You are on page 1of 2

CHAPTER I

Rationale

Ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino na
lumitaw bago dumating ang mga Kastila. Ito’y naglalarawan ng kalinangan ng ating
tinalikdang panahon. Karamihan sa mga ito ay may labindalawang pantig. Naging
malaganap (sa panahon ng mga Kastila) ang mga awiting bayan sa buong Pilipinas. May
kani-kaniyang awiting bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging sa
bulubundukin ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw. Ang mga kantang-bayan na ito ay isang
tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan,
pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Mula
sa pagiging malikhain ng patula ay nilalapatan ito ng ritmo at musika upang maging ganap
na awit na madaling sabayan at matandaan.

Ang mga "kantang bayan” na ito ay tinaguriang matandang sining ng Pilipinas


pagkat ito'y mula sa ating mga ninuno, sino nga ba ang hindi nakararinig o natuto nito na
isinasama sa aralin sa paaralan o di naman kaya'y laro sa ng mga bata sa labas ng
tahanan, walang makapag sasabi wala silang alam na awiting dahil ito'y kaputol ng ating
kasaysayan karamay ng pagiging marubdob ng Pilipino. Isa itong matatandang uri ng
Panitikang Filipino. Ito ay naglalarawan sa ating natalikdang panahon. Nagpapahayag ito
sa mga reaksiyon ng mga mamamayan sa kanilang mga karanasan sa buhay. Ito ay
tunay na nagpapahayag ng kulturang Filipino. Maraming uri ng mga awiting bayan. May
mga awit tungkol sa pagdakila sa kanilang Bathala, pag-awit sa pagsisisi sa kasalanan,
pag-awit upang sumagana ang ani, pag-awit sa pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag-
awit sa pagpapatulog ng bata, pag-awit sa kasal, pag-awit bilang pagpuri sa kanilang
mga ninuno. May mga awit namang malaswa ang sinasabi ay may kagaspangan ang
mga pananalita. Ang mga awiting bayan ay sadyang kawiliwili sa tainga, marahil ito'y
magpapatuloy sa ating bansa at kung ito'y bibigyan pansin at aawitin ng mga kabataan
ito ay mabibigyang importansya at lilinang ito.

Sa pananaliksik na ito, ang pinagtutuunan nang buong pansin ay ang


kahalagahan ng mga awiting bayan na nakapaloob sa Bohol at ang importansya nito sa
sa atin ngayon bilang isang mamayan.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag aaral na ito na may paksang “Kahalagahan ng mga Awiting Bayan sa Bohol “
ng piling mag-aaral ng Bachelor of Science in Computer Science ng Bohol Island State
University – Calape Campus, Taong Panuruan 2019-2020" ay naglalayong sagutin ang
mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang awiting bayan? Mahalaga ba ito sa ating pagkakakilanlan?


2. Bakit mahalaga ang mga awiting bayan? At ano ang naidudulot nito sa atin?
3. Dapat ba nating pangalagaan ang ating mga awiting bayan? Paano?
4. Ano ang mga epekto nito bilang isang mamamayan na taga Bohol? At ano ang
mga mahahalagang aral na ating makukuha?

You might also like