You are on page 1of 1

Dayuhan literature

Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000), Ang wika
ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant
ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay
maaaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao, maaaring sila
ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamuhasay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal
at pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-unlad
ng teknolohiya at sensya. Bunga nito, an gating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi
umiiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit.
(Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:7)

Samantala, Ayon kay Fishman (1974), Ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende nang
Malaki sa elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelekwalisasyon ng mga terminolohiya.
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga dating di-kilalang salita sa pamamagitan ng
pagbibigay ng depenisyon, sinonim, antonym, at hayperonim ng mga bagong terminolohiya.
(Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon, P:81)

Ayon kay heanry gleason (1955) ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga salitang tunog na
pinipili ay isinasaayos sa paraang arbitrayo upang magamit ng taong may iisang kultura.

Lokal na literature

Ayon kay Dr. Aurora batnag ( kabayan 2001 ) sapagkat ang pilipinas multilinggwal at multikultural ang
ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin naipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba-t
ibang rehiyon kundi gayon din sa isang midyum ng wikang filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan
ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Ayon kay Dr. Pamela constantino sa artikulo niyang tagalog Pilipino / Filipino. Do they differ sa bisa ng
executive order No. 134 na nilagdaan ni Pangulong quezon noong Ika-30 ng disyembre, 1937 ay kinilala
ang tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng wikang Pambansa.

Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang filipino ngayon kaysa sa
kasaysayan ng bansa. may mga pamilyar na salita ang lugar na naiintindihan sa kahit saang dako ng
Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok at ngipin. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon
pa man sa usapin tungkol sa wika.

You might also like