You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

I. LAYUNIN
a. Nabibigyang kahulugan ang salitang Cold War.
b. Naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin sa tuwing daratingsa kanilang
buhay ang pagkakataon tulad ng Cold War at kung paaano nila masusulusyuinan ito.
c. Nakagagawa an mga mag-aaral ng sariling buod tungkol sa Cold War.

II. NILALAMAN
a. Paksa: Kasaysayan at Epekto ng Cold War
b. Kagamitan: Graphic Organizer, Power point Presentation,Mapa ng Daigdig, Blackboard
c. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig Mateo, et.al p. 348-355
d. Pagpapahalaga: Makatao at Makabansa

III. PAMAMARAAN:
A. Pagtatala ng lumiban sa klase
B. Pagwawasto ng Takdang-Aralin
C. Pagbabalik- Aral
Gawaing-Guro Gawaing Mag-aaral
-Ating babalikan ang ating pinag-aralan tungkol sa -Ma’am, kaisipan
Ideolohiya.
-Magbigay ng isa o higit pang salita na inyong
masasabi tungkol sa Ideolohiya
- Magaling, Ano pa? - batas po, Ma’am
-Tama, Ano pa? - Ma’am, pamamalakad po
-Mahusay, mayroon pa ba kayong maidadagdag? - Ma’am, panuntunan po
-Mahusay, mayroon pa ba kayong maidadagdag? - Ma’am, patakaran po
- Magaling, class. - Ang Ideolohiya po ay mga kaisipan,
-Base sa mga salitang inyong binanggit, Ano ngayon panuntunan, batas, pamamalakad at gabay na
ang ideolohiya? sinusunod ng isang pamahalaan.
- Magaling, Anu-ano naman ang mga halimbawa ng - Sosyalismo ito ay tugon sa hindi makatao,
mga Ideolohiya na lumaganap sa daigdig? hindi pantay at hindi makatwirang relasyon
ng mga bourgeoisie at proletariat.
- Ano pa? - Demokrasya ang kapangyarihan ay nasa
kamay ng tao at pantay-pantay na
karapatan ng mga tao.
- Magaling, Ano pa? - Kapitalismo nakasentro ito sa akumulasyon
ng kapital upang higit na mapalago ang
negosyo.
- Magaling, Lahat ng inyong nabanggit ay tama.

D. Pagganyak
Sasama ka ba?
Gawaing-Guro Gawaing Mag-aaral
-Mukhang naintindihan niyo na ang ating talakayan - Opo, Ma’am
kahapon at handa na kayo sa ating bagongaralin, pero
bago iyan, tayo muna ay maglaro. Ang tawag sa
larong ito ay “Sasama ka ba?”
-Handa na ba kayo?
-Okay, sige. Pupunta ako ng USA at USSR, - sapatos po, Ma’am
magdadala ako ng upuan, ikaw, anoang iyong
dadalhin?
-sapatos, hindi ka kasama. Sino pa? - umbrella po, Ma’am
-Alright, kasama ka. Sino pa? -bag , Ma’am

-Hindi ka kasama. Sino pa? -unan po, Ma’am

-Okay, kasama ka -Ma’am, ang napansin ko po sa salitang


-Okay class, Ano ang inyong napansin sa mga umbrella at upuan ay nagsisimula sa letrang
binanggit ninyong bagay na inyong dadalhin? Bakit U. Kaya po sila kasama ay dahil ang inyo
sinabi kong kasama ka at hindi ka kasama? pong binanggit na bansa ay USA at USSR na
nag-uumpisa sa letrang U.

-Magaling, nakuha niyo ang nais kong iparating.


-Class, tandaan niyo na ang bansang USA at USSR
ay may kinalaman sa ating paksang– aralin sa araw
na ito.

E. Paglalahad
Gawaing-Guro Gawaing Mag-aaral
-Magpapakita ako ng larawan, tukuyin niyo ang nais -Ma’am, ang nais ipahiwatig po nito ay Cold
ipahiwatig nito. War.
-Tama, ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol -Ma’am, digmaan po na hindi gumagamit ng
saCold War. dahas, lakas-militar o pisikalan
-Ano ang pumapasok sa inyong isipan kapag nabasa
ninyo ang salitang Cold War?
-Magaling, Ano pa? -Ma’am, digmaan ng ideolohiya ng
dalawang pinakamakapangyarihang bansa
-Magaling, Sabi ninyo dalawang -Ma’am, USA at USSR po.
pinakamakapangyarihang bansa.
-Ano ang dalawang bansa ang tinatawag na
superpower?
-Mahusay. -Ma’am,Kapitalismo at Demokrasya
-Ano ang ideolohiyang pinaniniwalaan ng USA?
-Ano naman sa USSR? -Ma’am, Komunismo at Sosyalismo
-Nag-unahan ang dalawang superpower na bansa na -Ang Third World ay ang mga bansa na
manakop ng mga bansa na Third World countries, ano mahirap, baon sa utang at dating kolonya ng
ang Third World? mga malalakas na bansa.
-So, marami ng nasakop ang dalawang superpower na -Ang Domino Theory ay tumutukoy sa
bansa, diyan na pumapasok ang Domino Theory. Ano sunod-sunod na maipluwensyahan ng
ang Domino Theory? malakas na bansa ang isang mahirap na
bansa.
-Halimbawa, mayroon akong isang basket ng -Ma’am, mabubulok din po. Mahahawa po
magagandang kamatis tapos lalagyan ko to ng isang yung magagandang kamatis sa kamatis na
kamatis na bulok, ano ang mangyayari sa iba pang bulok.
kamatis?
-Magaling, Sa oras na masakop na ng superpower ang -Ang satellite po ay mga bansa na kapanalig,
isang bansa, matatawag na silang satellite. Ano ang kaalyansa o bansa na nasa ilalim ng
Satellite? impluwensya ng mas malakas at
makapangyarihan na bansa.
-Magaling, nakita natin na may kanya-kanyang ng -Ang Iron Curtain po ay ang pagkakahating
satellite ang dalawang superpower na bansa na ideolohikal ng Europe
naging dahilan ng pagkakahati ng Europe. Ang
pagkakahating ito ay tinatawag na Iron Curtain. Ano
ang Iron Curtain?
-Tama, Ano pa? -Ito po ay ang ideolohikal na balakid sa
Europe
-Mahusay, Tama ang inyong mga sagot. Ngayon -Ma’am,tumigil po ang ugnayan,
class, noong nagkaroon ng Iron Curtain sa Europe pakikipagkalakalan, telekomunikasyon at
anong nangyari? paglalathala

-Tama, nakita naman natin na maraming bansa na ang -Ma’am,ang alyansang- pangmilitar ay
naging kaalyado ng dalawang superpower na bansa, tumutukoy sa samahang pang depensa ng
kaya bumuo sila ng kanya-kanyang alyansang- dalawang superpower na bansa.
pangmilitar. Ano ang alyansang- pangmilitar?
-Very Good, so naintindihan niyo na ang depinisyon -Yes, Ma’am
ng Cold War ?
-Ngayon, dumako tayo sa ibat-ibang anyo ng Cold -Proxy war po, Ma’am
War. Sino sa inyo ang makapagbibigay ng halimbawa
ng mga anyo ng Cold War?
-Tama, ano pa? -Space race, Ma’am
-Tama, ano pa? -Pagpaparami ng armas, Ma’am
-Tama, ano pa? -Propaganda warfare po, Ma’am
-Mahusay, ano pa? -Espionage, Ma’am
Ano ang SALT I? -Strategic Arms Limitation Talks I
Ano ang layunin nito? -layunin nito na limitahan an paggawa ng
armas
Ano ang layunin ng SALT II? -bigyang diin ang relasyon ng dalawang
superpower na bansa
Ano ang Non-Proliferation Treaty? -pinagbabawalan ang mga malalakas na
bansa na gumawa ng armas nukleyar
-Magaling -Para po sakin, kapag ang isang bansa ay
-Ano ang dahilan ng mga bansa kung bakit sila maraming armas kaysa sa iba, pinapakita
nagpaparami ng armas? lang nito na sila ay mas makapangyarihan na
bansa kaysa iba.
-Magaling, so class, naintindihan niyo na ba ang -Wala na po, Ma’am
ating pinag-aralan ngayon? May tanong ba kayo or
any clarifications?
-So ibig sabihin naintindihan niyo ang ating
talakayan. So kumuha kayo ng isang-kapat na papel
at sagutan ang talasalitaan.

F. Pagsasanay
Talasalitaan
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
Hanay A Hanay B
____1.magulo a. umiral
____2.pakikipagkapwa b. masalimuot
____3.pakikialam c. kapanalig
____4.nanaig d. pakikitungo
____5.ideolohiya e. panghihimasok
____6.digmaan f. gabay
____7.alyansa g. giyera
____8. First World h. makapangyarihang bansa
____9.superpower i. mahirap na bansa
____10. Third World j. bansang industriyalisado

G. Pagpapahalaga
Gawaing-Guro Gawaing Mag-aaral
- Sa pagkakaibigan o kahit anumang relasyon - Opo, para hindi na lumala ang away at
mayroon tayo sa buhay, darating ang panahon tulad humantong pa kung saan.
ng Cold War. Handa ka bang magparaya o gumawa
ng unang hakbang upang masulusyunan ito?
- Magaling, sino pa? -Opo, Ma’am, kasi mas matagal po kaming
nagsama, hindi ko po ipagpapalit yung
panahon na iyon sa maliit lamang na rason.
-Very well said, sino pa? - Opo, para lahat po masaya.
- Magaling
-So lahat ng naging opinion niyo ay tama, nawa’y
pahalagahan ninyo ang inyong pagkakaibigan at
relasyon sa inyong pamilya.

H. Paglalahat
Individual Output
Gagabayan an mga mag-aaral sa pagbuo ng sarili nilang paglalahat tungkol sa aralin sa
pamamagitan ng mga sumusunod na tanong:
a. Ano ang Cold War?
b. Ibigay ang dalawang superpower na bansa?
c. Ano ang mga anyo ng Cold War?
IV. Ebalwasyon
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ito sa
patlang bago ang bilang.

USA Cold War USSR Iron Curtain

Sputnik I Yuri Gagarin Proxy war Third World

Satellite NATO Neil Armstrong Warsaw Pact

___________1. Ito ay tawag sa digmaan na hindi gumagamit ng dahas.


___________2. Ito ay tumutukoy sa pagkakahating Ideolohikal ng Europe sa pangpulitika at
pangmilitar.
___________3. Ito ay tawag sa mga bansa na nasa ilalim ng impluwensya ng isa pang bansa.
___________4.
Ito ay tumutukoy sa dalawang superpower na bansa.
___________5.
___________6. Siya ang unang taong nakaikot sa daigdig sa kasaysayan.
___________7. Ito ay tawag sa digmaan nasa halip na ang dalawang superpower na bansaa ang
maglaban ay ang satellites nila ang naglalaban.
___________8. Ito ang pinakaunang space satellite sa kasaysayan.
___________9.Ito ay tawag sa mga bansa na mahirap, baon sa utang at dating kolonya.
___________10.Ito ang organisasyong itinatag ng US at ng kasapi nito bilang alyansang
pangmilitar
V. Takdang- aralin
Paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Neokolonyalismo sa
Kolonyalismo gamit angVenn Diagram

NEOKOLONYALISM
KOLONYALISMO
O
(pagkakaiba)
(pagkakaiba)

pagkakatulad

Inihanda ni:

FLORENCE S. FERNANDEZ
Guro sa Araling Panlipunan

Binigyang Pansin ni:

WILFREDO A. SOBRETODO

Principal

You might also like