You are on page 1of 2

Digital gadgets, maaaring makasama sa kalusugan ng mga bata – DSWD

by UNTV News | Posted on Tuesday, April 30th, 2013

FacebookTwitterGoogle+Share

FILE PHOTO: Isang batang babae na naglalaro ng isang smartphone game. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang bata ang sobrang paglalaro gamit
ang mga digital gadget tulad ng smartphone, tablet at iPad.

Sa Southeast England, isang apat na taong gulang ang naitalang pinakabatang digital addict sa Britanya
dahil sa pagkakalulong sa digital games gamit ang ipad ng kanyang magulang.

Sumasailalim ngayon ang naturang bata sa digital detox sa clinic ni Dr. Richard Graham sa London
matapos kakitaan ng widrawal symptoms na gaya ng dinaranas ng isang adik sa alkohol at droga.

Gagastos ng 16,000 pound o halos 1-milyong piso para sa digital detox program.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), dapat ay limitado lamang ang oras ng
pagpapagamit ng digital gadget sa mga bata.

“Pati pagkain niya hindi nakakain that is very detrimental then halimbawa yung pati pagwiwi niya
pinipigil na niya basta wag lang siya maputol sa games niya, may effect din sa health niya kasi baka
magkaroon din siya ng UTI,” pahayag ni Cheryl Pacao-Mainar, DSWD-Protective Services Bureau.

Mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet games lalo na’t nasa
developmental stage pa lamang ang isang bata.
Ayon sa DSWD, posibleng gayahin ng mga bata ang mga ginagawa ng mga character sa mga online
games.

“We’ve seen and we’ve heared stories ba dahil nakaaadik ganung types ng games, tapos pag nakakakita
yung tipong namamaril parang feeling nila madaling gawin yun kasi barilan nga yung kanilang
pinaglalaruan.”

Bukod dito, maaari ding maapektuhan ang pagaaral ng isang bata kung hindi makokontrol ang kanyang
paglalaro.

“Yung grades niya pwedeng maapektuhan, pwedeng bumaba or yung school participation niya
maaapektuhan din kasi he’d rather play than interact with other children.”

Ayon pa sa DSWD, posible ring magtulak sa isang bata na magnakaw para lamang makapaglaro sa
internet shop.

Payo ng ahensya, kung gustong pagbigyan ang mga bata na gumamit ng mga digital gadget,
magdownload na lamang ng mga application na maaaring makatulong sa paglinang ng kaisipan ng mga
bata gaya ng mga instruction sa pagbabasa.

Kailangan ding bantayan ang oras sa paglalaro nito at limitahan ang mga bata sa pagpapagamit sa mga
digital gadget.

“Kailangan lang iregulate ninyo like you allow them to play foe about 30 min then tell them na
maglolowbat kasi anak. There are limitations din sa ginagamit niyang gadgets,” pahayag pa ni Pacao. (Rey
Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)

You might also like