You are on page 1of 8

Kaligirang

Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong
Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga
kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me
Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa
lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay
Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng
problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol
sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing
Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang
tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng
maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng


karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa
loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga
pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba
ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa
sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala
pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang
ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga
asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga
kaaway atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa


pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay
walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik
siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay
Blumetritt habang naglalakbay.
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay
naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y
ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng
sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na
nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong
ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng
mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga
ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na
marunong managalog…

Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo.
Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking
kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan
at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o
Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-
daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang


pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-
Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming
kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang
tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga
pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na
suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang
kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay
Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang
tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang
kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga
kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng
suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang
paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan.
Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay;
pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako
ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay
kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking mga alahas,
nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga
pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang
aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa
aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo,
kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang
Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa
demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating


ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa
Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng
aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891
saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga
paring sina Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang
nobela ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay
itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang
malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng
pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa,
pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian
atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na
karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng
nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay
Crisostomo Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga
kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama
na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay
niya bilang nobelista.

Karagdagang Impormasyon:
Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o
Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang
isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na
kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong
kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang
karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas
si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat
ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre
ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago
sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni
Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito
noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon
sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang
kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at
mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama,
nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na
hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan
ng bayan.

You might also like