You are on page 1of 1

Kabataan: kawal ng Pagbabago

Ni: lemicia offemaria corpuz

Mga batong buhay… napadpad sa parang,

Palamuting butil… sa saysay ay kulang.

Tangay lang ng tubig at sunud sunuran,

Sa hampas ng alon ay ayaw lumaban.

Pagkat hindi tulad ng graba’t buhangin,

Binistay, pinala’t,hinalong mariin.

Laman ng gusaling tumayong magiting,

Matatag na moog… mahirap gupuin.

Ang mga kabataa’y batong may silbi,

Pag-asa ng bayan hibik ay pagkasi.

Aming babaguhin sa layong mabuti,

Ang bansa, lipunan, at maging sarili.

Pipigilan naming maling agos ng tubig,

Ibabaling ang landas sa tama’t matuwid.

Hanggang ang bumukal sa puso ay pag- ibig,

Wala na ang dahas, poot at ligalig.

Kabataang si kristo ang loob at diwa,

walang bahid dungis… tapat sa panata,

at kapag nagsama’y budhi ang dambana.

Binuklod sa tinig… pananampalataya!

Mga kabataan… kawal ng pagbabago,

Kamay ng pag-asa ng mga Pilipino

Tayo ang bukas… dangal ng ninuno,

ang bukang liwayway ng bagong milenyo!

You might also like