You are on page 1of 3

AklasanNi Amado V.

Hernandez

MITOS SONG
*@F-1 2 LINES
*MITOS Panahon na …1*
*LAHAT Panahon na …2*
*SAMPAYAN AKLASAN 1*
*LAHAT MOVE @ F-2 3N Say,,, AKLASAN!!! 4*

LAHAT
Nangatigil ang Gawain sa bukirin.

Nagpapahinga ang makina sa pabrika.

Natiwangwang ang daunga’t pamilihan.

At sa madla ay nagbanta ang dalita.

Nangalupaypay ang puhunan at kalakal.


Nangasara ang lahat na…

*OMBAO WELGA !!! 1*


*MOVE@ F-3 CIME CIRCLE SAY,,
WELGA!!!4* AFTER UPO
SAMPAYAN NAKATAYO ,,
Nangasara!3x pati bangko nangasara!!

MAHINA Nakatayo,,
Bawa’t sipag, bawa’t lakas ay umaklas.
Diwang dungo’t ulong yuko’y itinayo.
Ang maliit na ginahis ay nagtindig.

KATAMTAMAN Nakatayo
Pagka’t bakit di kakain ang nagtanim?
Ang naglitson ng malutong, patay-gutom.
Ang nagbihis sa makisig walang damit.

MALAKAS NAKATAYO
Ang yumari ng salapi’y nanghihingi.
Ang gumawa ng dambana’y hampas-lupa.
Ang bumungkal niyang yaman, nangungutang.

LAHAT
Bakit? Bakit laging lupig ang matuwid?
Di nasunod pati Dios na nag-utos.
Di tinupad, binaligtad pati batas.
Ah, kawawa ang paggawa at ang dukha.
Laging huli, laging api, laging bigti!

*SAMPAYAN
Ang aklasa’y di tagumpay, kung sa bagay.
MAHINA
Nalilibid ng panganib, dusa’t sakit.
Pagka’t ito ay simbuyong sumusubo.
Pagka’t ningas na nagliyab at sumikab.

KATAMTAMAN
Pagbabangon ng ginutom at inulol.
Himagsikan ng nilinlang at pinatay.
Buong sumpa, poot, luha, ng paggawa.
Katapusan ng kasama’t pangangamkam.

MALAKAS
At sa wakas, bagong batas, bagong palad!

SOUND MOVE F-4 BIG V


LAHAT
II
Nguni’t habang may pasunod
Na ang tao’y parang hayop,
Samantalang may pasahod
Na naki’y isang limos,
Habang yaong lalong subsob
At patay sa paglilingkod
Ay siyang laging dayukdok,
Habang pagpapabusabos
Ang magpaupa ng pagod,
Habang daming nanananghod
Sa pagkaing nabubulok
Ng masakin at maramot,
Habang laging namimintog
Sa labis na pagkabusog
Ang hindi nagpawis halos,
At habang may walang takot
Sa lipunan at Diyos,
At may batas na baluktot
Na sa ila’y tagakupkop,

*SOUND RED TOWEL SA ULO


MOVE
F-5 1 LINE SAY
Ang aklasan ay sisipot
At magsasabog ng poot,

*SCENE
OMBAO AND MITOS

*SAMPAYAN
AKLASAN!!! 1*
*LAHAT
AKLASAN!!!!1*

*ACTION SAMPAYAN

*SAMPAYAN SONG
SOUND MOVE@F-6 1 LINE
Ang aklasa’y walang lagot,
Unos, apoy, kidlat, kulog,
Mag-uusig, manghahamok
Na parang talim ng gulok,
Hihingi ng pagtutuos
Hanggang lubusang matampok,
Kilalani’t mabantayog
Ang katwirang inaayop,
Hanggang ganap na matubos
Ang Paggawang bagong Hesus
Na ipinako sa kurus.

You might also like