You are on page 1of 2

CAMAT, JAN PONCE S.

BSE 1-A

Ang Filipino sa Inhinyera

ni Carlito M. Salazar

Reaksyong Papel

Sa nakaraang diskusyon tungkol sa paggamit ng Filipino sa Inhinyero


kung saan kwenento ni Carlito M. Salazar ang kanyang pagsisiyasat sa mga
magaaral sa kursong agham ng inhinyero sa pamantasan ng De La Salle.
Gayunpaman, Si Ginoong Carlito ay ginagamit na niya ang lengwaheng
Filipino sa pagtuturo ng Paksang pang inhinyera, Higit sa rito, Si Ginoong
Carlito ay nagsagawa ng pagsisiyasat kung ito ba ay epektibo sa kanilang
pagaaral. May mga mangilan-ngilan na gusto nila ang wikang Filipino sa
larangan ng agham dahil ito’y mas naintindihan ng magaaral. Ngunit sa kabila
ng lahat may mga estudyanteng gustong gamitin ang wikang ingles sapagkat
ito’y internasyonal na lengwahe na pwedeng gamitin sa iba’t ibang larangan
kagaya ng pakikipagtalastasan sa mga banyaga.

Bilang isang estudyante alam naman natin na ang wika ay sumasalamin


sa ating kultura bagamat kailangan din natin bigyang pansin ang mga taong
gustong gamitin ang lengwaheng Filipino sa pagtuturo at pagsusulat sa
larangan ng pagaaral.Ngunit sa paggamit ng termonolohiya gaya ng process
o proseso ay dapat din natin gawan ng paraan sapagkat ibang propesyor na
di nais gawing panglektyur ang wikang Filipino at gamitin ang sumusunod na
termonolohiya na gamitin ang wikang ingles.

May iba’t ibang puna ng mga estudyante na gamitin ang wikang


Filipino sa panturo. Narito ang mga ilan pagpupuna, “mas madaling
naiintindihan ang mga teorya at konsepto” at “Napapadali ang proseso ng
pag-aaral” gayunpaman ang mga ilang estudyante sumang-ayon dahil
napapadali ang pag-aaral, bilang isang nasa lebel ng kolehiyo mas lalo akong
nalilito at mas lalong hindi naiintindihan ang mga ilang mga paksa, ngunit
dahil na rin sa pagbabago ng teknolohiya may mga ilang bata na mas matatas
mag salita ng lengwaheng ingles.

Marami man ang may pabor meron din ang ibang estudyante na hindi
pabor gaya ng mga may dugong Chinese ang paggamit ng Filipino sa mga
teknikal na subjek, marahil sila’y mga banyaga nais din nila na mas lalong
maintindihan ang lektyur sa salitang ingles.
Naniniwala ako na ang wika ay isa lamang lengwaheng ginagamit natin
sa pang araw-araw na pamumuhay at dahil dito may pagkakataon din ang
mga propesor na magturo sa lengwaheng komportable sa kanila.
Sumakatuwid, dadating ang panahon na ang wikang ating ginagamit ay unti-
unting nawawala sa ating bayan.

Bilang isang guro sa hinaharap mas importante pa ang maintindihan


ang bawat paksang tinurturo ko. Dahil dito sa aking estudyante sa hinaharap
ay mas lalong maintindihan nila ang bawat tinuturo ko kahit sa anong
lengwahe pa ito. Marahil na rin sa pagbabago ng teknolohiya huwag na sana
natin kalimutang ang wikang pinaghirapan ng ating mga ninuno.

You might also like