You are on page 1of 4

SAMPLE FORMATIVE TEST ASSESSMENTS

Subject: FILIPINO Grade Level: GRADE 8

Sample No. 1
Lesson/Skill: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa tinalakay na kuwentong-bayan.
Panuto: Tukuyin ang sagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Sino ang ama ni Mutya Marin? (DATU BATUMBAKAL)
2. Ano ang premyo ng palarong karera sa kabayo? (PUSO NI MUTYA MARIN)
3. Sino ang itinanghal na reyna ng paligsahan? (MUTYA MARIN)
4. Anong katutubong panitikan ang nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay-bagay sa
daigdig? (ALAMAT)
5. Sinong makata ang iniibig ni Mutya Marin? (GARDUQUE)

Sample No. 2
Lesson/Skill: Natutukoy ang uri ng pang-abay na ginamit sa mga pangungusap.
Panuto: Tukuyin ang uri ng pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Araw-araw ay mataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19? (PAMANAHON)
2. Mula nang siya ay magkasakit sa puso sobrang atensyon na ang ibinibigay sa kaniya.
(PAMANAHON)
3. Buong magdamag naghintay sa dalampasigan ang binata ngunit walang Mutya Marin ang
sumipot (PANLUNAN)
4. Sa buong mundo ay laganap ang iba’t ibang alamat tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang
bagay. (PANLUNAN)
5. Bilin ng ama ay guwag aalis doon ang bata ngunit hindi sumunod ang bata sa kaniyang
ama. (PANLUNAN)

Sample No. 3
Lesson/Skill: Natutukoy ang binibigyang-deskripsyon na elemento ng tula.
Panuto: Tukuyin ang binibigyang-deskripsyon sa bawat bilang.
1. pare-parehong tunog sa dulo ng mga oanghuling salita ng taludtod (TUGMA)
2. bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong (SUKAT)
3. sadyang paglayo sa paggamit ng mga karaniwang salita upang maging kaakit-akit ang
pagpapahayag ng isang tula (TALINGHAGA)
4. mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw na larawan sa isipan ng mga
mambabasa (IMAGERY)
5. mga salitang may pakahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa (SIMBOLISMO)

Sample No. 4
Lesson/Skill: Natutukoy ang binibigyang-deskripsyon na elemento ng balagtasan
Panuto: Tukuyin ang binibigyang-deskripsyon sa bawat bilang.
1. mga nagtatalo sa isang balagtasan (MAKATA)
2. pinaghanguan ng tawag sa balagtasan (FRANCISCO BALAGTAS)
3. mga tagapakinig at tagahatol din sa balagtasan (MANONOOD)
4. namamagitan sa mga nagtatalo sa balagtasan (LAKANDIWA)
5. pormal na pinagdadausan balagtasan (LAKANDIWA)

Sample No. 5
Lesson/Skill: Nasusuri ang uri ng pagpapahayag na ginamit sa bawat pangungusap.
Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng PAGSANG-AYON o
PAGSALUNGAT.
1. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon
kaysa noon. (PAGSALUNGAT)
2. Talaga pa lang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang
tularan. (PAGSANG-AYON)
3. Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.
(PAGSALUNGAT)
4. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang paraan. (PAGSANG-
AYON)
5. Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran. (PAGSANG-AYON)

Sample No. 6
Lesson/Skill: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon hinggil sa kaligirang pangkasaysayan ng
Sarsuwela.
Panuto: Ilahad ang hinihinging impormasyon sa bawat pahayag.
1. tinaguriang lola basyang (SEVERINO REYES)
2. bilang ng yugtong bumubuo sa sarsuwela (TATLO)
3. umusbong kaya humina ang sarsuwela (BOLABIL)
4. panahon kung kailan ipinakilala ang sarsuwela (PANAHON NG ESPANYOL)
5. panahon namulaklak o sumikat ang sarsuwela (PANAHON NG HIMAGSIKANG
PILIPINO AT AMERIKANO)

SAMPLE FORMATIVE TEST ASSESSMENTS

Subject: FILIPINO Grade Level: GRADE 9

Sample No. 1
Lesson/Skill: Nasusuri ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Panulaang Hapones.
Panuto: Suriin kung ang sumusunod na pahayag ay wasto hinggil sa talakayan. Isulat ang TAMA
kung ito ay wasto at MALI naman kung hindi.
1. Labimpito ang kabuoang sukat ng haiku gayundin ang tanka. (MALI)
2. Ang haiku ay pumapaksa sa kalikasan samantala sa pag-ibig naman ang tanka. (TAMA)
3. Ang tanka ay mas matanda sa haiku. (TAMA)
4. Ang akdang “The Pillow Book” ng Hapones ay sanaysay na naglalarawan sa buhay ng
Maharlika. (TAMA)
5. Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng haiku ay 5-7-5. (TAMA)

Sample No. 2
Lesson/Skill: Natutukoy ang binibigyang-deskripsyon na elemento ng maikling kuwento.
Panuto: Tukuyin ang elemento na binibigyang-deskripsyon sa bawat pahayag.
1. pagtingin kung sino ang nagsasalita sa kuwento, o kung kaninong punto de vista
nagaganap ang kuwento (PANANAW)
2. labanan ng pangunahing tauhan at ng sumasalungat sa kaniya (TUNGGALIAN)
3. dumating na sa pinakamatinding bahagi ng suliranin ang bida (KASUKDULAN)
4. balangkas ng mga pangyayari sa kuwento (BANGHAY)
5. bumubuo sa daigdig ng kuwento (TAUHAN)

Sample No. 3
Lesson/Skill: Nasusuri ang mahahalagang impormasyon hinggil sa tauhan bilang elemento ng
akdang pasalaysay.
Panuto: Basahin at suriin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag.
1. Ang tauhang lapad ay nagtataglay ng katangiang tulad din ng sa isang totoong tao.
(MALI)
2. Ang Katunggaliang tauhan ay may tungkulin na maging kapalagayang loob o sumuporta
sa tauhan. (MALI)
3. Ang pangunahing tauhan ang pinakamahalagang tauhan sa isang maikling kuwento.
(TAMA)
4. Nagbabago ang katauhan at katangian ng tauhang bilog sa kabuoan ng akda. (TAMA)
5. Ang pantulong na tauhan ay karaniwang kasama ng pangunahing tauhan. (TAMA)

Sample No. 4
Lesson/Skill: Natutukoy ang uri ng tayutay na ginamit sa pagpapahayag ng sumusunod na mga
pangungusap.
Panuto: Tukuyin ang tayutay na ginamit sa mga pahayagsa bawat pangungusap.
1. Ang batas ay remote control na kumokontrol sa demokrasya. (METAPORA)
2. Nagsasayaw ang mga dahol sa hampas ng hangin. (PERSONIPIKASYON)
3. Gamunggo ang butil ng pawis na tumutulo sa kanyang mukha dahil sa sakit na nadarama.
(SIMILI)
4. Tila anghel sa langit kung siya ay umawit. (SIMILI)
5. Lumuha ang langit sa kaniyang nasaksihan. (PERSONIPIKASYON)

Sample No. 5
Lesson/Skill: Natutukoy ang uri ng tulang liriko na binibigyang-deskripsyon sa bawat bilang.
Panuto: Anong uri ng tulang liriko ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. paksa ay nauukol sap ag-ibig na ginagamit ng binata sa panliligaw (AWIT)
2. tungkol sa pag-aalala sa yumao (ELEHIYA)
3. layuning ilarawan ang tunay na buhay sa bukid (PASTORAL)
4. awit na pumupuri sa Diyos ngunit hindi kinakanta (DALIT)
5. may labing-apat na taludtod at kalimitang nawawakas sa isang ‘di magandang pangyayari
sa buhay (SONETO)

Sample No. 6
Lesson/Skill: Natutukoy ang uri ng pang-abay na ginamit sa mga pangungusap.
Panuto: Tukuyin ang uri ng pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Aalis kami bukas. (PAMANAHON)
2. Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong dumalo. (PAMARAAN)
3. Sa lamesa naiwan ni Alexis ang kaniyang cellphone. (PANLUNAN)
4. Plano ng magkakaibigan na pumunta sa Ilocos. (PANLUNAN)
5. Mamaya ka na matulog. (PAMANAHON)

SAMPLE FORMATIVE TEST ASSESSMENTS


Subject: FILIPINO Grade Level: GRADE 10

Sample No. 1
Lesson/Skill: Natutukoy ang paraan ng pagpapahayag ng ginamit sa bawat pangungusap.
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang TP kung tuwiran ang pahayag o ang DP kung di
tuwiran.
1. Sa SONA ay inilahad ng pangulo ang kanyang programa sa pagpuksa ng ilegal na droga.
(DP)
2. Ayon sa pangulo, ang dapat na pinahahalagahan ay ang kasalukuyan at ang hinaharap na
dapat nating pinaghahandaan. (DP)
3. “Narinig ko ang mga hinaing ng mga mamamayan sa kalye na ang katarungan ay parang
guniguni na lang,” wika ng pangulo. (P)
4. “Ganyan dati, hanggang ngayon, talagang nakalulungkot.” Dagdag pa niya. (P)
5. Sinabi pa ng pangulo na nang magdesisyon siyang tumakbo bilang pangulo ng bansang
ito, alam na nia ang mga sakit ng bansa. (DP)

Sample No. 2
Lesson/Skill: Natutukoy ang uri ng tula na kinabibilangan ng sumusunod na tula.
Panuto: Suriin anong uri ng tula ang kinabibilangan ng sumusunod na tula.
1. Epiko (PASALAYSAY)
2. Mag-isang Salaysay (DULA)
3. Tulakanta (PASALAYSAY)
4. Liriko-dramatiko (DULA)
5. Tulagunam (PASALAYSAY)
Sample No. 3
Lesson/Skill: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon hinggil sa tinalakay na mitolohiya.
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang.
1. diyos na tagapaghatid ng kidlat. (THOR)
2. martilyong lumilikha ng kidlat (MJOLNIR)
3. sinturon na nagpapadoble sa lakas na taglay ni Thor . (MEGINGJARD)
4. resulta ng pag-angat sa isang paa ng pusa (PAGGALAW NG MUNDO)
5. makikita sa dulo ng tambuli (DALAMPASIGAN)

Sample No. 4
Lesson/Skill: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon hinggil sa tinalakay na parabula.
Panuto: Suriin kung wasto ang sumusunod na mga impormasyon kaugnay ng parabulang tinalakay.
1. Isang taong simbahan ang unang nakakita sa sugatang Pedring. (TAMA)
2. Si Monguiahid ang tumulong kay Pedring. (TAMA)
3. Si Monguiahid ay isang Kristiyano. (MALI)
4. Nagwakas ang parabula sa pagiging magkaibigan nina Pedring at Monguiahid. (TAMA)
5. Si Pedring ay ninakawan at sinaktan ng mga bandido. (TAMA)

Sample No. 5
Lesson/Skill: Natutukoy ang wastong pang-ugnay sa pagsasalaysay na bubuo sa diwa ng bawat
pangungusap.
Panuto: Piliin ang wastong pang-ugnay na bubuo sa diwa ng bawat pangungusap.
1. Marami ang sumubok pag-ayusin ang dalawang bansa (subalit, dahil) lahat ay nabigo.
(SUBALIT)
2. (Noon, Mula noon) Hindi na muling nag-usap pa ang magkaibigan. (MULA NOON)
3. Muling sumiklab ang kaguluhan (nang, habang) mapatay ang tatlong binatilyo mula sa
Israel. (NANG)
4. (Bago, Nang) umuwi ay nag-disinfect muna ang mga empleyado sa kani-kanilang mga
lamesa. (BAGO)
5. (Noon, Una) ay basain ang mga kamay. (UNA)

Sample No. 6
Lesson/Skill: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon hinggil sa tinalakay na kuwentong-bayan.
Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Saan ipinanganak si Rhodipis? (GRESYA)
2. Bakit hindi nakikita ng matandang lalaki na nakabili kay Rhodipis ang pagpapahirap ng
iba pang tagapagsilbi sa babae? (DAHIL LAGI ITONG TULOG)
3. Sino ang hinihinala nina Rhodipis at Amasis na kumuha ng tsinelas? (DIYOS NA SI
HORUS)
4. Alin sa mga sumusunod na hayop ang naturuan ni Rhodipis na umupos sa kaniyang
balikat? (UNGGOY)
5. Anong hayop ang nagtangay ng tsinelas ni Rhodipis patungo kay Amasis? (LAWIN)

You might also like