You are on page 1of 4

Ligawan:Noon at Ngayon

by Psyche

"Ang tanging permanenteng bagay lamang sa mundo ay pagbabago." Sa pag-usbong ng bagong milenyo,
maraming kapansin-pansing pagbabago ang ganap na nangyayari sa ating lipunan. At isa na rito ang
panliligaw.
NOON NGAYON
* matagal ang panliligaw * mabilis...o meron pa ba?

* kailangan maimpress yung babae * dapat alam ng lalaki na impressed na sa kanya ang
babe bago siya manligaw
* kailangan ng lalaki magbigay ng roses * dapat may i-text siyang rose

* kailangan naka baring ang lalaki kapag * kailangan naka polo-shirt siyang Abercrombie &
dumadalaw Fitch
* mag-iigib pa ng tubig ang lalaki para sa babae * ilibre ka lang niya ng frapuccino sa Starbucks, ok na

* kailangan pang ligawan ng lalaki ang mga * kung ok siya sa kaibigan mo, pwede na
magulang ng babe
* kawanggawa * kawang salita

* sa bahay nagliligawan * sa telepono na lang

* sa Luneta namamasyal * sa Galleria

* 10:00 na, uuwi na yung lalaki * 10:00 na, parating na siya

* nakapomada pa ang lalaki para maayos ang * mag-cap na lang siya, ayos na
buhok
* nagsusulatan kayo * nagtetext

* flowers ang binibigay ng lalaki * flowers pa rin ;)

* kailangan haranahan ka ng lalaki * kailangan sendan ka ng ok na ring tone

* kailangan gawan ka ng tula * kailangang magsend siya ng love quotes sa text

* kailangan kamukha niya si Eddie Gutieres para * kailangan kamukha niya si KC Montero (hay...!)
sagutin mo siya
* kailangan magaling mangastila * kailangan magaling siya mag Taglish

* kailangang magaling magsipa * kailangan magaling siya magbasketball o soccer

* sina Guy and pip ang idol na love team ng mga * sina Marvin at Jolina na!
nagliligawan
* dapat naka Topsider na sapatos ang lalaki para * dapat Ferragamo o Bally and sapatos niya
maporma
* kwarta siya kapag dinala niya yung box-type na * kahon siya pag ginamit niya yun!
Lancer na kotse niya
* si Kuya Eddie pa ang hinihingan ng payo sa radyo * nandiyan si Doctor Love o si Joe D' Mango
tungkol sa pag-ibig
* kilos Maria Clara ka kapag nariyan ang * umaasta kang Ara Mina kapag nandiyan na siya
manliligaw
* mga lalaki lamang ang nanliligaw * hoy, mare! Sinagot ka na ba niya? (Aba mahiya ka
kung may sagot ka sa tanong na ito!)

Bagamat maraming pagbabagong nagaganap sa istilo ng panliligaw mula noon hanggang ngayon, sana'y
manatili pa rin ang tunay na kabuluhan nito, ang maipakita ng manliligaw ang sinseridad at malinis na
paghahangad sa kanyang nililigawan.

Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
KABANATA VII
SUYUAN SA ASOTEA

Buod

Kinabukasan, Maagang –maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng


misa, Nagyayang umuwi na si Maria.

Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng


mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong
kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan.
Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa malabon
o sa San Diego.

Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang
bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.

Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na


siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.

Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa
kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria.
Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.

Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng
kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong
Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming
magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si
Maria ay laging nasa kanyang alaala.

Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at
paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na
pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.

Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at


muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra.
Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni
maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at
ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas
naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito
patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang
mukha.

Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya
anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang
mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at
kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa
kapakanang pambayan.

Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria.
Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin.
Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."

Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si
Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat
magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.

Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos ng
dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.
Tanong

Bakit hinangad ni Don Rafael na sa ibang bansa mag-aral si Ibarra?

Sagot

Bilang lalaki nararapat lang na mapag-aralan niya ang ukol sa buhay-buhay nang
mapaglingkuran ang bayang sinilangan.

Tanong

Sinu-sino ang mga Santong pinipintakasi ng mga manlalakbay?

Sagot

Sina San Roque at San Rafael ang mga Santong dinadasalan sa tuwing naghahangad ng
matiwasay na paglalakbay.

You might also like