You are on page 1of 5

Kevin Hizon

PAMANTAYAN NG ESTUDYANTE SA PAG-PILI NG TAMANG KURSOKABANATA IKALIGIRAN NG


PANANALIKSIK

Panimula

Madaming kurso sa ating bansa ang pwedeng kunin ng mga estudyante subalit bawat isa sa mga
estudyante ay nahihirapan pumili ng kanilang kursong kukunin dahil sila ayapektado sa anumang kurso
na kanilang kukukunin. Maaring magkaroon ang estudyante ngmabuting buhay pagkatapos ng pag-aaral
sa kolehiyo at maaring magkaroon ng trabaho ayonsa pinag-aralan subalit maari ding kabaligtaraan ang
maging epekto nito sa estudyantemaaring pagkatapos ng kanilang kolehiyo ay hindi sila makahanap ng
trabaho o iba angtrabaho nila sa natapos na kursong kanilang kinuha.Maiilalahad na ang mga estudyante
na tumingil sa kolehiyo ay dahil mali ang pag- pili nila ng kursong kanilang kukunin at dahil mali ang
kanilang napiling kurso nawawalansila ng interest at nababaliwala at nasasayang ang kanilang kasanayan,
angking talino, at pera.Sinasabi din na ang pag-iisip, kasanayan at pagkakaroon ng interes ng
isangstudyante sa kanyang kursong kukunin ay makakatulong upang makapili ng isang mabutingkurso.

a pamamagitan ng pag-aaral na ito, mailalahad ang mga mahahalagangimpormasyon ukol sa


pamantayan ng pagpili ng mga estudyante sa tamang kurso para sakanila nang sa gayon ay mabatid ng
lahat ng patapos na estudyante sa sekundaryo ang mgamaaaring maidulot nito sa ating pag-aaral sa
kursong kukunin, at upang maibigay angnararapat na lunas para dito.

Paglalahad ng suliranin

Sa pag-aaral na ito, sisikaping sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1.Ano-ano nga ba ang pamantayan sa pag-pili ng tamang kurso?

2.Sino-sino nga ba ang pipili ng mga kurso sa kolehiyo ayon sa mga sumusunod?

a.Kasarian

b.Edad

c.Antas ng pagaaral

3.Sa anung paraan pipili ng kurso?

4.Bakit kailangan pumili ng nasa pamantayan?


Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Isa sa mga mahalagang layunin ng pag-aaral na ito ay upang magkaroon ngkamalayan ang mga patapos
na estudyante sa sekundaryo sa pagpili ng kursong kanilangkukunin pagdating nila sa kolehiyo. Sa
pamamagitan din ng pag-aaral na ito,makakagawa ng mga solusyon sa pagpili ng tamang kurso. Ito rin ay
maaaring magingsimula upang mapa-unlad ng patapos na mga estudyante sa sekundaryo ang
kanilangintelektwal na abilidad, partikular sa kanilang kursong kukunin.

Saklaw at limitasyon ng Pagaaral

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pamantayan ng pagpili ng tamang kurso ng mgapatapos na


estudyante sa sekondaryo. Nangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik samga patapos na mag-
aaral sa Osias College . Ang mga mag-aaral na kasama sa pag-aaral na itoay nabibilang lamang sa isang
seksyon na binubuo ng apatnapung (40) estudyante. Bagamatnagbigay ng ilang impormasyon ukol sa
epekto ng maling kursong napili ng estudyante ang mgamananaliksik, hindi ito gaanong pinalawak,
bagkus ay ginamit lamang bilang pantulong naimpormasyon tungkol sa pamantayan ng tamang pagpili
ng kurso.Tinalakay din sa pag-aaral na ito ang ilang mga kailagan na mga kurso sa Pilipinas ngunithindi ito
kalawakan bangkus ginamit lang itong basehan sa pagpili ng kurso.

Kahulugan ng mga Katawagan

Kurso -mga klase sa isang partikular na larangan ng pag-aaral.Kolehiyo - isang institusyon ng mas
mataas na; madalas ay bahagi ng isang unibersida

Demand - mga mas kailangan.

BSIT -Bachelor of Science in Information Technology

BSCS - Bachelor of Science in Computer study

HRM -Hotel and Restaurant Management

BSBA -Bachelor of Science in Business Administration

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na maykinalaman sa


ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mgaliteratura at pag-aaral na
inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ngmga mambabasa, lalo na ang
mga kasama sa bahaging
K ahalagahan ng Pag-aaral. Mayroon dingmga bahagi na makapagbibigay-ambag sa napapanahong mga
isyu partikular sa pagpili ngtamang kurso.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Rocky Rivera.Ang pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ngkursong kukunin ay hindi
dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para saisang espesyal na okasyon at kapag
hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay puwedemong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya
ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi itomaari, dahil ang oras na iyong nagamit ay hindi na maibabalik
pa. Nabanggit din ni Taylor (1997) na maraming mga mag-aaral ang mayroong magandang
pagkakaunawa sa mga natura ngkanilang napiling propesyon alinsunod sa pagpasok sa isang propesyunal
na edukasyon. Sila rinay may kakayahang makagawa ng higit pa sa kanilang inaakala sa natura ng
pagsasagawa sadarating na panahon. Samakatuwid, ang pagkaunawa sa kanilang napiling kurso at ang
kanilangmakaugnayang karanasan ay maaaring mailakip sa basehan ng pagpili o criteria.Dahil sa matibay
ang prinsipyo ni Rocky Rivera nadagdag pa niya sa kanyang artikulo na

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito
ng lakas at oras.

Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik
kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga itodahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay
maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.

Ang mga nakasulat sa artikulo kung ito ay base sa aking pan-sariling karanasan at obserbasyon sa mga
taong aking kakilala at malapit sa aking puso.

KRONOLOHIKAL

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga estudyanteng patapos na sa sekundaryo saOsias Collges at ito
ay nakapokus sa mga basehan ng mga estudyante.

ESTUDYANTE =NAPILING KURSO =BASEHAN =1TAMA=2 MALI


KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa pagkakabuo at pagkakagawa


ng plano sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat disenyo ng pananaliksik, Lokasyon at mga
tagatugon, sampling na pamamaraan, at instrumentong ginamitay nailahad din sa bahaging ito.

LOKASYON

Ang pagaaral na ito ay nagawa sa Osias Colleges tarlac city isang iskwelaan ng mgaelementarya at
sekundaryo na kung saan duon ginampanan ang pangangalap ng mga datos samga estudyante na nasa
ikaapat na taon at patapos na sa sekundaryo.

TAGATUGON

Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nasa ika-apat na taon sasekyon na 4-

Aat binubuo ng (40) apat na pung patapos na sekundaryo sa Osias Colleges TarlacCity.

PAMAMARAAN

Ang pamamaraan na ginamit pananaliksik o pag-aaral na ito upang kumuha ng mga datosna kikailangan,
ang mga maniliksik ay gumamit ng mga talatanungan na ipinamahagi sa mgaestudyanteng patapos na sa
skundaryo sa aktwal na obserbasyon sa mga tagatugon.

NSTRUMENTONG GAGAMITIN

Ang mga ginamit na instrument para sa mga datos na nagamit ng maniliksik ay ang mgasumusunod,
libro, internet, diyaryo o magazine na naging mahalagang datos para sa mgatagapagbasa ng pag-aaral na
ito.

Ang ginamit sa mga pangangalap ng mga datos sa mga tagatugon ay ang surbey, mgatalatanungan na
nagsasaad ng basehan ng kanya kanyang pananaw na patapos na estudyante saOsias Colleges

You might also like