You are on page 1of 3

SECTION: BM 103

GROUP #: 4
GROUP LEADERS: Elijah Heart B. Baldoza || Bea Clerisse Riberal

PLANO PARA SA PRESENTASYON

PARAAN NG PRESENTASYON: Game Show

MGA LAYUNIN:
1. Ibahagi ang mga napiling karakter sa loob ng nobelang “El Filibusterismo” na may
kaugnayan sa temang “right to education”;
2. Ipakita na ang mga karakter na ito ay maihahalintulad sa realidad ng panahon
3. Tiyakin na ang lahat ng miyembro ay mabibigyan ng pantay at sapat na gawain
upang isakatuparan ang hinihiling na output
4. Gawing enjoyable ang presentasyon ngunit nakakamit parin ang layunin na
makahango ng makabuluhan na mga impormasyon

TEMA: Right to Education

MGA KARAKTER:
1. Basilio
2. Hermana Penchang
3. Father Millon

DETALYE NG PLANO:
A. Preparasyon:
1. Babasahin ng bawat miyembro ng pangkat ang nobelang El Filibusterismo at
pagkatapos ay magkakaroon ng brainstorming ukol sa mga nasaksihan at
nalaman sa mga karakter na napili sa nobela.
2. Hahatiin ang pangkat sa tatlong maliliit na seksyon kung saan ang bawat
pangkat ay naatasan na magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa mga
ginawa at kahalagahan ng isa sa mga karakter at kaugnayan nito sa tema.
3. Ang impormasyong makakalap ng bawat pangkat ang siyang gagamitin sa
gagawing iskrip ng game show. Ang iskrip na gagawin ang magsisilbing
batayan sa darating na aktwal na presentasyon, ang game show.
4. Ang bawat miyembro ay itatalaga sa partikular na gawain at roles sa game
show. Mayroong dalawang miyembro ang magiging host ng show, tatlong
miyembro ang magiging (bluffers) samantalang ang natitira nama’y hahatiin
sa tatlong pares at magiging manlalaro ng palabas.
B. Aktwal na presentasyon:
1. Magsisimula ang game show na pinamagatang “Lakbay ni Rizal” sa
pagpapakilala ng dalawang host sa kanilang sarili at sa pangalan ng mga pares
ng mga manlalaro sa araw na iyon. Ang game show ay nabuo upang magbigay
pugay kay Dr. Jose Rizal na may layuning ipakilala at ipamulat sa mga Pilipino
ang kaniyang mga sakripisyo at pagmamahal sa bayan.
a. PROPS NEEDED: Mic, name tags for participants, a small box (for
draw lots of the Theme of the Day)
2. Magkakaroon ng dalawang segment ang palabas na may iba't-ibang klase ng
laro bawat segment. Ang mga manlalaro ay nahahati sa tatlong pares kung
saan sila’y mag-uunahan sa pagsagot. Ang pares na may pinakamataas na
puntos sa huli ang siyang panalo.
3. Ang unang segment na pinangalanang “Hulaan Mo ang Linyang Ito” ay
umiikot sa mga linyang binitawan ng mga karakter sa nobela. Ang mga
manlalaro sa segment na ito ay ang isang representative ng bawat pares. Ang
naatasang maging host ay magsasabi ng mga linya ng mga napiling karakter
samantalang ang mga manlalaro ay mag-uunahan sa pagsagot. Ang wastong
sagot ay dapat nagsisimula sa pagbibigay deskripsyon sa karakter (Ano ang
katayuan o ugali nito sa nobela?) at saka pa sasabihin ang pangalan ng
karakter. Partikular, ang sagot ng manlalaro ay “I believe ito ay… Ang karakter
na ito ay si…”. Kapag hindi naman nahulaan ang tamang karakter, sasagutin ito
ng mga host sa pamamagitan ng paglalarawan at pagbibigay deskripsyon.
a. PROPS NEEDED: Name tags (para sa 3 pairs at 3 bluffers) , PPT (for
the logo opening and questions), buzzer
4. Ang ikalawang segment ay pinangalanang “Tama o Mali”. Ang layunin ng
segment na ito ay matukoy ng mga pares o pairs kung “Tama” o “Mali”.
Bibigyan ng oras ang lahat upang makapagsaliksik. Pakatapos ng ibinigay na
oras, mag-uunahan ang mga 3 pares sa pag-pindot ng buzzer. Ang mabibigyan
ng oportunidad upang makasagot ay ang unang makakapindot nito. Gayun
din, kinakailangang mapatunayan ng pares o pair kung bakit ang sagot nila ay
“Tama” sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon o pananaliksik
gamit ang kanilang mga gadgets. Maaaring maglahad ng mga bago at
karagdagang impormasyon ang mga bluffers na maaring mas makatulong o
makagulo sa mga pares. Kung “Mali” naman ang tamang sagot, ipapaliwanag
ng mga host kung ano ang tamang sagot gamit ang kanilang mga nasaliksik.
a. PROPS NEEDED: Gadgets, upuan/table
5. Ang game show ay matatapos sa pagkilala sa pares na nagwagi sa palabas at
pagbibigay ng hosts ng ending remarks
DISTRIBUTION OF TASKS

PANGALAN ASSIGNED TASKS/ROLES

PREPARASYON AKTWAL NA
PRESENTASYON

Albay, Ybhem Jason Jr. PROPSMEN PAIR 1 (MANLALARO)

Bonilla, FJ PROPSMEN PAIR II (MANLALARO)

Duenas, EJ PROPSMEN PAIR III (MANLALARO)

Paras, Jullian PROPSMEN BLUFFERS/ASSISTANT

Andres, Eaia SCRIPTWRITER HOST

Baldoza, Elijah Heart B. DIRECTOR/SCRIPTWRITER HOST

Hermoso, Dianne PROPSMEN BLUFFERS/ASSISTANT

Lantin, Maxine SCRIPTWRITER BLUFFERS/ASSISTANT

Riberal, Bea CO-DIRECTOR/ PAIR III (MANLALARO)


PROPSMEN/SCRIPTWRITER

Tobias, Kristin SCRIPTWRITER PAIR II (MANLALARO)

Tolentino, Nina PROPSMEN PAIR I (MANLALARO)

You might also like