You are on page 1of 8

Gamit ng Panandang Diskurso

Ang mga panadang diskurso ay nagpapakita ng pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungusap o


bahagi ng texto.

Tatlo ang uri ng tungkuling ginagampanan ng panandang diskurso:

1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o Gawain. Ang mga


panandang ito ay pagkatapos, saka na ,ng sumunod na araw, sa dakong huli, at iba pa.

Halimbawa:

Kaugnay nito, bawat pamahalaan ay naglalaan ng salapi, panahon, at pagkilos nang sa dakong huli ay
magkaroon ang lahat ng pagkakataong marating ang isang mataas na uri ng edukasyon.

2. Mga naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso. Ang panandang ito ay mauuri sa mga
sumusunod:

a. pagbabagong-lahad (sa ibang salita, sa madaling sabi, sa ibang pagpapahayag, kung iisipin)

Halimbawa:

Sa madaling sabi, mapalad ang mga bansang maunlad na sapagkat napagkalooban nito ng lahat ng
pangangailangan ang bawat mag-aaral tulad ng makabagong kagamitan sa pagtuturo.

b. pagtitiyak (katulad ng, tulad ng sumusunod, sa kanila)

Halimbawa:

Ang Japan ay katulad ng iba pang mauunlad na bansa sa daigdig na gumagamit ng teknolohiya sa
impormasyon para sa pagpapabuti ng edukasyon.

c. paghahalimbawa (halimbawa, nailarawan ito sa pamamagitan ng, isang magandang halimbawa nito
ay)
Halimbawa:

Isang magandang halimbawa nito ay ang pagsisikap ng mga guro at maging ng mga mag-aaral na
makatugon sa nasabing kurikulum.

d. paglalahat (bilang paglalahat, bilang pagtatapos, sa madaling salita, anupa’t)

Halimbawa:

Bilang paglalahat, iniaakma ngayon ng China sa pagbabago at pangkabuhayang pag-unlad ang sistema ng
edukasyon.

e. pagbibigay-pokus (Bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa, magsisimula ako sa)

Halimbawa:

Samantala, nanatili sa bernakular ang mga tungkol sa pagtuturo sa mababang paaralan.

f. pagkakasunud- sunod ng pangyayari (una, sunod, bilang pagtatapos)

3. Mga panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda. Ang mga panandang ito ay sa aking palagay,
kung ako ang tatanungin, subalit, kaya lamang, kung, bagaman, at iba pa.

Halimbawa:

Kung may sapat at maayos na pasilidad ang isang bansa, matagumpay nitong maisusulong ang pagtaas
ng antas ng karunungan ng bawat mamamayan.

ASPEKTO NG PANDIWA

Ang pandiwa ay nagbabanghay sa tatlong aspekto na tumutukoy sa panahong ginanap,ginaganap, at


gaganapin na kilos.
1. Aspektong Perpektibo o naganap- nagsasaad ng kilos na nasimulan na.

hal:

Nanalo sa paligsahan si Mario noong isang lingo.

Napadapa si Allan kahapon.

Kumain ng manggang maasim si Letty.

2. Aspektong Imperpektibo o panghinaharap - nagpapahayag ng kilos na kasalukuyang ginagawa.

hal:

Naglilinis ng kwarto ang mga bata.

Kumakaway ang kaniyang mga tagahanga.

Umaakyat sa puno ng niyog si Harold

3. Aspektong Kontemplatibo - nagpapahayag ng kilos na gagawin pa lamang.

hal:

Kakain ng bayabas si Cora mamaya.

Iinom ng tubig ang mga manlalaro.

Aakyat sa bundok ang mga makakaibiga.

POKUS NG PANDIWA

Pokus o tuon ng pandiwa ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

1. Tagaganap o aktor - ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang
tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
hal: Ang mga bata ay naglalaro sa gitna ng daan.

2. Layon o Gol - ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin
sa pangungusap.

hal: Ang mansanas ay kinain namin.

3. Ganapan o Lokatib - ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng
kilos.

hal: Pinagdarausan ng buwang-buwang eksibit ang Intramuros, Manila.

4. Tagatanggap o Benepaktibo - ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos
na isinasaad ng pandiwa.

hal: Ipinaghanda niya ng masarap na kakanin ang mga panauhin.

5. Gamit o Instrumental - ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o


pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.

hal: Ipinanggupit niya ng papel ang kutsilyo.

6. Sanhi o Kusatibo - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o
sanhi ng kilos.

hal: Ikinalungkot ng Pangulo ang kaguluhan sa lungsod ng Zamboanga.

( pokus ng pandiwa ay nagpapakita ng relasyon ng pandiwa sa simuno.)


Filipino 8

Seatwork

I. PANUTO: Hanapin sa mga sumusunod ang angkop na panandang diskurso upang nabuo ang kaisipan na
ipinahahayag ng pangungusap

Tungkol sa

kung

Bilang paglalahat

Pagkatapos

katulad ng

1. _______________, patuloy na ang pagsulong ng mataas na antas ng edukasyon sa Asya.

2. Magiging maayos ang sistema ng edukasyon _______________ palaging sinasanay ang mga guro sa
makabagong kaalaman.

3. _______________ na maiangkop ng mga bansang Asyano ang makabagong teknolohiya, tiyak na


maibibilang na rin sila sa mga idustriyalisadong bansa.

4. Ang Japan ay _______________ United states sa pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya.

5. Ang bagong kurikulum ay _______________ lalo pang pagpapataas ng antas ng karunungan.

II. Piliin ang pandiwa at ibigay ang aspekto nito.

1. Kumikilos ang bawat mamamayan sa pagsugpo ng paglaganap ng narkotiko.


2. Inabot niyang may sakit ang kanyang kapatid.

3. Kapag masipag ka, bibigyan ka nila ng mabuting sahod.

4. Saan ka ba paroroon?

5. Babalikan ang naiwang kong asignatura sa susunod na semestre.

6. Lumapit siya sa altar at taimtim na nagdasal.

7. Sila’y nag-aaral sa aklatan.

8. Mag – aaral sila uli ng leksyon pagkatapos kumain ng hapunan.

9. Huhulihin ang mga nagtitinda ng bawal na gamot.

10. Napipinsala ang mga kabataan dahil dito.

III. Gamitin sa pangungusap bilang kaganapan ang mga sumusunod na salita/parirala.

1. Kanyong kawayan (layon)

2. Ng mga bata (tagaganap)

3. Sa likod-bahay (ganapan)

4. Poong Hesus (kagamitan)

5. Para kay Junior (tagatanggap)

6. Sa pagbabasa (sanhi)

7. Uling (kagamitan)

8. Tatlong sacristan ( tagaganap)

9. Ng mga bagong damit at sapatos (layon)

10. nanaog (ganapan)

IV. Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa mga pangungusap at tukuyin ang kaganapan nito.
_____ 1. Nakarating sa buong panig ng mundo ang kahusayan ni Manny Pacquiao.

_____ 2. Ipinagmalaki ng mga Pilipino ang manlalarong ito.

_____ 3. Ang kamao at deteminasyon ay ginamit niyang sandata upang magtagumpay sa buhay.

_____ 4. Ginawa niya rin ito para sa mga Pilipino.

_____ 5. Sinimulan ang gawaing ito sa General Santos.

_____ 6. Buong sikap na naabot ang tagumpay dahil naniwala ang binata sa kanyang sarili.

_____ 7. Ang tao ay dapat matutong magpaunlad ng sarili sa pamamagitan ng sariling kakayahan.

_____ 8. Maraming tao ang patuloy na nasasadlak sa kahirapan dahil sa kakulangan ng pagsisikap sa
buhay.

_____ 9. Nakita nating ang tamang paggamit ng anumang kaloob ay nakapagbibigay ng tagumpay sa tao.

_____ 10. Nagtagumpay ang kanilang layunin dahil sa matalinong paggamit ng kakayahan at kayamanan.

_____ 11. Naglaan sila ng mga gantimpala para sa mga magsisipagwagi.

V. Gamit ang pandiwang nakasaad sa bawat bilang, bumuo ng pangungusap alinsunod ng hinihinging
pokus ng pandiwa:

1. Liban – Tagaganap

2. Hugas – Kagamitan

3. Lungkot – Sanhi

4. Luto – Tagatanggap

5. Laro – Ganapan

6. Walis – Tagaganap

7. Kain – Layon

8. Tulog – ganapan

9. Timpla – Tagatanggap
10. Iyak – Sanhi

(Isulat ang nabuong pangungusap sa likod ng papel)

You might also like