You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Catbalogan City Division
EASTERN VISAYAS REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Catbalogan City, Samar

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


(Mga Kontemporaryong Isyu)
Inihanda ni:
MANUELITO S. UY
BSED – IV (Social Studies)
College of Education
Samar State University

I. MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Nasusuri ang tugon ng pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon;
B. Nakakagawa ng isang discussion-web na nagsusuri tungkol sa prinsipyo ng
Yogyakarta;
C. Natatalakay ang mga Prinsipyo ng Yogkarta batay sa nnapag- usapan o napagnilayan
sa klase.

II. PAKSA AT MGA KAGAMITAN

A. Paksa: Tugon sa Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


B. Sanggunian: Mga Kontemporaryong Isyu (Batayang Aklat sa Ika-Sampung
Baitang; K-12, pahina 310-314)
C. Kagamitan: laptop, projector, aklat, manila paper, marker

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos,
at Espiritu Santo, Amen. Amen…

2. Pagbati
Magandang tanghali mga mag-aaral. Magandang tanghali po, Ginoo!

3. Pagtala ng mga lumiban Wala po.


May mga lumiban ba sa klase?

4. Pagbabalik-aral Ang tinalakay po natin noong nakaraang araw


Mga mag-aaral, ano ba ang tinalakay ay tungkol sa Tugon sa mga Isyu sa Kasarian
ninyo noong nakaraang araw? at Lipunan.

Tama!
B. Pagganyak

Ngayong umaga ay ating babasahin at susuriin


ang ilang mahalagang impormasyon tungkol sa
Prinsipyo ng Yogyakarta at ang pahayag ng
UN Secretary General na si Ban Ki-Moon
tungkol sa mga LGBT. Sa kasunod na
discussion web isulat kung kayo ay sang-ayon
o hindi sa kaniyang pahayag. Pagkatapos,
humanap kayo ng iyong kamag-aral na taliwas
o di kapareho ng iyong sagot at isulat sa
discussion web ang kanyang sagot. Talakayin
ang inyong konklusyon tungkol sa isyu at
isulat din ito sa web.

C. Paghahalaw

Ngayon na nalaman na natin ang mga dahilan


kung sang-ayon o di sang-ayon kayo sa sinabi
ni UN Secretary General Ban Ki-Moon
tungkol sa LGBT Rights daw ay Human Rights
ay dadako na tayo sa mga Prinsipyo na
ipinahayag sa Yogyakarta.

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin ay ating


muna aalamin ang tungkol sa United Nations.

Ano ang United Nations? Ang United Nations ay isang pandaigdigang


samahan na tumatalakay sa mga isyu tungkol
sa pang-ekonomiya, pampulitikal at
panlipunan.

Tama

Ang United Nations ay inilikha upang


tumugon sa mga isyu na kinakaharap ng mga
bansang kasapi nito mula sa iba’t-ibang aspeto
ng lipunan.
Sino si Ban Ki-Moon? Si Ban Ki-Moon, ang dating United Nations
Secretary General na tumalakay sa mga isyu
tungkol sa kasarian na ginanap sa Yogyakarta,
Indonesia noong ika 6-9 ng Nobyembre taong
2006.

Tama, Maraming Salamat.

Ano ang Yogyakarta Principles? Ang Yogyakarta Principles o Mga Prinsipyo


ng Yogyakarta ay ang mga prinsipyong
makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga
LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong
nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga
Karapatang Pantao (Universal Declaration of
Human Rights o UDHR) at ilang mga
rekomendasiyon.

Tama

Winika ni UN Secretary General Ban Ki-Moon


sa Yogyakarta na “LGBT rights are Human
Rights.”

Ngayon ating isa-isahin ang ilan sa mga


prinsipyo ng Yogyakarta:

MGA PRINSIPYO NG
YOGYAKARTA

Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA
PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO

Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-
PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON

Prinsipyo 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY

Prinsipyo 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO

Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON

Prinsipyo 25
ANG KARAPATANG LUMAHOK SA
BUHAY-PAMPUBLIKO
Pakibasa ang unang prinsipyo. Prinsipyo 1. ANG KARAPATAN SA
UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG
MGA KARAPATANG PANTAO. Lahat ng
tao ay isinilang na malaya at pantay sa
dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman
ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na
ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang
pantao.
Tama!

Ang ikalawang prinsipyo, pakibasa. Prinsipyo 2 . ANG MGA KARAPATAN SA


PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON.
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng
lahat ng karapatang pantao nang walang
diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay
sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang
anumang diskriminasiyon, kahit may
nasasangkot na iba pang karapatang pantao.
Ipagbabawal sa batas ang ganoong
diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.

Magaling!

Basahin natin ang ikatlong prinsipyo. Prinsipyo 4. ANG KARAPATAN SA


BUHAY. Karapatan ng lahat ang mabuhay.
Walang sinuman ang maaaring basta na
lamang pagkaitan ng buhay sa anumang
dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay
hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual
sexual activity ng mga taong nasa wastong
gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.

Tama! Magaling!

Ang susunod na prinsipyo, ang pang-apat, Prinsipyo 12. ANG KARAPATAN SA


pakibasa. TRABAHO. Ang lahat ay may karapatan sa
disente at produktibong trabaho,
samakatarungan at paborableng mga kondisyon
sa paggawa, at sa proteksyon laban sa
disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.

Tama!
Pakibasa ang panlimang prinsipyo. Prinsipyo 16 . ANG KARAPATAN SA
EDUKASYON. Ang lahat ay may karapatan
sa edukasyon nang walang diskriminasiyong
nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal
at pagkakakilanlang pangkasarian.

Salamat!
Prinsipyo 25. ANG KARAPATANG
At ang panghuling prinsipyo, pakibasa.
LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO.
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali
sa mga usaping publiko, kabilang ang
karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng
mga kasapi, organisasyon at iba pa.

D. Paglalahat

Sa iyong palagay, mahalaga bang magkaroon


ng seryosong aplikasyon ang mga bansa ng
Prinsipyo ng Yogyakarta? Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA

Isulat ang tamang sagot sa kalahating papel.

1. Siya ang United Nations Secretary General ng ilunsad ang Yogyakarta Principles noong
2006.
2. Isang pandaigdigang samahan ng mga bansa na tumatalakay sa mga isyu tungkol sa
pangekonomiya, pampulitika at panlipunan.
3. Ang Yogyakarta ay makikita sa anong bansa?

Sa dalawang puntos, pakisagot ang katanungan ito:

4-5. Ano ang layunin ng mga nagtaguyod ng Prinsipyo ng Yogyakarta? Ipaliwanag.

V. TAKDANG ARALIN

1. Magsaliksik sa internet tungkol sa Convention on the Elimination of All Forms of


Discrimination Against Women.

You might also like