You are on page 1of 3

ANG KAHARIAN SA PARAISO

Lakbay sanaysay ni Joshua Laurence G. Palcon

Tunay ngang bawat pook o lugar ay may sarili nilang maipagmamalaki. Maaaring
pagkain, tao, o ang mismong lugar nila, at marami pang iba. Ngunit, ano pa nga ba ang
mas gaganda sa dumiskubre at maglakbay patungo sa isang lugar na pagmumulan ng
masasayang alaala? Halina’t samahan nyo ako sa isang kaharian sa paraiso.

Nang minsang magbakasyon ang aming mga kamag-anak mula pa sa ibang


probinsya, inaya ko silang gumayak nang sagayo’y maipasyal ko sila sa isa sa
pinagmamalaking tourist spot ng aming Barangay, ang “Alamid Function Hall and Hotel”
sa Pagbobongon, Sto. Domingo, Nabua, Camarines Sur. Malayo pa man ay amin nang
natatanaw ang mga kumukutitap at
nagliliwanag na mga gusali na tila’y
isang kastilyo sa mga kaharian na
ating napapanood sa pelikula o ‘di
kaya’y nababasa sa libro. Maging
ang kanilang pamungad ay hindi
maitatangging kamangha-mangha
sapagkat hindi pa man kami
nakakapasok ay napakadami na ng
larawan na aming nakuha. Kami’y labis pang natuwa sapagkat nagkataon pang
mayroong bandang tumutugtog at kumakanta para sa mga turista. Isa pa sa mga
kakaiba sa lugar ay ang replika ng
eroplano sa tuktok ng isa sa mga
gusali. Sa likod naman ng mala-
kahariang lugar na ito ay isang paraiso
kung saan isang bughaw at
napakalinaw na tubig ang sa mga
turista’y nag-aantay. Mayroon ding tila-
barko kung saan hindi ka sasakay
upang lumayag papunta sa ibang lugar
bagkos ay upang lumangoy-langoy sa loob nito.

Sa maliit na halaga ay sandamakmak na alaala na ang maaari ninyong mabuo


ng iyong mga kaibigan, pamilya, at lahat ng mga minamahal sa buhay. Mga alaala na
mababalikan sa pamamagitan ng mga magagandang larawang nakuha o kinunan sa
kakaibang lugar na ito. Kaya’t ano pang hinihintay nyo? Halina sa kaharian sa paraiso.
ESTUDYANTE SA TAG-INIT
Replektibong Sanaysay ni Joshua Laurence G. Palcon

Bilang mag-aaral, ramdam at alam ko ang mga pagsubok na nararanasan ng


mga kapwa ko estudyante. Mula sa mga personal na pagsubok hanggang sa mga
nararanasan ng karamihan. Isang halimbawa ng mga pagsubok na ito ay ang
kinakaharap naming mga estudyante ngayon na matinding init. Sa tingin mo,
makakapag-aral ka pa kaya ng maayos kung pawisan ka na?

Mula nang magsimula ang tag-init, madalas nang sumakit ang ulo ko. Nagkataon
pang walang bentilador sa kung saan ako nakaupo. Lalong mas nagiging kalbaryo pa
tuwing araw na kasama ako sa mga nakatakdang maglinis. Bawat kilos ng aking paa sa
paglalampaso ay siya ring pagpatak ng aking pawis, ang malala pa ay kung
nakalimutan kong magdala ng panyo at ng baong tubig. Mabuti na lamang ay kung may
kaibigan kang magpapahiram ng panyo sayo at kung may pera kang pambili ng bottled
water. Kaya kung minsan, mapapatanong ka na lang talaga sa sarili mo. Kaylan kaya
babalik sa dati na bakasyon tuwing summer?

Makatwiran lamang na ibalik ang dating school calendar na Hunyo hanggang


Abril ngayong grabeng init ang nararanasan naming mga estudyante. Maaari din kasing
magdulot pa ito ng mga sakit kung hindi maaaksyunan. Mabuti na lamang ay kung lahat
ay katulad ng karamihan sa mga pribadong paaralan na halos lahat ng silid-aralan ay
may air-con. Hindi naman maitatanggi na maging ang mga electric fan sa mga
pampublikong eskuwelahan ay hindi sapat upang maibsan ang sobrang init.
Magkataong may bentilador man ay hindi parin ito makakatulong bagkos ay
makakasama pa dahil mainit na hangin naman ang ibinubuga nito. Mas gugustuhin mo
pa talagang magpaypay.

Ayon sa Department of Education (DepEd), nasa pinuno na ng bawat bayan o


probinsya kung magsususpende sila ng klase dahil sa sobrang init. Ito ay alinsunod sa
memorandum ng DepEd kung saan maaaring magkansela ng face-to-face classes ang
mga pampubliko at pribadong eskuwelahan dahil sa matinding init. Kaya naman laking
tuwa ko nang makita ang facebook post ng aming gobernador patungkol sa pagkansela
ng mga klase nang magkakasunod na araw noong nakaraang lingo. Ngunit, kung
magpapatuloy ang ganitong sistema, pagkatuto naman naming mga mag-aaral ang
mababawasan. Mabuti na lamang at nagdesisyon ang aming paaralan na mayroon ng
klase ngayong lingo ngunit tuwing umaga lamang upang maiwasan ang sobrang init
tuwing tanghali hanggang hapon.

Nararapat lamang na ibalik ang dating school calendar upang kaming mga
estudyante ay makaiwas sa sobrang init. Huwag na nating hintaying magkasakit pa
kaming mga estduyante. Kailangan ng maibalik ang dating skedyul ng pasukan sa
susunod na taong panuruan sapagkat ito’y isang bagay na hindi na dapat patagalin pa.
Sa tingin mo, makakapag-aral ka pa kaya ng maayos kung pawisan ka na?

You might also like