You are on page 1of 2

Kwentong Bayan: Ang Pilosopo (Kuwentong Maranao)

Noon ay may isang bayan kung saan ang mga mamamayan ay naging sunud-sunuran
dahil sa takot sa batas. Isang araw, napagpasiyahang mamasyal ng kanilang pinunong si
Abed sa bawat bahay ng kaniyang nasasakupan upang kaniyang makita kugn sino ang
mga nagugutom at naghihirap upang ito ay kanyang matuungan.

Napansin ni Subekat na naglalakad si Abed araw-araw upangmamigay ng pagkain sa mga


naghihirap. Kaagad itong kumuha ng bato at isinalang sa kalan upang mabigyan ng
pagkain. Dumating si Abed sa kubo at binati nito si Subekat.

Tumingin sa paligid si Abed at nakita niya ang kaldero na mayroong nilagang bato.
Sinabi ni Subekat na kunini niya kinaumagahan ang kaniyang parte dahil maryoong
itinabi para sa kanya.

Isang araw, nagkaroon ng pagtitipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor
(pangtanghaliang pagdarasal). Matapos nito ay tinanong ni Abed kung sino ang wala sa
kaniyang mga nasasakupan. Sinabi nilang wala si Subekat. Pagkatapos nito ay ipinina-
alam ni Abed sa mga tao na siya ay aalis upang magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang
ang mattitrang bakante para sa susunod na henerasyon.

Nang papaalis na siya, dumating si Subekat at sinabing sasama ito. Sinabi ni Abed na
maaring sumama si Subekat kahit hindi pa ito nagdasal. Pag-alis nila, napagtanto ni Abed
kung kasama ba talaga si Subekat o hindi.

Hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama ang bigat sa kanila.
Nagdala si Subekat ng batong singlaki ng kaniyang hinlalaking daliri.

Matapos ang mahabang paglaakbay, nagpahinga ang pangkat at naghugas upang


magdasal. Hindi sumama si Subekat.

Pagkatapos magdasal ay iniutos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan
nila ito, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay napakaliit
na bato ay nagutom dahil sa liit ng kaniyang tinapay.

Nang paalis na sila, sinabi ulit ni Abed na bawat isa ay magdala ng maliit lamang na bato,
sumunod ang lahat bukod kay Subekad na nagdala ng malaking bato.

Nang makarating na sila sa kanilang paroroonan, sinabi ni Abed na ihagis ng bawat isa sa
kanila ang bato at ito ang lupang matatamo ng bawat isa. Si Subekat ay nagkaroon
lamang ng lupang sinlaki ng bilao dahil hindi niya maihagis ang kaniyang bato.

Doon lamang nahulugan ng bato ang kanyang nakuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa
kaniyang nakuhang lupa. Dahil dito sinabi ni Abed sa kaniya na hindi ito sumusunod sa
patakaran. Sainbi pa nito na dahil siya ay suwail, wala siyang magandang kinabukasan.

You might also like