You are on page 1of 6

SH1634

LESSON TITLE: MGA BARAYTI NG WIKA

OVERVIEW: OUTCOMES:
Weeks 4-5, Sessions 10-15 Matapos aralin ang mga paksa, ang mga mag-aaral ay
o Pagganyak 10 min inaasahang:
o Presentasyon 230 min · naiuugnay ang mga barayti ng wika sa sariling
· Dayalek 40 min kaalaman, pananaw, at mga karanasan;
· Idyolek 50 min
100 min · nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya
· Sosyolek sa pag-unawa ng mga konseptong pangwika;
· Pidgin, Creole, at Register 40 min
o Paglalahat 30 min · natutukoy ang kabuluhan ng mga barayti ng wika; at
o Paglalapat 60 min · naiuugnay ang mga barayti ng wika sa mga
o iLS/LMS 5 min napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa
TOTAL 360 min telebisyon.

iLS/LMS (Sessions 12 & 15) 180 min

MATERIALS/EQUIPMENT: PREPARASYON:
o Computer w/ speakers · Ihanda ang mga kagamitan tulad ng speaker na
o LCD/OHP projector gagamitin sa mga gawaing panunuod o pakikinig.
o Files: 02 Mga Barayti ng Wika · Ihanda ang handout at iba pang mga kagamitang
· 02 LCD Slides 1.ppsx gagamitin para sa paksang ito.
· 02 OHP Slides 1.pdf · Ipaalam sa mga mag-aaral na ang handout ay
· 02 Handout 1.pdf maaari ng i–download sa LMS.
· 02 Teaching Materials 1.pdf · Ipaalala na laging dalhin ang Pinagyamang Pluma:
· 02 Worksheet 1.pdf Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
· 02 Worksheet 2.pdf Kulturang Pilipino.
· 02 Video 1.mp4
· 02 Video 2.mp4
· 02 Video 3.mp4
· 02 Video 4.mp4
· 02 Video 5.mp4
· Mandated Book
o Software requirements
· MS PowerPoint
· MS Media Player

PAGGANYAK:
10 min Ang Tore ni Babel
1. Ipapanuod ang 02 Video 1.
2. Itanong ang mga sumusunod:
a. Tungkol saan and video na natunghayan?
b. Paano nagsimulang magkaiba-iba ang mga wika ayon sa teoryang biblikal na
isiniwalat sa video?
c. Paano magkakaintindihan ang mga tao kung sila ay iba-iba ng wika?

Transition: “Ang wika ay behikulo ng komunikasyon kung kaya’t nararapat lamang na ito
ay matutuhan ng magamit nang maayos.”

Applicable Graduate Attribute/s: Character, Communicator, Critical Thinker

PRESENTASYON:
I. Dayalek
40 min Hane?
1. Itanghal ang Slide 1 ng 02 LCD Slides 1.

02 Mga Barayti ng Wika (Instructor’s Guide) *Property of STI


Page 1 of 6
SH1634

2. Ipaliwanag na:
a. Ang napanuod ay bahagi ng teoryang biblikal sa wika na tumatalakay sa isyu
o pinagmulan ng iba’t ibang wika sa mundo.
b. Isang patunay na ang wika ay hindi Homogenous sapagkat maraming salik
ang nakakaapekto sa pagbuo at paggamit nito.
c. Ang wika ay Heterogenous, sapagkat isinasaalang-alang nito ang mga salik
panlipunan, edad, hanapbuhay, antas ng pinag-aralan, kasarian, at iba pa.
d. Dahil dito, umusbong ang iba’t ibang barayti ng wika.
3. Atasan ang mga mag-aaral na sumangguni sa Pahina 1 ng 02 Handout 1.
4. Ipaliwanag na tatalakayin na ang mga barayti ng wika at una sa mga ito ay ang
dayalek.
5. Itanghal ang Slide 2.

6. Atasan ang mga mag-aaral na suriin ang dalawang (2) set ng halimbawa sa slide.
7. Itanong ang mga sumusunod bilang gabay sa pagsusuri:
a. Alin sa mga sumusunod ang naisulat ng tama?
b. Alin ang mali at bakit?
c. Ano pa ang mga salita o ekspresyon na may iba pang katawagan o gawi ng
pagbigkas ayon sa lugar?
d. Ano ang dayalek bilang isang barayti ng wika?
8. Itanghal ang Slide 3 bilang halimbawa.

9. Himukin ang mga mag-aaral na magbigay ng iba pang mga halimbawa ng mga dayalek
sa kanilang lalawigan o rehiyon.

Transition: Magpatuloy sa talakayan.

Applicable Graduate Attribute/s: Communicator, Critical Thinker


II. Idyolek

02 Mga Barayti ng Wika (Instructor’s Guide) *Property of STI


Page 2 of 6
SH1634

50 min Krizzy and Me


1. Ipapanuod ang 02 Video 2.
2. Itanong ang mga sumusunod:
a. Sino ang ginaya ng dalawang (2) artista sa video na napanuod?
b. Bakit kaya sila ang mga napiling gayahin bukod sa kanilang kasikatan?
c. Ano ang inyong masasabi sa gawi ng pagsasalita ng mga tao o personalidad
na ginaya?
d. Masasabi ba natin na sila ay may natatanging paraan sa pakikipag-usap o
paggamit ng wika? Ipaliwanag.
e. Sino–sino pa ang mga personalidad na madalas gayahin at bakit?
3. Atasan ang mga mag-aaral na sumangguni sa Pahina 1 ng handout.
4. Ipamahagi ang 02 Worksheet 1.
5. Talakayin ang paksa sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:
a. Ano ang idyolek?
b. Paano ito naiba sa dayalek?
c. Kailan mo masasabi na ang isang tao ay gumagamit ng idyolek?
6. Itanghal ang Slide 4 at atasan ang mga mag-aaral na alalahanin at gayahin kung
paano ang gawi ng pagsasalita ng mga personalidad sa slide.

7. Ipaliwanag na ang sosyolek ay ang paggamit ng iisang dayalek sa paraang lulutang


ang natatanging pamamaraan ng tao sa pagsasalita o pakikipagtalastasan. Bilang
resulta, markado ng mga tagapakinig o mga manunuod ang estilong ito na kapag may
gumamit ay tukoy agad kung sino ang ginagaya.

Transition: Magpatuloy sa susunod na gawain.

Applicable Graduate Attribute/s: Communicator, Critical Thinker


III. Sosyolek
100 min Keri? Push! Charot!
1. Ipapanuod ang 02 Video 3.
2. Itanong ang mga sumusunod:
a. Ano-ano ang mga wika na ginamit ng lalaki sa video?
b. Alin sa mga wikang iyon ang ginagamit ng iisang pangkat o masasabing
wikang binuo ng isang pangkat ayon sa dimensyong sosyal na kanilang
kinabibilangan?
c. Paano pinagyayaman ng ganitong uri ng wika ang ating kakayahan sa
paggamit ng wika?
d. Anong barayti ng wika ang sumasakop sa wikang ito?
e. Ano ang sosyolek?
f. Paano ito nabuo?
g. Ano-ano pa ang mga halimbawa ng sosyolek?
3. Ipapanuod ang 02 Video 4 bilang karagdagang halimbawa ng sosyolek.
4. Itanghal ang Slide 5.

5. Ipaliwanag na:
a. ang estilo ng pagsulat ay isa ring sosyolek na ginagamit naman ng grupo na
tinatawag na ”jejemon”.

02 Mga Barayti ng Wika (Instructor’s Guide) *Property of STI


Page 3 of 6
SH1634

b. maaari ring tumutukoy ang ang sosyolek sa isang pangkat o propesyon kung
saan sila ay gumagamit ng jargon o mga natatanging bokabularyo na
partikular sa pangkat o propesyon tulad ng complainant, appeal, at trial na
madalas ay jargon ng mga abogado.
6. Hatiin ang klase sa tatlong (3) grupo.
7. Ipamahagi ang mga sitwasyon mula sa ginupit na 02 Teaching Materials 1.
8. Markahan ang gawain gamit ang rubrik sa ibaba:
Kaayusan ng paggamit ng sosyolek ng
7
isang pangkat
Kawastuhan ng mga salitang ginamit 3
Kabuuan 10

Transition: Magpatuloy sa susunod na gawain.

Applicable Graduate Attribute/s: Communicator, Critical Thinker


IV. Pidgin, Creole, at Register
90 min Isa, Dalawa, o Tatlong Wika
1. Ipapanuod ang 02 Video 5.
2. Itanong ang mga sumusunod:
a. Paano mo kakausapin ang isang tao na walang alam sa iyong kinalakihang
wika?
b. Paano mo ipapaliwanag ang mga bagay-bagay sa kanya upang
magkaunawaan?
c. Ano-ano ang mga hakbang na iyong gagawin upang makipag-usap sa
kanya?
d. Ano ang pidgin?
e. Paano ito naging iba sa creole?
3. Ipaliwanag na:
a. maaaring magsimula ang lahat sa sign language o ang pagmuestra ng mga
kilos upang makipag-usap,
b. sumunod ay ang pagbibigay ng tunog o kasingtunog ng mga bagay na
siyang magiging arbitraryong pangalan ng isang bagay para sa’yo at sa
iyong kausap.
c. hindi lalaon at ang wika mo at wika ng iyong kausap ay maghahalo tulad na
lamang ng mga salita o bokabularyo. Ang wikang inyong nabuo ay ang
tinatawag na pidgin.
d. gagamitin ng mga bagong panganak na bata ang pidgin sa pag-iisip na ito
ang kanilang unang wika (native language). Gagawa sila ng mga alituntunin
sa paggamit nito. Ito ngayon ang tinatawag na creole, isang wika na
nagmula sa pidgin.
4. Itanghal ang Slide 6.

5. Itanong kung paano nila ito sasabihin kapag ang kausap nila ay:
a. pinakamatalik na kaibigan
b. ang punong guro ng paaralan
c. ang kanilang ama/o ina
d. kaibigang conyo
e. kaibigang beki/bakla
f. kaibigang tambay sa kanto
6. Tumawag ng ilang mag-aaral para imuwestra sa harapan ng buong klase ang paraan
ng kanyang pakikipag-usap sa piling pagganap.
7. Itanong ang mga sumusunod:
a. Ano ang inyong napansin sa mga gawi ng pagsasabi ng mga kataga batay
sa kausap?
b. Bakit kaya ito nag iiba-iba?

02 Mga Barayti ng Wika (Instructor’s Guide) *Property of STI


Page 4 of 6
SH1634

c. Anong barayti ng wika ang nakasasakop dito?


d. Ano ang register?
e. Paano nakatutulong ang register sa pakikipagtalastasan ng maayos?
8. Isangguni ang mga mag-aaral sa Pahina 4 o sa mga Pahina 44-49 ng kanilang
mandated book.

Transition: Magpatuloy sa susunod na gawain.

Applicable Graduate Attribute/s: Communicator, Critical Thinker, Change-Adept

PAGLALAHAT:
30 min Wika at Komunikasyon
1. Ipamahagi ang 02 Worksheet 2.

Transition: Mapatuloy sa susunod na gawain.

Applicable Graduate Attribute/s: Communicator, Critical Thinker

PAGSASAPRAKTIKA:
60 min Ako’y Filipino
1. Atasan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang maikling dula na gagamit ng lahat
ng barayti ng wika. Sabihin na ang tema ng dula ay dapat magpakita ng
pagpapahalaga sa wika at kulturang Filipino.
2. Markahan ang gawain ito gamit ang rubrik sa ibaba.
Barayti ng wika
Nagamit ang lahat ng barayti ng wika. Angkop
12
ang mga salita sa kahulugan nito sa bawat
barayti ng wika na sinalita ng bawat tauhan.
Tema
Ang dula ay umikot sa temang pagpapahalaga 8
sa wika at kulturang Pilipino
Kabuuan 20

Applicable Graduate Attribute/s: Communicator, Critical Thinker, Change-Adept

iLS/LMS:
5 min Week 4
1. Sa loob ng module na pinamagatang “Mga Barayti ng Wika”, atasan ang mga mag-
aaral na gumawa ng journal. Ipaalala na gamitin ang tanong bilang gabay sa pagbuo
ng kanilang naturang awtput.
a. Sa ano–anong pagkakataon sa buhay mo maaaring makatulong ang kaalaman
sa mga barayti ng wika?

Week 5
2. Matapos mapanuod ng mag-aaral ang video, atasan sila na sagutan ang mga
sumusunod na tanong:
a. Ano–anong barayti ng wika ang kapansin – pansin sa paraan ng pagsasalita ng
host sa programang pinanuod?
b. Sino–sino ang mga personalidad na kanilang ginaya? Bakit kaya sila ang napiling
gayahin? Ipaliwanag.

Applicable Graduate Attribute/s: Communicator, Critical Thinker

REFERENCES:
Dayag, Alma M. & Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House. Quezon City.
‘Banana Nite’ spoofs Kris TV. Retrieved from https://www.youtube/watch?v=_KjYpDu-YWU last April 1, 2016.

02 Mga Barayti ng Wika (Instructor’s Guide) *Property of STI


Page 5 of 6
SH1634

Goss In Lucky Me! Supreme Jjamppong “Hongdae” TV Commercial. Retrieved from


https://youtube.com/watch?v=BjbrpdBJEyM last April 1, 2016.
How to speak like a conyo. Conyommandments. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=7OxS5fznBuQ
last July 4, 2016.
Salitang Beki – Gay lingo (the Art of Tagalog – bekinese/swardspeak/bekimon). Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=Qd49CuwzV0g last April 1, 2016.
Tower of Babel. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=FZDfzArL42l last July 4, 2016.

02 Mga Barayti ng Wika (Instructor’s Guide) *Property of STI


Page 6 of 6

You might also like