You are on page 1of 4

Karizza Jennifer B.

Jaro

Banghay Aralin sa Makabayan

Ikaanim na Pangkat

I. Layunin
Makilala ang Iba’t Ibang angkat Etniko ng Pilipinas
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Iba’t Ibang Pangkat Etniko

Batayang Aklat:

B. Pagpapahalaga: Pagrespeto sa Iba’t Ibang Pangkat Etniko


C. Kagamitan: poster, larawan

III. Kagamitan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Pagtsek ng atendans
1. Pagbibigay ng energizer
2. Balitaan:
Ano bang balita ang napanuod ninyo Pag-uulat ng mga bata.
kagabi tungkol sa Pilipinas?
3. Pagtsek ng takdang aralin:
Kunin ang inyong mga takdang Ipinagpalit ang takdang aralin at
aralin at ipagpalit sa inyong kamag-aral. iniwasto.
4. Balik-aral:
Alam nyo ba na tayong mga Opo.
Pilipino ay nabibilang sa iba’t ibang
Pangkat etniko?
5. Pagganyak:
(Magpakita ng larawan)
Mayroon akong ipapakita sa inyo. Ano ito? Iyan po ay mapa ng Pilipinas.
Ano ba ang nangyari sa kapuluan ng
Pilipinas? Nagkakahiwalay po ang mga kapuluan.
Alam nyo ba dahil sa pagiging magkahi-
walay ang mga kapuluan ay nagbunga ito
ng pagkakaroon at tayoy nabibilang sa iba’t
ibang pangkat etniko? Hindi po.

B. Bagong Aralin
1. Pagbuo ng Hinuha:
Anu-ano ang iba’t ibang pangkat etniko ng Pilipinas?
2. Pag-alis ng balakid?
Bago ninyo sagutin ang katanungan, alamin muna natin ang kahulugan ng mga
sumusunod na salita.

a. Pangkat - grupo ng mga tao


b. Etniko -

3. Paglalahad:
Basahin ang mga poster na nakalagay sa pisara.

4. Pagtatalakay
a. Pagkatang gawin:
Bumuo ng tatlong grupo at pumili ng pitong miyembro na hahawak sa mga
pangalan ng pangkat etniko at isang lider na syang magbibigay ng sagot at pumili sa
kanyang miyembro na humawak sa mga pangalan at i.presenta sa harap. Ang
unang makatatlong puntos ang syang panalo.
5. Ano ang gagawin natin kung tayo ay nagkakaiba? magrespeto
C. Paglalahat:

Mga tanong:
Anu-ano ang mga pangkat etniko ng Pilipinas?
Anong pangkat etniko ang nakatira sa Hilagang Luzon?
Anong pangkat ang nanggaling sa Hilagang Kanluran ng Luzon?
Anong pangkat ang nakatira sa Gitnang Luzon?
Anong pangkat ang nanggaling sa kapatagan ng Luzon?
Anong pangkat ang nanggaling sa Katimugang Luzon?
Anong pangkat ang nakatira sa pulo ng Visayas at Mindanao?
Anong pagkat ang may sariling wika at kultura?
Mga bata, alam naman natin na tayo ay napapabilang sa iba’t ibang pangkat, ano sa tingin
nyo ang dapat nating gawin upang hindi tayo magkaroon ng alitan?

D. Paglalapat:

Sagutin ng mabuti ang mga tanong. Tukuyin kung anong pangkat etniko nabibilang ang
mga kahulugan.
___________ 1. Hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon
___________2. Sentro ng Luzon
___________3. Lalawigan ng Pampanga at Tarlac
___________4. Timog-silangang Luzon
___________5. Hilagang-silangang Mindanao

Sagot:
1. Ilokano
2. Tagalog
3. Kapampangan
4. Bicolano
5. Bisaya

IV. Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sila ay tinaguriang multilinggwal na Pilipino.
a. Bikolano
b. Kapampangan
c. Ilokano
d. Bisaya
2. Isa sa pinakamalaking pangkat etniko ng Pilipinas kasunod ng mga bisaya.
a. Tagalog
b. Pangasinense
c. Kapampangan
d. Bikolano
3. Sila ay ang ikapitong pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas.
a. Tagalog
b. Bisaya
c. Kapampangan
d. Ilokano
4. Sila ay nakatira sa rehiyon ng llocos.
a. Ilokano
b. Bisaya
c. Tagalong
d. Kapampangan
5. Sila ay matatagpuan sa tangway ng Timog-silangang Luzon.
a. Bikolano
b. Ilokano
c. Kapampangan
d. Bisaya

Sagot:
1. D. Bisaya
2. A. Tagalong
3. C. Kapampangan
4. A. Ilokano
5. A. Bikolano

V. Takdang Aralin
Maghanap ng mga Pangkat Etniko na nakatira sa inyong lugar at ilarawan ang mga ito. Isulat
ito sa isang buong papel.

You might also like