Una gusto ko magpasalamat at sa klaster na to ako napa punta. Una
kong nagging reaction nung nalaman ko na ang project natin is alay saya para kay lolo at lola. Ang naramdaman ko ay nagging mas exciting kasi gusto ko yun eh yung tutulong sa mga nakakatanda satin. Kasi hindi naman lahat ng matatanda eh kaya natin tulongan kaya kahit sa simplengh bagay eh napasaya natin sila. Ang naging contribution ko sa klaster ay una nag karon kami ng plano kung paano isasagawa ang proyekto at kung magkano ang budget na kelangan. Tapos nagkaron ng groupings para sa sama sama ng pag punta sa Kiwanis. At napa sama ako sa budget group. Naging masaya naman ang pagpunta naming duon kasi nagkaron kami ng palaro nag sayaw at pinasaya naming ang mga matatanda sa munting regalo naming para sa kanila. Naglaro kami ng bingo at ako ay nanalo. Naging matagumpay naman kami sa aming ginawa at nagkaron ng munting salo salo ang lahat ng andun. Ang masasabi ko lang eh masaya ako na kayo at ikaw maam ang naging prof namin sa NSTP. Nais ko lang po magpasalamat sa magandang experience na nangyari saamin. Nais ko lang na sana sa susunod namagiging klaster nyo sana ay ituloy tuloy nyo po ang pag tulong at pagbibigay saya sa mga matatanda katulad nila o kahit sa kanino man. Dahil ang magpasaya ng tao para sakin ay malaking bagay kasi mas mabuting ikaw ang tumulong kesa ikaw ang tinutulongan. Maraming salamat po sa lahat maam hanggang sa muli.