You are on page 1of 1

Batang Ligaw sa Isang Paraisong

Makabuluhan
Isang Lakbay Sanaysay: Baker’s Hill, Palawan
Ni: LEIF ELDREI CELORICO

Bilang isang kabataan, ang pumunta sa mga


naggagandahang pasyalan ay siyang aking hangarin. Mga
lugar na maaring sikat at tinatangkilik ng mga turista, o ang
mga lugar na hindi pa masyado nadidiskubre. Sa isa sa mga
paglalakbay na aking natupad, isang lugar ang bumighani sa
akin – Ang Baker’s Hill na matatagpuan sa Puero Princesa.

Habang papalapit pa lamang sa pasukan, makikita ang mga


infrastrakturang may napakagrandeng desinyo. Ang mga
tanim na maririkit na hinugisan sa pamamagitan nang
panggugupit. May mga estatuwa rin akong kinamanghaan
sapagkat ang laki nito ay maihahambing sa laki ng tao. Mas
lalo ko namang ikinatuwa nang makita ko ang mga buhay
na mga exotic na hayop tulad ng peacock. Mayroon ring
mga iskulturang maaari mong pakibahagian upang
makakuha ng magaganda, at minsan, nakakatawang litrato.
Mayroon ring mga dekorasyon kung saan ang mga
bulaklak ay pinalilitaw sa tubig, napakamarikit!

Sa bawat lugar na aking


napuntahan at pupuntahan pa
lamang, hindi maaari na
walang pagkaing makain! At
dahil nasa Baker’s Hill tayo, syempre, kailangang may fresh na
tinapay! Ang kanilang hopia ay kailangan mong matikman dahil
tiyak na hindi ka mahohopia! Maaari mo itong kainin mismo sa
kanilang bakery, o maaari ring bumili upang ipang-pasalubong.

Sa aking buong pananatili, hindi nawalan ng saya ang aking katawan. Bata ka man o
matanda, mahilig sa tinapay o hindi, bagay na bagay ang lugar na ito sa lahat! Tiyak na
mag-eenjoy ka!

You might also like