You are on page 1of 5

opic-

Filipino- URI NG PANGNGALAN

2. Content-

Pantangi
Pambalana

3. Goals: Aims/Outcomes-

Malalaman ang pagkakaiba ng pantangi at pambalana.

4. Objectives-

1.Natutukoy ang dalawang uri ng pangngalan.


2.Nakakapagbigay ng halimbawa sa mga uri ng pangngalan.
3.Nakikiisa nang may pagkukusa sa mga gawain.

5. Materials and Aids-

Flashkard
Paket-tsart
larawan
Picture Stand
Tsart

6. Procedures/Methods-

A. Introduction-

1.Anong pangalan ng paborito mong artista?


2.Anong brand ng sasakyan ang gusto mong mabili?
3.Magbigay ng mga unit ng selfon.

B. Development-

1.PANTANGI = pangngalang tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop,
gawain at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Romel, Sony, Pilipinas, Tarsier

2.PAMBALANA = balana o pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, pook, hayop at


pangyayari. Ito ay pangkalahatan, walang tinutukoy na tiyak o tangi.
Halimbawa: lalaki, telebisyon, bansa, puno

C. Practice-

Isulat sa patlang ang T kung ang uri ng pangngalan ay pantangi; B kung pambalana at L kung
lansakan ang salitang nasa loob ng panaklong.

______ 1. Ang mga (Amerikano) man ay nanakop din sa Pilipinas.


______ 2. Ang mga (timawa) ay may pag-aari at hindi naglilingkod bilang alipin.
______ 3. Mga (hukbo) ng mga Pilipino at Amerikano ang lumaban sa mga Hapon.
______ 4. Si (Ferdinand Magellan) ang nakatuklas sa Pilipinas.
______ 5. Ang (koponan)ng mga Hapon ay natalo sa pagbabalik ng mga Amerikano.

D. Independent Practice-

Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at
PT kung pantangi.
_____ 1. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas sila nag-aaral.
_____ 2. Dentista ang mga magulang niya.
_____ 3. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.
_____ 4. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
_____ 5. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.

F. Checking for understanding-

1.Ano ang dalawang uri ng pangngalan?


2.Ano ang pagkakaiba nito?
3.Paano natin masasabi kung ito'y pantangi o pambalana?

G. Closure-

1.Naiintindihan niyo ba ang dalawang uri ng pangngalan?


2.May mga katanungan pa ba kayo?

7. Evaluation-
Isulat sa patlang kung ang lipon ng mga salita ay parirala, sugnay o pangungusap.
______________ 1. masigasig na nagtatrabaho
______________ 2. dahil delikado ang panahon ngayon
______________ 3. kumuha ka ng tubig
______________ 4. kung nag-aaral ka
______________ 5. tara na

You might also like