You are on page 1of 2

Buod ng kwento ni Tata Selo

*Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na


makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa.
Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera
hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na
lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si
Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may
iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa
Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito.
Kaya nakulong si Tata Selo.
*Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata
Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang
sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya
at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang
lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at
kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo
paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at
maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng
Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at
nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang
araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong
pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang
Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito,
dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa
tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni
Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".
*Mabilis na kumalat ang usapan tungkol sa pagpatay ni Tata Selo kay Kabesa, ito'y
naging mainit na usapan ng mga tao at karamihan ay hindi makapaniwala na nagawa
nya ito, dahil halos lahat ng tao sa kanilang ay kilala siya bilang isang mabait na tao .
Sya ay kinausap ng presidente habang sya ay nasa likod ng mga rehas, at tinanong
kung bakit nya nagawa ito. Palaging sagot ni Tata Selo na tinungkod sya ng Kabesa
nang subukan nyang makiusap na huwag syang tanggalin sa pagsasaka dahil ito
lamang ang kanyang ikinabubuhay sa kanyang pamilya. Sabi ng binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo sa San Roque na hindi yun sapat na katwiran; paliwanag
nya, hindi sya nauunawaan ng mga tao, kung anuh ang rason kung bakit nya nagawa
ang nasabing krimen. May isang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong kung paano na
ang kanyang anak, si Saling, na naninilbihan kanila Kabesa. Ayaw nyang masali ang
kanyang anak sa nangyayari dahil ayon sa kanya, may sakit si Saling at mas
makabubuti sa kanya ang magpahinga at mapalayo sa kapahamakan. Matapos ang
buong araw ng pagsusuri, habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas,habang
siya ay nahandusay sa sahig, sinasabi ni Tata Selo na lahat ay kinuha na sa kanila,
wala nang natira sa kanila, bukod kasi na nasa bilanguan na siya,nwalan pa sila ng
ikinabubuhay at may sakit pah ang kanyang anak.

You might also like