You are on page 1of 1

WENCE THOMAS M.

DERILO
NSTP-L001A

Una gusto ko magpasalamat at sa klaster na to ako napa punta. Una


kong nagging reaction nung nalaman ko na ang project natin is alay saya
para kay lolo at lola. Ang naramdaman ko ay nagging mas exciting kasi
gusto ko yun eh yung tutulong sa mga nakakatanda satin. Kasi hindi
naman lahat ng matatanda eh kaya natin tulongan kaya kahit sa
simplengh bagay eh napasaya natin sila. Ang naging contribution ko sa
klaster ay una nag karon kami ng plano kung paano isasagawa ang
proyekto at kung magkano ang budget na kelangan. Tapos nagkaron ng
groupings para sa sama sama ng pag punta sa Kiwanis. At napa sama ako
sa budget group. Naging masaya naman ang pagpunta naming duon kasi
nagkaron kami ng palaro nag sayaw at pinasaya naming ang mga
matatanda sa munting regalo naming para sa kanila. Naglaro kami ng
bingo at ako ay nanalo. Naging matagumpay naman kami sa aming
ginawa at nagkaron ng munting salo salo ang lahat ng andun. Ang
masasabi ko lang eh masaya ako na kayo at ikaw maam ang naging prof
namin sa NSTP. Nais ko lang po magpasalamat sa magandang experience
na nangyari saamin. Nais ko lang na sana sa susunod namagiging klaster
nyo sana ay ituloy tuloy nyo po ang pag tulong at pagbibigay saya sa mga
matatanda katulad nila o kahit sa kanino man. Dahil ang magpasaya ng
tao para sakin ay malaking bagay kasi mas mabuting ikaw ang tumulong
kesa ikaw ang tinutulongan. Maraming salamat po sa lahat maam
hanggang sa muli.

You might also like