You are on page 1of 33

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang

pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang

mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang

bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon,

pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ito ay talagang

napakahalaga dahil kung wala ito, ang ekonomiya ay

hindi lalago.

Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating bansa

lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng

wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe katulad nalang

ng mga ginagamit ng bakla o “beki” na kadalasan tinatawag na “beki language”.

Marami nang nadulot na impluwensya ang mga pagbabagong ito lalong-lalo na sa

mga kabataan. Tunay na nga na ang wika ay buhay. Ito ay patuloy na nagbabago at

umuunlad sa paglipas ng panahon. Ito ay yumayaman at yumayabong dala ng iba’t

ibang salik na nakakaapekto dito. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay isa sa

panguhaning dahilan sa pagkakabuo ng mga bagong salita na tinatanggap at

tinutugunan ng lipunan. Ang mga salitang ito ay nagkakaroon ng kanyang kahulugan

at kahalagahan ng lipunang pinaggagamitan nito. May mga salitang naibaon na sa

1
limot, may ‘di na maunawaan ng karamihan, may umuusbong, may bumabalik ngunit

may iba ng pakahulugan.

Ang wika ay nagbabago, lumuluma, lumilipas at kumukupas. Maibabalik lang

ito kapag ang isang bagay ay may katuturan o maysaysay sa wika o buhay ng isang

tao mabibigyan ng kahulugan ang mga wika hango sa ating katutubong ninuno,

nagbabago ang wika natin kapag may bago tayong gusto nating idaan sa biro, kaya

ang wikang Centennial ay marami ng pinagdaanan o maraming bersyon na tayo ay

pinasalin-salin alin ang mga wikang Centennial na napapanahon ngayon. Ito ay isang

lengguahe na hindi makakalimutan ng isang tao o mamayan ng bansa. Hindi

nawawala ang lengguahe sa isang bansa na walang umuuso o hindi naa-angkop sa

napapanahon ngayon. Ang wikang Centennial ay isa sa pinakakilalang ginagamit ng

mga kabataan ngayon. Hindi nawawala kahit saan ka magpunta. Ang wikang

Centennial ay hindi kinakailangan araw-arawin ang paggamit nito, bagkus huwag

natin kakalimutang gamitin ang wikang Filipino na ating ginagamit bago umusbong

ang mga Centennial Words.

2
SULIRANIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapapatunayan ang Epekto ng paggamit ng

Centennial Word sa Pakikipagkomunikasyon sa mag-aaral ng Benigno “Ninoy” Aquino

High School at kung ang paggamit ng centennial word ay makakatulong upang mas

magkaroon ng mas mabuting pagkaunawaan sa pakikipagkomunikasyon ng bawat

isa sa kanilang ginagamit na wika.

Ang mahigit na pag-unawa sa paksang pinagtutuunan ng pananaliksik ay ang

Epekto ng Paggamit ng Centennial Words sa Pakikipagkomunikasyon ng Baitang 11

sa Mataas na Paaralan ng Benigno “Ninoy” Aquino. Gamit ang mga sumusunod na

gabay, higit na napalalalim ang pag-unawa sa nais na matamong kasagutan ng mga

mananaliksik:

1. Ano-anong mga salitang Centennial ang umusbong noongtaong 2017?

2. Saan nagmumula ang “Centenial Words” na ginagamit ng mga mag-aaral sa

kanilang pakikipag-ugnayan?

3. Paano makakatulong ang paggamit ng “Centenial”sa pakikipagkominikasyon?

3
BATAYANG KONSEPTWAL

Mga Mag-aaral

Centennial Words
2017

Komunikasyon

Masamang
Mabuting Epekto
Epekto

Ipinakikita sa balangkas na ito na tumutukoy sa pananaw ng bawat

tao sa mundo lalo na ang mga mag-aaral ukol sa pag gamit ng centennial words. Nais

ng mga mananaliksik malaman kung ano ang mga centennial words na umusbong sa

taong 2017 na siyang dahilan sa paggamit ng mga mag-aaral sa kanilang pakikipag-

usap. Dahil sa ito ay uso o napapanahon, ginagamit ito ng mga mag-aaral sa kanilang

pakikipagkomunikasyon upang mag bigay aliw sa kausap. Sumusunod tayo sa kung

ano ang namamanahon ngayon. Nais ng mga mananaliksik kung ano ang naging

4
mabuti o masamang epekto ng paggamit ng centennial words sa kanilang

Pakikipagkomunikasyon sa kanilang kamag-aral.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa, maging ng

mga tao, sapagkat ito ang mas ginagamit natin sa ating pakikipagkomunikasyon,

pakikipag-ugnayan at sa pakikipagtalastasan ng bawat

mamayan. Ito’y napakahalaga, dahil kung wala ang wika hindi nagkakaunawaan o

nagkakaintindihan ang mga taong kabilang sa isang bansa.

Sa mga mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay makakatulong dahil ito ay

magsisilbing lunsaran upang malaman nila ang positibo at negatibong epekto ng

centennial words sa kanilang pakikipagkomunikasyon.

Sa mga magulang, nakakatulong ang pananaliksik na ito upang mabigyang

impormasyon ang mga magulang sa paggamit ng Centennial wordsng mga anak nila

at makasunod sila sa mga ginagamit ng kanilang mga anak na lengguahe.

Mahalagang malaman nila ang mga umuusbong na salita upang higit na maunawaan

nila ang kanilang anak.

Sa mga guro, mahalaga na malaman nila ang mga Centennial words upang

makasunod o maintindihan ang ibang salita na ginagamit ng kanilang magaaral.

Maaari rin nila ito magamit sa pagtuturo upang makibagay at mas mapukaw ang

atensyon ng kanilang estudyante sa pag aaral para sa kanilang paraan ng pagtuturo.

5
Sa mga susunod na mananaliksik, ang pag aaral na ito ay makakatulong sa

mga susunod na mananaliksik bilang sanggunian na pagkukuhanan ng mga

impormasyon na may kinalaman sa pag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON

Saklaw ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa Benigno “ Ninoy”

Aquino High School na nasa Baitang labing-isa. Ang pananaliksik na ito ay lumilita sa

mga estudyante na mahilig gumamit ng centennial words. Ang detalye na isinagawang

pananaliksik ay kinalap sa pamamagitan ng isang “survey” sa loob ng paaralan ng

Benign “Ninoy” Aquino High School-Senior High School ng Makati Cty sa loob ng

ikalawang semester ng School Year 2017-2018. Ang kabuuan ng mga tagatugon ng

mga mananliksik ay ang mga mag-aaral sa Senior High School lamang.

Maipapakita ng mga mananaliksik ang naging epekto ng paggamit ng

centennial words sa kanilang pakikipagkomunikasyon. Dahil ang wika ay nagagamit

sa nasabing paksa, nais malaman ng mga mananaliksik kung ito ba ay mayroong

naging magandang epekto sa mga mag-aaral, ganoon na din sa kanilang pag-aaral.

6
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga

sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:

Balbal- Ang balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga

salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din

itong kanto o salitang kalye

Barayti- Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika

depende sa kultura ng isang lugar sa panahon o henerasyon o kaya’y sa antas

ng taong gumagamit at nakakaintindi nito.

Centennial- Ito ay tumutukoy sa mga kabataan na ipinanganak sa taong

2000 hanggang sa kasalukuyan.

Centennial Words- Tumutukoy sa mga salitang umusbong sa taong 217

na ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pakikipag-usap

Epekto- Ito ay ang mabuti at masamang epekto sa paggamit nila ng

centennial words sa kanilang pakikipagkomunikasyon sa kanilang kamag-aral.

Lipunan- Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng

kaatangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakugnay ng bawat

isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon.

Pakikipagtalastasan- Ay ang proseso ng pagbibigay at pagtatanggap,

nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman,

7
kaisipan, impresyon at damdamin. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng

pagkakaunawaanat kaunlaranan ng lipunan.

Wika- Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito

ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais

sabihin ng kaisipan.

8
KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

LOKAL

Ayon kay Maynard Delfin, Binansagang Millennials ang mga kabataang

ipinanganak mula 1980s hanggang 1990s. Tinatawag din silang Generation Y o

‘millennial generation’. Ang salitang millennial ang ginagamit na deskripsyon sa isang

indibidwal na lumaki at nagkaisip sa panahon ng ika-21 na siglo. Ang eksaktong

panahon ng mga millenial babies ay nagkakaiba batay sa kung sino ang nagbibigay

ng kahulugan nito.

Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000),

Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago.

Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon.

Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadadagdagan ng mga

bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao, maaaring sila ay

nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamuhasay na halimbawa nito ay ang

mga salitang balbal at pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga

katawagan ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at sensya. Bunga nito,

angating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon. May mga

salita ring maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit.

Samantala, Ayon kay Fishman (1974), Ang pagpaplanong pangwika ay

9
nakadepende nang Malaki sa elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng

intelekwalisasyon ng mga terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng

pagdaragdag ng mga dating di-kilalang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng

depenisyon, sinonim, antonym, at hayperonim ng mga bagong terminolohiya.

Ayon kay Rosa Visa Ann B. Arocha, Ang wika ang maituturing na

pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang

wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa mga

hamon ng buhay.

Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag pinagsama-sama ay

maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan, o kung

sino pa man na kakilala natin.

Ang Pilipinas, bagamat isang archipelago, na binubuo ng 7,107 na mga pulo na

mayroong iba’t-ibang diyalekto ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa

pamamagitan ng paggamit ng iisang wika, ang wikang Filipino! Kaya naman kahit may

iba’t-ibang kultura, relihiyon at paniniwala sa bawat panig ng Pilipinas, nagkakaisa

parin ang bawat mamamayan ng ating bansa sa paggamit ng wikang Filipino.

Ayon kina Nica Molate at Elaine Latiza, ang millennilas ay madalas natin naririnig

ngunit karamihan saatin ay di alam ang ibig sabihin nito. Ang mga millennials daw ay

ang mga taong nabibilang sa generation Y o Net Generation na kung saan kinalakihan

na ang paggamit ng kompyuter at internet sa kanilang pang araw araw na buhay. Sa

ating generasyon ngayon ay halos lahat ng kabataan ay marunong ng gumagamit ng

internet at halos taon taon ay mabilis na nagbabago ang mga teknolohiyang ginagamit

10
natin. Para makasunod sa mga uso, nais din nating malaman ang mga pagbabago sa

ating paligid kaya ang tanong ko sayo, Isa kaba sa mga millennials na napag iwanan

na pagdating sa mga nauusong salita ngayon? Nais mo bang makahabol at

maunawaan ang mga salitang karaniwang ginagamit ng iyong mga kakilala lalo na sa

social media? Kung ganon kami ay naglista ng iilan sa mga patok at mga nauusong

salita ng mga millennials na maaaring makatulong sayo upang ika'y makasunod at

makaunawa sakanila.

Ayon kay, G. Joey Arrogante, Ang mga salitang lalabas o dapat mamutawi sa

iyong bibig ay mabubuti. Hindi dapat makakasakit sa kapwa. Kaya nga lamang sa

panahon ngayon. Iba iba na ang maririning sa mga kabataan nakagugulat dahil kahit

may pinag aralan ay nalilihis ang pagsasalita. Tama kayang sabihin na ang

pagsasalita ay inaayon mo sa uri ng iyong kausap? Kung ang iyong kaharap o kausap

ay mahilig mag salita ng mga salitang kanto ay gayon din ba sa iyong sasalitain?

Ayon kay Mendoza (2004), Ang makasining na paraan ng wastong pagpili at

akmang paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at

kasiyangsiyang pagpapahayag ng diwa.

Ayon kay Gette, ang balbal o islang na salita ay ang di pamantayang paggamit

ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din

itong salitang kanto o salitang kalye. Halimbawa nito ay parak, lespo (pulis), iskapo

(takas), atik (pera), erpats (tatay), jokla (bakla), tiboli (tomboy), at marami pang iba.

11
DAYUHAN

Para kina Neil Howe at William Strauss, ang mga may-akda ng libro na nailimbag

noong 1991 na Generations: The History of America’s Future, 1584 to 2069 at

nagpasimula ng salitang millennial, ang mga ‘millennia’ ay mga indibidwal na

ipinanganak sa pagitan ng 1982 at 2004.

Sabi ni J. Lee (2015) Good grammar is essential to speaking language, the correct

deliberation of grammar enables one to write meaningful sentences and makes

speaking possible for one to communicate clearly and effectively.

Ayon kay Cafford (1965), Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang

pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas.

Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga,

dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal,

nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang

kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano ito

nabuo.

Ayon naman kay J, Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan

na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang

tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit

din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang

iba’tibang opinion at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay,

sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa

kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa.

12
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang

sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinion, mga personal na

obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay isang sisidlan na siyang

nagpapahay ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan

din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa

maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura,

sining at pagkabansa ng isang bayan.

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Sosyalek naman ang tawag sa

barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga

pangkat panlipunan. Halimbawa nito ang wikang gamit ng mga estudyante, wika ng

matatanda, wika ng kababaihan, wika ng preso sa kulungan, wika ng mga bakla, ng

kabataan at iba pang mga pangkat. Makikilala ang iba’t-ibang barayti nito sa

pagkakaroon ng kakaibang rehistro na natatangi lamang sa pangkat o grupo na

gumagamit ng wika.

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), Ang balbal na salita ay ang di pamantayang

paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang

antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang

bigkasing madalas ang mga salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung

hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito.

Ayon kay Wikipedia, Ang salitang balbal ay ang mga salitang nabubuo sa mga

pinagsasama o pinagdugtong na salita, maaari itong mahaba o maikling salita

lamang. Ang salitang balbal naman ay maiuugnay sa salitang “bakla”.

13
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang isinasagawang pag-aaral na ito ay gumamit ng paraang deskriptibonganalitiko.

Sa maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang Descripitive Survey Research

Design ang angkop na napili ng mga mananaliksik. Ang nasabing uri ay ginagamitan

ng mga survey questionnaires o talatanungan na pupunan ng mga respondent at

siyang panggagalingan ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik ang

disenyong ito ang pinakaangkop gamitin sapagkat mas madaling kumuha ng mga

kinakailangang datos mula sa maraming bilang ng mga respondente

RESPONDENTE NG PAG-AARAL

Ang mga napiling respondent sa pag-aaral na ito ay mga estudyante sa Baitang

11 sa taong panuruan 2017-2018 sa Mataas na Paaralan ng Benigno “Ninoy” Aquino.

Sa kasalukuyan ay may apatnapu’ng mag-aaral ng Senior High sa Baitang 11 na

binubuo ng seksyon Descartes, Suite, Deluxe at Paradise. Sila ang aming napili bilang

maging respondent dahil nais naming malaman kung paano nakakaapekto sa kanila

bilang mag-aaral at kabataan ang paggamit ng centennial words sa kanilang

pakikipagkomunikasyon.

14
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Napagkasunduan ng mga mananaliksik na magkaroon ng talatanungan o

sarbey bilang pangunahing instrumento sa pagtuklas ng mga datos.

Ginamit ang talahanayan bilang pangunahing instrumento upang maipakita ang mga

datos at impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral na ito. Bawat magaaral ay

makatatanggap ng (1) isang papel na may nilalaman na mahalagang katanungan na

may apat hanggang anim na pagpipilian, ang mga tanong na nakapaloob sa papel at

pangkaraniwang tanong na humihingi sa personal na opinion ng bawat korespondent

at hindi kailangang malaking kaalaman

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pagtally at pagkuha ng porsiyento sa bawat seksyon ng Baitang 11 ginamit sa

pagkuha ng ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente. Dahil sa

pamanahong papel na ito ay pasimulang pag-aaral pa lamang at hindi naman isang

pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri kung kaya’t ginagamit lamang ang

porsyento o bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat aytem sa talatanungan ang

inalam ng mananaliksik, nagiging madali para sa mananaliksik ang pagkuha ng

porsyento dahil bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas sa porsyentong

niyon.

15
KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang bahaging ito ay naglalahad ng resulta ng pag-aaral sa Centennial

Words 2017: Epekto sa Pakikipagkomunikasyon ng Baitang 11 sa Mataas na

Paaralan ng Benigno “Ninoy” Aquino

TALAHANAYAN 1

Limang Centennial Words na Pinakamadalas Ginagamit sa Taong 2017


Centennial Words Porsyento

Lodi 66%

Petmalu 60%

Werpa 50%

Totga 6%

Arat 6%

Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang Limang Centennial Words na kalamita’y

madalas ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pagkikipagkomunikasyon.

Ang limang Centennial Words na pinakamadalas ginagamit nila sa

pakikipagkomunikasyon sa taong 2017 ito ay ang mga sumusunod:

Lodi,Petmalu,Werpa,Totga at Arat. Sa salitang Lodi, may animnapu’t anim na

porsyento ang gumagamit ng Centennial Words 2017 dahil ito ang salita na

palaging ginagamit o binabanggit nila sa araw-araw.Animnapu naman sa

salitang Petmalu dahil ginagamit nila ito sa mga taong malulupit,sa Werpa ay

16
limapu lang ang gumagamit dahil binabagay lang ito sa mga pangyayari,sa

Totga naman may anim na porsyento lang ang gumagamit ng salitang ito dahil

hindi lahat ng mag-aaral ay alam ang salitang totga.Sa Arat naman may anim

din na porsyento ang gumagamit nito dahil hindi ito pamilyar sa kanila.

17
Grap blg. 1

Lugar kung saan madalas ginagamit ang Centennial Words

17%

31%
10% Paaralan
Social Media
Bahay
42% Iba pa

Ipinapakita sa Grap blg. 1 na ang Social Media ang may

pinakamataas na porsyento na may apatnapu’t dalawang porsyento na kung saan

madalas ginagamitan ng mga estudyante ng Centennial Words. Dahil sa madalas na

gumagamit ang mga estudyante ng social media, dito nakakakuha ng mga estudyante

ang mga ideya tungkol sa nauusong salita, Sila rin ay napapagaya dahil ito’y nakita

nila mula sa tulong ng social media. Ayon kina Nica Molate at Elaine Latiza, ang mga

millennials daw ay ang mga taong nabibilang sa generation Y o Net Generation na

kung saan kinalakihan na ang paggamit ng kompyuter at internet sa kanilang pang

araw-araw na buhay. Sa ating generasyon ngayon ay halos lahat ng kabataan ay

marunong ng gumagamit ng internet at halos taon-taon ay mabilis na nagbabago ang

mga teknolohiyang ginagamit natin.

18
Paaralan ay may tatlumpu’t isang porsyento, dahil sa kumakalat na ang

mga bagong salita, may mangilan-ngilan na estudyante ang gumagamit ng Centennial

Words sa kanilang pakikipag-usap sa loob ng paaralan.

Samantalang may sampung porsyento naman ng mga mag-aaral ang

gumagamit ng mga nauusong salita sa loob ng kanilang bahay at may labing pitong

porsyento naman para sa mga mag-aaral na nagsasabing sa iba pang lugar nila ito

ginagamit sa kanilang pakikipagkomunikasyon.

19
Grap blg. 2

Mga dahilan kung bakit gumagamit ng Centennial Words sa

pakikipagkomunikasyon

7%

15%
Napapanahon
56% Nakasanayan
22%
Komportable
Iba pa

Ipinapakita sa Grap blg. 2 na may limampu’t anim na porsyento

ang nagsasabi na kaya nila ito ginagamit dahil ay ito ay nauuso o napapanahon.

Samantalang may dalawampu’t dalawang porsyento ang nagsasabi na kaya nila iyon

ginagamit sa kadahilanang iyon ay kanilang nakasanayan o nakagawian. Ayon kina

Nica Molate at Elaine Lotiza para makasunod sa mga uso, nais din nating malaman

ang mga pagbabago sa ating paligid upang tayo’y hindi magmukhang mang-mang sa

paningin ng iba. Kaya sila’y nakikiuso, para ay masabing sila’y “in” sa nangyayaring

pagbabago sa panahon ngayon at ang iba naman ay ito’y kanilang nakasanayan na

sa kung paanong paraan sila makipag-usap sa kanilang kapwa. Sapagkat may labing

limag porsyento naman ang nagsasasbi na kaya nila ito ginagamit ay sa kadahilanang

20
ditto sila komportableng gamitin at may pitong porsyento naman ng mga mag-aaral

na sa ibang dahilan nila ito ginagamit.

21
Grap blg. 3

Daloy ng komunikasyon kapag nakikipag-usap sa kamag-aral

25%
Centennial words
32%

Wikang Filipino

43% Wikang Filipino at Centennial


Words

Ipinapakita sa Grap blg. 3 na may apatnapu tatlong porsyento ang

gumagamit ng Wikang Filipino lamang sa kanilang pakikipag-usap samanatalang

tatlongpu dalawang porsyento naman ang gumagamit ng Centennial Words at Wikang

Filipino sa kanilang pakikipag-usap sa kanilang kamag-aral. Sa Wikang Filipino, ito’y

kanilang mas ginagamit sa pakikitungo kapag sila’y nakikipag usap sa kamag-aral

dahil mas maayos ang daloy ng pakikipag komunikasyon kapag gumagamit ng

Wikang Filipino ang kanilang ginagamit at dahil mas madaling maintindihan ang nais

nilang iparating. Samantalang may limampu pitong porsyento ang gumagamit ng

magkahalong salita na Centennial Words at Wikang Filipino, para sa kanila mas

22
nagiging maayos ang daloy ng kanilang Pakikipagkomunikasyon kapag iyon ang

kanilang ginagamit at para sa kanila ito ay mas madaling unawin. Sapagkat may

dalawampu limang porsyento naman para sa mga mag-aaral na gumagamit ng

Centennial Words lamang sa kanilang pakikipag-usap.

23
Grap blg. 4

Epekto ng Paggamit ng Centennial Words sa inyong pakikipag-usap

4%
16%

2%
Lubos na Mabuti
Mabuti
Lubos na Masama
Masama

78%

Sa grap na ito, ipinapakita ang porsyento nang nagsasabi ng epekto

ng Paggamit ng Centennial Words sa kanilang pakikipagkomunikasyon sa kanilang

kamag-aral. May pitumpu’t walong porsyento ang nagsasabing mabuti ang epekto ng

paggamit ng Centennial Words sa kanilang pakikipagkomunikasyon sa kanilang

kamag-aral. Ayon kay Hill(sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et

al., 2000)Ang isang wika ay maaaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo.

Bunga ng pagiging malikhain ng tao, maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong

salita. Ang pinakamuhasay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at

pangkabataan.Ngunit may labing anim na porsyento ang nagsasabing masama ang

epekto ng ng paggamit ng Centennial Words ng mga mag-aaral sa kanilang

24
pakikipagkomunikasyon. Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), Ang balbal na salita ay ang

di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo

ng lipunan. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na

makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging

bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o solusyon ang suliraning

ito.

25
Grap blg. 5

Maaaring dahilan ng mga tao sa paggamit ng Centennial Words

5%
9%

Makisabay sa uso

Naipapahayag ang sarili

55%
31% Maging "In"

Maibahagi ang mga


makabagong kaalaman

Sa grap blg. 5, makikita dito na may limampu limang porsyento ang

nagsasabi na kaya nila iyon ginagamit ay dahil nais lamang nila na makisabay sa uso.

Samantalang tatlumpu’t isang porsyento naman ang nagsasabi na kaya nila ito

ginagamit dahil ito ang paraan nila upang maipahayag nila ang kanilang sarili. Ayon

kay Cafford (1965) Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas.

Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga,

dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal,

nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito.

26
Grap blg.6

Epektibo ba ang Centennial words sa pakikipag-usap sa kamag-aral

8%

26%
Oo , dahil nagiging maayos ang
daloy
20%
Oo, dahil nagkakaroon ng
lubusang pagkakaunawa
Hindi, dahil hindi mauunawaan

Hindi, dahil hindi komportable

46%

Ipinapakita sa grap blg.6 na mas marami ang lubusang nakauunawa

sa paggamit ng Centennial Words sa pakikipag-usap. May apatnapu anim na

porsyento ang sumagot ng lubusan nilang nauunawaan at dalawampu’t anim naman

ang sumagot sa maayos ang daloy ng pakikipag-usap.Mas maganda gamitin ang

Centennial Words sa pakikipag-usap sa mag-aaral at mas naiintindihan nila pag

ginagamitan ng Centennial Word pagnakikipag-usap sila. Halos animnapu apat na

porsyento ang lubos na nakakapag-unuwaan sa paggamit ng centennial words.

27
Grap blg. 7

Epekto ng paggamit ng Centennial Words sa pagkakaunawaan ng mga

mag-aaral

Mabuti sapagkat nagiging


makabuluhan at mas
10%
napapadali ang
pakikipagkomunikasyon
Mabuti sapagkat mas
15% nagkakaunawaan ang mga nag-
uusap
48%
Masama dahil hindi
nagkakaintindihan ang mga
nag-uusap

27% Masama dahil walang direksyon


ang daloy ng komunikasyon

Ipinapakita sa grap na ito ang porsyento ng mga nagsasabi na

makabuluhan at napapadali, at nagkakaunawaan ang epekto ng kanilang

paggamit ng Centennial Words sa kanilang pakikipagkomunikasyon. May

apatnapu’t walong porsyento ang nagsabi na makabuluhan at napapadali para

sa kanila ang pakikipag-usap o komunikasyon sa iba kung ang gamit nila ay

Centennial Words. Samantalang may sampung porsyento ang nagsabi na may

masamang epekto ang paggamit ng Centennial Words dahil sa walang

direksyon ang daloy ng kanilang komuniksyon.

28
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang “Centennial Words

2017: Epekto sa Pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Mataas

na Paaralan ng Benigno “Ninoy” Aquino. Ang mga respondente ay binubuo ng apat

na seksyon na may limangpo (50) respondente. Ito ay ang mga Grade 11 Paradise,

Grade 11 Deluxe, Grade 11 Suite at Grade 11 Decartes. Sa aming pananaliksik, naisip

naming hingin ang persepsyon ng mga mag-aaral na sumailalim sa pagsisipat ng

“survey” Centennial Words 2017: Epekto sa Pakikipagkomunikasyon ng mga mag-

aaral sa Baitang 11 sa Mataas na Paaralan ng Benigno “Ninoy” Aquino. Ito ay

isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit o pagbuo ng angkop na teknik tulad ng

talahayan o graph na nangangailangan ng maliwanag, tiyak, at lohikal na pagsususri

ng mananaliksik.

29
Konklusyon

Batay sa mga inilahad ng mga datos ang mga mananaliksik ay nagbigay ng

mga pagpapatunay ng mga konklusyon sa isinagawang sarbey ng mga mananaliksik

napag-alaman na maraming gumagamit ng Centennial Words sa Pakikipag-usap sa

kamag-aral.

1.Naging maayos ang daloy ng pakikipag-usap ng mga mag-aaral gamit ang

Centennial Words.

2.Naging mabuti ang epekto ng paggamit ng Centennial Words sa

pakikipagusap ng mga mag-aaral.

3.Ginagamit nila ang Centennial Words dahil ito ay uso at napapanahon.

4.Ginagamit nila ang Centennial Words dahil nagkakaroon ng lubusang

pagkakaunawaan sa isat isa.

30
Rekomendasyon

Matapos ang pagsasagawa ng pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mga

rekomendasyon nais ibahagi ng mga mananaliksik:

1.Iminumungkahi ng mananaliksik na tangkilikin ang Centennial Words dahil may

malaking tulong ito sa wikang Filipino.

2.Iminumungkahi ng mga mananaliksik na pagyamanin ang paggamit ng Centennial

Words sa pakikipagkomunikasyon bilang ambag sa Wikang Filipino.

31
SANGGUNIAN

PUBLIKASYONG ELEKTRONIKO

William J. Schroer, Generations X,Y, Z And The Others. (n.d.). Retrieved

November 30th, 2017, from http://socialmarketing.org/archives/generationsxy-

z-and-the-others/

VIVIEN DEL VALLE SEPTEMBER 30, 2017, Here’s A Quick Guide To Those

New Millennial Terms You’re Hearing From The Young’uns. (2017).

Retrieved December 1st, 2017, from http://www.wheninmanila.com/heres-

aquick-guide-to-those-new-millennial-terms-youre-hearing-from-the-

younguns/

November 8, 2016 by zjiezza, Ang Wikang Filipino Sa Makabagong Panahon.

(2016). Retrieved December 1st, 2017, from

https://vjntwika16.wordpress.com/2016/11/08/ang-wikang-filipino-

samakabagong-panahon-isang-pananaliksik/

FIDEL R. JIMENEZ August 28, 2014, Ang Pagsabay sa Uso ng Wikang Filipino.

(2014). Retrieved December 2nd, 2017, from

http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/376707/ang-pagsabay-

sauso-ng-wikang-filipino/story/

D.W. Maurer, Slang. (2013). Retrieved December 2nd, 2017, from

https://www.britannica.com/topic/slang

32
How Slang Affects the English Language. (n.d.). Retrieved December 14th, 2017,

from http://grammar.yourdictionary.com/slang/how-slang-affects-theenglish-

language.html

Laurene Holloway June 6, 2016, What are some ways slang language can affect

communication? (2016). Retrieved December 14th, 2017, from

https://www.quora.com/What-are-some-ways-slang-language-can-

affectcommunication

AMARAPA SUKSRIROJ March 2009, A Study of Informal English Language

Used in the Movie “The Holiday”. (2009). Retrieved December 14 th, 2017,

from

https://docs.google.com/viewer?a=v&pid=sites&srcid=Zy50bmkuYWMudGh8

YWphcm4tYnVuZGl0LWFudXlhaG9uZ3xneDo2Nzk5NTRlNWQ4ZmQxZDU2

33

You might also like