan ang walumpung yutang Tagalog, kung kaya mawawalan ng
kabuluhan ang mga pinuhunang pagod, panganib, at di-masaysay na
katiisan at tiyaga, sampu ng libo-libong buhay na pumapanaw ng mga
bayaning nagbangon ng katwiran at puri ng lahat? O, kasalanan ni Caing
isinumpa ng Diyos! Ikaw ay muli naming isinusumpa sa ngalan ng aming
mga inang nananangis, sa ngalan ng madlang nagbabata ng lahat ng sakit
at katampalasanan sa kadakilaan mo! Kasalanan ni Cain, ikaw ay muli’t
muli naming isinusumpa nang walang katapusan!

III

Masdan ninyo iyong tao: Ang mga mata niya’y laging isinusulyap sa
balang masalubong; ang mga tainga niya’y laging nakikinig ng balang
salitaan; ang mga bibig niya’y laging nangungusap ng balang nalalaban
sa kanyang isinasaloob at masasamang budhi; sa baywang niya’y may
natatagong isang lubid at isang rebolber na laan sa kanyang mga kapatid.
Iyan ang policia secreta, samakatwid tiktik, tiktik na sukab at walang awa
ng tampalasang panginoon.

Sa mga Kababayan
(Bahagi)

Sa dulo ng tatlong dantaon ng pagkaalipin..., walang natamo ang


ating bayan kundi maghimutok at manghingi ng kaunting lingap at
kaunting habag; ngunit sinagot nila ang ating mga hibik sa pamamagitan
ng pagpapatapon at pagpipiit. Sa loob ng sunod-sunod na pitong taon, ang
La Solidaridad ay nagkusang ibigay ang sarili at ubusin ang mga lakas
nito upang makamit, hindi ang lahat ng nararapat nilang ipagkaloob,
kundi yaong mga bagay lamang na dapat sumaatin sang-ayon sa
katwiran. At ano ang naging bunga ng ating mga pagpapakasakit at ng
ating matapat na pananalig? Pandaraya, pag-upasala, kamatayan at
kapaitan.

Panitikang Asyano| 657


Ngayon, pagkatapos mapagal sa pagtataas ang ating kamay sa
pagsusumamo, natagpuan na natin sa wakas ang ating sarili; unti-unti
ang mga tinig natin ay pinanawan ng himig ng hinagpis dahil sa walang-
humpay na pagmamakaawa; ngayon... itinataas natin ang ating ulo na
malaong naugali sa pagyuko, at sinasapian tayo ng lakas dahil sa matibay
na pag-asa na dulot sa atin ng katwiran at kadakilaan ng ating layon...
Masasabi natin sa kanila nang buong karahasan na ang pagtawag na
"Inang Espanya" ay wala kundi isang munting pagpaparangal lamang, na
hindi ito dapat iwangki sa kapirasong damit o basahan na
kinatatanikalaan nito, na nahihilahod sa lupa; na walang gayong ina at
walang gayong anak; na may isang lahi lamang na nagnanakaw, isang
bayan na tumataba sa hindi nito pag-aari, at may isang bayan na
napapagal nang manatili hindi lamang sa kapabayaan kundi sa
kadayukdukan; na wala tayong dapat pagtiwalaan kundi ang ating
sariling kapangyarihan at sa pagtatanggol ng ating sarili.
Jose Palma y Velasquez

Himno Nacional Filipino


(Pambansang Awit na Pilipino)
ni Jose Palma

Tierra adorada
Hija del Sol de Oriente
Su fuego ardiente
En ti latiendo esta.

Lupang pinipintuho,
Anak ng Araw ng Silangan,
Ang apoy niyang naglilingas
Ay tumitibok sa iyo.

Patria de Amores
Del heroism cuna.
Los invasores
No te hollaran jamas.

Bayan ng mga Pag-ibig,


Duyan ka ng kabayanihan,
Ang manlulusob
Ay di makayuyurak sa iyo kailanman.

En tu azul cielo, en tus aulas,


Entus montes y en tu mar,

Panitikang Asyano| 658


Esplende y late el poema.

De tu amada libertad.
Tu pabellon, que en las lides
La Victoria ilumino,
No vera nunca apagados
Sus estrellas y su sol.
Sa bughaw mong langit, sa mga ulap mo,
Sa iyong mga bundok at sa dagat mo,
Kumikinang at tumitibok ang tulain
Ng itinatangi mong kalayaan.
Ang watawat mong sa mga paghahamok
Ang tinanglawan ng Tagumpay,
Ay di makikitang pagdimlan kailangan
Ng mga bituin mo’t ng iyong araw.

Tierra de dichas, de sol y amores,


En tu regazo dulce es vivir;
Es una Gloria para tus hijos,
Cuando te ofenden, por to morir.

Lupa ng ligaya, ng liwanag at mga


pag-ibig,
Sa kanlungan mo’y kay-tamis mabuhay;
Ikinaluluwalhati ng iyong mga anak,
Na kapag inapi ka’y mamatay dahil
sa iyo.

Panahon ng Amerikano
(1900 – 1941)

Kaligirang Kasaysayan

Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga


Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon. Naiwagayway
ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon
natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang
pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging
panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano.

Nagkaroon ng digmaang Pilipino- Amerikano na siyang naging sanhi


ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang
kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.

Panitikang Asyano| 659


Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga
pagbabago sa panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng
literatura gaya ng malayang taludturan (sa mga tula), maikling kwento at
mapamunang sanaysay (critical essay). Ang impluwensya ng mga
Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa Ingles
bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin ng
paglinang sa masining na kamalayan ng mga manunulat batay sa
modernong panitikang dala ng mga mananakop.
Ang Pilipinas ay nasakop ng Amerika noong ika-19 na siglo na
kinikilala rin bilang dantaon ng modernismo o Panahon ng
Industriyalismo. Sa yugtong ito nagkaroon ng malawakang pagtuklas sa
mga imbensyong may layuning mapadali ang trabaho ng mga tao at nang
sa gayon ay maitaas ang produkyon ng lahat ng industriya. Hindi liban
ang bansa sa pandaigdigang pagbabagong ito. Ipinatupad ng mga
Amerikano ang oryentasyong ito sa konstruksyon ng mga pampublikong
daan, tulay, at bahay. Naging maliwanag na ilustrasyon ang siyudad ng
buhay-kosmopolitan: walang tigil ang galaw kahit pa sumapit ang gabi.
Nagkaroon ng mga opisina, pasyalang pampubliko, museo, bulwagan,
sinehan at restawran.
Maliwanag na ambag ng panahong ito ang pelikula. Sa kauna-
unahang pagkakataon ay nakapanonood ang mga Pinoy ng mga larawang
gumagalaw. Binigyang-daan ng imbensyong ito ang pag-ungos ng
kulturang popular.
Sa larangan ng panitikan, isang malaking ambag ng mga Amerikano
ang pagkakaroon ngayon ng maiikling kwento bilang bahagi ng panitikang
Pilipino. Kapansin-pansing ang pagkahilig ng mga mambabasa sa mga
akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng
buhay-kosmopolitan. Ang mga kathang ito ay hindi lamang naisulat sa
wikang Pilipino kundi pati na rin sa wikang Ingles. Ang pagdating ng
mgaThomasites ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng pampublikong
edukasyon kung saan ipinasok ang kurikulum ng pagtuturo sa Ingles.
Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas noong 1908 at simula noon ay
kinilala ito sa mahusay na pagtuturo ng Ingles. Sa pamantasang ito
nahasa ang mga manunulat upang linagin ang kanilang kakayahang
sumulat ng mga sanaysay, dula, tula, kwento at nang maglaon ay pati na
rin mga nobela gamit ang wikang Ingles.

Mga Katangian ng Panitikan

1.Hangaring makamit ang kalayaan

2.Marubdob na pagmamahal sa bayan

3.Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo

Panitikang Asyano| 660


Diwang Nanaig

1.Nasyonalismo

2.Kalayaan sa pagpapahayag

3.Paglawak ng karanasan

4.Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

Mga Impluwensya sa Pananakop ng mga Amerikano

1. Pagpapatayo ng mga paaralan.

2. Binago ang sistema ng edukasyon.

3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan.


4. Ipinagamit ang wikang Ingles.

5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan.

6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan.

Mga Pahayagan sa Panahon ng Amerikano

1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual


Poblete noong 1900

2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong


1900

3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong


1900

4. Manila Daily Bulletin-1900


Pangkat ng mga Manunulat

1.Maka-Kastila

2.Maka-Ingles

3.Maka-Tagalog

Mga Dulang Ipinatigil

1.KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio Tolentino

2.TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad

Panitikang Asyano| 661


3.MALAYA –ni Tomas Remegio

4.WALANG SUGAT – ni Severino Reyes

Panitikan Sa Kastila

1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal


; OBRA-MAESTRA- A Rizal

2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila;


OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad)

3. JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el


Olvido; nahirang siyang “poeta laureado” sa wikang Kastila

4. MANUEL BERNABE- makatang liriko

5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim


ng Niyugan)

6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa


abakadang Pilipino

Iba Pang Manunulat sa Wikang Kastila

•ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na


magaling sa Kastila; Obra-maestra- EL NIDO

•ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO (Halimuyak


ng Pangarap)

•MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA PUNTA DE SALTO


(Ang Pook na Pamulaan )

•EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala


bilang mahusay na mananalambuhay

•PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO

Panitikan sa Tagalog

Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT


FELIZA”ni Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga
manunulat sa Tagalog. Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga
makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod:

MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan;


Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias
A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio Carabana;

Panitikang Asyano| 662


Mar Antonio.

MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino


Collantes; Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez.

MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino


Reyes; Tomas Remegio.

•LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-


Banaag at Sikat

•JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRA- MAESTRA-Isang


Punongkahoy

•FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRA- MAESTRA- Lumang


Simbahan

•AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-


MAESTRA- Isang Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya;
Bayang Malaya; Ang Panday

•VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat;


OBRA-MAESTRA- Nena at Neneng

•INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRA- Damdamin

ANG DULANG TAGALOG

•SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRA-


MAESTRA- Walang Sugat

•AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking mandudula ng


Kapampangan; OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at
Bukas

•HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN” na


nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon

•PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG DAGAT” na siya


niyang OBRA-MAESTRA

•JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating” ang siya niyang


OBRA-MAESTRA

PANITIKANG FILIPINO SA INGLES

•JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong


manunulat sa Ingles.

Panitikang Asyano| 663


•JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of
Beauty.

•ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa


wikang Ingles na pinamagatang “A Child of Sorrow” .

•ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like


the Molave”

•NVM GONZALES- may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash


Covered Loom”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India.

•ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng “April Morning”; nakilala sa


pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komonwelt.

•ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na


babae sa Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang “MAGNIFICENCE” at
“GRAY CONFETTI” .

•ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR”-


kauna-unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild.

Iba Pang Panitikan

*PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-


kasingkahulugan ng Balagtasan.

*CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging


makata at nobelista.

*LEON PICHAY – kinilala bilang “pinakamabuting BUKANEGERO”.

*JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan;


Crisostan-kasingkahulugan ng Balagtasan.

*ERIBERTO GUMBAN-Ama ng Panitikang Bisaya.

Mga Akda sa Panahon ng Amerikano

Dugo at Laya
ni Nemesio E. Caravana

Tanging lalaking kang nagmahal sa bayan


Na ang sinandata’y panitik na tangan…
Nang ikaw’y barilin ng mga kaaway
Dugo mo ang siyang sa laya’y umilaw!

Panitikang Asyano| 664


Sa dalawang mahal na laman ng isip,
Na Irog at Bayang kapwa mo inibig…
Bayan ang piniling mabigyan ng langit
Kahit ang puso mo ay sakdal ng hapis

Namatay ka upang mabigyan ng laya


Ang sinilangan mo na lahi at lupa…
Sa tulog naisip ng liping mahina
Dugo mo ang siyang nagbigay ng diwa

Nabuo sa lupa ang mahal mong dugo


Ang galit ng bayan naman ay kumulo…
Kaya’t nang mabutas ang mahal mong bungo,
Ay laya ng lahi naman ang nabuo!

Isang Punongkahoy
ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang kurus,
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan


Ay nananalangin sa kapighatian
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,


Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


Asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako'y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
Ibon sa sanga ko'y may tabing nang dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Panitikang Asyano| 665


Isang Dipang Langit
ni Amado V. Hernandez

Ako'y ipiniit ng linsil na puno


Hangad palibhasang diwa ko'y piitin,
Katawang marupok, aniya'y pagsuko,
Damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:


Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
Lubos na tiwalag sa buong daigdig
At inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


Ay sandipang langit na puno ng luha,
Maramot na birang ng pusong may sugat,
Watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


Sa pintong may susi't walang makalapit;
Sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
Anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikala


Na kala-kaladkad ng paang madugo
Ang buong magdamag ay kulambong luksa
Ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,


Kawil ng kadena ang kumakalanding;
Sa maputlang araw saglit ibibilad,
Sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang


Sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;
Kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
Sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -


Bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
Sampu, dalawampu, at lahat ng taon
Ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Panitikang Asyano| 666


Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap
At batis pa rin itong aking puso:
Piita'y bahagi ng pakikilamas,
Mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulog


At di habang araw ang api ay api,
Tanang paniniil ay may pagtutuos,
Habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


Sa sandipang langit na wala nang luha,
Sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
Layang sasalubong ako sa paglaya!

Walang Panginoon
ni Deogracias A. Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang


mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang
nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan
magtutungo. Isinisiksik ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa
niyang hintuturo ay ipapasak sa mga butas ng kanyang tainga.

Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang


malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa
kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayunman, kahit na saan
siyang magsiksik, kahit na saan siya magtutungo, kahit na anong gawin
niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay lalong nanunuot sa kaniyang
pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

“Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’y


dinadaya ang sarili kung wala na siyang nauulinigang ano mang taginting
ng kampana.

“Tapos na. Tapos…” ang sunud-sunod namang itinugon ng kanyang


ina paniwalang-paniwala hindi nga naririnig ang malungkot na animas.

“Ngunit Marcos..” ang baling uli na matandang babae sa anak.


“Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa?” iya’y
pagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa
ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Lalo ka na
Marcos, marami kang dapat ipagdasal. Una-una’y ang iyong
ama,ikalawa’y ang kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong

Panitikang Asyano| 667


bunso, saka… saka si Anita.” Ang hul;ing pangalan ay binigkas na
marahan ng matandang babae.

Si marcos ay di kumibo. Samantalang pinararangalan siya ng


kaniyang ina, ang mga mata niyang galing sa pagkapikit kaya’t nanlalabo
pa’t walang ilaw ay dahan-dahan siniputan ng ningas, saka manlilisik at
mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya magsasalita. Subalit sas
kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may
nangungusap may nagsasalita.

“Dahil din sas kanila, lalung-lalo na kay Anit, ayaw kong marinig
ang malungkot na tunog ng batingaw,” ang sinasabi ni Marcos sa sarili.
Kinagat niya ang labi hanggang sa dumugo upang ipahalata sa ina ang
pagkukuyom ng kanyang damdamin.

Akala nang ina’y nahulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos.
Sa wari ng matandaay nabasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng
puso nito. Naisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagkat hindi pa
natatagalang namatay si Anita, ang magandang anak ni Don Teong,
mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni
Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pagpupunyaging
matuto sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat ng pag-iimpok na ginawa
upang maging isang ulirang anak-pawis ay ukol kay Anita. At saka
namatay! Nararamdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot para
sa kanyang anak ang gayong dagok ng kasawian. Dapat ngang maging
malungkutin ang kanyang anak. Ito ang kanyang ibig libangi. Ito ang nais
niyang aliwin. Kung maari sana’y mabunutan ng tinik na subyang sa
dibdib ang kanyang anak.

“Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon


sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng
gitara.” “Si Inang naman,” ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan
lamang ang kanyang nasabi nang malakas. Sa kanyang sarili’y
naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano kapait
para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman
ng matanda ang tunay na nangyayari sa pagkamatay nito.

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,” ang nasabi niya uli
sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang kanyang ulilang
bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan na ipinalalagay niyang
kaluluwa ni Anita, “ disi’y hindi ako itataboy sa kasiyahan.

Panitikang Asyano| 668


Pinag-usapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang
malaki nilang kapalaran sapagkat mabuti ang lagay ng tanim nilang palay,
nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating na taglay ang
utus ng hukumang sila’y pinaalis sa kanilang lupang kinatatayuan , at
sinamsamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang
sinasaka.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ni Marcos sa


ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.

“Anak ko!” ang palahaw na panngis ng matandang babae sabay


kapit sa leeg ng anak. “Bakit ka mag-iisip ng gayon, sa tayo na lamang
dalawa ang nabubuhay sa daigdig?”

Ang tinig ng matanda ay nakapagpapalubag sa kalooban ng binata.


Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang
binubuwisan, ay isa- isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na
kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.

Ang sabi’y talagang sa kanunununuan ng kaniyang ama ang


naturang lupa. Walang sino mang sumisingil ng buwis at walang sino
mang nakikialam sa ano mang bunga ng kanilang mga tanim, maging
mais o tubo, o kaya’y maging ano man sa mga gulay na tanim nila sa
bakuran.

Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng lupa


at sinasabing kanila. Palibhasa’y wala silang maibayad sa manananggol,
ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang
tangkilin ang kanilang karalitaan upang tangkilin ang kanilang katwiran
at karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di nila
makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang
taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit habang
nagtatagal ay unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa may lupa
dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, gaya ng takipan
at talindawa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama ng


loob ng kay Don Teong. Ang kapatid niya’y namatay dahil sa paglilingkod
sa bahay nito at higit sa lahat, nalalaman niyang kaya namatay si Anita
ay sapagkat natutop ng amang nakipagtagpong minsan sa kanya sa loob
ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.

Panitikang Asyano| 669


Saka ngayo’y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang
binubuwisan?

Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, maging isang


taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-
aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan
na ng mallaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang
lkalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa
kanilang lamo sa ilog.

Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskwelahan sa silong


ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng
malaking numero. Ngunit gayon man, nagsikap siyang idilat ang kanyang
mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos
ang hilig sas pagkatuto sapagkat sa pabanib niya sa mga samahang
pambayn ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang
pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sarilng wika
na hindi binabasa ni Marcos. Kahit manghiram lamang kung wala na
siyang ibili. Nagbabasa rin siya ng nobela at ibang akdang katutuhan niya
sa wikang Tagalog, o kaya’y salin sa wikang ito.

Lalo na ng magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang


inaalagata sa kanyang buhay kundi ang balang araw ay maging karapat-
dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang
sinasaka. Isa pa’y bukod sa naniniwala siya sa kasabihang “ang lahat ng
tao, kahit hindi magkakulay ay sadyang magkapantay,” ay tinatanggap
din niya ang palasak na kawikaang “ ang katapat ng langit ay pusalian”.
Dahil diyan kahit bahagya ay hindi siya nag-atubili nang pagsisimpan ng
pag-ibig kay Anita.

At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya


maiibig? Minsa si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang
bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang
sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking
sakuna ay lumundag siya sa ilog at sa pamamagitan ng langoy na
hampastikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog.
Matapos niyang kalawatin ang kaliwa niyang bisig sa may baba ang dalaga
ay bigla niyang isinikdaw ang dalawang niyang paa sa ilalim kayat
pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at
pagtikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang.

“Marcos, matagal na rin kitang iniibig,” ang tapat ni Anita sa binata.,


makaraan ng may ilang buwan buhat nang siya’y mailigtas.

Panitikang Asyano| 670


Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang
lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang mga ninuno ay
binubuwisan na nila at sinamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay
itataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayung kabuktutan?

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang


bagang. Kinagat niya ang kanyang labi upang huwag mabulalas ang
kanyang galit. Kinuyom niya ang mga kamay hanggang matimo sa palad
niya ang kanyang mag kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang


simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana
saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan
ng hininga. Mliit naman ang kanilang bayan upang malihaim pa kung sino
ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalamang may sakit kundi si Anita.
Dahil sa pagkakatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang
mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang
walang latay.

Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si


Marcos ng balita nang tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang
siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos,
subalit nagdalawang-loob siya. Maaring maging dahilan iyon ng bigla pang
pagkamatay ng kanyang inibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang
ina kung siya ay mawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang


niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa
nilang binibuwisan. Pangangagaw ng lupa sa kanila. Pagpapautang ng
patung-patong. Pagkamatay ng kanyang ama. Pagkamatay ng kanyang
kapatid. At saka noon pagtatangka sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang
pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya’y nalagutan ng
hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli, ay pagpapaalis sa
kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulong ng kanilang pawis
na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong


panahon, ay lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang
kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang
noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maari pa siyang makalunok ng
bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapuwat nang
tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis siya roon, talagang
nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang
kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa

Panitikang Asyano| 671


hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi


natutulog ang Bathala sa mga maliit. Magtiis tayo.”

Hindi na niya itinuloy ang paghahanap sa kanyang itak na matalas.


Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas
sa bukid. Gaya rin ng dati’y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong
mahal niya sa lahat ng limang alaga niya. Llumabas siya sa bukid at
hinampasan niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto.
Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumangatngat sa kanyang puso.
Gaaanong pawis ang nawala sa kanya upang masaka ang naturang
bukid? Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila’y
magbungng mabuti? Saka ngayo’y pakikinabangan at matutungo sa ibang
kamay?

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man


nyang magdimlan ng isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, subalit
ang alaala ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa
nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig upang huwag
niyang pabayaan ang kaniyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng
kaligayahan ang nalalabing buhay, bago nalagutan ang kanyang ama.

Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung
sila’y nagsasarili. “Tutungo tayo sa hilag at kukuha ng homestead.
Kakasundo tayo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, di
kailangan magkaroon din ako ng gayak na paris niya.”

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang


ina. Wala siyang nalalaman kundi takipsilim, kung nakaligpit na ang mga
tao sa nayon, ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka
lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang
ginagawa ni Marcos, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ang
matanda.

“Marcos,” sabi ng matanda. Dalawang linggo na lamang ang natitira


sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong.
Kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?”

“Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak,


“nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan.”

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man ay may


nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak.

Panitikang Asyano| 672


“Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran mo?” tinutukoy ang
kalabaw na mahal na mahal ni Marcos. Maaring magpakahinahon si
Marcos, subalit ang huling kapasyahan ni Don Teong ay numakaw ng
lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit
hinihingi ng pagkakataon.

Nagunuta niya ang sinabi Rizal na “walang mang-aalipin kung


walang napaalipin”. Napahilig siya sa harap ng gayong masaklap na
katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya
ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang
marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang
si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg ng manok na unti-unting
sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat
ang kkayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon
ang may-ari at nagpapabuwis pa.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!” ang tila pagsumpa sa


harap ng katalagahan na ginawa ni Marcos.

“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter at latigo,anak ko?” ang


tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na
pagod sa naturang dala-dalahan.

“Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon paris ni Don Teong,”


ang nakatawang sagot ng anak. “Kung tayo po’y makaalis na rito di tayo’y
magiging malaya,” ang tila wala sa loob na tugon ng anak.

Ang tototo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa


hangganan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot
na lahat ni Marcos ang pulinas, gora, switer at sak adala ang latigong
katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na
kinapupugulan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito’y
umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan.
Kung di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang mata ng
hayop ay hindi pa niya ito titigila. Sa gayon ay matulin ay matulin siyang
nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. Kung dumarating siya’y
daratnan niya nag kaniyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap
ng maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang
malaking kandila.

“Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang sasabihin na lamang ng


matanda. “Akala ko’y napahamak ka na.”

Panitikang Asyano| 673


Si Don Teong ay ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng
kaniyang lupa, ang ipinanganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong
si Marcos at ang kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil ang sinuman.
Nalalaman din ng matandang babae na laging dalang rebolber sa beywang
ang mayamng asendero buhat ng magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya
lagi niyang inaalala ang pagalis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon samantalang payapang inihahanda ng mag-ina


ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang
kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwang sa
kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita kay Don Teong ay tila may
sinisimpang galit sapagkat bigla na lamang sinibad ang mayamng
matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng
hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at
paglagpak ay sinalo naman sa kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan


at wasak ang switer sa katawan at saka pulinas. Kumilos agad
angkapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang
lahat ng matuwid ay nawalan ng halag sa hindi kumikilos na ayos ng
kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking
pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y


nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos
kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong


minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw.
Hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi gaya ng dating ayaw niyang marinig.


Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y
ang matapang na kalabaw.

“Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.

Buod:

Ito ay kwento ng isang lalaki na pinagkaitang mahalin ang isang


babae pinaghiwalay sila ni don teong ang ama ni anita. Sa loob loob niya,
tinitimpi niya lahat ng galit na idinudulot ni Don Teong sa kanyang
pamilya. Pagkat hindi lamang simpleng pang aalipin ang pagpapahirap sa
kanila kundi ang kaniang dangal at pagkatao.

Panitikang Asyano| 674


Sila ay pinagbabayad ng buwis sa lupang kanilang sinasaka
bagaman ang sabi’y ito’y pag-aari ng kanilang ninuno. Dahil sa wala silang
kakayahan upang maipagtanggol ang kanilang karapatan, napilita silang
bayaran ang sarili nilang pag-aari. Na siya naming ikinamatay ng ama ni
Marcos, gayundin sa tiyuhin niyang nagsilbi sa lugar ni Don Teong. Siya
ay lubhang nalulungkot pagkat patago ang pag-iibigan nila ni Anita. Ito
ay nalaman rin ni Don Teong at sinaktan si Anita hanggang sa mamatay.
Hindi pa man humuhupa ang galit niya’y naroon na ang kautusan ng
pamahalaan na sila na ay pinapaalis sa kanilang tahanan. Ngayon pang
malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong
pagbubukid.

Dahil sa obrang galit ni Marcos kay Don Teong gumawa siya ng


paraan para makaganti at kanyang ginamit ang kanyang kalabaw upang
mapatay si Don Teong. Araw- araw niyang pinapahirapan ang kanyang
kalabaw at siya’y nakasuot ng dmit na katulad na katulad ng kay Don
Teong hanggang isang araw ng si don teong ay mamasyal sa bukid bigla
siyang sinuwag ng kalabaw at dun namtay na si Don Teong.

WALANG SUGAT
ni Severino Reyes

Unang Bahagi
I TAGPO
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro


ang daliri’y natitibo,
kapag namali ng duro
burda nama’y lumiliko.

Julia : Anong dikit, anong inam


ng panyong binuburdahan,
tatlong letrang nag-agapay
na kay Tenyong na pangalan.

Koro : Ang karayom kung itirik


tumitimo hanggang dibdib.

Panitikang Asyano| 675


Julia : Piyesta niya’y kung sumipot
panyong ito’y iaabot,
kalakip ang puso’t loob,
ng kaniyang tunay na lingkod.
Si Tenyong ay mabibighani
sa dikit ng pagkagawa
mga kulay na sutla,
asul, puti at pula.
Panyo’y dito ka sa dibdib,
sabihin sa aking ibig
na ako’y nagpapahatid
isang matunog na halik

Koro : Ang karayom kung iduro


ang daliri’y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
pati panyo’y sinisinta,
kapag panyo ng ibig
tinatapos na pilit
nang huwag daw mapulaan
ng binatang pagbibigyan:
ang panyo pa’y sasamahan
ng mainam na pagmamahal.
At ang magandang pag-ibig
kapag namugad sa dibdib
nalilimutan ang sakit
tuwa ang gumigiit.
Mga irog natin naman
sila’y pawang paghandugan
mga panyong mainam
iburda ang kanilang pangalan.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot


panyong ito’y iaabot
kalakip ang puso’t loob
ng kaniyang tunay na lingkod.

Koro : Nang huwag daw mapulaan


ng binatang pagbibigyan
ang panyo pa’y sasamahan
ng mainam na pagmamahal.

Salitain

Panitikang Asyano| 676


Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.
(Papasok ang magsisikanta.) (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO

(Tenyong at Julia…)

Salitain

Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…

Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang


pagkakayari, nakakahiya…

Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko hihipuin, ganoon lang?…ay…

Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.

Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila,
na anaki’y nilalik na maputing garing, ay may yayariin kayang hindi
mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…

Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang


mapagod.

Tenyong: Masakit sa iyo!

Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (Sarili) Nalulunod pala ito
sa isang tabong tubig!

Tenyong: Ay!

Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia


ang bastidor).

(Sarili) Lalo ko pang pagagalitin!

Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod)


Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…

Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!

Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at


nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang
pangalan ko.

Panitikang Asyano| 677


Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso,


at F. ay Flores.

Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.

Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?

Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?

Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F, ay Frayle.

Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong


aglahiin nang tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting
ang tainga ko.

Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang


posporo at magkikiskis maraming butil at nang nag-aalab na
magsasalita.)

Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag


hindi ko sinilaban, ay ….sinungaling ako…mangusap ka.
Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).

Musika No. 2

Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at


di mapigilan.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang


iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.

Tenyong: Salamat, salamat, Juling poon ko.

Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.

Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi


paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-
tuwi…

Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.

Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.

Panitikang Asyano| 678


Sabay: Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na
mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) di na
maalaalang may kabilang buhay…. (Lalabas si Juana).

III TAGPO

(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas)

Salitain

Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si
Julia at si Tenyong)

(Lalabas si Lukas)

Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong: Napaano ka, Lukas?

Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong: Diyatat dinakip si Tatang?

Lukas : Opo.

Tenyong: Saan kaya dinala?

Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang.\

Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis


ka…(Magsisipasok sina Juana, Julia, Magtapis ka… (Magsisipasok
sina Juana, Julia, at Lukas).

Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang


tinatamo ng dibdib, ay tinutungunan kapagdaka ng matinding
dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay
maitutulad sa bango sa bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang
lumilipas!

(Telong Maikli)

Kalye

IV TAGPO

(Musika)

Koro at Lukas

Panitikang Asyano| 679


Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae na kami.

Lukas : Marami pang lalaki.

Lahat ng Lalaki: Huwag kayong malumbay…kami’y nasasa bahay at


nahahandang tunay, laan sa lahat ng bagay….

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming


babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa’y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.

Lahat : Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y


dalhin masarap na pagkain.

Mga Babae: Tayo, tayo na.

Lahat : Sumakay sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.

Lahat : Ating hihintin. (Papasok lahat)

(Itataas ang telong maikli)


V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong


nakatali sa mga rehas.)

(Ang mga prayle at si Marcelong Alkalde.)

Salitain

Relihiyoso 1.0.: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; masamang tao
ito…

Marcelo : Mason po yata, among?

Panitikang Asyano| 680


Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t
kung siya sumulat maraming K, cabayo K.

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!

Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya
ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao
iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0.: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez


de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan,
ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga
mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa yo ay ang palo,
maraming palo ang kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po


namang mangagsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang
linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que
duro-awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha.

Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan,


ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po sa isang araw.

Relihiyoso 2.0: Samakatwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay


Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo
ng kuwalta at tabako).

Marcelo: Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Walo po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Relihiyoso 1.0: Bakit ganoon? (gulat).

Marcelo: Dahil po, ay si Kapitang Innggo ay pinagsaulan ng hininga.

Relihiyoso 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si


Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya.
Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo?

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang


dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang

Panitikang Asyano| 681


mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si


Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at bubusan nang
tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?

Marcelo: Opo, Among

(Sa mga kasama niya) Compañeros, habeis traido el dinero para el


Gobernador?

Relihiyoso 2, 3, 4: Si, si, hemos traido.

Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.

Relihiyoso 2.0: Tonto.

Tadeo: Bakit ka mumurahin?

Juana: Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi


na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi
kaunting suweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga,
kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming
kinikita; wala nang pamisa, mga patay ay hindi na dinadapit;
ngayon ko napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao
noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang
alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana: Totoo po ang sabi mo.

P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa


pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay
sa panay na hangin.

Juana: Bakit dami mo pong mga pinakakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia…ay..ma…ma…malapit na po….

Panitikang Asyano| 682


Julia: Alin po ang malapit na?

Miguel: Ang…ang…ang…

Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo: Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa)

Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?

Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay, Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag


ng pagsinta mo?

Miguel: Sinabi ko pong malapit na….

Tadeo: Malapit na ang alin?

Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko
po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata….

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo.

(Magsisilabas ang mga dalaw).

VI TAGPO

(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at


lalaki.)
Salitain

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo,


dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang papaluin,
huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting
tulugan…

Putin: Salamat po, among.

Relihiyosa 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin


namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.

Putin: Opo, among, mano na nga po…. Salamat po, among.

Panitikang Asyano| 683


(Mangagsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang
lalaki.)

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador..a Manila,


cogemeros el tren en la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral
General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la
provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.

Los 3: Si, si a fuislar, a fusilar.

(Papasok ang mga pare.)

VII TAGPO

(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso.)

Salitain

Putin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa


among?

Tenyong: Inang, ang mga kamay pong….namamatay ng kapwa ay hindi


dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa
Gobernador na si tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling
patayin na ngang tuluyan. (Sarili). Kung nababatid lamang ng mga
ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang
kamangmangan!

(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid.)

Putin: Inggo ko!

Tenyong: Tatang!

Julia: Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit!

Musika

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa
mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan,
nakahahambal! Ay! Ang anyo ni amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng
pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lusiper sa
demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali…Ah, kapag ka
namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit
na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.

Panitikang Asyano| 684


Salitain

Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo: Huwag na….anak ko….hindi na maaari…luray luray na ang


katawan…Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko,
huwag mong pabayaan ang inang mo!

Putin, ay Putin…Juana-Julia…kayo na lamang ang inaasahan kong


kakalinga sa kanila….Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.

Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang


ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang
braso’y…”)

Musika No. 2

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa
mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal,
ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa
Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay
Satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong
ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit
sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.

Julia: Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man


yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa
utang na madla.

(Mga babae’t lalaki)

Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.

Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay amang


ng mga taong hunghan…..Ang awa’y nilimot sa kalupitan….

Lalaki’t babae: Wari mukha nang bangkay….

Salitain:

Tenyong: Inang, masdan mo po….at masama ang lagay ni tatang,,,Inang,


tingnan mo’t naghihingalo….Tatang, tatang….

Putin: Inggo ko..Inggo…

Tenyong: Patay na!

Panitikang Asyano| 685


(Mangagsisihagulgol ng iyak)

(Telong Maikl

VIII TAGPO

(Sila ring lahat , wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga
bilanggong nangakagapos.)

Salitain.

Putin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal


ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay
taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso
ko’y parang pinipintpit sa palihang bakal!

(Si Putin ay mapapahandusay).

Tenyong: Langit na mataas!

(Papasok lahat)

IX TAGPO

(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia.)

Salitain.

Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay


dalhin.

Isa: Ako’y mayroong iniingatan.

Isa pa: Ako ma’y mayroon din.

Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.

Isa: Nalalaman mo bang sila’y mangagsisilulan?

Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko


tuloy nasasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.

Isa: Mga tampalasan.

Isa pa: Walang patawad!

(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si


Julia)

Julia: Tenyong, Tenyong!

Panitikang Asyano| 686


Tenyong: Julia!

Julia: Diyata’t matitiis, na ina’y lisanin mo sa kahapishapis na anyo? Di


ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi
ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw
na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?

Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba
si inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa
paglingap mo sa akin? Sa bagay na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

Julia: Oo nga, Tenyong, nguni’t hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng


isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya
ko. Tenyong, huwag kang umalis!

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay


ng mga kapatid, Julia, tumugtog na ang oras ng pananawagan ng
naaaping ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang ina natin ay
nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y
tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo
niyang daing: “May anak ko,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y
ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng
matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong
sinasangayad; hindi dapat tulutang…mga iaanak natin ay magising
pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin!


(Huhubarin ang gargantilyang may medalyita; tangnan at isusuot
kay Tenyong ang gargantilya;) Ang larawang ito’y aking isasabit sa
tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y
masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. /Kung saka-sakaling
irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang
mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y
nunukal.

Tenyong: Sa Diyos nananalig.

Julia: Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang


pagluluwalhati.

Panitikang Asyano| 687


Julia: Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay
mapawi.

Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’y tutupad


lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming
tutubusin, naaliping ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng
dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa
mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!

Julia: Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka


agad nang di ikamatay.

Tenyong: Juling aking sinta!

Julia: Oh, Tenyong ng buhay!

Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis.)

Julia: (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (Papasok)

X TAGPO

(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya


ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong
at si Tenyong.)

Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa
ama ko-Perdon! Walang utang na di pinagbayaran! (Hagaran at
mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren.)

(Telon)

Wakas ng Unang Bahagi

Ikalawang Bahagi

I TAGPO

(Bahay ni Julia)

(Julia at Juana)

Salitain

Juana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang
kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam.

Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Panitikang Asyano| 688


Juana: Bakit ba ganiyan ang sagot mo?

Julia: Wala po!

Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at


nakaririwasa, ano pa ang hahangarin mo?

Julia: Ako po, inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran
mo, ang hinahangad ko po ay….

Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.

Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana: (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa


nga – anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang
dako, kapag may lalaking nangingibig , ay tinatatanggap ng mga
mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay
siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na, nagbago nang lahat and
lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay
tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang
kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t ngayo’y iba na,
nagbago nang lahat ang lakad ng panahon , ngayo’y kung may
lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito
(hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang
pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi
na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y
nagpapahingalay na…

Julia: Nakasisindak, inang ko, ang mga pangungusap mo!

Juana: Siyang tunay!

Julia: Ako po’y hindi makasunod sa masamang kalakaran ng panahon,


dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.

Juana: Julia, tila wari . . . . may kinalulugdan ka nang iba.

Julia: Wala po!

Juana: Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo


na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko
baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung
mapapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

(Papasok)

Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong!

Panitikang Asyano| 689


II TAGPO

(Julia at Monica)

Salitain

Julia: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa

Monica: (Sa loob) Pooo!

Julia: Halika-(Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong


hinihintay ko siya; madali ka…..

Monica: Opo (Papasok)

III TAGPO

(Julia-mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)

Musika

Dalit ni Julia

Oh, Tenyong niyaring dibdib,


diyata' ako’y iyong natiis
na hindi mo na sinilip
sa ganitong pagkahapis.
Ay! Magdumali ka’t daluhan,
tubusin sa kapanganiban,
huwag mo akong bayaang
mapasa ibang kandungan.
Halika, Tenyong, halika,
at baka di na abutin
si Julia’y humihinga pa…
papanaw, walang pagsala!
At kung patay na abutin
itong iyong nalimutan
ang bangkay ay dalhin na lamang
sa malapit na libingan.
Huling samo, oh! Tenyong,
kung iyo nang maibaon
sa malungkot na pantiyon,
dalawin minsan man isang taon.

Salitain

Panitikang Asyano| 690


P. Teban: (Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t na
pakalumbay lamang…

Julia: (Gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y


nangagsirating…Kahiya-hiya po.

P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang inang mo?

Julia: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).

P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting


asawa….Marunong kang pumili, Miguel.

Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam
makiusap. (Lalabas si Juana).

Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among.

P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana: Mabuti po among.

Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel: Baka po ako murahin ah!

May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at


bugtong na anak ngunit dungo. Payo ni Aling Juana:”Ang pag-ibig ay
tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso” Tutol si Julia kay
Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni
Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham
si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas.

Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa


labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat
ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si Kapitana Putin
at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang
sulat ngunit nagkaroon ng labanan.

Ikatlong Bahagi

Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong


sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang
nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng
dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si
Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni
Julia.Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si

Panitikang Asyano| 691


Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam
ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia
kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.

Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung


iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit
tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang
kanyang ina.

Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si


Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari
para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong.
Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila ni Julia ay
makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag
na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayun din si Miguel. Matapos
ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”.
Gayundin ang isinigaw ng lahat.

Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.

Pinaglahuan(Buod)
ni Faustino S. Aguilar

Nagsimula ang nobela sa paglalarawan ng isang nagmamadaling


lungsod na maparoo’t dito ay kayrami ng taong nagsisipaglagusan dahil
sa napabalitang mayroong pagtitipong mangyayari at magkakaroon ng
malaking pagpupulong ukol sa usaping pakikianib sa ilang Amerikanong
doon sa Estados Unidos ay nagsisipagpumilit matamo ng mga Pilipino ang
pananariling malaon nang minimitihi.

Sa maluwag na daan ng Cervantes, ay makikitang nagtitipun- tipon


ang mga anak ng bayan. Buhat doon ay makikita ang isang magandang
binibining magkakalabimpitong taon marahil na si Danding , kasama nito
ang kanyang amang si Don Nicanor Gutierrez. Kasunod ng kanilang
magarang Karwahe ay ang kalesin ng binatang si Victorino Rojalde na
siyang kilala bilang isang ulilang mayaman na tinipanan na siyang
magtamo ng kamay ni Danding.

Halos araw- araw ay parang buntot itong si Rojalde na umaaligid


kay Danding na sa simula pa lang ay hinahangaan niya nang lubos dahil
sa pagkamahinhin nito at angking ganda’t alindog nito. Dahil sa
kayamanang taglay ng maginoo ay walang alinlangan ang mga magulang
ni Danding na ipagkasundo silang dalawa. Waring nararamdaman ni
Danding na siya’y ipinagbili ng kanyang mga magulang sa halagang hindi

Panitikang Asyano| 692


maaabot kailanman ng kanyang pinakakamahal na si Luis Gat-buhay.

Sa lipunang kinagisnan ni Luis ay walang puwang ang mga dukha.


Para sa mga mayayaman, sila lamang ay kasangkapan ng mga
mayayaman sa pagpapalago ng mga kalakal nito na pilit pang ipagkait ang
hinihiling nilang tamang pasahod na naaayon para sa kanilang lakas na
siyang puhunan. Sila’y hinahangaan ng mga mayaman dahil sa sila’y
masunurin at umano’y mangmang at tikom ang bibig.

Nakatakda nang ikasal si Danding na tunay namang nagdulot ng


parehong pighati nilang magkasintahan na si Luis. Pareho nilang mahal
ang isa’t isa ngunit hindi sila maaaring magsama dahil sa dapat sundin
ni Danding ang kagustuhan ng kanyang mga magulang na siya’y ipakasal
sa mayamang si Rojalde upang mapagtakpan ang magiging kahihiyan ng
kanyang mga magulang sa malaking pagkakautang nito kay Rojalde.
Isang masunuring anak si Danding na kahit mamamatay na ang kanyang
puso’y handa siyang gawin ang lahat, huwag lamang sumuway sa
kagustuhan ng kanyang mga magulang na ayon sa nakakatanda pang
paniniwala na isang napakalaking kasalanan ang hindi pagsunod sa
kagustuhan ng mga magulang.

Habang papalapit na ang kasal nila ni Rojalde at Danding, ay napag-


alaman ng binata na ang minamahal pala ng kanyang iniibig ay si Luis
Gat-buhay, isang hamak na dukhang nanunungkulan sa bahay- kalakal
ni Mr. Kilsberg na isang Amerikanong kapwa niya mangangalakal, na
siyang nagpapakain sa iba pang limang sikmurang umaasa dito.
Nagkapoot si Rojalde kay Luis, kaya’t nag-isip siya ng masamang balak
para sa ikasisira nito kay Danding. Siniraan niya ito kay Mr. Kilsberg na
siyang nauwi sa pagkatanggal ni Luis sa pinapasukan. Hindi pa rito
nagtapos ang kasamaan ni Rojalde. Kanyang sinuhulan ng malaki ang
kanyang utusang si Pedro upang maisakatuparan ang lahat ng kanyang
balak bago pa sila maikasal ni Danding. Binigyan niya si Pedro ng
malaking halaga at nang hindi ito makapagtanggi at bunga na rin ng
kagustuhang maiangat ang sarili.

Nagkunwari si Pedro na siya’y pinalayas ng dating “panginoon” nito


kaya’y napadpad kina Luis. Walang alinlangang tinanggap ni Luis si
Pedro at pansamantalang pinatutuloy niya ito sa kanila. Sa pagdaan ng
maraming araw ay nagkagaanan na sila ng loob kaya’t lubos ang tiwalang
ibinigay niya rito. Hindi alam ni Luis na may masamang pakay pala itong
si Pedro sa kanya.

Isang araw, kinausap siya ni Pedro na ito’y samahan sa pagkuha ng


natitirang gamit sa bahay diumano ng kanyang among si Victorino
Rojalde. Sa kabutihang loob nito, ay sinamahan niya naman ito.
Pinagbilinan siya ni Pedro na siya’y maghihintay lamang sa labas ng

Panitikang Asyano| 693


malaking bahay ni Rojalde. Nang pumasok na si Pedro , ay nagkunwari
siyang kumuha ng iilang salapi at inilagay niya ito sa bulsa. Nagpaputok
ng baril si Rojalde at kunwaring ninakawan diumano ang kanyang bahay.
Laking gulat na lamang ni Luis nang patakbong pumaroon sa kanya si
Pedro at sinabing sila’y lilisan na lugar na iyon. Ngunit hindi pa sila
pumalayo ay pinaputukan sila na naging dahilan ng kanilang paghinto.
Sila’y pinaratangan ng pagnanakaw. Pareho silang tumanggi ni Pedro.
Ngunit laking gulat niya nang makitang totoong may mga salapi si Pedro
sa bulsa nito at siya diumano ay kasabwat.

Kinabukasan ay kalat na sa buong Kamaynilaan ay naturang


pangyayari. Nabasa naman iyon ni Danding na ikinamuhi naman niya kay
Luis dahil sa ito’y magnanakaw. Ngunit sa kaloob- looban nito’y mahal na
mahal pa rin niya ang lalaki.

Dahil sa walang pampiyansa ang pamilya ni Luis ay nahatulan siya


ng pagkakabilanggo at kasabay noon ay ang pagpapakasal ni Danding kay
Victorino Rojalde. Pagkatapos ng kasal ay nagbakasyon ang mag-asawang
Rojalde sa bansang Hapon. Habang si Luis ay naghihirap sa loob ng
piitang malayo sa pamilya at kanyang minamahal.

Pagkatapos ng Pitong buwang bakasyon sa bansang Hapon ay


umuwi ng bansa ang mag-asawa. Dito sa bansa isinilang ni Danding ang
kanyang malusog na panganay na isang lalaki. Buong pagtataka ni
Rojalde sa anak diumano nila dahil sa hindi pangkaraniwan ang
pagbubuntis ni Danding dahil sa pitong buwan pa lamang silang
nagsasama. Napagtanto niyang niloloko raw siya ni Danding kaya’t sa
kanyang kasawian ay napag-isipan niyang magpakatiwakal at isasama
niya ang mag-ina. ngunit sa ngiting iginanti ni Danding ay nawala ang
balak na iyon at mayamaya pa’y bumalik na naman ang pagkapoot ni
Rojalde nang minsang tinanong niya si Danding kung iniibig na ba siya
nito subalit buong pagtapat pa ring inamin nito na si Luis pa rin ang
kanyang iniibig.

May malaking sunog ang naganap sa Maynila na kung saan ay


umabot na sa bahay ni Rojalde. Parang nasiraan ng bait si Rojalde kung
kaya’t hinayaan niya lamang ito. Mabuti na lamang ay nagsisigawan si
Balani na may sunog at nakagising ang mga magulang ni Danding at
sinigurong ililigtas ang kanilang anak dahil nakatatak na sa kanilang isip
na kung mawawala ang kanilang anak ay malulugmok din sila kagaya ng
mga dukha sa lansangan. Isinugod nila sa ospital si Danding dahil sa ito’y
nahimatay. Hindi pa rin ito nagdidilat ng kanyang mga mata. Dumating si
Rojalde at dali- daling lumapit sa kinahihigan ni Danding . Ang lahat ng
kanyang kapootang naghahari sa kanyang puso , ang nais na paghihiganti
ay kanyang isinuko at ipinangayupapa sa harap ng kaawa- awang anyo

Panitikang Asyano| 694


ng kanyang asawa na sa pamumutla ng mukha, sa pagpanaw ng dugong
nagiging pantina sa maputi niyang balat ay tila isang bangkay na mistula.
Nakalimutan niya lahat ng panibugho, pati ng kanyang pagkaapi at ang
naghari sa dibdib ay ang habag sa kanyang asawang hindi makapagsalita.
At naghihintay pa rin sa sagot ng doktor sa kalagayan ng kanya ng asawa
at makikitang wala pang katiyakan.

Sa kabilang dako, ay may sumabog na dinamita sa loob ng piitan at


isa sa mga nasawi ay si Luis Gat- buhay.

Panahon ng Hapon
(1941 – 1945)

Kaligirang Kasaysayan

Panahon ng Hapon (1942-1945) Ang panahong ito sa kasaysayan


ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang "GINTONG PANAHON NG
PANITIKANG PILIPINO " dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa
pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura , kaugalian at paniniwalang
Pilipino sa mga ito.

Ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan ng taong 1941-


1945 ay nabalam sa kanyang tuluy-tuloy na sanang pag-unlad nang muli
tayong sakupin ng isa na namang dayuhan mapaniil-ang mga Hapones.
Natigil ang panitikan sa Ingles. Maliban sa Tribune at Philippine Review,
ang lahat halos ng pahayagan sa Ingles ay pinatigil ng mga Hapones.
Naging maganda naman ang bunga nito sa Panitikang Tagalog. Patuloy na
umunlad ito sapagkat ang mga dating sumusulat sa Ingles ay bumaling
sa pagsulat sa Tagalog. Si Juan Laya na dating manunulat sa wikang
Ingles ay nabaling sa Tagalog, dahil sa mahigpit na pagbabawal ng
pamahalaang Hapon tungkol sa pagsulat ng anumang akda sa Ingles. Ang
lingguhang LIWAYWAY ay inilagay ng mga Hapones sa mahigpit na
pagmamatyag hanggang sa ipabahala ito sa isang Hapong nagngangalang
ISHIKAWA. Ang naging paksain ng mga panitikan sa panahon ng Hapon
ay pawang nauukol sa BUHAY LALAWIGAN.

Tema ng Panitikan sa Panahon ng Hapon


 Sumesentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda.
 Ugali ng mga Hapon na masipag magtrabaho.

Panitikang Asyano| 695


 Sumesentro sa Pagka-makabayan, Pag-ibig, kalikasan
 Pananampalataya at sining
 Ugali ng hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkaroon ng
dangal sa sarili at bansa

Mga Manunulat

SANGAY NG DULA: JOSE MA. HERNANDEZ- Panday Pira -FRANCISCO


RODRIGO- Sa Pula, Sa Puti -CLODUALDO DEL MUNDO –bULAGA -
JULIAN CRIZ BALMACEDA- Sino Ba Kayo?; Dahil sa Anak ; Higanti ng
Patay.

SANGAY NG MAIKLING KWENTO: Naging maunlad ang larangan ng


maikling kwento noong panahon ng Hapon. -Narciso Reyes – Lupang
Tinubuan -Liwayway Arceo- Uhaw ang Tigang na Lupa -NVM Gonzales-
Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan.

SANGAY NG TULA : Ang karaniwang paksa ng mga tula noong panahon


ng Hapon ay tungkol sa BAYAN o sa PAGKAMAKABAYAN; PAG-IBIG;
KALIKASAN; BUHAY- LALAWIGAN o NAYON; PANANAMPALATAYA at
SINING.

Mga Uri ng Tula

HAIKU – isang tulang may malayang taludturan na kinagiliwan ng mga


Hapones. Binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Unang
taludtod-5; ikalawang taludtod-7 pantig; ikatlong taludtod-5. Hal: TUTUBI
– Gonzalo K. Flores.

TANAGA – tulad ng haiku, ito’y maikli ngunit may sukat at tugma. Ang
bawat taludtod nito ay may pitong (7) pantig. Hal : PALAY – Ildefonso
Santos.

KARANIWANG ANYO- ang mga katangian nito ay nagtataglay ng sukat at


tugma, indayog, aliw-iw. Hal. PAG-IBIG – Teodoro Gener.

Mga Akda sa Panahon ng Hapones

1. Haiku

Tutubi
Ni Gonzalo K. Flores

Panitikang Asyano| 696


Hila mo'y tabak
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.

2. Tanaga

Palay
Ni Ildefonso Santos

Palay siyang matino


Nang humangi'y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.
3. Karaniwang Tula

Pag-ibig
Ni Teodoro Gener

Umiibig ako at ang iniibig


Ay hindi dilag na kaakit- akit
Pagkat kung talagang ganda lang ang nais
Hindi ba nariyan ang nunungong langit?

Lumiliyag ako at ang naliliyag


Ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad
Di ba't masisid ang pusod ng dagat?

Umiibig ako't sumisintang tunay


Di sa ganda't hindi sa ginto ni yaman
Ako'y umiibig sapagkat may buhay
Na di nagtitikim ng kaligayahan.

Ang kaligayahan ay wala sa langit


Wala rin sa dagat ng hiwang tubig
Ang kaligayaha'y nasa iyong dibdib
Na inaawitan ng aking pag-ibig.

Tata Selo
ni Rogelio R. Sicat

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng


munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang baliatng tinaga

Panitikang Asyano| 697


at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-
pamahalaan.

Naggigitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y


naghahangad makalapit sa istaked.

“Totoo ba, Tata Selo?”

“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas.


May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa Malabo at tila
lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga
tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot
ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang
isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga
pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.

"Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo," umiiling na


wika ng kanyang kahangga, talagang hindi ko ho mapaniwalaan."

Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugng


putok sa no. Sa kanyang harapan, di kalayuan sa
istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa
kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang
humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisd
na alikabok.

"Bakit niya babawin ang saka?" tanong ng Tata Selo. "Dinaya ko na


ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at
kasama lang niya ako. Hindi ba't kaya maraming nagagalit sa akin ay
dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?"

Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak


pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino
mang tinitingnan.

"Hindi ma na sana tinaga ang Kabesa," anang binatang anak ng


pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na
pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa
istaked. Mataas ito, maputi nakasalaming may kulay at nakapamaywang
habang naninigarilyo.

"Binabawi po niya ang aking saka," sumbong ni Tata Selo. "Saan pa

Panitikang Asyano| 698


po ako pupunta kung wala na akong saka?"

Kumumpas ang binatang mayaman. "Hindi katwiran iyan para


tagain mo ng kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka
niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras. "

Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.

"Ako po'y hindi ninyo nauunawaan, "nakatingala at nagpipilit


ngumiting wika niya/ Sa binatang nagtapon ng sigarilyo at marring
tinapakan pagkatapoos. "alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyn?
Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo
lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga
po ako hindi nagbibigay ng kahit isang pinangk kung anihan. Kung hindi
k na naman po mababawi, masasaka man lamang po. Nakikiusap po ako
sa kabesa kangina. 'kung maaari po sana, "Besa, wika ko po, 'kung maaari
po sana, huwag naman ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong mag-saka,
"Besa. Totoo pong ako'y matanda na, ngunit ako pa nama'y malakas pa.
Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tinganan po n'yong
putok sa aking noo, tingnan po 'nyo,"

Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa'y


tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.

"Pa'no po ba'ng nangyari, Tata Selo?


Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya
ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata
Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa
kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata.
Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong
lilik.

"Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag ni Tata


Selo. "Doon ba sa may sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika'y iba
na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako'y tinungkod ako. Ay! tinugkod
ako, amang. nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay
saan pa ako pupunta?

"Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo."


Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa
kanya ang bata.

"Patay po ba?"

Panitikang Asyano| 699


Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas.
Napadukmo siya sa balikat.

"Pa'no po niyan si Saling?" muling tanong ng bata. Tinutukoy nito


ang maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina.

Katulong ito kina kabesang tano at kamakalawa lamang umuwi kay


Tata Selo "Pa'n po niyan si Saling?"

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa


nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating
ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing ssila sa bahay ng kabesa. abut-
abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawang upang mahawi
ang hanggang noo'y di pa nag-aalisang tao.

Tumigil ang diyip sa di-kalayuan sa istaked.

"Patay po ba? Saan po ang taga?"

Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas


ng may-katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang
pagkakaingay. nanulak ang malaking lalaking hepe.

"Saan po tinamaan?"

"Sa bibig." Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot


iyn at mariing ihinagod hanggang sa kanang punong tainga. "Lagas ang
ngipin."

Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan,


nagtulakan. Nanghataw ng ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde
na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan.
Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.

"Mabibilanggo ka niyan, Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata


Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang
kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.

"Pa'no nga ba'ng nangyari? "Kunot at galit na tanong ng alkalde.

Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

"Binawi po niya ang aking saka, Presidente, " wika ni Tata Selo.
"Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po,

Panitikang Asyano| 700


naisangla lamang po at naembargo-"

"Alam ko na iyan, "kumukumpas at umiiling na putol ng


nabubugnot na alkalde.

Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente,


may nakasungaw ng luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may
inaaninaw na mata.

"Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,"wika ni Tata Selo "Kaya


ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po
naman ako, Presidente, malakas pa po."

"Saan mo tinaga ang kabesa?"

Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po


ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung
kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po'y
talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po,
tinawag niya ako at nang ako po'y lumapit, sinabi niyang makakaalis
na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.

"Bakit po naman, Besa? tanong k po. Ang wika'y umalis na lang daw
po ako. 'Bakit po naman, Besa? Tanong ko po uli, 'malakas pa po naman
ako, a' Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako
po'y ... Ay! tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod."
"Tinaga mo na no'n, " anag nakamatyag na hepe.

Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin -- may mga


eskribiyente pang nakapasok doon -- ay nakatuon kay Tata Selo.
Nakayuko si Tata Seloo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa
ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na
sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang
paa.

"Ang iyong anak, na kina kabesa raw? usisa ng alkalde.

Hindi sumagot si Tata Selo.

"Tinatanong ka anang hepe.

Lumunok si Tata Selo

Panitikang Asyano| 701


"Umuwi na po si Saling, Presidente."

"Kailan?"

Kamakalawa po ng umaga.

"Di ba't kinakatulong siya ro'n?"

Tatlong buwan na po."

"Bakit siya umuwi?"

Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na


napayuko siya.

"May sakit po siya."

Nang sumapit ang alas-dose - inihudyat iyn ng sunud-sunod na


pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo - ay
umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama
ang hepe at dalawang pulis.

"Napatay mo pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe.


Lumapit ito kay Tata Selo na nakayuko at di pa natitinag sa upuan.

"Binabawi po niya ang aking saka." katwiran ni Tata Selo.


Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo

"Tinungkod po niya ako ng tinugkod, " nakatingala, umiiyak at


kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.

Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyt ng hepe si Tata Selo ssa


sikmura. Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa unipormeng kaki
ng hepe.

"Tinungkod po niya ako ng tinungkod ... Ay! tinungkod po niya ako


ng tinungkod ng tinungkod ..."

Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang


pulis.

"Si kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e," sinasabi ng isa
nang si Tata Selo ay ttila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling

Panitikang Asyano| 702


pagmalupitan ng hepe.

Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng


munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa
namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo'y dapat
nang nag-uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-
ipong nagkakalat ng mga pepel sa itaas.

"Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo, "anang bagong paligo at


bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. "Don ka
siguro ikukulong."

Wala ni papag sa looob ng istaked at sa maruming sementadong


lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya'y may natutuyong
tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na
paa at nakatukd ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling ,
nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng
istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng
maitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.

"Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde.


Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng
alkalde.

"Patayin na rin ninyo ako, Presidente." Paos at bahagya nang


narinig si Tata Selo."Napatay ko po ang kabesa, Patayin \na rin ninyo
ako."

Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya


nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan niya
kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang
lalo nang nakiling ito.
May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon
kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo,
ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong
langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-
poblacion. Hanggang noon, bawa't isa nagtataka, hindi makapaniwala,
gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka
at hindi makapaniwalang nakatingiin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itatanghal.

Ang araw katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang


magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa
lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na

Panitikang Asyano| 703


humagulgol.

Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito'y ipinatawag sa


kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakao.
Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhattin siya ng
dalawang pulis.

Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng


laka si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng
presidente.

Nagyakap ang mag-ama pagkikita.

"Hindi ka na ssana naparito Saling," wika ni Tata Selo na


napaluhod."May sakit ka, Saling, may sakit ka!"

Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kaloong ang ama.
Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila
yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang
mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde
hanggang sa mga nakatinging pulis.

"Umuwi ka na, Saling " hiling ni Tata Selo. Bayaan m na ... bayaan
mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi..."

Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde


sa istaked. Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga
tao.

"Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid. " Binalutan ng


basang sako, hindi nga halata."

"Ang anak, dumating daw?

"Naki-mayor."

Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis ssi Tata Selo.


napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya'y maiupo. Ngunit nang marinig
niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na
ginapang niya ang rehas. mahigpit na humawak doon at habang
nakadapa'y ilang sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga
pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang
kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa semendadong lapag.
Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa

Panitikang Asyano| 704


kanya.

"Tata Selo ... Tata Selo ..."

Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha


niyang mata ang tumatawag sa kanya.

Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.

Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya.

"Nando'n amang si Saling sa Presidente, "wika ni Tata Selo. "Yayain


mo nang umuwi, umuwi na kakyo." Muling bumagsak ang kanyang
mukha sa lapag. Ang bata'y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa'y takot at
bantulot ng sumunod...

Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit


mainit pa rin iyn. May Kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding na
steel matting, ngunit si Tata Selo'y wala roon. Nasa init siya. nakakapit sa
rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang
malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata'y tumatama ang
mapulang sikat ng araw. Sa labasng istaked, nakasandig sa rehas ang
batang inutusan niya kanina. Sinabi ng batang na ayaw siyang papasukin
sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siyapinakinggan ni Tata Selo, na
ngayo'y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi.

Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang


lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuuha na sa
kanila...

Buod

Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na


hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa
nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa
nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa
kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang
magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si
Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang
lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi
sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si
Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo.
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan
ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano

Panitikang Asyano| 705


na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya
ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis
ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni
Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit
tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa
binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa
Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng
Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na
dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa
kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente,
Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling
sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde
sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama
nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang
pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng
bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa
kanya ang lahat".
Mabilis na kumalat ang usapan tungkol sa pagpatay ni Tata Selo
kay Kabesa, ito'y naging mainit na usapan ng mga tao at karamihan ay
hindi makapaniwala na nagawa nya ito, dahil halos lahat ng tao sa
kanilang ay kilala siya bilang isang mabait na tao . Sya ay kinausap ng
presidente habang sya ay nasa likod ng mga rehas, at tinanong kung bakit
nya nagawa ito. Palaging sagot ni Tata Selo na tinungkod sya ng Kabesa
nang subukan nyang makiusap na huwag syang tanggalin sa pagsasaka
dahil ito lamang ang kanyang ikinabubuhay sa kanyang pamilya. Sabi ng
binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque na hindi yun
sapat na katwiran; paliwanag nya, hindi sya nauunawaan ng mga tao,
kung anuh ang rason kung bakit nya nagawa ang nasabing krimen. May
isang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong kung paano na ang kanyang
anak, si Saling, na naninilbihan kanila Kabesa. Ayaw nyang masali ang
kanyang anak sa nangyayari dahil ayon sa kanya, may sakit si Saling at
mas makabubuti sa kanya ang magpahinga at mapalayo sa
kapahamakan. Matapos ang buong araw ng pagsusuri, habang nakakapit
sa rehas at nakatingin sa labas,habang siya ay nahandusay sa sahig,
sinasabi ni Tata Selo na lahat ay kinuha na sa kanila, wala nang natira
sa kanila, bukod kasi na nasa bilanguan na siya,nwalan pa sila ng
ikinabubuhay at may sakit pah ang kanyang anak.

Sa Pula, Sa Puti
ni Francisco "Soc" Rodrigo

Panitikang Asyano| 706


Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.

Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.

Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?

Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip


kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang
tinali mo kaysa sa akin.

Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay


na ito kundi ang asawa.

(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).

Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong
tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.

Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang


mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala
sa atin ng grasya.

Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?

Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo
noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa
sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na
akong natutuhan, mga bagong sistema.

Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi
mo pa ba alam ang mga bagong sistema.

Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay
nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang
kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!

Celing: E ano kung puti?

Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y
hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!

Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.

Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo
lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta
tayo.

Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong

Panitikang Asyano| 707


iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang
pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na
ngunit natalo ka ng anim na piso.

Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip.


Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na
ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang
sala tayo ay mananalo.

Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa


akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano
ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.

Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!

(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).

Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito,
hindi na ako magsasabong.

Celing: Totoong-totoo?

Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato
ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.

(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang


saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang
bulsa).

Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto.


Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting
pinagbilhan ng ating palay.

Kulas:

(Kukunin ang salapi)

Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-


segurado! O, Buweno, diyan ka muna.

(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may


pintuan.)

Sioning: Kumusta ka, Kulas?

Kulas:

(Nagmamadali)

Panitikang Asyano| 708


Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay
nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-
diyan ka na.

(Lalabas si Kulas).

Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa


sunog.

Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na


naman sa sabungan.

Sioning: Celing, talaga bang…

Celing: Sandali lang ha, Sioning.

(Sisigaw sa gawing kusina).

Teban! Teban! Teban!

Teban:

(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).

Ano po iyon Aling Celing?

Celing:(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).O heto,


Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan.
Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!

Teban:

(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).

Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging
sabungera na rin?

Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing


magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.

Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa


sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?

Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit


huwag mo namang ipaalam kaninuman.

Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.

Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag


kaming matalo.

Panitikang Asyano| 709


Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo.
Celing pinaglalaruan mo yata ako.

Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa


kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na
magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin.
Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming
magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng
paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas
sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang
pumusta sa manok na kalaban.

Sioning:(May kahinaan din ang ulo).Sa anong dahilan?

Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung
ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari
ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya
nga pala naman.

(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).

Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa


sigawang iyan.

Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng


sabungan.

Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay
ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng
sabungan.

Sioning:(Lalong lalakas ang sigawan).Ah, siya nga pala, Celing naparito


ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa
tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.

Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang
pagkukumare namin.

(Dudungaw)

O heto na nga si Teban. Tumatakbo.

(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).

Teban:(Tuwang-tuwa)Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!

(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)

Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si

Panitikang Asyano| 710


Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.

(Magmamadaling lalabas si Teban).

Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.

(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na


sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).

Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.

Kulas:(Mainit ang ulo)Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y


malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay
nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong
suwerte!

Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi


suwerte!

Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni


ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.

Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.

Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong


kailanman.

Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay


Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.

(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng


sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan.
Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)

Castor: Hoy, Kulas kumusta na?

Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y


malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo
lang,Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag
agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban.
Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang
sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin.
Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan
ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin,
at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya.
Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo
kung saan lumagpak?

Panitikang Asyano| 711


Castor: O saan?

Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.

Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.

Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa
aming natitipon.

Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.

Kulas: Ano bang hindi tama?

Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang


perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay
magsasabong pa maaaring makabawi!

Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal
ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.

Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako,


Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.

Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang
lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.

Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga
ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!

Kulas: Ngunit paano iyan?

Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa


kalaban.

Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?

Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng


paraan.

Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang
ulo ko ngayon.

Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita
kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.

Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?

Castor: Talaga bang gusto mo malaman?

Kulas: Aba, oo. Sige na.

Panitikang Asyano| 712


Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag
ko sa iyo.

Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?

Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.

(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)

Kulas:(Ibibigay ang tinali kay Castor).O heto, Castor.

Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.

Kulas: Karayom?

Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!

Kulas: Ah…(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at


kukuha ng isang karayom.)O heto ang karayom.

Castor:(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)O halika rito


at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag
iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…(Anyong duduruin ni
Castro ang hita ng tinali.)Hayan!(Ibababa ang tinali.)Tingnan mo.
Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang
makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating
dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.

Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na


iyan…Siguradong matatalo.

Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa


sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim
sa kalaban.

Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!

Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.

Kulas:(Balisa)Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?

Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta


sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami
nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang
makabawi. Ano ang sama niyan?

Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.

Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.

Panitikang Asyano| 713


Kulas: Kung sa bagay…

Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.

Kulas: Siya nga, may katwiran ka.

Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.

Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking


asawa.

Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?

Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay
na ito.

Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa


bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong
hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.

Kulas: Oo…Este…Castor…

Castor: O, ano na naman?

Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw


kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari
lang ay umalis ka na.

Castor:(Tatawa)Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako


ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon
malalaban agad iyan.

Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?

(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali,


at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at
Sioning.)

Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang


sabungan?

Kulas:(Lulundag na palapit.)Celing, ngayon na lamang. Walang salang


tayo ay makababawi.

Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay


nagbabago.

Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin


mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.

Panitikang Asyano| 714


Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.

Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.

Sioning:(Kikindatan si Celing)Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako


ang testigo.

Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?

Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!

Celing: Magkano ba ang kailangan mo?

Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.

Celing: Dalawampung piso?

Sioning: Susmaryosep!

Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.

(Mag-aatubili si Celing).

Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.

Celing: O buweno, heto.

(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)

Kulas:(Kukunin ang salapi)Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na.


Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?

(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).

Celing:(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)Teban!


Teban!
Sioning: Teban, madali ka!

(Papasok si Teban buhat sa kusina)

Teban: Opo, opo, Aling Celing.

Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.

Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.

Teban:(Magugulat sa dami ng salapi).Dalawampung piso ito a…

Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.

Panitikang Asyano| 715


Teban:(Hindi maintindihan)ito ba'y itotodo ko?

Sioning: Oo, todo.

Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…

(lalabas si Teban).

Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?

Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.

Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking
ipinagdaramdam.

Sioning: Eh ano pa?

Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo


namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a
ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.

Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.

Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.

(Lalong lalakas ang sigawan)

Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo.
Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa
monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap
ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula
noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.

Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi


nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa
nangingitim ang buong mukha mo?

Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta


bien, tsokolate na naman kami.

Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis


lamang.

(Agad huhupa ang sigawan).

Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?

Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang


huwag silang mag-abot ni Kulas.

Panitikang Asyano| 716


Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.

Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.

Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag
nasa palad na ng tao.

Celing: Huwag kang mag-alala…

(Papasok si Teban)

Teban:(Walang sigla)

Aling Celing, natalo po tao.

Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno,


Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.

(Lalabas si Teban)

Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.

Celing:(Nalulungkot)Siya nga.

Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?

Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.

Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi
naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang
maghahawak ng supot.

Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo


siyang maninikit sa sabungan.

(Papasok si Kulas na nalulumbay).

Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako


magsasabong kailanman.

Sioning: Ha?

Celing: Ano kamo?

Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!

Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?

Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!

Celing:(May hinala)Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo

Panitikang Asyano| 717


ka.

Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig
sa buwisit na si Castor.

Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang


dalawampung piso.

Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?

Celing:(Lalo pang maghihinala)Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon


nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.

Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang
dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y
nanalo.

Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.

Sioning:(Magliliwanag ang mukha) teka, Celing, baka si Teban ang


kumupit ng kuwarta.

Celing: Siya nga pala.

Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.

(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).

Celing: Teban! Teban!

(Lalabas si Teban)

Teban: Ano po iyon?

Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.

Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?

Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.

Teban: Alin pong pera?

Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.

Teban: Aba e, natalo po, e.

Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si
Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.

Teban:(Hindi maintindihan)Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…

Panitikang Asyano| 718


Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta
sa sabong kanina?

Teban: Opo.

Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?

Teban: Kay Aling Celing po.

Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?

Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.

Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw


pala'y sabungerang pailalim.

Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok


mo.

Kulas:(kay Celing)A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?

Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na


kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
mawawalan.

Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala
rin.

Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.

Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa


manok. Ako pala'y parang ulol na…

Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso.
Teban, saan mo dinala ang pera?

Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng


kalaban din ako pumusta.

Sioning: Naku, at lalong nag-block out.

Celing:(Kay Kulas)Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?

Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong
matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa
lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo
ang aking manok.

Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope

Panitikang Asyano| 719


(Tatawa)

Kulas: Aba, at nagtawa pa.

Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?

Celing:(Tumatawa pa)Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka


maghapunan mamayang gabi. At anyayahan mo sina Kumareng
Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.

Kulas: Ha! Maghahanda?

Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang
kaserola ni Ate Nena.

Teban: Opo, opo.

(Lalabas sa pintuan ng kusina)

Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo


ng mahigpit apatnapung piso.

Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa
sabungan.

Kulas: Huling paalam?

Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi


na tayo kailangang bumili pa ng ulam.

Kulas: Bakit?

Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo


at ang tatlo ay sasabawan.

(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang


saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa
sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya
magsasabong.)

Timawa (Buod)
ni Agustin C. Fabian

Umiikot ang kwento sa nobelang “Timawa” sa buhay ng


pangunahing tauhan na si Andres Talon, isang dukhang anak ng isang
magsasaka na nagsusumikap sa buhay mahango lamang sa kahirapan.
Si Andres ay hindi lamang ang binatang probinsyana na nagtagumpay sa
buhay, kundi sya rin ang maaring maging huwaran at inspirasyon ng mga

Panitikang Asyano| 720


kabataang lalaki at lihim na pintig ng puso at pithaya ng mga kabataang
babae.

Ang pagkahamak kay Andres Talon sa sariling nayon ay hindi


naging dahilan upang magmukmok siya at tanggapin na lamang ang
katayuan niya sa buhay. Sa halip, iyon ang kanyang ginawang
tuntungang-bato, at isinalin niya sa positibong kaparaanan ang kanyang
kaapihan at nilabanan niya ang gayong kalagayan.

Nagtun go siya sa Amerika at doon nakipagsapalaran at hindi niya


inalintana an hirap sa pagiging tagahugas ng pinggan at tagalampaso sa
dormitory upang makatapos siya sa pag-aaral. Matagal siyang nawala sa
kanilang nayon, at ng sumiklab ang ikalawang Digmaang Pandaigdig,
kabilang siya sa pangkat ng mga manggagamot sa sandatahang lakas ng
Estados Unidos, na naglingkod sa sariling bayan. Sa kanyang pagiging
ganap nang doctor ay nagtataglay siya ng ranggong “Major”.

Bagama’t ipinangako ni Andres Talon sa kanyang sarili na umalis


siyang si Andres at babalik din siyang Andres, ipinakita ng nobela na ang
Andres na bumalik ay ang hindi ang Andres na pisikal na umalis. Higit na
makatuturang ipakahulugan na kaya niya sinabi ang gayon ay sapagkat
ang nasa isip niya ang paglilingkod sa kanyang mga kanayon, sa abot ng
kanyang makakaya. At iyon ang kanyang isinakatuparan.

Panahon ng Isinauling Kalayaan


(1946-1970)

Kaligirang Kasaysayan

Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga


Amerikano ay natupad noong 1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at ang
mga namundok na gerilya nang may higit sa tatlong taon ay kasa-kasama
na ng mga hukbong mapagpalaya ng mga Amerikano.

Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo,


1946 sapagkat dito isinauli ang kalayaan. Nawala ang tanikala, nawala
ang gapos. Sa unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang mga
Pilipino.

Muling sumigla ang panitikan ng mga Pilipino nang panahong ito.


Ang halos naging paksa ng mga akda ay tungkol sa ilalim ng pamamahala
ng mga Hapones, ang kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala
ng mga Hapones, ang kabayanihan ng mga gerilya at iba pa. Nabuksan
muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin, tulad ng

Panitikang Asyano| 721


Liwayway, Bulaklak, Ilang-ilang, sinag tala, atbp.

Tila naging mapaghangad sa makukuhang gantimpala ang mga


manunulat nang panahong ito sapagkat bago pa sumulat ng anumang
akda ay inaalam muna kung aling pahayagan kaya ang magbabayad dito
ng malaking halaga. Gayun pa man ay hindi rin natin tahasang
masasabing walang-wala nang sinumang nagtataglay ng pag-ibig sa sining
ng panulat.

Mga Aklat na Nailimbag

1. MGA PILING KATHA – (1947-1948) ni Alejandro G. Abadilla;


kinilala bilang “AMA NG MALAYANG TALUDTURAN”
2. ANG MAIKLING KWENTONG TAGALOG (1886-1948) ni Teodoro
Agoncillo
3. AKO’Y ISANG TINIG (1952)-katipunan ng mga tula at sanaysay ni
Genoveva Edroza Matute
4. MGA PILING SANAYSAY-(1952) ni Alejandro G. Abadilla
5. MANLILIKHA, MGA PILING TULA (1961-1967) ni Rogelio
Mangahas
6. MGA PILING AKDA NG KADIPAN (1965) ni Efren Abueg
7. PITONG DULA (1968) – ni Dionisio Salazar
8. MANUNULAT:MGA PILING AKDANG PILIPINO (1970) ni Efren
Abueg
9. SINING AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL NG PANITIKAN (1965)
ni Rufino Alejandro
Ang Muling Pagsigla ng Panitikan sa Ingles

MGA PAHAYAGANG INGLES

1. Philippine Free Press


2. Morning Sun – Sergio Osmena Sr.
3. Daily News – Ramon Roces
4. Philippines Herald – pamilya Soriano
5. Chronicle –pamilya Lopez
6. Bulletin–Menzi

Mga Aklat sa Ingles

1. Heart of the Islands (1974) ni Manuel Viray-kalipunan ng mga tula


2. Phil. Cross Section(1950) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros
3. Prose and Poems (1952) ni Nick Joaquin
4. Phil. Writing (1953) – ni T.D. Agcaoli
5. Phil. Harvest (1953) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros

Panitikang Asyano| 722


6. Horizon’s East (1967)Artemio Patacsil at Silverio Baltazar

Ang Timpalak – Palanca

Isa ring nakapagpasigla sa ating mga manunulat na Pilipino ang


pagkakalunsad ng Timpalak-Palanca o “Palanca Memorial Awards for
Literature” na pinamumunuan ni G. Carlos Palanca Sr. noong
1950. Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagbibigay gantimpala
ang timpalak na ito bagama’t ang nagtatag ay yumao na. Ang larangang
pinagkakalooban ay ang maikling kuwento, dula at tula.

ANG MAIKLING KATHANG NAGWAGI NOONG 1950-1951

1. MABANGIS NA KAMAY..MAAMONG KAMAY – Pedro Dandan


2. PLANETA, BUWAN AT MGA BITUIN – Elpidio Kapulong

3. KWENTO NI MABUTI – Genoveva Edroza-Matute

DULANG UNANG NAGKAMIT NG GANTIMPALA SA TIMPALAK-


PALANCA

Sinimulan noon (1953-1954) ng Timpalak-Palanca ang pagpili sa


pinakamahusay na dula-at ang nagwagi ng unang gantimpala ay ang
HULYO 4, 1954 A.D. ni DIonisio Salazar. Ang dulang ito ay naglalahad ng
pagsasagawa ng isang mapanganib at madugong misyon ng Hukbong
Mapagpalaya ng Bayan (HMB). Na ibagsak ang pamahalaang Pilipino
noong Panahon ni Pangulong Magsaysay.

TULANG NAGKAMIT NG GANTIMPALANG PALANCA

1. ALAMAT NG PASIG – sinulat ni Fernando Monleon

Mga Akda sa Panahon ng Isinauling Kalayaan

Mabangis na Kamay… Maamong Kamay


ni Pedro S. Dandan

Nagising kay Batling Kula sang simbuyo ng isang kamalayan, na tila


siya nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad

Panitikang Asyano| 723


ay nagkakahugis sa katotohanan. Kaya malimit na mawala siya sa
pagmamasid sa kanyang anak, sa di-mawaring pagkabahala sa dinaranas
na buhay nito, sa pagtitining sa kanyang kalooban na makabuo ng isang
pasiya kung nararapat sumuko sa simbuyo ng kamalayang iyon.

Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang kanyang


anak sa tambakan sa may puno ng tulay. Itinuon niya ang kanyang
paningin sa mukha at katawang naliligo sa nangingitim na pawis at sa
malalapad na pang bahagya nang maangat sa lupa samantalang hila-hila
ng bata ang isang malaking tiklis ng basurang nag-iiwan ng nag-
aalimpuyong alikabok.

Naghiyawan ang ilang batang naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan,


"Arya Ito! Arya Ito… sumayaw ka, Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw
mooo? Eto 'yo… Pak! Pak!" at inulan si Arya Ito ng pukol.

"Sasayaw na…kakanta na!" Binitiwan ni Arya Ito ang tiklis at


sumayaw siya.

Tila namumutok na bariles ang katawang pagiwang-giwang sa


pagbaba-pagtaas ng mga balikat at pag-imbay ng mga kamay; ang bilog
ng mga matang animo'y palawit ng isang orasang pandingding kung
ibinababala ang hatinggabi ay palipat-lipat sa magkabilang sulok; siya'y
isang laruang may kuwerdas na pinakikilos nang walang patumanggang
panghaharot ng kanyang kapwa bata. Humihingal na ang kanyang anak.
Naapuhap ni Batling Kula sang isang pamalo sa tabi ng kanilang
hagdanan at hinabol niya ang mga batang nangagsikarimot ng takbo.
Bumagtas ang mga bata sa tulay at Hindi na sumunod si Batling Kulas.
Nang balikan niya si Arya Ito'y nakatukop sa mukha ang dalawang bisig.

"Hindi po ako… sila po, sila…" Nasilip ni Arya Ito sa pagkakapuwang


ng kanyang ma bisig na napalis ang mga nambubuska at napangisii siya…
ngising naging walang gatol na halakhak.

Umiiling na tinungo ni Batling Kula sang harapan ng kanilang


bahay. Tumalungko siya at pinanood si Arya Ito samantalang itinataas
ang tiklis sa gabay ng tulay. Nakadadalawang hakot na si Arya Ito. Nais
niyang sawatain ang kanyang anak. Nguni't nagbabangon sa kanya ang
isang pagtutol… gayong batid niyang mapanganib magtapon nang basura
sa ilug-ilugan, sapagkat pumuputi na ng buhay sa kanilang pook ang
magkasaping trangkaso't iti.

Isang lingo nang walang patlang ang inihahatid na patay sa libingan


sa lunsod bunga ng tila ibig kumalat na salot. Isang araw lamang ang

Panitikang Asyano| 724


pagitan ng pagkamatay ng dalawang anak ni aling Bestrang nakatira sa
ibayo ng ilog at di-iilang sanidad ang nakita niyang dumadalaw sa bahay-
bahay at binobomba ng agua pinicada ang mga pook na marurumi.
NAtitigatig na rin siya ng usap-usapang tila kolera ang kumakalat na
sakit.

Narinig niya ang labusaw ng maruming tubig nang itaob ni Arya Ito
ang laman ng tiklis. MAghapong maghahakot ng basura ang kanyang
anak… maghapon?

Nagtungo rin si Batling Kulas sa lumang papag sa silong ng kanilang


bahay na pawid at nahiga siya. Hindi niya alumana ang mga insektong
nagmumula sa mahalumigmig at nangangamoy na paligid at sumisigid sa
kanyang balat. Iniwawaksi niya sa isipan ang bagay sa kanyang anak.
Nguni… sa kanyang nakalipas ay makabubuo siya ng isang
makatarungang pasiya… makatarungan.

Hindi magkamayaw na sigawan ng mga tao: Pak… sapukin mo! Sige


pa… sa bodega… sa panga… Pak!... Dumaun…
Isa..dalawa…tatlo…apat…Panalo na si Batling Kulas…Panalooo!

Nakaibis na siya ng ring ay natutulig pa rin siya sa sigawan, Aba,


Hindi na yata gigising. Napatay yata. Hindi na humihinga si Moro…
Napatay ni Batling Kulas.
Ipinagdiwang nila sa Manila Hotel ang kanyang panalo. Nang umuwi sila'y
kasabay niyang idinating sa kanilang tahanan ang ekstrang pahayagan,
"Napatay ni Batling Kulas si Moro." Ngunit lalong matunog sa kanya ang
balita ng hilot,"Anak na lalaki. Kamukhang-kamukha mo."

Isinabisig niya ang sanggol. Sumibol sa kanya ang isang luwalhati:


sa kapirasong buhay na nagmumula sa kanya.

Mabuhay! Anak ng kampyon…ito ang kahalili ko! Amang


kampyon… anak ng kampyon…Benito…Benito…Benito ang ibibigay kong
pangalan sa aking bunso. Isusunod ko sa tunay na pangalan ni Moro,
bilang paggunita sa aking maningning na tagumpay."

Ngunit isang biro yata ng Langit sa kanilang mag-asawa. Nagkasakit


ang kanilang anak. Isang uri ng sakit sa utak na pumipinsala sa mga mata
at nagpapalambot sa laman at kasukasuan, kaya wala pang isang taon si
Benito ay minamasahe na niya. Tinutudyo siyang madalas ng kanyang
manedyer na Amerikano. "A boxing champ starts young," sabi nito. Panay
yes lamang ang kanyang panugon kaya kasundong-kasundo sila.

Panitikang Asyano| 725


Hindi pa rin nakapagtatalalan si Benito gayong nasa kalikutan na.
Pinatingnan niya ang bata sa isang dalubhasang manggagamot na siyang
tumiyak na nagkaanak siya ng luno - sapagkat malabis na ininda ni
Benito ang karamdaman.
Gumuho ang kanyang pananalig sa maaari pang magawa ng tao. Sumama
silang mag-asawa sa banal na paglalakbay sa Antipolo. Namata kay San
Pascual Baylon. Nagtulos ng kandila at nagdasal nang paluhod sa Kiyapo.
Sa mga santa at santong pinipintakasi'y isinamo nila na paghimalaan ang
kanilang bunso.

Wala ring ipinagbago si Benito. Ang pag-asa sa mahiwagang


kapangyarihan….nasaan? Muli niyang nasumpungan iyon…sa payo ng
isang matandang babaing magkakandila.
Samakatuwid po, kung din a 'ko magbuboksing, magbabago ang aking
anak?

'Yan ang totoo, mama. Masamang hanapbuhay ang boksing. Biro


bang kalakalin mo ang iyong kalupitan at lakas. Biro bang halos patayin
mo sa suntok ang iyong kalaban dahil lamang sa salapi.

Nagunita niya si Moro. Ang mga luha't hinanakit sa mga mata ng


asawa't anak ni Moro.

Sa kauna-unahang pangyayari'y tinugon niya ng no ang kanyang


manedyer nang itakda ang lalong malaking pakikipagsagupa niya sa ring.
Hindi na siya maglalaro ng boksing. Ayaw na niyang maging
kampyon. Ayaw na niya…at nakapagtalalan naman si Benito…nakalakad.

Noong mamatay ang kanyang kabiyak ay walang sukat tumingin sa


kanyang anak samantalang nagbubuhat siya ng mga sako ng asukal sa
pinaglilingkurang pintungan. Lumaboy ito sa lansangan. Lumaboy ito sa
kawalang-tiyak, kaya tumitigas-tigas ang mga buto…ang mga laman -
ngunit inaaba din ng mga kapitbahay at binansagang "Arya Ito" ng mga
kapwa bata.

Lumikha sa kanyang kalooban ng isang katutuwang pagtutol ang


mga pang-ayon na yaon sa kanyang anak…ng isang malupit na
pagkahabag, gumising sa kanya ng simbuyo ng kamalayang tila siya
nagtatayo ng bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay
nagkakahugis sa katotohanan.
Isang hatinggabi'y dinama niya ang mukha ng kanyang anak. Naghihilik.
Idinantay ang kanyang mabigat na kamay sa leeg. Idiniin. Hindi na
makahinga…Hindi na! Bigla niyang inangat ang kanyang bisig. Tila
naalimpungatang nagbangon at nanaog. Tinungo ang isang poste sa

Panitikang Asyano| 726


tabing-daan at sinuntok…duguang nabilad ang buto ng kamao sa
nanisnis na balat.

Isinusi niya sa dibdib ang pagkahabag na umaalipin sa lanya. Ang


pagsuligi sa kanyang isip. Ang patuloy na pagtakas sa pag-uusig ng
kakatuwang budhi.

Mariing pumikit si Batling Kulas. Tumatama sa kanyang mukha


ang sinag ng araw na naglalagos sa butas ng bubong at sa siwang ng
sahig. Humawak siya sa gilid ng papag…namutla ang kanyang kamao sa
pagkakapit ng mga daliri. Narinig niya ang kaluskos ng mga paa ng mga
sanidad na sinusundan ng mababagal na hakbang ni Arya Ito.
Kumakanta-kanta pa si Arya Ito. Tumigil ang kaluskusan sa paanan ng
sirang tulay samantalang mahinang inihahatid ng hangin sa kanyang nga
taynga: Silaban mo, Arya Ito. Iyon… iyong nakatumpok… Hale…at nang
Hindi kumalat ang sakit. Mabuti pa ang inutil… maysilbi.

Nagtindig sa Batling Kulas. Ni Hindi niya tinanaw ang pangkat ng


tauhan ng kalusugang-bayan. Gaya ng nakaugaliang pag-inom, humingi
siya ng alak sa tindahan ni Tsikito, at tinungga. Susuray-suray na
nagbalik siya sa kanyang lumang papag at muling nahiga…

Nagising siya na wala na ang mga taong nagtutupada. Sumasabo


na ang mababagsik na lamok mula sa pinamumugarang ilug-ilugan.
Nakauwi na ang mga sanidad. Sa silong ng ilang kapitbahay ay
nagsisiyapan na nag mga sisiw at nangagngasabngasab ang mga baboy sa
tabi ng pakainan.

Nag-inat siya. Nangangalam na ang kanyang sikmura. Tiningala ang


kanilang paminggalan… Subali…nasulyapan niya ang malaking katawan
ni Arya Ito: nakalatag sa sahig at walang kakilus-kilos. Pumanhik siya.

Inaapoy ng lagnat si Arya Ito. Inilipat niya sa kabahayan at


tinabihan. Pinagmasdan niya sa paghihilik. At inunan niya ang kanyang
nagkakasalikop na mga kamay, na sa paraang iyon ay waring
naibibilanggo niya ang kabangisan… ang pagpupumiglas. Naghuhulagpos
din ang mga daliri ng kanyang kanang kamay, napapakuyom> Nagbangon
siya… at tinungo ang pasugalan ng Tandang Pruto.

Nang umuwi siya ay noong nagmamadaling-araw. Wala sa bahay si


Arya Ito! Hindi na sumayad sa hagdanan ang kanyang mga paa sa
pagmamadali. Waring nilindol ang kanyang dibdib. Patakbu0-takbo siya
sa loobang tahimik na tahimik, matangi sa malaks at sunud-sunod na
pagtawag niya ng, "Arya Ito…Anak ko… anak ko!"

Panitikang Asyano| 727


Kumutob sa kanya kung saan dako maaaring matagpuan si Arya
Ito. Napadalas ang kanyang mga paa… Hindi man niya lubusang
mahugisan sa karimlan ang aninong kumikilos sa ibabaw ng malaking
bunton ng basura sa may puno ng tulay ay lumutang sa katahimikan ang
isang tinig na humihuni-huni, at natiyak niya na nasa tambakan ang
kanyang anak. NAgtumulin siya at halos padaluhong na inagaw niya kay
Arya Ito ang hilang-hilang tiklis at Ikinasambulat ng basura.

"Umuwi ka, Ito…Umuwi ka…nilalagnat…"

"Demonyo!....Demonyo!.... Impiyerno!..." at sa pagkabigla ni arya Ito


ay pinalo siya ng isang putol na kahoy.

Tumama ang pamalo sa pilat ng noo ni Batling Kulas. Likha iyon ng


pakikipagsugpa niya kay Moro. Pumutok ang pilat at humilam ang tumigis
na dugo sa kanyang isang mata. Sa sang-iglap ay napahulagpos niya ang
isang ubos-kayang suntok na ikinatimbuwang ni Arya Ito sa tabi ng tiklis.

Naramdaman niya ang kasiyahang umali sa kanya noong mapatay


niya sa suntok si Moro, at makaraan iyon ay natulad siya sa isang
namulat sa isang nakahihindik na bangungot.

Hindi na humihinga ang kanyang anak!


Tinakasan siya ng lakas at sumuko ang kanyang mga tuhod sa bigat
ng kanyang katawan. Napaluhod siya at tila nag-uusal ng isang mataos
na dalangin ay maamung-maamong kinalong si Arya Ito, nilukuban sa
mga bisig ng kanyang dibdib.
Unti-unting nabuhay ang kanyang paligid: umalingawngaw ang mga
yabag at sigawan ng dumalong mga kapitbahay. Ngunit Hindi rin siya
nagtaas ng mukha. Patuloy na minamasdan niya si Arya Ito - ang
mukhang bahagyang nasisinagan ng bagong umaga at ang pasa sa puno
ng leeg.

Siya lamang ang nakakatalos niyon. Siya lamang? Nabasag ang


luha sa kanyang mga mata at nanariwa sa kanyang puso ang luwalhating
naramdaman niya noong unang sandaling isinabisig niya ang
pagkasanggol ni Arya Ito.

Nagkurus si Batling Kulas.

Buod:

Panitikang Asyano| 728


Nagsimula ang kwento sa alaala ni Batling Kulas, sa pagkakapanalo
nito sa boksing laban kay Moro.

Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang kanyang


anak sa tambakan sa may puno ng tulay. Naghiyawan ang ilang batang
naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan, "Arya Ito! Arya Ito… sumayaw ka,
Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw mooo? Eto 'yo… Pak! Pak!" at inulan
si Arya Ito ng pukol. Binitiwan ni Arya Ito ang tiklis at sumayaw siya.
Humihingal na ang kanyang anak. Naapuhap ni Batling Kulas ang isang
pamalo sa tabi ng kanilang hagdanan at hinabol niya ang mga batang
nangagsikarimot ng takbo.

Umiiling na tinungo ni Batling Kulas ang harapan ng kanilang


bahay. Tumalungko siya at pinanood si Arya Ito. Nakadadalawang hakot
na si Arya Ito. Nais niyang sawatain ang kanyang anak. Nguni't
nagbabangon sa kanya ang isang pagtutol.

Nagtungo si Batling Kulas sa lumang papag sa silong ng kanilang


bahay at nahiga siya. Hindi niya alumana ang mga insektong nagmumula
sa mahalumigmig at nangangamoy na paligid at sumisigid sa kanyang
balat. Naalala ni Batling Kulas ang pagkakatalo o pagkapatay niya kay
Moro. Ipinagdiwang nila sa Manila Hotel ang kanyang panalo. Nang
umuwi sila'y kasabay niyang idinating sa kanilang tahanan ang ekstrang
pahayagan, "Napatay ni Batling Kulas si Moro." Ngunit lalong matunog sa
kanya ang balita ng hilot,"Anak na lalaki. Kamukhang-kamukha mo."
Isinabisig niya ang sanggol. Sumibol sa kanya ang isang luwalhati.
Sinasabing ito ang susunod sa kanyang yapak at pinangalanan niya itong
Benito na isinunod sa tunay na pangalan ni Moro. Ngunit nagkasakit ang
kanilang anak. Isang uri ng sakit sa utak na pumipinsala sa mga mata at
nagpapalambot sa laman at kasukasuan, kaya wala pang isang taon si
Benito ay minamasahe na niya.

Pinatingnan niya ang bata sa isang dalubhasang manggagamot na


siyang tumiyak na nagkaanak siya ng luno - sapagkat malabis na ininda
ni Benito ang karamdaman. Gumuho ang kanyang pananalig sa maaari
pang magawa ng tao. Sumama silang mag-asawa sa banal na paglalakbay
sa Antipolo at sa mga santa at santong pinipintakasi'y isinamo nila na
paghimalaan ang kanilang bunso na wala rin namang ipinagbago. May
isang matanda ang nagpayo sa kanya na itigil ang pagboboksing sapagkat
masama daw ito na hanapbuhay. At dahil dito ay nagunita niya si Moro.
Ang mga luha't hinanakit sa mga mata ng asawa't anak ni Moro.

Hindi na siya maglalaro ng boksing. Ayaw na niyang maging


kampyon. Tutal ay nakapagtalalan naman si Benito, nakalakad.

Panitikang Asyano| 729


Noong mamatay ang kanyang kabiyak ay walang sukat tumingin sa
kanyang anak samantalang nagbubuhat siya ng mga sako ng asukal sa
pinaglilingkurang pintungan. Lumaboy ito sa lansangan na walang
katiyakan. Naawa siya sa kanyang anak dahil na rin sa panunudyo dito.

Isang hatinggabi'y ay tinangkang patayin nito ang kanyang anak sa


sakal ngunit hindi niya naituloy.

Mariing pumikit si Batling Kulas. Tumatama sa kanyang mukha


ang sinag ng araw na naglalagos sa butas ng bubong at sa siwang ng
sahig. Narinig niya ang kaluskos ng mga paa ng mga sanidad na
sinusundan ng mababagal na hakbang ni Arya Ito. Kumakanta-kanta pa
si Arya Ito. Tumigil ang kaluskusan sa paanan ng sirang tulay
samantalang mahinang inihahatid ng hangin sa kanyang nga taynga:
Silaban mo, Arya Ito. Iyon… iyong nakatumpok… Hale…at nang Hindi
kumalat ang sakit. Mabuti pa ang inutil… maysilbi.

Nag-inat siya. Nangangalam na ang kanyang sikmura. Tiningala ang


kanilang paminggalan… Subalit…nasulyapan niya ang malaking katawan
ni Arya Ito: nakalatag sa sahig at walang kakilus-kilos. Pumanhik siya.

Inaapoy ng lagnat si Arya Ito.

Nang umuwi siya ay noong nagmamadaling-araw. Wala sa bahay si


Arya Ito. Hindi na sumayad sa hagdanan ang kanyang mga paa sa
pagmamadali. Waring nilindol ang kanyang dibdib. Alam na niyang sa
tambakan ng basura niya ito makikita. Pinauwi niya ang kanyang anak
habang hawak ni Arya ang isang putol na kahoy na napalo niya sa pilat
sa noo ni Batling Kulas. Likha iyon ng pakikipagsagupa niya kay Moro. Sa
sang-iglap ay napahulagpos niya ang isang ubos-kayang suntok na
ikinatimbuwang ni Arya Ito sa tabi ng tiklis.

Naramdaman niya ang kasiyahang umali sa kanya noong mapatay


niya sa suntok si Moro, at makaraan iyon ay natulad siya sa isang
namulat sa isang nakahihindik na bangungot.

Hindi na humihinga ang kanyang anak!

Tinakasan siya ng lakas at sumuko ang kanyang mga tuhod sa bigat


ng kanyang katawan. Napaluhod siya at tila nag-uusal ng isang mataos
na dalangin ay maamung-maamong kinalong si Arya Ito. Patuloy na
minamasdan niya si Arya Ito - ang mukhang bahagyang nasisinagan ng
bagong umaga at ang pasa sa puno ng leeg. Nabasag ang luha sa kanyang

Panitikang Asyano| 730


mga mata at nanariwa sa kanyang puso ang luwalhating naramdaman
niya noong unang sandaling isinabisig niya ang pagkasanggol ni Arya Ito.

Nagkurus si Batling Kulas.

Ang Kwento ni Mabuti


ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa


siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong
kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa
itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung
manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon
pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng
isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa


kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita
ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang
anyo… at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-
ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa
paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang
masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.

Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod.


Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon
ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging
pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon
ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa
araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti…
Mabuti!”

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di


lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha
ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.

Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan


ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang
buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit
kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.

Panitikang Asyano| 731


“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-
agam sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong
ako.”

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman.


Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang
pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita
ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos.
Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang


tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya
pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang


ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang
pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa
pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang
paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang
buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na
matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang


naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.

“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta


ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok
na iyon na … iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang
halakhak sa kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang
suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti
sana sa iyo ang … buhay.”

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na


iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa
pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa
paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong
muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok
na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang
tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y
hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na

Panitikang Asyano| 732


iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa
aming sulok na iyong… aming dalawa…

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa


kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan
sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa
ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-
guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at natutuhan
naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa
panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan
at ako’y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos


na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin.
At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos
na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa


lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng
damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya
ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang
kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa


buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya
tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-
ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng
batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid
na siya’y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang


maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang
katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong
layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang
nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot
niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang
anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa
kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan
sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit
na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo
na sa aking isipan ang isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa


kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking

Panitikang Asyano| 733


lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang
kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa
susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro
naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting
manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata
sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y
nagsalita.

“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang
dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa
kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng
batang may kaarawan.

Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya.


Malisya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking
luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang
puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga
kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan,
at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa
kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man
lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga
kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang
sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa
kanyang mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman.


Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga
labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-
lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring
makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula
sa ating aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang


pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga
pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon,
habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako
ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga
lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.

Panitikang Asyano| 734


At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik
ang dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga
nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng
katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang


mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang
ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang
araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang
bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong
kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.

Boud:

Hanggang ngayon ay doon pa rin siya nagtuturo. Lagi ko siyang


inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin,
sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya.
Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo at sa kanyang buhay.
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-
ukol sa kanyang ng pansin.

Siya’y tinatawag ng lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang


salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita.

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di


lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha
ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.

“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak


din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang
tinig.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang


tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang
pinakamabigat. At nakinig siya ng may pag-unawa.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang


naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
Tinanong ko siya kung bakit siya naroon sa sulok na iyon. Ngunit tumawa
lamang siya at inulit ang aking mga sinabi: “ang sulok na iyon na …
iniiyakan natin… nating dalawa.”. “Sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang

Panitikang Asyano| 735


suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti
sana sa iyo ang … buhay.” sagot niya.

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na


iyon. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong
iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa
pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya
sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Nagsimula akong magmasid, maghintay
ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina,
kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan.
Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog
ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng
buhay. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa
buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya
tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-
ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng
batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid
na siya’y hindi balo.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa


kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking
lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang
kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na sa
susunod na taon ay magsisimula nang mag-aral. At ibig ng guro naming
maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting
manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang
isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig niya ito at siya’y nagsalita.“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika
niya.

Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa


ama ng batang may kaarawan.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman.


Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga
labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-
lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring
makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula
sa ating aralin…”

Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon,


habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako
ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga
lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.

Panitikang Asyano| 736


At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang
mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang
ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang
araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang
bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong
kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.

HULYO 4, 1954 A.D


ni Dionisio S. Salazar

Mga Tauhan:

Pablo ……………………………………………………Ang “nagbalik-loob”


Loida ……………………………………………………Ang kanyang kasintahan
Kintin …………………………………………………..Ang kanilang pinuno
Islaw …………………………………………………….Ang “bata” ni Kintin
Koronel Santos ………………………………………..Isang upisyal ng NBI
Isang Pulis, at ilang ekstrang babae at lalaki.

Panahon: Gabi ng Hulyo 3, 1954


Lunan: Lumang Luneta

Pagbubukas ng tabing ay makikita sa may gawing likod ng


tanghalan, dakong kanan, ang dalawang-katlong bahagi ng bantayog ni
Rizal. Sa may gitna naman ng tanghalan ay namamalas ang isang
malagong puno ng adelpa. May isang mahabang upuan sa tabi nito.
Walang anu-ano’y darating buhat sag awing kanan si Pablo at Loida.
Si Pablo na bago pa lamang tumutuntong sa 25 taon, ay mataas,
malapad ang sukob at mabulas ang pangangatawan. Mukha siyang
matalino at matapang…Bilugan ang kanyang mukha at ang kanyang
malagong buhok ay nahahati sag awing kanan. Kaki ang kanyang
pantaloon at kulay kumot ang suot niyang diyaket.
Pangkaraniwan ang taas ni Loida. Ang kanyang balingkinitang
katawan ay may kaakit-akit na hubog. Kulot ang kanyang putol na buhok.
Malamig ang kanyang tinig at wala rito ang katigasang dapat asahan sa
isang “amazona”. Mapamihag ang kanyang ngiti at may halina ang
kanyang titig. Dalawampu’t-dalawang taon na siya. Masigla ang kanyang
kilos at magiliw siyang mangusap. Sa suot niyang kamisadentrong

Panitikang Asyano| 737


panlalaki at “pedal-pusher” na maong ay wala siyang iniwan na isang
“tomboy”.
Palinga-linga silang dalawa na tila may hinahanap. Pagtapat sa may
puno ng adelpa ay titigil sila.

Pablo: Natitiyak mo ba, Loida, na sa lugar na ito tayo magtatagpo?


Loida: Oo, dito sa isa sa mga puno na malapit sa monument. (May
alinlangan) Palagay mo kaya ay saan sila naroroon, ha, Pabling?
Pablo: Baka naghahagilap pa sila ng balut na mailalako. O kung hindi
man ay nasa may grandstand sila at … alam mo na.
Loida: (Patawa) Para kong nakikita ang kanilangt ayos na animo tunay na
mag babalot, subalit … (magbabago ang tinig at anyo) a, kung alam
lamang ng makakikita ang nasa ilalim ng mga balut na yaon.
Pablo: (Mabilis na ilalagay ng pakurus sa bibig ang isang daliri) Ssst,
dahan-dahan ka’t baka may makarinig sa atin. ( Masusulyapan ang
bangko) Halika’t maupo kata.
Loida: (Hahawakan sa balikat si Pablo; masuyo) Hindi ka ba natatakot,
Pabling? Dahil sa akin ay tiyak na malalagay ka sa mapanganib na
kalagayan. Ang ating gagawin ay maaaring maging sanhi ng ating
kamatayan, kung sdakali. Hindi ka kaya magsisi?
Pablo: ( Hahawak at pipisilin nang buong suyo ang isang kamay ni Loida)
Minamahal kita , Loida, ito’y alam mo. At dahil dito’y kalabisan na marahil
sabihin kong nahahanda akong hamakin ang lahat----- maging
kamatayan man---- alang-alang sa iyo. Natatakot ‘ka mo? Ba, duwag
lamang ang natatakot mamatay. Wika nga ni Shakespeare ay “Cowards
die many times before their death.” Itong tandaan mo: Mula ngayon,
magkasama kita sa buhay at kamatayan---- sa hirap at ginhawa!
Loida: (Masaya) Salamat, Pabling. Ngayon ko napatunayan na sadyang
tapat ang iyong pag-ibig. Ikinararangal kita. At hintay, saulado mo pa ang
iyong napag-aralan!
Pablo: Ang isang diwa o simulain, kalianma’t maganda at kapuri-puri ay
mananatiling buhay. Ngunit mula ngayon, adyos Marx, Engles, Lenin,
Lava, at iba pa. Salamat sa iyo, sa amain mong senador, at nag-liwanag
ang aking isipan.
Loida: Ang ating isipan, ang sabihin mo.
Pablo: Natatandaan ko pa ang sinabi ng isa kong guro na anya’y “ Ang tao
raw na katutubong mabuti, sumama man, ay bubuti rin, ngunit nag likas
na masama, mabalot man ng mga hiyas at karangalan, ay masama rin.”

Panitikang Asyano| 738


Loida: ( May makahulugang ngiti ) Ang ibig mong sabihi’y…?
Pablo: Na ikaw at ako’y hindi likas na masama. Manapa’y natangay tayo
at nalason ng H.M.B. sa oras ng ating kahinaan.
Loida: May katwiran ka, Pabling. At lalo na si Tiyo Pepe. Ano pa nga naman
ang dahilan at ipagpapatuloy natin ang pamumundok ay sa ibinibigay
naman ni Magsaysay ang lahat n gating kagustuhan? Di nga ba binibigyan
ng lupa ang mga walang lupa? Pinatatawad ang mga nagkasalang
humihingi ng tawad? Kinikilala at ipinagtatangol ang mga karapatan ng
mga maliliit? Tinatangkilik at binubuhay ang sariling atin?... Maliban sa
hibang na nasang pailalim sa Pulang Bituin ay ano pa nga naman ang
sanhi at tayo’y di umahon at sumuko at manahimik? May katuwiran si
Tiyo Pepe na sabihing “matakot tayo sa kasaysayan.”
Pablo: ( Buong paghangang nakatitig kay Loida ) Maniwala ka, Loida, bilib
na ako sa amain mong senador: Inuulit kong kung hindi sa iyo at sa
kanya, at saka pala sa ilan nating kakilalang manunulat, ay malamang
na masasawi ako sa kamay ng isang kabalat din, at mamamatay pang may
tatak ng pagka-Hudas sa sariling lahi.
Loida: Kung sa bagay ay hindi tiniyak sa atin ni Tiyo Pepe na maikukuha
tayo ng homestead sa Mindanaw. Subalit mahigpit naman ang kanyang
pangakong gagawin ang makakaya upang hindi tayo mabilanggo.
Loida: Sino ang magsasabi, ako o ikaw?
Pablo: ( Waring hindi narinig ang katanungan ni Loida) Dapat nating isipin
na kapwa pusakal na kriminal ang dalawang ‘yon. Dahil dito’y kailangan
natin ang bilis na pag-iisip at tining ng loob. Ngunit iwasan ta, hangga’t
maaari, ang paggamit ng sandata.
Pablo: ( Munti ma’y walang bakas na pagkasindak) May awa ang Diyos. (
Masaya at madamdamin) Lubhang makasaysayan sa akin ang araw na ito
( waring nakikimi pa), giliw. Una, sa hindi ko inaasahang mangyayari ay
natamo ko ang iyong pagmamahal. Ikalawa, ito ay sasaksi sa aking, este,
sa ating…. ( hindi makukuhang tapusin ang sasabihin, sapagkat may
isang pulis na makalalapit sa kanila nang hindi nila namamalayan.)
Pulis: ( Pabigla at pagulat) Hoy! Kayong dalawa! Ano’ng inyong ginagawa
rito? Hindi ba n’yo alam na bawal dito ang mag-neking?
Pablo: ( May pagtataka subalit mahinahon pa rin) Hindi ho naman kami
nagneneking, a.
Pulis: ( Paaglahi) Ku….hindi pala. E anong ginagawa n’yo rito sa ganitong
oras, nagbibilang ng bituin? ( Kunwa’y dudukot ng lapis at papel sa bulsa)
Pablo: Hindi ho. Nagpapalamig lamang kami at nagkukuwentuhan.

Panitikang Asyano| 739


Pulis: Sawa na ako sa ganyang katwiran. Bueno, tayo na at doon kayo
mangatwiran nang husto sa kuwartel.
Loida: ( Titindig ) Maniwala ho kayo, Mamang Pulis, wala hu kaming
ginagawang masama. Hindi ho kami nagneneking na gaya ng inyong
palagay.
Pulis: ( Magpapahalatang galit na ) Kung hindi n’yo ibig maperyodiko ay
mabuti pang sumama na kayo sa ‘kin ngayon din.
( Magtitinginan si Pablo at si Loida. At magkakaunawaan. Sasama
sila sa pulis na walang ni munti mang agam-agam sa kanilang mga
mukha. Lalabas sila sag awing kanan ng tanghalan.
( Pagkaalis nila ay darating naman si Kintin at si Islaw naming
gagaling sag awing kaliwa. Kapwa sila may sakbat sa kanilang mga leeg
na dalawang maliliit na tiklis. Mistula silang tunay na magbabalut. Si
Kintin ay pandak subalit siksik ang pangangatawan. Nakabayanggot siya
at nakasalamin. Mukhang masungit at mabalasik. Panganahan siya.
Malikot ang kanyang mga mata bagaman baha-bahagya lamang ang galaw
ng kanyang ulo. Mag-aapatnapu na siya.
( Si Islaw, bagaman malaki ang kataasan kay Kintin, ay hukot
naman at payat. Bago pa lamang siyang nagdadalawangpung taon.
Halatang- halata sa kanyang mga kilos na lubos siyang nasa ilalim ng
kapangyarihan ni Kintin. Mababakas din sa kanyang hawas na mukha
ang katapangan. Ang mga “polo shirt” nila ay hindi nangakaparagan.
Paglipat nila sa may puno ng adelpa ay hihinto sila at pagagalain ang mga
tingin)
Islaw: Terible pala itong Luneta, ano po? Hatinggabi nang malalim e me
naggugudtaim pa.
Kintin: ( mangingiti ) at nakita mo ba, Islaw, na yaong ilang nabulabog
natin sa mga puno e may kipkip pang mga libro?
Kintin: Oo, saying lamang ang ginagasta sa mga ganyan. Pero, maniwala
ka, ‘yan naman ang pagnagsiuwi sa prubinsya e siyang masyadong
magpasikat.
Islaw: Ba, dapat silang mangahiya. Nagpapakamatay sa hirap ang
kanilang mga magulang sa paghahanap ng pera samantalang sila’y
gudtaim lang naman ang inaatupag at hindi pag-aaral.
Kintin: Kaya nga ba kahit na mangawngaw si Lacson e pupuri ko rin kung
minsan dahil sa paghuli niyang minsan sa mga naggugudtaim dito.
Perooo… mahina pa rin siya. Kung hindi madala ang mga lekat na ‘yan.
Islaw: pag nagkataon, Kumander, ay…

Panitikang Asyano| 740


Kintin: (Maagap at halos pabulong) Psst, huwag mo ‘kong tatawaging
Kumander, lalo na kung mey lumalapit. Este, ano na nga ‘yung sinasabi
mo?
Islaw: ‘Yan nga po ang hirap sa ‘ting mga Pilipino, e. Manggagaya tayong
de primera klase.
Kintin: (Himig pagmamagaling) Ang panggagaya, Islaw, e hindi masama.
Ang masama e kung gagayahin mo yung masama. Pero, kapag mabuti
ang pinarisan at saka pinabuti pa e ito ang magaling. (Tatanglawan ng
isang “lighter” ang relo sa bisig.) Aba, at mag-aala-una na pala! Bakit kaya
wala pa sila? (lilinga)
Islaw: (Matapos maupo) Ano po bang oras, Kumander,ang sabi ni Kapatid
na Loida na babalik sila?
Kintin: Ang sabi ko sa kanya e dapat siyang narito bago mag-alas dose.
Islaw: (May pananabik) E si Kasamang Pablo po naman? Anong naisipan
niya’t sumama-sama pa? Palagay ko po’y…
Kintin: (mabilis na hahadlangan si Islaw; pagalit) Torpe! Anong kaululan
ang sinasabi mo? (may maaaninag na lumalapit.) O, teka, baka sila na
‘yang dumarating.
(Aaninawin nilang mabuti ang dumarating. Mabibigo sila pagkat ang
daraan sa kanilang tabi ay isang bata at isang marinong Amerikano.
Magkaakbay ang dalawa… Ang lalaki na maybote pa ng alak sa bulsa, ay
sumusuray sa paglakad. Aalukin sila ni Islaw ng balut. Bibili ang babae.
Ang ibabayad ay sa bulsa ng marino kukunin. Lalayo sila pagkatapos.)
Islaw: (Iiling at ngitnit nang makahulugan). Kawawang lalaki. Nagsisilbing
palabigasan.
Kintin: (Nakangiti rin at tatangu-tango) Talagang ganito lang ang buhay,
Islaw: isang manluluko at isang lulukuhin. Paris niyang Amerika, kunwa
e tagapagtanggol ng mga karapatan ng maliliit na bansa na paris ng
Pilipinas bagkus e siyang mangangamkan na de primera klase. Pero, ku,
pasasaan ba’t dir in siya babagsak --- sialng lahat na bansang
imperyalista at kapitalista! Ba, para silang nagtagpo sa bigas oras na
sumagupa sila sa Rusya. At akala nila’y sila lamang ang may Atomic at
Haydrodiyen, hmm… teka, bakit ba kung saan saan nasusuot ang ating
usapan? Ang dapat nating pag-usapan e ang tungkol sa ating misyon.
Kailangang magtagumpay tayo—kahit anong mangyari!
Islaw: (Puspus-alinlangan) e pano pa kaya ang mabuti sa mga
guwardyang…?
Kintin: (Mabilis) natatakot ka ba? Wag mo silang intindihin. Madali yang
remedyohan.(muling tatanglawan ng patago ang relo. Mahahalata sa
kanyang tinig na yamo’t na siya sa paghihintay.)

Panitikang Asyano| 741


Pag hindi pa sila dumating sa loob ng kalahating oras e malaking hirap
nang kanilang katad pag nagkataon, hmm.
Islaw: magtagumpay sana tayo, Kumander, at nangggg…
Kintin: meyroon tayong tig-isandaan libong piso bilang gantimpala.
Islaw: ( Parang hindi ibig maniwala sa narinig ) Ano po? Tig- isandaang
libong piso? E saan naman po eto kukunin e saa…?
Kintin: ( Makabuluhan ang ngiti ) Kung saan ito manggaling e isang lihim.
Basta ang isipan mo e ito: Magtagumpay tayo!
Islaw: Totoo po ba ang balitang kumakalat sa kampo na ipadadala raw
kayo sa Moskow pagkatapos ng misyong ito?
Kintin: ( magkikibit ng balikat ) ewan ko ba. Pero tandaan mong oras na
magtagumpay tayo e irerekomenda k okay Heneral na mataas kayo sa
katungkulan.
Islaw: ( Matutuwa ) Salamat po…. Sa palagay kaya n’yo e husto na itong
ating dalang paraaaa..?
Kintin: ( Pangungunahan ang kausap ) Husto? Ang sabihin mo’y labis-
labis ‘to. Ito lang nasa aking tiklis e sapat na para todasin ang lahat ng
naro’n.
Islaw: Ang inaalala ko lang, Kumander. E maraming…
Kintin: Bakit ba sila ang iintindihin mo? Ang intindihin mo’y sya. At ang
ating pabuya. Saka, karamihan naman doo’y es-es-bi at mga pulitikong-
kanin. Basta siya lang ang ating malagot e.
Islaw: Pag nagkataon e nganga sa hangin ang mga nasyonalistang ‘yon. At
pihadong matutuwa naman ang mga liberal, ano po?
Kintin: Hindi rin, pagkat ang hahalili e nasyonalismo rin. Hindi mo ba
alam na En-Pi si Garcia? Ang sabihin mo e tiyak na maloloko ang
administrasyon. At sa oras na magkaga-nito, eh makasisigaw na tayo ng
“Amanos!” at “Mabuhay ang hukbong magpagpalaya ng bayan!” Hm, ang
akala lamang ng mga nasa gubyerno e baldado na tayo. Hmm, malalaman
din nila. Malalaman nila hanggang bukas.
Islaw: (May pagmamagaling ) At isa pa po! Ang akala ng marami e mahina
na tayo porke sumuko ang taksil at duwakang na si Taruc. Malalaman
nila hanggang bukas ng hapon ---sa oras ng parada.
Kintin: Isipin natin kung paano madidispatya ang mga guwardiya sa ilalim
ng grandstand nang hindi natin babarilin. Sabagay e may silencer itong
akin.
Islaw: ( matapos makapag-isip ) Me naisip ako, Kumander! Bumili tayo ng
alak at palapitin natin sa kanila si kapatid Loida oras na siya’y dumating.

Panitikang Asyano| 742


Kintin: At pagkatapos?
Islaw: Pagkatapos po e gawin niya ang dapat gawin, hlimbawa’y ibigay niya
ang kanyang sarili kung kinakailangan. Walang tatangi sa kanya. Me
itsura siya. Materyales p’werte, ‘ika nga.
Kintin: Magaling! ( Mapapadagok sa hita.) at hang abala ang isa kayLoida
e kakausapin ko naman ang isa pa. bibigyan ko ng balut. At bahala na ‘ko
pagkatapos. Si kasamang Pablo naman e siya nating pagbantayin sa ibang
maaaring lumapit.
Islaw: ( Lipos pananabik ) E ako po naman?
Kintin: ikaw ang magtatanim n gating dala. Oras na magawa mo ito e
sisibat tayong apat sa isang taksing paghihintayin natin. Areglado?
Islaw: ( Mapapatayo sa tuwa ) Superyor na ediya, Kumander! O, ayan na
‘ata sila! (A ng darating ay dalawang binabae. Kikilalanin silang mabuti ng
mga ito at pagkatapos ay magbubulungan at magtatawanan.)
Kintin: ( Pbulyaw ) Hoy, kayo riyan! Ano’ng inyong pinagtatawanan?
Islaw: H’wag kayong luluko-luko at baka kayo samain,hmm!..
Unang Binabae: ( sa karaniwang punting-bakla) oyyyyy.. how-ag kayong
mag-alit. Hendi keyo ang aming pinagtataw-anan. Suya!
Ikalawang Binabae: ( hihilahin sa kamay ang kasama ) Ow, c’mon, Claring.
Les not mine dem. Jes plane balut vendors. No dice. Mabantut ‘yan.
Islaw: ( susurutin sa mukha ang Huling nag salita ) Hoy, ikaw na me
malalaking masel! Huwag kang iinglis-inglis d’yan at baka pipilitin ko
‘yang leeg mo. Hala , lumayas na kayo rito, mga buwisit! ( akmang lalayo
ang dalawang binabae na lihim na nagkakalabitan.)
Kintin: ( bago tuluyang makalayo ang mga bakla ) sandal lang! alam ba
n’yo kung saan kayo dapat magpunta para kumita nang malaki? Doon sa
piyer.
Islaw: ( gagayahin ang isang bakla ) nar-on ang –ma-ram-ing ma-rin-
o,(mariin) mga kumpare. (titingnan siya nang masakit ng dalawang
“alanganin”.)
Ikalawang Binabae: (Pairap) Yu don’t heb to teach us an ‘more,mister
balut. We knows awer bisness. Les go, claring. (tuluyang lalayo, nguni’t
haharaping muli ang mga magbabalut na nakapamay-wang) Tse! Ang
papangit lang!...(mawawala)
Islaw: Totoo po ba, Kumander, na me dala raw mala sang mga taong
ganyan?

Panitikang Asyano| 743


Kintin: Ayon sa iba, pero bakit ba tayo maniniwala riyan… A, palagay ko’y
sila na ‘yang dumarating na ‘yan! ( darating buhat sa gawing kanan si
Pablo at Loida. Masaya sila.)
Kintin: Bakit kayo natagalan, ha?
Pablo: Kanina pa hu kami rito ngunit napagkamalan kami ng isang pulis
naaa…na….,
Kintin: (May pananabik) Na anu?
Pablo: Na nagneneking hu.
Kintin: (Matapos mawala ang bakas ng pagkamangha at kaunting kaba sa
mukha) Pinakaba mo ako ng kaunti. (Pabiro) O baka naman totoo, ha?
Loida: (Maagap) Aba, hindi po, Kumander! Talaga pong hindi.
Islaw: (Sakbibi rin ng pananabik) E’nong ginawa senyo ng pulis
pagkatapos?
Pablo: Dadalhan sana kami sa kuwartel subalit nahimas rin naming siya.
Kintin: Ano’ng inyong ginawa?
Loida: Pinakiusapan po naming nang mabuti at pagkatapos ay binigyan
ng pantabako.
Kintin: Buweno, yamang narito na tayong lahat e pag-usapan natin nang
mabuti ang tungkol sa ‘ting lakad. Halikayo’t maupo tayo.
(Magsisiupo ng pasalampak sa damuhan. Si Islaw ang bukod-
tanging mananatili sa pagkakatayo.)
Kintin: (Mahina, halos paanas) Heto an gating plano. Makinig kayong
mabuti. Ikaw, Islaw(titingalain ito) magmatyag kang mabuti at baka mey
makalapit sa atin nang hindi natin namamalayan.
Islaw: Opo.
Pablo: (Pangungunahan ang kanilang “kumander”) Kumander, mayroon
hu sana akong sa inyo, e. Tungkol hu sa …saaaaa….
Kintin: Ituloy mo.
Pablo: Nais ko hung ipagtapat na nagkaka-ibigan na kami ni Loida. At
dahil dito’y iniisip naming mamuhay na nang tahimik. ( Hindi hihiwalayan
nh titig si Kintin na parang ibig sabihin nito sa mukha ang tunay na
niloloob.)
Kintin: (Mapapatindig at mapapalakas ang boses) Mamuhay ng tahimik!
Anong ibig mong sabihin, kasamang Pablo?
Pablo: (Tatayo naman bago sumagot) Gaya ho ng iyong narinig.
Kintin: (Kay Loida) Totoo ba ang sinasabi nang hangal na ito?

Panitikang Asyano| 744


Loida: (Ttindig rin bago tumugon) Opo.
(Sa galit ni Kintin ay akmang pagbubuhatan ng kamay ang
dalawa, danga’t pakapagpipigil siya.)
Kintin: (Halatang nagtitimpi) Sa ka na nga natin pag-usapan ang bagay
na ‘to. Sa ngayo’y hindi tayo dapat mag aksaya nang panahon. Kailangang
magtagumpay muna tayo sa ‘ting lakad. Ganito, Loida, ang iyong
gagawin…..
Loida: (Malumanay ngungit matatag) Palagay ko po, Kumander, ay ……
hindi makatarungan ang…. Ang ating….ang gagawin nating pagtatanim
ng…(Hindi makukuhang tapusin ni Loida ang sasabihin sapagkat
bibigyan siya nang isang matinding sampal ni Kintin.Mapapasadsad
siya.at kung hindi sa upuan na kaniyang kasasadlakan ay gumulong sana
siya sa damuhan. Sasaklolohan siya ni Pablo subalit ito’y mabilis na
hahadlangan ni Islaw.)
Pablo: ( Hindi kahahalataan ng anumang sama nang loob; matimpi at
mahinahon) Bayaan ninyo, Kumander, na magpaliwanad ako.
Kintin: Ginagalit n’yo ‘kong talaga?
Pablo: (Parang walang narinig) Tignan ninyo…. Kung sa halip na ituloy
natin an gating layon ay…. Sumuko na tayo…
(Isang mabilis at unat-kilikiling suntok mula kay Kintin ang
magpapatumba mula kay Pablo. Magbubunot si Islaw nang rebolber at
talagang papuputukan si Loida na nakayukyok sa sandalan ng upuan at
nagkukunwang walang malay-tao at saka si Pablo kung hindi lamang
sasawayin siya ni Kintin.)
Kintin: Huwag, Islaw! H’wag tayong gumawa ng iskandalo hangga’t hindi
natutupad an gating misyon!... Itago mong baril mo’t paraanin muna natin
ang dumarating na pangkat’ na ‘yan.
(Muling isusukbit ni Islaw ang kaniyang rebolber. Sa pagkaka
lugmok ni Pablo na naghihilu-hiluan lamang ang mailalabas niya ng
palihim ang kaniyang sandata. Sa sang kisap-mata ay maka babalikwas
siya at matutukan ang dalawa. Si Loida ang palihim ring naghahanda.
Manlalaki ang mga mata nina Kintin at Islaw. Pamumutlaan rin sila nang
labis.)
Pablo: (Makapangyarihan at paaglahi) Kumander Lenin! Islaw! Itaas ninyo
ang inyong mga kamay! Madali!
(Ang dalawang napaglalangan ay akmang lalaban subalit
makikita nilang hindi nagbibiro si Pablo. Magkahalong sindak at poot ang
mababasa sa mga mukha ni Kintin at ni Islaw. Si Loida ay tatayo na pigil
sa kamay ang kanyang “colt” na de-25. Samantala, ang pangkat na
binubuo ng apat na tao ay patuloy sa paglapit sa kanila.)

Panitikang Asyano| 745


Pablo: Huwag! H’wag kayong magkakamaling kumilos nang masama
‘pagkat hindi kayo igagalang ng aking trenta’y otso!...Ikinalulungkot kong
humantong tayo sa ganito, Kumander. Subalit dumating na ang
paghihiwalay natin ng landas.
Kintin: (Nagngangalit ang mga bagang) Mga taksil! Papatayin ko kayo!
Hindi kayo makaliligtas sa ginawa n’yong ‘to! Oo, magbabayad kayo!
Loida: (Lalapit ng may dalawang hakbang; malumanay) Huwag ninyong
isipin, kumander, na kaya kami nagkakaganito ay dahil sa singkwenta mil
pesos na nakapatong sa inyong ulo.
Pablo: Ginawa naming ito ay sapagkat sawakas nakilala namin ang aming
mga pagkakamali. Salamat sa ilang kaibigan manunulat, kay Loida, at sa
kaniyang amaing si senador… A, hindi na nga bale ang kaniyang
pangalan.
(Si Islaw, na walang katinag-tinag sa pagkakatayo, ay biglang
dadaluhong. Susunggaban niya si Pablo upang agawan niya ng baril.
Subalit papuputukan siya nito. Sa kabilisan ng kaniyang pagkadaluhong
ay hindi siya karaka-rakang mabubulagta. Mayayapos pa niya si Pablo at
maibubuno. Sasamantalahin naman ito ni Kintin danga’t mararamdaman
niya ang nguso ng rebolber ni Loida sa kaniyang likod. Matutumba si
Islaw. Lalapit naman ang pangkat na pinamumunuan ni Koronel Santos.
Nakapaisano silang apat.)
Loida: (Makikilala si Kor. Santos; Himig pagmamalaki) Koronel Santos,
narito ho ang inyong pinaghahanap. Ang kasama niya ay….patay
na…(Lalapitan ng dalawang sekreta si Kintin at poposasan…manlalaban
ito subalit wala ring magagawa.)
Koronel Santos: (Pauyam at patangu-tango) Talagang “pahaba-haba man
ng suga, sa dulo ay may gasa.” Ang ibig kong sabihin ay pailap-ilap man
si Kumander Lenin, sa kamay ng batas ay mahuhulog din! (Masusulyapan
ang nakabulagta.) Aha, iyan ang sinasabi ni Rizal na, “ I die without seeing
the dawn.” Que pobre.!
Pablo: Isa pala kayong poeta, Koronel. (ngingiti ang pinagsabihan.)
Kintin: Mgbabayad kayong lahat! Oras na magkagiyera ay kawawa ang
inyong labas, Mga taksil!
(Ang pulis na humuli kna Pablo ay darating. Maririnig din, buhat
sa ibang dako, ang gumuguhit at papalapit na ugong ng sirena ang isang
“police car”.)
Koronel Santos: Salamat sa iyo, Loida. Gayundin sa iyo, Pablo. At higit sa
lahat kay senador. (Naino ang dalawang tiklis.patawa at patuya.) at
magbabalut pa ang labas ng mga karahote! (Ky Kintin) Kumander Lenin,

Panitikang Asyano| 746


Talagang tuso ka. Pero, tuso man daw ang matsing ay napaglalamangan
din! (Tawanan ng mga nakapaligid.)
Pablo: Sa ilalim ng mga balut na ‘yan ay nakahimlay ang kamatayan.
Koronel Santos: (Sa dalawang sekreta na nag-uusisa sa mga laman ng
dalawang tiklis) Bakani, Silos, sa head quarters na ninyo usisain ang mga
time bomb na ‘yan. Ikaw naman , Cruz, sabihin mo kay Baylon na dalhin
ditong madali ang pick-up.
(Susunod ang mga inutusan. Samantala, iaabot naman nina
Pablo at Loida ang kanilang mga sandata kay Koronel Santos. Kakamayan
sila at babatiin ng lahat.)
Koronel Santos: Ang kabayanihan ninyong ito, Loida, ay tiyak na
makarating kay presidente. Iniligtas ninyo ang kaniyang buhay sa
kamatayan. At naiwasan din natin ang kaypala’y pinakamadugong “hulyo
kuwatro” sa kasaysayan n gating lahi.
Loida: Marami pong salamat, Koronel.
Pablo: Ginawa lamang naming an gaming tungkulin.
(Darating ang inutusang NBI at sasabihing naroon na ang “pick-
up”. Aalis silang lahat at may bubuhat kay Islaw at may bubuhat sa mga
tiklis. Pagigitnaan ng mga sekreta si Kintin. Samantala ay ibinababa
naman ang tabing.)

Panahon ng Aktibismo
(1970 - 1972)

Kaligirang Kasaysayan

Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim


tanggapin ng ilang mga mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan.

Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng mga kabataan


noong 1970-1972. Samutsaring paniniwala ang dahilan ng kanilang
pagiging aktibista.
Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan,
marami sa ating mga kabataan ang naniniwalang di na “demokratiko”
kundi isang “gobyernong kapitalista” ang umiiral sa ating bayan sapagkat
damang-dama raw nila ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong
pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay may patuloy na nanalig
na matatag ang pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo
ng pamahalaan ang mga kakulangan. Ang iba naman ay may paniniwalang dapat
nang palitan ng “sosyalismo” o “komunismo” ang bulok na pamahalaan. Iba’t

Panitikang Asyano| 747


ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga kabataan nang panahong
ito. May mga kabataang napabilang sa “Bagong Hukbo ng Bayan [New Peoples’
Army], may mga naging “burgis” radikal o rebelde at mayroon ding mga
nanatiling parang walang pakialam sa takbo ng pamahalaan.

Sa kalahatan, maraming kabataan ang naging aktibista upang


humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang
pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng
matinding damdaming makabayan at upang mabigyang diin na rin ang
kahalagahan ng kanilang kahingian ay naging matalim at mabalasik ang
panunulat ng ilan nating kabataan. At dahil dito, kasama ng ilang rebeldeng
manunulat, marami sa kanila ang nangapiit sa mga kampong militar ng bansa.

Marami ring akda ang naisulat sa panahong ito, ngunit dahil sa ang
mga akda’y mahigpit na ipinagbawal sa una pa lang na paglalahathala at
karamihan sa mga umakda’y kailangang lapitan pa’t makapanayam, ang
pangangalap at pagpapahalaga ng mga akdang ito ay ipinauubaya na sa
mga masusing nagsaliksik.

Ang Binhi ng Aktibismo

Humantong sa pagkakadeklara ng “BATAS MILITAR [Martial Law]


noong 1972 ang BINHI NG AKTIBISMO. Ngunit masasabing ang binhi ay
naihasik na sa mga kabataan maging noong mga panahon pa nina
Lapulapu, Lakandula, Rizal at iba pa. Sadya pa ring masasabi na
monopolohiya ng kabataang may init ng dugong dumadaloy sa kanilang
ugat ang dahilan ng paghihimagsik laban sa makapangyayaring lakas ng
Pilipinas. Kaya’t balido ang sinabi ni Rizal na “ANG KABATAAN ANG
SIYANG PAG-ASA NG BAYAN”.

Ang Kalagayan ng Panitikan

1. Punung-puno ng damdaming mapanghimagsik


2. Nagkaroon ng kamulatang panlipunan
3. Maliban sa makinilya, gumamit din sila ng PINSEL at isinulat sa
mga plakard, sa PULANG PINTURA ang mga kaugnay na salitang
nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka
4. Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika

Mga Kabataang Bumandila

1. Rolando Tinio

Panitikang Asyano| 748


2. Rogelio Mangahas
3. Efren Abueg
4. Virgilio Almario aka Rio Alma
5. Clemente Bautista

Ang Panulaang Filipino

Nagtataglay ng tatlong [3] katangian ang mga tulang naisulat ng


mga batang makata at mananalumpati sa panahong ito ng aktibismo:

1. ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan


2. ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng
mga nanunungkulan at;
3. ang tahasang masasabing labag sa kagandahang-asal na
panunungayaw at karahasan sa pananalita

Ang mga Dula, Maikling kwento at Nobela

Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling


kwento o maging nobela sa panahong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging
sa usapan ng kanilang mga tauhan sa akda.

Payak ngunit makatotohanan ang salitaan o lenggwaheng ginagamit nila


ngunit kadalasa’y ang payak at makatotohanang usapan, bagama’t nasa
makabagong panahon na ay hindi pa rin makayanang basahin ng mga babaeng
may bakas pa ni Maria Clara, lalo’t ang usapan ay usapang lalaki o ginagamit sa
tagpo ng pakikipagtalik.

Ang mga Pelikula at Komiks

Nang panahon ding ito ng aktibismo, nagsimulang napanood ang mga


pelikulang malalaswa na nakasisira sa kaugaliang silanganin-ang tinatawag na
mga PELIKULANG BOMBA.

Dito rin dumagsa ang mga komiks at iba pang babasahin na ang mga
larawang iginuhit ay walang mga saplot sa katawan.

Panahon ng Kasalukuyan

Kaligirang Kasaysayan

Makapangyarihan ang panulat. Totoo ang kasabihang “The pen is


mightier than the sword.” Higit na tumatalab ang panulat, higit itong

Panitikang Asyano| 749


tumitimo, gumigising , at nagpapaunawa.Nagbunga ang makatotohanan
at mapanuligsang panulat ng ating mga datihang manunulat at mga
kabataang nagbuhat sa mga pamantasan noong nagdaang panahon.

Ang mga balitang naririnig sa radyo at telebisyon, ang mga akda at


balitang nababasa sa mgapahayagan at magasin-o ang midya sa
kabuuan, ay siyang umantig sa kamalayan at damdamin ng bayan upang
maglakas-loob na magtipon-tipon sa EDSA upang tutulan at pababain
ang kapangyarihang higit sa dalawampung taong namayani. Sinabayan
pa ito ng pagbibitiw ng mga opisyal ng pamahalaan tulad ni Juan Ponce
Enrile, ang noo’y ministro ng tanggulang bansa, at ni Heneral Fidel V.
Ramos. Ang matahimik na rebolusyon ay tumagal ng apat na araw, buhat
sa ika-22 hanggang ika-25 ng Pebrero, 1986.

Ang pangulong Marcos at ang pamilya niya ay inilikas sa Hawaii. Si


Gng. Corazon Aquino ang nahalal na pangulo ng bansa.Tumahimik na
muli ang bayan. Nagpasalamat ang marami sa maykapal pagkat walang
naganap na madugong labanan. Gayunman, ang taong bayan ay
naghintay at umasa sa mga pagbabago. Nabawasan na ang pagtuligsa sa
dating rehimen, ngunit ang mga dating suliraning panlipunan, pang-
ekonomiya at pampulitika ay nariyan pa rin, kaya patuloy itong pinapaksa
ng mga manunulat. Nariyan ang inaping manggagawa sa ibang bansa, ang
biktima ng panggagahasa, ang alipin ng droga, ang hinaing ng mga
magbubukid, ang suliranin ng iskuwater, ang pagsasamantala sa kabang
yaman ng bansa, ang kidnaping, at iba pa.

Mga Akda sa Panahon ng Kasalukuyan

Kasalan sa Nayon
ni Eleuterio P. Fojas

Hindi niya nalilimutan, na noong siya ay may gulang na sampung


taon pa lamang, akapatid niyang pinakamatanda sa lahat sa kanila, ay
ikinasal. Dalawang bakang matataba, dalawang baboy na mabibilog, at
hindi niya mabilang kung ilang manok, ang pinatay noon. Lahat halos ng
tao sa nayon ay nagsidalo, ang kainan ay nagsimula sa umaga at natapos
sa hapon at pagkatapos ng kasalan ay may ipinamigay pa ang kanyang
ina sa mga kapitbahay at sa lahat ng annunulungan sa handaan. Hindi
niya matandaan ngayon kung makailan siyang kumain ng araw na iyon.

Araw ng Linggo nang ikasal ang kanyang Kuya Saro. Sabado pa


lamang ng gabi ay lubhang marami na ang mga tao sa bahay ng magiging

Panitikang Asyano| 750


kaisang-palad ng kanyang kuya. Mga dalaga at binata, mga matatanda,
at pati mga bata ay nakatipun-tipon doon. Kung pagmasdan niya ay hindi
magkamayaw ang lahat. Para-parang may ginagawa. At ang salitaan ng
bawat isa ay nakatutulig. Hatinggabi na tuloy nang siya’y makatulog noon.

Nang matapos ang kasal sa munting bisita sa kanilang nayon


kinaumagahan ay inihatid pa ng isang bandang musko ang mga bagong
kasal sa bahay ng babae. Maraming tao ang sumama buhat sa simbahan
at sa mga tabi ng daan ay marami ang nangatayong pawang nagmamasid.
Ang kanyang mga kapuwa bata na kasaa niyang sumunod sa banda ng
musko ay pawang nangagsosogawan pa. Masayang-masaya ang lahat,
pati ang kanyang ama at ina, na bagaman nakita niyang napaluha nang
humalik sa kanilang kamay ang mga bagong kasal, ay palagi nang
nakangiti nang araw na iyon. Samantalang sinasaksihan niya ang lahat
ng iyon ay nakakaramdam siya sa kanyang puso ng kung ano, ngunit
lubha siyang nasisiyahan. Ang laha ng iyon ay naukit sa kanyang alaala
at ngayo’y labis niyang kinasasabikan.

Ganyan din ang ninanais ni Alberto sa araw ng kanyang kasal. Ibig


din niya’y may handaan at may kasayahang katulad ng sa kasal ng
kanyang Kuya Saro.

Hindi ba’t ang araw ng kanyang kasal ang siyang magiging kahuli-
hulihang araw ng kanyang pagka-binata? Hindi baga naman magiging
kahiya-hiya kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay pakakasalan
niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi sa kanilang bahay
na tila isang bagay na napulot lamang sa daan?

May katwirang ipagsaya ang araw ng kasal ng isang tao. Walang


kailangan kung ano man ang sasapitin ng mag-asawa pagkatapos. Iyan
ay hindi pumapasok sa kalooban ng sino mang ikakasal sa araw ng
kanyang pakikipag-isang dibdib. At, ang gugugulin...? Ang lahat nang
iyan ay magagawan ng paraan. Bakit nga ang kanyang Kuya Saro, kahit
na isang kasama lamang ni Ingkong Karyo ang kanyang ama na katuad
din ngayon, ay naaaring ikasal nang maringal, masaya at may saganang
kainan?

Aanyayahan niya, hindi lamang ang lahat ng litaw na tao sa


kanilang nayon, kundi pati ang Alkalde ng bayan, ang Tesorero, ang Hepe
ng Pulisya at ang mga kaibigan ng mga ito. Magkakaroon din ng maraming
pagkain at alak na iinumin. At hindi maaaring walang tugtugan.
Pagagayakan ang bisita sa nayon at doon sila ikakasal.

Panitikang Asyano| 751


Katulad din ng Kuya Saro, upang huwag lumaking lubha ang
kanilang gugol, ay manghihiram na lamang siya ng isang terno kay
Abogado Narding na kasintaas niya at nakakasinlaki niya ang
pangangatawan. Hinggil sa kasuutang pangkasal ng kanyang magiging
kabiya, aba, bibigyan niya ito ng limampung piso, katulad din ng ginawa
ng kanyang Kuya Saro, upang ipamili ang maiibigan.

Ang lahat ng iya ay napagkayarian na ni Alberto at ng kanyang ama.


“Hindi na matatapos ang aking buhay na isang kasama lamang ni Ingkong
Karyo sa habang panahon,” ang ibig isagot ng kanyang ama bilang
katugunan sa lahat ng panukala ni Alberto. Subali, ang marahan at
malumanay na ipinakli niya sa kanyang anak ay ganito:

“Pabayaan mo at gagawan ko ng paraan ang lahat ng iyan.


Makikipag-usap ako kay Ingkong Karyo.”

Hindi napansin ni Alberto ang pangungulimlim ng mukha ng


kanyang ama na noon ay tila nag-iisip nang malalim. At lalong hindi
nalalaman ni Alberto na masaganang luha ang bumalong sa mga mata ng
kanyang ina nang matanto ang mga kinakailangang ihanda sa nalalapit
na kasalan.

Huwebes pa lamang ng hapon ay nakita na ng amga taganayon sa


Amaya na dalawang bakang matataba ang nakatali sa puno ng sampalok
sal likod-bahay nina Alberto. At kinabukasan ng umaga, madilim-dilim pa
halos ay nakalalagim an sigaw ng dalawang baboy na mabibilog ang
pumukaw sa pagkakahimbing ng mga kapitbahay nila. Tangkal-tangkal
na manok ang idinating pa noong Sabado ng hapon.

“Mukhang malakasan ang kasal ni Alberto,” ang salitan ng isa’t isa


sa pagupitan ni Isyo nang Sabadong iyon.

“Talagang ganyan tayong mga taganayon kung napapasubo,’ ang


nakangiting tugon ng isang matandang kasalukuyang noong ginugupitan
ni Isyo.

Ano pa nga’t talagang malakasan ang kasal ni Alberto. Lahat ng


kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan. Sabado pa lamang ng hapon,
ay nasa tahanan na ni Angela,ng kanyang makakaisang-dibdib at hindi
magkamayay sa paggawa. Naroon si Pablong Tapa na siyang naglalapa ng
dalawang bakang matataba. Si Olet ang siyang pumatay sa dalawang
baboy na mabibilog. Ang mga dalaga at ilang matatanda ang pumupugot
sa mga liig ng manok at naghihimulmol sa mga iyon. Si Martang Batok at
si Eboy naman ang pinagpapawisan mula sa liig hanggang sa mga paa sa

Panitikang Asyano| 752


paghaot ng tubig sa may-kalayuan din namang igiban. At si Ture ang
nagpapalakol sa malalaking putol na kayoy na panggatong. Sa harapan
ng bahay nina Angela ay nagtayo sina Tiyo Kantong, Tinteng Pulo, Kayong,
Ulo, Able, Imyon at iba pa, ng isang palapala ng pinagdatig-datig na mga
layag na dinampol na nakatali sa batalan ng bahay ay may tatlo o apat na
tungko ng malaking bato na kinasasalangan ng mga pinaglulutuan ng
sinaing at mga pang-ulam. Ang nangangasiwa rito ay si Pakitong kusinero.
Sa ilalim ng palapala ay may tatlong mahahabang hapag na
pinagdugtung-dugtong at napaliligiran ng mga bangkon mahahaba rin.
Dito nagsisikain ang mga pangkaraniwang tao sa nayon, inanyayahan
man o hindi, na dadalo sa kasalan.

Sa itaas ng bahay, sa makaanhik ng hagdan, ay may isa pa ring


malaking hapag na siyang kakanan naman ng mga bagong kasal at mga
piling panauhin.

Ang pinakahihintay na araw ng Linggo, ang araw ng kasal, ay


sumapit din. Ang mumunting bisita sa nayon na napapalamutihan ng
mga bulaklak at maraming papael na may iba’t ibang kulay, ay nagsikip
sa maraming taganayong nanonood sa kasal ni Alberto at ni Angela.
Pagaktapos na makasal, sinabugan pa sila ng masaganang bigas nang
lalabas na lamang sa bisita at inihaid pa ng banda ng musiko, kasama
ang makapal na tao, sa tahanan ng babae. May mga paputok pang
nagpasikdo ng dibdib.

“Talagang ibang magpakasal ng anak si Mang Ambo,” ang bulong ni


Tininteng Edes kay Konsehal Kose samantalang sila’y kumakain.

“Iyan ang tungkulin ng isang ama sa kanyang anak na lalaki’” ang


parawang wala sa loob namang tugon ni Konsehal Jose.

Nang matapos ang pagpapakain sa lahat ng panauhin ay mag-


iikalawa na ng hapon. Ang tugtugan, satsatan, at halakhakan ay noon pa
lamang nagwakas. At, kaya lamang may kaunti pang kaguluhan ay dahil
naman sa pagliligpit ng mga kasangkapang ginamit sa kasalan na ang
karamihan ay hiram sa mga kapitbahay.

Mag-iikatlo na marahil ng hapon nang iuwi ni Alberto si Angela sa


kanilang tahanan. Marami pa ring tao, mga kaibigan at kamag-anak, ang
nagsisama sa kanila. At pagdating sa bahay ay muli na namang
nagkaroon ng inuman ng alak, siagawan at pagkakatuwa na umabot
hanggang sa mag-iikawalo marahil ng gabi.

Panitikang Asyano| 753


Sa kabila ng marubdob na pagnanais ni Alberto sa maringal at
masayang kasalan bago dumating ang araw na iyon, ay nakaramdam din
siya ng pagkayamot nang hindi pa umaalis ang mga panauhin. Naiinip
siya sa mga taong tila hindi nasisiyahan sa masaganang handang kanyang
idinulot. Sa kabila ng lahat, ay may karapatan naman siyang masarili ang
ngayo’y kabiyak na ng kanyang puso sa harap ng Diyos at sa harap ng
batas.

Sa wakas ay lumisan din nga ang mga panauhin. Pagkakain nila ng


hapunan at pagkatapos ng ilang sandali ng pakikpagkuwentuhan ay
nasok na sila ni Angela sa tanging silid na tutulugan sa kanilang bahay,
na napapagitnaan lamang ng sawali mula sa buwagang hihigan ng
kanyang mga magulang at mga kapatid. Masaya silang dalawa, matagal
na nagbiruan, nagtuksuhan at nagtawanan. Nang ang gabi ay malalim na
at tahimik na ang lahat, ay hindi natiis ni Alberto na di itanong nag
malaon nang inais niyang itanong.

“Giliw, nasiyahan ka ba sa maringal at masaya nating kasal?”

“Mangyari pa,” isasagot sana ni Angela na siya namang hinhintay


ni Alberto. Subalit, si Angela ay hindi nakatugos. Si Alberto naman ay
natigilan, May naulinigan silang nag-uusap.

“Magkano ang inutang mo kay Ingkong Karyo para sa kasal ni


Alberto?” Tinig yaon ng ina ni Alberto.

“Tatlong daang piso, hindi pa kasali roon ang dalawang baka. Bukas
daw niya ahalagahan.” Si Mang Ambgo ang nagsasalita.

Ipinikit ni Alberto ang kanyang mga mata. Tinakpan ng dalawang


palad ang kanyang mga tainga. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang
nakinig.

“Hindi na tayo makakabayad sa pagkakautang kay Ingkong Karyo.


Hangga ngayon ay hindi pa natin nababayatain ang ating inutang sa kasal
ni Saro!”

“Kaipala nga, at lalo pa kung iisiping apat pa itong anak nating


lalaki na hindi nakakasala,” ang buntung-hininga ni Mang Ambo.

Muling ipinikit ni Alberto ang kanyang ga mata, tinakpan ng


dalawang palad ang kanyang mga tainga at hanggang sa sumapit ang
umaga, siya’y hindi nakatulog kahit isang saglit.
PAG-IBIG NGA NAMAN

Panitikang Asyano| 754


ni Ronald Salica

Una ko siyang nakita, pare, noong enrolment. Di naman siya


kagandahan sa katunay, average din ang height, medyo lang maputi na
hindi naman mestisahin. Pero makinis ang kutis at mahaba ang buhok,
na siyang unang tumawag ng pansin ko. Partial kasi ako sa mahabang
buhok, na para sa akin ay simbolo ng isang babaeng masinop at matiyaga.
Kaya lagi akong nakatingin sa kanya habang nakapila kami. Buti na lang
nauuna siya sa akin kaya nakatalikod, pero siguro ay nag-init ang batok
niya sa kakatingin ko. Paminsan-minsan ay lumilinga din siya, pero dahil
lahat ng nakasunod sa kanya ay nakatingin din kapag lumilingon siya,
pare, di niya matiyak kung sino ang laging nakatingin sa kanya. O maaari
rin naming lahat kami ay nagagandahan sa kanya kaya lahat nakatingin.

Kaya ang tuwa ko ng malamang kaklase ko pala siya sa ilang


subjects at sa isa ay katabi ko pa ng upuan dahil magkasunod sa lista ang
apelyido namin. De Vila ako, siya naman ay De Vivarre, Ederlyn.
Pambihirang pangalan at apelyido, pero me indayog pagbinigkas. Ederlyn
De Vivarre...very nice no? At ito pa. Nang medyo magkapalagayan na kami,
nalaman kong magkalapit-bayan lang kami, pare, at alam ko ang lugar
nila. Di kalayuan iyon sa amin, mga sampung kilometro lamang, kunti pa
ang nakatira dahil medyo liblib pero may kalsada papunta doon.

Sa makatuwid ay maaari siyang puntahan kung kinakailangan,


bagay na sa una pa lang ay may kutob na akong din maglalaon ay
kakailanganin nga. Paano ba naman, mabilis pa sa alas kwatro ay
nararamdaman ko agad na umiibig ako sa kanya. At di lang basta crush
o infatuation anuman ang mga iyon, pare, kundi iyong pag-ibig na
sinasabi ng mga makata, iyong masidhi, marubdub, na makakagawa ka
ng tula kahit di ka makata dahil ang tingin mo sa lahat ng bagay ay kaaya-
aya pagnandiyan siya.

At kung wala naman ay parang namatayan ng kaibigang kababata


na kalaro-laro mo na noong hindi pa kayo nagpapantalon. Hindi ka
kumpleto; hindi buo ang mundo. Kulang sa elemento, hungkag. Basta
ganun. Mahirap ipaliwanag. Sabi nga, dinaranas lang daw ang pag-ibig,
hindi ipinaliliwanag dahil hindi kaya. Experience, not explained, sabi daw.

Bakit nga ba ganuon? Kung ang pag-ibig ay nasa puso, bakit ulo
ang nasisisra? Dahil para akong sura-ulo talaga pagwala siya, lalo na sa
weekend o holiday na walang pasok. Sabik na sabik akong makita siya,
halimbawa, sa classroom, tapos di siya darating. Punebre na sa akin ang
maghapon na iyon. Buryong akong di maintindihan, galit na wala naming
kinagagalitan, buwisit sa lahat ng wala namang dahilan. Sa weekend
naman o holiday na alam kong walang pasok at di ko siya makikita, kung

Panitikang Asyano| 755


pwede lamang ay hilahin ko ang oras para bumilis ang pagdaan ng araw.
Gusto ko laging bukas na, para makita ko na siya. Minsan naman ay
idinadaan ko sa panonood ng sine para malibang, pero di ko naman
maintindihan ang estorya ng pinanonood ko. Siya lagi ang nasa isip ko:
ang mukha niya ay nasa aking balintataw, ang boses niya naririnig ko,
pati ang halimuyak ng shampoo niya ay naaamoy ko. Magkaminsan nga
ay kinakauasap ko siya kahit na wala siya at ini-imagine ko ang mga sagot
niya. Wala din ako sa realidad kapag wala siya. Ganuon ako kabuang dahil
sa kanya, pare. O kaya ay idinadaan ko sa tulog ang maghapon. Kaya lang
pagnapag-idlip ako sa araw, meinsomnia ako sa gabi. Pabaling-baling sa
higaan, di mapapikit.

Natuto na rin akong manigarilyo dahil doon. Kaya siguro pati lamok
sa amin ay nagkakanser dahil sa sigarilyo ko. Nangunti eh. Pero hindi iyon
ang problema pare. Actually, ang pinakaproblema ko ay papaano ko
sasabihin sa kanya na mahal ko siya, na gusto ko siyang maging girlfriend,
nang hindi niya iisiping sinamantala ko ang pagiging magkaibigan o
magkababayan namin. Iyong maniniwala na talagang mahal ko siya at
hindi biro-biro ang inilahad kong pag-ibig.

Ganoon pala iyon, ano? Pag talagang pagmamahal ang


nararamdaman mo alalang-alala ka na baka mamis-interpret ang
damdamin mo. Takot kang mawala o masayang ang pag-ibig mo pag hindi
ginanti kaya ingat na ingat ka sa bawat hakbangin. Parang gusto mo pang
mabuhay sa pansamantalang mundo ng imahinasyon ng inyong
pagmamahalan, kesa realidad ng kasalukuyan, sa katotohanang wala
kapang ginagawa para sa sinasabi mong pag-ibig.

Matagal ako sa ganuong lagay pare, hanggang finally nasabi ko rin


ang dapat sabihin. Kasi patapos na ang semester, bakasyunan na ilang
araw na lang, kaya kung di ko sasabihin, kalbaryo sa akin ang susunod
na panahon.
So gumawa ako ng maikling sulat at saka pasalising isinigngit ko
ito sa libro niya minsang nagkatabi kami ng upuan. Andap ang kalooban
ko, pero ni hindi siya tumingin sa akin. Patay, sabi ko. Nagalit yata sa
kapangahasan ko. Eh takot naman akong lapitan siya at baka singhalin
ako, magmukha akong basang sisiw. Maaawa akon sa sarili ko; o magagali
sa kanya. Ayaw ko alin man doon, kaya sa loob ng linggong naiiwan bago
bakasyon, pare, para kaming hindi magkakilala; hindi siya tumitingin sa
akin, hindi ko rin siya kinakausap.

Ang hirap pala ng ganuon para akong may patong na pamatok sa


kalabaw. Ang bigat ng damdamin ko, na hindi ko naman mailabas. Hindi
ko alam kung paano ako nakaraos sa araw-araw noon. Ang alam ko lang
wala akong maalala sa mga sinabi ng lahat ng professors naming bago

Panitikang Asyano| 756


kami maghiwa-hiwalay. Nang huling araw na ng eskwela, desperado na
ako kung ano ang gagawin ko para lang di kami magkalayong may samaan
ng loob. Ang sabi ko sa sarili ko pare, kakausapin ko siya anuman ang
mangyari, hihingi ako ng patawad, pasensya, at parusa kung kailangan,
magbati lang kami. Saka na iyang pag-ibig na iyang lintik. Titiisin ko na
lang, susupilin ko ang nararamdaman ko, magkukunwari ako habang
panahon, mabalik lang sa dati ang samahan namin. Di bale ng masira ang
ulo ko sa ganuon pare, kasi pag hindi lalo lang mabilis masira ang tuktok
ko.

Kaya lang bago ako nakakilos para lumapit sa kanya, nasa harap
ko na siya. At bago ako nakahuma, iniabot niya ang isang nakatiklop na
papel sa akin sabay sabing, “ mamaya mo basahin pagnakaalis na ako.”
Tinanggap ko ang papel, at pag angat ng ulo ko nakatalikod na siya. Ni
ha, ni ho, wala akong nasabi pare. Iyong mga salitang pinag-aralan kong
maigi para sabihin sa kanya nawalang lahat. Ang pagluhod ko ng
patawad, ang mga pakiusap na pinag-isipan kong mabuti paano sabihin,
di ko naalala. Ang sa isip ko noon ay katuwaan, dahil kinausap niya ako!
Hindi siya totoong galit! Buhay na uli ako! Masaya na uli ang mundo ko!
Parang gusto kong maglulundag sa tuwa noon at kung hindi nagdatingan
ang mga estudyante sa susunod na period naglulundag talaga ako sa
tuwa. Dahil napakagaan ng pakiramdam ko. Dahil hindi galit sa akin si
Ederlyn!

Binuklat ko ang papel. Sulat. Magkita daw kami malapit sa bahay


nila. Alas seis y medya ng gabi, 17 April. Merong may birthday sa kanila,
at bisita niya ako. Alam mo pare iyon lamang ang panahong hindi ko
ininda ang mabagal na pag usad ng mga araw.

Sa madali’t sabi ay dumating ako sa tipanan sa eksaktong oras. Di ko pa


nai- stand ang motor na hiniram ko ay dumating na si Ederlyn sakay ng
tila tiburin, hila ng isang abuhing kabayo. Pagtapat sa kin, sinabi niya,
“sakay na.” Pag-upo ko ay pinikit niya ang renda at umarya na kami.

Di naman nagtagal pumasok kami sa isang malawak na bakurang


may isang medyong makalumang bahay, na ni sa hinuha ay di ko maisip
na mayroon sa lugar na iyon. Sinalubong kami ng isang mag-asawang
medyo mestisuhin, matatangkad at dilawin ang mga buhok, na ipinakilala
nin Ederlyn na mga magulang niya. Malugod naman akong tinanggap ng
dalawa at inanyayahan pumasok. Sa loob, ang bulwagan ay puno ng mga
bisita may edad na rin ang iba, ngunit mayroon ding kabataang tulad ko.
Ang napansin ko agad, pare, ay tila lahat sila ay mestisuhin tulad ng mga
magulang ni Ederlyn, at ako lamang yata ang Indiyo sa gitna ng mga
Kastila. Pero dahil magaan naman ang pakikitungo nila sa akin ay

Panitikang Asyano| 757


nalimutan ko kalaunan na ako ay naiiba at hindi sila. Kuwentuhan,
tawanan, biruan, at tampok ako ng mga tanong nila sa buhay.

Saglit din namang naitanong ko sa sarili kung bakit ganuon ang


kanilang mga tanong: ano daw ang pakiramdam ng isang mag-aaral sa
unibersidad, ano ang kotse, bus at dyip; at iba pa sa ganuong tema.
Parang hindi nila alam ang makabagong pamumuhay na karaniwan na sa
atin. Sa loob-loob ko naman, baka lang malayo sila sa karaniwang buhay
kaya hindi nila alam ang mga ito. Sa paano’t-paano man, di ko rin pinag-
aksayahan ng isip bakit. Sumabay na lang ako ng gabi. Habang
nagkukwentuhan kami o tinatanong ako, na mas madalas, may nag-aalok
din ng pagkain, pastellas, prutas, kendi, at isang parang biko o
senokmani. Kain din ako pare, natural, ngunit pinili ko lang iyong mga
kulay puting pagkain. Di ko alam kung bakit. Ang iba ay kumakain ng
pagkaing pula o madilim na abuhin ang kulay, pero automatic iyong mga
puti ang mga kinukuha ko. Masarap din, kahit medyo iba ang lasa kesa
sa karaniwan nating pagkain. Nag-eenjoy ako sa umpukan, hindi dahil
ako ang star, kundi dahil Masaya ang lahat. Parang mga walang problema.
Pati nga si Ederlyn madalas ay hindi ko alam kung ano ang ginagawa at
kung nasaan. Tuwing makikita ko naman ay nakangiti kaya alam ko
walang problema kaming dalawa.

Sa kalaunan ay naki-umpok na rin siya sa amin ng matagal-tagal


at ng magkapuwang ay sinabing magpaalam na ako sa lahat at ihahatid
na niya ako sa labas. Napansin ko ngang ang iba ay tila nagpapaalam na,
kaya’t wala na rin akong tutol. Pamaya-maya nga ay nagpaalam na ako sa
magulang ni Ederlyn, at sinabing enjoy talaga ako sa gabing iyon.
Natutuwa naman daw sila doon, at binilinan pa akong bumalik kung gusto
ko. Anytime daw, dahil ang mga kaibigan ni Ederlyn ay kaibigan na rin
nila. Pero bago pa humaba ang paalamanan ay sinaklit na ako ni Ederlyn
sa braso, at nagmamadaling hinila palabas. Hindi pa niya kinuha pa ang
tiburin, at naglakad na lamang kami papunta sa gate ng bakuran.
Tatanungin ko sana kung bakit ganuon siya ka apurado, pero di ko pa
naibuka ang bibig ay sinabihan na niya akong huwag ng magtanong.
Basta magbilis na lang ng lakad, na ginagawa ko na nga. Pagdating namin
ng gate ay sinamahan niya ako palabas ng kaunti, hinalikan sa pisngi, at
binilinang mag-ingat sabay pasok sa loob ngunit tumayo lamang sa kabila
lamang ng mga rehas na bakal.

Pagtingin ko sa silangan ay nakita kong halos puputok na ang araw


kaya hinintay ko munang sumungaw iyon sa kabila ng mga bundok.
Pagkuwa’y nilinggon ko si Ederlyn upang magpaalam bago lumakad
papunta sa motor, ng mapatda ako: wala si Ederlyn, wala ang gate, wala
ang bahay, wala ang bakuran! Ang nakikita ko ay bahagi ng gubat na may
malaki at mayabong na kahoy sa gitna! Kinusot ko ang mga mata ko,

Panitikang Asyano| 758


ngunit di nagbago ang larawan sa harap ko. Nangalisag ang aking mga
balahibo, at tumakbo na ako! Tumakbong ng tumakbong nagsisigaw.

Pagmulat ng mga mata ko ay napagtanto ko agad na nasa sariling


kwarto na ako, at gutom. Bago pa ako nakatayo ay pumasok na si inang,
na bumulalas ng pasalamat sa Panginoon at gising na ako. Nang tanungin
ko nung bakit ay nagkuwento na habang pinapakain ako.

Tatlong araw na raw akong nawawala, hindi ako umuwi mula noong
gabing nanghiram ako ng motor, nang matagpuan ako sa ipina-iwanan ko
ng motorsiklo. Tila nababaliw daw ako noon, ligaw ang mga tingin, di
nakakakilala ng tao, inaapoy ng lagnat at may binabanggit lagi na
pangalan daw ata ng babae. Mabuti daw at may nagmagandang loob na
iuwi ako sa amin, kung hindi ay hindi nila malalaman kung ano ang
nangyari sa akin.

Isang lingo naman daw akong nilagnat at hindi malaman ng doktor


na tumingin sa akin kung ano talaga ang dahilan ng lagnat ko. Ang
albularyo naman, ayon kay inang ay iisa lang ang binanggit: may
nakatuwa sa akin. Pero lagi naming ganuon ang sinasabi ng albularyo
diba?

Ayon pa kay inang ay humupa lamang ang lagnat ko at dagli akong


gumaling ng mapasakamay ko ang isang sobre na inihatid ng isang batabg
hindi nila kilala at mukhang estranghero sa lugar. Basta lang daw iniabot
ang sobre ng matiyak na ditto nga ako, at umalis na. Ni hindi nagpakilala
o nagsabi kanino0 nanggaling ang sobre.

Nilingon ko ang sobre, nasa ibabaw ng lamisita sa tabi ng hinigan


ko. Ibinigay ni inang ang sobre sa akin. Puti. Blanko maliban sa pangalan
ko sa ibabaw.

Pag-alis ni inang binuksan ko ang sobre. Sulat ni Ederlyn. “Alex.


Kami man ay marunong ding magmahal. Ederlyn.” Natawa na lamang ako
ng marahan.

Bangkang Papel
ni Genoveva Edroza Matute

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang


pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan.
Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang
lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw
nang walang tigil ang pag-ulan.

Panitikang Asyano| 759


Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel,
nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang
winawasak.

Sa tuwi akong makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa


aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng
tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig
kailanman…

Sang batang lalaking nagising sa isang gabi sa mga dagundong na


nakakagulat.

Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon
ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa
Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon
ay walang maingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.

Sa karimla’y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang


makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya
malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay o ang
biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap ng paningin
ang kanyang ina.

Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa


kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y sinasaliwan ng
pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala’y
patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid,
sa lahat ng dako.

Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinalalagos sa


karimalan.

“Inay, umuulan, ano?”

“Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan.

“Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “ dumating na ba ang Tatay?”

Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas


niya nang bahagya ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang
tabi’y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang
katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang
tao.

Panitikang Asyano| 760


Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman
niya ang sigid ng lamig sa kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan
ni Miling ay hinila niya ang kumot at ito’y itinakip sa sariling katawan.
Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi
pagkilos. Naawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay ibinalot
sa katawan niyon at siya’y namaluktot sa nalabing kalahati.
Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod.
Inilabas niya ang kanang kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang
sa maabot niya ang sahig. Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang
kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.

“Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras
na ba?”

“Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at


bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.”
Natuwa ang bata sa kanyang narinig.

Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t


matitibay… hindi masisira ng tubig.

Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan


ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa
pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang
pag-aangat ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong
sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:

“Siya, matulog ka na.”

Ngunit ang bat’y hindi makatulog. Mula sa malayo’y naririnig niya


ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.

“Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang


nasabi. Naaalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.

“Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang
tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito’y hindi sumagot.

Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang


kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya Makita.
Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang
balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod
ng baha sa kanilang tapat…

Panitikang Asyano| 761


At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang
pangarap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit.
Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa
pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas
ng hangin at ulan… Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod
ng mga bangkang papel ay dumating… Ngunit kakaibang kinabukasan.
Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa
siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
Pupungas siyang bumangon.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng


paningin ay nakitang yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.
Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang
kanyang ulirat.

Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si
Aling Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay
ay halos mapuno ng tao.

Nahihintakutang mga bata ang humanap kay Miling at sa ina. Sa


isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo
sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok
nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.

Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti


kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumipikit, nakatingin sa
wala.

Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang


pagtatanong.

“Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit
maraming tao rito?”

Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y
patuloy sa hindi pagkisap. Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa
buhok ni Miling.

Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli.


Ang pag-uusap nila’y biglang natigil ng siya’y Makita.

Wala siyang narinig kundi… “Labinlimang lahat ang nangapatay…”

Panitikang Asyano| 762


Hindi niya maunawaan ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang
bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli
ng siya ay makita.

Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong…


“Bakit po? Ano po iyon?”
Walang sumagot sa kanya. Lahat nang lapitan niya’y nanatiling
pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya’y
hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.
Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang
mga tao.

“Handa na ba kayo?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din


ay magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas.
Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito…
Kaya’t walang maaaring maiwan.”

Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nangyari.


Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iina, ang lahat ng kanilang
kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.
Sa paulit-ulit na salitaan, sa Sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya
ang ilang bagay.

Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama…


sa labas ng bayan… sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat
ang mga paa sa paghakbang.

“Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”


Ang mga mata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na
lumipat sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-
marahan ay nagsalita.

“Iyon din ang nais kong malaman, anak, iyon din ang nais kong
malaman.”

Samantala… Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa


munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila
sa kanyang kabataan.

Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap sa


kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-
hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y
tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.

Panitikang Asyano| 763


Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay
nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking
gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya
napalutang kailanman…
Bukas Na Liham
Ni Jocelyn M. David

Febuary 25, 1986

Juan dela Cruz Junior,

Marami nang buwan kitang pinagmamasdan....at ‘yan ay hindi


lingid sa inyo. Sa katunayan, hindi miminsang nagkaroon tayo ng
pagtatalo tungkol sa mga bagay na ipinaglalaban.

Ngayon ako naniniwala na ang lahat ng bagay ay napagbabago ng


panahon. Ang buko ay hindi mananatiling buko habang panahon
sapagkat kailangan nitong mamulaklak at mamunga para sa pag-usbong.
Ang buto ay ‘di mananatiling buto sapagkat kailangan nitong lumago para
sa panibagong pagtubo. At ngayon nga, katulad ka na rin ng mga ito, hindi
ka rin nanatili sa pagiging musmos. Ibang-iba ka na anak, ah...marahil
hindi na ikaw ang dati-rating sanggol na aking ipinaghehele upang
makatulog. Hindi na nga ikaw ang sanggol na ‘yon sapagkat ngayon...ni
saglit ay ‘di mo na hinahayaang ipinid ng sinuman ang iyong mga mata.
Kahit ano pang paghehele ang gawin ko sa ‘yo, ayaw mo nang makatulog
pang muli...lagi kang gising at higit sa lahat, mulat na ang mata mo sa
tunay na kahulugan na KATOTOHANAN.

Anak, ikaw pa rin ba ang dati-rating sanggol na tuwang-tuwang


sasalubong sa akin kapag dinadalhan ko ng laruan? Ah...hindi na! Hindi
na dapat sa’yo ang laruan ‘pagkat hindi ka na marunong maglaro. Aanhin
mo pa ba ang laruan ngayon, gayong alam mo na ang tunay na kahulugan
ng KATARUNGAN.

Hindi na rin marahil ikaw ang dati-rating sanggol na ipinagtitimpla


ng gatas pagkat ngayon hindi mo na gusto ang lasa nito. Iba na ang
hinahanap mo ngayon, anak...iba na ang iyong panlasa ang kinauuhawan
mo ngayon.... bagkus ay KALAYAAN.

Tama ba ‘ko, anak? Hindi mo na maaaring ikaila sa akin. Nakikita


kita...laman ng mga rallies, campus strikes, boycott, at mga
demonstrations. Minsan sumisigaw ka na sa entablado at
pinangungunahan ang mga kapwa mo rin nasa kasiulan. Mabalasik ka na
palang mangusao ngayon! Puno ng paghihimagsik ang bawat salitang

Panitikang Asyano| 764


iyong binibitawan. May diin na ang pananalita mo ngayon, anak. Wala na
akong mabakas ni munting pagkatakot mula sa mga pananalita mo. Akala
ko pa noon, project n’yo sa eskwelahan ‘yung pinagpupuyatan mo sa gabi,
‘yun pala, placards na ibinabandila mo sa tuwing sasama ka sa mga
rallies.

Magkahalong galit at panghihinayang ang nararamdaman ko para


sa ‘yo, anak. Halos igapang kita sa hirap, mapaaral lang kita, ‘yun pala,
puro rallies ang pinagkakaabalahan mo. Minsan kitang tinangkang pigilan
noon....pagsabihan...pangaralan. Akala ko, ikaw pa rin ang dati-rating
Juan de la Cruz na kapag kinagagalitan ko ay umuupo na lamang sa isang
tabi at tatango sa bawat pangaral na aking isinusubo. Ngunit nabigo ako,
nalimutan ko hindi ka nap ala batang paslit. Sinasabi mo na ngayon ang
nasasaloob mo. Ipinaglalaban mo na ang alam mong tama. Isinisigaw mo
na ang iyong mga karapatan. Alam ko, pagal na ang munti mong katawan
sa pakikipaglaban pero hindi ka pa rin sumusuko. At ang sabi mo pa sa
‘kin noon, kamatayan lang ang makapipigil sa iyo. Hanggang kalian ka pa
tatagal anak?

Kaninang umaga, inihanda ko ang almusal mo. Gusto ko kasi,


sabay tayong mag-a-almusal pero nagmamadali ka kanina. Matapos mong
kunin ang pagkaing inihanda ko para sa’yo, nagpaalamnka na naming
pupunta sa Camp Crame katulad kahapon at nagdaan pang mga araw.
Camp Crame! Anak, alam ko kung bakit ka pupunta roon...upang
maisakatuparan ang manimithi mong KALAYAAN, ‘di ba? Pinipigilan kita
ngunit matigas ka! Wala pang limang minute mula nang umalis ka,
pinasya kong sundan ka. Takbo, lakad ang ginawa ko. Nang
makarating..hinanap kita sa karamihan.

Nagmasid ako...nagulat sa aking nasaksihan! Pagkat lihis sa aking


anaasahan, Masaya at tulung-tulong ang lahat ng tao. May mga tulad ko
ring magulang ang nandoon. Punung-puno ng pag-asa ang kanilang mga
mukha. Hindi sila halos makaramdam ng pagkapagod at pagkagutom.
Hindi rin nila antala ang init na likha ng araw. Inilibot kong muli ang aking
paningin, nakita kita..hayun ka at kasama ng mga tulad mong kabataan.
Halos maiyak ako nang makita kitang nakaluhod habang taimtim kang
nagdarasal. Magkakapit-kamay kayong lahat. Hindi ko alam ko, marami
akong naobserbahansa iyo na ni minsan sa buhay ko ay hindi ko namalas
sa iyo. Ibang-iba ka na nga, anak. Minsan ko pang narinig ang iyong
sigaw..sumisigaw ka! Isang pangalan ang isinisigaw mo! Bawat sigaw ay
nanunuot sa kaliit-liitang ugat ng aking laman. Kinilabutan ako ‘pagkat
kaiba ang sigaw mo ngayon. Higit na malakas! Higit na mabalasik! Higit
na nakapanghihikayat! Nangiligd ang luha ko sa mata nang simulan mong
buksan ang pagkaing inihanda ko sa iyo kanina..ipinamahagi mo sa iyong
mga kasamahan. Napag-isip-isip ko, hindi pala saying ang lahat ng pagod

Panitikang Asyano| 765


ko sa iyo mula nang ika’y paslit pa sapagkat pinatutunayan mo ngayon
na ikaw ay may pinanghahawakan na isang magandang pundasyon upang
maging matatag, matapang ngunit makataong pag-uugali, na iyong
magagamit saan magtungo. Bago ako tuluyang umalis, sinulyapan kitang
muli at napangiti. Hindi mo alam na nandoon pala ako sa likuran mo at
nagmamasid. Oo, anak, ngumiti ako ‘ pagkat alam ko na kaunting
panahon na lamang ang ipaghihintay mo...hindi na magtatagal at
magtatagumpay ka na.

At hindi nga ako nagkamali. Nakita kita kanina lang....binilugan mo


ng pulang panulat ang petsang ito sa ating kalendaryo. Pebrero 25,
1986...ah nababakas ko sa’yo walang kapantay na kaligayahan.

Alam ko, napatunayan mong isa kang tunay na Pilipino nitong mga
nagdaang araw. At ako? Ako na iyong magulang ang siyang unang
pumipigil sa iyo. Bakit? ‘Pagkat magkasalungat an gating panindigan!
Sana ay nauunawaan mo ako. Ngayong nagtagumpay ka na, Masaya na
rin ako kahit pa iba ang prinsipyo ko sa iyo. At sana, ngayong nasa kamay
na ninyo ang tagumpay, sanay gamitin ninyo ang tinatawag n’yong
KALAYAAN na ipinagkaloob sa inyo sa inyo sa mabuting paraan ‘pagkat
‘ya lamang ang maipamamana naming nakatatanda sa inyo. Lagi ninyong
iisiping ang kabataan ang pag-asa ng bayan kung kaya naman sana sa
bawat hakbang na inyong tatahakin sa darating ang mga araw ay may
liwanag nga pupulandit sa inyong daraanan.

Oo, anak, nasubaybayan kita kung paano mo pinanindigan ang


prinsipyo mo. Kung paano mo ipinaglaban ang katuwiran mo at sana nga
hindi ka nagkamali sa iyong desisyon...sana ay hindi ka nagkamali sa
pagpili ng ipaglalaban mo. Gayunpaman, kung sakali mang mabigo ka,
wala ka pa ring dapat pagsisihan, ‘pagkat tayo ay may kanya-kanyang
prinsipyo kung kaya’t dapat maggalangan.

Kagaya nga ng nasabi ko kanina, ang buko ay ‘di manatiling buko,


ang buto ay ‘di mananatiling buto, ang bata ay di mananatiling bata..gaya
ng KALAYAAN...maaring hindi ito manatili ngunit kung ating aalagaan ito
at hindi aabusuhin...tutubo itong muli para sa iyo, sa akin, sa ating lahat,
upang ating magamit na isang sandata sa ating mga balakin
ngayon..bukas...at sa dating ng panahon.

Namumuko ang Bulaklak


ni Genoveva Edroza-Matute

Panitikang Asyano| 766


Mga Tauhan:

Ligaya Mendez…………………….may 35 taong gulang


Pura Cortez………………………...dalagang may35 taon
Mr. Paul Mills………………………asawa ni Ligaya, 50 taon
Mama Elena del Predo……………Puerto Ricana, 50 taon
Juancho…………………………….katipan ni Ligaya,37

Panahon:
Kasalukuyan

Tagpo:
(Paupahang unang palapag ng bahay ng mag-asawang Mills sa
isang tahimik na daan sa Oakland, U.S.A. Sa dulong kanan, akyatan sa
ika-2 palapag; likod, garahe. Sa kaliwa, pasukan sa silid ng Puerto Ricana;
sa kanan, silid ni Pura. Sa harap, may ilang tanim sa paso. May mga
durungawan sa ikalawang palapag.)
(Pagbubukas ng TABING, makikita si mama sa harap ng silid niya,
unang palapag, nagdidilig ng mga halaman sa paso. Humuhuni ng awitin.)

Pura: (Manggagaling sa kanan, may handbag) Goodmorning!

Mama: Mo’nin! Que quieres?

Pura: Sorry! I don’t know Spanish. This room here for rent?

Mama: Renta?... El cuarto? Si! Si! You, China? Vietnam?

Pura: Pilipina, Senyora!

Mama: Muy bien! La Señora de Milis, Pilipina!

(Maririnig ang ugong ng awto sa likuran, kanan, hihinto. Mula sa


kanan, tatanaw si Paul sa dalawang babaing nag-uusap.)

Mama: (Malakas) Señor de Millis! What doktor say, you okay?

Paul: (lalapit sakanila) Okay, Mama. Thanks.

Mama: (ipakikilala si Pura) Señor, this Pilipina wanna renta.. renta


un cuarto!

Paul: oh? My wife’s up there! Wanna come up?

Pura: (Iiling, nahihiya) Sir, suppose…..

Panitikang Asyano| 767


Paul: I understand, I’ll tell her.

(Pupunta sa kanan upang umakyat.)

Mama: El Señor de Millis, muy bueno esposo!

Pura: He looks kind!

Mama: No hay… chiquillos.

Pura: A, no children?

(Susungaw mula sa kanan si Ligaya.)

Mama: (Malakas) Señora de Millis… aqui, aqui, una Pilipina!

Ligaya: (Natutuwang lalapit) Pilipina ka nga ba?

Pura: Magandang umaga ho, Mrs. Millis! Nabalitaan ko hong may


paupahan kayo ritong kuwarto.

(Maglalabas ng dalawang silya si Mama mula sa kaliwang panig,


para kina Ligaya at Pura.)

Ligaya: Gracias! Thanks. (Uupo sila, habang titingin-tingin si Mama


at nag-aayos ng mga halamang nasa paso.)

Pura: Ma’am, diyan lang ho ako pumapasok sa labasan!

Ligaya: (Natutuwa) Huwag mo na ‘kong pupuin, ha? Ligaya’ng


pangalan ko… Li ang itawag mo sa akin!

Pura: (Natutuwa rin) O, sige, ako naman si Pura. Iyon din ang
palayaw ko.. siguro, magka edad lang tayo!

Ligaya: ‘ty-five ako! Ikaw, Pura!

Pura: ‘ty-five din!

(Magtatawanan, mag-ha-high-five.)

Pura: Galing lang ako ro’n sa atin. Nag short vacation ako ro’n, kaya
lang bumalik ako agad. Kailangan ako rito! May dala akong
butong itatanim, baka gusto mo.

Ligaya: (Sunod-sunod ang tanong, sabik na sabik) Mabuti ka pa


nakauwi… taga saan ka ba roon? Talaga bang magulo sa ‘tin?

Panitikang Asyano| 768


Baka sa diyaryo lang, ano? Binigyan na nga ba ng bahay ang
mga squatters?

Pura: (Matatawa) Sabik na sabik ka pala sa balita, ano?

Ligaya: Ay, talaga! Biro mo, sampung taon na ‘kong hindi nakakauwi
sa atin?

Pura: Aba, bakit naman?

Ligaya: Malalaman mo rin. Mahaba ang kwento ng buhay ko, Pura!

Pura: Hindi baling mahaba.. basta masaya.. gaya ng pangalan mo..


Ligaya.. Maligaya!

Ligaya: (Malulungkot) Sana nga.. kaso.. (bigla) O, teka. Pura.. kailan


ka lilipat?

Pura: kahit mamaya… konti lang naman ang mgaa abubot ko…
tinambak ko na nga muna sa garahe ng bangko namin diyan.

Ligaya: Bangko?

Pura: Oo, Bank of America. Inilipat ako rito buhat sa San Francisco.

Ligaya: Salamat, may makakausap na ‘ko. Iyang si Mama Elena,


madaldal nga, gustong-dusto ring makipag-usap.. pirmi
kasing wala ang anak, si Rico. Ang hirap, makastila! E wala
naman akong alam kundi “No se! No se!”

(Magtatawanan ang dalawa)

Pura: pareho na lang tayo! Ang alam ko lang “Si, si, para buto ng
sili! No, no, para guhit ng noo!

(Magtatawanan uli. Lalapit si Mama Elena.)

Mama: Feliz? Eh?

Ligaya: No, no, Mama Elena… Feliza not her name! Pura!

Mama: Que barbaridad!

Pura: Not Barabara, Mama! Pura! Pura!

(Magtatawanan ang tatlo)

Panitikang Asyano| 769


Ligaya: Sige, Pura, kunin mo na ang mga gamit mo.. malapit ka lang pala.
Aayusin namin ni Mama Elena ang kuwarto mo! Mama, bamos!

Mama: Con ni gusto!

(Aalis ang tatlo sa gawing kanan. Mabubuksan mula sa loob ang kanang
silid. Magwawalis si Ligayaa; magmo-mop si Mama Elena; humuhuni sila
ng isang awitin.)

Mama: Señora de Millis, that Pura.. una empleada?

Ligaya: Si, Mama.. en Bank of America!

Mama: Cerca…

Ligaya: Dos o Tres calles only.. very near!

Mama: Si, pwede cominar.

Ligaya: Si, Mama.

Mama: Señora, (Titigil sandali) Este, Pura.. es doncella?

Ligaya: What doncella?

Mama: Solomente! No hay esposo!

Ligaya: A, dalaga! Si, no esposo! Porque?

Mama: (Matatawa) Rico, tu hijo.. Joven! Pura.. vieja!

Ah, que triste!

(Maririnig ang ugong ng awtong tumigil sa likuran ng bahay; umalis.


Papasok mula sa kanan si Pura, may mga abubot na dala. Sasalubungin
nina Ligaya at Mama Elena. Magtutulong ang tatlo sa pag-aayos ng silid.)

Pura: Naku! Nilinis na pala ‘nyo ang kuwarto ko. Salamat, Li. Gracias
Mama!

(Aayusin ang munting folding mesita, bangkito, goldingn sopang higaan at


iba pa, habang nag-uusap.)

Ligaya: Aakyat ka sa amin doon, ha, Pura? May dalawa kaming kuwarto
doon, isa sa amin ni Paul, isang guest room! Hindi ba kung sabado at
linggo, wala kayong pasok sa bangko?

Panitikang Asyano| 770


Pura: wala nga!

Ligaya: Aakyat ka ro’n, ha? O ako ay mananaog dito. Magkwentuhan tayo.

Pura: Oo, kaya lang, nahihiya ako kay Mister Mills.

Ligaya: Naku! Huwag kang mahiya ro’n. mabait iyon! Teka, Protestant ka
ba, Born Again, Catholic, Free thinker, Agnostic, Bahai, o ano? (Matatawa)

Pura: Roman Catholic, ikaw?

Ligaya: Catholic din, si Paul, Protestant. Pero matatawa ka, pag nagsimba
ako sa Catholic Church nariyan lang a, nadaanan mo ba?

Pura: Oo.

Ligaya: (Magpapatuloy) Doon din nagsisimba si Paul. Pag sa Protestant,


siya lang, hindi ako sumasama.

Pura: hindi nagagalit?

Ligaya: hindi! Sabi na sa iyong mabait e, Si Mama, magsimba-dili!

Mama: Pardona me.. will wash clothes of Rico. (Lalabas pakaliwa)

Ligaya: Gracias, Mama! Thanks!

Pura! Gracias, mama!

Ligaya: itatanim ko na ang mga butong binigay mo.

Ikalawang Tagpo:

(Unti-unting mag-didilim ang Tanghalan. Susundan ng pusikit na


karimlan. Babanaag ang bukang-liwayway. Mauulit ang ganito. Sa
ikatlong pag-uulit, liliwanag ang tanghalan. Nakasara ang tapat ng silid
ni Mama Elena sa kaliwa; bukas sa kanan ang silid ni Pura. Nagwawalis
si Pura sa harapan. Mula sa kanan, manggagaling sina Ligaya at Paul at
tutuloy ka Pura.)

Ligaya: ang sipag naman! Nagsimba ka na ba, Pura?

Panitikang Asyano| 771


Pura: oo, kanina pa...

Paul: Hi, Pyura!

Pura: ‘Morning ho, Mr. Mills.

Ligaya: nagsimba na rin kami ni Paul.. sa church natin, Pura..


pagkatapos, naglakad-lakad pa muna kami.. kailangan niya iyon, sabi ng
doktor.

Paul: yeah, doctor’s order… (natatawa at titingin kay Ligaya) and order
from the Commander!

Ligaya: Aba, tingnan mo, lumalakas ka!

Paul: (kay Pura) A.. yo.. sya.. magi na.. widow!

(magtatawanan)

Pura: Your tagalog os good, Mr. Mills.

Paul: Failing grade pa, Pyura. Wag sabi Mr. Mills. Paul lang, okey, Pyura?

Pura: (matutuwa) Sir, hindi ho Pyura.. I’m not pure! Pu as Pull then follow
with ra as in rally.. Pu-ra!

Paul: Pu-ra!

Ligaya: One hundred percent ka na, Paul!

Paul: Sa-ley-mat, Honey! Si-gey.. ak-yat a-kow.. dal-dal ka-yow Pyura,


no,no Pura!

(magtatawanan ang tatlo. Pupunta sa kanan si Paul upang umakyat sa


bahay.)

Pura: Ang saya ‘nyong dalawa, Li. Saka si Paul ay parang limang taon lang
ang tanda sa iyo.

Ligaya: Hoy! Huwag mo akong patandain ha? Pareho lang tayong ‘ty five,
pero si Paul, all of fifty years old na.

Pura: siyanga? Mukhang hindi! Pero teka, Li. Bakit may doctor’s order ‘ka
mo sa kanya, ano bang sakit ng darling mo?

Ligaya: sa puso.. na by-pass na nga e.. kaso, parang may iba na namang
nagbabara yata. Na-by-pass siya no’ng bago pa lamang kaming ikasal.

Panitikang Asyano| 772


Pura: Matagal na rin, ano?

Ligaya: Oo.. divorced na siya noon.

Pura: divorced?

Ligaya: Diniborsyohan siya ng asawa niyang American-french, taga-Paris,


no’ng bumagsak ang real estate business niya.

Pura: A, realtor si Sir?

Ligaya: Oo, mabuti ‘ka mo, nakapag-invest siya sa ibang business bago
nangyari iyon. Divorced na si Paul nang magkakilala kami.

Pura: Ganoon ba?

Ligaya: Alam mo, TNT ako noon sa Newyork, nang matanggap niya ‘kong
typist sa munti niyang shop doon… Photo shop!

Pura: Suwerte mo rin, Li, hindi ka na deport sa pagti-TNT mo.

Ligaya: (natatawa) Mabilis akong magpasikut-sikot e… Chicago.. New


Jersey.. hanggang Newyork. Hanggang maging Mrs. Mills nga. Pero gusto
ko pa ring makadalaw man lang at makitang muli ang squatter area sa
may Loakan Airport…

Pura: Sa labas ng Baguio City?

Ligaya: (Palungkot ngn palungkot) Oo, Pura.. doon ako lumaki.. doon ako
unang umibig. (Bigla) ikaw, saan ka bang lugar do’n sa ‘tin?

Pura: Sa Marikina, Li.. sa tabi ng ilog. Pero wala na ang pamilya ko roon
ngayon. Nakalipat na sa mataas-taas na lugar sa Marikina na hindi
binabaha. Natutulungan ko sila.

Ligaya: Pareho nga pala tayo. Ang mga magulang at kapatid ko, pati
extended family namin, lolo, lola, tiya.. wala na sa squatter area sa may
Loakan Airport. Nasa Baguio City na…

Pura: Dahil sa mga kinita mi rito..

Ligaya: Hindi.. sabi nga, TNT ako e, dahil sa kagandahang loob ni Paul!
Hindi niya nakakaligtaang padalhan ang pamilya kko roon, Pura.

Pura: Pambihira pa lang talaga si Sir. May mga kano nga raw na mahigpit
sa pera a!

Panitikang Asyano| 773


Ligaya: Mahal na mahal niya ‘ko, Pura, kaya marahil, mahal din niya ang
ginagawa kong pagtingin at pag-aalaga sa kanya, (Mababasag ang tinig)
bagaman.. bagaman..

(hindi makapagpatuloy)

Pura: Bagaman ano? Li, bagaman ano?

Ligaya: (maiiyak ng marahan) bagaman, hindi ko siya… minamahal.

Pura: Ano?

Ligaya: kasi.. kasi.. may usapan kami ni Juancho.

Pura: Sino iyon?

Ligaya: kababata ko.. una at tangi kong inibig doon sa squatter area ng
Loakan Airport.

Pura: Li, bata ka pa noon.. iba na ngayon.

Ligaya: Hindi, Pura. Lumaki kaming nag—aabang ng mga eroplano sa


airport. Nangako kami sa isa’t-isa.. paglaki namin.. mag-eeroplano rin
kami.. mangingibang bayan, mag-iipon, pagkatapos, magpapakasal.

Pura: Ilang taon na iyon? May contact pa ba kayo hanggang ngayon? Di


wala na; lumipas na rin ang kamusmusang iyon.

Ligaya: Sana nga, pero.. hindi! Kung saan-saan na siya nakarating.. sa


Taiwan muna.. sa Saudi pagkataapos.. sa Emirates.. nagsusulatan kami
noon.. hanggang nag TNT na ako.. natigil na.. baka maging daan pa ng
pagkahuli sakin.

Pura: Iyon pala e..

Ligaya: Pero.. siya pa rin ang palaging nasa isip ko.. siya pa rin ang
hinihintay ko.. (yuyupyop kay Pura at yayakapin siya nito)

Pura: Li.. Li..

Ligaya: Kasalanan ko ba iyon kay.. kay Paul?

Pura:marahil, hindi lamang kay Sir, sa Diyos din.. at sa iyong sarili.

Ligaya: Alam ng Diyos kung paano ko siya pinipilit limutin.. pero, hindi ko
magawa! Bakit hindi ko magawa?

Panitikang Asyano| 774


Pura: Humingi ka ng liwanag sa Diyos. Huwag kang titigil hanggang…

(Susungaw si Paul mula sa kanan, patungo sa kanila. Mag-aayos si


Ligaya)

Paul: Honey, how about lunch at Chinatown? Sa-ma i-kaw, Pyura Pura.

Ligaya: (Mabilis, nagtatakip) Sure! Sure! Tena, Pura.

Pura: Aba, e.. e..

Paul: Please.. hin-di pu-we-di.. ,mag-a-yaw.

Ligaya: Enemies forever tayo, pag umayaw ka.

Paul: Sa-ka.. out na i-kaw dyan room for rent, di ba, Honey?

Ligaya: Talaga.

(Lahat ay magtatawanan, patungo sa kanan, tuloy sa likod, sa garahe)

Ikatlong Tagpo:

(Magdidilim ang tanghalan. Unti-unting magliliwanag. Magdidilim na


muli. Magliliwanag. Tatlong ulit ito. Sa ikaapat, maliwanag na. lalabas si
Mama mula sa kaliwa, patungo sa harapan ngn mga inuupahan nilang
silid sa unang palaapag. Magdidilig ng mga halaman sa paso. Biglang
titigil. Maaalala ang sulat na nailagay sa dibdib. Titingala sa itaas ng
bahay. Malakas ang tinig, tatawaag)

Mama: Señora de Millis! (Saglit) Carta! (Saglit) Señora! Carta!

(Lalabas mula sa kanan, galing sa itaas si Ligaya.)

Ligaya: Porque, Mama Elena?

Mama: (Iaabot ang sulat) Una carta. (Titingnan muna ang postmark)
Desde en Nueva York, señora.

Ligaya: (magugulat sa sarili) Galing sa New York? Akin na nga!

(Bubuksan angn sulat. Manginginig ang mga kamay at mamumutla)

Mama: Porque, señora? Porque?

Panitikang Asyano| 775


(Hindi sasagot si Ligaya, mabilis na magtutungo sa kanan upang umakyat)

Mama: (Iiling) Que horror.

(Bubuksan ni Pura ang pinto ng silid niya at makikita si Mama sa


harapan)

Pura: Gracias, Mama. You water our plants.

Mama: (Ma-intriga) Give I una carta desde de Nueva York.

Pura: Letter from New York! For whom?

Mama: Para la Señora de Millis.

(Magkikibit ng balikat si Mama, aalis patungo sa gawing kaliwa. Papasok


sa kanan si Ligaya. Mabilis na lalapit kay Pura. Ligalig na ligalig si Ligaya)

Ligaya: Pura, sumulat siya. Galing sa New York!

Pura: Si… Juancho?

Ligaya: Oo, may kababayan kami roong nakapagsabi sa kanya ng address


ko rito. (Mapapaiyak) Pura, paparito siya.

Pura: Bakit pa? Para ano at paparito pa siya?

Ligaya: kapwa kami hindi nakalilimot sa isa’t-isa… hindi mo ba


naiintindihan?

Pura: Bakit hindi, piho namang sinabi ng kababayan ‘nyo na may asawa
ka na, Li. Kaya, bakit pa?

Ligaya: Hindi mo nga naiintindihan. Hindi! Sinabi ko na sa iyong si Paul


ay napakabait sakin, pati sa pamilya ko. Malaki ang utang na loob ko sa
kanya, pero… hindi ko siya minamahal!

Pura: Si… Juancho pa rin?

Ligaya: Oo. Kasalanaan ko ba?

Pura: Tinanong mo na sa akin iyan. Uulitin ko ang sagot ko, Li, oo,
nagkasala ka sa aasawa mo, sa Diyos at sa iyong sarili. Sorry.

Ligaya: (umiiyak) Susunduin niya ako. Sasama ako sa kanya. Sasama ako
sakanya!

Panitikang Asyano| 776


Pura: (Mapapaiyak) Paano si… Mr. Mills?

Ligaya: Makahihingi siya ng diborsiyo. Hindi ko kokontisin.

Pura: (Pinipigil ang galit) Lilipat na rin ako ang tiraahan. Saka li, akina
nga uli yong mga butong galing sa atin.

Ligaya: Mga buto?

Pura: Oo, iyong mga buto ng halamaang galing sa atin.. iyong ibinigay ko
sa iyo nang lumipat ako rito.

Ligaya: Naitanim ko na.. ayun, sa may bintana namin.. tanaw mula rito.
Bakit mo binabawi?

Pura: Ako na lang ang magtatanim sa…. Paglilipatan ko.

Ligaya: Panay dahon pa lang. Matagal tumubo. Pag-alis ko, di kunin mo


na! (Iiyak) Alam kong galit ka sa akin.

Ikaapat na Tagpo:

(Magdidilim ang Tanghalan. Unti-unting mag-liliwanag. Mga apat na ulit


makikitang tinutulungan ni Mama si Pura sa pagtitipon ng mga abubot
handa sa paglipat. Humahangos na darating si Ligaya, luhaan)

(Papahirin ni Ligaya ang mga bakas ng luha sa mukha, hahagurin ang


buhok. Uutusan si Mama upang umalis, upang makausap nang sarilinan
si Pura)

Ligaya: Mama Elena, por faavor.. get me a big, big basket, please.

Mama: basket? Si. Señora.

(Lalabas sa gawing kaliwa)

Ligaya: Pura, handa na ang bag ko, nasa ibaba ng hagdanaan. Pakiusap
sa iyo, hintayin mong makaa alis muna kami ni Juancho bago ka
maglipat.

Pura: Oo, iyon lang pala.

Ligaya: Nitong mga huling araw, sumakit ng sumakit ang dibdib ni Paul.
Kailangang magpa-by-pass pa siya uli. Please. Ipangako mong tutulungan

Panitikang Asyano| 777


mo siya sa pagpasok sa ospital. Baka makatulong din si Mama. (Pinipigil
ang pag-iyak) huwag nyo siyang pababayaan, please! Please!

Pura: Babalik ako, Li.. hindi ko matitiis si Mr. Mills, pangako iyon.

Ligaya: Maraming-maraming salamat!

(Mula sa itaas, tila may maririnig silang tumatawag)

Pura: (Tinatawag ka yata ni Mr. Mills, Li.

Ligaya: Tumatawag siya? (Mabilis na pupunta sa kanan para makaakyat)

Pura: (Marahan, sa sarili) Diyos ko, ito na po kayang talaga ang kalooban
mo? Wala pong mangyayaring hindi mo ipahintutulot. Ito na po ba? Ito na
po ba? Kaawaan naman po ninyo si Mr. Mills. Pagkabait-bait na tao niya.

(Hangos na babalik si Ligaya, umiiyak)

Ligaya: Natagpuan ni Paul ang sulat ni Juancho.. naiwan ko sa


pagmamadali.

Pura: o, nagalit?

Ligaya: (Lalong mapapaiyak) Hindi nga e, sabi lang, sabi… I just want you
to be happy.. don’t mind me. O, Pura! Pura!

(Papasok si Mama)

Mama: Señora, here your basket.

Ligaya: (Lalong umiiyak kay Pura) Mabuti pa nga sana nagalit siya.
Hinihintay ko ngang murahin ako.. pero.. hindi..hindi! talagang mahal
niya ‘ko. Diyos ko! Diyos ko paano ko kaya siya maiiwan?

Mama: Porque? Porque?

Ligaya: (umiiyak) Paul.. Paul.. paano kita maiiwan?

Pura: O, bakit?

Ligaya: (Umiiyak na bubulungan si Pura) Ipangako mo.

Pura: (biglang natuwa) Oo,ako’ng bahala pati kay Mama Elena, ako’ng
bahala. (Si Ligaya ay tatakbong patungo sa kanan upang makaakyat)

Mama: (Natataranta) Porque? Que es misteryo?

Panitikang Asyano| 778


(Bubulungan siya ni Pura, tatango si Mama. Mula sa likuran, maririnig
ang pagdating ng isang awto, titigil. Papasok si Juancho.)

Juancho: Goodmorning! (Mabibigla) A, Pilipina ka, ano?

Pura: Oo, bakit, may kailangan ba kayo?

Juancho: Si Juancho ako… may salitaan kami ni Mrs. Ligaya Mills,


ngayong araw na ito. Susunduin ko siya. Ipakitawag nga.

Pura: Ay, Sorry ho, Sir… kami lang ho ang nakatira rito.

Juancho: Ito’ng address niya ah.

Mama: Que? Que?

Pura: Mama, may kilala ka bang Mrs. Ligaya Mills?

Mama: La Señora de Mills? She don’t live here no more.

Juancho: Hindi na rito nakatira si Ligaya?

Mama: La Señora go Europa.. long ago.. seis meses.

Pura: Anim na buwan nang umalis dito, Mama?

Mama: Si!

Juancho: Where in Europe?

Mama: Puede Paris, Puede Londres, Alemania.

Juancho: Kaya pala hindi nasagot ang sulat ko…

Pura: Sorry, Sir.

Juancho: Diyan na kayo. Salamat!

(Mabilis na pupunta sa kanan. Maririnig ang ugong ng awtong paalis,


mula sa likuran ng bahay.)

Mama: Que mentira? Porque? Porque?

Pura: La Señora will tell you, Mama.

Mama: que?

Panitikang Asyano| 779


Ligaya: (Masayang papasok mula sa kanan) Salamat! Maraming salamat.
Halika sa itaas, Pura, tingnan mo ang halaman. May bumubuko nang
mumunting bulaklak. Tena! Pura (Yayakapin ito) at hindi ka naa rin
lilipat, para makita mo ang pamumulaklak ng halaman. (Mapapatingin
kay Mama na parang ibig ding umakyat.) gusto mong makita ang
namumukong bulaklak, Mama Elena? O, halika, halika, sumama ka.
(Pupunta ang tatlo sa kanan, sa gawi ng hagdanang paakyat.)

Moses, Moses
ni Rogelio R. Sicat

Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang


tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si
Aida ngayo'y Hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya'y na-trauma
at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya't
kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.

Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang isang
Konsehal. Naproon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng anak
ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa
sa kaso. Ngunit Hindi pumayag si Regina dahil akala niya'y hustisya ang
mananaig.

Nang umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at


Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa
kalagayan ngayon, ang hustisya ay Hindi na nananaig. Ang malakas,
makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang lagging
mananaig. Ang nias na laman ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde.
Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang
ama. Nang namatay kasi ito, Hindi nila nakamit ang hustisya. Pero,
ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.

Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping


nanaman si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya'y kumalma.
Kaya't nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony,
nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang
dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon
si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony dahil
binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na
huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.

Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa


cabinet at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng

Panitikang Asyano| 780


gamut at ito'y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi
ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay
binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na,
nagulat siya dahil Hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga.
Sinabi ni aida na Hindi siya makatulog, kaya't tinimplahan siya ni Regina
ng gatas.

Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow


daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason,
kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin
pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay
ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang
kaniyang panaginip.

Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot


hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na
tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang
anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis.
Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi
ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa
ng mamamatay-Tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang
umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan
niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan
ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay
ni Regina, sa Hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony.
At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya.

Mga Tauhan:

Regina Calderon, 48, balo, isang maestra


Tony, panganay niyang anak, estudyante
Aida, 18, anak niyang babae, estudyante
Ben, 16, bunso, estudyante
Ana, 46, matandang dalaga, kapatid ni Regina
Ang Alkalde
Ang Konsehal
Mga Pulis

Panahon: Kasalukuyan

Tagpo:

“Apartment” sa lungsod sa Rizal, sa isang komunidad na


masasabing “middle class”. Maraming bagong bahay dito, nakatayo sa
mga loteng nabili sa murang presyo noong unang bahagi ng 1950 at

Panitikang Asyano| 781


ngayo’y nagkakahalaga na nang malaki sa pamilihan ng lupa. Tahimik
dito, malayo sa daanan na pampasaherong sasakyan, mapuno at
mahalamang hindi katulad ng ibang subdibisyon. Aspaltado ang malilinis
na kalsada at may ilaw na mercury ang mga poste. Karaniwan nang ang
naninirahan dito ay mga empleado ng gobyerno.

Sa sala at sa komedor ng apartment na ari ni Mrs. Calderon


mangyayari ang dula. Isa sa apat na pinto, malaki-laki rin ang apartment
na ito, putiang pinta, yari sa mahuhusay na materyales, at sa unang
malas pa lamang ay mahihinuha nang inilalaan sa mga makapagbabayad
ng mataas. May pinto sa may sala, kanan, kaharap ng gate, at sa kaliwa,
sa may kusina. Luma na ngunit maayos pa ang mga kasangkapan parang
inilipat mula sa isang lumang bahay. Sa sala ay may isang set ng upuan
na nakatuntong sa isang alpombrang bumabagay sa pulang sahig; sa
likod nito, kabinet ng mga libro na kinapapatungan ng isang flower vase,
isang nakakwadrong retrato ng isang nakangiting dalaga na napaliligiran
ng maliit at animo’y naglalarong mga piguring duwende at isang
lampshade. May telebisyon sa sulok, malapit sa nakukurtinahang
bintanang salamin.

Sa dingding na binarnisang plywood, nakasabit ang isang pares ng


nairolyong pinturang Hapones: mga lumilipad na tagak sa ibabaw ng
maiitim at payat na tangkay at mga dahon ng kawayan. Sa gitna, likuran,
may hagdanang paakyat sa mga silid-tulugan, puti ang mga barandilya
nito at sa itaas palapag, sa ding-ding, ay nakasabit ang isang
pandekorasyong seramiko na kinatitikan, na mga letrang Gotiko, ng mga
salitang GOD BLESS OUR HOME.

Sa silid-tulugan, kaliwa ay may isang mesang paayon ang ayos at


napapaligiran ng anim na silyang may matataas na sandalan. May kabinet
sa likod ng mesa-lalagyan ng mga plato, kubyertos, mga itinatanging
kasangkapan na ang paggamit ay karaniwan nang inilalaan ng mga may-
bahay sa mga espesyal na okasyon… Nandito rin ang ilang de-latang
pagkain at mga boteng gamot. Nakapatong sa kabinet ang isang
bentilador. Di kalayuan sa mesa, malapit sa lababo, ay may isang
repriheradora. Sa kabuuan, maayos at masinop ang apartment.

May mga alas-otso na ng gabi. Bukas ang ilaw sa sala. Nakaupo si


Ben sa sopa, taas ang pinagsaklit na paa at tila yogang nagbabasa ng
isang magasin. Nakakorto siya at iskiper na puti. Mahahaba ang kanyang
biyas at sa katabaa’y may pagkabalingkinitan pa. Mahaba ang kanyang
buhok, tulad ng uso sa mga tin-edyer ngayon, at may kakisigan siya.

Bukas din ang daylight sa silid-tulugan. Nakaupo si Regina sa


kabisera ng mesa at umiinom ng kape. Sa kabilang dulo, nagpupunas ng
kutsara ang kapatid niyang si Ana. Magkahawig sila, bagama’t maraming

Panitikang Asyano| 782


salit na puting buhok si Regina. Nakaputi siyang damit-pambahay, tila
isang roba na itinali sa harap, hanggang siko ang maluwang na manggas
at hanggang sakong ang laylayan. Nakapusod siya, laylay ang ilalim ng
mga mata, larawan ng isang babaing pinatigas ng mga hirap na
pinagdaanan. Nakabulaklaking pambahay si Ana, may pagkamasayahin
ang mukha, nguni’t ngayo’y tila nag-aalala.

ANA : (habang nagpupunas) Kumusta ang hiningi mong bakasyon,


Regina?

REGINA: (ibig magmalaki, nguni’t walang sigla) Binigyan ako, puwede ba


nila akong hindi bigyan.

ANA : Dapat naman. Sa buong pagtuturo mo’y ngayon ka pa lang


magbabakasyon, ano?

REGINA: Ikalawa na ito. Noong mamatay ang ama nina Aida, saka ngayon.
Pupuwede akong hindi pumasok kahit ilang buwan pa siguro, kahit isang
taon. Marami akong naiipong bakasyon.

ANA : Biro mo namang mahigit na dalawampung taon ka na yatang


nagtuturo. Noong dalaga ka pa, hindi ba? Pwede ka nang magretiro.

REGINA: (sasandal) Sayang naman kung hindi ko matatapos ang aking


serbisyo. Pero hindi ako papasok hangga’t hindi gumagaling si Aida.

ANA : Kung sabagay, kaya ko naman siyang alagaan. (Aayusin ang


salansan ng kutsara). Ano nga pala ang sabi-sabihan sa eskwela? Siguro’y
alam nila ang nangyayari?

REGINA: (pauyam) Alam. Pero ano ba ang maaasahan mo sa mga walang


prinsipyong tao?

ANA : Sinabi mong tuloy rin ang demanda?


REGINA: (tatayo, lalakad sa repriheradora upang kumuha ng inumin) Oo.
Bakit hindi ko itutuloy? Kahit ano pa nga ang kanilang sabihin. Dapat nga
raw magdemanda, sobra naman daw talaga ang ginawa kay Aida, pero…

ANA : Nakapag-aral si Aida doon. Kilala siguro nila.

REGINA: (habang pabalik sa kabisera, dala ang baso ng inumin) ang


dipirensiya nga lang daw, “mayor” itong kalaban ko. Ano sa akin kung
“mayor”? ngayon ba’t “mayor” siya’y libre na ang kanyang anak? Wala raw
mangyayari. Iba raw ang malakas ang nasa poder. Baka raw lalo pa tayong
perwisyuhin.kababata pa’y wala nang prinsipyo! Mga bagong tapos pa ng
kolehiyo, mabuti pa iyong “ assistant principal” namin, matapang. Ang

Panitikang Asyano| 783


sabi’y “Ituloy mo, Mrs. Calderon, ‘you should really teach those people a
lesson.”

ANA : (galit) Ituloy mo nga. Regina, nang madala. Sobra nang talaga ang
anak ng “mayor” na iyan! Ang kailangan talaga riyan ay bitay.(Tatayo,
ililigpit sa isang lalagyan ang mga kutsara, pahablot na dadampot ng isang
basahan.) Tutal, bitay din siguro ang ibibigay sa lalaking iyan. (Tatayo si
Regina, tila nag-iisip na maglalakad-lakad sa sala. Mapapansin niya si Ben
na ngayo’y nakadapa at nagkukuyakoy ang paa sa hanging nagbabasa).

REGINA: Napakain mo na’ng aso, Ben?

BEN : (pagak ang boses, di iaalis ang tingin sa binabasa) Opo.

REGINA: (susulyap sa itaas ng hagdan, pagkuwa’y babalik sa komedor.)


Bakit ba naghahanap ng kordon si Tony, ha, Ana?

ANA : (nagpupunas-punas sa may lababo): Maikli ang kordon ng ilaw


niyang inililipat sa kuwarto namin.

REGINA: Pabibilhin ko na lang siya ng isa pa bukas. Kailangan niya iyon


sa pag-aaral, malabo ang kanyang mata.

ANA : Ibang-iba iyang si Tony kesa do’n sa isa. (Ngunguso sa sala.)


Tingnan mo, prenteng-prenteng nagbabasa. Hindi man lang tulungan
iyong kapatid.

REGINA: Bata pa lang kasi si Ben.

ANA “Spoiled”. Si Tony, noong ganyang edad, kumikita na, nagtitinda na


ng diyaryo.

REGINA: Hindi si Ben ang “spoiled” Ana. Baka ‘ka mo si Aida. (Magbababa
ng tingin na parang mali ang nasabi.)

ANA : Kung sabagay. (Ipapatong ang kanang kamay na may hawak na


basahan sa sandalan ng isang silya.) Si Tony, pati nanliligaw kay Aida,
kinikilatis na mabuti. Hindi na nagbalik iyong preskong kaklase yata ni
Aida, ano? Iyong de-kotse? “Ano ba sa akin kung de-kotse siya,” sabi sa
akin ni Tony. Sino nga ba iyon?

REGINA: (parang hindi siya pinapansin) Mababait silang lahat.

ANA : Si Tony, minumutyang talaga si Aida.

REGINA: Mapagbigay pa ‘ka mo sa mga kapatid. Hindi na baleng siya ang


wala mayroon lang si Aida at Ben. Ang maipipintas mo nga kay Tony ay
walang kibo.

Panitikang Asyano| 784


ANA : Seryoso. Palaisip. Kaparehung-kapareho ng ama.

REGINA: May pagkaseryoso rin itong si Ben, pero hindi kamukha ng kuya
niya. Si Aida- si Aida ang (parang mawawala sa sinasabi, mababasag ang
boses)-pinakamasaya.

ANA : (mapapansin ang pagbabago ng mukha ni Regina, nguni’t itutuloy pa


rin)Masasabi mong isip-bata si Aida. Inosente. Pero maganda. Maganda.
Akalain ko bang gaganda ng ganyan ang anak mo, Regina. Natatandaan
mo pa, noong sumakay siya sa karosa ng “lantern parade” sa UP, noong
nakaraang Pasko? Noong dalhin tayo ni Tony? Hindi ako makapaniwalang
anak mo iyon at pamangkin ko iyon. Bakit nga’y di- “jeans-jeans” at “pony-
tail pony-tail” lang dito. Ang sarap ‘ka mo, namatay ang “generator” ng
karosa! Di pinasinagan siya ng “flashlight”. Nakatingin kay Aida ang lahat,
at siya’y ngumingiti, at nangyayabang, at nang-iinggit naman ang
kanyang mga kaklase. Sa tingin ko ba noo’y para siyang nakaangat sa
karosa-(Makikitang ibig maiyak si Regina) Sino nga ba naman ang
makapag-aakalang-

REGINA: (tutuwid ng upo, sa dingding nakatingin) Nangyari na iyan Ana.

ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malungkot) Disiotso na siya sa


Setyembreng ito, Regina.

REGINA: Limang taon na tayo rito. Natatandaan mo? Dito nag-“birthday”


si Aida nang lumipat tayo.

ANA : At napapanaginip ko pa noon ang kanyang “debut”. At naisip ko na


ang gagawin kong tahi sa damit niya.

REGINA: Ang buhay nga naman.

ANA : (nagpapahid ng matang isasauli ang basahan sa lababo.) Mabuti pa


sigurong hindi tayo umalis sa Gagalangin, Regina. Siguro, kung hindi tayo
lumipat dito-

REGINA: Sino ang makaaalam na dito siya magkakaganyan?

ANA : Bakante ngayon ang itaas ng bahay doon.

REGINA: (nagpapaliwanag): Hindi ba dahil sa mga bata kung kaya tayo


umalis sa Gagalangin? Gusto mo rin namang tayo’y umalis doon nang
lumalaki na ang mga bata,di ba? At nang malapit pati sila ‘ka mo ng
eskuwela. Naisip kong umutang nga tayo at ipatayo natin ang “apartment”
na ito- unang-una’y dahil diyan ang malayo nga sila doon. Pinaupahan na
lang natin ang bahay doon. Hindi ba’t mas nagustuhan naman dito ng
mga bata? Mas tahimik dito, hindi siksikan, mas-

Panitikang Asyano| 785


ANA : Oo nga, Regina. Pero –

REGINA: Dahil sa pagtanda nati’y wala naman tayong makakasama-


patay na rin lang ang ating mga magulang- naisip kong maaari na tayo
dito. May apat na pinto tayo dito, tamang-tama, ‘ka ko. Magkaasawa man
ang mga bata, magkaanak man sila, hindi rin tayo magkakalayu-layo. Tig-
I-tig-isa ‘ka ko sila ng pinto- isa kay Aida, isa kay Ben, isa sa ating dalawa.
Hindi tayo magkakawalay-walay. Ganyan ang naisip ko noon, Ana.

ANA : Aywan ko, Regina, pero kung minsan nga’y naiisip kong kahit yata
saan tayo pumunta, sinusundan tayo ng trahedya.

REGINA: Hindi naman sa tayo’y sinusundan, Ana. (kukunot ang noo).


Mabuti pang sabihin mong dahil sa mga pagkakataon, o dahil sa mga
kondisyon ngayon. Ibang-iba na talaga ngayon. Aywan ko rin, Ana. Aywan
ko.

ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malumanay na) Naubos na nga pala ang
gamot ni Aida, Regina. Iyong “ tranquilizer”.

REGINA: Magpabili tayo. Sino ba’ng ating pagbibilhin? Si Tony?

ANA : Pabilhin mo na’t gabi na. Malapit na sigurong mag-alas- nuwebe.

REGINA: Gabi na pala.

ANA : Akala ko ba’y napapagod ka ?

REGINA: (tatawag) Tony!

TONY : (sa itaas): Sandali po! Ikinakabit ko lang itong “daylight”.

ANA : (nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, may binibilut-bilot na sinulid ng


basahan ang daliri): Ano ba ang napapansin mo kay Aida?
REGINA: Ano’ng napapansin?

ANA : May pagbabago ka bang nakikita ? Hindi ba parang lumalala?

REGINA: (bubuntung-hininga) Ang sabi naman ng doktor ay may “shock”


pa siya hanggang ngayon. Totoo raw nasindak si Aida.

ANA : Kung sabagay. Medyo nawawala na ang mga marka ng dagok sa


kanyang mga pigi. Talaga sigurong hindi ka makakabangon kapag
dinagukan ka roon. Iyon namang sugat at galus-galos, magaling na. Ang
ikinatatakot ko’y ang kanyang nerbiyos. Lalo siyang nagiging nerbiyusin
yata. Lagi kaya niyang naaalala ang nangyari sa kanya? Ganoon ba iyon?
Hindi ba- may naloloka sa ganyan?

Panitikang Asyano| 786


REGINA: Hindi naman siguro, Ana. Mahusay ang gamot na ibinibigay sa
kanya ng doktor. At sabi sa ospital, magaling daw ang “psychiatrist” na
tumitingin sa kanya. Talaga raw isa sa pinakamahusay dito sa Pilipinas,
sabi sabi rin Tony.

ANA : Naaalala ko kasi iyong kapitbahay natin sa Gagalangin. Iyon bang


anak ng kapitan na dinadala sa V.Luna at ipina-e-“electric shock”.
Namumuti raw talaga at umiikot ang tau-tauhan ng mata. Bumubula ang
bibig. Pero iba naman siguro iyon.

REGINA: Tiyaga, tiyaga ang kailangan natin, Ana. Kaya hahabaan ko ang
aking bakasyon.

ANA : (Maliwa-liwanag ang mukha): Mahusay siguro iyong likidong


“tranquilizer” na inihahalo ko sa pagkain niya. Biro mo, iyong tira niyang
pagkain, sinubok kong ipakain kay Sultan noong isang araw. Nakatulog
ang pobreng aso.

REGINA: Iyon naman daw ang kailangan, sabi ng doctor- ang humupa ang
kanyang nerbiyos.

ANA : Ibinigay ni Tony kay Aida nag maliit niyang ponograpo.

REGINA: Sa Linggo ang punta dito uli ng doktor. Malalaman natin sa


kanya kung kailangan pang ipasok sa ospital si Aida o hindi. (Maalala) Si
Tony nga pala, iyong gamot. (tatawag) Tony! Di ibinigay ba ang kanyang
“turntable”? (mananaog si Tony, payat, di-nasusuklay ang buhok, lampas
sa karaniwan ang taas, habaan ang mukha, nakasalamin at mukhang
matanda kaysa tunay gulang. Lumang pantalon at maluwang ang
manggas na polo sert ang suot. May dalang plais at “tape” sa kordon.)

REGINA: Bumili ka ng gamot, Tony. Nasa tokador iyong pera.

TONY : Opo. (Ililigpit sa may ilalim ng hagdan ang plais at pandikit,


pupunta sa repriheradora at kukuha ng inumin. Tiyak at tila laging pinag-
iisipang lagi ang kilos.) Nauuhaw si Aida.

ANA : (pagkapanhik ni Tony, naghihinala): Ilang beses ko nang


napapansing lumalabas ng gabi ang Toning iyan. Di mo ba napapansin?

REGINA: Hindi.

ANA : Iyong lagay na iyon siguro’y palakad na.

REGINA: Ugali lang talaga niyan ang maglakad. Di nga ba sabi mo


kangina’y palaisip?

Panitikang Asyano| 787


ANA : Oo nga. Pero gabing-gabi na kung umuwi kung minsan. Susi ang
ginagamit.

REGINA: Baka naman nagpupunta lang sa kaklase niya riyan sa kabilang


kanto?

ANA : (kukumpas): Aywan ko. Si Ben ang tanungin mo. Sila’ng


magkakuwarto. Kaya lang, nag-aalala ako. Alam mo na ngayon, baka
makatuwaan iyan. (Isang sasakyan ang hihinto sa tapat ng “apartment”.
Maririnig ang pagkalapak na pagsasara ng pinto nito, ang pagkahol ng
aso).

REGINA: (kay Ana): Sa atin ba iyon? (May babatinting sa pintuang bakal).

ANA : Tingnan mo nga Benjamin.(Lalabas si Ben. Sa may “gate” maririnig


ang boses-matandang tanong na “ Nariyan ba si Mrs. Calderon?” at ang
mababa at pagak na “Opo, sino po sila?” ni Ben. Nakatayo sina Regina at
Ana sa tabi ng mesa, nakatingin sa labas).

ANA : (Makikilala ang dumating) Si “mayor”, Regina! May kasama.

REGINA: (magugulat) Ano kayang kailangan?

ANA : (kinakabahan) Baka-aayusin ka.

BEN : (papasok) Gusto raw kayong makausap, Inay.

ANA : Bakit daw?

BEN : Aywan ko po.

REGINA : (pagkaraan ng pagbabantulot) Papasukin mo. (Lalabas si Ben).

ANA : (Kay Ana) Anong ayos-ayos. (Papasok ang alkalde, maitim,


katamtaman ang taas, may katabaan, hagod sa batok ang tintina at
walang partidang buhok,may mahigit nang 50 taon, naka-polosert na
guhitang pula, bukas ang butones sa itaas. Kasama niyang papasok ang
isang naka-“polo-barong” na lalaki, may kaputian maliit, mataas ang gupit,
naka salamin, parang nakaismid, at ang mata’y nag-uusisa agad sa
pinasok na “apartment”).

ALKALDE: (itataas ang kaliwang kamay, bahagyang yuyukod) “Good


Evening”.

REGINA: Magandang gabi ho naman.

ALKALDE: Napasyal kami, Misis.

REGINA: (bantulot na ituturo ang upuan) Maupo kayo.

Panitikang Asyano| 788


ALKALDE: (bago maupo) Misis, ang kasama ko nga ho pala’y si Konsehal
Collas, Atty. Collas. (Bahagyang tatango ang konsehal. Mauupo sila.
Mananatiling nakatayo si Regina. Nasa silid-kainan si Ana, nakahilig sa
barandilya ng hagdan si Ben).

ALKALDE: (nakatingin kay Ben): Anak ho ninyo?

REGINA: Oho.

ALKALDE: (humahangang nakatingin kay Ben) Guwapo. At listo. Listong


bata. Hindi basta nagpapasol. (Mahihiyang pupunta si Ben sa silid-kainan
at doon mauupo, kasama si Ana. Mapapansin ng Alkalde na nakatayo si
Regina). Maupo naman kayo, Misis. Kami ho naman ni Konsehal ay
ngayon lamang napadalaw dito sa inyo.

KONSEHAL: Siyanga naman, Misis. (Mauupo si Regina).

ALKALDE: (lilinga-linga) Magandang “apartment” ito, a. Tingnan mo ang


“Japanese Painting” nila, konsehal. Di ba ganyan ang nakuhamo sa
Tokyo?

KONSEHAL: Masinop ang “ apartment” nila, “Mayor”.

ALKALDE: Ito ang sasabihin ng “comadre” mo na “Cozy”. (Kay Regina)


Malaki siguro ang upa ninyo, Misis sa “apartment” na ito.

REGINA: Sa amin ho ito, inaakupa lang namin ang unang pinto.

ALKALDE: (tatawa) Dispensa, Misis! Dispensa. “An honest mistake”.


Tingnan mo nga naman, konsehal, sa kanila pala ito.

KONSEHAL: “Must have gotten a loan from the GSIS”. (Mananaog si Tony,
magugulat pagkakita sa Alkalde, pagkaraa’y parang walang nakitang
tutungo sa komedor upang kunin ang sapatos, mananatili siya sa komedor.
Samantalang nakatingin sina Ana at Ben sa nag-uusap, ipapatong niya ang
mga kamay sa mesa, nakakunot-noong kakatuk-katukin ang daliri ang
salamin niyon. Manaka-naka lamang siyang lilingon sa sala).

ALKALDE: (nakatingin kay Tony) Anak din ninyo, Misis?

REGINA: Siya ho ang panganay.

ALKALDE: Marunong na tipo. “Scholarly type,” wika nga. “Law” siguro ang
kinukuha, Misis?

REGINA: (kangina pa nagtitimpi) A.B. ho, sa UP.

ALKALDE: (magugulat) UP! Taga-UP rin pala konsehal. Pareho kayo. Ako
ho, Misis- bakit ho ba nasasabi ito’y hindi naman naitatanong?- ay sa

Panitikang Asyano| 789


Francisco Law College lamang ang gradwado.(Tatapikin sa balikat ang
konsehal) Walang kuwentang eskwelahan. Kung sabagay, doon nagtapos
si Carlos P.Garcia, ha, konsehal? (Magtatawanan sila). Buweno, buweno,
ang ibig kong sabihi’y isa sa mga hindi natupad na ambisyon ko iyang
makapag-aral sa UP. Marunong ang anak ni Misis, konsehal.

KONSEHAL: Maestra kayo, Misis,a – “Calderon”?

REGINA: Oho.

ALKALDE: Saan naman kayo nagtuturo?

REGINA: Sa Torres High School, sa Maynila.

ALKALDE: (magugulat) Paano ho naman ang nangyari’t dito kayo-

REGINA: Narito ang aming “apartment”. May bahay kami sa Gagalangin


pero pinauupahan namin. “Grocery” ang silong.

KONSEHAL:Mukhang “familiar” sa akin ang “Calderon”. Saan kayong


probinsiya, Misis?

REGINA: Lehitimo ho akong taga-Maynila. Ang Mister ko ho’y taga- Nueva


Ecija.

KONSEHAL: “ You are now a - - widow?” (tatango si Regina).

ALKALDE: Buweno, kami ho’y medyo ginabi, Misis, dahi sa nanggaling pa


kami sa “squatter area” diyan sa may “highway”. (Nakatawang iiling)
“Wise” din naman ang mga lider niyon ngayo’t alam na eleksiyon sa
Nobyembre ay saka magrerepresentasyon sa akin, huwag ko raw silang
ipatapon. May nakikiusap na riyan , may umiiyak na diyan, at ako naman
(kukumpas) mahabagin nga siguro ako ay wala nang magawa. Paano ka
pa makakatanggi niyon?

REGINA: Marami ring botante roon, “Mayor”?

ALKALDE: Ha-ha-ha! Hindi naman, Misis, hindi naman! Ang lagay


naparaan nga kami roon, kaya ginabi kami sa pagsasadya sa inyo.

REGINA: (titingnan siya ng tuwid): Para ipaurong sa akin ang demanda,


“Mayor?”

ALKALDE: (magkikibit-balikat): Para - - para tayo’y magkausap.

KONSEHAL: (magsisindi ng sigarilyo): Ang totoo niyan, Misis, si “Judge”


Joaquin ang nagmungkahing magkausap kayo, na kung ako ang
tatanungin, ay siyang pinakamabuti ninyong gawin. Iyan naman ang
sinabi ng inyong “compadre”, di ba, “Mayor”?

Panitikang Asyano| 790


REGINA: Mahusay pala kayong magpalaman sa mga salita, konsehal.

ALKALDE: (maagap): Misis, kami’y naparito, unang-ana’y para


magdiskargo. Alam kong mabigat itong aming inilalapit sa inyo, kaya
naman ako’y makumbabang naparito sa inyo upang- upang wika nga’y
ihingi ng tawad ang ginawa ng aking anak.

REGINA: (susukatin siya ng tingin): Akala ba ninyo’y makukuha sa


paghingi-hingi ng tawad ang ginawa ng inyong anak?

ALKALDE: (iiling, nakangiti): Alam ko, alam ko, Misis.

REGINA: Ganoon pala’y bakit hindi natin ipaubaya sa husgado?

ALKALDE: Si Misis- -

REGINA: Kayo ba’y may anak na babae, “Mayor?”

ALKALDE: (nakangiti pa rin) Alam ko ang itatanong ninyo. Mayroon. Tatlo.


Paano kung isa sa kanila ginawa iyon? ( Nakangiting, maiiling ang
konsehal).

REGINA: Paano kung ang pinakamamahal ninyo sa tatlong anak na iyan


ay ginahasa ng aking anak?

ALKALDE: Natural namang mararamdaman ko ang katulad ng


nararamdaman ninyo ngayo, Misis.

REGINA: Hindi ko itinatanong kung ano ang mararamdaman ninyo.


(Malakas) Ano ang gagawin ninyo? (Kukumpas sa kawalang-maisagot ang
alkalde. Sa itaas, tatawag si Aida, “Inay, Inay!)” Tatahimik ba kayo?
Magdedemanda ba kayo? Ano ang gagawin ninyo? Kung sabagay, sino nga
ba naman ang matapang na mangangahas na – “mayor” kayo. Pero
halimbawang kayo ang nasa katayuan ko?

KONSEHAL: (sasaluhin ang alkalde) Sa ganitong anggulo natin tingnan,


Misis, umabot na rin lang sa ganito. Malinaw kong nakikita ang inyong
punto. Ngayo,y kauumpisa pa lamang nang kaso. Di ba ninyo inaalala ang
inyong anak? Kung itutuloy ninyong talaga ang demanda, ang kauna-
unahang gagawin para mapatunayang ginahasa siya ay ang ipaeksamen
siya. Hindi mo maiaalis sa abugado ng kabila na hingin iyan, ipaeksamen
siya.

ALKALDE: (sasang-ayon) Kawawa rin ang inyong anak. Ang ibig kong
sabihi’y—

REGINA: (sa konsehal): Para patunayan kung siya’y ginahasa o hindi?

Panitikang Asyano| 791


KONSEHAL: (iduduldol sa “ash tray” ang sigarilyo) Para patunayan kung
siya’y ginahasa o hindi.

REGINA: Kung hindi kayo kumbinsidong ginahasa nga ang aking anak ay
bakit narito kayo?

ALKALDE: Para - - para huwag na ngang umabot diyan,Misis.

REGINA: Legalismo ninyong mga abugado!

KONSEHAL: Wala tayong magagawa, Misis. (Bahagyang tatawa) Ganyang


talaga.

REGINA: Tusuhan, patalinuhan, pasinungalingan, diyan, diyan, kayo


magaling!

KONSEHAL: Sa ilalim ng batas, walang kasalanan ang isang tao hangga’t


hindi siya napapatunayang nagkasala.

REGINA: Magandang dahilan ninyong mga abugado!

KONSEHAL: Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Hindi ba ninyo inaalala ang


kanyang kinabukasan? Sa kasalukuya’y hindi pa masyadong bulgar ang
nangyari per---

REGINA: Mababando rin na ang anak ng “mayor” ang gumahasa sa kanya!

KONSEHAL: (ngingiti-ngiti): Hindi kayo praktikal, Misis.

REGINA: Anong hindi praktikal?

KONSEHAL: Halimbawa nang napatunayang nagkasala ang anak ni


“Mayor”-halimbawa lamang iyan- halimbawa nang napatunayang
nagkasala siya, na aywan ko kung kailan, siguro’y tayo na rin mismo ang
maiinip – ano naman ang inyong makukuha?

REGINA: Hustisya.

KONSEHAL: Hustisya. (Iiling) Ang tingnan ninyo’y ang panig ng inyong


anak. Iyan ang isipin ninyo.

REGINA: (nagpupuyos): Halos labingwalong taon mong pinalaki,


inalagaan, kung maaari’y ipakatagu-tago mo, pinakaingat-ingatan mo, at
pagkatapos, pagkatapos, nag-aabang lamang ng bus na pauwi galing sa
eskwelahan ay bigla na lamang aagawin ng anak ninyo, dadalhin sa motel,
sasaktan doon, paglalaruan, pag-aaliwan! Isasakay sa taksi, pauuwiin,
halos hindi makagulapay. At pagkaraan niyan, pagkaraan niyan paparito
kayo sa aki’t sasabihin ninyong ako’y maging praktikal!

Panitikang Asyano| 792


KONSEHAL: (namamayapa) Nariyan na tayo, Misis, nariyan na tayo.

REGINA: Hindi babaing damputin ang anak ko. Makakaalis na kayo. Hindi
ko iuurong ang demanda. Kung sa inyo ang sinasabi ninyong huwes,
sasabihin ko sa aming abugadong hilinging malipat sa ibang huwes.

KONSEHAL: (banayad) Hindi rin ganyan lamang iyan, Misis. Saan at


kanino ililipat? Dito rin. Ngayon, sino sa mga huwes dito ang kaalyado ni
“Mayor”? Kung nakapagme-“mayor” siya ng labingdalawang taon,
malamang pang maging labing-anim ---

REGINA: (napapaiyak) Kayo nga ang hari dito.

KONSEHAL: Hindi siya ganoong napakahina para hindi maalis ang


sinumang kalaban niyang huwes. Ayaw ko sanang sabihin ito pero alam
ninyong pulitiko rin ang nakapaglalagay sa huwes? Sino ngayon ang
nakapaghuhuwes nang hindi lumalapit sa pulitiko? Nasaan naman ang
mga naging huwes dito na hindi naging kaalyado ni “Mayor”? Iyong isa,
nasa Palawan, iyong isa, nasa Mindoro. Dudulog kayo sa itaas? Sino ang
nasa itaas? Pulitiko? Ilang boto ang maaring ibigay – sa kanya ni “Mayor”?
Makikisama rin sila!

REGINA: Kayong masasamang pulitiko!

KONSEHAL: (nakatawa) Masasamang pulitiko. Ganyan ang buhay


ngayon, Misis. May nakita na ba kayong anak ng kongresista na kanilang
nagalaw? Anak ng Senador? Anak ng Gobernador? Anak ng- “mayor”?

REGINA: (nagpupuyos) Tama, pumatay man kayo’y hindi kayo nagagalaw!

KONSEHAL: Ay, Misis. “Be practical.”

ALKALDE: (dudukot sa bulsa ng polosert at may ilalabas na sobre) Alam


kong malaking perwisyo ang nagawa ng aking anak sa inyo – ibig kong
(ilalagay sa mesita ang sobre) tanggapin ninyo ang kahit kaunting tulong
na ito –

KONSEHAL: “ That check is for ten thousand. Pay to cash. Be practical.”

REGINA: (sasampalin ang alkalde) Akala ba ninyo’y mabibili ninyo’y


mabibili ninyo ako? Layas! Layas! ( Nababaghang tatayo ang alkalde at
konsehal. Dadamputin ng konsehal ang sobre. Lalapit sina Tony).

ALKALDE: (hindi makapaniwala, nakangiti ngunit ngani-nganing sampalin


si Regina) Sa buong buhay ko, Konsehal, ngayon pa lang ako nasampal.
Pero hindi bale. (kay Regina) Dinadaan ko kayo sa pakiusapan pero gusto
ninyong magkademonyuhan. Pasensiyahan tayo. Ituloy ninyo! (Lalabas

Panitikang Asyano| 793


ang dalawa, ang alkalde’y nagmumura. Sa labas, maririnig ang pagsibad
ng kanilang sasakyan. Mapapaupo si Regina. Nakatayo sa harap niya si
Tony, nakaupo at nakamasid si Ben).

REGINA: (humihingal) Akala ng mga taong iya’y sila ang batas.

TONY: (galit ngunit matimpi) Sa kasalukuya’y sila nga, Inay.

REGINA: (nanginginig) Lalabas din ang katotohanan at mananaig ang


katarungan!

TONY: Iyan ang itinuturo ninyo sa “Government”.

REGINA: Mananaig din ang katarungan.

TONY: Kay gandang sabihin! “Justicia” o justicia poetica”? Hustisyang


talaga o hustisyang Diyos-ko-bahala ka na?

REGINA: Kailangang maputol ang ganito!

TONY: (malakas) Paano?

REGINA: (parang giniginaw) Nanginginig ako. (Sa itaas, maririnig ang mga
pagtawag ni Aida at ang pag-aalo ni Ana. Papanhik si Ben).

REGINA: Hindi ako titigil hangga’t hindi siya nabibilanggo!

TONY: (kinukuyom ang palad) Tatlo lamang ang nagkakaroon ng hustisya


dito sa atin. Iyong malalakas, iyong makapangyarihan, iyong mayayaman.
Kung simple kang tao, mahina ka. Kung mahirap ka, lolokohin ka,
tatakutin ka, pasensiya ka, magtiis ka. Kadalasang nagkakasama-sama
pa iyan: lakas, kapangyarihan, yaman.

REGINA: (tutop ang mukha) Walang kuwenta sa akin magkaubus-ubos


man ang ating kabuhayan!

TONY: (patuya) Sasayangin ninyo ang minana ninyo’t pinaghirap-


hirapang ipundar. Sa paningin ng ating batas, hindi magkakapantay ang
lahat! Ang demanda ninyo, sapagka’t ang idinemanda ninyo’y malakas, ay
mananatiling demanda lamang.

REGINA: Susulat ako sa magasin, susulat ako sa lahat ng diyaryo.


Isusulat ko ang lahat at natitiyak kong tulungan nila ako, pakikinggan
nila ako!

TONY: (parang hindi siya pinapakinggan) Ang demanda ninyo’y kamukha


lamang ng kung kayo’y nasusukol sa binggit ng bangin at malaki pa ang
agwat ng kabilang pampang na kailangan ninyong talunin. Alam ninyong
sa pagtalon ay hindi ninyo maaabot ang kabilang pampang, pero pipiliti’t

Panitikang Asyano| 794


pipilitin din ninyong tumalon. Tatalon kahit alam na alam ninyong kayo’y
mahuhulog. Bakit pa kayo magdedemanda?

REGINA: Sasabihin ko sa kanila ang lahat. Pakikinggan nila ako, Tony.


Kapag nalaman nila ang lahat- Tony, ito na ang pagkakataon natin sa
hustisya!

TONY: Hustisya!

REGINA: (nabuhayan ng loob) Tingnan mo, Tony. Palagay ko nga’y ako at


si Aida ay sadyang pinili ng Diyos para rito. Makinig ka: kung sa anak ng
mahirap na iskwater niya ginawa iyon, tatahimik na lamang sila.
Lulunukin na nila ang kanilang dignidad at siguro'y kanila pang
tatanggapin ang pera. Ngayon, kung sa anak-mayaman naman niya
ginawa iyon, magdadalawang-isip ang magulang, mahihiya silang
mabulgar ang nangyari. Hindi nila iibiging masira ang kanilang
reputasyon! Tatahimik din sila.Nagkamali sila, Tony, nagkamali sila.
Lalaban ako, lalaban ako!

TONY: Ang ipanlaban ninyo sa napakalaking bato’y ang inyong mga kuko!

REGINA: Kay laki ng ipinagbago mo, Tony. Paano ang ibig mong mangyari?
Huwag nang lumaban, iurong na ang demanda?

TONY: Mula nang mapatay ang si Itay-sinasabi nating nabaril, para siguro
mabawas-bawasan ang lagim, pero ang totoo’y pinatay siya-sinimulan ko
nang isipin kung ano ang batas na nararapat dito sa atin,, kung sino ang
dapat magpatupad niyon kung ano ang hakbang na nararapat nating
gawin. At sa lahat ng libro’y sa Bibliya ko pa nakita ang sagot. Naglalakad
ako minsan –pagkaraan ng nangyari kay Aida- nang maalala ko ang sinabi
ng ama ni Itay, noong araw na iyon ng libing. “ Kapag buhay ang inutang,
buhay din ang magiging kabayaran, na para bangmay sisingil para sa
kanya.- o para sa atin- ang inutang na buhay ni Itay. Naisip ko, ito’y hindi
isang pamahiin, hindi isang kasabihan- ito’y isang simpleng batas, isang
kautusan o kahatulang inihabilin ng Diyos kay Moses sa itaas ng bundok
sa gitna ng kulog, ng kidlat, ng usok at ingay ng pakakak. Sapagka’t hindi
ba sinabi sa Exodus na “buhay sa buhay”. Ito bang nangyari kay Aida’y
masahol pa ang pagkamatay?Ngayon, ito ang mga kahatulang nararapat
nating sundin: “mata sa mata, ngipin sa ngipin… apoy sa apoy , sugat sa
sugat, latay sa latay”. Ito ang aking gagawin: gaganti ako: ako ang gaganti
sa kanya.

REGINA: Gaganting paano?

TONY: Papatayin ko siya.


REGINA: (manghihilakbot) Tony!

Panitikang Asyano| 795


TONY: May isa pa kayong hindi nalalaman, Inay. Diyan sa abangan ng
sasakyan minsan, nang ako’y papuntang eskwela, isinakay ako sa “jeep”
ng dalawang bataan ni “Mayor”. “Jeep” iyon ng mga pulis, at ang nagsakay
sa akin ay parehong pulis. Nagpaikut-ikot kami, nasa gitna nila ako.Sabi
nila’y itigil daw ninyo ang kaso, o ---

REGINA: Mga banta! banta!

TONY: Isa iyan sa pinakakaraniwan nilang ginagawa- hindi lamang sila


ang gumagawa niyan. Pero ang kinatatakutan ko’y ang kalalabasan ng
inyong demanda – ng inyong paniniwala sa hustisya.

Regina: Kung hindi pa ako maniniwala’y ano pa ang aking mahihintay?

TONY: May kuwento tungkol kay San Agustin tungkol sa


paniniwala.Naglalakad daw si San Agustin sa tabing-dagat at tinutuklas
ang misteryo ng Divina Trinidad. Habang nag-iisip at naglalakad, mayroon
daw narinig si San Agustin na parang hanging nagbulong sa kanya:
“Agustin, ang ginagawa mong pagtuklas sa misteryong iyan ay kasing-
hirap ng pagsalok mo ng tubig sa buong dagat sa iyong palad. Pananalig,
paniniwala, iyan ang kailangan mo”. Ang hustisya ba rito sa ati’y isang
misteryo? Alam nating lahat na ito’y hindi hustisya, at alam natin kung
bakit ito hindi ganito. Wala naman tayong misteryong dapat tuklasi’y kung
bakit nananalig at naniniwala pa tayo!

REGINA: Lawakan mo ang iyong pagtingin, Tony. Ang ikinagagalit mo’y


dahil lamang sa mga personal na karaingan.

TONY: Lawakan! Ang kay Itay ay isa lamang sa matagal at laganap nang
kawalang- katarungan!

REGINA: Darating ang hustisya, Tony.

TONY: Kailan? Gaano katagal? Sa anong paraan? Ang paghihintay nati’y


makakatulad lamang ng ginawa nating paghihintay sa kaso ni Itay. Ano
ang nangyari sa kaso niya? (Mapapayuko si Regina).Natatandaan ko pa,
disisais anyos ako, nasa Gagalangin tayo.Naghahapunan tayo. May
tumawag kay Itay. Alam natin na mula nang madiskubre niya ang di
paglilista ng trak-trak na tabakong inilalabas sa bodega ay pinagbantaan
na siya, daang libong piso ang halaga ng mga ipinupuslit. Pero matapang
si Itay, hindi siya napatakot. At nang gabi, ngang iyo’y lumabas siya
kumpiyansa, matapang –ni hindi isinukbit ang saliri niyang baril. Nag-
usap sila sa labas at nang nagkakainitan na’y napalabas tayo. At narinig
natin ang mga putok, bagsak si Itay, takbo sa nakaparada nilang “jeep”ang
tatlo. Nakuha ko ang numero ng “jeep” at natunton ang mga nagsigamit
niyon. Nadiyaryo tayo, kung ilang araw tayong nasa peryodiko.Umasa
tayong mahuhuli at makukulong ang mga nagsibaril kay Itay - hanggang

Panitikang Asyano| 796


sa pumasok ang isang pulitiko. Ano paang nangyari pagkaraan niyon?
Unti-unti na silang nawalan ng interes sa kaso, hindi ba naging pursigido
ang nagiimbestigang pulis. “Third year high school” ako noon, at sa
kauna-unahang pagkakataon, naisip kong ang hustisya pala’y ganito.
Hanggang ngayo,y nasa akin pa ang “clippings” ng mga diyaryo noon,
itinatago ko. Duguan ang retratong kuha ni Itay.

REGINA: Nakaraan na iyon, Tony.

TONY: Hindi pa ba kayo nadadala? Hanggang ngayon ba’y naniniwala pa


kayo?

REGINA: Ano ang silbi ng aking itinuturo kung hindi ako maniniwala?
Kaya kong magretiro anumang araw ngayon pero nagtuturo pa rin ako –
siguro’y sa nais kong makatulong sa paglikha ng mabubuting
mamamayan. Ituturo mo sa kanila ang katarungan ngunit ikaw na mismo
ang hindi naniniwala rito. Bubuo ka ng mahuhusay na mamamayan
nguni’t ikaw mismo ay hindi modelong mamamayan. Naniniwala ako,
Tony. At maghihintay ako.

TONY: Mahuhulog kayo sa pampang! (Mula sa itaas, bababa si Ana. Nasa


mukha niya ang kawalang malamang gawin).

ANA: (sa hagdan pa lamang): Ninenerbiyos na naman si Aida,


Regina.Nanlalamig mula pa kanina. Parang takot na takot. Nakabili na ba
ng gamot?

REGINA: (maaalala): Ang gamot nga pala. Sino ang bibili?

ANA: Akala ko ba’y si Tony?

(Iiling-iling na papanhik si Tony).

REGINA: Hindi ba puwedeng ipagpabukas na ang pagbili? Ano’ng oras na


ba?

ANA: Mag-aalas-onse na siguro. Mayroon namang botika riyang hindi


nagsasara. Kailangan ni Aida, Regina. Hindi siya mapapahinga kapag
hindi nakainom. Maaring makasama pa sa kanya. Sa linggo kamo’y
pupunta rito ang doktor.

REGINA: Gabi na, Ana.

ANA: (nagpapaubaya): Nasa iyo iyan, Regina. Pero si Aida- (Mananaog si


Tony). Eto na si Tony.

TONY: (patungo sa pinto) Lalakad na ako.

Panitikang Asyano| 797


ANA: Alam mo ang pupuntahan mong botika?

REGINA: Magtaksi ka na.

ANA: Umuwi ka kaagad. Kailangan ni Aida iyan.

REGINA: (pagkalabas ni Tony, parang gaping-gapi) Kinakabahan ako, Ana.

ANA: Sa pagkakapunta rito ni “Mayor”? intindihin mo iyon?

REGINA: Kay Tony, Ana. Ibang-iba na siya ngayon. Ang mga pinagsasabi
niya! (Mapapakumpas lamang si Ana. Mananaog si Ben).

BEN: Umalis na ang kuya?

REGINA: Oo. Bakit?

BEN: (parang takot) May dala siyang baril.

REGINA: Baril?

BEN: Huwag ko raw sasabihin sa inyo. Sa malaking kahon sa ilalim ng


kama niya kinuha.

REGINA: (hindi makapaniwala) Saan kukuha ng baril iyon?

BEN: Baril, Inay? Kitang-kita ko.

REGINA: (sasapuhin ang mukha) Diyos ko, ano kaya ang kanyang
gagawin?

(Tatayo nguni’t tutop ang ulong mapapaupo). Sundan mo kaya,Ben.


Sundan mo kaya, Ana. (Lalabas si Ben).

ANA: Siguro naglalalabas ng gabi iyan.

REGINA: Anong ginagawa?

BEN: Hinahanap ang anak ng”mayor”. Hindi ko na siya nakikitang nag-


aaral kung gabi. Baka hindi na siya maging “scholar” sa susunod na
semestre.

REGINA: (galit) Nalalaman mo pala’y hindi mo sinasabi?

BEN: Kung isasama ako ng kuya’y sasama ako.

ReGINA: Ang aking mga anak! Ang aking mga anak! (Sandaling mananatili
si Ben sa harap ng Ina, naaawang nakatingin dito, tila nagsisisi sa sinabi.
Pagkaraa’y malungkot siyang papanhik. Papatayin ni Ana ang ilaw sa
komedor).

Panitikang Asyano| 798


ANA: (papalapit kay Regina) Hindi mo sila masisisi, Regina, lalo pa nga’t
pagkaraang marinig ang pinagsanib ng alkalde at ng konsehal. Ang
hustisya’y hustisya lamang, kung madali itong naibibigay at naibibigay
nang pantay-pantay. Papanhik na ako. (Sa hagdan) Pumanhik ka na rin.
Iwan mo nang bukas iyang ilaw. (Aakyat ng ilang baitang) Halina, Regina.
Matulog ka na, ikaw nga ang pagod. (Tutuloy nang umakyat si Ana. Sa
itaas, maririnig ang bilin niya, “Ben, abangan mong pagdating ng kuya
mo”).

(Mananatiling nakaupo sa sala si Regina, nababaghan, hindi


makapaniwala. Pagkuwa’y kikilos siya, tatayo, maglakad-lakad,
nakayuko at magkadaop ang palad. Mauupo siyang muli pagkaraan. Sa
kanyang harap, pagkaraan ng ilang saglit makikita niya si Tony).

TINIG NI TONY: Walang mangyayari sa demanda niyo, Inay.

(Mag-aangat ng mukha si Regina).

Alam ko na ang aking gagawin. Gaganti ako. Papatayin ko siya.

REGINA: (Nagugulumihan) Tony!

TABING

(Sa pagbubukas ng tabing, makikitang nakaupo si Regina, nakapikit,


naiidlip, ang isang kamay ay nasa katangan ng upuan at nakasapo sa noo,
ang isa’y nasa kanyang kandungan. Sa labas, maririnig ang manaka-
nakang pagdaraan ng taksi. Sa labas din, maririnig ang pahagok na ingay
ng trak na nangongolekta ng basura at ang pagkala-kalantog ng mga
inihahagis na lalagyan ng sukal).

(Mula sa itaas ay bababa si Aida, nakaputing damit-pantulog, nakalugay


ang buhok at nakatapak. Nakikita niya ng naiidlip na Ina nguni’t hindi ito
gigisingin. Tutuloy siya sa komedor, bubuksan ang ilaw at may hahanapin
sa kabinet. Matatabing niya ang isang bote ng gamot at ito’y mababasag.
Magigising si Regina).

REGINA: (parang naalimpungatan): Sino iyan? (Lalabas, makikita si Aida


na nakadukdok sa mesa)

Aida!

AIDA: (mahina) Ang gamot, Inay?

REGINA: (maaalala) Si Tony? Wala pa?

Panitikang Asyano| 799


AIDA: Bakit pa?

REGINA: Bumili ng gamot. Anong oras na ba?

AIDA: Pasado alas-dos na po siguro.

REGINA: (kinabahan) Umaga na. Saan kaya nagsuot ang Antoniong ito?
(Mauupo, gulo ang mukha) Sinabi namang agahan at kailangan –

AIDA: May nabasag po akong bote.

(Walang kibong kukunin ni Regina ang walis na tambo at “dustpan” at


dadakutin ang basag na bote. Patingkayad siyang mauupo at pupulutin
ang ilang bubog).

AIDA: Hindi ako makatulog, Inay.

REGINA: (inililigpit ang dinampot) Gusto mo ng --- gatas?

AIDA: (tatango, nanlalambot na nakatingin sa lumapit na ina) May dugo


kayo, Inay.

REGINA: (pagulat) Saan?

AIDA: Hayan.

REGINA: (titingnan ang damit, ang mga kamay) Saan?

AIDA: O, akala ko’y may dugo sa inyong palad.

REGINA: (ikakaskas ang kanang palad sa damit) Wala.

AIDA: Akala ko’y mayroon.

REGINA: (naguguluhan) Ano ba ang gagawin ko? A, gatas. Gatas nga pala.

(Pupunta sa may kabinet, kukuha ng termos, sa reprihedora, kukuha ng


gatas).

AIDA: (nakadukdok pa rin sa mesa, nakatingin sa dingding) Lagi kong


naiisip ang luma nating bahay, Inay.

REGINA: (dala ang gatas) Ano ‘ka mo?

AIDA: Ang ating lumang bahay, lagi kong naiisip ‘ka ko.

REGINA: Bakit?

AIDA: (nakasandal na ngayon, bahagyang tatango) Aywan. Basta lagi ko


lang naiisip. Parang gusto ko pang naroon tayo. Parang natatakot ako dito.

Panitikang Asyano| 800


REGINA: (nakatingin sa palad) Bakit ka naman matatakot dito?

AIDA: Sabi niya’y huwag raw tayong magsusumbong. Hindi ako natatakot
kung ako. Pero baka kayo o si Ben- o si Kuya. Buti pa ako. Kung anu-ano
ang naiisip ko, Inay. At kasa-kasama ng aking napapanaginip. Naparito
raw siya at ang kanyang mga kasama. Marami silang mga dalang baril.
Nasa eskuwela kayo, may pinuntahan si Tiya Ana at pumasok si Ben.
Kami lang dalawa ni Kuya ang naiwan. Nakakatakot, Inay. Pinaupo nila
sa mesa si Kuya, nakapaligid sila at siya’y may inaabot na bote ng lason
kay Kuya. Inumin mo sabi sabi niya kay Kuya. Inumin mo! At binunot
niya ang baril at itinutok kay Kuya. Sinabi ko na sa iyong huwag
magsusumbong, nagsumbong ka pa rin, sabi niya niya kay Kuya. Kaya
inumin mo ito- iniaandot niya ang bote ng lason- inumin mo! At-
atnagmamakaawa ako sa kanya. Pasensiya na kayo, sabi ko, pasensiya
na kayo sa kapaatid ko. Anong pase-pasensiya, sabi niya, nagsumbong
siya. Inumin mo! At ininom ni Kuya ang lason. Inay.

REGINA: (aaluin ang anak) Iyang gatas, Aida. Huwag mong isipin iyan.

AIDA: (ibaba ang baso) Kay bait pa naman ni Kuya kung sa kanya gagawin
iyon.

REGINA: Hindi nila gagawin iyon. Hindi nila aanuhin ang kuya mo.

AIDA: Huwag naman sana nilang sasaktan, ano, Inay?

REGINA: Oo, hindi nila sasaktan.

AIDA: (nagpapahid ng labi) Ang bait-bait pa naman ni Kuya.

REGINA: Mahal na mahal ka nga niya.

AIDA: (malumanay na): Noon, noon naisip ko, kung - kung pipili ako ng
mapapangasawa, ang pipiliin ko’y kamukha niya. Mabait siya at mapag-
alala. Aywan ko, pagkaraan si Itay siya na ang para kong naging ama.
Hindi ba’t parang siya naman talaga, ha Inay?

REGINA: (balisa) Oo. (Mapapatingin sa may pinto, mahina) Saan kaya


nagputa itong Toning ito?

AIDA: Anong sinasabi ni Kuya tungkol sa nangyari?

REGINA: (parang mabibigla) Wala, wala namang sinasabi.

AIDA: (mangingiti) Kung pumapasok siya sa kuwarto at kinakausap ako,


nahuhuli kong tinitingnan niya akong mabuti. Medyo nalalaglag pa ang
salamin sa kanyang ilong. Ang lalim niyang tumingin! Sabi lang ni Tiya

Panitikang Asyano| 801


Ana’y pangit ang nakakunot-noo, pero sa tingin ko, bagay pa nga kay
Kuya. (Uubusin ang laman ng baso).

REGINA: Siya, siya panhik ka na.

AIDA: (kikilos) Kayo?

REGINA: Hihintayin ko siya. Ano na kayang oras?

AIDA: Umaga na.

REGINA: Umaga na?

(Papanhik si Aida. Maiiwan sa komedor si Regina, may nakalaylay


ngayong mga hibla ng buhok sa noo. Nakatayo siya, wala na ang antok,
parang namamalik-matang nakatingin sa pinto.
(Isang taksi ang pasagadsad na hihinto sa kanilang tapat. Mapapasugod
si Regina sa pinto. Kakalapag ang pinto ng taksi. Iingit ang pintong bakal.
Lalabas si Regina.)

REGINA: (sa labas) Tony! Ano’ng nangyari sa iyo?

(papasok sila, halos yakap ni Regina si Tony na sapo ang duguang


kaliwang balikat. Mapapaupo si Tony sa sala, hawak ni Regina).

AIDA: (Makakaramdam sa itaas): Kuya?

REGINA: Ano’ng nangyari sa iyo?

(Sesenyasan siya ni Tony na huwag maging maingay).

TONY: Aalis tayo rito, Inay. Dali! Gigisingin ninyo sina Ben.

AIDA: (sa itaas, pakalabog na babangon at manggigising) Tiya Ana! Ben!


Ben!

TONY: Sa Nueva’y ‘cija, sa mga kamag-anak na magsasaka ni Itay. Sa


Tarlac, sa Pampanga, sa bundok.

REGINA: (matatag) Hindi, Tony. Hindi tayo aalis. Susuko ka.

TONY: Inay!

REGINA: (kakapkapin kay Tony ang baril) Bigay mo sa akin ang baril.

TONY: (pipigilin ang kamay ng ina) Kailangan ko ito, Inay. Tiyak nila akong
papatayin. Madali silang makagagawa ng dahilan.

Panitikang Asyano| 802


REGINA: (aagawin ang baril at ipapaloob ang baywang ng damit niyang
pambahay) Susuko ka, Tony.

TONY: (tumututol) Inay, Inay---

REGINA: Ibang krimen kaysa nangyari kay Aida.

TONY: (magugulat) At ako’y kriminal?

REGINA: Pinatay mo siya.

TONY: “Huwag ninyong sasaktan ang sinumang balo o ulila sa amang


bata,”habilin ng Diyos kay Moses. “ Kapag sila’y inyong sinaktan sa
anupamang paraan at silang lahat ay tumawag sa akin, ang panawagan
nila’y tiyak kong diringgin. At ang poot ko’ymaglalatang, at kayo’y
papatayin ko sa tabak.” Naglalatang ang poot ng Diyos sa masasamang
kamay na umagaw at humahawak ngayon ng kanyang tabak! Sasabihin
ninyong ako’y kriminal? Saan paano kanino ako hihingi, hahanap at
makapagtatamo ng katarungan? Sino ang magbibigay? Inay, ang kidlat ng
Diyos ay ihahagis ng kamay ng naaapi at ang tabak ng hustisya ay itataga
sa lipunan ng mga pinagkakaitan ng katarungan.

(Maliban sa panginginig at abut-abot na paghingal ni Aida ay matahimik


silang lahat. Sa labas, maririnig na ang mga sirenang papalapit).

TONY: Nariyan na sila!( Tatayo, magpapalinga-linga).

REGINA: (nakasunod) Susuko ka, Tony.

(May sisigaw sa labas ng “Calderon, napapaligiran ka na namin. Sumuko


ka”.)

REGINA: (kay Ben) Buksan mo ang pinto, Ben.

(Bubuksan ni Ben ang pinto) Maayos siyang susuko. Halikayo, narito siya.

(Bunot ang mga baril, papasok ang mga pulis, karamiha’y nakauniporme,
ang ila’y nakasibilyan at may mga taling panyo sa ulo).

Hayan siya. (ituturo si Tony na nakatayo sa may komedor).

(Papasok ang alkalde, bunot ang baril. Itututok nito ang baril kay Tony
nguni’t matatabig ni Regina. Sa dingding tatama ang bala).

REGINA: Maayos siyang susuko,”Mayor”. Hayan, nariyan ang aking anak,


arestuhin ninyo.

(Pagtutulung-tulongan ng mga pulis si Tony. Malakas na mapapatili si


Aida.Pagkabaliti kay Tony, may kakadyot dito, may sisipa, may papalo,

Panitikang Asyano| 803


may dadagok. Mapapaluhod si Tony, at makalawang makapagpapaputok
si Regina bago maagaw ng isang pulis ang kanyang baril. Babagsak si
Tony).

ALKALDE: Bakit mo binaril?

REGINA: (hawak nang dalawang pulis): Kapag sinaktan ng ibang bata ang
ating anak, at tayo’y walang magawa sa nanakit sa kanya, di ba
ibinubuhos natin ang parusa sa ating anak? Ang sabi ninyo’y aarestuhin
ninyo ang aking anak ano ang inyong ginagawa?

PULIS1: Inaaresto!

REGINA: Inaaresto!

PULIS II: Dadalhin namin sa presinto!

REGINA: Dito pa lamang ay pinapatay na ninyo!

PULIS III: Kalokohan!

PULIS I: Paano’y nanlalaban!

REGINA: Nanlalaban!

PULIS II: “Resisting arrest!” Ha-ha-ha!

PULIS: Nagtatangkang tumakas!

REGINA: O! O!

ALKALDE: Pinatay niya ang aking anak!

REGINA: Kayo ang batas kapag inyong anak!

PULIS I: Dadalhin namin sa husgado!

REGINA: Husgado, anong husgado?

PULIS II: Bakit ba marunong ka pa sa husgado?

PULIS III: Sa hustisya!

REGINA: Hustisya! Hustisya! Alam ba ninyo ang kahulugan ng hustisya?


Kayo, “Mayor” alam ba ninyo ang kahulugan niyan?

(Ubus-lakas siyang sasampalin ng alkalde at siya’y babagsak.


Mapapayakap sa kanya si Ben).

PULIS I: Posasan iyan.

Panitikang Asyano| 804


PULIS II: Masyadong makatuwiran!

REGINA: (umiiling) Hindi ninyo nalalaman, “Mayor”, ang kahulugan niyan.


Hindi ninyo nalalaman. (Malakas) Kayo, lahat kayo, hindi ninyo
nalalaman ang kahulugan niyan!

PULIS III: Binaril mo ang sarili mong anak!

PULIS I: “Parricide!”

ALKALDE: Pananagutan mo ito.

REGINA: Pananagutan mo ito.

PULIS II: (hihiklatin si Ben kay Regina): Halina! Halina!

Sa presinto!

PULIS III: Sa presinto!

PULIS I: Doon ka makipagdebate.

ALKALDE: Dalhin ninyo!

REGINA: (napoposasang ilalabas): O, dalhin ninyo ako kahit saan. Sa


presinto, sa korte, sa husgado, kahit saan! Dalhin ninyo ako kahit saan.
Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak. Ako ang pumatay sa
aking anak!

(Papalakas) Pinatay ko ang aking anak! Sasabihin ko sa lahat na pinatay


ko ang sarili kong anak. Pinatay ko ang aking anak!

(Lalabas sila. Maiiwan sina Ana, Ben, at Aida. Kapuwa nakatingin sa


bukas na pinto sina Ben at Ana, sinusundan ng tingin ang mga nagsilabas.
Nakalupasay sa isang tabi si Aida at umiiyak. Nasa kanyang
kinabagsakan si Tony).

SINAG SA KARIMLAN
ni Dionisio S. Salazar

(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa’y dala ng


kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung
bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa
matuwid?)

MGA TAUHAN :

Tony ……………….. Binatang bilanggo

Panitikang Asyano| 805


Luis ……………….. Ang kanyang ama
Erman ……………….
Doming …………….. Mga kapwa bilanggo
Bok …………………..
Padre Abena …………Isang pari ng bilibid
Miss Reyes …………. Isang Nars
Isang Tanod

PANAHON: Kasalukuyan

TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa


Muntinlupa.

ORAS : Umaga

PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula


…Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi
… Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng kasamaan… Hamon sa
pagbabagong buhay …

May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan


nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at
umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa
kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito
humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at
Katarungan…

Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito. Walang
makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…

May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit
at makulay na kasaysayan…

PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng pagamutan


ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang
makikita rito. Ang dalawang nasa makabilang gilid ay bakante. Sa
dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si
Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si
Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas
na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog
na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at
kaliwang bisig . May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-
masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang Erman,
na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas, ay gising at waring

Panitikang Asyano| 806


nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan
minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .

Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok)


tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.

Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.

Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas
hang. BABAYING . Ba, sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)

Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman.
Dugu-dugun siya.

Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman


seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.

Ernan: At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)

Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)

Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens!


Magapatulog man kayo! Yawa….

Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.

Doming: Hisi lang, Tsokaran.

Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay


susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat
n’ya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga atmapapahalinghing si
Tony.)

Doming: Kilala mo siya, Bok?

Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigis-

Doming : Ba, ‘wag!, Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.

Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata


angnararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…

Ernan: Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?

Panitikang Asyano| 807


Tony: (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng
pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?

Ernan : Ako nga.

Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!

Ernan: Salamat, Tony.

Bok: (May pagmamaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok
alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!…
(Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)

Tony: Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?

Doming: Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .

Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling
ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?

Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil
sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.

Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay


ibidamo sa ‘min ang iyong buhay?

Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas


angimong tiyan, ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa.

Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo


ba, Tony?

Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy
kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan
ko’ng saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang
Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas …
Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!

Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang


napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan,
sa ngalan mo’y kay dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony )
mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.

Panitikang Asyano| 808


Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang
mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbo ng …
Naisipkong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang
na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago … Totoo nga naman,
walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat
kasalanan!

Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!

Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa


himignagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun
– milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino!

Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?

Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan.


Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero
gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.

Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyun.

Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong


kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan.

Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang
pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan,
walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag-aaway.

Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki
ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga
mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang
iyong diwa.

Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.

Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.

Bok: Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!

Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena.
Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.

Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!

Panitikang Asyano| 809


Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya)
Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo.
Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At
mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang
sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre
ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-aaway
sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko
rin ang elementarya. Balediktoryan ako…

Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!

Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong


kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya…
Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat …
Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong akong mandurukot ,
mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville …
Inilipat ako ditto pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya
ko… A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino
ako ni Direktor sa ‘ting library. Nagpagbabasa ako roon. Mahilig akong
magbasa ng –

Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga


ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki Ang pagbabasa…”

Tony: Mahilig din ho akong magsulat.

Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?

Tony: Mula ng umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan


kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.

Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.

Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?

Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan


kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.

Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.

Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?

Tony: Ayoko na siyang makita pa!

Panitikang Asyano| 810


Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?

Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan.


Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng
akingkapatid… Ng aking pagkakaganito!

Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at magpatawad.”


Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi napag-
aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring
patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.

Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng
inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin.
Pambihira kayo.

Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong


kasawian ay ang di-pagkakaroon ng anak?

Tony : Biyudo kayo?

Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain.


Mapagpahal. Mapagkatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak
(Magbubuntunghininga) … napaka … hindi ganap ang kanilang
kaligayahan.

Doming: Hilang taon na kayo, Mang Herman?

Ernan: K’warenta’y singko na.

Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.)

Tony : Ga’no na kayo katagal ditto, tabi ? …

Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de
prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi
nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo.

Tony : E bat naman kayo namultahan?

Ernan: Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay Sinunog ng


isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral,
mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at
magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami.

Panitikang Asyano| 811


At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang
pabilanggo. Malayo naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.

Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig
sulatin kasi, e.

Ernan: Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang


batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak …
Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming
ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.

Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din
daw ako. Pero… nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.

Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y


walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.

Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.

Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang


marunong nag-nagkakaanak ng alipin.

Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril

Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang
pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan …
Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y
makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi
mapagsamantalan Yaong walang colonial mentality.

Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?

Ernan: Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang


sariling paninindigan. Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na
takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang
tanod ay walang imik sa magkakasama.)

Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro


magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi trangkaso … Lumpo
(Titingnan si Doming) … Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . .
Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony. Tawanan na naman.)

Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?

Panitikang Asyano| 812


Ernan: Hindi naman.

Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?

Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw


Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente?

Tony: Ako nga ho.

Ernan: Ang binigkas mong tula’y –

Tony: Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.

Ernan: Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong
aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.

Doming :Hanong pamagat?

Ernan: Sinag Sa Karimlan.

Tony: Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay ba bagay sa


saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!

Ernan: Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang


makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!

Tony: Sana’y mabasa ko ‘yon!…

Ernan: Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Lubhang


makapangyarihan ang karimlan! Subali … naitataboy ang dilim!

Tony: Sana’y mabasa ko ‘yon! …

Ernan: Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba, kung…

Bok: (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang


pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber, Doming! Gin
istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang
pag-ayon sa pahiwatig ni BOK)

Doming: Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang


haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat
pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero
hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’tmatalik na kebigan hay… Uling-

Panitikang Asyano| 813


uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor nang
tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding
pagkatapos).

Tony: At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?

Doming: Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)

Ernan: Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang


bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa
mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa…
padrino, sabi nga ni Bok.

Bok: (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?

Doming: Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha


s’yang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya!

Tony: “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa


kagandahan .” Sino nga, Mang Erman, ang nagsabi niyon?

Ernan: Si Balagtas, iho, ang “Sisme ng Panginay”

Doming: Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang ko pang


kebiganhang… (Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw,
Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadongnapakaganda.

Bok: A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm…

Ernan: Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is


a joy forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at
patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming
kataksilang nangyayari! …. Kung totoong nagbibigayng inspirasyon ang
kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay!

Bok: Asan ngayon ang imong misis Dom?

Tony: Magsasama kayo uli? Paglabas mo?Doming Indi na. Hisinusumpa


ko!

Bok: Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?

Doming: Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor.

Panitikang Asyano| 814


Ernan: Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang
harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng
materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba,
kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos
na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig,
mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.)

Tony: Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?

Ernan: Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting


pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Nang
pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari
ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay.
Magpakasakit.

Tony: Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya


napakaramingmapagkunwari? Ke raming marumi na
naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil
me inaasahang tubo o gatimpala. May –

Ernan: ‘ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.”

Tony: Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang


maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.

Ernan: Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong -


buhay.

Doming: Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo,
Tony , ke Mang Ernan.

Tony: P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa


paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po
Padre.

P. Abena: Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang


ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na
siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana siya.
At nakasalamin Habang lumapit ) Tony, totoo bang? … may sugat ka sa
tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka!

Bok: (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan,


Padre tay-pa na.Tony Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon
nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin.

Panitikang Asyano| 815


P. Abena: Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.

Tony: Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon ,


Padre maaabsen ako sa ‘ting klase?

P. Abena: Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang
pinakamarunong sa lahat, a… Natutuwa ako’t hindi ka naganyak sumama
kagabi.

Tony Padre: hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin!


Gayundin ang ke Direktor.

P. Abena: Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang


tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik.

Tony Padre: ke bui-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Ernan’y ibig ding
… Wala raw silang anak.

Ernan: (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may
usapan na kayo’y … Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong
umasa, nagnobena, namintakasi upang mag-kaanak, subalit …. Aywan
ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony.

P. Abena: Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya.


Matulungin. Mapagkakatiwalaan. At matalino. Balak ko sanang
pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa ako’t
kayo’y –

Tony Padre: possible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?

P. Abena: Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa ‘yo.


Pagdating naamn ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang
mangyayari.

Tony: (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na seyong


wala ‘na akong Tatay!

P. Abena: Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong


nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, di na nga
bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo,Tony?Tony Sabi ng doctor
e di naman daw napinsala ang aking bituka.

P. Abena: Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang


masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa

Panitikang Asyano| 816


bahaging ito’y aalingawngaw ang isang malakas na
pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital . Matatahimik
ang lahat at makikinig sa na) “Tubig! Tubigg! Mamamatay na
‘ko sa uhaw! Tubiggg!

P. Abena: Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung


sino ang nagpapagibik na ‘yon. (Susundan ito ng alis
.)Lahat Adyos, Padre.

Tony: ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang


bilibid ng paring tulad niya … Matutupad din ang pangarap
kong makapag-aral … kung sakali…

Ernan: Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang


lahat ng alagad ng panananampalataya … Pero, tingnan mo,
Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi ko siya
makakapiling sa lahat ng oros, samantalang ako … Tuturuan
kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin
kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang
tagapagmana.

Tony: Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n –

Ernan: A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa


Maynila. Kaanib sa ilang samahamng pangwika, pangbayan, pangkultura
… May malaki akong aklatan – magugusthan mo …. Guro naman sa
piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan na’ng ating
butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars.
Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batangbatang nars
ang lalagyan ng mga gamut. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng
naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may
paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam
niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging
pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamut sa mga may
karamdaman)

Bok: (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes!


Kungmagaibig lang siya ngani sa akon, pero … ginsama ang akon record.
Yawa.

Tony: Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal
munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na marangal ang
masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.

Panitikang Asyano| 817


Bok: Galalim man ang imonmg Tagalog!

Ernan: Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)

Bok: (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok


(pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ngbahagya at
pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa.
(Tawanan na naman)

Ernan: P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony
at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.)
Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo na kayo ni Miss Reyes,
ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-
sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina
Bok at Doming.)

Bok: Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss
Reyes. Inggit ako sa imo.

Doming: Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ng dati ring


tanod.)

Tanod: (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!

Tony: (Itataas ang kanang kamay) Sir!

Tanod: Miron kang bisita, adding.

Tony: Bisita? Asan Sir? Sino hu siya? Sino hu siya? Kilala bay n’yo sir?

Tanod: Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya.

Doming: Kuwarentay singko.

Tony: Papuna na ba rito, sir?

Tanod: Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)

Tony: (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong
dalaw sa loob ng dalawang taon.

Ernan Baka: … Tatay mo na ‘yun, Tony)

Doming: Baka naman hisang kamaghanak.

Panitikang Asyano| 818


Bok: (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris mo
Tony?

Tony: (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa


sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail …
Welfareville … Muntinlupa … Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya!
(Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot, Diyos ko!

Ernan: Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y di siya makatutuloy
dito … Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis,
ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang
Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo na
siya’y dumanas o dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na
barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay
halata rinang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang
siya subalit mukha nang lilimampuin.

Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’y


ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi
kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tinginang anaki
nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay
pasugod na lalapit ang ama sa anak.)

Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! …(Walang imik na pagyayapos ang


tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa
galak na ama sa buong katawang mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang
saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony.
Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang.
Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiin ang kanyang mga bagang, may apoy
sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin si Mang Luis ang mga
sugat at “black-eye” niya.)

Luis : Anak ko, napano ka?(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang
pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa
kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib.
Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang
nagmamasid at nakikiramdam)

Luis Tony: magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita?
… pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin
iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang lalapitan ng ama.)

Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!

Panitikang Asyano| 819


Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…

Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang
p-p patay !

Tony: Sayang lang ang inyong pagod!

Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko…

Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana)


Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –

Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa


kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay
… Pati pag-aaral ko’y natigil … Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay …
Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang lumao’y wala
nang ibig magpapautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong … Nang
–agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman.
Subalit …. nang dumating ako at - amin ay … (mababasag ang tinig) patay
nang kapatid ko! Sa tulong –

Luis: Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a


alam ko na’ng lahat! …

Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga


kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig
kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T. B. rin ako … Ako’y naging kanto boy,
nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw
… Natikman kong matulog nang walang unan … magtago sa ilalim ng
tulay …

Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!

Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa


city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n …
Nang magdisiotso ako’y heto … Magdadalawang taon na ‘ko rito …
(Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang
sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang
korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay
tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung
kayo’y tumupad senyong tungkulin?…

Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman !

Panitikang Asyano| 820


Tony: Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…

Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay …

Tony: (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida?

Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! –


nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang kanyang
kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang
nalabuan kong isip. Nagyo’y –

Tony: Huli na ang lahat!

Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang


buwan kitangpinaghahanap? … At nang malaman
kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador
Bigat na mabibigyan ka ngparole.

Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling


sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay
na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang
kasawian! Aru-aruuuyyy!

Luis: Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.

Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!

Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad


na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak,
magsamasama tayong muli!

Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko


pang mamatay kesa sumama sa senyo!

Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama.


Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli.
Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis
danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok.

Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod.


Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak.
Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!

Panitikang Asyano| 821


Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo
lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-
pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamanggawin o sabihin si
Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing
lapitan Ang nagmamalaking anak; Naroong pisilin ang mga kamao;
naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; naroong
tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong.
Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong
lalabas. Titigil sa may pintuan. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil
sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig
si Tony.

Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony


sa mga ikinikilos ng kanyang ama.

Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi


maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na
lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at
Doming.

Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang


teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)

Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng


batbat ng iba’t ibang uri ng pag-subok. Ang tagumpay, kaya lalong
tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking
tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan
ng tagumpay.

Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –

Ernan: Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Miino ang


dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay
Bok) Pakitawag mo nga ang doctor… (Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka.
Siguro’y maaampat ‘yan.

Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.

Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid


‘yan.

Doming: Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba


Panitikang Asyano| 822


Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….

Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarli) A, kung


masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi,
sana’Y –

Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)

Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” …


Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan
may galit –

Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang


isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang
ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating
kapatawaran … “

Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing


“Lumimot at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy …
(Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa
tiyan.)

Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay


punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang
binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawang n’yung
dokdok! O nars! Madali kayo! …

Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!

Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! …


Nars!… Narrsss!… (Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na
sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat
ni Tony. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may
pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang
magmamasid.)

Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang
malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony?

Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss
Reyes pala!

Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka,
hm…

Panitikang Asyano| 823


Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena.
Magpapalitan sila ng ngiti.)

Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang
binata; hahanda siya sa pag-alis.)

Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot


kelanman ! Alam mo na iayan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni
Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)

P. Abena: Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang


batang ‘yan. Paris mo…

Tony: Siya nga po ang babaing handa kong …

Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre.

P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang
tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang -

Tony: Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang


pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P.
Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang
maaalayan si Tony.

Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-


hininga’t mapapakagat labi Sa namamalas na katigasan ng anak.
Mauuntol ang balak niyang paglapit.

Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay


magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan.
Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)

Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw pagkat


makasasama sa yo’yo?

Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.

Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na.
(Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-
ama. Matagal silang magkakatinginan.0

P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes,


nakapagpapatawad….

Panitikang Asyano| 824


(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan .
Walang kaurap-kurap, at halos hindi humihingasina Mang Ernan sa
pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng
mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.

Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit a


bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.

Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni


Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan
ang mag-ama.

Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring


ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-
mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba
ang kanilang pagyayakap.

Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na
pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng
marahn. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang mga, titingala
ng bahagya at pangiting bubulong.)

Luha ng Buwaya
ni Amando V. Hernandez

Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng


Superindente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang
manupang pansamatalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang
nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestro Putin. Dinalaw ni
Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang
Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan
at magpalipad hangin ukol sa kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na
may pabatares sa pagapas kinabukasan si Mang Pablo. Sa gapasan,
naging masaya ang mga manggagapas kait na lumabas si Donya Leona
Grande, ang may ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa Sampilong.
Napakahigpit sa kasama si Donya Lena.

Nang ipaghanda sa bahay – asyenda ang dalawang anak ni Donya


Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng
parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na
bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin.
Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasasangkutan ni Andres,
isang iskuwater na nakita sa pook na tinaguriang tambakan. Nagawi sa
Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones

Panitikang Asyano| 825


sapagkat natandaang Sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila
sa Sampilong. Nang matapo ang digmaan si Andres at ang kanyang mag-
ina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.

Nakilala nang lubusan ni Badong si Andres nang ipinasok nito sa


grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Badong si Andres na
magtayo ng cottage industries sa kanilang pook na mga eskuwater ngunit
pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang. Pumayag si
Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Badong.

Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang


tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don
Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya
Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng
mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mga
magsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang
mga saka.

Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga


eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong, lumapit
sila ni Andres sa Social Welfare Administration. Nangalap sila ng pondo
mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa
industriyang pantahanan.

Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya


Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga
Grande ang habla at ang ginamit na tanging ibedensiya ay isang lumang
dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di Donya Leona ang alkalde
na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa
kasal ng asawang Grande.

Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang


samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay
nagsanib sa tulong ng Badong sila ay nakakuha sa Maynila ng isang
abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.

Sa isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na


pinakamatandang tao sa nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda,
natiyak ni Ba Inern na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na
kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni
Andres ngunit ng mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni Donya
ang mga aring lupa nito bago namatay . Sa pagtatanong ni Andres sa
kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at
pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande.

Panitikang Asyano| 826


Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si
Badong. Si Dislaw na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng
pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan isang
bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating Sa Sampilong.

Noong sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Disla si


Pina, mabuti na lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng
mga dumalo ay baka napatay si Disla. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya
Leona sa Maynila si Dislaw.

Sa gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga


palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik.
Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang
kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga
pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng unyon ng mga
magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga eskuwater. Salamat
na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska ay nagalit
kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na sumunog
sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si
Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni
Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Badong.
Nahuli si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres
ang paghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda.
Dahilan sa kahihiyang tinamo , hinakot ng mga Grande sa Maynila ang
mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay
nagkasakit at alta presyon at naging paralisado nang maataki. Si Don
Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.

Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban


kay Badong at tiniyak ng superintende na siya ang ilalagay na prinsipal
sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo
ng mga guro at ng mga magulang ang mga bata.

Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay


ikakanditato pang alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na
halalan.

Panitikang Asyano| 827

You might also like