You are on page 1of 6

8

Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito, nilalayon ng mga mananaliksik na masuri ang epekto

ng pagpapalit koda ng guro sa komprehensiyon o pag-unawa ng mga mag-aaral

ng SLS-BSU.

Sasagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anong uri ng pagpapalit koda na pinakagamitin sa pagtuturo sa loob ng

klase?

a. Salita

b. Parirala

c. Pangungusap

2. Sa anong pang-akademikong dahilan ang karaniwang ginagamitan ng

pagpapalit koda?

a. Maipaliwanag ang aralin

b. Malinang ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa aralin

c. Matiyak na nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga naipaliwanag

na aralin

d. Himukin ang mga mag-aaral na makilahok sa talakayan

e. Masuportahan ang komunikasyon sa loob ng klasrum

3. Anong epekto ng pagpapalit koda sa antas ng komprehensiyon o pag-

unawa ng mga mag-aaral.


9

Haypotesis ng Pag-aaral

Inaasahang malulutas ang mga suliranin sa mga sumusunod na haka-

haka:

1. Ang pinakagamiting uri ng pagpapalit koda ay ang salita.

2. Ang pangunahing layunin ng guro sa pagpapalit koda ay upang

maipaliwag ang aralin.

3. May mataas na komprehensiyon ang mga mag-aaral sa talambuhay ni

Rizal gamit ang pagpapalit koda sa pagtuturo.


10

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang gagamiting pamamaraan sa pananaliksik ay palarawan sapagkat

talatanungan ang pangunahing instrumentong ginamit sa pagkalap ng mga datos.

Gamit ang talatanungan ay natukoy ang epekto ng pagpapalit koda sa antas ng

komprehensyon ng mga respondente.

Kinaganapan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Secondary Laboratory School-Benguet

State University (SLS-BSU) na matatagpuan sa Kilometer (Km.) 6, La Trinidad,

Benguet. Ang paaralang ito ay malapit sa Km. 6 Police Outpost.

Ang pag-aaral ay may layuning malaman ang epekto ng pagpapalit koda sa

antas ng komprehensiyon ng mga mag-aaral ng ika-9 ng BSU-SLS sa talambuhay

ni Rizal. Ang kabuuang populasyon ng mga mag-aral sa Junior at Senior High

School ay 946 kung saan ang G7-10 ay nahahati sa tatlong seksyon, at ang G7

ay may 127 populasyon, G8 (120 populasyon), G9 (131 populasyon), at G10

(115populasyon). Ang Junior High ay may 220 na lalaki, at 273 na babae na sa

kabuuan ay 493 habang ang Senior High ay may 126 na lalaki at 327 na babae na

sa kabuuan ay 453. At ang mga ito ay tinuturuan ng 40 na guro kung saan ang

Junior High ay tinuturuan ng 26 na guro at 14 sa Senior High.


11

Pigura 2. Mapa ng SLS-BSU

Respondente

Ang mga respondente ay mga mag-aaral ng ika-9 na baitang sa BSU-SLS

sa panuruang taon 2017-2018. May animnapu’t limang mag-aaral na naging

respodente ng pag-aaral na mula sa tatlong seksyon na may kabuuang bilang na

isang daan at tatlumpu’t isa (131). Naging respondente rin ang kanilang guro sa

asignaturang Filipino.

Naipakikita sa talahanayan 1 ang kabuuang bilang ng mga respondente

ayon sa kanilang seksyon na kinabibilangan.

Talahanayan 1. Talaan ng bilang ng mga respondante

Seksyon BILANG NG MGA RESPONDANTE Bahagdan %

9-1 19 29.23

9-2 23 35.38
12

Talahanayan 1. Pagpapatuloy…

SEKSYON BILANG NG MGA RESPONDANTE BAHAGDAN %

9-3 23 35.38

Kabuuan 65 100

Instrumentasyon

Ginamit ang talatanungan upang matukoy ang mga epekto ng pagpapalit

koda sa antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Binubuo ito ng dalawang bahagi

ang pananaw ng mga respondente sa pagpapalit koda ng mga guro at ang mga

katanungan upang matukoy ang epekto ng pagpapalit koda sa antas ng pag-

unawa.

Pangongolekta ng Datos

Humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa punong-guro at isang guro

na nagtuturo ng Filipino sa SLS-BSU bago magsagawa ng obserbasyon sa klase

at pagmumudmod ng talatanungan. Ang pagsusulit ay isinagawa sa loob ng tig-

iisang oras bawat seksyon.


13

You might also like