You are on page 1of 2

(Dadasalin muna ang Palagiang Pamimintuho kay San Lorenzo

at ang Panalangin sa araw-araw, mula sa mga Pahina 1-4)

IKA-APAT ARAW
Maikling Pagninilay tungkol sa Kababaang-loob

“Ang nagpapakataas ay ibababa; at ang nagpapakababa ay itataas,” wika ng Panginoong Diyos,


(Lk 18:14). Narito ang isang dakilang kabanalang isinagawa ni San Lorenzo. Bagama’t isinilang siya
sa isang liping mahal at marangal, siya ay lalong mas higit na mayaman sa kabanalan. Ngunit sa kabila
nito, ay hindi nakita sa kanyang kamusmusan ang anumang bahid ng pagmamalaki o pagmamataas—
mababa at tapat ang kanyang pag-uugali. Itong kababaan ng loob ni San Lorenzo na kanyang namana
sa kanyang mga magulang ay lalo pang pinatingkad, nang lisanin niya ang kanyang inang bayan, ang
lalawigan ng Huesca sa Espanya, upang magtungo sa Roma, ayon na rin kay Papa (Sto.) Sixto II.

Ang kababaan ng loob ay ang pinakasaligan o ugat ng lahat ng kabanalan. Walang kasaysayan
ang ibang kabanalan kung hindi natatanim sa kababaang-loob. Maraming banal o bayani ng ating
pananampalatayang Katoliko na ngayon ay lumuluwalhati na sa langit, ay hindi nagtiis ng malaking
kahirapan, sapagkat hindi mabatâ o makaya ng masasakiting katawan; marami rin ang hindi naglimos
dahil sa karalitaan ng buhay; ‘di mabilang ang mga hindi birhen at ni walang panata sa Diyos, dahil sa
hindi naman sila doon tinawag. Subalit wala ni isa man sa kanila ang hindi nagpakababa dito sa lupa.
Wala ni isa ang hindi dumanas magpakababa. Dito’y makikilala na ang kababaan ng loob ay lubos at
ganap na kailangan sa lahat ng kabutihan.

Ginhawa ngang sabihin ng wari’y napakadaling magpakababa, ngunit tigib ng hirap ang hanapin
at ibigin ang dilang kahirapan o ang pagtitiis at pagpapakasakit. Ang mga nasabing kabanalan ay
siyang ipinakita ni San Lorenzo, maging sa kanyang paglalakbay sa Roma, hanggang sa huling pasakit
na kanyang tiniis sa buhay.

(Magnilay sumandali at hingin ang biyayang ibig makamtan)

PANALANGIN SA IKA-APAT ARAW:

Diyos na Panginoon ng mga anghel at ng tanang kinapal, alang-alang sa puspos na kababaan


ng loob ni San Lorenzo, na naging dakila at nagtamo sa Iyo ng iyong kaluwalhatian sa langit, kami’y
nagpapasalamat ng walang hanggan dahil sa biyayang ito, at nagsusumamo kami, na pakundangan
sa kanyang mga karapatan, ay mapagkalooban din kami ng kalinisan ng kaluluwa at katawan, upang
maging karapat-dapat kang tanggapin ng buong kababaang loob sa Sakramento ng Eukaristiya, lalo’t
higit bago dumating ang oras ng kamatayan. Amen.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Papuri sa Ama
(Dadasalin ng tatlong beses)

(Magtungo sa Pahina 5, at dasalin ang Dalit Kay San Lorenzo, Diyakono at Martir)
10
(Dadasalin muna ang Palagiang Pamimintuho kay San Lorenzo
at ang Panalangin sa araw-araw, mula sa mga Pahina 1-4)

IKA-LIMANG ARAW
Maikling Pagninilay tungkol sa Pagtupad ng Sariling Tungkulin

Bawat isang tao ay may sariling tungkulin na dapat tuparin. Ang tungkuling ito ay inilakip o
inilagda sa atin ng Diyos ayon sa kalagayan o “estado” ng bawat isa. Ito ay isang mabigat na pasanin,
ngunit sa tulong at biyaya ng Diyos ay hindi mahirap tuparin at magaang maisasagawa natin. “Sapagkat
ito ang pag-ibig sa Diyos: na ating tuparin ang kaniyang mga utos; at ang kaniyang mg autos ay hindi
mabibigat.” (1 Jn 5:3)

“Sapagkat malambot ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.” (Mt 11:30) Higit na
nagtitipon ng malaking kabanalan at karapatan sa mata ng Diyos ang tumutupad nang mabuti sa
kanyang tungkulin. Kaya nga at si San Lorenzo ay totoong bayaning binyagan ng ating
pananampalataya sapagkat tumupad siyang mabuti sa kanyang tungkulin bilang Puno ng mga
diyakono. Malasin natin dito ang mabuting pagtupad niyang mahusay sa mga tungkulin sa kanya—ang
paglilingkod sa pamayanan; ang padadala at pagsusubo ng Komunyon sa mga maysakit; ang kanyang
tapat na pangangalaga at wagas na pag-iingat sa mga ari-arian ng Banal na Simbahang Katolika,
lalong-lalo na ang paglingap at pagmamalasakit sa mga mahihirap.

Matularan nawa ng mga binyagan sa ngayon, ang ganitong halimbawa at kabanalang ipinakita
ni San Lorenzo, tungkol sa paggalang sa mga bagay na sagrado o banal, gayon din ang lubos niyang
pagmamalasakit sa ika-uunlad at ikatatatag ng pananampalatayang Katoliko.

(Magnilay sumandali at hingin ang biyayang ibig makamtan)

PANALANGIN SA IKA-LIMANG ARAW:

Diyos na Panginoon ng mga Arkanghel at ng sanlibutan, na sa tapat at maayos na pagtupad ni


San Lorenzo, aming Pintakasi, ng mga tungkuling Iyong ini-atas at ipinagkaloob sa kanya, ay nagdulot
sa kanya na mapaluklok sa kaluwalhatian. Pinasasalamatan namin ng lubos ang biyayang ito, at
isinasamo na pakundangan sa kaniyang karapatan, ay pagkalooban kami ng biyaya na tutulong sa
aming makatupad sa mga tungkuling Iyong ini-aatas sa amin, sang-ayon sa Iyong banal na kalooban.
At igawad mo nawa sa amin ang tanging saklolo na hinihiling ng bawat isa sa amin sa pagsisiyam na
ito, kung ito nga ay nararapat sa iyong kapurihan at sa ikagagaling ng aming kaluluwa. Amen.

Ama Namin
Aba Ginoong Maria
Papuri sa Ama
(Dadasalin ng tatlong beses)

(Magtungo sa Pahina 5, at dasalin ang Dalit Kay San Lorenzo, Diyakono at Martir)

11

You might also like