You are on page 1of 10

DepEd TV SDONE_LICAB ANNEX

GRADE 5: ARALING PANLIPUNAN (AP)


Quarter: 3
Week: 6
Module: 5
MELC:
Ang Pag usbong ng Nasyonalismong Pilipino
Teacher-Broadcaster: April Ann C. Tumacder

Script Writer: Helene Grace M. Lachica

VIDEO AUDIO
INTRODUCTION
GFX OV : SCENE 1:

Ang PAG USBONG NG Nasyonalismong Teacher April:


Pilipino sa Makabagong Panahon Masayang araw sa inyo, batang Pilipino !
Tama! kayo nga!

At bilang Pilipino, ay nararapat lamang na may


kaalaman kayo sa kasaysayan ng ating
bansang Pilipinas gayundin sa mga pangyayari
sa makabagong panahon .

At iyan ay ating lalakbayin sa ating asignatura!

TXT: SCENE 2:

Imulat ang mata Imulat ang mata, buksan ang isipan, ating
Buksan ang isipan lamnan ng panibagong kaalaman.

Ako si Teacher April, sasamahan kayo! na


lakbayin ang daan patungo sa karunungan sa
Araling Panlipunan!

GFX: SCENE 3:
IMAGE:
ballpen Ano muli ang mga kailangang ihanda bago tayo
Papel magsimula ng ating aralin?

Siyempre ang inyong ballpen… at papel…


Transition
Tawagin na rin sina nanay, tatay, ate, o kuya
para masimulan na ang ating aralin.
GFX TITLE CARD :
Ang Pag usbong ng Nasyonalismong
Pilipino

BALIK-ARAL
GFX SCENE 4:
Text: Mga Bayaning Pilipino na nagpamalas Natatandaan nyo pa ba ang mga pinag-aralan
ng pagmamahal sa bayan natin sa mga nakaraang leksyon?

(thinking pose)
IMAGE and Name:
Diego at Gabriela Silang
Francisco Maniago
Tungkol saan ang ating nakaraang aralin?
Juan Sumuroy Muling kilalanin ang mga nasa larawan.

Napag-aralan natin ang mga sinaunang


bayaning Pilipino na nagpamalas ng kanilang
pagmamahal sa ating bayan

Sila ang gumising sa diwang nasyonalismo ng


ating mga kapwa Pilipino sa panahon ng
Espanyol.
DRILL/ GAMES/PRELIMINARY
GFX SCENE 5:
Bayaning Pilipino, Kilala ko! Bago tayo magsimula ng ating aralin. Maglaro
muna tayo! Tingnan natin kung kilala nyo ang
ating mga bayaning Pilipino.
LOCATION CLASSROOM
Kapag ipinakita ko ang larawan, sabihin nyo
kung sino ito sa pamamagitan ng pag aayos ng
pinaghalong letra na inyo ring makikita sa ibaba
ng bawat larawan

Handa na ba kayo?

Halina!Simulan na ang ating laro.

SCENE 6:

IMAGE: JOSE RIZAL VOICE OVER


TEXT: ESOJ IRLZA
Narito ang ating unang larawan, sino ang
bayaning Pilipino na ito?
Transition (3 seconds)
IMAGE: JOSE RIZAL
Tama! Siya ang ating pambansang bayani, si
TEXT: JOSE RIZAL Dr.Jose Rizal.
(3 seconds)

IMAGE: ANDRES BONIFACIO SCENE 7


TEXT: ADRNES ONIOBAFCI VOICE OVER

Tingnan ang pangalawang larawan, nakikilala


Transition
mo ba kung sino siya?
IMAGE: ANDRES BONIFACIO (3 seconds)
TEXT: ANDRES BONIFACIO
Mahusay! Siya si Andres Bonifacio, ang Ama ng
Himagsikan.

IMAGE: APOLINARIO MABINI SCENE 8


TEXT: LINARIOA AMNIBI
Suriin na natin ang ating ikatlong larawan, alam
mo ba kung sino siya?
Transition
(3 seconds)
IMAGE: APOLINARIO MABINI
TEXT: APOLINARIO MABINI
Magaling! Siya ang tinaguriang Dakilang Lumpo,
si Apolinario Mabini.
IMAGE: Lapu-Lapu SCENE 9
TEXT: UPAL APLU Kilalanin natin ang huling larawan
(3 seconds)
Transition
IMAGE: LAPU-LAPU Magaling! Siya ang bayaning nakalupig sa
TEXT: LAPU-LAPU mananakop na si Magellan. Siya si Lapu-Lapu.

Image about Nasyonalismong Pilipino Mahuhusay kayo mga bata! Kilala nyo na ang
Txt: NASYONALISMONG PILIPINO mga bayani ng ating bansa na na nagpamalas
ng diwang nasyonalismo- diwang makabansa.

Palakpakan ninyo ang inyong sarili.


Gfx: throphy, medals
Audio: (Claps)
DISCUSSION OF THE LESSON
Title SCENE 10:
PAG-USBONG NG NASYONALISMONG
PILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON Isang malaking hamon sa atin ngayon ang
paglaganap ng virus na COVID-19, subalit
naging daan ito upang umusbong ang diwang
GFX: corona virus nasyonalismo at maipakita ang pagmamahal sa
ating bansa.

GFX: FRONTLINERS Sa simula pa lamang ng pandemyang ito, ang


(DOCTOR, NURSE, SOLDIER, POLICE, ating mga frontliners na ang unang nakasuong
FIREMAN,ETC.) sa larangan ng digmaan— tinitiis ang pagod,
sakit ng katawan, hirap ng loob.
MTV FOR OUR FRONTLINERS SCENE 12:
(PA COMPOSE PO SANA NG SONG ABOUT
FRONTLINERS NA NAGPAPAKITA NG
NASYONALISMONG PILIPINO SA
MAKABAGONG PANAHON)
Teacher:
Tayo na at kilalanin natin ang mga tao na
nagpapakita ng Nasyonalismong Pilipino sa
makabagong panahon

Kilalanin natin sila at tingnan kung bakit dapat


silang tularan at ipagmalaki..

SCENE 13:
Background Isa isahin natin ang mga larawan
Hospital setting
With other health workers (VOICE OVER ni teacher habang pinapakita
ang larawan)

Kumusta? Ako ay isang nurse. Tumutulong ako


Image: Nurse sa mga doktor sa pag-aasikaso ng mga
pasyente tuwing sila ay may sakit.

Ako ang nag-aalaga sa kanila upang matiyak


ang kanilang kaligtasan. Kasama ko rin ang iba
( pang health workers.

Background: Hospital Setting SCENE 14:


With other health workers (VOICE OVER ni teacher habang pinapakita
ang larawan)
Image Doktor
Ako naman ay isang doktor!
Kasama ko ang mga nars.
Kumusta kayo bata?

Mabuti ba ang iyong kalagayan?


Ako ang gumagamot tuwing kayo ay may ubo,
sipon , lagnat at iba pa.

Kaya nais ko na ingatan ninyo ang iyong


kalusugan.

Katulad ng mga nurse, ang doktor ay tinatawag


din na frontliner ngayong panahon na may
Covid-19. Kaagapay din namin ang ibang health
workers.

Background: Checkpoint Area SCENE 15:


Image : Sundalo , Pulis, Bumbero
(VOICE OVER ni teacher habang pinapakita
ang mga larawan)

Kami naman ay mga sundalo, pulis at bumbero

Ang trabaho namin ay ipagtanggol ang ating


bayan at panatilihin ang katahimikan. Sa ngayon
ay magkakatulong kami upang matiyak na ang
covid-19 ay hindi na lumaganap sa
pamamagitan ng pag papaalala sa inyo na
manatili kayo sa inyong tahanan.
TRANSITION
GFX: FRONTLINERS SCENE 16:
(DOCTOR, NURSE, SOLDIER, POLICE,
FIREMAN, guro security guards, drivers, Ang iba pang nagpapakita ng nasyonalismong
janitors ETC.) Pilipino o pagmamahal sa bayan ngayong
panahon ng pandemya ay ang mga namumuno
sa ating bansa,, mga guro security guards,
drayber,at dyanitor na mas inuuna ang
paglilingkod sa ating bayan bago ang sarili kaya
nararapat lamang na sila ay ating tularan,
ipagmalaki at pahalagahan.

MTV FOR OUR FRONTLINERS IPAKITA MULI ANG AWIT


EXERCISE / ACTIVITY #1
/ox SCENE 17

Gfx: lapis at papel Para sa ating gawain ilabas ninyo ang inyong
ballpen at papel.

Handa na ba kayo?
Text: Isulat ang tsek (/) kung ang
sitwasyon o gawain kung nagpapamalas ng Isulat ang tsek (/)kung ang sitwasyon o gawain
nasyonalismo o pagmamahal sa bayan at ay nagpapamalas ng nasyonalismo o
ekis (x) kung ito naman ay hindi, pagmamahal sa bayan at ekis (x) kung ito
naman ay hindi,

Text: Pagbabantay ng mga pulis at sundalo Para sa unang sitwasyon:


sa mga checkpoints ngayong panahon ng Pagbabantay ng mga pulis at sundalo sa mga
pandemya. checkpoints ngayong panahon ng pandemya.
Tsek ba o ekis?
(3 seconds)

Tama! Nagpapakita ito ng pagmamahal sa


bayan.

Text: Pagbibigay serbisyo ng mga frontliner Pangalawang sitwasyon:


sa kabila ng panganib na dulot ng COVID-19 Pagbibigay serbisyo ng mga frontliner sa kabila
ng panganib na dulot ng COVID-19. Tsek ba o
ekis?
(3 seconds)
Mahusay! Tsek ang sagot.

Text: Pakikipaglaban ng mga pulis sa Ikatlong sitwasyon:


pagsugpo ng droga na sumisira sa Pakikipaglaban ng mga pulis sa pagsugpo ng
kinabukasan ng maraming kabataan. droga na sumisira sa kinabukasan ng maraming
kabataan. Tsek ba o ekis?
Tama! Tsek ang sagot.

Text: Paglabag sa mga batas at Sa ating ikaapat na sitwasyon:


ordinansang ipinatutupad sa bansa Paglabag sa mga batas at ordinansang
ipinatutupad sa bansa. Tsek ba o ekis? Ano ang
inyong sagot?
( 3 seconds)
Magaling! Ekis ang sagot.

Pag aaral ng mabuti upang mmakakua ng


mataas na grado at makapaglingkod sa Para sa ating huling sitwasyon:
bayan. Pag aaral ng mabuti upang makakuha ng
mataas na grado at makapaglingkod sa bayan.
Tsek ba o ekis?
( 3 seconds)
Tama! Tsek ang sagot.

Nasagutan nyo ba ng tama ang bawat


sitwasyon?
Mahusay.Kayo ay ARPANALO!
(sfx applause)

SCENE 18

Ngayon subukin pa natin ang iyong kakayahan


at mga natutunan sa ating aralin.

Piliin ang masayang mukha kung ang isinasaad


na pangungusap ay nagpapamalas ng
nasyonalismo o pagmamahal sa bayan at
malungkot na mukha namn kung hindi.
Handa na ba kayo?

EXERCISE / ACTIVITY # 2

1. Pagsunod sa mga tuntuning ipinatutupad


sa pamayanan.
MASAYA O MALUNGKOT

Ang tamang sagot ay masaya.


Nararapat lamang na sumunod tayo sa mga
tuntunin sa ating pamayanan.

2. Pagpost sa facebook ng kagandahang


taglay ng Pilipinas.

MASAYA O MALUNGKOT

Ang tamang sagot ay masaya.


Mahalaga na ipagmalaki natin ang
kagandahang taglay ng ating bansa.

3. Pagkutya sa mga Pilipinong manlalaro


na natalo sa pandaigdigang paligsahan.
MASAYA O MALUNGKOT

Ang tamang sagot ay malungkot. Hindi mo


dapat kutyain ang mga natatalong manlalaro. Sa
halip ay dapat ninyo itong ipagmalaki at
suportahan.

4. Pagtangkilik ng mga produktong Pilipino.


MASAYA O MALUNGKOT

Ang tamang sagot ay masaya.


Upang maipakita ang pagmamahal sa ating
bansa, ating tangkilikin ang sariling atin.

5. Pagpapanatiling malinis ng kapaligiran.


MASAYA O MALUNGKOT

Ang tamang sagot ay masaya.


Maipapakita ang pagmamahal sa ating bansa
kung pananatilihin natin ang kalinisan nito.

Lahat ba ng mga katanungan ay nasagutan


nyo?
Kung ganon, palakpakan nyo ang inyong mga
sarili?
SUMMARY/ WRAP-UP
Background: Frontliners SCENE 19
Mga bata, tapos na ang ating aralin ngayon.

Nawa ay may natutuhan kayo.


Text: Laging tandaan na ipagmalaki at pahalagahan
ang mga kapwa Pilipino na nagpapamalas ng
diwang nasyonalismo. Sila ay ating suportahan,
✔ Ipagmalaki tularan at laging isama sa ating panalangin ang
✔ Pahalagahan kanilang kaligtasan
✔ Suportahan
✔ Tularan
✔ Ipagdasal

ASSIGNMENT/ KARAGDAGANG GAWAIN


Ngayon, kilala nyo na ang mga taong
nagpapakita ng diwang nasyonalismo sa kabila
ng pandemya.

Pumili kayo ng isa sa kanila na nakikita nyo sa


inyong barangay at sumulat ng maikling liham
pasasalamat para sa kanila.

At sa tulong ni nanay o tatay, maari mong ibigay


ito sa kanila.

EXTRO

GFX Paano mga bata, magpapaalam na ako.

Pop up Text
Muli ako si Teacher April ang iyong gurong
DIWANG MAKABANSA, gabay!
DIWANG NASYONALISMO!
Hanggang sa susunod nating pagkikita… dito
kung saan tayo ay sama-samang maglalakbay
ng daan patungo sa karunungan sa Araling
Panlipunan!
Paalam….
(kaway)

You might also like