You are on page 1of 2

Pilosopiya ng Paglilinis: Mga Dantos sa Pag-a-analisa sa Proseso ng Paghuhubog ng

Istruktura sa Pagsasa-entablado ng isang Dula

❖ Isa sa mga magugulong proseso ng pagdirihe ay ang pagkokolekta at paghuhubog ng mga


materyales sa proseso ng pagbuo ng dula. Maraming pamamaraan ang iba’t ibang
direktor sa pagsasaayos ng kani-kanilang mga nakalap na materyales para sa dula. Isa sa
mga epektibong pamamaraan ng pagsasaayos at paghubog ng dula ay ang masusing
pagsisid sa bawat materyales na kanilang nakalap. Sa prosesong ito, dumaraan hindi
lamang ang direktor, kundi pati na rin ang buong grupo, sa pagsisiyasat at pakikiramdam
sa bawat materyales na kanilang nakalap. Dito, pinapakiramdaman nila kung
nakapagdudulot ba ng ningas ang bawat materyales ng kasiyahan sa damdamin ng bawat
isa. Sa pagtatapos ng prosesong ito, maaari nang pakawalan ng grupo ang mga
materyales na hindi na kailangan (subalit marapat na pasalamatan at isapuso pa rin ng
grupo ang bawat materyales na papakawalan para sa proseso ng paghuhubog) at
isalinsing mabuti sa gabinete ng dula ang iba pang mga materyales na natira at isaayos
depende sa kategorya ng pagkasasunod-sunod.

❖ Nakakatakot man at nakapagpapalabas ng mga negatibong emosyon​ ​ang proseso ng


pagsasaayos na ito, mahalagang isentro ng buong grupo ang kanilang mga pananaw sa
huling bahagi ng masalimuot na prosesong ito, ang pangwakas na produkto. Sa ganitong
pamamaraan, matatanaw ng bawat miyembro ang nakikitang hinaharap ng direktor at ito
ang magsisilbing ningas ng bawat isa sa patuloy na pagsusumikap sa paghubog ng dula.

❖ Itong pang-araw-araw na pagsasalinsin ng mga nakalap na materyales ng grupo ang


pangunahing trabaho, hindi lamang ng direktor, kundi pati na rin ng tagapangasiwa ng
entablado. Ito ang dahilan kaya mahalagang magkaroon ng positibong pundasyon ang
gaganap sa papel na ito upang mapanatili niya ang kanyang sentro sa pagsasagawa ng
masalimuot na prosesong ito. Sa masusing pagsisid ng grupo sa paghahanap ng mga
materyales na nakapagdudulot ng kaligayahan sa kanilang kaibuturan, mahalagang
makita ng tagapangasiwa ng entablado na ang lahat ng mga nangyari, nangyayari at
mangyayari pa sa kanyang produksyon ay isang mahabang proseso ng pagsasalinsin.
Mahalaga ring pagtuonan ng pansin na hindi magiging perpekto ang paglalakbay sa
prosesong ito, magdudulot ito ng maraming pagdududa, initan at samu’t sari pang
negatibong emosyon, hindi lamang sa tagapangasiwa kundi pati na rin sa grupo, kaya
napakahalagang magkaroon ang grupo ng positibong pagtingin sa kalakhan ng prosesong
kanilang haharapin. Marapat balikan ng bawat miyembro ang kani-kanilang mga
obhetibo sa kanilang pagsisid sa prosesong ito at muli itong itimo sa kanilang mga isipan
sa kalakhang proseso ng paglikha. Masalimuot man, kailangang mahanap nila ang mga
bagay na nakapagdudulot ng kaligayahan at saya sa kanilang mga kaibuturan upang
mapanatili ang kanilang pagiging sentro sa kalakhan ng proseso ng pagbuo.

- Mga dantos na nahinuha sa panunuod ng ​Tidying Up With Marie Kondo.​

You might also like