You are on page 1of 7

Displaying Filipinos

A Book Review Outline


History Department
College of Liberal Arts
De La Salle University - Manila

In partial fulfillment
Of the course requirements
For Ethnic History

SUBMITTED TO:
Dr. Lars Raymund C. Ubaldo

SUBMITTED BY:
Palacay, Aaron Louise A.

2nd day of March, 2019

1
Displaying Filipinos
ni Benito Vergara

Ang Displaying Filipinos ay nagpapakita ng kakaibang perspektibo patungkol sa pagkuha

ng larawan. Sa pagdaanan ng panahon ay nagbago ang perspektibo sa pagtingin ng pagkuha ng

mga larawan. Marami ang nag-iisip na ang pagkuha ng larawan ay isang sining lamang na

nagpapakita ng kagandahan ng isang bagay ngunit may malalim itong pagsasalarawan kung

aalamin at susuriin natin ang naging ksaysayan ng potograpiya kung kaya’t hanggang ngayon

ay nandito parin ito hanggang ngayon.

Sa libro ni Benito Vergara ay binigyang pansin niya ay ang pangyayaring paglantad at

pagkalat nito sa pamamagitan ng teknolohiya. Taong 1995 nang isulat niya itong aklat na ito na

kasalukuyan namang tinatapos ang kanyang pagka-doktorado sa Cornell.

Sa simula ng kanyang libro ay tinawag niya itong Kodak Zone na kung saan ang naging

gabay sa kanya sa pagbuo ng perspektibo ay ang aklat ni Frank Millet na nagsulat ng kanyang

karanasan patungkol sa Pilipinas noong ika-19 na siglo. Ito ang naging susi sa kanyang pag-

aaral patungkol sa pagkuha ng larawan o potograpiya.

Batay sa libro ni Vergara, nahahati sa dalawang dahilan ng pagkakaroon ng interes ang

mga Amerikano sa bansa. Una ay ang pagkuha ng tiwala at pagsunod ng mga Pilipino,

paglawak ng kanilang nasasakupan. Ayon din kay Millet na hindi sapat ang mga libro

patungkol sa pakikipagsapalaran ay hindi magkakaroon ng kasiyahan ng buong sandaigdigan


2
patungkol sa isang bagay o lugar gaya na lang ng mga lugar na nasakop ng mga Amerikano at

isa na rito ang Pilipinas. Upang madala ang Pilipinas ang Pilipinas sa “kodak zone” sa

pamamagitan ng pagkuha nito mula kalabuan nito parang maging totoo at kapani-paniwala sa

mambabasa.

Pinakita rin dito ni Vergara ang pagkakaroon ng koneksyon at relasyon ng katotohanan sa

potograpiya. Namulat ang mga tao sa ideya o konsepto ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng

isang larawan ay sa pamamagitan ng pagkakaron ng tama, totoo at magandang layunin. Ngunit,

sinasabi ni Vergara sa kanyang aklat na linlangin mula sa totoong pangyayari.

Sa pagtingin ng mga larawan ay mayroon tayong bagay na isinasaalang-alang kung paano

ba dapat tingnan o bigyan ng kahulugan. Halimbawa na lang isang larawan na mayroong salita

na nagbibigay larawan at dahil dito, ipinapakita nito na limitado ang ating pag-unawa sa isang

bagay. Sa sitwasyong ito, makikita kung paano ang larawan ay ipinakita, dahilan kung bakit ito

naririto at binigyang halaga ang pagsasalarawan sa mga ito. Patunay lamang na taliwas ito sa

tunay na layunin ng potograpiya.

Pagdating sa layunin ng paggamit ng larawan, ang konteksto ng pagsakop ng mga

Amerikano sa Pilipinas na ang potograpiya ay magsisilbing pagpapatibay sa naratibo ng

“Manifest Destiny” o paglawak ng nasasakupan. Ang paglalarawang ito ay umabot sa

pagpapakita na kailangan ang Estados Unidos ng Pilipinas upang maging maunlad at sibilisado

ang mga ito. Gaya ng ilang larawan na ipinakita sa libro patungkol sa isang tao na katutubo na

nagpapakita ng pagbabago mula sa tatlong pagsasalarawan sa bawat larawan. Ang unang

3
larawan ay nagpapakita na ang katutubo ay puno ng buhok sa kanyang mukha at may mahabang

buhok. Sa isa namang larawan, pinakita naman ang pagbabago mula sa kanyang kaanyuan gaya

ng pagkakaroon ng maikling buhok at nakasuot na ng damit. Samantala sa ikatlong larawan,

pinakita naman ang isang katutubo bilang isang kasama sa sandatahang lakas. Ito ang nais

ipakita, ang bawat pagbabago na dala ng pananakop sa Pilipinas ng mga Amerikano sa mga

katutubo.

Pagdating sa ika-anim na bahagi o yugto ng libro, pinakita dito ang Pilipinas bilang

sentro ng reserbasyon na ginawa ng mga Amerikano. Mula dito ay nilipon nila ang mga

katutubo mula sa iba’t-ibang parte ng bansa na lalangin muli ang kani-kanilang seremonya ng

bawat tribo sa bansa para sa mga dayuhang Amerikano. Dahil dito, ang mga katutubo ay

sumunod sa sinabi ng mga Amerikano na gagawin lang ang mga seremonya sa importante

pangyayari gaya na lang ng pagtalaga ng bagong pinuno sa isang lugar upang maipakita o

mailantad sa mga dayuhan o bisita. Ngunit ayon kay Vergara na ito ay naging mahalaga sa

bawat isa dahil pinakita nito ang mga Amerikano na nagmula sa iba’t-ibang katayuan gaya ng

nasa gobyerno, akademya at gayundin ang mga nasa pribadong sektor na nakatulong sa

paglabas ng tunay na paglalarawan sa Pilipinas. Resulta nito ay hindi lamang ang pagkilala ng

mundo sa mga Pilipino ngunit bilang isa sa nasasakupan ng mga Amerikano.

Isa sa mga bagay na tinitingnan ng mga tao pagdating sa larawan o potograpiya ay ang

kamatayan. Ito ay isa mga binigyang pansin ni Vergara mula sa kaniyang libro gaya na lamang

ng koneksyon ng kamatayan sa potograpiya. Ang ideyang ito, nais ni Vergara na ang pagkuha

4
ng larawan ay hindi lamang para sa sa pagtatala ng mga impormasyon kundi ang pagpapakita

ng kanilang pagiging malakas at tanyag. Kaugnay nito, binigyang punto at halaga ang ideya ng

kamatayan sa libro ni Vicente Rafael na pinamagatang ‘White Love and Other Events in

Filipino History matapos mailathala ni Vergara ang kaniyang libro. Dahil dito, nagkaroon ng

dalawang perspektibo mula sa pagtingin ng dalawa patungkol dito. Ayon kay Vergara, ito ay

inihahalintulad niya sa isang hayop na pinatay ng isang mangangaso. Sa argumentong ito,

makikita na unti-unti nila itong pinapahirap at namamatay ang mga Pilipino ng mga Amerikano.

Taliwas naman ito sa perspektibo ni Vicente Rafael na tiningnan niya ito sa ibang aspeto o

angulo.

Sa perspektibo ni Rafael, tiningnan niya ito sa ibang pamamaraan at sa malaking

perspektibo. Tingnan niya ito batay sa karahasang nangyayari na nagpapakita sa katatayuan

mga tao na kung saan ay magdadala ng mensahe na may malalim na pagpapakahulugan na hindi

magbibigay daan sa pagpasok ng mentalidad ng kolonyalismo sa pasasagawa ng mga

nakasanayang gawain na magpapalantad at tataliwas sa nangyayari.

Sa akdang ito, nais lamang ni Vergara na ipakita ang bagong perspektibo patungkol sa

isang kabanata na magulo at hindi maayos na pamamamalakad sa ating kasaysayan ng bansang

Pilipinas. Nais din niya ipahiwatig na ang mga larawang ito ay hindi lamang titingnan sa

panlabas na kaanyuan at mababaw na pag-intindi bagkus ay lawakan ang pag-intindi sa mas

malalaim na interpretasyon na may nakatagong kuwento at pagpapakahulugan ito. Para naman

5
kay Rafael, mas bigyang pansin ang hindi gaanong pagbibigay-pansin ang pagtingin sa mga

larawan dahil magreresulta lang ito sa nangyari noong nakalipas na panahon.

Para sa aking perspektibo, ang mga larawang ito ay nagpapakita lamang ng dalang

mukha. Ang katotohanan ang kasinungalingan sa likod ng mga larawan. Sa aspeto ng

pagpapatotoo kung ano ang nasa larawan ay isinasaalang-alang batay sa layunin nito, sa

balanseng pagtingin sa pagkuha sa larawan at base sa pagtingin ng tao dito at pagpapatotoo at

pagpapatibay na nangyari ang mga ito. Sa kabilang banda, hindi maiiwasan na maaring din

itong baguhin at manipulahin ang perspektibo o pagtingin nito mula sa pagtingin ng mga

nakaraang pagtingin dito. Gaya na lamang ng pagtago sa tunay na pangyayari upang

mapagtakpan ang mapanlinlang na kaanyuan. Ang pagmamanipula sa totoo pagpapakahulugan

sa larawan ay nangyayari sa bago kunan ang isang pangyayari o tao dahil tinatanggal nito ang

elemento ng potograpiya at ito ay pagsasalarawan ng totoong nagyayari at walang kaakibat na

panlilinlang.

Ang potograpiyang ito ay nagsisilbing pagpapaalala na ang pagsasalarawan at

pagpapatotoo ay isang lehitimong proseso sa pagyakap ng mentalidad ng kolonyal. Sa kabilang

banda, ang potograpiyang ito ay nagsilbing pagpapatunay ng lahat ng mga nangyari sa mga

nakalipas na panahon mula sa pagkawala ng mga ito sa pangmatagalang panahon. Ito rin ang

magsisilibing tulay upang mahagilap ang mga kwento sa mga nakaraan kahit may mga ilang

pagbabago o panlilinang na kasama ay makakatulong ito sa pagbuo ng isang identidad.

6
7

You might also like