You are on page 1of 2

Makabayan na kabataan

mula kay: John Kenley T. Serrano

Pilipino ako, lahing kinagisnan

Lahi ng matatapang aking kinalakihan.

Panuntunan ng bayan aking pakatatandaan,

Isasapuso, isasagawa, at gagampanan.

Ang aking kultura’y hindi kalilimutan

Ito’y iingatan, pagyayamanin, at babantayan.

Nang hindi maglaho ang lahing ipinaglaban

At pahalagahan pang higit ng mga kabataan.

Sa ating paaralan ‘wag kalimutan ang sariling wika

O anong kahihiyan kung ito’y mawawala.

Sabi nga, ang hindi magmahal sa sariling wika,

Ay higit pa sa hayop at malansang isda.

Kapwa Pilipino ating mahalin at tulungan

Nang hindi mapag-iwanan sa ating lipunan.

Huwag ibagsak, siraan, at kamuhian.

Pagmamahal at pagtitiwala lang ang tanging kailangan.

Nang may magbago sa ating Inang bayan,

Maging matalino at mapanuri ngayong halalan

Upang hindi maghirap lalo na ang kabataan

At ng sa huli’y wala tayong pagsisihan.


Bilang kabataan ako’y nagagalak

Sapagkat dugong Pilipino sa aki’y nakatatak.

Mahalin ang bayan, ang kapwa, at ang sarili

Upang hindi maglaho ang sakripisyo ng ating mga bayani.

NAME: JOHN KENLEY T. SERRANO

SECTION/YEAR: BTVTED- ANIMATION-1A

You might also like