You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Saint Augustine Institute


Gigaquit, Surigao Del Norte

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakapagpapaliwanag sa dalawang uri ng paghahambing.


b. Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga pahayag sa paghahambing.
c. Naipapakita ang pagkakaisa sa anumang pangkatang Gawain.

II. PAKSANG-ARALIN
Kaantasan ng Pang-uri (Pahambing)
Sanggunian: Timbulan III.1998 p. 158-159
Kagamitan: PPT, ispiker, kagamitang biswal

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Paghahanda

a. Panalangin
b. Pagtala ng liban
c. Balik-aral

A. Pagganyak

a. Basahin muna natin ang mga layunin na


kailangan nating matamo pagkatapos ng ating
aralin ngayon umaga.

Ngayon, handa na ba nating gawin ang lahat


ng mga layuning iyan? Opo. Handa na.
Dahil handa na kayo ay magsimula na tayo.
Simulan natin ang ating klase ngayon sa isang
laro.
Ito ay ang PINOY HENYO. Alam niyo ba kung
paano laruin ang Pinoy Henyo? Opo.

Meron tayong bolang ipapasa. Habang


nagpapatugtog ako dito ng isang kanta ay
ipapasa niyo ang bola sa inyong mga katabi at
kung sino ang huling may hawak ng bola kapag
itinigil ko na ang kanta ang siyang taya. Handa
na?
Opo Ma'am.
Ok. Si Marianne ang panghuling may hawak
ng bola. Pumunta ka na rito sa harap
Marianne at nang masimulan na natin ang
laro. Huwag kang titingin sa likod dahilan
diyan nakasulat ang salitang iyong huhulaan.
Handa ka na ba? Handa na po.

Simulan mo na. Hayop?


(Hindi)
Bagay?
(Hindi)
Tao? Bahagi ng katawan ng tao?
(Oo)
Ilong? (Hindi)
Bibig? (Hindi)
Mata? (Oo)

Palakpakan naman natin si Marianne dahil


nahulaan niya ang salita. Ang salitang ito ay
MATA.

Mula sa salitang nahulaan, isusulat niyo sa


pisara ang mga salitang naglalarawan sa
MATA. Maaaring parirala man o salita. Kung
sino man ang may gustong sumulat ay
pumunta sa harap at isulat sa pisara.

Ok. Bigyan ng isang bagsak ang mga


matatapang na pumunta rito sa harap.
Kulay puti
Ngayon ay basahin ng sabay-sabay ang mga Malaki
nakasulat sa pisara. Bilog

Ang mga nakasulat sa pisara ay ang mga


salitang naglalarawan sa MATA.

b. Sa pagkakataong ito, meron tayong


babasahin klas na teksto na kung saan
pagkatapos nating basahin ito ay may mga
katanungan akong ibabato sa inyo. Handa na
ba ang lahat? Kayo ang magbabasa sa unang
pangkat banda rito, kayo naman diyan sa
pangalawang pangkat, at diyan sa pangatlong
pangkat, at si ma'am naman ang mag-babasa
sa pang-apat habang ang panghuling talata ay
sabay-sabay nating babasahin.
Basahin natin ito ng malakas at malinaw. Pangkat I:
Unahin natin ang unang pangkat. Sabay-sabay. Sa panahong ito ng digital age kung saan
bahagi na ng buhay ang internet, cable
television, video games, smart phones, tablet
at iba pang modernisasyon sa komunikasyon
at sa pamumuhay, nagiging mas mabigat ang
hamong kinakaharap ng mga magulang sa
pagpapalaki ng mga anak na may mabubuting
pagpapahalaga at magagandang asal kaysa sa
nakalipas na limampong taon.

Pangkat II:
Ayon sa pag-aaral, halos 75% ng mga sanggol
mula isang taon ay nakapanood ng telebisyon
at 37% sa mga ito ay nakapanood araw-araw.
Kung ganitong istatistika ng mga sanggol,
isipin na lamang ang dami ng oras na igugugol
ng mga bata mula 2 hanggang 17 taon sa
harap ng telebisyon.

Pangkat III:
Maraming mga mabubuting asal ang naituturo
ng mga palabas na napapanood sa telebisyon
ngunit higit na marami pa rin sa mga ito ang
nagtuturo ng maling pagpapahalaga tulad ng
karahasan, paglaganap sa mga bisyo tulad ng
pag-inom, paninigarilyo at iba pa.

Pangkat IV:
Idagdag pa dito ang pagkakahumaling ng mga
kabataan sa Internet at sa mga video games
na nagdudulot ng maling pagpapahalaga. Pangkat V:
Kailanman, lalong mahalaga ngayon ang
presensya ng mga magulang upang maagapan
ang hindi magandang bunga ng impluwensya
ng digital age sa mga bata. Mahalaga pa rin
ang pagsunod ng mga anak sa payo ng mga
magulang.

Naunawaan niyo ba ang inyong binasa?

Subukin natin ang inyong kakayahan. May mga Opo.


katanungan ako dito tungkol sa inyong binasa.
HALINA'T MAGBAHAGI:
1. Totoo nga kayang mas mabigat ang hamong
kinakaharap ng mga magulang sa pagpapalaki
ng mga anak sa kasalukuyang panahon ?
Patunayan.

Opo. Dahil po sa mga bisyo ng mga kabataan


ngayon , ang pagkahumaling sa mga gadget at
2. Kung ikaw ang magulang, ano ang gagawin ubos-ubos ang oras sa telebisyon at wala nang
mo upang mapalaki pa ring mabubuti ang magawa.
iyong mga anak sa kabila ng mga bagay nan
aka-impluwensya sa kanilang kaisipan at pag- Disiplinahin po ang mga anak tulad po ng
papahalaga? paglilimita sa kanila. Dapat may tamang oras
ang panonood ng telebisyon at paggamit ng
gadget.

3. Kung ikaw naman ang anak at pinagsabihan


ka ng iyong magulang na maghinay-hinay sa
paggamit ng telebisyon, smart phone at
internet, susunod kaba o susuway? Bakit? Susunod po. Dahil para naman po sa ikabubuti
naming yon. Para sa aming magandang
kinabukasan.
Ngayon ay balikan natin ang ating binasang
mga talata at pansinin ang mga salitang
nakasalungguhit. Sa unang talata, ano ang
nakasalungguhit?
Sa pangatlong talata?
At sa panlimang talata?
Mas mabigat.
Ok. Ngayon, suriin natin ang mga salitang iyan. Higit na marami.
Ano ang inyong napapansin? Lalong mahalaga.

Magaling. May paghahambing na nagaganap


sa mga salitang iyan. Paghahambing.
Ano nga ba klas ang tawag sa mga salitang
naglalarawan o naghahambing ng maaaring
dalawang pangngalan o dalawang panghalip?
Ok. Balikan natin ang unang tanong. Ano ang
tawag sa mga salitang naglalarawan na
tinatawag natin sa Ingles na Adjective?
Bigyan natin ng isang bagsak. Tama, pang-uri
ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng
pangngalan o panghalip. Pang-uri po.
Ang pang-uri klas ay may tatlong kaantasan.
Isang kaantasan lamang pokus natin sa
umagang ito. At anong tawag natin sa
kaantasang ito kung saan naghahambing ng
dalawang bagay, dalawang tao o kaya'y lugar
at pangyayari?

Ok. Isang bagsak para kay Vince.


Ito ay pang-uring pahambing.
B. Pagtalakay sa Paksa

Sa umagang ito, ang pagtutuunan natin ng


pansin ay ang mga pang-uring pahambing.
Basahin natin ng sabay-sabay ang kahulugan.

PAHAMBING
Meron tayong dalawang uri. Ang una ay -ang tawag sa pang-uri kung ito ay
tinatawag nating Pasahol o Palamang. Anong naghahambing o nagtutulad ng dalawang
ibig sabihin nito? Nagsasaad ng nakahihigit o pangngalan o panghalip.
nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang
pangngalan o panghalip na pinaghahambing.
Gumagamit ito ng mga katagang MAS, HIGIT,
LALONG, DI GAANO, DI GASINO at iba pa.
Meron tayong mga halimbawa rito. Basahin ng
sabay-sabay.

Halimbawa:
1. Mas mahirap ang hamon sa mga magulang
ngayon kaysa noon.
2. Lalong mahalaga ngayon ang gabay ng mga
magulang sa mga digital age na bata.

Ano ang inihahambing sa unang halimbawa?

Tama. Alin ang mas mabigat?


Ang hamon sa mga magulang ngayon kaysa
Sa pangalawa naman, ano ang inihahambing? noon po.
Ang hamon sa mga magulang ngayon.
Ok. Naunawaan? Yan ang unang uri ng antas
ng pang-uri. Punta naman tayo sa Na mas mahalaga ang gabay ng mga magulang
pangalawang uri. Ito ay ang Patulad. Basahin ngayon kaysa noon.
ang kahulugan.

Nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na


katangian ng dalawang pangngalan o
Dito naman tayo sa halimbawa. panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito
1. Ang internet at telebisyon ay parehong ng mga panlaping SING/SIN/SIM, MAGSING,
masama kapag nasobrahan. KASING o ng mga salitang KAPWA, PAREHO.
Sinasabi ba dito na mas masama ang
telebisyon kaysa sa internet?
Pareho silang masama. Ibig sabihin ang
hambingang nagyayari ay magkapantay.
Pangalawang halimbawa. Basahin. Hindi po.

Alin diyan ang pahambing na pang-uri?


2. Ang pagsunod at pagtanggap sa payo ng
Klas, ano ulit ang dalawang uri ng pang-uring magulang ay kapwa mahalaga.
pahambing? Kapwa mahalaga.

Sa puntong ito ay sususbukin natin ang inyong


kakayahan kung talaga bang naintindihan niyo Pasahol o Palamang at Patulad
ng mabuti angating diskusyon. Nais kong
magbigay kayo ng halimbawa ng pangungusap
gamit ang pang-uring pahambing.
Ok. Ano ang pang-uring pahambing doon?
Nasa anong uri ito? Mas mataas ang talon ng kangaroo kaysa
Magaling. Sino pa? palaka.
Yun. Anong pang-uring pahambing ang Mas mataas
ginamit? Pasahol o palamang po.
Nasa anong uri? Ma'am. Magkasingganda si Kathryn at Nadine.
C. Pangkatang Gawain Magkasingganda
Patulad
Meron ako ditong mga Cartolina. Ito ang
inyong susulatan. Makinig muna sa panuto.
Bubuo kayo ng Hugot Line o Kasabihan na
ginagamitan ng paghahambing at sabihin kung
anong uri ng pahambing ang ginamit.
Magkakaroon tayo ng tatlong grupo. Maaari
na kayong magtulungan at pag-isipan ang
inyong awtput. Kung sino ang mauunang
matapos ay may dagdag puntos. Pero bago
kayo magsimula ay may halimbawa ako dito.

Halimbawa:
Ang tumahimik ay mas mainam gawin
kaysa laitin ang kapwa natin. - Pasahol

Higit na mainam makipag-kaibigan sa mga


dukha kaysa makipagplastikan sa mga
maykaya. -Pasahol

Naintindihan na? Maaari na kayong


magsimula.

Palakpakan niyo ang inyong mga sarili. Pero


dahil nauna ang unang pangkat, sila ay may
dagdag puntos.

D. Pagtataya

Panuto: Basahin natin ang pangungusap sa


bawat bilang. Piliin ang mga pahayag na
naghahambing. Pagkatapos suriin kung anong
uri ito ng pahayag na naghahambing.
1. Katulad ng palay, naging mainam na
hanapbuhay ang pagtatanim ng manga sa
Guimaras.
2. Mas sariwa ang simoy ng hangin sa bukid di
tulad ng hangin sa lungsod.
3. Magkasimbait sina Jade at John.
4. Ang manga sa aming lugar ay higit na
matamis kaysa sa Iloilo.
5. Kasinsipag ng mga magsasaka ang mga
mangagawa.

E. Takdang-Aralin/ Kasunduan

Magdala ng pahayagano dyaryo sa susunod na


pagkikita.
Inihanda ni:
Bb. Marianne R. Dagooc

You might also like